
26 minute read
Ano ang ibig sabihin sa linyang ito “…maging mapanuri sa mga istroyang nakikita
maging ligtas ka sa sakit at makapag-chat pa kayo ng madalas. Ngunit alam mo na mahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibili ng mga gadyet at ng palagiang pagbabayad ng internet. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kamag-aral? A. Hihinto ka muna sa pag-aaral. B. Pipilitin mo ang iyong mga magulang na bumili ng kinakailangang gadyet. C. Pupunta ka ng probinsiya at doon mag-aaral kahit na hindi naman totoo. D. Pisikal na papasok sa pinakamalapit na paaralan kasabay ang mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan. ______ 7. Pinapanatiling nasa ilalim ng GCQ ang inyong lugar kahit na bumababa na ang naitalang kaso ng Covid-19. Pinadalhan ka ng text ng iyong kaibigan at inimbita ka na lumabas ng bahay upang sabay kayong pupunta sa isang nakatagong internet cafe at maglaro ng inyong kinagigiliwang video games. Ngunit mariin na ipinagbilin ng iyong ina bago pumasok ito sa trabaho, na kinakailangan mo talagang manatili sa loob ng iyong tahanan sa mga panahong ito. Ano ang gagawin mo? A. Lalabas ng bahay at samahan ang kaibigan, saglit lang naman ito. B. Huwag pansinin ang kaibigan dahil masama ang kanyang binabalak. C. Kukumbinsihin ang sarili na walang masama sa paglabas kasama ang kaibigan. D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pananatili sa loob ng bahay dahil sa banta ng Covid-19. ______ 8. Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na saging pala ay isang mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa ulat, nagkakaubusan na ng saging sa maraming pamilihan sa inyong lugar dahil sa impormasyong ito. Kaagad mong ibinahagi ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo na ang balitang ito ay isang fake news. Ano ang gagawin mo? A. Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa. B. Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo. C. Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng balita. D. Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging. ______ 9. Isang kaibigan sa facebook ang nagpasa ng balita sa iyo na may isang tagabarangay na nag-positibo sa Covid-19. Sinabi niya sa iyo na hindi talaga sa kanya galing ang naturang balita kundi ito ay ipinasa rin sa kanya mula sa isang nababahalang netizen. Dagdag pa niya na kaya ipinasa niya ito sa iyo ay upang makaiwas ka at ng buo mong pamilya na mahawaan sa nasabing virus. Mariin din niyang sinabi sa iyo na kailangan mo ring ipasa ang impormasyon na ito sa iba pa upang sila rin ay makaiwas sa sakit. Ano ang gagawin mo sa kanyang panawagan? A. Madaliang ilagay sa iyong facebook wall ang balita. B. Ipasa kaagad sa mga kaibigan at kamag-anak ang impormasyon. C. Magtanong sa mga magulang kung totoo ang balita. D. Huwag pansinin ang balita ng kaibigan, natanto mo kasing nakahiligan na niya ang pagtsi-tsismis. ______ 10 Narinig mo mula sa isang kaibigan na nahihirapan na ang kanyang pamilya sa paghahanap ng bigas dahil sa community quarantine. Hindi na nakapagtrabaho pa ang kanyang ama at kapos daw ang tulong na natanggap nila mula sa inyong barangay. Awang-awa ka sa iyong kaibigan. Nais mong makatulong sa kanyang pamilya lalo na na marami pa kayong bigas sa bahay. Gayunpaman, palaging ipinapaalala sa iyo ng iyong mga magulang na hindi ka pinahihintulutan nila na lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo? A. Papuntahin ang kaibigan sa inyong bahay. B. Palihim na dalhan ng bigas ang kaibigan. C. Magpatulong sa magulang upang matulungan ang kaibigan. D. Magalit sa barangay dahil hindi nila lubos na natulongan ang kaibigan.
Ang Pagmamahal sa Katotohanan
Advertisement
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na: 1. Makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37) 1.1. Nakapaghihinuha na ang katotohanan ang siyang nararapat na batayan sa pagbuo ng ng isang mahalagang desisyon o pagggawa ng isang makabuluhang kilos
Ang katotohanan ay may kaugnayan sa prinsipyo ng katumpakan, katamaan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtiman at mabuting paniniwala. Sa pagtukoy sa katotohanan, ang malawak at mapanuring pag-iisip ay kinakailangan. Hindi lahat kasi ng ating nababasa, nakikita o naririnig ay totoo. Kaya kinakailangan ang masusing pagsusuri at ang pag-alam ng tamang impormasyon. Subalit sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao, lalo na ang mga kabataan, ay nalilito sa kung ano ang totoo o hindi. Kaya’t nararapat lamang na lalo pang pag-ibayuhin ang paglinang sa pagpapahalagang pagmamahal sa katotohanan, upang ang paggawa ng desisyon ay hindi lamang naaayon sa kagustuhan ng gumagawa nito bagkus ay ayon sa kung ano ang tama at totoo.
Ang Matapat ay Nagmamahal sa Katotohanan Dolores S. Quiambao
Sa aklat na Doctrine of the Mean, ipinaliwanag ni Confucius kung ano ang nagagawa ng katapatan sa tao at sa buong mundo: “Napakahalaga ng katapatan sa buhay ng tao. Ang taong matapat ay may pagmamahal sa katotohanan. Hindi niya kinakailangang magpanggap, nakakakilos siya nang tama. Ang taong nagmamahal sa katotohanan ay pumipili kung ano ang mabuti, at isinasabuhay niya ito. Ang katapatang ito ay nagiging kitang-kita. Mula sa pagiging kitang-kita, ito ay kaniyang ikinikilos. Mula sa kanyang ikinikilos, ito ay nagiging maningning. Dahil sa maningning, naaapektuhan nito ang iba. Dahil naaapektuhan ang iba, sila ay nababago nito. Dahil nababago sila nito, nagiging ganap itong pagbabago. Siya lamang na nagtataglay ng kompletong katapatan ang maaaring manatili sa langit upang makapagbabago nang tuluyan.”
Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na maging matapat lalo sa pangangalap ng tamang impormasyon. Hindi basta-basta naniniwala as mga sinasabi ng mga tao. Tinitiyak niya ang mga datos sa tunay na pangyayari.
Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang sinasabi sa aral ni Confucius? 2. Ano-ano ang naidudulot ng katapatan sa tao? 3. Sa inyong binasa, paano matitiyak ang ganap na pagbabago? Ihalintulad ito sa inyong sariling mag pagpupunyagi. Ano-ano ang mga ito?
Tayo ay may pananagutan sa ating sarili na siguruhing ang bawat kilos natin ay nakabatay sa katotohanan. Ang pagmamahal sa katotohanan ay maipapakita natin sa pamamagitan ng pagkalap ng datos sa tunay na pangyayari at paghahanap ng katiyakan ng tamang impormasyon. Kaya nararapat lamang na tayo ay maging mapanuri sa lahat ng bagay na ating mababasa o makikita o maririnig lalong-lalo na sa social media. Mahalaga din na tayo ay maglaan ng sapat na panahon para suriin ang mga impormasyon—mga impormasyon na may kaugnayan sa ating sarili, sa ating pakikipagkapuwa, at sa paggawa ng mga importanteng desisyon sa buhay.
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sitwasyon. Ano ang gagawin mo kapag naharap ka sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang. ______ 1. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo? A. Titigil sa pag-aaral B. Babawasan ang kinakain C. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan D. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera ______ 2. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong kasuotan sa isang palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo? A. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan B. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral C. Maghahanap ng damit na maaaring magamit D. Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan
______ 3. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamag-aral na alam mong higit na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang kaniyang kakayahan. Ano ang gagawin mo? A. Sasabihin sa kaklase na siya ang papalit sa iyo B. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon C. Sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay D. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-aral ______ 4. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan. Ngayong taon, dadalo uli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang papayagang dumalo. Isa ka sa napili. Nais magmasid ng bago mong kamag-aral kung paano pinamamahalaan ng mga opisyal ang sesyon, pero hindi siya kasama sa pinayagang dumalo. Ano ang gagawin mo? A. Hikayatin ang guro na isama siya sa mga dadalo B. Magkunwaring hindi naririnig ang pagigiit ng kamag-aral C. Hindi na sasama at ibibigay na lamang ang pribilehiyo sa kamag-aral D. Sabihin sa kamag-aral na ikukuwento na lang sa kaniya ang mangyayari ______ 5.Ipinatawag ka ng Adviser ng nakababata mong kapatid. Dahil sa paglalaro ay nadulas ang kapatid mo at nabalian ng buto. Iyak ito ng iyak ng makita ka. Natatakot siya na mapagalitan ng inyong mga magulang dahil kalalabas lang sa ospital ng tatay ninyo na nagkasakit. Ano ang gagawin mo? A. Tatawagan ang magulang at ipaaalam ang nangyari B. Hindi magsasalita ngunit titingnan nang masama ang kapatid C. Paaalalahanan ang kapatid na sa susunod ay mag-ingat siya nang husto D. Yayakapin ang kapatid mo at sasabihing lakasan niya ang kaniyang loob at gagaling din siya kaagad
______ 6. Isang hapon ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro kayo ng basketbol sa plaza pagkagabi dahil bukod sa hindi na mainit marami pang malalakas na ilaw doon. Kaya napagkasunduang dadaanan ka nila kinagabihan. Habang nasa bahay, naalala mo na kailangan mo palang mag-aral para sa iyong pagsusulit kinabukasan. Ano ang gagawin mo? A. Hindi na lang magpapakita sa mga kaibigan. B. Magdadahilan na may lakad kayo ng iyong pamilya. C. Sasama sa kanila dahil kailangan mong tuparin ang inyong usapan. D. Haharapin sila nang maayos at sasabihing kailangan mong mag-aral.
______ 7. Ngayong may pandemya naisip ng mga magulang mo na magtayo kayo ng sarili ninyong manukan upang pandagdag sa kita ng iyong pamilya. Kaya lang marami ang pumunta nito dahil ang puwesto na pagtatayuan nito ay malapit sa mga kabahayan. Dapat ba ninyong ituloy ito? A. Hindi, dahil sa maaaring ikasasama nito sa mga tao. B. Hindi, baka magagalit pa sa inyo ang pamilya ng kaibigan mo. C. Oo, sayang din ang kikitain nito lalong-lalo na sa panahon ng Covid-19. D. Oo, dahil karapatan din ng pamilya ko na magkaroon ng pagkakakitaan.
______ 8.Umalis ang iyong mga magulang at naiwan kayong magkakapatid sa bahay. Sabi nila na sandali lang ang kanilang lakad subalit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa sila nakabalik. Gumagabi na at nagugutom na ang iyong mga kapatid. Ano ang gagawin mo gayong wala ka namang alam sa pagluluto?
A. Piliting magluto kahit na hindi ka marunong. B. Umalis ng bahay upang hanapin ang mga magulang. C. Makiusap sa kapitbahay na bigyan kayo ng makakain. D. Papatulugin ang mga kapatid, lilipas din naman ang gutom.
______ 9. Nakita mo na nag-aaway ang mga nakababatang mong kapatid. Hindi ka na nagdalawang-isip pa at agad mong isinumbong sila sa iyong ama na alam mong mahigpit sa kaniyang pagdidisiplina. Kaya agad na naparusahan ang dalawa. Lingid sa iyong kaalaman ay nagtuturuan at nagsisihan pala sila kung sino ang kumuha sa imported na tsokolate na nakita at kinain mo kani-kanina lang. Tama ba ang ginawa mong pagsusumbong agad sa iyong ama? A. Tama, upang hindi na ulit mag-away ang magkakapatid. B. Mali, dahil inalam mo sana muna ang pinagmulan ng away. C. Tama, dahil dapat ay maparusahan agad sila ano pa man ang katwiran. D. Mali, dahil mas mabuti na balewalain na lang sila sa kanilang pag-aaway.
______ 10. Nabasa mo sa isang website na kahit bata ka pa at nasa bahay lang ay maaari ka ng kumita ng malaki. Maaari mo na daw umpisahan kaagad ang iyong online business kapag nakapag-deposito ka na ng limandaang piso sa nakalagay na bank account sa internet. Nagkataon naman na may naipon ka mula sa iyong allowance. Ano ang dapat mong gawin? A. Mag-deposito kaagad ng pera para makapagsimula. B. Udyokan ang mga kaibigan at kaklase para makasali din. C. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay lehitimong gawain. D. Mag-email sa may-ari ng website para manghingi ng karagdagang impormasyon.
Ang Mapanuring Pag-iisip
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na: 1. Makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37) 1.1. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kakayahan na mapanuri.
Pag-aralan ang infographics mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Tungkol saan ang infographics na ito? 2. Ano ang sinasabi ng infographics na nararapat mong gawin upang maiiwasan ang pagkahawa sa Covid-19? Ipaliwanag. 3. Ano ang maitutulong ng infographics na ito sa iyo at sa iyong pamilya?
