Skip to main content

Pagtahak sa Tagumpay

Page 1

PAGTAHAK SA TAGUMPAY

University
T.P.2023-2024 F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G A N ( A K A D E M I K )
malvedamc@students.nu-laguna.edu.ph National
- Laguna
TALAAN NG NILALAMAN PROLOGO REPLEKTIBONG SANAYSAY LARAWANG SANAYSAY PANUKALANG PROYEKTO EPILOGO BIONOTE TALAAN NG NILALAMAN 2 3 4 6 11 28 30 2

PROLOGO

Si Malka ay isang estudyanteng puno ng pangarap. Masasabi na iyon ang alam ng mga tao tungkol sa kaniya. Kasabay nito, siya ay mahilig magsulat kung saan pinupuno niya ang kaniyang araw ng mga sulatin tungkol sa buhay na noon pa man ay kaniyang pinapangarap na.

Pagtahak sa Tagumpay, iyan ang kaniyang napiling pamagat. Ang dahilan sa likod nito ay sa bawat pahinang iyong babasahin, maaaring matagpuan ang kaniyang mga orihinal na ginawang komposisyon. Mula sa paglalakbay ng buhay, partikular sa Senior High School, hanggang sa untiunting pag-abot sa mga tagumpay na itinakda niya para sa kaniyang sarili na nais makamit. Siyempre, hindi ito isang patag na daan kung saan ay madaling tahakin, ngunit ang pananabik na magtagumpay ay nakatulong sa kaniya na marating ang posisyon na kaniyang kinalalagyan ngayon. Ang mga akdang pang-akademikong iyon ay magsasabi ng kwento ng mga paghihirap at mga natutunang natamo niya ngayong akademikong taon. Ibinigay ng may-akda ang lahat upang isulat ang bawat isa sa paraang gagawing bahagi ng kuwento ang kaniyang mga mambabasa.

Dahil dito, nais niyang ibigay ang kaniyang pasasalamat. Una ay sa kaniyang mga magulang na nagbigay-daan sa kaniya na maging bahagi ng unibesidad kung saan marami siyang karanasan na kapupulutan ng aral. Pangalawa, sa mga taong naging gabay niya sa dalawang taon–mga guro, kaklase, at kaibigan. Pangatlo at huli, sa taong nasa likod ng universe factory na nagbigay inspirasyon kay Malka na ipagpatuloy ang pagsusulat.

3

REPLEKTIBONG SANAYSAY

IDEYANGPAG-ASA

Noon ay pinili kong ipawalang halaga ang aking damdamin sa ilang piling pagkakataon. Isa sa kadahilanan ay hindi ko maramdaman ang malugod na pagtanggap o pakikinig na walang halong panghuhusga. Kaya naman, ang makabilang ako sa NU Peers ay isang karanasan na nakatulong sa pagkilala ko nang lubos sa aking sarili.

Tandang-tanda ko pa ang araw na ako ay sumalang sa isang panayam upang maituring na ganap na miyembro. Kahit na alam ko na ang mga tanong ay may kaugnayan lamang sa kalusugan ng isip at tulad nito, ako ay nakaramdam parin ng kaba sapagkat sa takot na maaaring ito ay maging bigong panayam nanaman. Nakaramdam ako ng pag-aalala. “Paano kung hindi ito maging matagumpay?” Ngunit ang momentong iyon ay nagbigay sa akin ng kapayapaan. Ipinakita ng mga tagapanayam kung gaano nila pinahahalagahan ang bawat isa, kung paano nila kayang tratuhin ang lahat nang may pag-iingat at pag-unawa anuman ang sitwasyon.

4

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Lumipas ang araw, buwan, at taon kung saan ay aming natamo ang tagumpay sa pagkamit ng aming mga layunin. Ang aking mga kasamahan sa naturang organisasyon ay personal na nakatulong sa akin at bilang kapalit, ninanais kong gawin din ito para sa lahat ng nakapaligid sakin. Tinutulungan tayo ng pakikiramay na kumonekta sa iba, bumuo ng matibay na relasyon, at umusad sa buhay habang pinalalakas ang emosyonal na katalinuhan at kagalingan. Ito ay nagpapatuloy ng empatiya dahil nagtataglay ito ng pagnanais na ang lahat ng tao at maging malaya mula sa pagdurusa, at puno ng pagnanais na tumulong. Ang pagiging bahagi ng organisasyong ito ay talagang nakatulong sa akin na maging isang mas mabuting tao para sa aking sarili at para sa iba. Ang karanasang ito ay nagbigay sa akin ng positibong pananaw at kaligayahan.

Ang pagkakaroon ng taong nandiyan na handang makinig sa iyo ay talagang isang bagay na dapat ipagpasalamat. Kaya naman, sa halip na hilingin mo lang na dumating sa iyong buhay ang isang tulad nito, dapat ay matutunan na ikaw mismo ay nararapat na laging handa sa kahit anong pagkakataon na tumulong sa iba.

5

LARAWANG SANAYSAY

PAGTUKLASSATUNAYNAHALAGA

Sa buhay, lahat ng nakapaligid dito ay may katumbas na halaga, mga produktong matatagpuan sa merkado, isang kumpanya, at maging ikaw. Sa isang magandang araw ng Mayo, aming linakbay ang isang accounting firm, kung saan nagaganap ang proseso ng pagtatasa ng halaga.

6

LARAWANG SANAYSAY

Nagsimula ang aktibidad na ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng ID na may pangalan ng kumpanya sa lanyard. Ito ay nagbigay sa akin ng kasabikan na patuloy na magsikap para sa tagumpay. Itinuro nito sa akin na ang katatagan, makayanan at makabangon mula sa mga pagsubok, ay nararapat na matamo nating mga nais matuto.

7

LARAWANG SANAYSAY

Isang magandang tanawin ang sumalubong sa amin.

Sa paligid ng meeting

room na ito, nagsimulang magpalabas ng mga bidyo na tungkol sa assurance o audit, consulting, at tax. Nagbigay ito sa akin ng mas malaking larawan ng mga serbisyong ibinibigay ng accounting firm na ito.

8

LARAWANG SANAYSAY

Matapos na lumipas ang ilang minutong paghihintay, dumating na ang mga tagapagsalita tulad ng mga seniors, leaders, at managers ng lahat ng departamento upang ibahagi ang kanilang mga karanasan sa amin, pati narin ang dapat naming asahan sa kolehiyo at sa panahon na kami ay tutuntong na sa opisina.

Paglalakbay sa ika-labinlimang palapag ng accounting firm.

9

LARAWANG SANAYSAY

Sa seksiyong ito, makikita ang mga nakahanay na mga kompyuter. Mga monitor na nagsisilbing bintana sa digital world na sumisimbolo ng pagbabago. Sa mga nakaraang taon kung saan ang mga journal o columnar pad lamang ang ginagamit sa pagtatala ng mga transaksyon at halaga ng mga ari-arian ng mga negosyo o kumpanya, ngayon naman ay ginagamitan na ng kompyuter. Napakahalaga ng pagbabago sapagkat ito ay responsable para sa paglutas ng mga problema sa isang napapanatili at mahusay na paraan.

Sa munting panahon ay nagtapos ang aming paglalakbay at pagkatuto na mayroong kabuluhan. Natutunan ko na ang integridad ang dapat taglayin ng bawat accountant. Mahalagang maging patas at tama sa paggawa ng mga financial statements. Ang isang tapat na tao ay maaaring maging katumbas ng mas mataas na halaga sa kaniyang sarili.

