Kapabayaan ng ronda, sinisi sa trahedya




Kapabayaan ng ronda, sinisi sa trahedya
Nasa kabuang 6 aksidente na ang naitala ng paaralan matapos masagasaan ng motorsiklo ang isang mag-aaral sa ika-anim na baitang nitong ika-3 ng Disyembre, 2024 na nagtamo ng matinding sugat sa balikat at siko nito habang naglalakad sa pedestrian lane pauwi ng walang nagbabantay na ronda sa kalsada.
Ang walay malay na si Maryll Cagape, 11, isang Grade Six learner, ay dali-daling binuhat ni Gng. Mag-away ng ito ay nadaganan ng isang motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane bandang alas 4:00 ng hapon. Wala ng masyadong estudyante ang tumatawid sa kalsada kaya naman tudo ang harurot ng mga sasakyan ng tumatawid dito. Wala ng naka-abang na ronda at traffic aide sa lugar dahil umano sa lagpas oras na ng kanilang trabaho.
Isa sa naging usap-usapan nila ang kapabayaan ng nakatokang ronda sa araw na iyon na hindi sumipot dahil sa isyu ng sahod nito sa barangay.
“Ayaw sad me i-blaim sa nahitabo sir, wala baya sad moy counterpart sa among honorarium nga Ph2,000 sa barangay. Dugay pa man sad kaayo nigawas ang mga bata, alas 4:00 sa hapon raman me taman diri mag-bantay diri,” paliwanag ni Manong Ernie, traffic aide tanod.
Inalmahan ito ng punong guro ng paaralan na si G. Pacamalan na isang iresponsableng hakbang nila at pawang walang pakialam sa kapakanan ng mga kabataan sa paaralan.
Sa isang PTA Assembly Conference na ginanap noong ika-6 ng Disyembre, buong pusong sinalo ni Hon. Concordia Jardin, Brgy. Chairman ng Luz Banzon, ang responsibilidad sa pangyayari sa harap ng mga magulang. Sa halip na magsisihan, gumawa sila ng inisyatiba upang mag-dagdag ng traffic enforcers sa paaralan at pinaigting din ang pagbabantay sa mga estudyante na hanggang alas-5:00 ng hapon.
“Wala tay lain gusto sa atong mgas anak maski sa balay man sila o sa eskwelahan kundili ang ilang safety gyud sa adlaw-adlaw, busa daghan salamat sa inyong suporta sa tag-singko para makahatag kita ug dugang traffic aide nga mubantay sa atong mga kabataan“ saad ni Kapitan Jardin. Limang aksidente na ang naitala ngayong SY 2024-2025 na kung saan isa rito ay namatay dahil sa rickless driving.
“ ..wala tayong gusto para sa ating mga anak sa loob man ng bahay o sa labas kundi ang kanilang kaligtasan,..
- Punong Barangay
Bilang ng mga disgrasya sa daan na namatay
6
Bilang ng mga disgrasya sa daan na sugatan
Wagi sa kabuuang ikalimang pwesto sa RSPC 2024 School Paper Category na ginanap sa CDO, MisamisOriental ang Ang Alingaw 5th Place
Ayon sa ulat ng PNP Jasaan, kabuuang siyam na kaso ng pagtatanan ng mga mag-aaral na may edad 12 hanggang 15 taon ang naitala sa mga paaralan ng Jasaan mula sa unang quarter ng 2025, kung saan ang mga estudyanteng ito ay sumailalim sa masusing counseling upang matulungan sila.
Sa isang panayam ni PMAJ Melchor L. Annaway, Chief of Police ng Munisipyo ng Jasaan, halos mag-aaral ang inireklamo ng mga magulang ang nagtatanan sa nagdaang buwan hanggang sa kasalukuyan.
ni SOED KELLY ELLEN T. TUNACAO
Labis ang pag-alala ng mga guro sa walang kabang public display of affection ng mga mag-aaral hindi lamang sa loob ng paaralan kundi sa karatig-baybayin ng paaralan kung saan naging dating place ito ng mga magaaral na nasa edad 10-11 taong gulang.
Ayon sa mga guro, administrasyon, at magulang, malaking suliranin ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahuhuling mag-aaral dahil maaaring makaapekto ito sa kanilang disiplina at pag-aaral, lalo na’t ayon sa ulat ng SPOD, marami sa kanila ang nagpupunta sa baybayin malapit sa paaralan, isang pribadong lugar kung saan nagaganap ang hindi angkop na kilos na labag sa regulasyon.
Sa nagging panayam kay Joed Gaas, ang School Prefect of Discipline, ay nagpahayag ng kaniyang pagkabahala. “Ang LBIS ay isang institusyong,.. akademiko na kailangang igalang ng bawat estudyante. Ang PDA ay hindi katanggap-tanggap, lalo na’t ang mga kabataang ito ay nasa murang edad pa lamang. Ginagawa namin ang lahat ng hakbang upang mapanatili ang disiplina at paggalang sa bawat isa.”
Bilang tugon, ang mga opisyal ng barangay, kasama ang BPAT-CVO, ay nagsagawa ng mahigpit na pagbabantay sa mga estudyanteng pumupunta sa tabing-dagat. Ang Barangay Health Workers ay nag palabas ng kanilang mga datus ukol sa pagtaas ng kaso sa maagang na kungsaan
karamihan ay mag mag-aaral ng sekondarya ng, na nasa edad 15-16 taong gulang.
“Higit pa sa akademiko ang responsibilidad ng isang paaralan. Dapat itong maging ligtas na lugar kung saan itinuturo hindi lamang ang mga leksyon sa klase, kundi pati na rin ang tamang asal at pag-uugali. Bilang bahagi ng aming aksyon, magkakaroon kami ng serye ng mga seminar para sa mga mag-aaral at magulang ukol sa kahalagahan ng respeto sa sarili at kapwa,” saad ni Asis, punongguro.
Binibigyang-diin ni James Salvador, pangulo ng SPTA, ang mahalagang papel ng mga magulang sa paggabay sa mga kabataan, partikular sa pagtuturo ng tamang asal at pagpapahalaga. Hinihikayat niya ang pagkakaisa ng komunidad at aktibong pakikilahok sa pagresolba ng mga isyu. Kaugnay nito, mas pinaigting ng LBIS ang kanilang polisiya, pakikipag-ugnayan sa barangay, at pagsisiguro ng kaligtasan ng mga estudyante. Nakatuon din ang paaralan sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang upang magbigay ng patuloy na gabay at paalala sa mga kabataan para maipakita ang tamang asal sa lahat ng pagkakataon.
higit Php14K sa 38 kasong pangingikil sa mga mag-aaral, inimbestigahan
ni CHLOE GINIEIA GARCIA
Pilit tikum ang bibig ng mga mag-aaral sa ika-lima at ika-anim na baitang ng LBIS habang iniinterbyu ng kanilang mga guro tungkol pagmamalabis nila sa exit gate ng paaralan nitong huling linggo ng Disyembre, 2024 para mag-abot ng “kikil“ sa mga out-of-school na mga kabataan sa karatig baryo ng paaralan
Hindi na mapigil at nagsalita na rin si Jason, hindi tunay na pangalan at isa sa mga biktima ng pangingikil hindi lang daw ngayon lang sila nangingikil kundi noon pa raw nakaraang taon sa mga ika-lima at ika-anim na baitang ang mga punterya ng mga kabataang ito.
“Ila daw me proteksiyonan ug dili hilabtan kung makalaag mi sa ilahang lugar kung maghatag mi sa ilaha, kai kung dili daw, birahan daw mi nila. Busa perme nlng me ug baon sa iskol para dili na makagawas,“ sabi ni Jason.
Ayon sa brainly.com, ang pangingikil ay isang uri ng pang-aabuso ng kabaitan sa kapwa bata. Maari itong paniningil ng pera o serbisyo sa pamamagitan ng paggamit ng dahas o pananakot.
Mahigit-kumulang sa Ph4,000.00 na ang nangikil galing sa mga mag-aaral mula noong nagsimula ang taonang pag-aaral na nagwakas naman sa ikalawang linggo ng Abril kung saan ito ay naaksiyonan ng paaralan.
“Kinukundena po namin ang lahat ng mga katiwalian sa loob ng paaralan ngunit kapag ito’y galing sa labas, mahihirapan po kaming kilalanin kung sino ang may pakana ng mga ito,“ tugon ni Ginong Paculanan, punongguro ng paaralan.
“Naging mapagmatyag ang aming gwardiya sa lahat ng mga operasyon sa loob at labas ng kampus at kami ay nagpapasalamat sa pagdagdag ng mga BPAT sa palibot ng paaralan upang matuntun at masaway kung sino man ang gumagawa ng nga pang-aabusong ito sa ating mga mag-aaral.” dagdag pa niya.
Sa tulong ng mga BPAT ng barangay, ay tinutuntun na ng mga awtoridad kung sino at saan namamalagi ang mga kabataang ito na ayon sa mga biktima sa kabataan mula sa karatig-baryo lamang. Sila ay mga dating mag-aaral na ngayon ay huminto na at nang-aabuso ng mga batang magaaral sa mga paaralan.
“Pabata nang pabata ang mga kasong pagtatanan dito sa ating lungsod base sa mga reports ng mga magulang dito sa police station. Karamihan sa kanila ay miyembro ng mga grupo ng gang sa kanilang mga lugar at eskwelahan,” saad ni PMAJ Annaway.
Naging diskusyon ang isyung ito sa ginanap na General Assembly Meeting ng Luz Banzon IS nitong nagdaang linggo, ika-28 ng Pebrero kung saan pinaalalahanan ni Ginoong Jay Pe Paculanan ang mga magulang na maging masusi sa kanilang gingawa hindi lamang sa mga Junior High School kundi pati na rin sa mga mag-aaral sa elementarya na kung saan mas mayroong banta ito dahil palaging nakikita ng mga mas bata ang ginagawa ng mga mas nakatatanda sa kanila.
“We are always appealing to you all dear parents to always look after our childrens every after school hours, dili na namo hawak ang ilang oras pag-gawas sa school. Kini nga butang seryoso ug hadlok kung mahitabuan sa atong mga bata,“ saad ni G. Paculanan sa meeting.
Bukod sa mga isyung pagtatanan, isang isyu rin ang lumolobong teenage pregnancy at Public Display of Affection sa komunidad ng Luz Banzon ayon sa Barangay Health Office. Parte ng adbokasiya na tinutuonan sa barangay at sa paaralan ang maibsan ang nasabing mga kaso na naging problema sa kasalukuyan.
Nangungunang mga insidente sa paaralan
‘Construction delay’ ng Php10M na silid-aralan, ikidismaya
Ang 10-milyong proyekto sa pagtatayo ng silid-aralan sa LBIS, na pinondohan ng Provincial SEF, ay naantala ng halos isang taon dahil sa kakulangan ng pondo, na ikinagagalit ng komunidad ng paaralan dahil ang inaasahang pagtatapos nito noong Mayo 2024 ay matagal nang overdue.
Ang naantalang proyekto, na layuning magbigay ng karagdagang silid-aralan upang mabawasan ang siksikan ng mga estudyante, ay nagdulot ng pangamba sa kaligtasan dahil ang hindi pa natatapos na istruktura, na may kulang na mga materyales, ay naglalagay ng panganib sa mga estudyante malapit sa mga aktibong silidaralan. Dahil dito, ipinaabot ni Punong Guro Robert J. Asis ang kanyang matinding pag-aalala sa matagal nang pagkaantala.
“Ang buong komunidad ng paaralan ay apektado ng pagkaantala na ito, lalo na’t dumarami ang bilang ng mga estudyante. Kailangan namin ng karagdagang espasyo para sa mga silid-aralan, ngunit ang proyekto ay matagal nang hindi gumagalaw. Nais naming malaman ang sagot at agarang aksyon,” sabi niya.
NAng proyekto ng lalawigan, na nakatuon sa pagpapalawak ng kapasidad ng paaralan, ay nagdulot ng paghihirap sa mga guro at estudyante dahil sa mga masisikip na silid-aralan dulot ng mga pagkaantala. Samantala, ang mga magulang, na nagaalala sa mga panganib sa kaligtasan ng hindi pa natatapos na gusali, ay nagpahayag ng kanilang mga alalahanin sa pamamagitan ni James Salvador, Pangulo ng School Parent-Teacher Association (SPTA).
“Ginagawa ng paaralan ang kanilang makakaya, pero kining building construction nga until karon wala pa mahuman is a hazard for our children. We are left wondering when this will be completed,” sabi ni Salvador.
Sa kabila ng lumalaking pagkabahala ng komunidad,
wala pa ring update kung kailan ipagpapatuloy ang konstruksyon. Huminto ang kontratista sa trabaho, binanggit ang kakulangan sa pondo, at nananatiling hindi tiyak ang timeline.
Kinilala ni Misamis
Oriental Provincial Engineer
Carlos Dela Cruz ang problema sa pondo.
“Sa kasamaang palad, naroon na ang nakalaang budget ngunit nagkaroon ng problema sa pagkaantala ng pagpapalabas ng pondo dahil may mga kinakailangang dokumento pa na kailangang kumpletuhin. Pero inaasikaso na namin ito upang mailabas ang pondo sa lalong madaling panahon, at layunin naming ipagpatuloy at tapusin ang konstruksyon bago matapos ang taon,” aniya.
“
agbasag ng katahimikan ang isang 9-anyos na mag-aaral ng matapang na nagsiwalat ng kanyang nakakagulat na karanasan sa kanyang magulang noong ika-21 Setyembre 2024 sa isang imbestigasyon ng Jasaan DSWD. Ang pangunahing suspek ay si Eduardo a.k.a. “Angkol Eddie” (hindi totoong kamag-anak), na sinasabing naganap ang insidente apat na buwan na ang nakalipas sa Bonbon Beach noong dapit-hapon ng Mayo 2024.
Ayon kay Jane (hindi tunay na pangalan), masaya lamang siyang nangongolekta ng maliliit na bato sa tabingdagat ng Bonbon noong Mayo 26, 2024, nang bigla siyang hatakin ni Angkol Eddie patungo sa madilim na bahagi ng dalampasigan. Doon siya ay hinawakan sa maselang bahagi ng kanyang katawan, ngunit agad siyang tumakbo at humingi ng tulong sa miyga tao sa paligid.
“Iya kong gibira-bira paingon sa baruto didto sa mala, sakit gani kaayo akong kamot kay gipugos ko niya. Dayun gihikap-hikap ko ni Angkol maong nidagan dyun ko pero gilakag ko niya. Pag-abot nako sa kanipaan, nitago ko didto hangtod nawala siya,” pahayag ni Jane.
Ayon kay Audimier Rodriguez, RSW, ng Jasaan DSWD, hindi na bago sa kanilang lugar ang ganitong insidente, kaya’t kinakailangang maging mas mapagmatyag ang mga magulang at tagapag-alaga upang mapanatili ang kaligtasan ng mga bata.
“Ipinasa na namin ang kaso sa PNP noong Setyembre 22, 2024, ngunit nagpasya ang mga magulang ni Jane na hindi na ituloy
..iya kong gibira-bira paingon sa baruto didto sa mala, sakit gani kaau akong kamot kay gipugos ko niya..
ang kaso at tatanggapin na lamang ang suportang pinansyal bilang kapalit ng danyos,” ayon kay Rodriguez. Paulit-ulit na pinaaalalahanan ng paaralan ang mga magulang na maging mapagbantay sa kanilang mga anak, lalo na pag-uwi galing eskwela. Sa PTA Conference noong Oktubre 11, 2024, ipinahayag ng punong-guro na si Robert Asis ang kanyang pag-aalala sa seguridad ng mga magaaral sa pag-uwi at iminungkahing sunduin na lamang ang kanilang mga anak, lalo na ang mga babae.
“Hindi natin matitiyak ang buong seguridad sa paaralan dahil hindi natin mababasa ang isipan ng masasamang loob, ngunit maaari nating maiwasan ang ganitong mga karumal-dumal na krimen sa pamamagitan ng inyong kooperasyon at suporta sa inyong mga anak. Hindi namin magagarantiya ang seguridad ng inyong mga anak kapag nasa labas na sila ng paaralan,” dagdag niya.
Ito na ang pangalawang kaso ng pang-aabusong sekswal na naitala ng barangay health office sa nasabing lugar, kasunod ng insidente ng isang 15-anyos sa isang liblib na bahagi ng barangay.
Kabilang sa mga edad 1516 sa datos na ito ng barangay health office ay mag-aaral ng Luz Banzon IS na nasa grade 9 at 10 na kabilang sa isyu ng Public Display of Affection
Sa digital na panahon, ang mabilis na pagbabago sa larangan ng wika ay naging kakaiba. Ang GenZ ay nasa unahan ng pagbabagong ito, kung saan nagtatagpo ang tradisyonal na mga halaga at ang impluwensiya ng social media. Ang kombinasyon ng wika, halaga, at exposure sa social media ay bumuo ng isang henerasyon na ang paraan ng pagsasalita ay naglalakbay sa masalimuot na mundo ng ekspresyon at komunikasyon.
Ayon sa paminy.com, mas detalyado at inklusibo ang pamantayan ng kaugalian” ng Gen Z kumpara sa mga millennials. Ang tamang asal ng Gen Z ay mas bukas ang isip at mapagparaya sa iba’t ibang mga pananaw at karanasan kaysa sa mga mas nagdaang henerasyon.
Ang paraan ng pagsasalita ng GenZ ay nagpapakita ng pagsasama-sama ng iba’t ibang impluwensya, mula sa mga kolokyalismo ng kanilang mga ninuno hanggang sa mga maikling ekspresyon na nabuo sa panahon ng digital. Ang pagsasanib na ito ay nagdulot ng isang natatanging larangan ng wika na kinakatawan ng kathang-isip, kreatibo, at paghahalo ng mga wika - isang phenomenon na madalas na napapansin sa mga online na pakikipagugnayan.
Gayunpaman, sa gitna ng maraming linggwistikong mga inobasyon, hindi maaaring balewalain ang mga nakatagong halaga na humuhubog sa paraan ng pagsasalita. Sa kabila ng pananaw na ang henerasyon ay nababalot sa ephemeral na mundo ng social media, ipinapakita ng GenZ ang kahanga-hangang kakayahan na magpasiya sa pagitan ng totoong at hindi totoong komunikasyon. Sa ilalim ng pagpapakitang mga hashtag na trending at mga viral na meme ay isang henerasyon na pinahahalagahan ang pagiging totoo, pagkakaroon ng empatiya, at pangangalaga sa pagkakaiba-iba sa komunikasyon.
Gayunpaman, ang kahalagahan ng social media ay nagdudulot din ng isang patalim na espada, na naglalantad sa Gen Z sa isang di-mabilang na antas ng kultura ng wika habang nagpapalakas din sa impluwensya ng negatibong paraan ng pagsasalita. Ang walang-tigil na “bombardment” ng “di-filtered” na nilalaman ay naglilihim sa mga linya sa pagitan ng naaangkop at nakasasakit na paraan ng pagsasalita, na nag-uudyok sa mismong batayan ng mga halaga ng lipunan.
Sa ating paglalakbay sa palaging nagbabagong larangan ng paraan ng pagsasalita, mahalaga na kilalanin ang pangunahing papel ng GenZ sa paghubog sa kinabukasan ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng pagpapalago ng isang kultura na ipinagdiriwang ang linggwistikong pagkakaiba-iba habang pinananatili ang mga walang-katapusang halaga ng paggalang at empatiya, maaari nating gamitin ang mapagbago ng kapangyarihan ng wika upang tawirin ang mga pagkakaiba at bumuo ng makabuluhang ugnayan sa isang lalong nagiging konektado na mundo.
Sa kumplikadong likhang-likhang pangwika, tanggapin natin ang mga kahulugan ng nagbabagong dila ng GenZ bilang patunay sa katatagan ng ekspresyon ng tao.
a gitna ng mga programang pang-ayuda ng gobyerno, marami ang natutulungan, ngunit marami rin ang nagtatanong—tama ba ang paraan ng distribusyon? Ang ayuda ay nilikha para sa mga tunay na nangangailangan: mga nawalan ng kabuhayan, mahihirap na walang makain, at mga nasalanta ng kalamidad. Ngunit sa kabila ng layunin nitong makatulong, lumilitaw ang mga isyu ng hindi pantay at kaduda-dudang distribusyon.
Ang ayuda ay mula sa pondo ng bayan, buwis na binabayaran ng mga manggagawang Pilipino. Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), malaking porsyento ng buwis ay mula sa pribadong sektor—mga taong nagtatrabaho ng higit walong oras kada araw upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngunit bakit sa distribusyon, tila ang nasa talaan lamang ng lokal na pamahalaan ang nakatatanggap? Paano ang mas nangangailangan?
“
..ang bawat sentimo ng pondo ng taong bayan ay dapat gamitin nang tama at may integridad.
May mga ulat na natatanggap ng ayuda ang hindi totoong nangangailangan—may malakas pang katawan pero mas piniling umasa kaysa maghanapbuhay. Samantala, maraming tax payers ang nagtitiis ng kaltas sa kanilang sahod ngunit hindi nakikinabang sa ayuda. Nasaan ang hustisya para sa mga masisipag na pamilyang gaya ng sa amin?
Bilang anak ng mga masisipag na magulang, masakit isipin na ang pinagpagurang buwis nila ay napupunta sa mga taong tamad o sa pulitikong ginagamit ang ayuda para sa sariling interes. Hindi ba dapat ito para sa mga tunay na nangangailangan at hindi isang estratehiya sa politika?
Hindi maikakailang may ilang pulitikong “selective” sa pamamahagi ng ayuda, kung saan malalapit lamang sa kanila ang
nakatatanggap. Ang mas masaklap, nagagamit ito tuwing eleksyon bilang pabor sa mga botante. Imbes na solusyon, nagiging ugat ito ng katiwalian at hindi pantay na sistema. Ano ang dapat gawin? Una, dapat magkaroon ng malinaw, patas, at transparent na distribusyon ng ayuda. Kailangang bumuo ng “centralized database” upang matiyak na ang tulong ay napupunta sa tunay na nangangailangan, batay sa kalagayan, hindi sa koneksyon. Pangalawa, dapat itanim sa isip ng mamamayan na ang ayuda ay pansamantalang tulong, hindi panghabambuhay na pagkukunan ng ikabubuhay. Panghuli, dapat maging accountable ang mga namumuno—ang bawat sentimo ng pondo ng bayan ay dapat gamitin nang tama at may integridad.
Ang AYUDA ay isang magandang programa kung maayos na ipinatutupad. Ngunit kung nagiging ugat ito ng hindi patas na sistema, pabigat ito sa nagbabayad ng buwis. Maraming pamilyang nagsusumikap ang tila nalilimutan.
Bilang isang batang manunulat at anak ng isang manggagawa, nananawagan ako ng patas, maayos, at transparent na sistema sa pamamahagi ng ayuda. Hindi natin dapat ipikit ang ating mga mata. Ang hustisya at tamang distribusyon ng ayuda ay hindi pabor kundi isang obligasyon ng gobyerno. Ang AYUDA ay dapat maging pag-asa, hindi kasangkapan ng pang-aabuso.
Ang pagbabago ay magsisimula lamang kung tayo ay magtatanong, kikilos, at maninindigan para sa tama. Kung hindi ngayon, kailan pa?
..kinakailangan nating magsanib-puwersa at ipaglaban ang agarang aksyon. Nasa panganib ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral, pati na rin ang integridad ng edukasyon.
Ang Maintenance at iba pang Gastos sa Operasyon (MOOE) ay ang pangunahing pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng pampublikong institusyon dito sa Pilipinas upang suportahan ang mga programang pangedukasyon at makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at malusog na kapaligiran sa mga paaralan, tulad ng unang inilabas sa mga alituntunin ng implementasyon na nakasaad sa DepEd Order No. 13, 2016.
Ang malaking pagtaas sa gastusin sa tubig at kuryente ay nagdudulot ng pangamba sa edukasyonal na kalagayan ng Luz Banzon Integrated School. Ang nakakagulat na 35% o PHP 4,500.00 na pagtaas sa buwanang gastusin, na nag-angat ng bayarin mula PHP 9,000.00 patungong nakakatakot na PHP 13,500.00, ay nagdudulot ng nakakabahalang sitwasyon para sa institusyon at ang mga interesadong partido.
atulad ng karamihan sa mga paaralan sa lungsod, ang Luz Banzon IS ay ilalagay malapit sa isang shopping mall na agad na magsusulputan ngayong taon na may kasamang mga haka-haka na maaaring ma-divert ang interes ng mga mag-aaral kaysa pumasok sa paaralan, maaaring masumpungan silang naglalakad-lakad habang oras ng klase. Ito rin ay isang palatandaan ng pag-unlad sa komunidad na nakakatanghal ng trabaho, turismo, at paglago sa ekonomiya. Ito ba ay karapat-dapat na isakripisyo ang edukasyon para sa mga magaaral?
Ang SR Mall ay nag-aalok ng iba’t ibang mga pampaginhawa na gawain, potensyal na parttime na trabaho, at access sa mga establisyamento na nakakatugon sa pangakademikong at pampalibang na mga pangangailangan.
Sa kabila nito, may pangamba ang mga estudyante, kasama na ako, sa pagkahumaling na maglaan ng sobrang oras sa mall habang may klase o pagkatapos ng mga
klase, na maaaring magbunga ng pagkakaroon ng mas mababang focus sa akademiko at kawalan ng pakikilahok sa mga gawain na may kinalaman sa paaralan. Ang malapit na mga pasyalan, mga opsyon para sa libangan, at mga tindahan ay maaaring maging dahilan ng paglipat ng mga mag-aaral mula sa mga lecture o pagkakaligtaan ang kanilang mga gawain sa paaralan. Sa pagkilala sa posibleng mga negatibong aspeto ng isang
malapit na mall, naniniwala ako na ang tamang gabay at balanse ay maaaring mabawasan ang negatibong epekto. Ang mga mag-aaral ay kailangang bigyan ng prayoridad ang kanilang pagaaral at magamit ang oras ng epektibo, at ang pamamahala ng paaralan at mga guro ay may mahalagang papel sa pagtataguyod ng kamalayan.
Ang matalim na pag-angat sa presyo ng kuryente ay diretsahang nagbabanta sa badyet ng Maintenance at iba pang Gastos sa Operasyon (MOOE), na mahalaga sa pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga magaaral, guro, at imprastruktura ng paaralan. Ang ganitong malaking pagtaas ng gastos ay nagbubunga ng panganib sa mga pangunahing yaman na kinakailangan para sa isang angkop na kapaligiran sa pag-aaral.
Ang mamahaling gastusin ay nagmumula sa lumang imprastruktura ng paaralan na nangangailangan ng pag-aayos. Ang mga tumutulo na mga tubo mula sa pangunahing pinagkukunan at ang mga depektibong kabling ng kuryente ay nagpapabigat sa konsumo, na nagreresulta sa hindi ma-sustenableng pagtaas ng presyo ng utility.
Kinakailangan ang agarang aksyon upang maiwasan ang darating na kalamidad na ito.
Ang mga ahensiyang pampamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga interesadong partido ay dapat magsanib-puwersa upang magbigay ng mga resources at kasanayan para malunasan ang mga kakulangan sa imprastruktura na ito.
Sa aking pangarap bilang isang komunidad, kinakailangan nating magsanib-puwersa at ipaglaban ang agarang aksyon. Nasa panganib ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral, pati na rin ang integridad ng edukasyon. Lahat ng mga sangkot ay dapat magbigay-prioridad sa mga solusyon sa mga hamon sa imprastruktura na ito upang magkaruon ng kapaligiran na angkop sa pag-aaral at paglago sa Luz Banzon Integrated School.
BAYAD
ng pagbubukas ng bagong gusaling paaralan ay nagdadala ng mga kapakinabangan at hamon, lalo na sa usapin ng badyet ng paaralan. Ang pagtutok ng karagdagang pondo para sa mga bayarin sa serbisyong pampubliko, tulad ng mga bayaring utility, ay nagiging isang aspeto na kinakailangan pagtuunan ng sapat na pansin.
Nagbibigay ito ng kumpiyansa na maihatid ang mahahalagang serbisyong pang-edukasyon, nagpapalakas ng pangmatagalang pag-unlad, at nagbibigay inspirasyon sa positibong kapaligiran sa pag-aaral. Ang emphasis ay dapat na nasa mga pangmatagalang benepisyo at kagalingan ng mga mag-aaral at guro. Laging sinasabi natin na ito ay isang sitwasyong panalo para sa lahat, di ba?
Ngunit sa likod ng lahat, ang paaralan ay patuloy na nakararanas ng problema sa wiring at tulo ng tubig na nagkakahalaga ng Ph13,500.00 na bagong bayarin sa kuryente mula sa dati ay Ph9,500.00 lamang. Ito ay nagdudulot ng pangamba hinggil sa pagtaas ng bayarin sa kuryente at tubig sa loob ng mahabang panahon dahil sa kapabayaan ng naunang administrasyon.
Ngunit, sa ilalim ng mga magandang pag-asa na ito, nagtatago ang serye ng mga problema. Kalaunan, pagod at malaking gastos lamang ang nagiging resulta, ngunit ito’y ginagawa para mapanatili ang simpleng layunin na magkaruon ng maayos na kalagayan para sa pag-aaral.
Nagsimula ang USB Builders noong Oktubre 2023, isang linggo matapos ang seremonya ng pagtatag na dinaluhan ng mga Opisyal ng Probinsya na pinangunahan ni Gov. Unabia at si Dr. Valmores ng Jasaan South District PSDS. Hindi napigilan ang kasiyahan at excitement ng lahat habang ipinapakita ang disenyo at pangitain ng proyekto.
Gayunpaman, nag-aalok ang USB Builders na sagutin ang lahat ng kanilang gastusin sa kuryente bilang karagdagang bahagi ng badyet ng paaralan, ngunit hindi ito na-allocate.
“
Sa abot ng aking kaalaman, ang mga karagdagang pondo na ito ay hindi direktang ide-deposito sa pondo ng paaralan at magtatake ng oras bago ito maging kumpleto. Ano ang nangyayari na operasyon ng paaralan? Ang isyung ito ay dapat magkaruon ng direktang kasagutan mula sa Provincial Office dahil ito ay kanilang proyekto. Ang edukasyonal na pagtatangkang ito ay kailangang maging maingat na inihahanda at ipinapaabot upang maging matagumpay. Ito ay isang isyu na dapat maging bahagi ng kamalayan ng lahat dahil tayo ay isang komunidad sa loob ng institusyon na ito. Upang magkaruon ng kaginhawaan, kinakailangan nating magbuwis at harapin ang mga pagsubok.
Sa kalaunan, kapag ito ay natapos, ang proyektong ito ay mananatili sa loob ng maraming taon., kung hindi man ng mas matagal.
..maraming dapat unahan sa DepEd gaya ng mga textbooks, ICT equipments, pero nauuna pa ang pagbabago sa curriculum at sunod dyan, mag-aadjust ang mga guro at mga mag-aaral,.kailan ba magiging stable ang DepEd?..
komento ni Gng. Ellen Ramoso
..marami namang plano pero puros na lang plano bihira na ang implementasyon sa ibaba, kawawa mga mag-aaral nag-titiis sa kopya sa blackboard, komento ni G. Roy Tagguero
“
ni EMMANUEL ABRAHAM NABO
Sa sistemang pang-edukasyon, partikular sa mga pampublikong paaralan, madalas na hindi nabibigyang pansin ang handbook ng paaralan sa kabila ng papel nito bilang gabay sa mga tuntunin at inaasahang asal. Ang pagkakabaling ng pansin sa bagay na ito ay nagbubunsod ng tanong: sino ang responsable? Mga guro ba, administrasyon ng paaralan, o mismong mga mag-aaral?
Maaaring mahirapan ang mga guro na bigyan ng priyoridad ang handbook sa dami ng kanilang mga tungkulin. Ang mga administrador, bilang mga tagahubog ng kultura, ay dapat bigyangdiin ang kahalagahan nito at isama ito sa mga etika ng paaralan. Ang mga mag-aaral din ay may responsibilidad na kilalanin ang kahalagahan ng handbook para sa isang maayos na kapaligiran sa pag-aaral.
Sa huli, lahat ng mga may kinalaman ay may pananagutan sa pagpapanatili ng mga pamantayan ng handbook, at lumikha ng isang kultura kung saan ito ang magiging gabay sa epektibong paglalakbay sa edukasyon. Hindi lamang tungkulin ng mga guro at administrasyon ng paaralan ang magpaalala at magpasa ng mga tuntunin ng paaralan sa bawat kamay ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ang School PTA at ang mga Opisyal ng Barangay bilang mga katuwang ng paaralan.
Tulad ng sinasabi natin, kinakailangan ng isang buong komunidad upang makapagturo ng isang bata. Kaya naman, ang pagtuturo ay hindi lamang pagbibigay ng araling pang-akademiko sa mga bata kundi pati na rin ng mga leksyon sa buhay upang sila ay maging responsable at grounded sa paaralan at sa mas malawak na komunidad.
Dapat nating tandaan na ang mga pangunahing aral sa buhay ay itinuturo sa tahanan. Ang pagsunod ng mga bata sa mga patakaran ng paaralan ay repleksyon ng kanilang mga natutunan sa tahanan, kasama ang mga magulang bilang kanilang unang guro. Ang handbook ng paaralan ay isang patuloy na paalala kung ano ang tamang dapat gawin at ang karampatang parusa para sa mga sadyang gumagawa ng maling hakbang. Ang pagsunod sa isang simpleng tuntunin ay sumasalamin sa pangunahing disiplina at pangako.
“..ibang administrasyon, iba na naman ang plano. Ang hirap sa ating bansa, kapag iba na ang nakaupo, iba na naman ang magiging sistema sa edukasyon.
komento ni Gng Lene Magsayo
EDITOR
Regulasyon sa pagsusuot ng ID sa paaralan
Itinutulak ng administrasyon ang aksyon tungkol sa pagsusuot ng Identification Card sa paaralan, lalo na sa mga opisyal na naka-enroll sa SY na ito.
Mabisa, ang tuntunin ay nasunod at sinunod din ng mga mag-aaral at guro. Ito ay para sagutin ang kamakailang insidente hinggil sa kaguluhang dala ng taong tagalabas na nagresulta sa pagkakasugat ng mag-aaral sa paaralan dahil sa suntukan. Nakakaalarma ang aksyon kung isasaalang-alang ng mga tauhan ng tarangkahan ng paaralan na walang ideya kung sino ang papasok at lalabas paminsan-minsan.
Ngunit isang bagay ang nakaagaw ng atensyon ng ilang magulang nang hindi pinayagang makapasok ang kanilang mga anak dahil sa hindi pagsusuot ng kanilang mga ID sa ilang kadahilanan. Ang isyung ito ay dapat lutasin sa pamamagitan ng banayad na pagdampi ng mga pasaway dahil may mga bagay na hindi natin kayang hawakan, at ito ay makokompromiso lamang ang kaligtasan ng mga mag-aaral kapag hindi sila nakapasok sa paaralan. Sana marinig ko ang iyong mga damdamin. Salamat sa pakikinig sa aming boses.
Concern na mag-aaral
ni DEANNA CHLOE D. PADRELANAN
ng patuloy na diskusyon hinggil sa patakaran ng “No School Uniform, No Entry Policy” na ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng DO 65, S. 2010, ay patuloy na nagaganap sa Luz Banzon Integrated School. Bagaman ang direktiba ay nagbibigay daan para sa pagpapasya ng mga estudyante na hindi magsuot ng uniporme upang maibsan ang mga suliranin sa pinansiyal, ang mga kaganapan kamakailan lang ay nagpapakita ng mga potensiyal na hindi kanais-nais na epekto ng nasabing patakaran.
Ang kakulangan ng isang kinikilalang uniporme ay nagdudulot ng kalituhan at mga pagkakamaling pangkakilanlan, tulad ng nangyari noong Nobyembre 2023. Ipinakikita nito ang pangangailangan na suriin ang patakaran upang makamtan ang isang maayos na balanse sa pagitan ng kinakailangang gastos at ang pangangailangan na mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran sa edukasyon. Sa kabatiran ng mga pangyayari, lantad
Aang mahalaga na papel ng malinaw na dress code para sa mga magulang, guro, bisita, at estudyante sa kanilang pagpasok sa paaralan. Ang pagsusumikap na maipatupad ang isang akmang dress code ay naglalayong hindi lamang palakasin ang kamalayan ng bawat isa at ang kanilang dignidad kundi pati na rin ang pagbuo ng ligtas na atmospera sa loob ng paaralan. Ito ay nag-aambag sa mas mabilis na pagkakakilanlan, pagsusugpo ng mga
“ ..ang pagsusumikap ng maitupad ang isang akmang dress code ay naglalayong hindi lamang palakasin ang kamalayan ng bawat isa at ang kanilang dignidad kundi pati na rin ang pagbuo ng ligtsa ng kapaligiran,..
distraksyon mula sa labas, at pagpapahayag ng propesyonal na kalakaran. Ang paghahanap ng tamang balanse sa pagitan ng indibidwal na ekspresyon at ang pangkalahatang identidad ng komunidad sa pamamagitan ng isang maayos at tiyak na dress code ay may malaking kahalagahan sa pagbuo ng positibong at ligtas na kapaligiran sa edukasyon sa Luz Banzon Integrated School.
“ ..ang pagsusumikap ng maitupad ang isang akmang dress code ay naglalayong hindi lamang palakasin ang kamalayan ng bawat isa at ang kanilang dignidad kundi pati na rin ang pagbuo ng ligtsa ng kapaligiran,..
ng kamakailang pagsapubliko ng mga resulta ng PISA o Program for International Student Assessment ay nagdulot ng muling pagaalala hinggil sa antas ng edukasyon ng Pilipinas sa pandaigdigang pamantayan. Ang mga resulta ay nakakabahala, na nagpapakita ng isang alalahanin na kung saan ang Pilipinas ay lima hanggang anim na taon ang hinahabol sa pangkalahatang pagganap sa pagbasa, matematika, at agham sa gitna ng 81 na lumahok na bansa. Saan ba ang nanggagaling ang problemang ito?
Ang mga resulta ng PISA ay nagpapakita ng isang malungkot na pagpapatuloy sa pakikibaka ng Pilipinas sa larangan ng edukasyon. Ang ranggo ng bansa na ikaanim mula sa huli sa pagbasa at matematika, at ikatlo mula sa huli sa agham, ay nagpapakita ng patuloy na mababang pagganap mula noong unang sumali ito sa pagsusuri noong 2018. Bagaman mayroong maliit na pag-angat ng mga marka sa matematika at pagbasa mula 2018 hanggang 2022, ang mga pagusbong na ito ay hindi makabuluhan sa estadistika, na nagpapakita ng lawak ng mga umiiral na isyu sa edukasyon.
Sa pagtingin sa mga numero na ipinakita sa website na https:// www.oecd.org/pisa/, bagaman may bahagyang pagtaas ang average na marka sa matematika at pagbasa, ang pag-angat mula 353 hanggang 355 sa matematika at 340 hanggang 347 sa pagbasa ay hindi nakapagtapos ng malaking kahinaan. Sa agham, ang maliit na pagbaba mula 356 hanggang 357 ay nagbigay-diin sa umiiral na mga hindi pagkakapantay-pantay. Ang mga markang ito, bagaman may maliit na pag-usbong, ay nananatiling mas mababa kaysa sa OECD average, na nagpapakita ng seryosong hindi pagkakapantay-pantay sa pagganap.
Ang mabagal na pag-unlad ng sistema ng edukasyon sa bansa ay dulot ng maraming alalahanin, kabilang ang pangangailangang baguhin ang mga pamamaraan ng pagtuturo upang maging mas
interaktibo at angkop sa iba’t ibang uri ng mag-aaral. Bukod dito, ang hindi pantay na alokasyon ng mga mapagkukunan at access sa dekalidad na edukasyon sa iba’t ibang lugar ay nagdudulot ng malaking hamon. Upang malutas ito, kinakailangang magkaroon ng koordinadong pagsisikap upang matiyak ang pantay-pantay na access sa mga mapagkukunan at mas pinahusay na pagsasanay para sa mga guro.
Mahalaga ang pagsusulong ng isang pagbabago sa edukasyon na nagbibigay-diin sa kritikal na pag-iisip, pagsusuri ng problema, at inobasyon upang mapabuti ang kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang integrasyon ng interdisiplinaryong pamamaraan, karanasan sa pagaaral, at ekstrakurikular na gawain ay makakatulong sa kanilang pangkalahatang pag-unlad. Upang maisakatuparan ito, kailangang magsulong ang Kagawaran ng Edukasyon ng malawakang reporma, kabilang ang pagsusuri sa kurikulum, pagtaas ng alokasyon ng mapagkukunan, at suporta sa mga guro. Ang mga resulta ng PISA ay isang paalala na may pangangailangan para sa sama-samang pagsisikap upang matugunan ang mga sistemikong isyu sa edukasyon, tiyakin ang patas na oportunidad sa pagkatuto, at ihanda ang mga mag-aaral para sa isang pandaigdigang kompetitibong kapaligiran.
ATEKNOLARO INTERAKTIBO
ng teknolohiya ay patuloy na nagiging malaking bahagi ng ating buhay, pati na rin sa larangan ng edukasyon. Ang paggamit ng teknolohiya sa edukasyon, tulad ng “gamification,” ay nagbigay ng bagong paraan upang gawing mas interaktibo at masaya ang pagkatuto. Sa pamamagitan ng mga elementong laro tulad ng puntos, gantimpala, at hamon, nagiging mas “engaging” ang mga aralin at nakakakuha ng mas maraming motibasyon ang mga mag-aaral. Sa unang tingin, mukhang makabago at kapana-panabik ito, ngunit may mga isyung kaakibat ito na kailangan ding isaalang-alang.
Bilang isang estudyante, naniniwala akong maraming benepisyo ang “gamification.” Pinapalakas nito ang aming motibasyon at nagpapadali sa pagkatuto dahil nagiging mas masaya kami at may kasamang kumpetisyon. Ngunit, hindi lahat ng estudyante ay may access sa teknolohiya. Ang mga mag-aaral na walang smartphone o internet ay maaaring mawalan ng pagkakataon na makibahagi sa gamified lessons. Ito ay maaaring magdulot ng hindi pagkakapantay-pantay sa pagkatuto at magbigay ng pakiramdam ng pagiging napag-iiwanan.
Dahil dito, mahalaga na magtulungan ang mga guro upang tiyakin na walang mag-aaral na matitira. Maaaring pagsamahin ang teknolohiya at tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo upang mapanatili ang inclusivity. Halimbawa, maaaring magkaroon ng group activities o hands-on projects para sa mga hindi makakagamit ng “gadgets”. Sa ganitong paraan, ang lahat ay magkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa pagkatuto.
Sa huli, ang “gamification” ay isang makabago at epektibong gamit sa pagtuturo, ngunit hindi ito dapat maging sagabal sa pantay-pantay na pagkatuto ng mga mag-aaral. Dapat itong gamitin bilang karagdagan sa mga tradisyonal na pamamaraan upang matiyak na lahat ng estudyante, anuman ang kanilang access sa teknolohiya, ay magkakaroon ng pagkakataon na magtagumpay.
Ang pagpasok sa negosyo ay isang misteriyosong puhunan.
Maaring umunlad at maging matagumpay, ngunit maaari rin itong sumama ang takbo. Ang iyong determinasyon at masigasig ang nagpapatunay na ito ay mga pangunahing sangkap para sa tagumpay ng isang kumpanya.
Sa bayan ng Luz Bazon sa Jasaan, isang maliit na grupo ng mga negosyante ang nagtangkang sumugal sa pagnenegosyo ng bulad o tuyong isda – isang pangkaraniwang at tradisyunal na ulam sa Pilipinas na karaniwang kaakibat ng pritong itlog at hinati-hating kamatis; para sa iba, ito’y iniuulam sa halos lahat ng putahe, at tila’y langit ang lasa kapag maayos na niluto.
Noong 2023, limang nagtitinda lang ng “Bulad” ang nagsimulang magbenta malapit sa kalsada malapit sa paaralan. Ito ang nag-udyok sa kanila na huwag sayangin ang sobrang isdang kanilang nakuha noong panahong iyon. Ang tanging paraan upang mapanatili ang kalidad ng isda ay ang pagpapatuyo, at sa pagkakalagay nito malapit sa kalsada, naniniwala sila na mabebenta ito sa mga dumadaang tao.
Nakilala ko si Kevin, isang alumnus ng Luz Bazon IS, ay isa sa mga nagtitinda; tahimik lang ang lugar noon, kaya’t kailangan niyang mangumbinsi ng kanyang kapatid na magbenta ito sa mga guro at magulang sa paaralan upang magtagumpay.
Sa simula, naalala ni Kevin ang mga oras na ginugol niya sa pagpapahusay ng kanyang mga recipe at pagsubok ng iba’t ibang lasa upang mabuo ang natatanging identidad ng kanyang mga produkto ng dried fish, kung saan ang kanyang pagtutok sa kalidad at kasiyahan ng mga customer ang naging pundasyon ng mabilis na paglago ng kanyang negosyo, na nagresulta sa pagtaas ng demand sa maikling panahon.
Sa pag-unlad ng negosyo ni Kevin, pinalawak niya ang kanyang operasyon mula sa isang maliit na tindahan sa tabi ng kalsada patungo sa isang kaakit-akit na establisimyento na may maliit na koponan, nagbibigay ng trabaho sa mga lokal at tumutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng komunidad.
Sa kasalukuyan, ang dried fish business ni Kevin ay nagiging simbolo ng lakas ng passion at perseverance. Ang nagsimula bilang simpleng pagsusumikap malapit sa isang paaralan ay nagbukas ng pintuan patungo sa isang iniingatang lokal na institusyon, na kinikilala at iniingatan ng mga mag-aaral, pamilya, at mga tagahanga ng pagkain. Ang kwento ni Kevin ay naglilingkod bilang paalala na ang tagumpay ay maaaring umusbong mula sa pinakakakaibang mga dako, at sa tamang halong determinasyon at innovasyon, ang mga pangarap ay maaaring abutin ang mga bagong mataas.
a gitna ng nagsisiksikang magaaral sa paaralan, may isang bata na lubos na nakakuha ng aking atensyon—isang batang babae na tatawagin kong Ana. Siya ay naglalakad nang may matinding hirap at madalas na tila nag-iisa. Ang kanyang tahimik na presensya at araw-araw na pagsubok ay nagsisilbing makapangyarihang paalala ng katatagan at ng mga di-nakikitang hamon na hinaharap ng ilang mga magaaral.
Sa tahimik na burol ng Purok 5, Luz Banzon, matatagpuan si Ana, isang Grade 4 na mag-aaral sa edad na sampu, na nagpakita ng hindi matatawarang katatagan sa kabila ng matitinding hamon sa buhay. Iniwan siya ng kanyang ina noong siya’y dalawang taong gulang, habang ang kanyang ama ay bumuo ng bagong pamilya. Sa kawalan ng magulang, lumaki siya sa piling ng kanyang lola, isang simpleng magsasaka, na nagbigay sa kanya ng pagmamahal at lakas ng loob sa kabila ng kanilang
Habang ang ibang mag-aaral ay naglilibang sa paglalaro ng mga online games matapos ang kanilang mga self-learning modules, may ilan namang tumutulong sa kanilang pamilya upang matugunan ang mga pangangailangan.
Si Marie at Lorenz ay ginugugol ang kanilang ekstrang oras sa paggawa ng mga kandila upang ibenta sa entrada ng Bobontugan Public Cemetery matapos tapusin ang kanilang self-learning modules sa shifted asynchronous classes dulot ng pagtaas ng heat index sa bayan ng Jasaan.
Ayon kay Marie, ginagawa nila ang rutin na ito bukod sa pagtatapos ng kanilang mga modules upang kumita ng dagdag na pera para sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya. Aniya, ang dagdag na Php50.00 hanggang Php75.00 sa isang araw ay malaking tulong na sa kanilang pamilya, lalo na kung walang klase o kung shifted sa asynchronous ang klase, dahil nakakatulong ito sa pagbili ng mga bilihin.
“Daghan man kaayo mga lanay nga kandila sa
limitadong yaman. Si Ana ay ipinanganak na walang kanang paa, kaya’t araw-araw siyang humaharap sa pisikal na hamon. Gayunpaman, determinado siyang maglakad nang malayo mula sa kanilang baryo upang makapasok sa paaralan. Ang kanyang mga kupas na sapatos at hirap sa paglalakad ay sumasalamin sa sakripisyo at di-matitinag na dedikasyon niya sa edukasyon. Sa kabila ng hirap, ipinakita niya ang kanyang tapang at lakas ng loob sa bawat araw ng pag-aaral. Dalawang buwan na ang nakararaan, isang aksidente sa kalsada ang halos sumira sa kanyang mga pangarap. Siya’y nabangga ng isang “bao-bao” na motorsiklo habang papunta sa paaralan, ngunit makalipas lamang ang ilang araw ng pagpapagaling, bumalik si Ana, buo pa rin ang kanyang ngiti at determinasyon. Ang kanyang lakas ng loob ay naging inspirasyon sa lahat ng nakakakilala sa kanya, lalo na nang siya ay hirangin bilang nangungunang mag-aaral sa kanilang
klase matapos ang unang quarter.
Ang kwento ni Ana ay isang simbolo ng pag-asa at tagumpay laban sa kahirapan at hamon. Sa tulong ng pagmamahal at sakripisyo ng kanyang lola, patuloy niyang inaabot ang kanyang mga pangarap.
Ang kanyang lakas ng loob at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa kanyang paaralan kundi sa buong komunidad, na nagpapaalala na ang tunay na tagumpay ay nagmumula sa tapang at puso. Ang magdadala ng ating tagumpay na ating tinatamasa na hakbang sa ating bawat pangarap ay walang ibang kundi ang ating pagpupursigi kahit anu pamang kapansanan ang ating dinadala.
Sa maingay na mga pasilyo ng Luz Banzon Integrated School, kung saan ang mga pangarap ay sumusulpot sa kabila ng mga hamon, nakatira ang isang batang estudyante sa ika-apat na baitang, si Sarah—isang ilaw ng matatag na pagtibay at di-mabilang na determinasyon. Ang kanyang kuwento ng matibay na tapang at paghahanap ng edukasyon, bumubuo ng larawan ng kahinhinan sa gitna ng kahirapan, na naglalarawan ng kahalagahan ng banal na pakikipaglaban para sa dangal laban sa kahirapan.
Sa murang edad na sampung taon, ipinakita ni Sarah ang kanyang matibay na determinasyon, patuloy na naglakbay sa kanyang masidhing pagnanasa na mag-aral kahit na ang mga hadlang ng kahirapan ay nagbibigkis sa kanyang paligid. Ang paghahanap ni Sarah ng kaalaman ay nagliliwanag bilang isang bantayog sa kanyang mapusok na diwa sa isang tahanang nababalot ng kahirapan, itinataguyod ng kanyang solong ama dahil sa pagkakahiwalay dulot ng mga suliranin sa ekonomiya.
Kasama ang kanyang kaparehong kambal, inilalaan ni Sarah ang kanyang oras pagkatapos ng paaralan sa paggawa ng trabaho sa bahay ng kanilang kapitbahay, umaasa na makakuha ng maliit na kita para sa kanilang pamilya.
Ang kababaang kita ay kadalasang napupunta sa kanilang maliit na ‘baon,’
nagpapalakas sa kanilang pangako na magpatuloy sa pag-aaral. Ang pamilya ni Sarah, na walang safety net mula sa government 4Ps, ay humaharap sa mga hamon ng buhay nang may kakaibang determinasyon, kadalasang umaasa sa mga hindi kapani-paniwala upang malunasan ang kanilang gutom. Ang konsepto ng pagkain ng palaka o “bak-bak o baki” para sa pangangailangan ay naging isang nakakagambalang talinghaga para sa lalim ng kanilang mga pagsubok, kung saan ang kahusayan ay umaatungal sa panghihina. Gayunpaman, hindi napapawi ng mga pagsubok ang apoy sa loob ni Sarah. Ang kanyang simple at mababang-loob na pag-uugali sa silid-aralan ay nagtatago ng malalim na pagnanasa na nagpapamalas ng kanyang dedikasyon, kumikita ng paghanga mula sa kapwa magaaral at guro. Ang kanyang patuloy na pagtatangkang makamit ang kahusayan sa akademya ay naglilingkod na inspirasyon sa kanyang paligid.
Sa kabila ng kakulangan sa materyal na yaman, ang lakas ng karakter ni Sarah at ang hindi naglalahoang determinasyon ay nagbibigay sa kanya ng palayaw na “Sarah ang munting Prinsesa na walang korona” — ang maliit na prinsesa na walang puting korona.
Ang kanyang kwento, tulad ng isang makulay na tapistrya na binubuo ng mga sinulid ng pagtitiis at pagtatibay, ay naglalaman ng isang walang hanggang mensahe ng pag-asa.
mga pantyon, sayang man amo nalang kuhaon ug buhaton balik ug kandila kay among ibaligya sa mga mobisita ug magdagkot diri sa menteryo,” dagdag pa niya.
Ayon naman sa kanilang ina na si Nila, hindi nila intensyon na masangkot ang mga bata sa child labor dahil itinuturing nilang libangan lamang ito ng kanilang mga anak matapos tapusin ang mga modules tuwing suspendido ang klase.
“Mao na gyud na ilang perme buhaton pero dili man na nako sila suguon. Nakita lang siguro na nila sa uban nga makakwarta sila maong niawat saad sila,” pahayag ni Nila.
Ayon sa DepEd, mahigpit nilang hinihikayat na iwasan ang child labor, lalo na sa mga minor de edad na mag-aaral, dahil ang karamihan ng kanilang oras ay dapat ilaan sa pag-aaral. Sumusuporta ang DepEd sa kampanya ng pamahalaan laban sa child labor sa pamamagitan ng paggamit ng estadistika upang matukoy ang mga kabataang nagtatrabaho sa halip na pumasok sa paaralan.
Ang kwento ni Sarah ay naglalakbay sa mga pasilyo ng Luz Banzon Integrated School, naglilingkod bilang isang pabula ng matibay na dedikasyon, isang malakas na tawag para sa pakikipagdamayan, at isang pag-alala sa walang hanggang potensyal na umiiral sa puso ng mga taong naghahanap ng mas magandang hinaharap. Hindi siya biktima ng kanyang kalagayan, kundi isang pinagmumulan ng inspirasyon — isang hindi kilalang bayani na nagbubukas ng daan para sa mas magandang bukas.
Ang kwento ni Sarah ay isang inspirasyong tagumpay sa kabila ng kahirapan, nagpapakita ng di-matitinag na diwa ng tao. Ipinapakita nito kung paano nananatili ang dignidad at lumiliyab ang mga pangarap kahit sa gitna ng matinding pagsubok, patuloy na bumabangon ang pag-asa sa kabila ng anumang hadlang.
Sa malalim na kagubatan ng San Isidro, Jasaan, nakatago ang isang yaman na tila isang lagusan patungo sa paraiso—ang Sagpulon Falls. Naging mahirap man ang pagpasok namin patungo sa mismong bukal ng talon ngunit puno naman ng kalagayahan pagdating namin doon. Malayo sa ingay ng pambansang lansangan, ang 100-talampakang bumabagsak na talon na ito ay tila inuulit ang mga bulong ng katatagan, likas na kagandahan, at pagsisikap ng tao.
Sa aking pagtayo sa harap ng mala-akwamaring tubig nito, nadama ko ang ganap na pagkakaayon sa kadakilaan ng kalikasan at sa kahanga-hangang kwento ng isang komunidad na ginawang tagumpay ang sinapit nilang pagsubok.
Sa aking paglalakbay patungo sa Sagpulon Falls, ang mismong paglalakbay ay isa nang pakikipagsapalaran. Ang aking gabay, si Kuya Jerick, isang masayahing habal-habal driver, ay buong puso niyang ibinahagi kung paano binago ng Sagpulon Falls hindi lamang ang tanawin kundi pati ang kanyang buhay.
“Kalooy sa Dios, tungod aning Sagpulon, napa-eskwela nako akong mga anak ug naa nasad ko’y criminologist nga anak karon,” aniya, na may ningning sa kanyang mga mata. Ang kanyang kwento ay isa lamang sa marami sa kanilang komunidad—mga taong ginawang mapagkakakitaan ang likas na hiwagang ito, mula sa paghatid ng mga turista hanggang sa pagpapatakbo ng maliliit na sari-sari store sa paligid.
Pagdating ko sa talon, para akong pumasok sa ibang mundo. Napapalibutan ng luntiang kagubatan, humalimuyak sa aking pandinig
ang dagundong ng bumabagsak na tubig mula sa napakataas na talon. Ang malamig na ambon sa aking balat ay tila nakakapreskong lunas sa init ng tropiko, at ang mala-akwamaring lawang nasa ibaba ay tila inaakit akong lumusong. Hindi lamang isang tanawin ang Sagpulon Falls; ito ay isang Amazonian na pagtakas mula sa gulo ng pang-araw-araw na buhay—isang payapang kanlungan kung saan ang bawat patak ng bumabagsak na tubig ay waring nagdadala ng kapanatagan.
Ang Sagpulon Falls ay isang patunay ng katatagan, matapos itong maibalik sa dating kagandahan ng mga mamamayan ng San Isidro kasunod ng pananalasa ng Bagyong Pablo noong 2012. Sa tulong ng lokal na pamahalaan at mga inisyatiba sa turismo, ito ay naging isang umuunlad na destinasyon—isang sagisag ng pag-asa at lakas ng komunidad. Sa aking pagtayo sa harap ng kagandahan nitong hindi matatawaran, nadama ko ang malalim na pasasalamat—sa kalikasan at sa mga taong walang sawang nag-alaga at nagpanatili nito. Isang paalala para sa ating lahat ang Sagpulon Falls—na may tungkulin tayong pangalagaan ang mga likas na kababalaghan na ito para sa mga susunod pang henerasyon.
kwento ni ANGEL SHEAN DONIO
Ang una kong destinasyon sa aking isang araw na paglalakbay sa mga natatanging kayamanan ng Jasaan ay tunay na makalangit. Sa puso ng Jasaan, natagpuan ko ang aking sarili sa harap ng Simbahan ng Immaculada Concepcion, kung saan nananatili pa rin ang singaw ng nakaraan sa 340 taong pananakop ng Espanya. Ang arkitektural na hiyas na ito, isang tahimik na saksi ng halos dalawang siglo ng kasaysayan, ay tila hinahabi ang kwento ng pananampalataya, katatagan, at debosyon na bumabalot sa masiglang pamayanang ito—ang mga Jasaanon.
Sa loob ng 195 taon, nanatiling matatag ang Simbahan ng Immaculada Concepcion, hinaharap ang paglipas ng panahon. Ang kanyang maringal na presensya ay nangusap sa akin, humuhuni ng isang arkitektural na himig—isang kamangha-manghang pagsasanib ng disenyo ng baroque at espirituwal na debosyon. Pagpasok ko sa loob, binalot ako ng isang banal na enerhiya— ang parehong espiritung pumupuno sa mga upuan tuwing Linggo, kapag humigit-kumulang 1,500 deboto ang nagtitipon upang parangalan ang kanilang patrona, ang Immaculada Concepcion. Gaya ng kumpol ng mga bituin, ang kanilang sama-samang panalangin at himno ay nagbigay liwanag sa buong dambana, hinihikayat ang mga tao mula sa kalapit na bayan na maranasan ang kanyang sagradong yakap. Habang patuloy kong ginalugad ang paligid, hindi ko maiwasang humanga kung paano sumasalamin sa dalawang matatag na tore— ang Simbahan ng Immaculada Concepcion at ang lokal na pamahalaan—ang pag-unlad at pagkakaisa ng Jasaan. Magkasama, tila itinakda nila
ang landas tungo sa panibagong kabanata ng pananalig at kaunlaran. Sa loob ng sagradong mga dingding ng simbahan, natuklasan ko ang isang kayamanang puno ng kasaysayan—mga relikyang maingat na iningatan bilang patunay ng mayamang pamana ng bayan. Hindi na katakataka kung bakit dinarayo ito ng mga blogger, mga debotong relihiyoso, at mga bisitang sabik na maranasan ang walang kupas nitong kagandahan. Ang pagpapanumbalik ng Simbahan ng Immaculada Concepcion, na sinimulan noong 2010 sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Redentor Jardin at sinuportahan ng programang Taoid ng NCCA, ay hindi lamang muling nagbigay-buhay sa disenyo nitong barn-style baroque kundi pinatatag din ang diwa ng komunidad. Ang programang “Hang a Tree,” na nakalikom ng mahigit P500,000, ay sumasalamin sa malalim na pagmamahal ng mga Jasaanon sa kanilang kultural at espirituwal na pamana. Sa aking pagtayo sa harap ng makinang na liwanag ng simbahan, nadama ko ang isang malalim na koneksyon sa kanyang kasaysayan, pananampalataya, at katatagan— tiyak na ang kanyang liwanag ay patuloy na magiging gabay ng bayan tungo sa isang hinaharap na kasingningning ng kanyang nakaraan.
kwento ni ANGEL SHEAN DONIO
Agutayan White Island—isang paraisong matatagpuan lamang 30 minuto mula sa baybayin ng Jasaan. Ang pinong puting buhangin, na tinaguriang “Magical Sand,” ay kumikinang sa ilalim ng araw, habang ang payapang paligid ay nagbigay sa akin ng pakiramdam na para akong lumakad papasok sa isang panaginip.