Ipaliwanag. 4. Nararapat bang paniwalaan ang mga impormasyong ito? Bakit? Bakit hindi? 5. Ano ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip sa pag-intindi o pag-unawa sa nilalaman na ipinakita ng infograhics na nasa itaas?
Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan na mag-isip nang malinaw at makatwiran tungkol sa kung ano ang gagawin o kung ano ang paniniwalaan. Kabilang dito ang kakayahan upang makisali sa reflective at malayang pag-iisip. Bukod dito, ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamang tungkol sa pagkalap ng impormasyon. Kabahagi rin dito ang mahusay at kritikal na paggamit ng mga impormasyon upang malutas ang mga problema.
Batay sa kahulugan ng mapanuring pag-iisip na nasa itaas, nais kong punan mo ang graphic organizer na nasa ibaba ng mga katangian ng isang taong nagpapakita ng mapanuring pagiisip:
Taong may mapanuring pag-iisip
Panuto. Basahin ang kuwento at alamin kung nagtataglay ba ng mapanuring pag-iisip ang tauhan nito. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba.
Ang Gansang Nangitlog ng Ginto
May isang matandang babae na nag-aalaga ng Gansa. Ang Gansa ay nangingitlog paminsan-minsan. Isang araw ay nagulat ang matanda nang mapansing nangingintab ang itlog ng Gansa. Dali-dali niya itong pinulot at sinuri. Mabigat na mabigat ang itlog at nagniningning na parang ginto.
"Gintong itlog!" tuwang-tuwang nagsisisigaw ang matanda. "Nangingitlog ng ginto ang Gansa ko! Gintong itlog! Gintong itlog!" Masayang-masaya ang matanda sa gintong itlog na bigay ng Gansa. Lalo siyang natuwa sapagkat araw-araw nangingitlog ang alaga niya. Naging mayaman ang matanda. Nakabili siya ng malawak na lupa at nakapagpatayo ng malaking bahay at nakapamuhay nang masagana. Hindi naging lubos ang kaligayahan ng matanda. Para sa kanya napakabagal ng arawaraw na pangingitlog ng Gansa. Malalim siyang nag-isip. May sapantaha ang matandang tiyak na marami ang gintong itlog sa loob ng tiyan ng Gansa. "Nakatitiyak ako," ngingisi-ngising hula ng matanda, "na kung papatayin ko ang Gansang ito at kukunin ko ang lahat ng gintong itlog nito ay magiging pinakamayaman ako sa komunidad na ito!" Pinatay nga ng ganid na matanda ang Gansa. Nanghinayang siya sapagkat wala kahit isa man lamang na gintong itlog siyang nakita. Huli na ang lahat sapagkat hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng kaniyang alaga na nagbigay sa kaniya ng yaman at tuwa.
Source:https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-gansang-nangitlog-ng-ginto/
Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Anong uri ng gansa ang inaalagaan ng matandang babae? 2. Bakit naisipan ng matandang babae na patayin ang kanyang gansa? 3. Maituturing ba na may mapanuring pag-iisip ang matandang babae? Bakit? Bakit hindi? 4. Kung ikaw ang nasa katayuan ng babae, gagawin mo ba rin ang kanyang ginawa? 5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang mapanuring pag-iisip? Ipaliwanag.
Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan ng tao na gumawa ng isang maingat na pag-iisip o pangangatwiran gamit ang sapat at maaasahang ebidensiya o impormasyon. Sa pamamagitan ng mapanuring pag-iisip ay maiiwasan ng tao ang padalos-dalos at maling pagdedesisyon sa buhay. Ang isang tao na may mga kritikal na mga kasanayan sa pag-iisip ay magagawang gawin ang sumusunod: 1. maunawaan ang mga lohikal na koneksyon sa pagitan ng mga ideya 2. kilalanin, suriin, at buuin ang mga argumento 3. tuklasin ang hindi pagkakapare-pareho at mga karaniwang pagkakamali sa pagdadahilan 4. malutas ang mga problema sa sistematikong paraan 5. makilala ang kaugnayan at kahalagahan ng mga ideya 6. masasalamin ang pagbibigay-katarungan ng sariling paniniwala at mga halaga Ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamang tungkol sa pagkalap ng impormasyon. Ang isang tao na may mapanuring pag-iisip ay may kaalaman din kung paano niya gagamitin ang mga impormasyon na nasa sa kanyang mga kamay sa paglutas ng mga problema sa sarili at sa iba.
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat sa patlang. _____ 1. Tumutukoy sa _____________ ang mapanuring pag-iisip. A. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin B. pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon C. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba D. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya _____ 2. Nakita mong nagsusunog ng plastic at iba pang mga basura ang kaibigan mo sa bakuran nila. Ano ang gagawin mo? A. Isusumbong ang buong pamilya sa kapitan ng barangay. B. Awayin ang kaibigan dahil sa kaniyang pagpapabaya sa kalikasan. C. Ipaliwanag sa kaniya ang pinsalang dulot nito sa tao at sa kalikasan. D. Pababayaan lang siya dahil sa kanilang bakuran naman nangyari ito. _____ 3. Narinig mo mula sa isang programa sa TV ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malusog at malinis na pangangatawan. Nananawagan sila na kailangan mong seryosohin ang pangangalaga sa iyong sarili lalo na ngayon sa pahanon ng pandemya. Paano mo matutugunan ang panawagang ito? A. Araw-araw maglaro ng ML at iba pang online games. B. Palagiang magpagod sa pagtulong sa mga gawaing-bahay. C.Gabi-gabing magpupuyat sa panood ng paboritong telenovela. D. Piliting kumain ng mga masusustansiyang pagkain kahit hindi ito gusto. _____ 4. May patalastas sa TV tungkol sa isang produkto na mabisang makagagamot sa tagihawat. Hinimok ka ng iyong mga kaibigan na bumili nito upang tulad nila masosolusyunan na rin ang matagal mo nang dinadalang problema sa balat. Alam mong hindi ka mahihirapang bumili nito dahil maraming suplay nito sa botika.
Ngunit, may kamahalan ito at kapos ang pamilya mo sa pera ngayon. Pansamantalang natigil kasi ang ama mo sa kaniyang trabaho dahil sa ipinatutupad na quarantine sa inyong lugar. Bibili ka ba sa produktong ito? A. Oo, dahil marami na sa iyong mga kaibigan ang gumagamit nito. B. Oo, dahil ito na ang sagot sa matagal mo nang problema sa balat. C. Hindi, dahil pare-parehong di-makatotohanan ang lahat ng patalastas. D. Hindi, dahil hindi ito prayoridad na panggagamitan ng pera sa ngayon. _____ 5. Nabalitaan mo sa radyo na sangkot daw sa pagbebenta ng shabu ang tatay ng kaklase mo. Depensa naman ng kaklase mo na napagbintangan lang ang tatay niya sa kaso. Paano mo ngayon pakikitunguhan ang nasabing kaklase? A. Hindi mo na siya kikibuan magmula ngayon. B. Pagtawanan siya at sabihing siya ay nagsisinungaling. C. Layuan ang kaklase bago siya makaiimpluwensiya sa iyo ng masama. D. Bigyan mo siya ng lakas ng loob dahil nahihirapan din siya sa ngayon.
_____ 6. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo paglabas mo ng paaralan. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro ang kaniyang pag-anyaya. Ano ang gagawin mo? A. Agad na babalik sa paaralan B. Tatawagin ang guwardiya ng paaralan at sasabihin dito ang nangyari C. Lalapit sa iba pang mag-aaral at unti-unting lalayo sa di kilalang tao D. Lahat ng pagpipiliang sagot _____ 7. May lalaking nagsabi sa iyo na ibigay ang isang maliit na pakete sa isang taong naghihintay sa tindahan. Nangako siyang bibigyan ka ng P500 kapag ginawa mo ito para sa kaniya. Ano ang gagawin mo? A. Magsasabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao B. Hahanapin muna ang alok na P500 bago sumunod C. Sasabihin sa kamag-aral mo na samahan ka sa tindahan D. Sasabihin agad sa iyong guro at/o mga magulang ang nangyayari _____ 8. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ng tamang kaibigan. May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan A. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin. B. Gagawin ko ang gusto ko. Ako naman ang pipili ng kaibigan. C. Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyon mag-isa. D. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa kanilang anak. _____ 9. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math. Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksiyon mo? A. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan B. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit. C. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit. D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-usapan. _____ 10. Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng iyong klase sa isang video shop na malapit sa inyong paaralan. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon siyang ipagagawa sa iyo. Ano ang gagawin mo? A. Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao B. Ipaalam sa magulang ang sitwasyon C. Kausapin sila at ipaunawa na ang pakikinig sa utos ng magulang ay mas higit pa kaysa sa sariling kasiyahan D. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain
Ang Katatagan ng Loob
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:
1. Makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37) 1.1. Nakapagpapasiya nang mabuti gamit ang mapanuring pag-iisip at katatagan ng loob.
Mahalaga ang katatagan ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Ang katatagan ng loob ay ang pagkakaroon ng tibay ng kalooban sa pagharap sa alinmang suliranin na dumarating sa buhay. Nagiging matatag ang loob ng isang tao kapag handa at kaya niyang harapin ang mga pagsubok sa kanyang buhay gaano man ito katindi. Hindi siya basta-basta sumusuko at handa siyang magpatuloy na harapin at labanan ito. Ngayon basahin mo ang kuwento at alamin kung paano naipakita ang katatagan ng kalooban ng ilang mga mag-aaral sa Zamboanga del Norte.
Ilang estudyante sa Zamboanga del Norte, buwis-buhay para lang makapag-aral Published August 2, 2015 8:32pm
Marami sa ating mga Pilipino, gagawin ang lahat para lang makapag-aral at maabot ang ating mga pangarap. Hindi man mabiyayaan ng materyal na yaman, pilit pa rin tayong nagsusumikap para lang makapagtapos. Ayon nga sa kasabihan, tatawarin natin anumang dagat, susuungin anumang bagyo at aakyatin anumang bundok. Pero ang mga estudyante ng Oro Elementary School sa Dapitan City, Zamboanga del Norte, literal na umaakyat ng bundok para lamang makapasok sa kanilang paaralan. Araw-araw, pumipila sila sa paanan ng matarik na bundok ng Oro para akyatin ito, hindi alintana ang panganib ang kanilang kinakaharap. Pero hindi pa pala dito nagtatapos ang kanilang kalbaryo. Dahil may naghihintay pa pala sa kanilang mas buwis-buhay na daraanan - ang tinatawag nilang pampang! Kumpara sa Bundok Oro, mas matarik at mas delikado pa raw ang pag-akyat ng mga mag-aaral dito. Isa sa mga araw-araw na umaakyat sa pangpang ay ang 11-anyos na si Aibe. Kasakasama ni Aibe ang kaniyang inang si Aida, na isang Day Care teacher, para tulungan siyang umakyat. Dito raw kasi minsan nang malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ni Aibe.
Taong 2010, maulan daw noong sinubok na umakyat ni Aibe sa pampang. Malumot daw ang natapakan niyang ugat sa pag-akyat.
“Muntik sa siyang mahulog. Doon ko naramdaman ‘yung takot. Akala ko malaglag na siya sa ibaba,” pagkukuwento ni Aling Aida. Pansamantala raw na nagkaroon ng trauma si Aibe dahil sa insidente. Binalak pa raw niya noon na huwag nang tapusin ang kaniyang pag-aaral. Pero dahil pursigidong makapagtapos, nilabanan ni Aibe ang kaniyang takot. At sa tulong ng kaniyang ina, muli niyang tinahak ngayon ang masukal na bundok. Walong taon na raw tinatahak nina Aida at Aibe ang buwis buhay na kabundukan. Dahil gusto ni Aida na makapagtapos si Aibe ng High School, araw-araw nilang tinatiyagang tahakin ang bundok Oro, kahit na nalalagay ang kanilang buhay sa peligro. “Sinasabi ko na lang sa sarili ko, bahala na ang Panginoon sa amin kasi mahirap lang kami. Sinasabi ko sa kanila, ‘Sige, magtiis na lang tayo. Mag-aral lang kayo nang mabuti.’ Gusto ko na makatapos lang sila para hindi sila katulad sa amin na mahirap,” sabi pa ni Aling Aida. Source:https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/kapusomojessicasoho/531289/ilang -estudyante-sa-zamboanga-del-norte-buwis-buhay-para-lang-makapag-aral/story/
. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ilarawan si Aibe. Ano ang kaniyang katangian? 2. Ano ang ginagawa ni Aibe para makapag-aral? Bakit niya ito ginawa? 3. Kung ikaw si Aibe, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit? 4. Mayroon ka bang mga nararanasan na kinakailangan mong maging matatag? Ano ang iyong ginawa? 5. Bakit mahalagang maging matatag ang loob sa pagharap sa mga pagsubok?
Ang katatagan ng loob ay hindi lamang para sa ating sarili bagkus ito ay maaari nating gamitin para matulungan ang iba lalong-lalo na ang mga lubos na nangangailangan ng tulong sa ating lipunan. Bagamat mayroon din tayong nararanasan na mga suliranin, hindi ito hadlang para hindi tayo makapagsilbe sa iba. Mahalaga lamang na magkaroon tayo ng isang matibay na kalooban—ang hindi pagsuko sa anumang suliranin sa kabila ng mga hirap na naranasan.
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sitwasyon. Ano ang gagawin mo kapag naharap ka sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng iyong sagot sa journal. ______ 1. Binigyan ka ng tatay mo ng tatlong tiket para makapasok sa museo. Dati ka nang nakapunta sa museo na iyon pero interisado ka pang pumunta uli. Nais ng mga kaibigan mo na pumunta pero apat kayo at tatlo lang ang tiket ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Bibili ng isa pang tiket B. Magmungkahi ng bunutan C. Iiwan ang isa ninyong kaibigan D. Hindi ka na lang sasama dahil dati ka nang nakapunta
______ 2. Nagpunta sa isang pagtitipon ang mga magulang mo. Binilinan kang bantayan ang bunso mong kapatid. Napasiya ka na hayaang maglarong mag-isa ang kapatid mo dahil abala ka sa paglalaro ng computer. Sa hindi inaasahang pangyayari, nadapa at nasugatan siya habang naglalaro. Ano ang gagawin mo? A. Pagagalitan ang kapatid at babalaang hindi ito magsumbong sa mga magulang B. Isusumbong sa mga magulang ang nangyari sa iyong kapatid at sasabihing nangyari ito dahil sa katigasan ng kanyang ulo C. Yayakapin ang kapatid at gagamutin kaagad ang kanyang sugat D. Hindi papansinin ang kapatid dahil kasalanan din naman niya ito
______ 3. Sa susunod na pasukan ay mag-aaral ka na sa mataas na paaralan. Inaaya ka ng ilan mong kamag-aral na sa pribadong paaralan kayo mag-aral dahil sigurado raw na maganda ang turo doon. Ngunit alam mo na mahihirapan ang mga magulang mo sa pagbabayad kung sa pribadong paaralan ka mag-aaral. Ano ang gagawin mo? A. Pipilitin mo ang iyong magulang na pag-aralin ka sa pribading paaralan B. Maghahanap muna ng trabaho para may pangtustos sa pag-aaral sa isang pribadong paaralan C. Titigil ka muna sa pag-aaral upang makapag-ipon D. Maghahanap ka ng ibang paaralan kung saan ka murang makapag-aaral
4. Nagkayayaan kayong magbabarkada na pumunta sa bahay ng isa ninyong kamag-aral na malapit lang sa paaralan. Ito ay upang magdiwang dahil tapos na ang isang mahalagang pagsusulit na ibinibigay sa mga mag-aaral sa ikaanim na Baitang. Pagdating ninyo sa bahay, biglang naglabas ng alak ang inyong kamag-aral. Hindi na man daw malalaman ng kaniyang ama na kumuha kayo ng alak sa kabinet niya. Alam mo na ayaw ng mga magulang mo na uminom ka ng anumang klase ng nakalalasing na inumin. Ano ang gagawin mo? A. Agad na aalis at uuwi ng bahay B. Sisigawan ang mga barkada at aawayin C. Iinom kasama ang mga barkada minsan lang naman kasi ito D. Kausapin sila at ipaliwanag kung bakit hindi mabuti para sa inyo ang uminom ng alak
______ 5. Laging may oras ang iyong pag-uwi. Hindi ka dapat mahuli sa itinakdang oras. Dahil dito, hindi ka na nakapagsasanay sa paaralan kasama ang coach mo sa sasalihan mong contest. Ikaw pa naman ang kampeon sa “Spelling Bee” noong nakaraang taon. Ano ang gagawin mo? A. Hindi na lamang magpapaalam B. Kakausapin ang magulang at sabihing napakahigpit naman nila sa anak C. Sasabihin sa magulang ko na kapag hindi ako nanalo ay sila ang may kasalanan D. Ipahahayag ng may katapatan ang pagnanais mo na manatiling kampeon sa Spelling Bee
______ 6. Nagkaisa ang iyong mga kaibigan sa paaralan na lumiban sa klase sa hapon upang maglaro ng DOTA sa isang malapit na computer shop. Naisip mong huwag nang sumama sa kanila ulit dahil minsan nang napatawag ang mga magulang mo sa Guidance Office dahil sa pagliban sa klase. Ngunit, sinabi nila sa iyo na walang saysay ang pananatili
mo sa barkadahan ninyo kung hihindian mo sila sa kanilang kahilingan. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ang mga kaibigan dahil masama ang kanilang binabalak. B. Hindi sasama kahit na maaari itong ikakasira ng inyong pagkakaibigan. C. Kakausapin ang mga kaibigan na ipagpabukas na lang muna ang plano. D. Sasama sa mga kaibigan dahil ito ang napagkasunduan ng buong grupo.
______ 7. May mga kamag-anak kayong lumikas dahil sa nasira ang kanilang bahay sa isang malakas na lindol. Nakiusap silang dito muna manuluyan sa inyo habang inaayos pa nila ang kanilang tirahan. Nagkataon naman na may isang bakanteng silid sa bahay ninyo dahil umalis na ang iyong ate upang mag-aral sa siyudad. Ano ang nararapat mong imungkahi sa iyong pamilya? A. Parerentahan sa kanila ang silid upang magkakapera naman kayo. B. Pakiusapan ang mga magulang na tanggapin ang mga kamag-anak. C. Payuhan ang mga kamag-anak na sa gobyerno sila humingi ng tulong. D. Tanggihan ang mga kamag-anak dahil magiging dagdag gastos lang sila sa pamilya ninyo.
______ 8. Ikaw ay hinahangaan sa bago mong paaralan dahil sa mga karangalan na iyong nakamit magmula ng lumipat ka dito. Ngunit isang araw, habang masayang nagtatalakayan ang iyong guro at mga kaklase, naiwan kang tahimik at balisa sa iyong upuan dahil kahit anong pilit mong humabol hindi ka pa rin masyadong nakauunawa sa paksa. Ano ang gagawin mo? A. Magpatawa upang malihis ang atensyon ng klase. B. Magkunwaring alam na alam ang paksang tinatalakay. C. Magtanong sa guro at aaminin na nahihirapan ka sa paksa. D. Magpaalam sa guro na may bibilhin sa kantina kahit hindi naman totoo.
______ 9. Itinago mo ang ilan sa pera na pinapabaon sa iyo ng iyong ina sa loob ng maraming buwan dahil plano mong bumili ng laruan na pinaka-gusto mo. Isang araw, nang sapat na ang iyong pera at handa ka ng bilhin ang pinakamimithing laruan ay hiniling ng nanay mo sa iyo na pansamantalang gamitin daw muna niya ang iyong naipon dahil wala na kayong bigas at hindi pa dumating ang buwanang tulong mula sa gobyerno. Ano ang gagawin mo? A. Hayaan ang ina na ipagbili ng bigas ang naipong pera. B. Dali-daling dalhin ang pera sa tindahan upang ibili ng laruan. C. Magagalit sa ina kung tuluyang gagamitin ang pera sa pagbili ng bigas. D. Sabihan ang ina na mangutang muna ng pera sa kaniyang kamag-anak para ipambili ng bigas.
______ 10. Nakita mo ang nakatatandang kapatid na kumukuha ng wallet sa bag ng iyong ama, Nalaman niyang nakita mo siya. Kinausap ka niya na huwag sasabihin sa inyong ama ang iyong nakita. Ano ang nararapat mong gawin? A. Kakausapin siya na masama ang kaniyang ginawa. B. Agad sasabihin sa mga magulang ang ginawa ng kapatid. C. Bahala na siya, siya naman ang mapaparusahan kung sakali. D. Magkukunwari na walang nakita para hindi ka masaktan ng kapatid mo.
Paano mo susuriin ang isang bagay na may kinalaman sa iyong sarili? Pumili ng isa sa sumusunod at sumulat ng talata tungkol dito. 1. Pagkakaroon ng matatag na kalooban 2. Pagsang-ayon sa pasya ng nakararami 3. Pangangalap at paggamit ng impormasyon

Ang bawat Gawain ay nagkakatumbas ng dalawapong puntos (20 points each). Gumupit o gumuhit ng limang (5) larawan ng mga bagay na madalas mong ginagamit sa paaralan o sa bahay at idikit ito sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat kung paano mo ito ginagamit upang mahubog ang iyong mapanuring pag-iisip?

Sumulat ng isang sitwasyon na nangangailangan ng isang mapanuring pag-iisip upang makabuo ng tamang desisyon sa buhay na isinaalang-alang ang kabutihan ng pamilya at ng lipunang ginagalawan.
