1 minute read

CLUB OFFICERS

Alexine Ticman President

Micah Magusib VP Internal Briseis Manato VP External

Advertisement

Hans Fontanilla Team Manager

Sarah Vasquez Secretary

Mariah Miciano Working Comm. Head

Tracey Gayahan Treasurer

Jasmine Bontilao Auditor

Creatives Team

Bianca Nicole Cruz

Symon Dimaapi

Jarene Talavera

Jelaine De Jesus Asst.Secretary

Adella Dela Cruz PRO

Saskia Jaminola Finance Director

Avienne Febrero Head of CT

PAGBABALITAATPAGTITIWALA: KWENTONGJUNIORDAWNER

HansFontanilla

Naniniwala ka ba?

“I believe that a journalist should write only what he holds in his heart to be true ”

Naniniwala ako sa propesyon ng pamamahayag at naniniwala rin akong sa panahong ganito’t hinahamon ang kalayaa’t kamalayan ng bawat tao, tayo, tayong mga dyorno ang siyang may responsibilidad upang suungin ang sakuna’t hanapin ang dapat; ipahayag, ibalita’t ipalaganap ito nang walang pagsasala, sa lahat kahit na kanino.

Kasalanan para sa ating mga manunulat ang pagyuko sa makapangyarihang mga taong nais ikubli ang tunay at totoo. Kasalanan para sa ating mga mamamahayag pampaaralan ang tumalima sa mga gurong nais ibaba ang kalidad ng pagbabalita dahil natatapakan nito ang kanilang paniniwala

Sa nagdaang dalawang taon, lalong pinaigting ng Junior Dawn ang paniniwalang ito wala dapat tayong katakutan sa ating pakikipaglaban para sa katotohanan Bagama’t may mga hamon tayong hinarap, hindi pa rin tayo tumigil sa pagsubok na maglathala ng mga istoryang totoo, dahil hindi lamang para sa atin ang mga artikulong ating inilalabas ang pagbabalitang Junior Dawn ay para sa lahat.

Para ito sa mga guro’t mag-aaral ng pamantasan Dahil tayo ang dapat agaran nilang pinagkukunan ng mga mahahalagang istorya, sa loob o labas man ng pamantasan. Tangan natin ang obligasyong ibahagi ang mga impormasyong tutulong sa kanila sa pagsasakatuparan ng kanilang mga responsibilidad bilang mga manggagawa, nagpapakadalubhasa, magulang, anak, at makabayan. Kung wala tayo at ang integridad sa ating ibinabalita, paano sila?

Para ito sa progresibong pagkilos para labanan ang daluyong ng represyon Dawn, ano pa’t binansagan tayong Junior Dawn kung hindi natin isasabuhay ang ating pagpapakahulugan? Tayo ang pagsikat ng panibagong umaga, ang ating mga panulat ay mga kalasag na dapat tumutulong sa pagbuo ng mas makataong mundo para sa lahat Tayo at ang ating mga balita ay kasangkot sa pagbuo ng mas kritikal na lipunang huhubog sa bayang tapat, makatarungan, at para sa lahat.

Ang pagbabalitang Junior Dawn ay pag–aalay nating mga mandirigma sa Silangan ng ating husay, lakas, at prinsipyo sa iba’t–ibang labang hinaharap ng bawat Pilipino. Dahil hinuhubog tayo para sa atin at para sa kanila; para pagsilbihan ang bayan nating sinisinta

Naniniwala ako sa potensyal ng mga susunod manunulat sa amin. Hangad kong kanilang mahihigitan ang mga nangyari nang pag-unlad at paglaya ng pahayagang pampaaralan ng ating pamantasan Darating ang panahon na tunay na mabibigyang buhay ang katotohan, hustisya, at kalayaan na ibinabantayog ng iniibig nating Junior Dawn – Manila.

Naniniwala ako

This article is from: