
2 minute read
SEHSSPAMediaArtsnagwaging30ksaMusicVideo
from Ang Kawalog Bol. 1
by Lui Lijauco
Lumahok sa isang kompetisyon na nagmula sa opisina ni Vice Mayor
Doc Marion Andres ang Sta Elena High School, at naiuwi ang isang gantimpala at parangal na nagkakahalagang P30k galing kay Vice Mayor Marion Andres at sa iba pang opisyal ng Marikina noong Marso
Advertisement
2023 Ang kompetisyon ay naglalayon na ipakita ang Pagpupugay sa
Pambansang Awit ng Pilipinas sa pamamagitan ng paggawa ng isang
Music Video Maraming naging hamon at problema sa kanilang pagtahak ng Music Video upang maipamalas ang kalidad sa sining at paghihirap para sa tagumpay ng lahat
Isinaad ni Dorothy Barcelona, galing SPA Media Arts na malaki ang kanilang naging motibasyon upang bigyan ng wakas ang patimpalak sa pagkuha ng isang malaking gantimpala, sa kadahilanan na nais nilang maipamalas sa patimpalak ang talento ng mga taga Sta Elena High School

Ipinahayag sa Music Video ng Sta Elena High School ang mensahe ng isang pagiging makabayan na malimit na nakikita bilang isang sagisag ng pagmamalaki at pagkakakilanlan ng isang bansa Ang kanilang pagsisikap at dedikasyon ay nag-resulta sa kanilang pagkapanalo sa kompetisyon, na nagpapakita ng paggalang, respeto at pagbibigaypugay sa iniulat na tema lalo na sa mga Pilipino
Lubos na nagpapasalamat ang butihing Vice Mayor na si Dr Marion Andres, gayon din ang ibang opisyal, sapagkat ang lahat ay nakilahok sa kanyang binuksan na patimpalak kaya naman patuloy niyang nakikita ang tunay at angking husay ng bawat Marikenyo Binigyang-diin rin nito ang patuloy na pag suporta sa mga talentong kayang ipakita ng isang batang Marikenyo - Denise Anne G. Castillo
GraduationBallsa Sta.ElenaHighSchool, nagingmatagumpay
Sa pamumuno ni Dr Jeffrey C Trinidad punong guro ng Sta
Elena High School, Archbishop Emerson Briones, at iba pang panauhin ay naging maayos ang daloy ng programang ito
Ginanap noong ika-6 ng Mayo ang isang programang Graduation Ball para sa mga senior graduating students ng Sta. Elena High School.
Tagumpay na naisagawa ang programang Graduation Ball na may temang Met Gala. Marami ang ang dumalo at nakisalo para sa ‘di malilimutan na kaganapang ito.
Ang Sta Elena High School ay ang kauna-unahang eskwelahan na naaprubahan na magsagawa ng ganitong klase ng programa matapos ang kasagsagan ng pandemya kaya naman ay naging malaking karangalan ito para sa’ting paaralan na muling magsagawa at manguna sa ganitong kaganapan.
Nag-umpisa ito ng eksaktong ala-singko ng hapon at natapos naman ng alas-onse ng gabi Bago mag alas-singko ng hapon ay untiunti nang nagsi-datingan ang mga panauhin sa programang ito kasabay ng kanilang mga magagarbo at kumikinang na kasuotan. (Itutuloy sa p. 2)

Pahina2
Editorial Board
A.Y. 2022 - 2023
Trisha Elijah S. Talha
Punong Patnugot
Khylee V. Tiamzon
Tagawasto ng Sipi
Mikaela T. Calungsod
Denise Anne G. Castillo
Emirson I. Marticio
Yasmien Aleisha E. Malco
Sophia Bernadette G. Florendo
Patricia Ianna B. Cordova
Janna Rowella E. Parazo
Louis Joaquin M. Estanislao
Manunulat

Liam Gail M. Gatmaitan
Guillian Mamaril Dibuhista
Dorothy Barcelona Maniniyot
Micah Luise G. Lijauco
Gurong Tagapayo
Arlene N. Milo
Puno ng Kagawarang Filipino
Dr. Jeffrey C. Trinidad
Punong-guro
(Mula sa p. 1) Bago mag alas-singko ng hapon ay unti-unti nang nagsidatingan ang mga panauhin sa programang ito kasabay ng kanilang mga magagarbo at kumikinang na kasuotan
Matapos ang processional ay nagumpisa na ang mga pagtatanghal ng iba’t-ibang grupo at indibidwal, mayroong umawit at tumugtog ng mga instrumento
Sa pangunguna ni Sir Ervin John
Patrick C. Binala at Ma’am Sarah Fuensalida ay naging makulay at makinang ang daloy ng buong programa.
Samantala, nakuha naman ni John Paul Cuizon ang Prom King at Juleane May Antazo ang Prom Queen sa gabing iyon.