
1 minute read
Posisyong Papel


Advertisement



Bakit dapat irekonsidera at baguhin ang sistema ng pagbibigay ng mga takdang-aralin sa mga estudyante? pahayag ni Vincent Joshua Gilbero ukol sa pagbibigay ng takdang-aralin sa mga estudyante.
Ayon rin sa pag-aaral sa mga Espanyol na estudyante nila Fernandez-Alonso, PhD, at kaniyang mga kasamahan, natagpuan nila na noong nag-report ang mga batang mag-aaral ng mga takdang-aralin na nangailangan ng 90-100 na minuto upang matapos gabi-gabi, ay nagresultaito sa pagbaba ng kanilang mga marka. Ayon pa kila Cooper et al. sa pananaliksik nila noong 1987, na nakasaad sa artikulo ng American Psychology Association noong 2016, ang paggawa ng ibang mga bagay pagkatapos ng oras ng eskwela ay mayroong mga positibong epekto sa bata. Dinagdag niya pa na kung ang dami ng takdang-aralin ay pumipigil na sa isang bata na magkaroon ng akses sa paglilibang at iba pang gawaing pang-komunidad, ay hindi na ito nagsisilbing magandang bagay para sa bata.
Nagkaroon na ng polisiya ang Departamento ng Edukasyon patungkol sa hindi pagbibigay o pagbabawas ng ibibigay na takdang-aralin para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa elementaryang lebel - ang DepEd Memorandum No. 392 series of 2010, o "Guidelines on Giving Homework or Assignment to All Public Elementary School Pupils".