10

PANUKALANG PROYEKTO

Asenso at Negosyo: Gabay sa pag-Angat ng Taumbayan

(ANGAT)

Ipinasa nina

Bermudez, Maria Angelica

Cabagay, Merz Maura

Chua, Francine

Fortuno, Wayne

Limjoco, Erika Nicole

Malveda, Malka Paulene

Ipinasa kay

Bb. Reina Mikee Patulot

Mayo 2024

11

PANUKALANG PROYEKTO

Pamagat: Asenso at Negosyo: Gabay sa pag-Angat ng Taumbayan (ANGAT)

Proponent ng Proyekto: Pangkat 2

National University Laguna

Km. 53 Pan Philippine Highway, Brgy. Milagrosa

Calamba City, Laguna 4027

Bermudez, Maria Angelica - bermudezmb@students.nu-laguna.edu.ph

Cabagay, Merz Maura - cabagaymf@students.nu-laguna.edu.ph

Chua, Francine - chuafc@students.nu-laguna.edu.ph

Fortuno, Wayne - fortunowb@students.nu-laguna.edu.ph

Limjoco, Erika Nicole - limjocoer@students.nu-laguna.edu.ph

Malveda, Malka Paulene - malvedamc@students.nu-laguna.edu.ph

Kategorya ng Proyekto: Edukasyonal

Petsa: Mayo 8, 2024

Laang Panahon: 4 na Linggo

Pondong Kailangan: ₱ 22, 825.00

12

PANUKALANG PROYEKTO

Kaligirang Kasaysayan

Ang pagkakaroon ng financial literacy o kaalamang pinansyal ay isa sa pinaka-importante at pinakamabisang estratehiya upang mabawasan ang kahirapan sa Pilipinas ayon sa Philippine Development Plan taong 2023 hanggang 2028 (National Economic and Development Authority, 2023).

Malaki ang epekto sa isang indibidwal ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman kung paano humawak ng pera. Nakatala sa pag-aaral ni Remund (2010), makatutulong ito upang maging mas responsable ang mga mamamayan sa paggawa ng pinansyal na pagdedesisyon, katulad ng paglalaan ng suweldo sa mga pangangailangan o ang pamumuhunan upang makapagpatayo ng sariling negosyo.

Napag-alaman na isa sa kadahilanan ang estado ng ekonomiya na nakakaapekto sa pinansyal na desisyon ng isang mamamayan. Kung ang ekonomiya ng isang bansa ay wala sa mabuting kalagayan at limitado ang mga oportunidad para sa paglago, maraming mamamayan ang umaasa sa mga papremyo (cash prizes), pagtaya sa lotto, at pangungutang upang umunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga lugar na may maunlad na ekonomiya at mandato ang pagkakaroon ng kaalaman sa pinansyal sa mga paaralan ay naitalang mas may mataas na savings rate at net worth (Monsura, 2020).

13

PANUKALANG PROYEKTO

Suliranin

Sa bawat taon na lumilipas, patuloy ang pagdami ng populasyon ng bansa. Kasabay nito, mas mataas na rin ang bilang ng porsyento ng mga naging kabilang sa kahirapan. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang poverty rate ng Pilipinas ay umabot sa 22.4% na may katumbas na 25.24 milyong Pilipino na mayroong income per capita na hindi kayang suportahan ang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw (Gonzales, 2023).

Sila ang mga kabilang sa pamilyang nakakaranas ng hirap at mga taong binansagang poorest of the poor. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na tinaguriang 3rd world country. Hindi pa gaanong maunlad ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas kaya naman at ang pagpuksa sa kahirapan at pagangat sa aspetong ekonomiya ay isa sa mga malalaking isyu na siyang binibigyang pokus ng gobyerno.

Ang Calamba City ay isa sa mga lugar na matatagpuan sa probinsya ng Laguna sa Pilipinas. Isa ito sa mga lugar na nagtataglay ng maraming bilang ng populasyon sa Laguna. Kung titignan ang Calamba, napakarami ring mga establisyemento, negosyo, at mga pamilihan ang nakatayo at nasa paligid nito. Dahil dito, binansagan itong first class city sa CALABARZON (Bagarinao, 2015). Halos lahat ng kailangan ng mga tao ay madali lang nila maa-access. Gayunpaman, hindi lahat ng barangay at purok doon ay pare-parehong nakakaangat. Ang ilan sa mga barangay rito tulad ng Barangay Parian ay kakikitaan ng kakulangan sa atensyon at pokus ng gobyerno. May mga nakatira malapit sa riles, mga tagpi-tagping kabahayan at mga bata at matatandang nanlilimos sa kalye. Kakikitaan ng kahirapan ang ilang lugar dito

14

PANUKALANG PROYEKTO

dahil sa malaking bilang ng informal settlers, miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4ps), at porsyento ng pamilyang nakakaranas ng food insecurity (Ali, Beraquit, et al., 2022). Isa sa mga posibleng dahilan ng mga ito ay kakulangan sa kaunawaan ukol sa financial education at literacy. Ayon sa Pa-a, (2018), halos 98% ng mga Pilipino ay may pakialam sa kalusugan at kapakanan ng kanilang pamilya ngunit 16% lamang ang may kayang maglaan ng badyet para sa kanilang health care dahil sa hindi nila kayang magkaroon ng maayos na alokasyon at tamang kaalaman sa paghawak ng pera. Ang halimbawa na ito ay nagsisilbing ebidensya na mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa aspetong pinansyal dahil ginagamit ito sa mga mahahalagang pangangailangan sa buhay hindi lamang sa aspetong pangkalusugan ngunit maging sa pang-edukasyon at simpleng bagay na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa lugar kung saan hindi gaanong nabibigyan ng sapat na edukasyon ukol sa ganitong bagay ang mga tao tulad ng Barangay Parian, ay maaaring makaharap ng mga suliraning pampinansyal tulad ng hirap sa pag-iipon, kawalan ng kaalaman sa ekonomiyang konsepto (inflation, GDP, supply at demand, atbp.), at pagiging iresponsable sa paghawak ng pera. Ang mga ito ay nagreresulta sa patuloy na kahirapan ng barangay at kawalan ng mapagkukunan ng panggastos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan.

15

PANUKALANG PROYEKTO

Layunin

Ang proyektong ito ay sinisikap na makamit ang mga sumusunod na layunin:

Mabigyang kaalaman tungkol sa financial literacy ang 30 kalahok na kabilang sa lubos na nangangailangan na nakatira sa Parian, Calamba City.

Magsagawa ng training upang maturuan sila na magsimula ng sariling negosyo.

Makapagtayo ng isang exhibit upang bigyang pagkakilala ang kanilang mga nagawang produkto at serbisyo.

Mabawasan ang suliraning kahirapan ng Calamba.

16

PANUKALANG PROYEKTO

Sakop

Ang proyekto na pinangalanang “Asenso at Negosyo: Gabay sa pag-Angat ng Taumbayan (ANGAT)” ay pangunahing itinatag para sa layuning maging solusyon sa problema sa kahirapan na patuloy na kinakaharap at nararanasan. Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng seminar tungkol sa kaalaman sa pinansyal at responsableng konsumo at produksyon, paggabay sa mga mamamayan sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng workshop, at pagsisimula ng eksibit upang ipakita ang iba’t ibang produkto at serbisyo. Ang bawat aktibidad na nabanggit ay magaganap sa Barangay Parian Hall tuwing ikalawang linggo ng Nobyembre dahil ito ay itinuturing na The Economic and Financial Literacy Week. Ngunit para sa eksibit, maaari nilang ito ipagpatuloy tuwing may espesyal na okasyon tulad ng Piyesta, Pasko, at iba pa.

Ang pagpili ng mga kalahok sa nasabing proyekto ay ibabatay mula sa mga kwalipikasyon na itinalaga ng mga nagsusulong. Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod: mga indibidwal na may edad dalawampung (20) hanggang apatnapung (40) taong gulang, may kita na hindi hihigit sa ₱10,000.00 kada buwan, at naninirahan sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna.

May kabuuang tatlumpung (30) indibidwal ang kakatawan sa populasyon at magiging kalahok ng proyekto. Maingat at epektibong susuriin ang mga pagbabagong mangyayari pagkatapos ipatupad ang plano at ihambing ang resulta sa layunin nito. Nagsimula ang pagpaplano para sa proyekto noong Abril 18, 2024 at natapos noong Mayo 08, 2024.

17

PANUKALANG PROYEKTO

Pamamaraan o Metodo

Nakalahad sa ibaba ang haba ng panahon na kakailanganin sa bawat kaganapan ng proyekto at ang mga tiyak na detalye na katumbas nito.

Haba ng Panahon na

Gugugulin

2 Araw

Aktibidad

Pag-iisip ng konsepto (Pagbuo ng mga ideya)

Ano ang magaganap sa bahaging ito? Naatasang Tao

Paglikha ng konsepto kung ano ang solusyon na maaaring tumugon sa problema na may kaugnayan sa kahirapan.

1 Araw

Pagpapa-apruba ng konsepto

Pagpapasa ng panukalang proyekto upang ipa-apruba sa guro sa asignatura.

Mga Miyembro ng Grupo

Mga Miyembro ng Grupo

2 Araw

Pagpipinalisa ng mga detalye

1 Linggo

Pagpili ng Lugar at Pagtatalaga ng mga tungkulin at gawain (Preparasyon)

Pagsasaayos at pagsasagawa ng rebisyon matapos makuha ang komento mula sa guro.

Pagpapareserba ng

Barangay Parian Hall, pag-setup ng audiovisual equipment.

Mga Miyembro ng Grupo

Organizing Committee

18

PANUKALANG PROYEKTO

3 Araw

Pag-imbita ng mga

Tagapagsalita

3 Araw

Pagpaparehistro ng mga Kalahok

Pagkontak at pagkumpirma sa mga negosyante at eksperto sa ekonomiya para sa seminar.

Pagbubukas ng online at on-site registration para sa mga interesadong mamamayan ng Barangay Parian

Speaker Coordinator

1 Araw

Mag-post ng adbertisment para sa seminar

Registration Team

1 Araw Seminar sa Pinansyal na Kaalaman

Paglikha at pag-post ng promosyonal na anunsiyo tungkol sa seminar sa iba’t ibang social media platforms.

Pagtalakay sa mga paksa ng kaalaman sa pinansyal at responsableng konsumo at produksyon

Unang Paksa: Kaalaman sa Pinansyal

– Pamamahala ng Personal na Pinansyal

– Pagpapalago ng Iyong Ipon

– Pamamahala ng Utang

Marketing Team

Mga Tagapagsalita

19

PANUKALANG PROYEKTO

2 Araw

Pagsasanay o Workshop sa Pagnenegosyo

1 Araw Konsultasyon at Feedback

1 Araw

Mag-post ng adbertisment para sa eksibit

– Pamumuhunan at Pagpaplano para sa Pagreretiro

Ikalawang Paksa: Responsableng Konsumo at Produksyon

– Pagtiyak sa Sustenableng Pamamahala

Ng Mahahalagang Yaman

– Pagbabawas ng Pagkawala at Pagaaksaya ng Pagkain

– Pagsasama ng mga Praktis ng Sustentabilidad

Pagtuturo ng pagsisimula ng maliit na negosyo at paggabay sa mga kalahok.

Pagbibigay ng feedback sa mga ideya ng mga kalahok para sa exhibit.

Paglikha at pag-post ng promosyonal na anunsyo tungkol sa eksibit sa iba’t ibang social media platforms

Mga Tagapagsalita

Business Consultants

Marketing Team

20

PANUKALANG PROYEKTO

3 Araw Eksibit ng mga Produkto at Serbisyo

1 Araw Pagkilala at Gantimpala (Pagwawakas)

Pagpapakita ng mga produkto at serbisyo na nilikha ng mga kalahok.

Pagbibigay ng parangal at investment sa grand winner ng exhibit.

Kalahok at Organizers

Judging Panel

21

PANUKALANG PROYEKTO

Badyet

Rentahan ang Barangay Parian Hall

Ito ang magsisilbing lugar kung saan gaganapin ang aktibidad para sa magaganap na seminar at workshop

Mga Upuan

Gagamitin ito ng mga taong lalahok sa nasabing aktibidad na seminar at workshop.

Sound System (Ispiker at Mikropono)

Gagamitin ito ng mga tagapagsalita na magkakaroon ng talumpati para sa mga kalahok, ito ay kinakailangan upang magkaroon ng mas magandang karanasan sa pakikinig ang mga kalahok.

