
5 minute read
NG HOUSE PANEL SA DIBORSYO SA PILIPINAS
from Likha ni Meg
Ang pagpapatupad ng diborsyo para sa mga mag-asawa ay magdudulot ng hindi maganda sa kalusugang pangkaisipan at pisikal na paglaki ng magulang at bata, pati na rin sa pinansyal na aspeto ng kanilang pamilya.

Advertisement

pahayag ni Laquinario, Meg B. ukol sa Pag-apruba ng House Panel sa Diborsyo sa Pilipinas
Noong Marso 21, 2023, nagkaisang pinagtibay ng komite ng House of Representatives ang isang panukalang batas na magpapanumbalik ng diborsyo para sa mga mag-asawang mapang-abuso o mayroong hindi gumaganang relasyon. Ang diborsyo, mula sa isang legal na pananaw, ay ang proseso ng pagpapalaya sa mga mag-asawa mula sa kontrata ng kasal at pagtiyak na ang mga ari-arian at mga anak ng bawat panig ay maisaayos (Introduction to Divorce, n.d.). Ayon naman kay Scott et al. (2013), ang kadalasang dahilan ng diborsyo ay kakulangan sa commitment, infidelity, at laging pagtatalo. Ayon kay Wibawa (2018), ang Pilipinas ay isa sa ilang bansa sa mundo kung saan ipinagbabawal ang diborsyo. Kaya naman, mahigpit na tinutulan ng Philippine Catholic Church ang panukala, na tinawag itong "anti-marriage and anti-family." Ayon naman sa katesismo ng Simbahang Katoliko, ang diborsiyo ay isang matinding paglabag sa natural na batas dahil ito ay lumalabag sa kontrata, kung saan ang mga mag-asawa ay malayang pumayag na, "to live with each other 'til death." Ito rin ay imoral dahil pumapasok dito ang kaguluhan sa pamilya at lipunan. Gayong mayroon man itong magandang dulot para sa iba, malaking epekto rin ito sa kalusugang pangkaisipan at paglaki ng kanilang mga anak.
Sa kabilang banda, ayon sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), na isinagawa sa pagitan ng Marso 25-28, 2017 at Disyembre 8 hanggang 16, 2017, 53% ng mga Pilipino ang sumang-ayon na dapat gawing legal ang diborsyo sa bansa. Napag-alaman sa sarbey na 30% ng mga Pilipino ang “strongly agreed” sa ideya na gawing legal ang diborsyo para sa hindi magkasundo na mag-asawa, habang 23% ang “somewhat agreed” sa kabuoang 53% (Tomacruz, 2018). Sumasang-ayon din ang mga tao na mag diborsyo dahil maaari itong maging sandata laban sa karahasan sa tahanan o sa kinakasama na siyang pinakamatibay na dahilan kung bakit tingin ng mga tao na ito ay marapat na maipatupad. Ayon sa isang sarbey noong 2017, isa sa apat na babaeng Pilipino sa pagitan ng edad na 15 at 49 ay nakaranas ng pisikal, emosyonal, o sekswal na pang-aabuso sa mga kamay ng kanilang mga asawa o partner. Maraming babaeng biktima ang nahihiya na magsalita tungkol sa kanilang nakakatakot na karanasan at ang iba ay pinipiling huwag ibunyag dahil maliit ang kanilang paniniwala sa sistema ng hustisya ng Pilipinas (Reyes, 2022). Higit pa rito, ang mga pasanin sa diborsiyo o hindi magkaaayos na mag-asawa ay bababa kung ang diborsyo ay magiging legal sa Pilipinas. Gayunpaman, sila rin ay magiging malaya na maghiwalay ng landas at magpakasal muli.
Ngunit, kung tila susumahin, makakatulong ang hindi pag diborsyo dahil ang mga bata na nakakaranas nito ay maaaring makaranas ng emotional sensitivity at stress (What Are the Effects of Divorce on Children?, n.d.). Gayunpaman, kahit 25 taon na ang nakalipas sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang, ang mga anak ng diborsyo ay 40% ang hindi ninanais magpakasal, ayon sa kilalang psychologist, mananaliksik, may-akda, at tagapagtaguyod ng mga anak ng diborsyo na si Judith Wallerstein (Swaity, 2022). Dagdag pa niya, ayon sa isang pananaliksik sa Journal of Health and Social Behavior, ang mga diborsyado o nabalo ay may 20% na mas mataas na rate ng mga malalang sakit tulad ng diabetes, kanser, at sakit sa puso kaysa sa mga may asawa. Gayon, ipinapahiwatig nito na maraming negatibong epekto ng diborsyo. Samakatuwid, ang pag-iisip tungkol sa pagkuha ng diborsyo at ang magiging kahihinatnan nito ay mahalaga para sa isang pamilya.
Ang sumusunod ay ang mga punto patungkol sa magandang dulot ng diborsyo. Unang punto ay ang mga batang nakaranas ng diborsyo ay maaaring mas madaling kapitan ng mga isyu sa kalusugan ng isip (Morin, 2022). Ayon sa datos mula sa 17 na bansa na pinagsama-samang mga mananaliksik ng Radboud Universiteit Nijmegen, natagpuan na ang diborsyo ng magulang ay may mas masamang epekto kaysa sa pagkawala ng sariling magulang (Bussemakers et al., 2023). Higit pa rito, kumpara sa mga batang mula sa dalawang magulang na pamilya, ang mga bata mula sa diborsyadong pamilya ay maaaring magdusa mula sa panlabas na mga isyu tulad ng mga problema sa pag-uugali, pagkadelingkuwensya, at mapusok na pag-uugali nang mas madalas. Bukod pa rito, ang mga kabataan sa bansang United States na mayroong hiwalay ng mga magulang ay naguulat na gumagamit ng alkohol, Marijuana, sigarilyo, at iba pang mga droga. Ayon naman kay to D’Onofrio and Emery (2019), naidokumento ng kanilang pananaliksik na ang mga kahirapan sa akademiko kung saan mayroong mababang mga marka at depresyon ay lahat nauugnay pagkatapos ng diborsyo o paghihiwalay ng magulang. Ito rin ay maaaring magdulot ng mga damdamin ng pagkawala, galit, kawalan ng katiyakan, pag-aalala, at marami pang ibang emosyon—ang mga bata ay maaaring makaranas ng pagkabalisa at emosyonal bilang resulta (What Are the Effects of Divorce on Children?, n.d.).
Kaya naman, ang paghihiwalay ng magulang ay mayroong hindi magandang epekto para sa kalusugang pangkaisipan at paglaki ng bata.
Pangalawang punto naman ay sinasabi sa isang pananaliksik na inilathala kamakailan sa Journal of Men's Health (JMH) na ang mga taong diborsyado ay nakakaranas ng mas mataas na rate ng depresyon at sakit kaysa sa mga may asawa (Rocheleau, 2023). Ito ay totoong naaangkop sa lalaki at babae. Gayunpaman, ayon kay Gumban (2023), ang mga babaeng nabalo, diborsyado, nahiwalay, o napawalang-bisa ang kasal ay bumubuo ng mas malaking proporsyon ng kabuoang populasyon kaysa sa mga lalaki na mayroong 76 at 60 na porsyento. Sa kabilang banda, ang mga taong diborsyado ay nahaharap sa malaking pagbabago sa timbang at tumaas na mga yugto ng trangkaso dahil sa pagkakaroon ng mahinang immune system. Higit pa rito, may mas mataas na rate ng atake sa puso at stroke ang mga lalaking diborsyado kaysa sa mga lalaking hindi (Rocheleau, 2023). Karamihan sa mga babae ay may mga kaibigang maaasahan nila pagkatapos ng diborsyo, ngunit para sa mga lalaki, madalas itong nangangahulugan ng pagkawala ng isang taong palagi nilang mapagkakatiwalaan (BetterHelp Editorial Team, 2023). Kung susumahin, ang kalusugang pangkaisipan at pisikal na pangangatawan ng dalawang naghiwalay ay naaapektuhan din dahil sa pagpapatupad ng diborsyo.
Panghuling punto ay ito ay mayroong ilang negatibong kahihinatnan sa pera ng mga pamilya at sa mga susunod na henerasyon (Effects of Divorce on Financial Stability, n.d.). Sa madaling salita, ang diborsyo ay kadalasang nagresulta sa 42 porsyentong pagbaba sa kita ng pamilya ng isang bata. Ang datos mula noong 1994 na ibinigay ni Mary Corcoran, isang propesor ng political science sa University of Michigan, ay nagsiwalat na noong nakatira ang bata kasama ang dalawang magulang, ang kita ng kanilang pamilya ay karaniwang nasa $43,600. Sa kabilang banda, ang kita na lamang ng pamilya ay nasa $25,300 noong hiwalay na (Effects of Divorce on Financial Stability, n.d.).