Ngunit ang Agutayan White Island ay hindi lamang isang ordinaryong tropikal na destinasyon; ito ay isang dalisay na kanlungan para sa yamang-dagat at isang sumisikat na hiyas sa turismo ng Pilipinas—isang tunay na obra maestra ni inang kalikasan.
Sa aking paggalugad sa isla, nakilala ko si Manong Kanor, isang lokal na mangingisda at bangkero na ang kabuhayan ay nakasalalay sa paghahatid ng mga bisita sa kahanga-hangang santuwaryong ito. Ngunit higit pa sa pagiging bangkero, si Manong Kanor ay isa rin sa masugid na tagapangalaga ng yamang-dagat ng Agutayan, partikular na ang higanteng kabibe na kilala bilang “Taklobo.”
Ang mga hiwaga ng kalikasan ay hindi laging nasusukat sa pamamagitan ng matatayog na bundok, mapayapang mga lawa, o makukulay na coral reef. Minsan, matatagpuan natin ito sa anyo ng maliliit ngunit maiilap na nilalang na nagpapaalala sa atin ng maselang balanse ng kalikasan.
Habang pinapakinggan ko ang kanyang mga kwento, labis akong humanga sa kanyang matinding paggalang sa karagatan at sa kanyang dedikasyon sa pangangalaga ng likas na yaman para sa mga susunod na henerasyon.
Sa tabi ng isang sapa sa Solana, Jasaan—isang maikling lakad lamang mula sa pambansang daan kung saan ako bumaba mula sa habal-habal upang ipagpatuloy ang aking paglalakbay sa Jasaan—napuno ako ng paghanga sa isang pambihirang nilalang; ang Philippine Sailfin Lizard.
Kilala sa kakaibang kakayahan nitong tumakbo sa ibabaw ng tubig gamit ang patag nitong mga daliri sa paa, ang Philippine Sailfin Lizard ay namumuhay sa tropikal na kagubatan ng Pilipinas, humahalina sa parehong mga lokal at bisita sa pambihira nitong presensya.
Mula noong 2002, ang Solana ay nagsilbing santuwaryo para sa mahigit 81 na ganap na lumaking ibid, at nakilala bilang isang pangunahing atraksiyon sa Misamis Oriental. Ang tagumpay nito ay nag-ugat sa dedikasyon ng mag-asawang may pagmamahal sa kalikasan, sina Manong Rodolfo at Manang Alma Dael, na walang sawang nag-alaga at nagtaguyod ng kanilang munting paraiso.
“Nabantayan namo nga naa ni nga klase nga mga mananap sa likod sa among tugkaran kung diin adunay dako nga sapa. Ug sugod niadto, amo kini gihimo nga usa sa among responsibilidad since kami adunay hilig sa mga mananap ug amo kini gibahugan. Wala namo damha nga kini modaghan ug nahimong usa ka attraction sa among lungsod, ug amo kini gipadayon hangtod karon,” ibinahagi nina Rodolfo at Alma, na may pagmamalaki sa kanilang mga mata habang inaalala kung paano ang isang simpleng tuklas sa kanilang bakuran ay naging isang yaman ng buong komunidad.
Ngunit ngayon, ang santuwaryong ito ay nahaharap sa isang di-tiyak na kinabukasan. Ang presensya ng CSC company malapit sa tirahan ng mga ibid ay nagdulot ng pangamba sa mga residente, na napapansin ang lumalalang kondisyon ng kapaligiran at ang banta nito sa kaligtasan ng mga nanganganib nang mawala na nilalang.
“Makita namo nga nihit na ang mga ibid karon kaysa sa una. Naa jud epekto ang mga kalihukan sa palibot,” sabi ng isang nag-aalalang residente. Unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga butiki, at ramdam sa buong komunidad ang pangamba. Ang dating matagumpay na mga hakbang sa pangangalaga ay unti-unting humihina, habang patuloy na ginagambala ng industriyalisasyon ang maselang balanse ng ecosystem.
Ang kinabukasan ng Philippine Sailfin Lizard sa Solana ay nagsisilbing isang makapangyarihang paalala kung gaano kaselan ang ating kalikasan at kung gaano kahalaga ang pangangalaga nito. Ang santuwaryong ito ay hindi lamang isang kanlungan—ito ay isang panawagan sa ating lahat upang protektahan ang mahahalagang ecosystem na nag-uugnay sa atin sa mundo ng kalikasan. Sa aking pagbabalik sa Luz Banzon, dala ko ang isang bagong sigla ng pananagutan, umaasang ang mga susunod na henerasyon ay magkakaroon pa rin ng pagkakataong masaksihan ang mga kahanga-hangang nilalang na ito—mga nilalang na ang patuloy na pag-iral ay nakasalalay sa ating mga desisyon at pangako na pangalagaan ang kanilang tahanan.
Sa labis niyang kasabikan, inakay ako ni Manong Kanor patungo sa isang mababaw na bahagi ng tubig kung saan nakahimlay ang malalaking Taklobo—parang mga nakatagong kayamanan sa ilalim ng kristal na malinaw na tubig. Dahan-dahan niyang inalis ang buhangin sa ibabaw nito, at unti-unting lumitaw ang kanilang masalimuot na mga hugis at matingkad na kulay. Nakabibighani ang kanilang laki at kagandahan, at ang makita ang mga dambuhalang kabibe nang malapitan ay isang di-malilimutang karanasan—isang sandali ng pagkamangha sa maselang balanse ng kalikasan at sa mga taong walang pagod na nagbabantay at nag-aalaga nito.
Tunay ngang ang Agutayan White Island, bukod sa mayamang yamang-dagat, ay may itinatagong lihim sa heolohiya—ang pino nitong buhangin ay binubuo ng mga labi ng coral, na sumasalamin sa malalim nitong ugnayan sa karagatan. Ang maselan ngunit masiglang ekosistemang ito ay isang patunay ng kakayahan ng kalikasan na muling hubugin ang sarili.
Dahil sa lumalaking interes ng media at mga inisyatibang pangangalaga, patuloy na sumisikat ang isla bilang isang pangunahing destinasyon ng eco-tourism sa Mindanao—isang “next big thing” hindi lamang para sa mga adventurer kundi pati na rin sa mga tagapagtaguyod ng kalikasan.
Ang Agutayan White Island ay isang patunay ng balanseng ugnayan ng kalikasan at responsableng pangangalaga, kung saan sa tulong ng lokal na pamahalaan at mga dedikadong tagapag-alaga, nananatili itong isang santuwaryo ng yamang-dagat at modelo ng sustainable tourism para sa susunod na henerasyon.
AUSTHEA MAJALEEL ACHAS
Sa mundo ng teknolohikal na inobasyon, ang natatanging tagumpay ng tatlong batang mananaliksik mula sa Luz Banzon Integrated School (LBIS) ay kumikislap nang maliwanag, binibigyan ng buhay ang ideya ng “Arduino-Powered Obstacle Detection System for the Blind” (APODS)—isang kasangkapang pantulong na nilikha ng may pagmamahal at malasakit para sa bulag na lola ni Ada. Ang passion at pagmamahal sa likod ng konsepto ng APODS ay hindi lamang para tulungan ang kanyang lola, kundi naglalayong magbigay ng solusyon sa iba pang mga tao na may kaparehong pagsubok. Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay nakatanggap ng malawakang pagkilala sa isang patimpalak na ginanap sa Jasaan South District noong Setyembre 10, 2024, kung saan ang proyekto ay pinuri ng mga respetadong coach, hurado, at mga dignitaryo, na itinuring itong isang imbensyon na ipinanganak mula sa pagmamahal, inobasyon, at dedikasyon.
Ang kanilang APODS (ArduinoPowered Obstacle Detection System) para sa mga Bulag ay nagmula sa isang kakaibang koneksyon kay Ada’s grandmother na bulag. Ayon kay Adriann, isa sa mga imbentor, ang kanilang makaagham na katalinuhan ay nagbibigay ng mas malaking pag-asa para sa kanyang lola na matagal nang hindi makagalaw sa kanilang bahay.
“Ginawa namin ang simpleng sistemang ito na may mga sensor at isang microcontroller, na nagbibigay ng realtime na babala sa mga tao na may mga hadlang sa kanilang paligid at ito ang aking regalo sa aking minamahal na lola,” aniya.
Si G. LD Lagria, ang kanilang coach, ay emosyonal na nagpapasalamat sa pagtatagumpay ng kanyang mga aspiranteng imbentor na masigasig na nagtrabaho para sa napakahalagang tagumpay na ito.
“May malaking karangalan, itinataas ko ang aking kamay sa kanilang hindi
“ ..hindi biro ang naging sitwasyon ni Rhian, taas-baba ang lagnat niya sa loob ng 7 araw, pero buo pa rin ang loob ko na gagaling siya,”
napapagod na dedikasyon sa mabisang proyektong ito, talagang ginawa nila ang kanilang makakaya sa panahon ng presentasyon na kumita ng papuri mula sa mga hurado,” ani Lagria.
“Ang tagumpay ng mga batang mananaliksik ng Grade 6 ng LBIS ay umaatungal sa labas ng simpleng mga tagumpay sa kompetisyon. Ito ay simbolo ng isang ilaw ng pag-asa, na nagbibigay liwanag sa landas tungo sa isang mas inklusibo at progresibong lipunan. Ang mga pagkilala mula sa mga eksperto at maimpluwensiyang personalidad sa agham at teknolohiya ay naglilingkod bilang patunay sa kahalagahan ng proyektong ito at sa kahusayan ng mga mag-aaral,”dagdag pa niya.
Ang mga kalahok sa kategoryang ito ay sina Adrianna Joy Merriales, Dalene Faye Timario, at Hayley Rynia Abigail Lagos, mga mag-aaral ng Grade 6 sa Luz Banzon IS, Jasaan South District.
BALITANGKALUSUGAN
ni SOED ARCELA JUN TUNACAO
- Gng. July Anne Mag-away, ina ni Rhian
Ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa Luz Banzon Integrated School (LBIS) ay nagdulot ng matinding pangamba sa mga magulang, guro, at komunidad ng Barangay Luz Banzon. Ayon sa ulat ng District at School Nurse, posibleng dahilan ang labis na pagbaha sa paaralan at ilang linggo ito bago humupa. Ayon sa tala, may siyam na kumpirmadong kaso mula Disyembre 2024 hanggang Enero 2025, karamihan ay mula sa Purok 1, kung saan matatagpuan ang paaralan. Ang Aedes aegypti na lamok, na namumugad sa nakatenggang tubig, ay pinaghihinalaang dahilan ng paglaganap ng sakit. Dahil dito, lumakas ang panawagan para sa agarang aksyon upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng dengue at maprotektahan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad.
Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue, inilunsad ng LBIS, katuwang ang Barangay Health Workers at Jasaan DRRM Office, ang “Oplan Linis sa Paaralan” upang puksain ang mga lugar na pinagmumulan ng lamok at protektahan ang mga mag-aaral. Kasama sa inisyatibang ito ang pinaigting na mga clean-up drive, nakatakdang fumigation, at pinahusay na surveillance sa paaralan upang maiwasan ang karagdagang paglaganap ng sakit.
“Hindi biro ang naging sitwasyon ng anak ko, taas-baba ang lagnat niya sa loob ng 7 araw pero buo parin ang loob ko na gagaling siya, saad ni Gng. Mag-away, ina ni Rhian, isang grade 2 learners sa LBIS.
Naglunsad din ng mga kampanya sa kalusugan upang magturo sa komunidad tungkol sa mga
paraan ng pag-iwas sa dengue at tamang kalinisan. Sa pamamagitan ng sama-samang aksyon, ang LBIS at ang mga katuwang nito ay nagsusulong ng isang ligtas at dengue-free na kapaligiran para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin ng pinuno ng Barangay Health Workers na ang paglaban sa dengue ay isang samasamang responsibilidad at hinimok ang buong komunidad ng Luz Banzon na aktibong suportahan ang clean-up efforts upang maprotektahan ang lahat, lalo na ang mga bata. Sa pamamagitan ng ”Oplan Linis sa Paaralan” at ang pinagsamang pagsisikap ng paaralan, barangay, at mga awtoridad sa kalusugan, maaaring makamit ang isang ligtas at dengue-free na kapaligiran, kaya’t hinihikayat ang lahat na makibahagi sa mga gawain sa kalinisan at pag-iwas upang maprotektahan ang kanilang pamilya.
“
Ang mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ay madalas nahaharap sa hamon ng madalas na pagbaha, lalo na tuwing tag-ulan. Dahil ang bansa ay nasa tropikal na klima, nakakaranas ito ng malalakas na pag-ulan at madalas na tinatamaan ng bagyo, na maaaring magdulot ng pagbaha dahil sa kakulangan ng kapasidad ng mga drainage system.
Maraming paaralan, partikular na ang mga nasa mabababang lugar o tabing-dagat, ang madaling maapektuhan ng pagbaha na nagdudulot ng pagkaantala ng klase, pagkasira ng imprastruktura, at panganib sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani. Ang kamakailang malalakas na pag-ulan ay nagresulta sa patuloy na pagbaha sa Luz Banzon IS, na nagdudulot ng pangamba ukol sa pamamahala sa kapaligiran
IMBESTIGATIBONG
..ang mga daluyan ng tubig ay nag-iba ng direksyon dahil sa mga bara na mula sa itinayong mall,.
- Kapitan Doris Jardin, Barangay Luz Banzon
at urbanong pagpaplano ng LGU Jasaan. Ang pagdami ng pagbaha ay maiuugnay sa pagbabago ng daluyan ng tubig mula sa dating ruta ng drainage patungo sa mga hindi kanaisnais na ruta sa loob ng paaralan dahil sa pagbabara ng mga natural na daluyan ng tubig.
Ayon kai Punong Barangay Doris Jardin, ang mga daluyan ng tubig ay nagbago ng direksyon dahil sa pagbabara ng mga dating daanan dulot ng mga konstruksyon ng mall sa tabi ng paaralan, na nagdulot ng madalas na pagbaha sa loob nito.
Ayon sa Department of Education (DepEd), halos 90 paaralan sa buong bansa ang nagkaroon ng pinsala na nagkakahalaga ng P600 milyon, kung saan ang tinatayang gastos para sa muling pagtatayo ay aabot ng P630 milyon dahil sa Bagyong Carina.
Bukod dito, ang lokasyon ng paaralan sa baybayin ay natural na nagdadala ng posibilidad ng pagbaha, ngunit ang pagtatayo ng mall sa tabi nito ay nagdadala ng mas malaki, o
doble hanggang triple, na tsansa ng pagbaha tuwing malakas ang ulan. Inilunsad na ng paaralan ang mga inobasyon at programa, tulad ng pinahusay na sistema ng drainage, upang masolusyunan ang isyu. Ang pakikipagtulungan ng komunidad ng paaralan ang naging dahilan ng matagumpay na implementasyon ng plano.
Ang pagsasama ng mga berdeng imprastruktura, tulad ng rain gardens at permeable pavements, ay maaaring makatulong sa pagsipsip ng sobrang tubig-ulan at bawasan ang runoff. Dagdag pa rito, ang kolaborasyon sa pagitan ng mga city planners, ng paaralan, at ng mga developer ng mall ay mahalaga upang makabuo ng mga pangmatagalang solusyon na balansehin ang mga pangangailangan ng kaunlaran at katatagan sa kapaligiran.
RIPPLES ON FLOOD WAVES. LBIS suffers frequent floods every after heavy rain due to new construction of mall beside the school, parents dismays its effect to school and community.
photo by: Shannaiah Garrido
MAY PERA NGA SA BASURA
Ito ang dami ng mga plastik na nakolekta sa baybayin na gilid lang ng paaralan sa unang quarter ng taong panuruan 2024-2025.
Mas marami pa ring mga plastik na bote ang nakakalat sa may baybayin na kadalasang sanhi ng mga taong madalas naliligo dito tuwing linggo.
Datos mula sa LBIS SELG Officers 2024-2025.
Isa sa mga suliran sa ating mundo ngayon ay ang paglaganap ng mga microplastics sa mga yamang tubig natin. Dahil sa kaliitan nito, nakakain na sila ng mga isda at iba pang hayop sa karagatan na kinakain naman nating sa ating mga hapag-kainan. Ito’y hindi basta-bastang problema sa ating mundo dahil wala nang ligtas na pagkain or hayop na pwede nating maihain sa lamesa. Iba’t-ibang sakit ang ating nakukuha dito, mayrrong cancer, sakit sa balat at mga sakit na mahirap gamutin. Sino ba ang pwedeng maging biktima? Tama, tayong mga bata na nakukuha ang epekto nito galing sa karahasan ng taong walay disiplina at pagpapahalaga sa ating kalikasan.
by ADEN KIT NAJ ZAMORA
Upang matugunan ito, inilunsad ng mga estudyante ng SELG ang Project WAVES, sa pangunguna nina SSLG President Syrin T. Tunacao at SELG President Soed Kelly Ellen T. Tunacao. Ang inisyatiba, “WAVES” (Warriors Advocating for a Vibrant and Ecofriendly Shoreline), ay naglalayong linisin ang baybayin at hikayatin ang komunidad na maging responsable sa kapaligiran, dahil ang baybayin, na mahalagang bahagi ng lokal na pagkakakilanlan, ay nahaharap sa polusyon na nakakasira sa buhay-dagat at nagpapabawas sa likas na kagandahan nito.
Ipinapakita ng mga siyentipikong pag-aaral na ang polusyon sa baybayin ay nag-aambag sa pagkasira ng mga tirahan, na nakakaapekto sa biodiversity at lokal na ekonomiya. Kung hindi ito maagapan, ang dating malinis na mga dalampasigan ay maaaring maging hindi na angkop para sa tao at hayop.
Ang “WAVES” ay lumalabas bilang isang pag-asang tugon sa lumalaking hamon sa kapaligiran, sa pangunguna nina Syrin T. Tunacao at Soed Kelly Ellen T. Tunacao, na nagpapakita ng malaking epekto na maaring gawin ng kabataan sa pangangalaga ng kapaligiran. Ang mga lider ng SSLG at SELG ay tinitingnan ang kapaligiran bilang kanilang
silid-aralan, nauunawaan na ang kalusugan nito ay mahalaga para sa kanilang kinabukasan. Ang inisyatibang ito ay pinagsasama ang edukasyon, aksyon, at pagpapanatili, nagbibigay ng isang kahanga-hangang halimbawa para sa ibang paaralan at komunidad na sundan.
Ang pangunahing bahagi ng proyektong WAVES ay isang malawakang paglilinis ng baybayin na nagkakaisa ang mga estudyante, guro, at mga boluntaryo ng komunidad upang pisikal na alisin ang basura mula sa mga dalampasigan habang isinusulong ang pangmatagalang solusyon sa pamamagitan ng wastong mga gawain sa pagtatapon ng basura, pagbabawas ng single-use plastics, at pagpapataas ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga baybaying-dagat.
Ang inisyatibang WAVES, na pinalalakas ng pakikilahok ng mga yunit ng lokal na pamahalaan, mga organisasyong pangkalikasan, at komunidad, ay nakabatay sa siyentipikong pag-unawa sa epekto ng polusyon sa ekosistem ng dagat, kung saan ang mga plastik ay nagiging microplastics na nakakasira sa buhay-dagat at pumapasok sa food chain, na nagdudulot ng pangmatagalang mga ekolohikal na problema na tinutugunan ng mga lider sa pamamagitan ng mga workshop at edukasyon.
ni SOED ARCELA JUN TUNACAO
Ang pag-usbong ng mga lokal na ordinansa na naaayon sa RA 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, ay nagbukas ng daan para sa mga inobasyon at programa sa mga paaralan, partikular sa Luz Banzon Integrated School, na humaharap sa malalaking hamon dahil sa pansamantalang pagsuspinde ng koleksyon ng basura sa tambakan ng Barangay Natubo. Ito ay nagresulta sa pagdami ng basura malapit sa hardin ng gulay ng paaralan na nagdudulot ng polusyon sa hangin at panganib sa kalusugan ng mga mag-aaral at guro.
“
..tinatayang 10 hanggang
15 kilong plastik na basura ang na-iipon araw-araw mula sa kantina at mga silid-aralan,.
Ayon sa datos ng paaralan, tumaas ng halos 30% ang dami ng basura mula nang itigil ang koleksyon ng basura. Tinatayang 10 hanggang 15 kilo ng organikong basura ang naiipon araw-araw mula sa kantina at mga silid-aralan, na nagreresulta sa mabilis na pagkabulok at polusyon sa hangin. Ang hindi wastong pamamahala ng basurang ito ay maaaring magdulot ng mas malalang suliranin sa kapaligiran at kalusugan ng mga bata.
Mula nang isara ang tambakan, mabilis na pagdami ng karamihang organikong basura sa paaralan ang nagdulot ng mabahong amoy at polusyon sa hangin, lalo na malapit sa hardin ng gulay, na nakakaapekto sa mga mag-aaral at kawani, partikular na sa mga may sensitibong paghinga.
Bilang tugon sa lumalaking problema, inilunsad ng Grade 6 Science class ng Luz Banzon Integrated School ang isang adbokasiyang proyekto na tinawag na Project GREEN (Grade 6’s Recycling Efforts for Environmental Nurturing). Pinamunuan ni Gng. July Anne B. Mag-away, ang guro ng Science sa Grade 6, layunin ng proyekto na isaayos ang compost pit at Materials Recovery Facility (MRF) ng paaralan at gumawa ng dalawa pang karagdagang compost pits. Ang layunin ay pamahalaan ang basura sa pamamagitan ng composting at pagrecycle ng mga plastik na baso upang lumikha ng mga dekoratibong parol, isang natural at ekolohikal na pamamaraan ng pamamahala ng basura, upang mabawasan ang polusyon sa hangin sa paaralan na maaaring magdulot ng sakit sa baga sa mga mag-aaral at guro. Huwag naman sana.
Ang Project GREEN ay tumutugon sa suliranin ng basura sa Luz Banzon Integrated School sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa composting at wastong pamamahala ng basura, ginagawa itong pataba para sa hardin ng gulay upang mabawasan ang basura at mapalago ang masustansyang pagkain. Ang inisyatibang ito ay hindi lamang nagpapakita ng pangmatagalang solusyon sa kalikasan para sa mas malinis na paaralan kundi nagpapakita rin na posible ang pagbabago, hinihikayat ang kabataan na makibahagi sa pangangalaga sa kalikasan habang nagdadala ng pag-asa para sa mas malinis na komunidad.
GAMIT NA
OPINYONGAGHAM
Tumbler Project isinulong ng SK Luz Banzon
ni LENDCARE TIMARIO
Sa layuning wakasan ang paggamit ng plastik sa paaralan, inilunsad ang Tumbler Project kasabay ng selebrasyon ng Science Month noong Nobyembre 2024. Ang proyektong ito ay sinusuportahan ng SK Luz Banzon, na tumulong upang maisulong ito hanggang sa komunidad. Hinikayat ng SELG Officers ang mga mag-aaral na gumamit ng tumbler at iwasan ang plastik o bottled water sa paaralan. Naging matagumpay ang unang dalawang quarter ng implementasyon, kung saan ang mga mag-aaral na walang tumbler ay nabigyan bilang beneficiaries ng proyekto. Dagdag pa rito, inanunsyo ng SK Luz Banzon na magkakaloob sila ng mga tumbler para sa mga beneficiaries sa susunod na taon.
‘Paper briquette’ bilang alternatibong panggatong
ni LENDCARE TIMARIO
Sa pagsisikap na malabanan ang problema sa pagtatapon ng basura at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng panggatong, inilunsad ng Luz Banzon Integrated School ang “Paper Briquette Project”. Binuo ng mga mag-aaral sa Grade 10 sa ilalim ng gabay ni Ma’am Joesel C. Pasteñas, ang makakalikasang proyektong ito ay ginagawang abot-kayang briquette ang mga papel na basura upang magamit bilang panggatong sa pagluluto. Dahil madaling makuha at walang gastos ang papel, nagbibigay ito ng murang alternatibo sa tradisyunal na uling. Sa ginanap na “InterMunicipality Clean and Green Competition” noong Disyembre 11, 2024, nagkamit ito ng ikalawang puwesto, na labis na hinangaan ng mga hurado dahil sa makabago nitong pamamaraan.
Nabuo ang proyekto mula sa pangangailangan ng paaralan na pamahalaan ang dumaraming papel na basura. “Nais naming gawing kapakipakinabang ang aming basura para sa komunidad,” ayon kay Ma’am Pasteñas. Ang solusyon: gawing briquette ang papel bilang alternatibong panggatong sa pagluluto. Sa paggawa ng paper briquette, kinokolekta at ginugudgad ang papel, binababad upang maging pulp, at pinipiga sa mga hulmahan. Kapag natuyo, nagiging mas compact at malinis itong gamitin kaysa sa uling. Ayon sa isang feasibility study, bagama’t may mas mababang carbon content ang paper briquettes kumpara sa uling, nagbibigay pa
rin ito ng sapat na init at mas mura. “Ang paper briquette ay hindi lang mas malinis at may mababang emisyon, kundi isa ring murang alternatibo,” paliwanag ni Khiarah, isa sa mga mag-aaral na kasali sa proyekto. Sa pamamagitan ng “Paper Briquette Project”, nababawasan ang basura sa tambakan at ang pag-asa sa uling bilang pangunahing panggatong.
Umani ito ng interes mula sa komunidad at nagtataguyod ng responsibilidad sa kapaligiran, na nagpapakita ng inobasyon at pagpapanatili ng kalikasan.
ni SOED ARCELA JUN TUNACAO
Isang radikal na hakbang tungo sa pagsusuri sa edukasyon ang ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Bringing Back Farming (BBF) na inisyatiba sa mga silid-aralan, alinsunod sa tinutukoy sa Division Memorandum No. 686, Series of 2023 na may layong programang pagpasok muli ng mga aktibidad sa agrikultura sa akademikong kurikulum, na bumubuo ng malalim na ugnayan sa pagitan ng mga mag-aaral at ang kritikal na tungkulin ng agrikultura sa ating lipunan.
Ang kurikulum ng BBF ay nagbunga ng isang pambihirang tugon sa Luz Banzon Integrated School. Sa ilalim ng kahusayan ng School Coordinator na si Cristina M. Angon, buong sigla itong tinanggap ng komunidad ng paaralan. Binigyang-diin ni Gng. Angon ang kahalagahan ng mga karanasang ito at “hands-on” siya sa pagpapalakad ng mga gawaing ito.
“Ang BBF program ay hindi lamang tungkol sa pagsasaka; ito’y tungkol sa pagsasabuhay ng kaalaman, pananagot, at ang pakiramdam ng pagmamalaki sa pag-ambag sa ating kalikasan na sisimulan sa ating mga klasrum” pahayag ni Angon.
Ang Luz Banzon Integrated School at ang programa ng Bringing Back Farming in the Classroom (BBF) ay nagwagi sa District Competition noong Disyembre 2023. Ang paaralan ay nakuha ang unang pwesto sa BBF Competition, nagpapakita ng dedikasyon ng mga mag-aaral at guro, at kahusayan sa pagpapatupad ng agrikultura sa edukasyon.
Ang programang ito ay nagbibigay hindi lamang ng koneksyon sa kalikasan kundi nagtuturo rin ng kasanayan tulad ng teamwork, pasensya, at paglutas ng mga problema.
Sa Luz Banzon IS, ang integrasyon ng
Mga ari-arian ng paaralan na nasira ng anay mula Setyembre hanggang Nobyembre 2024
Mga pinto, bintana at kagamitang yari sa kahoy
Cardboards at mga bloke na papel
pagsasaka sa kurikulum ay nagiging isang malakas na kasangkapan para sa pagtatawid ng agwat sa teoretikal na kaalaman at praktikal na aplikasyon sa mundo, na naghahanda sa mga mag-aaral para sa hinaharap na kung saan ang sustenableng mga praktika ay mahalaga.
Ang BBF program sa Luz Banzon Integrated School, sa pamumuno ni School Coordinator Cristina M. Angon, ay nagtatagumpay, nagpapakita ng mga benepisyo ng pagpapasok ng agrikultura sa pampulitikang larangan. Ang paaralan ay patuloy na umaasenso sa ilalim ng estratehiyang ito, na nagsisilbing inspirasyon sa iba pang mga institusyon sa larangan ng edukasyon na sumunod. Ito’y nagdadala ng pagsasaka sa pangunahing bahagi ng edukasyon at nagtataguyod ng mas mabuting hinaharap para sa mga mag-aaral at ang komunidad. Ang tagumpay sa unang pwesto sa district competition ay hindi lamang patunay ng tagumpay sa akademya kundi isang pagdiriwang ng pangako ng paaralan sa isang holistikong at praktikal na edukasyon. Ang BBF program ay tunay na isang ilaw ng pagbabago, isang extended na program ng DepEd na naguumapaw na isang bagong yugto sa kahusayan sa edukasyon.
..ito’y tungkol sa pagsasabuhay ng kaalaman at pakiramdam ng pagmamalaki sa pag-ambag sa ating kalikasan na sisimulan sa ating mga klasrum,.
Vinegar at lemon, katapat ng mapagsamantalang insekto
ni AUSTHEA MAJALEEL ACHAS
Karamihan sa mga organismo ay inaangkop ang kanilang pag-uugali batay sa kondisyon ng panahon sa kanilang lugar o ecosystem. Ang ilan ay naghiiba naman ay nangangaso; ang ilan ay lumalabas mula sa kanilang mga pugad tuwing mainit na panahon, habang ang iba ay natutulog sa buong gabi. Gayunpaman, may ilang insekto, tulad ng mga anay o gusto ang pagtatrabaho at pakikisalamuha tuwing tag-ulan.
Pero sandali, nabanggit ko ba na ang mga anay ay isa sa pinakamatandang insekto mula pa noong panahon ng mga dinosaur? Oo, sila ay mga
Ang mga insektong ito ay malaking banta sa mga kahoy at papel. Tulad ng mga langgam, ang mga anay napaka-sosyal sa loob ng kanilang kolonya, kaya’t nagiging mas mapinsala sa kanila ang kahoy at papel sa mga ating mga paaralan.
Tuwing tag-ulan, nagiging aktibo ang mga anay o dahil ang kahalumigmigan sa lupa at kahoy lumilikha ng perpektong kondisyon para sa kanilang pagkilos. Ang basang kahoy at mamasa-masang lupa ay nagpapadali para sa kanila na ngumata at maghukay ng mga lagusan, na nagdaragdag sa kanilang akses sa pagkain. Ang tagulan ay nagpapasimula rin ng swarming, kung saan ang mga anay na pang-reproduksyon ay bumubuo ng mga bagong kolonya, na nagiging sanhi ng paglaganap ng infestation. Bukod dito, ang malalakas na ulan ay maaaring magbaha sa kanilang mga pugad sa ilalim ng lupa, kaya’t napipilitan silang humanap ng masisilungan sa mga malapit na istrukturang kahoy, dahilan upang mas lalong kumalat at mahirap kontrolin ang infestation.
Badelic, nag-uwi
a kahanga-hangang pagpapamalas ng talento at determinasyon, si Jester Badelic mula sa Luz Banzon Integrated School, Jasaan South District, ay nagpakitang-gilas sa Jasaan Tournament League 2024 Swimming Championships na ginanap sa Arje Resort, Jasaan. Gayunpaman, hindi siya nakapasok sa championship round matapos makulangan ng isang gintong medalya noong Setyembre 14-15, 2024.
Ang swimming event ay ginanap sa Arje Resort sa Jasaan, Misamis Oriental. Bagama’t hindi nakuha ni Jester Badelic ang gintong medalya sa kapanapanabik na 4x50 Freestyle Relay, nakamit naman niya ang silver medal sa mahigpit na laban sa 4x100 Freestyle Relay. Ang kanyang tagumpay ay bunga ng matinding kompetisyon at di-matitinag na determinasyon. Sa bawat pagsisid ni Badelic sa tubig, kitang-kita ang kanyang pokus at husay sa bawat galaw. Sa nakakapukaw na atmospera ng swimming complex, pinangunahan niya ang kanyang koponan tungo sa tagumpay, ipinapakita ang diwa ng pagkakaisa at kahusayan.
Sa mga pangunahing sandali ng kumpetisyon, namayani ang Unit 2 sa 4x50 Freestyle Relay, kung saan napabilib nila ang mga manonood habang iniwan ang mga karibal sa kanilang likuran. Sa bawat stroke, si Badelic at ang kanyang koponan ay nagpakita ng tumpak na galaw, na nagbigay-daan upang masungkit nila ang gintong medalya sa gitna ng malakas na palakpakan.
Samantala, sa 4x100 Freestyle Relay, naging napakahigpit ng labanan para sa kampeonato
..ug ako mapasalamatun sa makadagahan
sa akong adviser , school principal ug sa among SPTA sa
tulong
financial
ug
padayon sa
pag-suporta
sa akoa, ug matag langoy nko nga gihimo,..
Kompremiso ba ang kalusugan ng mga e-gamers sa DepEd Meets?
Ang lumalawak na mundo ng mga laro ay tila walang katapusang pinauusbong sa labas ng abot ng lahat. Ang mga e-games o electronic games ay ngayon ay pangunahing pinipili ng karamihan, lalo na ng mga millennial, habang ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay tila hindi maabot.
Ayon sa isang update mula sa Reddit, tila kasama na sa mga teritoryo ng Mobile Legends ang Russia, Middle East, India, karamihan ng Southeast Asia, maliit na bahagi ng Latin America, at kahit sa Australia at Hapon.
Ang pagsiklab na ito ng interes ay dapat pangasiwaan ng wasto o bantayan ng mga magulang o tagapag-alaga upang mabawasan ang mga ganitong pagsasaliksik. Sa ilang pampublikong paaralan, kilala na ang mga e-games na ito na nilalaro ng mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan at pati na rin sa paaralan tuwing mga oras ng pahinga, ngunit ang nakikita natin ay ang karamihan sa mga tradisyunal na laro ay unti-unting iniiwanan ng henerasyong ito at ano ang kasunod? Marahil, ito ay mawawala na sa kasaysayan. Ang susunod na hakbang ay magiging mahalaga sa
tingin sa posibleng negatibong epekto nito sa kanilang kalusugan habang sila’y laging naglalaan ng oras sa mga gadgets na ito. Bilang guro, hindi natin dapat ituring ang mga e-sports na ito na isama sa paaralan. Ito ay malinaw na lalabag sa pangitain at misyon ng aming departamento na bahagi ng pagbibigay ng pangkalahatang sulyap sa mga mag-aaral kung paano natin aalagaan ang ating katawan upang maging malusog at produktibo. Anuman, ang lahat ng ito ay magdedepende sa kung paano natin binubuksan ang ating sarili sa kaharian ng teknolohiya.
habang nakaharap ng Bobontugan Swimmers ang mahuhusay na kalaban. Sa kabila ng matinding kumpetisyon, nanatiling matatag si Badelic. Sa tamang estratehiya at di-matinag na determinasyon, ginabayan niya ang kanyang koponan patungo sa karapat-dapat na silver medal finish, higit pang pinatatag ang kanyang reputasyon bilang isang swimming prodigy.
“Ito ay isang sandali ng labis na kasiyahan at pagmamalaki na ma-representa ang among eskwelahan. Mapasalamaton ako sa akong coach nga si Ma’am Janice Jumuad, sa principal namo nga si Robert J. Asis, ug sa among SPTA sa kanunay nilang suporta. Ang matag stroke namo, mao’y simbolo sa among dedikasyon ug teamwork,” ani ni Badelic habang inaalala ang kanyang kahanga-hangang performance.
Sa 4x50 Freestyle Relay, ang Luz Banzon Swimmers ay nagtapos na may malaki ang agwat sa kanilang mga kalaban. Sa kabilang banda, sa 4x100 Freestyle Relay, naging matindi ang laban, kung saan Unit 2 ay halos masungkit ang gintong medalya ngunit natalo lamang nang bahagya, na nagpakita ng tindi ng kumpetisyon.
KINIPIL NA BALITANG ISPORTS
Tagumpay sa unang sabak
ni KELLY ELLEN T. TUNACAO
Matagumpay na nakuha nina Athenna at Ethan mula sa Kimaya ES ang Silver medal sa Dance Sport Competition sa Municipal Meet 2024, na ginanap noong Oktubre 18, 2024 sa The Shell Covered Court, Jasaan, Misamis Oriental. Sa ilalim ng gabay ng kanilang coach na si Dianna D. Mercado, ipinamalas nila ang kanilang talento sa Latin Discipline Juvenile Category Bracket 1, at nagwagi rin ng Silver sa Grade E Chacha at Grade D Samba Dance. Sa pagtatapos, itinanghal silang Over-all Winner bilang Silver medalist sa Bracket 1. Ang kanilang tagumpay ay nagdala ng karangalan sa paaralan at nagsilbing inspirasyon sa iba pang kabataang nagnanais magtagumpay sa Dance Sport.
Napakasiglang laban ang naganap sa The Shell Covered Court, nagtagumpay ang mga LBIS Green Warriors laban sa SES Maroons sa District Athletics Meet Elementary Men’s Basketball Championship noong ika-15 ng Setyembre, 2024. Ang tagumpay na ito ay isang makasaysayang hakbang para sa mga Bayani ng Kalikasan ng LBIS, na nagkamit ng kanilang unang titulong District Athletics Meet mula noong magsimula silang sumali sa basketball noong 2010.
Ang championship match ay nagpamalas ng isang matindi at makulay na laban sa pagitan ng LBIS Green Warriors at ang SES Maroons, kung saan parehong mga koponan ay nagpakita ng kahusayan sa atletismo at determinasyon. Binigyang diin ni TR Calahat, isang pangunahing manlalaro para sa LBIS, ang kahalagahan ng kolektibong pagtutulungan sa basketball, na sinasabi na ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa pagmamarka ng mga puntos kundi
Ang laro ay nagsimula na may LBIS na umaagaw ng maagang lamang, nagtatamasa ng kanilang magkakasamang laro at mabisang paggalaw ng bola, iskor 22-13.
Ang SES ay bumawi nang maingay sa ikalawang bahagi, nagpapakita ng tapang, at lumalapit sa agwat ng puntos habang lumalakas ang laro.
Ang mga pagkakataong kritikal sa pangapat na quarter ay nakita ang parehong
kong pinagmamalaki ang kanilang dedikasyon at pagtutulungan na ipinakita sa court ngayon,.
sa pagbibigay ng kontribusyon sa iisang pagsusumikap, na bumubuo ng isang magandang larawan ng tagumpay.
Nakita ang maikli nguni’t masusing laban sa pagitan ng dalawang koponan. Ang LBIS Green Warriors ay nagsimula ng malakas, nagpapakita ng magkakasamang pagtutulungan at mabisang depensang galaw. Gayunpaman, nagkaroon ng matibay na pagbabalik ang SES Maroons, pinaikli ang agwat ng puntos sa ikalawang bahagi.
Binigyang-diin ni TR Calahat, “Ang tagumpay sa basketball ay hindi lamang tungkol sa pagmamarka ng mga puntos kundi sa pagbibigay ng kontribusyon sa isang kolektibong pagsusumikap kung saan bawat pasa, bawat galaw sa depensa, ay nag-aambag sa pagbuo ng isang magandang larawan ng tagumpay.”
Si Coach Peter V. Liray ay nagpahayag ng kanyang kasiyahan, sinasabing, “Napakasaya ko ngayon,” na naglalarawan ng isang mahalagang tagumpay para sa LBIS sa kanilang pagkamit ng unang titulong Unit Athletics Meet.
koponan na nagpapatupad ng impresibong mga estratehiya sa opensiba at depensa. Nakapanatili ang LBIS ng kanilang kahusayan, nagpapatupad ng mga mahahalagang laro upang makuha ang isang makitid na lamang, habang patuloy na itinutulak ng SES na baguhin ang takbo ng laro sa kanilang pabor, iskor
Sinabi ni Coach Peter V. Liray, “Ang tagumpay na ito ay patunay sa di-mabilang na dedikasyon at sipag ng aming koponan. Lubos akong
ipinagmamalaki ang kanilang dedikasyon at pagtutulungan na ipinakita sa court ngayon.”
Huling Iskor: LBIS Green Warriors 46, SES Maroons 32
Ang tagumpay na ito ay nagtala ng unang titulong District Athletics Meet para sa LBIS Green Warriors mula noong sumali sila sa basketball noong 2010, na nagpapakita ng kanilang pag-unlad at tagumpay sa kompetitibong arena.
Nangungunang E-Games sa paaralan
na gusto ng mga nasa ika-4 hanggang ika-6 na baitang
Ang Palarong Pambansa 2023 ay nagtatampok ng isang makabuluhang pagbabago patungo sa kahulugan ng pagiging kasali at pagkakaiba, inilalahad ang isang kahanga-hangang serye ng mga palakasan na hindi lamang nagpapakita ng pisikal na kahusayan kundi nagdiriwang din ng kultural na iba’t ibang anyo. Pinamumunuan ng Pencak Silat, Futsal, Paragames, Wrestling, at Wushu, ang mga palakasang ito ay nagsisilbing simbolo ng isang bagong yugto ng kompetisyon, lumampas sa simpleng pagpapakita ng pisikal na lakas upang maging haligi ng nagbabagong kuwento ng palakasan sa Pilipinas.
Bawat isports na tampok sa Palaro ay nagdadala ng sariling kaakit-akit na alindog sa paligsahan. Ang Pencak Silat, isang tradisyunal na martial art sa Timog-silangang Asya, ay nagbibigay ng karangalan sa Palaro arena sa pamamagitan ng kanyang elegante na sining ng martial arts, na maingat na nagwawagi ng pamana at makabagong kompetisyon sa pamamagitan ng mga kakaibang disenyo. Ang Futsal, ang dinamikong pinsan ng futbol, ay nagtatagumpay sa mga maayos na korte, nagbibigay ng isang mahusay na tanghalan para sa isang balletikong pagsasalaysay ng talento at diskarte. Ang Paragames, isang sagisag ng kasali, ay nagtatampok ng mga espesyal na itinayong pasilidad, na nagsisiguro na ang lahat ng kakayahan ng mga atleta ay lumalahok ng pantay-pantay. Ang Wrestling, isang tunay na pagsubok ng lakas at diskarte, ay nag-unfold sa mga dedicadong mats na may regulasyon na nagbibigay prayoridad sa makatarungan at kaligtasan ng manlalaro. Sa parehong oras, ang sinaunang sining ng Wushu mula sa Tsina ay kumakatok sa sentro, na nagtatambal ng akrobatika, lakas, at kasanayan sa mga mahusay na pasilidad na nagsisilbing kanvas para sa mga atleta upang gawing sining ang bawat kilos.
Sa likod ng kompetitibong aspeto, ang kahalagahan ng mga isports na ito sa Palaro ay umabot sa mas malawak na salaysay, kinikilala ang kultura ng Pilipinas at ang iba’t ibang kakayahan sa palakasan. Ang Palarong Pambansa 2023 ay isang mahalagang hakbang sa kasaysayan ng isports sa Pilipinas. Ang pag-angkin ng Pencak Silat, Futsal, Paragames, Wrestling, at Wushu ay lumalampas sa kompetisyon, isinusulong ang kultural na pagkakaiba at kasali. Habang sinusuportahan natin ang mga atleta sa Palarong Pambansa 2024, ating ipagdiwang ang espiritu ng pagbabago at progreso na dala ng mga karagdagang ito, na ginagawang sagisag ng pagkakaisa, pagkakaiba-iba, at husay sa palakasan.
ni EMMANUEL ABRAHAM NABO
Si Dave Andrew Ylaya, isang Grade 10 student mula sa Luz Banzon Integrated School (LBIS), ay matagumpay na bumalik sa kompetisyon sa paglangoy sa SK InterMunicipal Swimming Challenge na ginanap sa Arje Resort bilang bahagi ng SK Linggo ng Kabataan sports activities. Pagkatapos ng tagumpay sa regional swimming noong elementarya at maikling paglipat sa volleyball noong Grade 7 at 8, muling bumalik si Ylaya sa pool upang ipagpatuloy ang kanyang karera sa paglangoy.
Sa huling taon niya sa LBIS, puno ng pag-asa si Ylaya na magwagi sa Swimming Challenge ng SK Jasaan. Bagama’t hindi niya naabot ang pangarap na makapasok sa Regional Meet 2025, ang kanyang di-matitinag na determinasyon at tiyaga ay nagsilbing inspirasyon para sa kanyang paaralan at sa buong distrito ng Jasaan South.
Sa SK Inter-Municipal Swimming Challenge, ipinamalas ni
ni
RICHMOND G. PESTANO
Muli, pinakita ni Mary Janelle Tan ang kanyang ginintoang talento sa pagsungkit sa First Runner-Up na posisyon sa Ikalawang Round ng Balingoan LNK 2024 Open Rapid Chess Tournament na ginanap sa Balingoan Municipal Covered Court, Balingoan Misamis Oriental noong Oktubre 5, 2024.
Sa torneo, unti-unting umakyat si Tan sa ranggo, tinalo ang ilang malalakas na kalaban sa mahigpit na laban. Habang papalapit siya sa mga huling round, tumaas ang tensyon, na nag culminate sa isang dramatikong laban na sa huli ay magdidikta sa kanyang posisyon sa podium.
Sa tibay ng loob, pinanatili ni Tan ang kanyang katatagan laban sa mga mas bihasang kalaban, na ginawang mas kahanga-hanga ang kanyang huling pwesto.
Sa mga naunang yugto ng torneo, mabilis na naitaguyod ni Tan ang kanyang sarili bilang isa sa mga dapat bantayan. Napanalunan niya ang kanyang unang dalawang laban nang may katatagan, na ipinakita ang kanyang kakayahang magdomina sa parehong opening moves at mid-game strategy. Sa pag-usad ng mga round, nakatagpo siya ng mas mahihirap na kalaban, kabilang ang isa na nagpwersa sa kanya sa isang depensibong posisyon sa simula. Gayunpaman, ang kanyang pasensya at taktikal na pag-iisip ay nagbigay-daan sa kanya upang baliktarin ang sitwasyon at manalo sa mga huling sandali, na nagpasulong sa kanya sa semifinals.
Sa oras na umabot siya sa huling laban para sa First Runner-Up, hinarap ni Tan ang isang napakahusay na kalaban na hindi natalo sa buong torneo. Sa kabila ng pressure, naglaro siya nang may katumpakan, pinilit ang kanyang kalaban sa isang mahahabang labanan ng talino. Bagaman bahagyang nawala ang pagkakataon na makuha ang kampeonato, ang kanyang tibay at taktikal na husay ay nagbigay sa kanya ng titulong runner-up.
“Proud ako sa kung paano ako nagperform, lalo na sa huling mga round. Talagang malakas ang aking kalaban, kaya’t nag-focus lang ako at patuloy na naghanap ng paraan
upang kontrahin ang kanilang mga galaw,” ibinahagi ni Tan matapos ang laban.
Sa opening round, napanalunan ni Tan ang laban sa isang dominanteng pagpapakita ng agresibong opening strategies, mabilis na nakuha ang kontrol sa gitnang board at nalampasan ang depensa ng kanyang kalaban.
Sa ikalawang round, sinubukan ng kanyang kalaban na itulak siya sa isang sulok gamit ang matapang na Knight move, ngunit ang kalmadong depensa ni Tan ay nagbago sa laro, na nagdala sa kanya sa tagumpay.
Sa ikatlong laban, hinarap ni Tan ang isang kalaban na nagtagumpay na makakuha ng maagang kalamangan, na nakuha ang dalawa sa kanyang mahahalagang piraso. Gayunpaman, ang matalas na endgame tactics ni Tan ay nagbigay-daan sa kanya upang ibalik ang momentum, na pinilit ang kanyang kalaban sa checkmate matapos ang isang mahahabang duel.
Ang huling laban para sa First Runner-Up ay isang tense at back-and-forth na laban. Nagpalitan ang dalawang manlalaro ng mga piraso sa isang balanseng middle game, kung saan pinanatili ni Tan ang kanyang katatagan hanggang sa dulo. Bagaman siya ay nagpabaya sa huling galaw, ang kanyang solidong paglalaro ay nagbigay sa kanya ng titulong runner-up.
Ipinahayag ni Tan na naramdaman niyang mas handa siya kaysa kailanman,
at nagpasalamat siya sa kanyang papa at mama na siya ring kanyang personal coach mula pa noong simula. Ibinahagi niya na ang karanasang ito ay nagturo sa kanya na manatiling matiisin sa ilalim ng pressure at magtiwala sa kanyang paghahanda.
Ang tuloy-tuloy na pagganap ni Mary Janelle Tan ay nakakuha ng atensyon ng kanyang distrito, na ngayo’y sumusuporta sa kanya habang siya ay naghahanda para sa darating na Unit Meet 2024 sa Balingasag Central District. Bilang isa sa mga pinakamababatang manlalaro sa kanyang kategorya, ang mabilis na pag-angat ni Tan sa chess ay nagbigay-diin sa kanya bilang isang natatanging atleta sa rehiyon. Sa kanyang taktikal na talino at kakayahang umangkop sa iba’t ibang kalaban, marami ang tiwala na si Tan ay handa na para sa mas malaking tagumpay sa kanyang mga susunod na torneo.
Habang umuusad ang chess season, lahat ng mata ay nakatutok kay Tan habang patuloy siyang nagpapatalas ng kanyang mga kasanayan at kumakatawan sa Jasaan South District sa mas mataas na antas ng kompetisyon.
Matapos kong malampasan ang pinakamalaking insekuridad sa buhayang labis na katabaan, mahalagang kasama ko ang paglangoy sa pagharap sa lahat ng aking pagsubok.”
Ylaya ang kanyang kahusayan sa paglangoy, nasungkit ang gintong medalya sa 400-meter freestyle relay, pilak na medalya sa 200-meter medley relay, at tansong medalya sa 100-meter breaststroke. Ang kanyang kahanga-hangang pagganap ay nagdala ng karangalan at pagmamalaki sa LBIS, na nagpapatunay sa katatagan ng isang atleta na nakarating muli sa rurok ng kanyang kakayahan matapos tahakin ang iba’t ibang sports sa kanyang akademikong paglalakbay.
Ang kwento ni Dave Andrew Ylaya ay patunay sa di-madadaig na kakayahan ng mga student-athlete. Sa kabila ng mga hamon at self-rejection sa kanyang maagang pag-aaral, bumalik siya sa pool na may bagong sigla at nagbigay-inspirasyon sa kanyang stellar performance sa SK Inter-Municipal Swimming Challenge 2024.
mula sa PAHINA 20
tagumpay niya sa kategoryang ito ay lalo pang nagpatibay,. ,.sa kanyang reputasyon bilang isang umuusbong na bituin sa lokal na eksena ng table tennis.
“Itong kumpetisyon ay talagang mahirap, pero masaya ako sa naging resulta. Ang pagwawagi sa 14 Under ang pangunahing layunin ko, at ang pagiging First Runner-Up sa 18 Under ay isang bagay na ipinagmamalaki ko. Ang pakikipagpaligsahan laban sa mas matatandang manlalaro ay nagturo sa akin ng marami, at isa itong hamon na hinding-hindi ko makakalimutan,” ibinahagi ni Zamora matapos ang torneo.
Nang tanungin tungkol sa kanyang paghahanda bago ang paligsahan, ipinaliwanag ni Zamora na nagsanay siya araw-araw, na nakatutok sa bilis at estratehiya.
“Palaging nandiyan ang aking mga coach at pamilya upang suportahan ako, at hindi ko magagawa ito kung wala sila. Patuloy akong magsisikap at maghahanda para sa mas marami pang panalo sa hinaharap,” dagdag pa niya.
Ang natatanging pagganap ni Zamora sa Inter Jasaan League 2024 ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon at talento, inilalagay siya bilang isang batang manlalaro ng table tennis na may potensyal na magbigay inspirasyon sa iba at makamit ang higit pang tagumpay sa darating na Unit Meet 2024 at Manolo 1st Invitational Tournament 2024.
ng mga medalya ng PROVINCIAL MEET 2024
(TAGALOAN, VILLANUEVA, JASAAN, CLAVERIA, BALINGASAG, LAGONGLONG)
ni KELLY ELLEN T. TUNACAO
GINTO PILAK TANSO
a larangan ng sports, madalas, ang talento ay walang kinalaman sa edad. Kilalanin si Cristy Pearl P. Badelic, isang kahanga-hangang mag-aaral ng Grade 2 mula sa Luz Banzon IS, na ang pagmamahal sa paglangoy ay nagtulak sa kanya patungo sa kahanga-hangang mataas sa isang napakabatang edad.
Sa larangan ng sports, ang galing ay kadalasang walang pinipiling edad. Makilala si Cristy Pearl P. Badelic, isang kahangahangang mag-aaral sa Grade 2 mula sa Luz Banzon IS, na ang pagmamahal sa paglangoy ay nagdala sa kanya sa kahanga-hangang kaharian sa isang napakabatang edad.
kanyang kahanga-hangang performance, lalo na sa masalimuot na 400-meter at 200-meter races, kung saan ang kanyang tapang at tibay ay lubos na ipinakita. Karaniwang itinatangi ang mga distansiyang ito para sa mas may karanasan nang mga manlalangoy, ngunit walang takot na tinanggap ni Cristy ang hamon,
“Bisan sa iyang kabatan-onan, ang epektibo niyang paglangoy sa kahangahangang 400-meter ug 200-meter dash usa ka dako nga inspirasyon,”
“Alang kanako, kinasing-kasing kong napasalamatan si Cristy sa iyang labaw sa kahayag nga pagpakita sa kahago sa paglangoy. Ang iyang kahandaan sa pagbaton
..ang makita siyang lumubog at lumangoy na may focus at kasanayan sa kanyang edad ay tunay na nakakainspire,.
Si Cristy ay nagpakita ng kanyang kahanga-hangang talento at determinasyon, lumitaw bilang pinakabatang manlalangoy sa kanyang mga kapwa, sa pagtatanghal ng Invitational Provincial Aquatic League 2024 na ginanap sa Pelaez Sports Center, Cagayan de Oro City. Ang kanyang matibay na pagmamahal sa paglangoy ay nagtulak sa kanya na walang takot na makipagkumpitensya sa freestyle 400-meter at 200-meter dash, na karaniwang mga event para sa mas may karanasan nang mga atleta. Ang impresibong performance ni Cristy ay nagpapakita kung paano masusurpass ng kasanayan at dedikasyon ang mga limitasyon ng edad sa sports.
Ang bagay na nagtatakda kay Cristy ay hindi lamang ang kanyang pagsali kundi ang
na iniwan ang mga tagamasid at mga kalaban na hindi makapaniwala sa kanyang determinasyon.
“Ang makita siyang lumubog at lumangoy na may focus at kasanayan sa kanyang edad ay tunay na nakakainspire,”sabi ni Coach Mag-away, na nakasaksi sa kahanga-hangang pagtatanghal ni Cristy sa Invitational Provincial Aquatic League 2024.“May natural siyang galing sa paglangoy at isang matindi at bihirang talento”
Sa kabila ng kanyang murang edad, ang kahanga-hangang performance ni Cristy ay nagbigay sa kanya ng kaukulang tiket sa nalalapit na mga Swimming Competitions. Ang kanyang pagsusulit ay nagpapatunay sa kanyang di-mabilang na dedikasyon, masigasig na pagtatrabaho, at hindi maikakailang talento sa pool.
sa hamon naghatag og inspirasyon sa tanan nga nagatabang sa atong team”, tugon ni coach Mag-away.
Sa nalalapit na Provincial Championships, nakatutok ang lahat ng mata kay Cristy Pearl P. Badelic habang siya ay patuloy na naglilikha ng alon sa competitive na mundo ng paglangoy. Ang kanyang kuwento ay hindi lamang nagpapahayag ng isang kahanga-hangang tagumpay sa atletismo kundi nagbibigay rin ng paalala na ang passion, determinasyon, at talento ay walang kinikilalang limitasyon ng edad. Sa paghahanda niya para sa susunod na antas ng kompetisyon, si Cristy ay nagiging tanglaw ng inspirasyon para sa mga kabataang nais sumiklab ng damdamin sa buong distrito ng Jasaan South.
..hindi lang ito tungkol sa husay-kundi sa samahan naming naipundar sa mahabang panahon,.
Jasaan, muling nailipad ang kampeonato
Pagbabalik ng batang prodigy
Ylaya nagningning sa Municipal Meet ‘24
sundan sa PAHINA 18
ni
Ang ACIDUS-Jasaan, ang ultimate frisbee team ng Jasaan, ay muling nagwagi matapos makuha ang kampeonato sa LOVE Ultimate Tournament 2025 na ginanap sa Iligan City, Pilipinas noong Enero 10-11. Ito ang kanilang pangalawang sunod na kampeonato, na nagpapatibay ng kanilang dominasyon sa lubos na kompetitibong torneo na ito.
Ipinakita ng ACIDUS-Jasaan ang natatanging pagkakaisa, estratehiya, at katatagan upang talunin ang mga mahigpit na kalaban sa loob ng dalawang araw na kompetisyon. Ang huling laban, na ginanap sa Iligan City Sports Complex, ay isang kapanapanabik na salpukan laban sa Davao Heat na nagtapos sa score na 15-13 pabor sa mga nagdedepensang kampeon.
Ibinahagi ng team captain na si Steve Bryan Suralta ang sikreto ng kanilang tagumpay: “Hindi lang ito tungkol sa husay— ito’y tungkol sa samahan namin bilang isang koponan. May tiwala kami sa isa’t isa, at iyon ang nagbibigay sa amin ng kalamangan. Ang manalo ng dalawang sunod ay napakahalaga sa amin, at lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta.”
Binanggit naman ng coach ng koponan na si Jo White ang masinsinang paghahanda nila para maipagtanggol ang kanilang titulo.
“Matagal kaming nag-ensayo, pinakinis ang mga diskarte, at pinalakas ang aming pisikal at mental na katatagan. Napakahuhusay ng aming mga kalaban, ngunit ang pokus at determinasyon ang nagdala sa amin ng tagumpay. Ang panalong ito ay patunay ng pagsisikap at dedikasyon ng bawat manlalaro.”
Kahanga-hanga, karamihan sa mga
miyembro ng ACIDUS-Jasaan ay mga out-ofschool youth mula sa barangay ng Jasaan. Ang koponan ay nabuo bilang bahagi ng Sports Clinic Program ng SK Council, isang inisyatibo na naglalayong hikayatin ang kabataan sa makabuluhang gawain at isulong ang pagunlad ng komunidad sa pamamagitan ng sports.
“Ang programang ito ang nagbigay sa amin ng pagkakataong hasain ang aming kakayahan at tuklasin ang aming potensyal. Para sa marami sa amin, ang pagsali sa koponan ay isang pagbabago ng buhay,” ani ni Jobert Capricho, isang manlalaro. “Hindi lang ito tungkol sa paglalaro; ito’y tungkol sa paghahanap ng layunin at pakiramdam ng kabilang.”
Sa kanilang pinakabagong tagumpay, naghahanda na ang ACIDUS-Jasaan para sa susunod na hamon: ang National Ultimate Championships na gaganapin sa Cebu City sa Marso 2025. Sabik ang koponan na subukin ang kanilang husay laban sa mga pinakamahuhusay na koponan ng bansa at layuning makapag-uwi muli ng titulo.
“Dalhin namin ang momentum na ito sa National Ultimate Championships. Mahirap ang laban, ngunit handa kaming ibigay ang lahat,” ani Reyes nang may kumpiyansa.
kampeon sa 14 Under, First Runner-Up sa 18 Under Table Tennis
ni KELLY ELLEN T. TUNACAO
pinakita ni Aden Kit Zamora, isang studyante ng Grade 6-Brilliance sa LBIS, ang kanyang galing sa Inter Jasaan League 2024 sa pamamagitan ng pagsungkit ng titulo bilang Kampeon sa 14 Under Category at pagkuha ng First Runner-Up sa 18 Under Category na ginanap sa Upper Jasaan Shell Covered Court noong ika-17-18 ng Nobyembre, 2024.
Ang pakikipagpaligsahan laban sa mas matatandang manlalaro ay nagturo sa akin ng marami, at isa itong hamon na hinding-hindi ko makakalimutan,.
Ang pagganap ni Zamora sa 14 Under Category ay tunay na kahanga-hanga. Ipinakita niya ang matatalas na reflexes at mahusay na mga estratehiya, dinomina ang bawat laban patungo sa kampeonato. Ang kanyang tuloy-tuloy na footwork at tamang-tamang pag-atake ay nagpatingkad sa kanya, na siyang nagdala sa kanya sa pinakatuktok ng kategorya.
Samantala, sa 18 Under Category, hinarap ni Zamora ang mas matatanda at bihasang kalaban ngunit nanatili siyang matatag at may pambihirang tatag.
Umabot siya sa finals at nagpakitang-gilas, kahit na hindi naabot ang kampeonato, nakuha niya ang First Runner-Up. Ang
sundan sa PAHINA 19