1 minute read

EPILOGO

Sa pagsulat ng iba't ibang makabuluhang sulatin, ang may-akda ay nagkaroon ng karagdagang kaalaman sa paggamit ng mga salita. Naipamalas niya rin ang estilo sa pagsulat sapagkat siya ay mayroong kalayaan sa papel habang sumusunod pa rin sa tagubilin. Bukod pa rito, sa mga sulatin na nakapaloob sa portfolio, nakapagbahagi siya ng sariling pananaw, opinyon, at ideya nang malaya.

Ang pagsulat ng akademikong papel ay nakapagbigay sa kaniya ng kasiyahan sapagkat sa tulong ng kagrupo ng may-akda, nagkaroon sila na pagtutulungan at nakabuo ng mahusay na performans na sumalamin sa pangkatang sulatin. Sa portfolio ring ito napakikita ang pagsisikap ng may-akda na makagbigay ng kaaya-ayang sulatin na naging isa sa dahilan upang mahasa ang kaniyang kakayahan at kagalingan sa pagsulat.

Advertisement

This article is from: