
4 minute read
PosisyongPapel
20 HUNYO 2022 | 12STEM2205 | FELIX, JASMINE ELISHA D
Mas pinadali rin ang proseso ng paghithit sa madaling pagpindot o paghila sa kundisyon na ito ay naka-charge at may e-juice sa loob ng cartridge. Dahil sa mas malayang kalakalan sa Pilipinas at mabilis na life style dahil sa hustle culture, mas madaling magkaroon ng adiksyon na hindi lamang nalilimitahan sa nicotine bungad ng Instant Gratification sa mahirap na buhay. Maraming ring bilihan sa lokal na tindahan at online ng mga modernong sigarilyo (Vaping360, 2023).
Advertisement
Mas mura rin ang e-cigarette kaysa sa tradisyunal na sigarilyo. Sa sampung libong hithit, ang standard na presyo ng e-cigarette ay nagkakahalaga lamang ng tatlong daan at siyam na pu’t siyam na (399) Philippine-pesos. Ang sampung libo (10,000) na hithit ng sigarilyo naman ay nagkakahalagang limang libo’t lima hanggang walong libo’t limang pu na (5,005 - 8,750) Philippine pesos sa batayan na bumili sa lokal na tindahan ng may average na presyong pitong (7) Philippine-pesos kada stick. Aabutin ng pitong daan at labing lima hanggang isang libo’t dalawang daang limang pu (715-1250) na pirasong sigarilyo upang matumbasan ang e-cigarette cartridge capacity. (Tindahan ni Ka Cynthia, 2020).
Sa kabila ng mga positibong dulot ng e-cigarettes, hindi natin masasabi na ito ay ni-rerekomenda bilang pamalit sa cigarettes para mawala ang adiksyon. Sa pahayag ni Smiley (2018), ang ecigarettes ay mga “cigalikes” sapagkat ito ay sinasabing alternatibo sa tradisyunal na paninigarilyo ngunit binigyang-diin ng World Health Organization (WHO) na hindi nito inisaalangalang na ang e-cigs ay “aid for smoking cessation” o magpapapalit sa sigarilyo para mas maging malusog ang pangangatawan ng smokers o non-smokers (World Health Organization, 2022)
Ang likidong solusyon ay isang halo ng mga sangkap katulad ng Propylene glycol, Glycerol, Nicotine, Tetrahydrocannabinol, Vitamin E Acetate, at mga pampalasa Ito ay iniinit ng Heating Element or Atomizer na nagreresulta ng mga panibagong elemento katulad ng Propylene Oxide, Acrolein, Acetaldehyde, Formaldehyde, Acetamide, Metal particles (Copper, Nickel, Silver), at Silicate particles.
Sa pamamayagpag ng e-cigs, namamayagpag din alinsunod nito ang Vitamin E Acetate at Tetrahydrocannibol o THD na pinaniniwalaan ng Institute of Human Anatomy bilang dahilan sa kinikilalang sakit na EVALI, ang E-cigarette or Vaping Product Use Associated Lung Injury na may sintomas na malapit sa pneumonia (nstitute of Human Anatomy 2021). Sa isang kaso na nirebisa ni Doctor Youn (2023), ang flavored air na palaging nilalanghap ng isang batang gulang ay nagdulot sa pagkakaroon ng Fungal Pneumonia. Sa teorya ni Jonathan (Institute of Human Anatomy, 2021), ang nicotine ay may kadahilanan sa pagkapatay sa mga silia, ang mga buhok sa trachea na may trabahong magpanatili na hindi makakapasok ang mga dumi sa baga Dahil sa pagbawas ng mga ito, mas may oportunidad makapasok ang impeksyon sa katawan. Ang second-hand vapor ay nagiging kasabwat rin sa negatibong epekto ng vapor sapagkat may kapangyarihan ito mag-impluwensya ng kalusugan na nasa paligid katulad ng second-hand smoke.