Kung susumahin, ang pagpapatupad ng diborsyo o divorce bill ng komite ng house panel ay magdudulot ng hindi maganda sapagkat ito ay malaking epekto sa kalusugang pangkaisipan at pisikal na pangangatawan ng mga magulang lalo na sa paglaki ng kanilang mga anak. Gayundin sa pinansyal na aspeto ng isang pamilya. Ang mabuting aksyon o solusyon ay ang paghahanap ng mga paraan upang mapabuti ang kalidad ng ng relasyon sa kadahilanang marami sa mga diborsyo ay resulta lamang sa sariling pagnanais. Sa kabilang banda, ang iba naman ay dahil sa patuloy na hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa na humahantong sa pagkapagod o pagkasawa.
Ang isa pang solusyon ay ang maglaan ng oras araw-araw dahil maaari nitong mapabuti ang relasyon sapagkat nakapagbibigay ito ng koneksyon at intimacy sa isang relasyon. Sumunod ay marapat na manatiling tapat dahil ito ay nakatutulong upang magtiwala lalo ang kanilang asawa. Ang katapatan ay ang pundasyon ng isang partnership, at ang pagtitiwala ay mahalaga para sa relasyon na tumakbo nang maayos at matagumpay. At panghuli, isa sa mga madalas na dahilan ng diborsyo ay ang mga taong masyadong maagang nagpakasal. Karamihan sa mga mag-asawa ay nagkakaroon ng problema pagdating sa pagkabigo na matugunan ang kanilang mga inaasahan o expectation para sa isa't isa. Kaya naman, maiiwasan ang pag diborsyo kung ang mga nasa relasyon ngayon ay nagpaplano nang mabuti upang maiwasan ang pagsisisi. Kung kasal naman, marapat na isipin ang mga kalalabasan o magiging resulta ng bawat desisyon dahil maaaring magkaroon ito ng malaking epekto sa kalusugan pangkaisipan ng magulang at ng bata.