




![]()





Melissa Eleazar Balantac

ALL RIGHTS RESERVED
No part of this book may be reproduced in Any form without permission in writing from the author.

Ang akdang ito ay isinulat upang ipaabot sa mga mambabasa na na ang pagiging mapagpakumbaba ay hindi lamang tungkol sa pagtanggap ng pagkatalo o pag-amin ng kamalian, kundi ito rin ay tumutukoy sa paraan ng pakikisalamuha natin sa ibang tao.
Sa panahon ito kung saan ang mga bata ay nadadala na sa malawak na mundo ng teknolohiya, kailangang magkaroon tayo ng panahon para ituro ang halaga ng pagiging mapagpakumbaba at pakikisalamuha sa iba.
Ang mga gadget at kagamitang elektroniko ay nagbibigay sa ating mga anak ng kakayahan at kahusayan, ngunit hindi nito dapat mapantayan ang halaga ng pagiging tao.
Ang pabulang ito ay nagpapaalala na hindi tayo dapat maging mapagmataas sa ating sariling mga kakayahan at hindi dapat tayo magmalaki sa mga bagay na ating natutunan. Sa halip, tayo ay dapat magmalasakit sa iba, maging bukas sa mga aral ng iba, at huwag isawalang-bahala ang mga simpleng bagay na may mas malalim na kahulugan katulad ng pagpansin sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw na maaaring makatulong sa atin pagdating ng panahong kakailanganin natin ng tulong.
Isang araw sa kabukirang malayo sa kabayanan ay makikita si Inahing Manok! Wala ni isa man sa kaniyang mga kasama sa bukid ang nais niyang pansinin.















Iniisip niya kasing wala namang maitutulong angmgaitosakaniyaattangingsiyalamang ang makakapag-alaga sa sarili niya at sa kaniyang mga inakay.



"Bakit ni hindiman langtayopansinin si Inahing
Manok? Kwak, Kwak!" tanong ni Matabang Bibe. "Meee! Ewan ko! Napakasuplada niya!
Pakiwari niya yata'y kayang kaya niya ang lahat kahit mag-isa siya!" sagot naman ni Maamong Kambing!
Pinag uusapan na ng buong kabukiran ang ugaling ito ni Inahing Manok ngunit wala siyang pakialam!
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba!
Hindinghindikonamankakailanganinngtulong ng Kahit na sino!" sobrang pagmamataas pa niyang tugon.











Isang gabi, pagkatapos niyang mag kwento sa mga anak, ay naka-isip siya ng magandang ideya. Nagplano siyang pumunta sa karatig bukid upang maghanap ng makakain kinabukasan. Wala kasing nais na tumulong sa kanya at mag-alok ng mga pagkain para sa kanilang mag-iina dahil nga sa pagkokontrabidanito.Naisipdinniyangdahilmalayo layo ito sa kabukirang tinitirhan nila ay alam niyang marami silang makukuhang pagkain doon!
Kasama ang kaniyang mga inakay ay pumunta nga sila sa karatig bukid upang maghanap ng mga makakain. Hindi nga nagkamali si Inahing Manok! Napakadami ngang pagkain ang nakuha nila. Tuwang tuwa ang mga inakay nito ganyundin si Inahing Manok!










Ngunit ang tuwa ng Inahing Manok ay napalitan ng takot sapagkat nakita niyang paparating si Salbaheng Aso upang lapain ang kanyang mga inakay.







Nagtatakbo si Inahing Manok patungo sa kabukirang tinitirhan nila upang humingi ng tulong. “Saklolo! Ang mga inakay ko! Saklolo!”
Agad namang sumaklolo ang mga kasamahan niya ng walang atubili at pagdadalawang isip.








Ngunit, huli na ang lahat ng makita nilang wala na ang mga inakay niya. Labas ang pagdalamhati ni Inahing Manok sa sinapit ng kanyang mga inakay. At naisip niyang, kung sana ay hindi niya pinairal ang pagmamataas niya ay baka hindi na niya kinailangang pumunta sa karatig bukirin upang maghanap ng makakain.







Humingi siya ng tawad sa kanyang mga kasamahan sa kanyang pagsusuplada at nagsilbingaral sa kanyaang pangyayaring itosa buhay niya.
PAG-UNAWA SA BINASA: Sagutin nang mabuti ang mga sumuaunod na tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwentong binasa?
2. Bakit pinag-uusapan ng mga hayop sa kabukiran si Inahing Manok?
3. Ano ang dahilan kung bakit hindi namamansin si Inahing Manok?
4. Saan nagpasyang pumunta si Inahing Manok kasama ng kanyang mga inakay upang maghanap ng makakain?
5. Sino ang dumating sa kabukiran kung nasaan si Inahing Manok at kanyang mga inakay?
Lay-out Artist: Melissa Eleazar Balantac
Language Editor: Melissa Eleazar Balantac
Content Editors: Validated by: