Skip to main content

Walang Kabiguan Kay Hesus! (Tagalog) Jesus Never Fails booklet

Page 1


MUNGKAHING GAMIT NG BABASAHING ITO:

• Ibahagi ito sa mga taong naghahanap ng mga kasagutan sa mga suliraning kinakaharap sa buhay.

• Ibahagi din ito upang palakasin ang loob ng isang bagong mananampalataya o ng isang kaibigan na nagsasaliksik sa katotohanan.

• Magagamit din ito ng mga Pastor sa pagbabahagi ng mga payo, sa pagdalaw sa mga maysakit at sa pagsagot sa tawag sa telepono ng mga may suliranin.

Ipakikilala sa iyo ng babasahing ito si HESUS, ang tanging ipinadala ng Diyos upang patawarin ang ating mga pagkakasala at punan ang ating mga pagkukulang.

Si HESUS ang magpapatawad, gagabay at magliligtas sa atin laban kay Satanas at sa lahat ng mga masasama.

Tuklasin sa iyong pagbasa kung bakit sa pananampalataya ay walang kabiguan kay HESUS kailan pa man.

Tagalog Jesus Never Fails

Ang munting aklat na ito ay inilathala na may ika-1 na

edisyon noong Nobyembre 2024

1st edition, printed 5,000 copies, November 2024

Copyright © 2021

WALANG KABIGUAN KAY

HESUS!

Napupuna mo ba na ang napakabilis na takbo ng modernisasyon sa buong daigdig ay nagbubunga ng pangamba at takot sa mga tao? Dahil sa hindi mahadlangang pagbabago sa kapaligiran, naroon ang pangangailangan ng tao na maka-akma sa mga pangyayari at ito ay madalas na nagdudulot sa marami ng pagkabigo. Kung wala sanang mga kabiguan, magiging payapa at masaya ang buhay ng tao.

Huwag mag-alala. Narito ang Magandang Balitang tutugon sa mga kabiguang dumarating sa ating buhay. Ipakikilala Ko sa iyo ang isang natatanging makapagbibigay ng tagumpay at mananaig sa nararanasan nating mga kabiguan. Nais mo bang malaman ang tungkol sa Kanya at kung paano mapapasa-iyo ang tagumpay na ito?

Ito ang layunin ng “booklet” na ito: ang maiparating sa iyo na may solusyong nagawa na laban sa mga lumipas na kabiguan at sa mga darating pang tulad nito. Hindi natin ito kayang maiwasan. Ang kabiguang ito ay bunga ng kasalanan. Pinagdaanan na ito ng unang tao sa Hardin ng Eden at hanggang ngayon ay sumasaating mga magulang. Minana natin ang kasalanang ito na pumapaloob sa ating daigdig. Bigo ang tao na paglabanan ito kaya’t nagbubunga ito sa lahat ng kaguluhan, kalungkutan at kamatayan. Nais kong ibahagi sa iyo na hindi ito magwawakas ng gayon na lamang. May daan na ibibigay at ituturo ito sa atin.

MAY KABIGUAN SA MGA TAO/KAIBIGAN

Nabibigo tayo sa mga taong inaasahan natin kahit malaki ang pagtitiwala natin sa kanila. Ibinibigay natin ang ating tapat na pakikisama at pakikipagkaibigan subalit hindi nila masuklian ito ayon sa ating inaasahan. Nakapagdurugo ng puso ang tanggaping nabibigo tayo sa itinuturing nating mga kaibigan. Hindi nila lubos na maunawaan at maramdaman ang ating mga pinagdaraanan at sinasaloob. Kahit kailangang-kailangan natin ang kanilang tulong, wala silang magawa. Bigo tayo at napakasakit nito sa ating mga tao.

Naisip ba natin na ganito rin ang nadarama ng ating Panginoong Diyos sa tuwing binibigo natin Siya? Bigo Siya sa Kanyang mga nilikha, sa mga tao na noong una pa man ay nilikha Niyang perpekto na nais Niyang maging tapat na kaibigan.

MAY KABIGUAN SA MGA BAGAY-BAGAY

Mahilig ka bang mag-ipon ng mga bagay-bagay, pera, yaman at mga mamahaling gamit? Karaniwan itong nagdudulot ng pagkabigo. Nagaganap ito nang hindi natin namamalayan. Naglalaan tayo ng lakas, oras at talino upang magkaroon ng higit pa dahil sa isip natin, magdadala ito ng kasiyahan at galak sa ating buhay. At nangyayari na nagigising tayo sa katotohanang wala na tayong salapi, mamahaling gamit o mga bagay-bagay na makapagbibigay sa atin ng kasiyahan at tagumpay. Hindi maiwasan ang mga dumarating na pangyayaring nagbibigay ng takot at mga pangamba sa buhay. Bigo tayo sa mga bagay-bagay.

