Skip to main content

DSPC 2026

Page 1

ang

Tomo 1 | Blg. 1 | Setyembre 8, 2026 Ang Opisyal na Pahayagan ng DSPC Iriga City

RILES EKSPRES Itinalakay ni Bb. Maria Regaspi ang walang tapos na pagsasanay sa sistema ng Artificial Intelligence (AI) gamit ang prompts ng mga consumer nang walang paalam. Rizal

GAWANG

NAKAW

Pagkonsumo ng copyrighted data, nagdulot ng pag-unlad sa sistema ng AI Aguinaldo

Nabahala si Maria Leonor Euna Regaspi, Freelance writer sa patuloy na pangunguha ng Artificial Intelligence (AI) sa mga datos na nanggagaling sa mga konsumer nang walang paalam, kung saan ginagamit ito upang paunlarin ang sistema ng AI sa bansa.

02OPINYON 03LATHALAIN 04ISPORTS usaping estadistika

“AI is training their system by your prompts without your permission,” sambit ni Regaspi. Binalaan ng freelance writer ang madla patungkol sa paraan ng AI kung papa’no nito mas sinasanay ang kanilang sistema na ayon sa kaniya ay ginagamit ng mga ito ang mismong prompts ng mga tao upang magamit nang walang paalam. Ipinagbigay-alam niyana hindi orihinal na galing sa AI ang mga impormasyong inihahatid nito, sapagkat karaniwang nanggagaling lamang sa mga websites ang datos na nakukuha sa pamamagitan ng web scraping. Agad naman itong natugunan sapagkat mayroon nang mga website na hinaharang ang naturang teknolohiya upang mapigilan ang basta-bastang pangunguha ng impormasyon. Ipinaliwanag ng instructor sa Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) na generative AI ang isa sa mga nagkokonsumo ng mga copyrighted data, kung saan walang explicit permission ang mga ito na nanggagaling mismo sa pinanggalingan

ng impormasyong kinopya. Dagdag pa ng tagapagsalita, hindi lamang sa pagkalap ng impormasyon nagagamit nang lubusan ang AI, dahil ibinahagi niyang kalat din ito sa iba’t ibang applications at ilang mga kagamitang katulad ng smartwatch at appliances. Ikinalungkot din ni Regaspi ang naturang mekanismong isinasagawa ng AI para sa pagpapaunlad ng sistema nito, sapagkat hindi nabibigyan ng pagkilala ang orihinal na nagmamayari ng mga datos na kinokopya ng nabanggit na teknolohiya at hindi rin nila nagagawang mapakinabangan ang ilan pang benepisyong katulad na lamang ng pagkita ng pera. Nilinaw rin ng freelance writer na wala pang ni-isang batas sa Pilipinas na nagpapabawal sa paggamit ng copyrighted data sa kahit anumang sistema. Nanawagan ang instructor ng CSPC sa madla na magkaroon ng discernment at resistance upang mapigilan ang katiwalian sa larangan ng paggamit ng AI.

Paggamit ng AI, pinahintulutan ng DepEd sa mga pampublikong paaralan Aguinaldo

Ibinida ni Maria Leonor Euna Regaspi, Freelance writer ang panibagong anunsyo ng Department of Education (DepEd), kung saan pinahintulutan na ang paggamit ng Artificial Intelligence sa mga pampublikong paaralan. Saad niya, inabisuhan na ang paggamit ng AI kasunod ng DepEd Order (DO) No. 003 o ang Foundational Guidelines on Artificial Intelligence in Basic Education. Dagdag pa ng tagapagsalita, nagkaroon ng partnership ang DepEd, Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Foundation at Google.organization upang mapadali ang pagkakaroon ng training programs para sa mga estudyante, kaguruan, maging ang mga magulang. nagbabagang balita

AI, nagsilbing pamalit bilang therapist sa madla Aguinaldo

Ikinalungkot ni Maria Leonor Euna Regaspi, Freelance writer ang sitwasyon ngayon ng madla, kung saan Artificial Intelligence (AI) na ang itinuturing na therapist ng mga ito pagdating sa kanilang personal na problema. Nilinaw niya na ang AI ay mayroong 24/7 availability kung kaya’t mas pinipili ng mga mamamayan na maglabas dito ng kanilang mga hinaing kaysa kumunsulta sa isang propesyonal.

Pilipinas, nanguna sa Generative AI Global Interest 2023 Aguinaldo Kabuuang bilang ng principles na isinaalang-alang ng University of the Philippines (UP) para sa responsable at tamang paggamit ng artificial intelligence (AI) -Press Conference

Ikinadismaya ni Maria Leonor Euna Regaspi, Freelance writer ang naitala ng

Batay sa datos, Pilipinas ang may hawak sa titulo ng “the highest monthly search volume for AI tools” umaabot sa 5,052 sa 100,000 populasyon sa bansa ang gumagamit ng AI upang makakalap ng iba’t ibang impormasyon at datos. Napag-alaman sa ulat na karaniwang ginagamit ng madla ang naturang teknolohiya para sa text AI.

Ipinagbigay-alam din na ang University of the Philippines (UP) ang isa sa mga mayroong malaking kontribusyon sa nasabing bilang ng AI users, sapagkat isa ang unibersibidad na ito sa mga gumagawa ng ibat ibang paraan upang mas umusbong ang paggamit ng AI sa tamang pamamaraan.

Naging paksa ng isang regular na press briefing kasama ang Freelance Writer, Bb. Maria Regaspi, ang paggamit ng copyrighted data upang mas mapaunlad ang sistema ng AI. Rizal


02 Pagtibayin ang batas ukol

Tomo 1 | Blg. 1 | Setyembre 8, 2026 Ang Opisyal na Pahayagan ng DSPC Iriga City

OPINYON

editoryal

BATONG SANDIGAN Jaena

sa copyright

Suportahan ang mga manunulat

Maraming batas sa Pilipinas ang epektibo ang pagpapatupad ngunit hindi rin mawawala ang mga batas na hindi pa nakakahabol sa pagbabago ng panahon—o teknolohiya—tulad ng batas ukol sa copyright. Kaugnay nito, ikinabahala ni Maria Leonor Euna Regaspi, isang freelance writer, ang pagkuha ng Artificial Intelligence (AI) sa mga impormasyon na galing sa mga konsumer nito nang walang paalam, kung saan ito ang dahilan kung bakit patuloy na umuunlad ang sistema ng AI. Nakapanlulumo na sa iresponsableng paggamit ng mga tao at kapabayaan ng pamahalaan na protektahan ang kanilang nasasakupan, ang AI na ang lumalago at hindi ang mga tao. Ayon kay Regaspi, hindi orihinal ang ibinibigay sa bansa ang gumagamit ng AI. Ibig sabihin nito, ng AI sapagkat galing lamang ito sa web o mas maraming copyrighted data ang kinakain ng AI tinatawag ding web scraping. Batay pa sa mga artist, sa dami ng mga gumagamit nito sa bansa. Maliban manunulat, at news outlet, ang patuloy na paggamit sa aksyon ng pamahalaan, kung magpapakatotoo, ng AI ay nagreresulta sa pagkawala ng kanilang mga karamihan sa mga mamamayan ay walang disiplina trabaho at hindi pagpapahalaga sa human labor o resistance. Patuloy lamang ang paggamit kahit dahil kinukuha lamang ng AI ang kanilang mga maraming mga tao ang naaapektuhan. ‘Out of touch’ ginagawa. Sa nangyayari, unti-unting nagiging totoo kung tawagin ngunit hindi dapat ito maaaring ang mga sinasabi na nanakawin ng AI ang trabaho maging pangkaraniwang gawain. ng mga tao dahil hindi pa rin sila protektado. Upang maprotektahan ang likhang-sining Dagdag pa ni Regaspi, sa bansang Estados ng mga tao, dapat mapatibay ang batas kaugnay Unidos, iilang mga lawsuit na ang isinampa laban sa copyrighted data. Tunay na kinakailangan sa mga AI image at text generation platforms na ito upang matugunan ang mga isyu na darating gumamit ng gawa ng mga tao bilang training habang umuunlad pa ang AI. Magagawa ito sa material. Ipinapakita nito na kung nagagawa ng pamamagitan ng reporma at pagpapatupad ng mga ibang bansa para sa kanilang mga mamamayan, hakbang ng pamahalaan sa halip na tanggapin agad magagawa rin ito sa Pilipinas kung tunay na nila ito. Maliban dito, dapat ding matuto ang mga binibigyang-pansin. Ang mahirap sa bansa, hindi tao na magkaroon ng discernment at resistance masyadong nabibigyan ng atensyon ang larangan sa paggamit ng AI. Maaari ding magbayad ang ng sining at literatura. Hindi karapat-dapat na AI firms sa mga may-ari sa halip na kunin ito at ipinapakain lamang ang talento at husay ng mga i-block ng mga publisher ang web scrapers para sa Pilipino sa teknolohiyang nakasisira sa kapaligiran. proteksyon. Pagtibayin, aksyunan, at huwag hayaan Batay rin sa datos, Pilipinas ang may hawak sa na mahigitan ng teknolohiya ang likha ng mga taong titulo ng “the highest monthly search volume for AI siyang gumawa rito. tools” na umaabot sa 5,052 sa 100,000 populasyon ANG PANANAW

Isulong ang literacy bago AI

Jaena

Kung iisipin, mas mabilis pa ang paglago ng teknolohiya sa bansa kaysa sa progreso natin sa literacy. Ayon kay Maria Leonor Euna Regaspi, inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na papayagan ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa mga pampublikong paaralan bilang gabay sa pagtuturo at pag-aaral. Para sa akin, hindi mainam na ‘exposed’ na agad ang ating mga mag-aaral sa paggamit ng AI habang karamihan sa kanila ay hindi pa marunong magbasa at may kahinaan sa pag-intindi. Sa ilalim ng DepEd Order No. 003, s. of 2026, maaaring gumamit ng AI tools at resources ang mga guro, mga kawani, at mag-aaral sa kondisyon na sila ay tutupad sa “ethical, pedagogical, and human-centered standards” ng kagawaran. Bagamat nakatutulong ito sa mga guro, natutulungan naman nitong pahinain ang kakayahan ng mga mag-aaral na maging ‘independent’ at matuto. Bilang isa ring estudyante, mas mahalaga pa rin sa akin ang ‘basic knowledge’ tulad ng pagbabasa bago ang AI na layuning gayahin ang mga tao. patnugutan AGUINALDO

JAENA

DEL PILAR

Sa pagsulong ng literacy bago ang paggamit ng AI, mas maiintindihan ng ating mga mag-aaral kung paano gamitin ang AI nang maayos. Dagdag pa rito, mas magagamit nga natin ang makabagong teknolohiya sa ating pag-aaral kung alam natin ang mga ‘function’ nito. Kinakailangan na isulong muna ang literacy sa pamamagitan ng mga programa habang seminars para sa mga kaguruan. Mas nakakahiya na sumasabay nga tayo sa teknolohiya, ngunit karamihan ay hindi pa rin marunong magbasa at umintindi.

MABINI

RIZAL

patnugot ng balita patnugot ng opinyon patnugot ng lathalain patnugot ng isports litratista

SILANG

kartunista

BONIFACIO

taga-anyo at disenyo

Hindi na makakaila na mananatili ang Artificial Intelligence (AI) sa ayaw at sa gusto natin. Kaugnay nito, binuksan ni Maria Leonor Euna Regaspi, isang freelance writer, ang usapin kung maaari nga bang makonsidera bilang manunulat ang AI kung ito ay kumukuha lamang ng impormasyon sa web. Bilang isang magaaral, nakakalungkot na naiisip pa natin ang ganitong bagay habang mayroon tayong mga manunulat na orihinal ang mga sinusulat at inililimbag. Bilang isang batang mahilig magbasa, maraming beses ko nang naranasan ang makapagbasa ng mga gawang may bahid ng AI. Nakadidismaya man isipin ngunit ito ang ating realidad. Ngunit hindi na lamang ito tungkol sa paggamit ng teknolohiya, kundi pambabastos sa kakayahan at pagkamalikhain ng ibang manunulat. Sa halip na ikonsidera ang AI bilang manunulat, suportahan na lamang natin ang mga sumusulat ng orihinal. Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga programang magpapakilala sa kanilang mga gawa. Maliban dito, mainam din ang pagpapatayo ng mga silid-aklatan dahil ito ang tunay na data centers.

walang halong opinyon

Mahigit

taon nang mayroong Artificial Intelligence mula noong 1950s -Press Conference


03

TibAI ng disiplina:

LATHALAIN

PARAan sa responsableng paggamit ng AI Del Pilar

Artificial Intelligence (AI) ay isang kasangkapang nagpapadali sa pangaraw-araw na gawain ng bawat isa ngunit ang responsableng paggamit ay nararapat isaisip.

Limitasyon ang solusyon

Bagamat ang AI ay accessible, kinakailangan pa rin ang pagkakaroon ng limitasyon upang tayo’y hindi tuluyang umasa sa paggamit nito.

Sukat ng pagkamulat

Isa sa mga mahalagang katangian ay ang pagiging aware upang matiyak ang pagiging responsible. Sa pamamagitan ng pagiging mulat, hindi tayo nagiging alipin at sunod-sunuran ng AI.

Pagkamalikhain ay pairalin

Sa bawat impormasyon, mananaig ang limitasyon Del Pilar

Bawat henerasyon ay nagkakaroon ng modernisasyon, subalit sa kalagitnaan ng pag-usbong sa kasalukuyang panahon, tila naging parte ng ating pamumuhay ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI). Ito ay nagsisilbing kaagapay at tulay tungo sa mga impormasyong nais nating malaman. Hindi maipagkakaila na marami ang benepisyong inihahandog ng AI. Ito’y karaniwang nagiging katuwang nang mga mamamayan sa larangan ng edukasyon, trabaho, o sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Sapagkat, hindi pa rin maiiwasan ang mga pagsubok na maaaring matamasa. Batay sa isang press conference na pinangunahan ni Maria Leonor Euna Regaspi, Freelance writer ang AI ay isa sa mga nangingibabaw sa kasalukuyan, aniya “AI is very much present in todays society” na nagpapakita kung gaano kalakas ang impluwensiya nito. Sa ulat ng Generative AI Global Interes Report 2023, 5,052 sa 100,000 na populasyon ang gumagamit ng AI na naging dahilan upang ang Pilipinas ay maging isa sa mga bansang madalas na gumagamit nito. Bagamat hindi masama ang paggamit nito, nararapat pa ring panatilihin ang pagiging responsable at pagkakaroon ng limitasyon sapagkat hindi natin maiiwasan ang dala nitong mga suliraning maaaring makaharap. Wika ni Maria “Discernment is the key in the age of AI.”, maikli ngunit makahulugang pahayag na ito’y malinaw na nagsasabi na sa henerasyon ng lubos na paggamit ng AI, isa sa mga napakahalagang katangiang nararapat nating isagawa at isaisip. Sa pamamagitan nito, tayo’y nagiging mapagmasid at hindi nagiging sunodsunuran sa mga impormasyong ibinibigay ng AI.

MariANGAT:

Kinakailangan nating isaisip na ang AI ay isa lamang na katuwang upang tayo’y matulungan sa mga pang-araw-araw na gawain, ito ay nagsisilbi lamang na gabay upang tayo’y magkaroon ng direksiyon ngunit hindi ibig sabihin nito’y nararapat na iasa ang lahat dito at makalimutan ang paggamit ng sariling kaisipan. Isaisip rin natin na walang masama sa paggamit nito sapagkat sa simula sa umpisa, ito’y ginawa bilang maghandog sa atin ng gabay at hindi maging kaaway. Sapagkat sa huli hindi pa rin matutumbasan ng isang makinarya ang pagkamalikhain at kaisipan ng bawat mamamayan kahit kailan. Sapagkat ito’y isang tulay sa bawat impormasyon, kinakailangan pa rin ang pagkakaroon ng limitasyon. Ang AI ay isa lamang na kaagapay, at hindi bagay na nararapat nating asahan sa panghabang buhay.

“

Discernment is the key in the age of AI.

Tomo 1 | Blg. 1 | Setyembre 8, 2026 Ang Opisyal na Pahayagan ng DSPC Iriga City

Bilang mga mamamayan sa kalagitnaan ng modernong panahon, huwag nating kalilimutan ang pagkakaroon ng sariling kaisipan. Huwag nating hahayaang mapalitan tayo ng isang makinaryang hindi kailanman matutumbasan ang ating kakayahan. Hindi masama ang paggamit ng AI subalit nararapat pa rin na tayo’y maging responsable sa paggamit nito.

Kaagap(AI):

-Maria Leonor Euna Regaspi

Katotohanan sa bawat sulok ng daan

Del Pilar

Bawat mamamayan ay mayroong sari-sariling paninindigan, isa sa mga matatag at dakilang taong ito ay si Maria Leonor Euna, Freelance writer. Sa isang press conference na pinangunahan ni Maria, tinalakay niya ang paksa tungkol sa nangingibabaw na usapin ng Artificial Intelligence (AI). Kasama ang kaniyang malawak na kaalaman at malalim na paninindigan, malinaw niya itong naibahagi nang kongkreto, malinaw, at detalyado. Bilang isang mamamayang hindi pabor sa AI, ibinahagi niya na hindi akma ang patuloy na paggamit nito sapagkat sa loob ng mahabang panahong siya’y nag-aaral, nakapagtapos siya

nang hindi ito ginagamit. Ipinapakita nito na hindi sa bawat pagkakataon ay nararapat tayong umaasa sa AI upang maabot ang ating mga hangarin, sa pamamagitan ng pagpapairal ng sariling kaalaman mas mapapatalas natin ang ating mga kakayahan. Dahil sa mga impormasyong kaniyang ibinahagi, naging daan ito upang magkaroon ng direksiyon at kaalaman ang bawat isa patungkol sa madiin na paksa ng AI. Higit pa siya sa isang tagapagsalita, siya ay isang mamamayang puno ng dangal, karunungan at patuloy na tumitindig para sa katotohanan.


ang

USISA

RILES EKSPRES

isports

Mabini

Pasaning ‘di kakayanin Maagang hinahasa ang mga atletang nasa murang edad pa lamang. Matinding pag-eensayo ang ginagawa nila upang mas mapalakas at mas mapaunlad ang kanilang kakayahanan sa paglalaro ng kanilang isport. Ngunit paano kung hindi na kaya ng atleta? Maraming tagapagsanay ang may gustong lumakas ang kanilang mga manlalaro, subalit umaabot ito sa punto na hindi na ito kayang gawin ng atleta lalong-lalo nang nasa murang edad pa lamang. Ipinipuwersa ng ibang mga tagapagsanay na mag-ensayo gamit ang mga ‘adult-fitted trainings’ na hindi naman kaya ng isang atleta. Para sa akin, karapat-dapat na itigil ang ganitong gawain sapagkat nahihirapan ang mga atleta at nararapat na akma ang kanilang training, lalonglalo nang mayroong mga manlalarong hindi pa ‘fully-developed’ ang katawan. Maaari na silang magkaroon ng kung ano-anong sakit na makakaapekto sa kanilang pagsasanay at paglalaro ng kanilang isport. Nakababahala rin ang mga sakit na maaari nilang makuha dahil sa ginagawa ng kanilang tagapagsanay gaya na lamang ng mga ‘injury.’ Dapat na tandaan ng mga tagapagsanay na hindi dapat ipuwersa ang mga atleta na gumawa ng ganitong mga pageensayo kung hindi naman nila ito kaya.

Tomo 1 | Blg. 1 | Setyembre 8, 2026 Ang Opisyal na Pahayagan ng DSPC Iriga City

Nagtagumpay ang Senior Group laban sa pangkat Junior nitong Sepak Takraw DSPC Exhibition Match, sa Rinconada National Technical Vocational School. Rizal

PUSONG

TAKRAW

Seniors dinomina ang DSPC Exhibition Match, pinatalsik ang Juniors Mabini

Giniba ng Seniors Group ang katunggaling Juniors Group sa Sepak Takraw Exhibition Match gamit ang kanilang pagtutulungan sa itinarak na 15-11, 9-15, 15-12 na naganap sa Rinconada National Technical Vocational School (RNTVS) kanina. Ipinamalas ni Akihiro Reontare ang kaniyang kakayahan sa paglalaro ng Sepak Takraw gamit ang kanilang malalakas na sipa sa bola habang sinuportahan nina Dani Salcedo at Kent Colarina ang bawat galaw ng kanilang kakampi. “Teamwork at tiwala lang sa kakampi,” sambit ni Reontare, kaya ito ang naging susi ng Seniors upang makamit ang tagumpay. Nagpakitang gilas ang Juniors sa simula pa lamang gamit kanilang agresibong opensa para masira ang depensa ng kanilang mga Senior ngunit hindi ito pinayagan ng kalaban, nabaliktad ang laro at mas nilamangan nito ang Juniors sa bisa na 10-9. Sinusubukan ng grupong Juniors na bumawi upang makuha ang unang regu subalit pinabilis ng Seniors ang laban na nagresulta ng mas mabilis na pagtaas ng puntos nito. Sa tibay ng depensa ng pangkat Seniors nahirapan na ang Juniors na humabol sa puntos nito, umariba ng mabibiilis na serves si Reontare kaya tuluyan nang kinuha ng grupong Seniors ang unang regu sa kumandadong 15-11. Rumesbak ang pangkat Juniors dahil sa mga errors at faults na nagagawa ng katunggali, ginawa nila itong advantage kaya kontrolado nila ang pangalawang

isports lathalain

regu, tuluyan na silang nakakuha ng sunod-sunod na puntos matapos ang sunod-sunod na fault ng kalaban sa nagposteng 5-11. Bumuwelta si Embestro ang Spiker ng pangkat Juniors ang kaniyang maliliksing closed spikes na hindi kayang matigil ng Seniors kaya naman mas dumami ang puntos nito. Tinapos ng grupong Juniors ang pangalawang regu dahil sa mga na sayang na spikes ng katunggali sa sinelyuhang 9-15. Bumuwelo ang grupong Seniors pagdating sa huling regu, ibinigay nila lahat ng kanilang makakaya upang magtagumpay sa laban habang ang Juniors naman ang naligwak sapagkat dumarami ang kanilang mga pagkakamali sa iskor na 9-7. Mas naging matatag ang depensa nina Reontare upang lumayo ang pagitan ng kanilang mga puntos naging rason din ang tiwala nila sa kanilang mga sarili habang pinupuwersa na durugin ang unti-unting nasisirang depensa ng grupong Juniors. Pinaulanan ni Salcedo ang kalaban ng mga spikes ang katunggali habang tinulungan ito ni Colarina ng kaniyang mga tumpak na sets kaya tuluyan na nilang nakuha ang tagumpay laban sa Juniors sa puntos na 15-12.

Akihiro Reontare,

SEPAK TAKRAW DSPC EXHIBITION MATCH SENIOR

JUNIOR

UNANG REGU

15

11

PANGALAWANG REGU

9

15

PANGATLONG REGU

15

12

balitang pampalakasan

Junior Group, nabigo matapos ang DSPC Exhibition Match Rizal

Yumuko ang Junior group ng matalo laban sa Pangkat Senior, nitong Sepak Takraw DSPC Exhibition Match. Kahit hindi nagtagumpay, naipakita naman ng Pangkat Junior na kaya nilang labanan ang Senior Group.

umaabante laban sa batikos ng kahit sinuman Mabini

Dumarami ang mga atletang nahihirapang umabante and ipatuloy ang kanilang paglalaro sa larangan ng isports dahil sa kanilang mga natatanggap na salita mula sa ibang mga tao. Ngunit iba si Akihiro Reontare, isang manlalaro sa larangan ng Sepak Takraw mula sa paaralang Rinconada National Technical Vocational School (RNTVS). Isa siyang patunay na kahit marami ang mga propesyon upang mapatunayan niya ang mga nanakit sa taong nagsasabi ng mga masasakit na salita kaniya ang kaniyang halaga. karapat-dapat na umabante at ipakita na hindi ito Dahil sa kaniyang pagpupursige nagawa niyang totoo. Nararapat na patunayan ang tunay na halaga umangat kaya naman noong nakaraang taon, siya’y bilang isang manlalaro at huwag nagpapatalo sa nagkampeon sa city meet at ngayon naman nagawa mga batikos ng iba. niyang maging kampeonato sa kanilang intramurals. Biktima si Reontare ng ‘bullying’ ngunit Isa itong patunay na kahit maraming masasakit sa halip na tumigil sa paglalaro ng Sepak na salita ang natatanggap ng isang manlalaro Takraw ipinatuloy niya ang kaniyang kinakailangang umabante at magpatuloy.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
DSPC 2026 by junior_JWLS - Issuu