Ukol sa pag-aaral ni na Marques, Piqueras, at Sanz (2021), ang epekto ng vaping sa respiratory system ay respiratory irritation, abnormalities sa respiratory function, lung oedema, airway epithelial injury, sustained tissue hypoxia, at ecigarette or vaping product use-associated lung injury or pinaikli bilang ‘EVALI’ Sa ibang bahagi ng katawan ay maaari ring ma-diagnose ng cytotoxicity, oxidative stess, increased inflammatory markers, impairment of endothelial function, increased platelet and leukocyte activation, increased platelet aggregation, increased arterial stiffness, at human carcinogen. Sa mga ito, napakita ang pagdagdag na pagkakataon na magkaroon ng respiratory complication at cardiovascular risk galing sa systemic inflammation at endothelial dysfunction sanhi ng iba’t ibang antas ng vaping kada araw.
Sa halip ng kontrobersidad sa ENDS, umusbong ang Electronic non-nicotine dispensing systems (ENNDS) na nagpo-promote ng non-nicotine products at FDA-approved pa ang lahat ng binebenta Ngunit may mga nakakalagpas sa gamay ng pulisya katulad na lamang sa isang kaso sa bansang Malaysia kung saan nahuli sa drug bust na hinahaluan ang e-liquid ng ilegal na droga na may mabangong amoy Ang Vape Narcotics ay isinasagawa sa maliliit na apartment building o rented space at binebenta sa lokal na tindahan o mga contacts bilang bagong modus upang mas mababa ang sitwayson na mahuli ang mga kasangkot (Undercover Asia, 2023).
Dumarami ang mga kabataan sa Pilipinas ang tumataliwas sa pag-eensayo ng Republic Act 11900 ng Department of Trade and Industry (DTI), ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022, kaya patuloy na binabalaan ng mga advocacy groups ang mga ito at hinihimok ang Commission on Higher Education (CHEd) na gumalaw sa isyung ito. Ang pagpangako ng DTI sa pag-monitor ng pagbenta ng e-cigarettes at mga heated tobacco products (HTPs) na may banta o karatulang labing walo (18) o dalawampu’t isang gulang (21) pataas lamang ang pwedeng gumamit ay dapat ine-ehersisyo ng mga tindero o tindero at ina-advertise sa mga bata at tinedyer na bawal sila bumili ng mga ito (Sarao, 2023) Ngunit limitado lamang ang kakayanan ng Child Protection Unit and Child Rights ng DepEd kung may permiso at pagtaguyod ang mga magulang sa probisyon ng vape. Ang Vape Epidemic ng kabataan sa bansa ay hindi dumadami upang mabasawan ang nicotine consumption pero nagpapalakas ng nicotine addiction ng bagong henerasyon sa panibagong paraan at estilo.
Ang pagbenta ng e-cigarette sa bansang Malaysia sa mga menor de edad ay napatunayan na hindi pinagbabawal ang aksyong hindi paghihingi ng uri ng identipikasyon o pagtatanong ng edad, kahit malaki ang nicotine content ng isang produkto sa anim na iba’t ibang tindahan (Undercover Asia, 2023). Sa pag-advertise ng vape, ang mga tindahan rin ay nagaanyaya ng mga tinedyer na magdala ng kaibigan upang bumili sa benepisyong discount sa bawat madala nito.
Ang kalusugan ay hindi lamang nakalimita sa pisikal na pangangatawan pero pati rin sa sikolohikal. Ayon kay Patten (2021) na maliban sa adiksyon, mas prone ang mga kabataan sa anxiety, depression, pagiging smoker, impotence, problema sa pagtulog, at suicidal ideation.
Sumunod sa dalawang argumento, ang sistemang kapitalismo ay karaniwang pinapahalagahan lamang ang konseptong supplyand-demand para sa kinabukasan ng komunidad. Government regulations on flavored tobacco products alone would not help, since corporations can bypass such regulations with their resources, saad ni Dalton (2023). Ang transgenerational misconception tungkol sa e-cigarettes na pinapakalat sa pamamagitan ng advertisements ay planado at sinusuportahan bahagya ng gobyerno sapagkat nakakatulong ito sa ekonomiya ng bansa. Kaya sa halip na matinding pinagbabawal, ipinapakita sa media na ito ay magandang alternatibo upang gumaling ang adiksyon o magmumukha ang isang tao na maangas imbis na patungo sa masamang kalusugan pagtanda
Pumapasok ang bagong trend bilang panibagong oportunidad ng ekonomiya na umunlad gamit ang adiksyon ng bagong henerasyon. Sa recreational activity na ito,