Projector

Ito ay gagamitin para sa mga kalahok para magsilbing visual ng presentasyon at magkaroon ng mas mahusay na karanasan sa pakikinig

Makipag-coordinate at magkaroon ng kasunduan sa barangay.

Makipag-coordinate at magkaroon ng kasunduan sa barangay

Makipag-coordinate at magkaroon ng kasunduan sa barangay.

Makipag-coordinate at magkaroon ng kasunduan sa barangay.

Mga Gastusin Halaga Para sa Seminar at Workshop
22

PANUKALANG PROYEKTO

Tanda ng pagpapahalaga para sa tagapagsalita

Ito ay magsisilbing isang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat para sa mga inanyayahang tagapagsalita na nagbibigay ng isang pangedukasyon na pahayag at pakikilahok sa aktibidad parehong seminar at workshop

https://www.ander.com.sg/modern-designtrophy-plaques

Sertipiko para sa tagapagsalita

Ito ay magsisilbing isang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat para sa mga inanyayahang tagapagsalita na nagbibigay ng isang pangedukasyon na pahayag at pakikilahok sa aktibidad parehong seminar at workshop.

Service charge para sa tagapagsalita

Ito ang magsisilbing bayad para sa mga inimbitahang tagapagsalita.

Para sa pagpaparehistro

Ballpens

Ito ay gagamitin ng mga kalahok para sa registration.

https://smstationery.com.ph/

₱750.00 kada tagapagsalita

₱2,250.00 para sa 3 tagapagsalita

₱25.00 kada tagapagsalita

₱75.00 para sa 3 tagapagsalita

₱5,000 00 kada tagapagsalita

₱15,000 00 para sa 3 tagapagsalita

₱60 00 para sa 12 na piraso

23

PANUKALANG PROYEKTO

Papel

Ito ay gagamitin ng mga kalahok para sa registration.

https://smstationery.com.ph/

Stapler

Ito ay gagamitin ng mga kalahok para sa registration.

https://smstationery com ph/

Tao sa barangay/ SK/ mga boluntaryo

Ang mga taong ito ay tutulong sa paggabay sa mga kalahok sa pagregister at pagtulong sa mga lalahok sa buong kaganapan

Para sa eksibit

Rentahan ang Barangay Parian Hall

Ito ang magsisilbing lugar kung saan gaganapin ang aktibidad para sa magaganap na seminar at workshop.

Tanda ng pagpapahalaga para sa mga nakilahok

Ito ay magsisilbing paraan ng pagpapakita ng pasasalamat para sa mga nakilahok na nagbibigay ng pagpupunyagi at pakikilahok sa aktibidad parehong seminar at workshop

₱227.00 para sa 500 na piraso

₱70.00 para sa 1 stapler

₱18.00 para sa 2 kahon ng bala ng stapler

Makipag-coordinate at magkaroon ng kasunduan sa barangay

Makipag-coordinate at magkaroon ng kasunduan sa barangay

₱500.00 kada grupo

₱2,500.00 para sa 5 grupo

24

PANUKALANG PROYEKTO

https://www.ander.com.sg/modern-designtrophy-plaques

Sertipiko para sa mga nakilahok

Ito ay magsisilbing paraan ng pagpapakita ng pasasalamat para sa mga nakilahok na nagbibigay ng pagpupunyagi at pakikilahok sa aktibidad parehong seminar at workshop.

Mga lamesa para sa business stalls

Gagamitin ito ng mga kalahok para i-set up ang kanilang mga booth para magpatakbo ng sarili nilang negosyo sa eksibit.

Disenyo para sa business stalls

Gagamitin ito ng mga kalahok para palamutihan ang kanilang mga booth para magpatakbo ng sarili nilang negosyo sa exhibit

Kabuuang Halaga

₱25.00 kada grupo

₱125 00 para sa 5 grupo

Makipag-coordinate at nagkaroon ng kasunduan sa barangay.

₱500.00 kada booth

₱2,500.00 para sa 5 booth

₱ 22, 825.00

25

PANUKALANG PROYEKTO

Kahihinatnan at Kapakinabangan

Ang “Asenso at Negosyo: Gabay sa pag-Angat ng Taumbayan (ANGAT)” ay makakatulong upang magbigay ng kamalayan sa mamamayan ng Barangay Parian, Calamba City ukol sa isyu ng kahirapan at sa posibleng solusyon nito gaya na lamang ng paghubog sa kaalamang pinansyal na magiging gabay sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay at ang mga negosyong magpapaunlad ng kanilang komunidad.

Ang magiging resulta at kalalabasan ng proyekto na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Komunidad. Sa pamamagitan ng eksibit, ang mga makabagong produkto at serbisyo ay mabibigyang pansin at makakatulong upang mas makamit ang mga pangangailangan ng bawat isa.

Mga mamamayan. Ang mga mamamayan ng Barangay Parian ay magkakaroon ng sapat na ideya tungkol sa pagsisimula ng negosyo.

Madaragdagan ang kanilang kaalaman sa konseptong pinansyal.

Ekonomiya ng Barangay. Ang paraan na ito ay makapagpapaunlad sa ekonomiya ng isang barangay dahil sa pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa konsepto ng ekonomiya at pagpapatayo ng mga maliliit na negosyo.

26

PANUKALANG PROYEKTO

Sanggunian

Abichuela, M V (2020) FINANCIAL LITERACY AMONG CSU STUDENTS International Journal of Management (IJM), Volume 11(Issue 12) https://d1wqtxts1xzle7 cloudfront net/107509520/ijm 11 12 2020-libre pdf?1700359061=&responsecontent-disposition=inline%3B+filename%3DFinancial Literacy Among Csu Students pdf&Expires=1714639939&Signature =hC0g9skUfAr0ee-Dfd1 3HVdnDaHjV S4uYZiKLmPRZeZpUoZcM6H-TEiY9o-gBAHlN15FGcI3HNj-8JH-m36WohhdraP-EE PWojumUBYuUMzip1xNDrx31NRfP8RcPQMEUDMw0r1kfQpXeHl CbCh87aneMcbjhxcGouiCHMRgh6rGfG3ArLxC5B1kB5X NeFI212ftyyZoDJvC7jkZ70s03d1GUp-PN7vW7YeHpyN5RKpDLgLocq BeD mdsr-qX56EZAGBEMrgGr3x3yuzwKdncwknp ODJNpGi we UA0lnR5E5z4dtpAse9smiWMB5ilcbQn76ykRFJbSg3p8eg &Key-Pair-Id=APKAJLOHF5GGSLRBV4ZA

Ali, N C , Beraquit, J T , Mirador, C E Miraran, H N , Pascual, D N (2022) Food Insecurity and Coping Strategies of Urban and Rural Households of Calamba During The Covid-19 Pandemic.https://www.scribd.com/document/670386768/ORGRESEARCH-WITH-TEMPPLATE-1

Bagarinao, R.T. (2015). A spatial analysis of the population growth and urbanization in Calamba City using GIS. Journal of Nature Studies. 14 (2): 1-13. https://www.journalofnaturestudies.org/files/JNS14-2/14(2)%201-13%20Bagarinao-fullpaper.pdf

Gonzales, A.L. (2023). PH Poverty Rate Declines to 22.4% in 1st Half 2023. Philippine News Agency https://www.pna.gov.ph/articles/1215836

Monsura, M. P. (2020). The Importance of Financial Literacy: Household’s Income Mobility Measurement and Decomposition Approach Journal of Asian Finance, Economics and Business Vol 7 No 12 (2020) 647–655 https://www researchgate net/profile/Melcah-PascuaMonsura/publication/346614071 The Importance of Financial Literacy Household's Income Mobility Measurement and Decomposition Approach/links/5fc9a0f592851c00f84cce53/The-Importance-of-Financial-Literacy-Households-IncomeMobility-Measurement-and-Decomposition-Approach pdf

National Economic and Development Authority (2023) Philippine Development Plan 2023-2028 https://pdp neda gov ph/philippine-development-plan-2023-2028/

Pa-a S (2018) Calamba Informal Settlers Up for Resettlement Philippine News Agency https://www pna gov ph/articles/1021113

27

EPILOGO

Ang paksang Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ay talagang nagdala kay Malka sa isang pagsubok. Kilala siya bilang isang taong kayang mag-ayos at magsulat ng mga saloobin at kwento sa loob ng wala pang sampung minuto, gaano man iyon kahaba. Ngunit, sa kaniyang kaso ng pagsulat ng akademikong sulatin upang pagsama-samahin sa isang portfolio ay naging isang hamon.

Ang may-akda ay talagang naharap sa maliliit na hamon bago makumpleto ang proyekto, ngunit nalampasan niya ito sa tulong ng dedikasyon na magbigay ng inspirasyon at motibasyon sa iba sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanyang mga gawa. Kasabay nito, napatunayan niya sa kaniyang sarili na dapat ilagay ng bawat manunulat ang buong puso at hayaan itong magsalita sa kanilang mga kuwento. Ito ay naging isang roller coaster na paglalakbay dahil ang bawat kuwento ay may iba't ibang emosyon na ibabahagi.

Ang partikular na paksang ito ay mahalaga dahil nakatulong ito sa mga mag-aaral na malayang magsulat at magbahagi ng kanilang mga karanasan sa loob at labas ng unibersidad. Ang bawat output, kabilang ang gawa ni Malka, ay may mas malaking halaga dahil magagamit ito upang magbigay ng inspirasyon at palawakin ang mga pananaw ng iba sa mga bagay. Kaya, ang pagbabago ay hindi isang araw na proseso, ang ilan ay maaaring natatakot sa mga posibleng mangyari, ngunit ito ay kinakailangan para sa ating paglago.

28

EPILOGO

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, nais ni Malka na paalalahanan ang kaniyang mga kapwa manunulat na magpatuloy. At sa lahat, ang pagsusulat ay walang limitasyon, hayaan ang iyong isip na gumala sa mundo ng pagkamalikhain. Ang pagsusulat, piksyon at di piksyon, ay magsisilbing tulay sa ating pakikipagkomunikasyon ng mga damdamin, karanasan, saloobin, at opinyon.

29

Si Malka Paulene C. Malveda ay isang dedikadong estudyante na kasalukuyang kinukuha ang Senior High School strand na Accountancy, Business and Management (ABM). Ngayong taong panuruan, muli niyang nakamit ang kaniyang puwesto sa honor list at natamo naman ng grupo na kaniyang kinabibilangan ang parangal na Best in Investment Plan bunga ng sipag at tiyaga na binibigay sa bawat gagawin. Maliban dito, isa sa nagtulak kay Malka na kunin ang landas na kaniyang ninanais tahakin sa mga susunod na taon ay ang pagmamahal niya sa paksang Matematika. Siya ay naging kinatawan ng kanilang seksyon para sa Math Club noong Junior High School. Mula pa noong siya ay bata pa, naglalaan na siya ng oras upang palakasin ang kaniyang mga kasanayan sa paglutas ng problem sets sa pamamagitan ng pagdalo sa tutorial class at pagsali sa quiz bees partikular para sa Matematika. Naniniwala si Malka na ang isa ay hindi dapat manatili sa kanilang kasalukuyang posisyon, ngunit sa halip ay magkaroon ng patuloy na pag-aaral upang maging mas mahusay sa kanilang napiling larangan. Ang kursong kaniyang kukunin sa kolehiyo ay Bachelor of Science in Accountancy (BSA) sapagkat siya ay may taglay na kakayahan na mag-analisa ng mga problema lalo na kung ito ay nangangailangan ng pagtutuos. Patuloy siyang nagpupursige upang makamit ang kaniyang pangarap na maging Certified Public Accountant (CPA) at makabilang sa kilalang accounting firm sa bansa. Maliban dito, umaasa siyang maging isang accountant na maituturing na mahalagang pag-aari sa kumpanyang kaniyang pagtatrabahuhan sa hinaharap.

30

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook