Skip to main content

ANG ESKRIBA VOLUME V ISSUE I

Page 1

IKA-21 ANIBERSARYO NG PCCM, MATIMYAS NA GINUNITA SA LIKOD

NG BAWAT

Lakan at 4: i 202 Lakambin

yo n e s i D

onato g Kampey atuloy an p ag uso N , P at E T alino P akita ng T sa Pagpap

PCCM Annex,

kaagapay sa Bagong Siglo ng Edukasyon NI: SHAMILLE PAYOT

Upang tugunan ang pangangailangan sa kakulangan sa silid-aralan, ang Teacher Education Program (TEP) ay pormal nang lumipat sa Annex campus ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) noong ika-5 ng Agosto para sa taong pampanuruan 2024-2025.

“Masaya at nalulugod ako kasi maganda at malinis ang bago silid-aralan. Naniniwala ako na ang paglipat namin sa bagong eskuwelahan ay para na rin sa ikabubuti ng mga estudyante; hindi hamak na nakakagana pumasok kung ang mga silid-aralan ay maganda at malinis”, ani Anthony Alcantara, mag-aaral mula sa TEP.

Matatandaan na unang binuksan ang bagong annex campus upang maging silidaralan ng mga estudyante sa Office Administration Program (OAP). Dahil dito, sa kasalukuyan ang dalawang programa na ng paaralan ang namamalagi sa naturang kampus.

Kaugnay nito, isa sa mga proyekto sa paaralan ay ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan sa ikaapat na palapag sa nabanggit na annex campus. Layunin nitong mabawasan o maalis ang mga klase na hanggang gabi, upang hindi na kailangang umuwi ng mga estudyante ng hatinggabi.

Nito lamang Nobyembre 19, 2024 sa ganap na alas-tres ng hapon, binisita ni Meycauayan City Mayor at Chairperson ng PCCM Board of Trustees, Hon. Atty. Henry R. Villarica ang PCCM Annex Campus upang personal na masuri ang mga pasilidad at ang pag-usad ng konstruksyon ng mga bagong silid-aralan. Inaasahang magbibigay ang karagdagang silid-aralan ng mas maraming espasyo para sa

mga estudyante at mapabuti ang kalidad ng kanilang edukasyon. Makatutulong din ito sa kanilang kaligtasan at kaginhawaan, lalo na sa mga estudyanteng nagmumula sa malalayong lugar. “Maganda na rin ito sapagkat mas nabibigyan ng kaligtasan ang mga mag-aaral,” ani Bb. Gia Alexis Mantes, guro sa TEP

Enrollment Rate, tumaas ng 18.24% NI: MYERENE VILLEGAS

Umakyat ng 18.34% ang enrollment rate ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) sa pagpasok ng taong pampanuruan 2024-2025 kumpara noong nakaraang taon.

NI: RAFAEL ANDRADA

: Professional Style

Pumaimbulog sa umaatikabong entablado laban sa mga propesyonal na mananayaw ang lalawigan ng Bulacan na kinatawanan ng Professional Style (P-Style) ng Polytechnic College of the City of Meycauayan, matapos masungkit ang ikatlong pwesto sa Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) Dance Competition 2024, ginanap noong ika-21 ng Agosto, 2024, sa San Jose Del Monte, Bulacan, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng PYAP.

Ang pangkat ng Bulacan ay naghatid ng isang sayaw na pagtatanghal na minarkahan ng kahanga-hanga nilang koordinasyon bilang grupo at walang humpay na enerhiya, na nakatulong sa kanila upang makamit angnaturang puwesto. Ang pangunahing nag-ambag sa tagumpay na ito ay ang mga miyembro ng P-Style na sina Akaiko Angelus Villanueva, Nichole Joy Conel, Gina Mae Garcia, at Eirron Alfonso. Ang kanilang mga indibidwal na talento, pagtutulungan, at husay ang nagbigay daan sa kanila upang mamukodtangi.

Umabot sa kabuuang 1,632 na ang bilang ng mga mag-aaral na nag enroll para sa taong 2024-2025. Sa nasabing bilang, 504 ang nasa unang taon, 446 ang nasa ikalawang taon, 332 ang nasa ikatlong taon, at 350 naman ang nasa ikaapat na taon. Mas tumaas ang bilang ng mga mag-aaral ngayon taon kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 1,379 ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll sa unang semestre. Ang makabuluhang pagtaas ng enrollment rate ngayong taon ay sumasalamin sa patuloy na pagtitiwala ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya sa dekalidad na edukasyon na ibinibigay ng PCCM.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
ANG ESKRIBA VOLUME V ISSUE I by PCCM SCRIBES - Issuu