1 minute read

Pictorial Essay

Next Article
Portfolio

Portfolio

“Ang ginaw!” Iyan ang aking naging unang bukambibig pagbaba ng bus mula sa apat na oras na biyahe mula Paranaque hanggang Baguio City. Nag-abang kami ng taksi at isinakay doon ang aming mga gamit. Nagtungo kami sa bahay na aming pansamantalang tutuluyan habang nanantili kami sa lungsod. Pagkababa namin sa aming gamit ay sumakay muli kami ng taksi patungo sa Starbucks Camp John Hay. Sa lugar na iyon, kitang-kita ang mga puno ng pino na nababalutan ng makakapal na hamog at ang mga pinong mga damo na mamasamasa. Dahil nga giniginaw ako, ang aking inorder ay Cappuccino na mainit. Ang sarap talaga humigop ng mainit na kape roon habang patingin-tingin sa magandang kapaligiran.

Tapos sa Starbucks ay kumain kami sa Good Taste Restaurant, ang isa sa pinakakilalang restaurant ng siyudad ng Baguio. Iba-ibang putahe ang aming tinikman; may chopsuey, may lumpia, may pritong manok at syempre ang kanilang pinakamabentang putahe, ang buttered chicken. Matapos naming kumain ng tanghalian sa Good Taste ay tumuloy na kami sa bahay na aming panantilihan at nagpahinga.

Advertisement

Kinabukasan ay nagpunta kami ng aking ama sa Diplomat Hotel, ang isa sa pinakakinatatakutang lugar sa Baguio. Ang nasabing hotel ay ginawang garrison ng mga hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig kung saan doon ay maraming mga sundalong Amerikano at Pilipino na tinorture at mga comfort women na ginahasa kung kaya naman ang mga kaluluwa raw ng mga nabanggit ko ay patuloy pa rin sa paggala sa palibot ng hotel. Sa kasamaang palad, walang multong nagpakita o nagparamdam sa amin at umalis na kami roon.

Dadalawin din sana namin ang Laperal White House, ang pinakaknatatakutang bahay sa lungsod ng Baguio ngunit ito ay nakasara noong mga panahong iyon.

Natapos na ang aming sandaling pananatili sa Baguio. Maiksi ngunit masaya, lalo na’t wala akong ginastos dahil sagot ako ng aking ama.

Nagtungo rin kami sa Mines

View Park at doon ay sinulit namin ang magandang tanawin dahil sa taas ng lugar. Lumabas kami ng

Mines View Park upang pumila sa Good Shepherd upang mamili ng ipapasalubong pagkauwi na Lenggua, Ube Jam, at Strawberry Jam.

This article is from: