
1 minute read
Pagpapatupad ng diborsyo sa Pilipinas
from ICON 2019
by Pauliworld
ISINULAT NI ALYSSA E. REYES
Ang isyung diborsyo ay matagal nang pinagdedebatihan ng mga mambabatas. Ito na nagnanais na ihain para sa mga Pilipino ay itinuturing ding isang pamamalakad na sasangayon sa pamilya, mga bata, at kababaihan, sapagkat ayon sa karamihang pangyayari sa mga mag-asawa, mga babae ang gustong umalis sa mapang-abusong relasyon. Ang proseso nito ay magsisimula sa pagoobserba sa mag-asawa sa ilalim ng anim na buwan bilang huling pagsasama upang magkasundo. Ang pagpapatupad nito sa Pilipinas ay magbibigay diin sa tumataas na bilang ng mga inaabuso sa sariling tahanan. Kasama na sa panukalang batas na ito ang sitwasyon ukol sa pangangalaga sa mga anak, paghahati ng mga pag-aari ng mag-asawa, at “alimony” o pera na matatanggap ng isang asawa.
Advertisement
Kung sakali mang maipatupad ang diborsyo sa Pilipinas, tiyak na hindi mawawalan ng mga taong maapektuhan nito. Ang mga panauhin na pihadong maaapektuhan dito ay ang mga anak ng maghihiwalay na mag-asawa, dahil maaaring humina ang pakikipag-ugnayan ng mga anak sa mga magulang sa kadahilanan na hiwalay na ang mga ito, at posible rin itong makaapekto sa kanyang pagiisip o sa pagtanaw sa buhay. Maaari ring magdulot ang diborsyo ng emosyonal at pangkaisipan na pagkabalisa ukol sa karanasan nito na humantong sa diborsyo ang problemang mag-asawa. Ang pagdidiborsyo ay hindi pagtatapos ng responsibilidad bilang isang magulang sa mga anak, ngunit ito ay pagtatapos ng relasyon ng mga magulang.

Kung maipapatupad man ang diborsyo sa Pilipinas, maaaring mabigyan ang mga mag-asawa ng mas maayos na pamumuhay, at ang mga hindi sang-ayon sa diborsyo ay maaari pa ring manatili sa inaasahan nilang panghabang-buhay na relasyon. Kaya naman, hindi maaapektuhan ng diborsyo ang mga taong hindi sang-ayon dito, ngunit para sa mga taong may gusto nito, ito ay isang malaking tulong sa kanila. Ang Pilipinas ay hindi sekular na bansa na umaasa sa desisyon ng relihiyon; sa katunayan, ang Pilipinas ay binubuo ng maraming relihiyon, nagkataon lamang na ang Katolikong simbahan ay ang may pinakamalaking populasyon sa bansa.