5 minute read

POSISYONG PAPEL

Next Article
POSISYONG PAPEL

POSISYONG PAPEL

Pinal na sipi

Advertisement

Pagpapatupad ng Sex Education sa Pilipinas; Bilang Mahalagang Hakbang tungo sa kaligtasan ng mga Kabataan pahayag ni Marc Arboleda ukol sa Pagbilang ng Sex Education sa Pilipinas na ang mga guro at magulang ay tinatanggap o may apruba sa pagsama ng Sex Education sa mga paaralan. Makikita din sa pag-aaral na ang mga nakababatang guro at magulang ay may mas mataas na posibilidad sa pagtanggap ng Sex Education sa mga paaralan. Bilang parte ng bagong henerasyon o kabataan, masasabi ko na lubos na magkaiba talaga ng opinyon at kaisipan ang mga matatanda at mga nakababata sa mga isyu na ganito dahil na rin sa kanilang nakasanayan at pinaniniwalaan.

Ang Sex Education ay hindi lamang patungkol sa pisikal na kasarian ng isang indibidwal. May malaking pakinabang ang pagpapatupad ng edukasyong pangkasarian sa Pilipinas. Ilan sa mga benepisyo ng Sex Education ay nabibigyan ng tamang kaalaman at impormasyon ang mga kabataan tungkol sa sekswalidad, kalusugan sa sekswal, at mga responsableng relasyon. Noong disyembre 2012, ipinasa ang isang batas na kilala bilang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act sa Pilipinas. Layunin ng batas na ito ay mabigyan kaalaman ang mga indibidwal patungkol sa pagiging responasableng magulang, pagpaplano ng pamilya, kalusugan ng ina at anak, at mga paraan para makaiwas sa mga impeksyon tulad ng HIV/AIDS. Ngunit, sa Pilipinas, huimigit 80% ay mga Katoliko. Dahil nga rito, ang simbahang Katoliko ang higit na nakakaimpluwensya sa estado ng Sex Education sa bansa. Tutol ang Simbahang Katoliko sa at nangangamba na ang Sex Education ay magpapataas ng pakikipagtalik. Kaya naman nananatiling kritikal ang simbahang Katoliko sa RH Act, lalo pang nahihirapan sa paglagay ng RH Act sa kongkretong aksyon (Nichols, 2020).

Sa kasalukuyang panahon, napakaraming katanungan at kontrobersiya tungkol sa sekswalidad ang naririnig natin sa ating paligid. Sa Pilipinas, isang malaki at sensitibong isyu ang pagpapatupad ng Sex Education sa mga paaralan sa bansa. Alam nating lahat na ang Pilipinas ay nangingibabaw na isang bansang Kristiyano, ang sentro ng Kristiyanismo sa Timog Silangang Asya. Isang tahanan kung saan ang pagiging konserbatibong tao ay nananatili bilang tradisyon. Dahil nga dito, maraming grupo o indibidwal sa Pilipinas ay tutol sa sex education. Naniniwala sila na ito ay maaaring magbigay ng negatibong impluwensya at maaaring magdulot ng hindi tamang pagpapahalaga sa sekswalidad at moralidad.

Isa sa mga nagiging dahilan kung bakit di sang-ayon ang iba sa sex education ay maaaring may mga parte sa sex education na hindi tugma o tutol sa mga kultura o tradisyon sa ilang komunidad sa Pilipinas. Maaaring ang mga impormasyon ay hindi angkop o hindi tinanggap sa kanilang kultura, lalo na kung ang mga usapin o impormasyon ng sekswalidad ay matagal nang pinapag-usapan o pinagsasawalang-bahala sa loob ng mga ito. Iniisip din ng iba na ang sex education maaaring magbigay o maghatid ng mga mali o hindi sapat na impormasyon sa mga magaaral, lalo na kung ang mga guro na magtuturo o magbabahagi ay hindi mahusay na itinuro o hindi pinaghandaan. Gaya sa pagaaral nina Carr & Packham (2016), napatunayan sa pag-aaral nila gamit ang mga datos ng teenage pregnancy, rate ng pagpapalaglag noong 2000-2011 sa limang lugar o estado sa Amerika. Halos dalawampu’t isang estado o lugar sa Amerika ang mayroong sex education sa kanilang mga paaralan, ngunit sa loob ng higit isang dekada ay ‘di pa rin nabago o ‘di pa rin humusay ang mga kababaihan na maagang nagbuntis o nagpapalaglag.

Mayroon ding mga indibidwal na naniniwala na ang sex education ay dapat lamang itinuturo ng mga magulang at hindi ng mga guro. Ipinapahayag nila na ang pagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa sekswalidad ay responsibilidad ng pamilya, at ang tungkulin ng paaralan ay limitado lamang sa pagtaguyod ng akademikong edukasyon. Panghuli, naniniwala din ang iba na sex education ay maaari lamang mag-udyok na mas maagang pagnanais at pagsasagawa ng mga gawaing sekswal sa mga kabataan.

Bilang magaaral at kabataan sa bansang Pilipinas. Ako ay sumasang ayon sa pagpapatupad o pagsama ng Sex Education sa mga paraalan sa buong bansa. Masasabi ko na ang Sex Education ang higit na makakatulong sa pagtugon sa mga mga problemang kinakaharap ng Pilipinas katulad ng maagang pagbubuntis. Binibigyan din nito ang mga kabataan ng mga kakayahan upang magkaroon ng matalinong mga desisyon tungkol sa kanilang katawan at relasyon. Bukod dito, ang Sex Education ay nag-aambag sa pagtataguyod ng kultura ng respeto at pagkakapantay-pantay, sa pagtanggal ng mga tabo at stigmas ukol sa sekswalidad.

Noong nakaraang pebrero, sinabi ng DepEd na ang Sex Education ang magbibigay daan sa mga magaaral ng mga tamang impormasyon, paguunawa sa kanilang mga karapatan at mabawasan ang diskriminasyon sa mga kapwang magaaral na nagbubuntis o mga indibidwal na kabilang sa LGBTQ at mga Indigenous People (PhilStar, 2023). Ang Sex Education ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga magaaral na pumili at gumamit ng mga konstraseptibo, kung kinakailangan, upang mapangalagaan ang kanilang sarili para maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Ayon sa CNN Philippines, humigit 7% ang itinaas ng pagbubuntis ng kababaihang nasa edad 15 pababa noong taong 2019. Kaya naman ang maagang pagbubuntis o Teenage Pregnancy ay naging pangunahing isyu sa bansa at natawag ding “National Social Emergency”. Para makatulong sa pagtugon sa mga isyu, tulad ng overpopulation, mataas na rate ng teen pregnancy at pagtaas ng HIV, Ayon kay Nichos, ang Sex Education maaaring humantong sa mas mahusay na pag iwas sa STDs at hindi ginustong pagbubuntis. Dagdag pa rito, binabawasan nito ang mga panganib ng pagkakaroon ng hindi g gp p g p g p gp p g pamilya. Mabibigyan kaalaman ang mga studyante sa mga paksa kabilang ang sex, sekswalidad at pag unlad ng katawan. Ang sex education ay makakapagbigay daan din para magbukas ang komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at ang mga anak nito. Maaring makapagbigay dagdag kaalaman ang mga magulang sa kanilang anak patungkol sa mga isyung sekswal kapag ang sex education ay nasimulang ituro sa mga paaralan. Makakapagbigay ito ng bukas na komunikasyon, gabay mula sa mga magulang, at tamang impormasyon.

Sa kabuuan, mahalagang bigyan ng importansya ang edukasyong sekswal sa Pilipinas. Ito ay isang paraan upang mas mapalawak ang kaalaman ang mga tao, lalo na ang mga kabataan, tungkol sa kani-kanilang sekswalidad, mapigilan ang mga hindi kanais-nais na sitwasyon tulad ng teenage pregnancy at STDs, at mapalawak ang pagkakaisa at respeto sa lahat ng uri ng tao. Ito'y nagpapahintulot sa mga kabataan na magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa sekswalidad, consent, at mga responsableng relasyon. Sa pagpapatupad ng malawakang edukasyong pangkasarian sa Pilipinas, nabibigyan ng boses at kaalaman ang mga kabataan upang maging responsable sa kanilang sekswal na buhay at makapamuhay nang may respeto sa iba. Sa ganitong paraan, nagkakaroon tayo ng lipunang mas nagbibigay halaga sa sekswalidad at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay.

Sanggunian:

Nichols, Zoe. “Sex Education in the Philippines.” The Borgen Project, 15 Dec. 2020, borgenproject.org/sexeducation-in-the-philippines/.

Gregorio, Xave. “DepEd Backs Making Sex Education Compulsory, Standardized.” Philstar.com, 7 Feb. 2023, www.philstar.com/headlines/2023/02/07/2243236/depe d-backs-making-sex-education-compulsorystandardized#:~:text=%E2%80%9CIt%20will%20allow %20basic%20education.

Santos, Andrei. “Will Improved Sex Education in the PH Help Solve Rise in Teenage Pregnancies?” Medium, 22 May 2021, mediacommoner.medium.com/will-improvedsex-education-in-the-ph-help-solve-rise-in-teenagepregnancies-28613174685f.

CNN Philippines Staff. “Teenage Pregnancies in PH up by 7%.” CNN Philippines, 8 Feb. 2021, www.cnnphilippines.com/news/2021/2/8/Teenagepregnancy-cases-up-in-Philippines.html.

Pascua, J. B., & Gabudao, R. D. (2013). Acceptability of the Inclusion of Sex Education in Basic Education of Selected Public Elementary Schools in Nueva Vizcaya, Philippines. IAMURE International Journal of Education, 3(1), 1-1. https://www.ejournals.ph/article.php?id=3135 Carr, J. & Packham, A. (2017). The effects of statemandated abstinence-based sex education on teen health outcomes. Health Economics. 26, 403-420. Doi: 10.1002/hec.3315

This article is from: