4 minute read

North Triangle laban sa Marahas na ‘Pag-unlad’

QC-CBD PRIMER

Kasaysayan ng QC-CBD North Triangle laban sa Marahas na ‘Pag-unlad’ ng NHA-Ayala

Advertisement

Ngunit bago pa man maisipang gawin ang proyekto, may mga komunidad nang namamalagi rito mula pa noong 1960’s. Sa 29.1-ektaryang lupain na pagmamay-ari ng National Housing Authority sa North Triangle, may ilang pamilya mula sa probinsya ang napiling lumuwas sa Maynila upang maghanap ng mas magandang trabaho. Pinatag nila ang lote na noon ay puno ng mga damo at talahib, at tinayuan ng kanilang mga tirahan, at tinaniman ng mga gulay upang ibenta. Ayon sa mga residente, ang damuhan sa lugar ay nagsilbi ring tapunan ng mga na-salvage ng mga militar at pulis noong Martial Law. Mula sa orihinal na bilang na 25 katao, lumaki ang populasyon dito at nakilala ang komunidad bilang Sitio San Roque.

Sa ilalim rin ng Administrasyong Marcos, nabigyan ng usufruct hanggang 2027 ang Manila Seedling Bank Foundation (MSBF) sa 7-ektaryang lupain na pagmamay-ari rin ng National Housing Authority (NHA) sa North Triangle. Ibig sabihin ay may karapatan ang MSBF na gamitin ang lupain ng NHA sa kahit anong paraan na nais nito sa loob ng 50 taon. Mula noon, ito ay nagsilbing imbakan ng mga binhi na maaaring gamitin para sa mga reforestation projects ng gobyerno. Ang espasyong ito ay nagbukas rin para sa mga nais magbenta at mamili ng mga halaman at pananim. Tinawag din ito na green lung o isang espasyo sa lungsod na nakatalaga para sa mga halaman at puno na makakabuti sa kaledad ng hangin sa kapaligiran.

Bagama’t sinasabi na maganda ang maidudulot ng proyektong ito, hindi lang sa mga mamamayan ng Quezon City ngunit pati na rin sa mga karatig-lungsod, ang komunidad na naninirahan at namumuhay sa North Triangle katulad ng Sitio San Roque at Manila Seedling Bank Foundation ay nanganganib na mawalan ng tahanan at kabuhayan dahil dito.

Noong 2005, ibinenta sa public auction ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang 7-ektaryang lupain ng NHA

Figure 7. The MSBF

Figure 8. The NHA

QC-CBD PRIMER

Kasaysayan ng QC-CBD

kung saan matatagpuan ang MSB dahil sa kabiguan umano nitong magbayad ng mga buwis. Isinawalang-bisa naman ito ng Quezon City Regional Trial Court noong 2009 dahil sa kawalan ng sapat na proseso.

Nagtuloy-tuloy ang pangangamkam sa luaping ikinatatayuan ng MSB. Pagdating ng 2012, isang taon matapos mapirmahan ang Executive Order 620-A na naglalayong pabilisin ang usad ng QC-CBD, nagkaroon ng insidente kung saan isang daang kapulisan ng Quezon City at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan ang nagpasara sa Manila Seedling Bank Foundation, kasama na ang mga maliliit na negosyong nag-aalaga at nagbebenta ng mga halaman at pananim dito. Tinatayang 150 manggagawa, 60 empleyado, at 50 maliliit na negosyante ang mawawalan ng kabuhayan dahil sa pagpapasara ni MSBF. Pilit inaangkin ng lokal na pamahalaan ang pag-aari sa lupa, at pinagbabayad ang mga gardener-tenants ng renta sa Quezon City Hall. Ngunit sa ilalim ng Presidential Proclamation na pinirmahan ni Marcos, ang usufructuary rights na ibinigay sa MSB ay mawawalan lamang ng bisa sa taong 2027. Hindi rin dapat ito pinagbabayad ng buwis dahil ang lupain ay pag-aari ng gobyerno.

Noong 2013, 15 manggagawa ng MSB at aktibista-residente ang inaresto matapos sapilitang pumasok sa ipinasarang MSB, kasama na ang isang 14-anyos na pauwi lamang nang dakipin ng mga pulis.

Samantala, ang Sitio San Roque ay nakararanas rin ng ilang pag-atake sa kanilang komunidad. Noong Setyembre 23, 2010, naganap ang isang bayolenteng dispersal sa pagitan ng mga pulis at mga residente ng Sitio San Roque. Ilang miyembro ng Philippine National Police at halos 1,000 puwersa mula sa demolition team na may kasama pang 3 firetruck ang dumating nang walang babala para gibain ang mga tirahan sa lugar.

Figure 11. MSBF nang paalisin ng gobyerno ng Quezon City

QC-CBD PRIMER

Kasaysayan ng QC-CBD

Upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at protektahan ang kanilang mga tahanan, bumuo ng barikada ang mga residente.

Hindi dito nagtatapos ang banta ng demolisyon sa Sitio San Roque. Noong 2013 hanggang 2014, muling dumating ang 700 na pulis upang magpatupad ng demolisyon. Tinatayang may 500 bahay ang nasira, at 200 pamilya ang nawalan ng tirahan. 11 aktibista ang inaresto at tinorture. Maliban dito ay ilang beses ring nagkaroon ng malaking sunog sa kanilang komunidad na pinaghihinalaang sadya ng mga nais magpaalis sa kanila sa lugar. Noong 2012, nagkaron ng insidente kung saan ang isang kuwarto ng bagong nangungupahan sa lugar ay biglang nasunog. Ayon sa mga opisyal, ito raw ay planado dahil ito ay naganap sa umaga at ang pinagmulan ay kurtinang babad sa kerosene na sinilaban ng kandila. Sinimulan na rin ang konstruksyon ng Solaire Hotel and Casino sa area J1 at J2 ng Sitio San Roque matapos gibain ang mga kabahayan doon noong 2018. Hanggang sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alerto ng mga residente ng Sitio San Roque laban sa mga nagpapalayas sa kanila.

Figure 12. Protesta laban sa umanong pagsunog sa Sitio San Roque

This article is from: