Labada Isang Dagli
Madaling araw na nang ako'y lumabas sa banyo. Sa tagal ko—huwag na nating alamin kung bakit—paglabas ko ay halos tuyo na ako. Hindi ko na kinailangan ng dryer para sa aking buhok. Hindi ko na rin kinailangan ng tuwalya para punasan ang balat ko. Patungo sa kwarto, 'sing bigat ng bawat hakbang ko ang bigat ng isip ko. Kay hirap indahin ang sakit ng utak mong nagdadala ng lahat, lalo na sa ganitong oras.