MAY KABIGUAN SA KALUSUGAN

Kahit marami tayong mga kaibigan at mga bagaybagay, nararanasan pa rin natin ang pagkabigo. May kasabihan tayo na “ang kalusugan ay kayamanan.” Ano kaya kung nasa atin ang lakas at kalusugan ng katawan at isip. Ligtas na ba tayo sa kabiguan kung tayo ay may kalusugan? Paano na kung magkaproblema tayo sa ating kalusugan? Nakayayanig ng isip at damdamin kapag kinausap ka ng mga doktor na may sakit kang malubha tulad ng kanser o sakit sa puso. Paano kapag sinabi ng mga doktor na hindi ka na kayang gamutin? May pag-asa ka pa ba kapag bumigay na ang iyong kalusugan? May kabiguan pa rin sa kalusugan.

WALANG KABIGUAN KAY HESUS!

Naniniwala ka bang darating din ang mga kabiguan sa buhay kahit mayroon kang mga kaibigan, mga bagay-bagay o kalusugan?

NGUNIT

KAY HESUS WALA KANG KABIGUAN

Alam mo na bang si Hesus ang makapangyarihan sa lahat? Kaya’t kaya Niyang tumugon sa ating mga pangangailangan. Mamamangha ka sa mga gagawin Niya na maglulutas sa iyong mga alalahaning dulot ng mga bigong pag-asa sa sarili, sa mga kaibigan, sa yaman at sa kalusugan.

Marahil hindi natin maisip o masaliksik sa kaibuturan ng ating puso kung ano talaga ang tunay nating pangangailangan. Hindi pinakamahalaga ang mga kaibigan, kayamanan o kalusugan. Ang tunay nating kailangan ay kapatawaran sa ating mga kahinaan, kakulangan at mga kasalanan. Sinasabi sa Biblia sa Roma 3:12 na “Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”

SI HESUS ANG KAIBIGANG TAPAT

SI HESUS ANG KAIBIGANG TAPAT

“Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila.” (Juan 15:13)

Alam ni Hesus ang pinakamahalagang pangangailangan natin simula pa noong mahiwalay ang tao sa Kanya dahil sa kasalanan. Sa Roma 3:23 nakasulat na ang “Lahat ay nagkasala, at walang sinuman ang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.”

“Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanya.” (Juan 15:13) Alam ni Hesus ang pinakamahalagang pangangailangan natin simula pa noong mahiwalay ang tao sa Kanya dahil sa kasalanan. Sa Roma 3:23 nakasulat na ang “Lahat ay nagkasala, at walang sinuman ang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.”

At sa Roma 3:28 mababasa na “Maliwanag na sa pamamagitan lamang ng pananampalataya mapapawalang-sala ang tao, at hindi sa pagtupad ng Kautusan.” Si Hesus ang nagbukas ng daan para sa atin. “Sapagkat dahil sa kagandahang- loob ng Diyos, kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; ito’y kaloob ng Diyos at hindi sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang maipagmamalaki ang sinuman.”

At sa Roma 3:28 mababasa na “Maliwanag na sa pamamagitan lamang ng pananampalataya mapapawalang-sala ang tao, at hindi sa pagtupad ng Kautusan.” Si Hesus ang nagbukas ng daan para sa atin. “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; ito’y kaloob ng Diyos at hindi sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang maipagmamalaki ang sinuman.”

TINUGON NI HESUS ANG

TINUGON NI HESUS ANG

ATING PINAKAMAHALAGANG

ATING PINAKAMAHALAGANG

PANGANGAILANGAN

PANGANGAILANGAN

Tinugon ni Hesus ang ating pinakamahalagang pangangailangan sa paraang kakaiba. “Ngunit pinatunayan ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.” (Roma 5:8)

Tinugon ni Hesus ang ating pinakamahalagang pangangailangan sa paraang kakaiba. “Ngunit pinatunayan ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.” (Roma 5:8)

Ayon sa nakasulat sa itaas, ang pinakamahalagang pangangailan natin ay ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. Ito ang ipinagkakaloob ni Hesus sa atin. Paano natin nalalaman ito? Namatay si Hesus sa krus. Kinuha Niya tayo buhat sa kadiliman at kaparusahan. “Iniligtas Niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan Niya tayo ay pinalaya, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo.” (Colosas 1:13-14)

Ayon sa nakasulat sa itaas, ang pinakamahalagang pangangailangan natin ay ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. ito ang ipinagkaloob ni Hesus sa atin. Paano natin nalalaman ito? Namatay si Hesus sa krus. Kinuha Niya tayo buhat sa kadiliman at kaparusahan. “Iniligtas Niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan Niya tayo ay pinalaya, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo.” (Colosas 1:13-14)

PAANO NIYA TINUGON ANG ATING PINAKAMAHALAGANG

PANGANGAILANGAN

“Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, Siya’y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa Kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.” (2 Corinto 5:21)

Alam ni Hesus ang mangyayari sa Jerusalem kaya’t sa pagharap Niya roon ay kanyang sinabi, “Walang makakakuha ng Aking buhay: kusa Ko Itong ibinibigay. Mayroon Akong kapangyarihang ibigay ito at mayroon Akong kapangyarihang kunin itong muli. Ang utos na ito’y tinanggap Ko buhat sa Aking Ama.” (Juan 10:18) Nagdusa at naghirap si Hesus tulad ng isang karaniwang kriminal. Inalipusta Siya at binugbog. Isinaksak sa ulo Niya ang isang koronang tinik. Pinasan Niya ang isang mabigat na krus tungo sa Kalbaryo at doon, Siya’y namatay upang tubusin ang kasalanan ng sangkatauhan. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Ang bigat ng iyong mga kasalanan ay pinasan ni Hesus sa krus. Dugo ni Hesus, tunay na Anak ng Diyos, ang naghugas sa atin sa LAHAT NG KASALANAN. Nakasulat sa 1 Juan 1:9, “Subali’t kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating mga kasalanan, sapagkat Siya’y tapat at matuwid.”

Tunay na nagdusa at namatay si Hesus na dala ang ating mga kasalanan, ngunit muli Siyang nabuhay at ipinakita ang Kanyang tagumpay sa lahat ng ating kaaway! Sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa at kamatayan…

TINUGON NI HESUS ANG ATING

PINAKAMAHALAGANG

PANGANGAILANGAN

Tandaan ninyo na ang pinakamahalaga nating pangangailangan ay ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Ito ang tanong ko sa iyo – kung kaya ni Hesus na tugunan ang pinakamahalaga nating pangangailangan - ang kapatawaran ng mga kasalanan – hindi ba Niya kayang tugunan ang iba pa nating pangangailangan?

Totoong maaaring sa mga kaibigan ay bigo tayo, sa mga materyal na bagay, at sa kalusugan ngunit…

KAY HESUS WALA KANG KABIGUAN

Tandaan at isapuso natin ang nakasulat sa Roma 4:7, “Mapalad ang mga taong pinatawad na ang pagsuway, at ang mga taong pinawi na ang mga kasalanan.” Gayon din ang nasa Lucas 10:20, “Ngunit magalak kayo hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi natala sa langit ang inyong mga pangalan.”

Oo, may katiyakan ka na

KAY HESUS WALA KANG KABIGUAN!

AMA NAMIN

Ama namin, nasa langit Ka

Sambahin ang ngalan Mo

Mapasaamin ang kaharian Mo

Sundin ang kalooban Mo

Dito sa lupa, tulad ng sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin Mo kami sa mga kasalanan namin, Tulad din ng pagpapatawad namin

Sa mga nagkakasala sa amin.

At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, At iligtas Mo kami sa lahat ng masama.

Pagka’t sa Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, At ang kaluwalhatian, magpakailanman. Amen!

“Pinagmulan

ng plaka”

Naroon sa bukirin ang tahanan ng aking mga magulang at doon ay may nakasabit na “plaque” na nakatitik ang KAY HESUS

WALA KANG KABIGUAN!

Sa tahanang iyon sila nanirahan sa loob ng 62 taon at namatay sila kapwa sa loob ng isang buwan. Nang pag-usapan namin sa pamilya na pumili ng isang bagay na magsisilbing ala-ala buhat sa tahanang ito, ang kinuha ko ay ang “plaque.” Nakasabit ito ngayon sa aking opisina. Bago ko ito isinabit, dinala ko ito sa isang palimbagan at itinanong kung maaari itong kopyahin sa anyo ng isang “bookmark.” Ngayon ang “bookmark” na ito ay ipinamamahagi sa iba’t ibang dako sa daigdig. Ang “booklet” na ito naman ay isinalin sa iba’t ibang wika upang malinaw na maunawaan ng mga mambabasa nito.

Nagtatag ng Lutheran Heritage Foundation

Rekord

MAY KABIGUAN SA MGA TAO/KAIBIGAN

MAY KABIGUAN TAYO SA MGA BAGAY-BAGAY

MAY KABIGUAN TAYO SA KALUSUGAN

NGUNIT MAY ISANG HINDI TAYO BIBIGUIN, ANG ATING TAGAPAGLIGTAS NA SI HESUS SA KRUS NG KALBARYO TINUGON NI

HESUS ANG ATING PINAKAMAHALAGANG

PANGANGAILANGAN: ANG KAPATAWARAN NG KASALANAN SA KANYANG DUGONG IBINUHOS, HINDI TAYO BINIGO NI HESUS

HINDI KA BIBIGUIN NI HESUS

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Walang Kabiguan Kay Hesus! (Tagalog) Jesus Never Fails booklet by Lutheran Heritage Foundation - Issuu