Skip to main content

Mga guhit ni Jake

Page 1

Mga guhit ni

Jake


Mga guhit ni

Jake

GRADE 2- FIRST QUARTER

Content Standards

The learner demonstrates understanding on lines, shapes, and colors as elements of art, and variety, proportion and contrast as principles of art through drawing.

Performance Standards

The learner creates a composition/design by translating one’s imagination or ideas that others can see and appreciates.

Most Essential Learning Competencies (Code)

Describes the different styles of Filipino artists when they create portraits and still life (different lines and colors) (A2EL-Ia)

JOMAR BLANCAFLOR Bachelor in Social Science Education BSSE 3-9


Story Board si Jake ay naglalakad pauwi galing sa kanyang paaralan ay napansin niya ang napakagandang paglubog ng araw.

Habang gumuguhit ay biglang naalala ni Jake ang kanyang mga natutuhang aral mula sa kanilang klase.

Hinayaan niyang maglaro ang kanyang imahinasyon batay sa iba’t bang linya.

Nang matapos si Jake sa kanyang pagguhit ay agad niya ipinakita sa kanyang nanay at labis na natuwa ang kanyang ina sa husay ng kanyang anak.


MGA GUHIT NI JAKE Sa isang malawak na bukirin ay may isang batang nag ngangalang Jake. Si Jake ay isang masayahin at magsiglang bata. Bata palang ay hilig na ni Jake ang sining. Hilig niya ang pag guhit at pagkukulay ng mga ito. Tuwing hapon pagkaka galing sa paaralan ay hawak na niya ang kanyang malaking papel na guhitan at mga gamit pang guhit tulad ng lapis at krayola. Isang araw, habang si Jake ay naglalakad pauwi galing sa kanyang paaralan ay napansin niya ang napakagandang paglubog ng araw. Ang langit ay kulay ng kahel, dilaw, at pula, parang isang malaking guhit ng isang mahusay na pintor. Dahil dito ay nagkaroon ng inspirasyon si Jake para sa kanyang susunod na iguguhit at ito nga ang kagandahang taglay ng kalangitan

1


Sa kanyang pagpasok sa kanilang bahay ay nagtungo agad ito sa kanyang kwarto, kumuha si Jake ng kanyang guhitang papel at mga gamit pangkulay at nagtungo sa kanyang mesa upang simulan ang pagguhit. Ginamit niya ang kanyang malawak na imahinasyon at gumuhit ng gumuhit na batay sa kanyang nais. Mga hayop, halaman, at ang paglubog ng araw ay kanyang naiguhit.

Habang gumuguhit ay biglang naalala ni Jake ang kanyang mga natutuhang aral mula sa kanilang klase. Isinama ni Jake sa pagguhit ang mga elemento ng sining katulad na lamang ng iba’t ibang uri ng linya ayon sa kapal at nipis. Hinayaan niyang maglaro ang kanyang imahinasyon batay sa iba’t bang linya. Habang gumuguhit ay napapangiti na lang ang bata dahil sa kanyang mga naiguguhit.

2


"Napakaraming klase ng linya," bulong ni Jake habang gumuguhit ng mga linyang pabilog, patusok, at patayo/pahiga. Bigla niyang naisip ang isang kanyang mga iginuguhit na linya ay parang mundo na minsan ay paikot-ikot,at kung minsan ay pataas o pababa. Habang gumuguhit si Jake ay naiisip niya ang kahalagahan ng linya sa pagbuo ng imahe at damdamin.

Matapos maiguhit ang kanyang nais ay biglang napagtanto ni Jake na tila ba may kulang sa kanyang obra. Nais niyang gawing mas makulay at kaakit akit ang kanyang likhang sining. Bigla na naman naalala ni Jake ang isa pang aral mula sa kanyang paaralan, at ito ay ang tungkol sa kontrast, proporsyon at pagkakaiba-iba batay sa kulay, kapal at nipis nito.

3


Sa kanyang pag-aaral, nalaman ni Juan na ang kontrast ay maaaring magbigay-buhay sa kanyang likhang sining. Kaya naman, ginamit niyang muli ang kanyang malikot na imahinasyon at inilagay niya ang mga magkasalungat na kulay, tulad ng dilaw at itim. Napagtanto ni Jake na mas lumitaw ang mga hugis at mga linya kapag mayroong magkasalungat na kulay. At mula doon ay hinayaan niyang magkulay ang kanyang malilikot na pag-iisip.

Habang ginagawa ito ni Jake ay kanyang sinikap din na makuha ang tamang proporsyon sa kanyang pagguhit. Nais ni Jake na siguruhing hindi masyadong malaki o maliit ang bawat bahagi ng kanyang likhang sining. Gumamit siya ng panukat upang masukat ang laki ng bawat elemento at tiyakin na ang kanyang obra ay balanseng tingnan at maayos ang pagkaka guhit..

4


Habang ginagawa ang lahat ng ito ay napagtanto muli ng bata na ang kanyang likhang sining Ay nakapagkukwento ng sarili nitong istorya. Ang kanyang guhit ay ppatungkol sa isang mundong makulay na kung saan ang linya at hugis ay mayroong sariling damdamin. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng kontrast at proposrsyon na nagpapakita ng pagkakaroon ng balanseng mundo. Nang matapos si Jake sa kanyang pagguhit ay agad niya ipinakita sa kanyang nanay at labis na natuwa ang kanyang ina sa husay ng kanyang anak. Matapos nito ay agad nitong ipinaskil ang kanyang likhang sining sa dingding ng kanyang kwarto. Mula sa mga natutunan niyang aral mula sa paaralan ay mas lalong naging mahusay ang bata sa paglikha ng mga obra. At muli noon ay mas lalong naging purisgido at mahusay sa pagguhit at paglikha ng mga obra si Jake.

Wakas.

4


MGA PAMPROSESONG TANONG Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang bilang. _____ 1. Sino ang bida sa kwento? a. James b. Jake c. Jom d. Jules _____ 2. Ang mga mga sumusunod ay mga bagay na hawak agad ng bida pagkakagaling sa paaralan, maliban sa isa a. Guhitang papel b. Krayola c. Lapis d. Laruang kotse _____ 3. Ano ang nakita ng bida habang ito’y papauwi a. Mga kaibigan b. Kanyang nanay c. Kanyang tatay d. Paglubog ng araw

5


_____ 4. Ano ang naalala ng bida mula sa kanyang paaralan? a. Ang nang-away sakanya b. Joke ng kaibigan c. Masarap na pagkain d. Mga elemento ng sining _____ 5. Ano ang napagtanto ng bida matapos ang kanyang pagguhit? a. May istorya ang kanyang likha b. May mali sa kanyang likha c. May maling kulay d. May maduming bahagi 6. Sa iyong palagay, Ano ang damdamin na nais niyang iparating sa kanyang guhit? 7. Anong aral ang mga naalala ng bida sa kwento? 8. Paano naging mas mahusay si Jake sa paglikha ng mga obra matapos ang kanyang mga natutuhan mula sa paaralan? 9. Sa iyong palagay, gaano ka saya ang kanyang nanay sa kanyang iginuhit? 10. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa kwento ni Jake na pwede mong gamitin kapag ikaw ay nagguhit o naglilikha ng sarili mong likhang sining?

6


FLIPBOOK VERSION https://issuu.com/jomarblancaflor/docs/vylr3mtmy0m

SANGGUNIAN: Grade 2 Compilation -MELC ALL SUBJECTS https://ibangklase.org/wpcontent/uploads/2020/06/Grade-2-MELCCompilation.pdf? fbclid=IwAR3Mt6U009xFMnkt8PpWWeFI6JXnxel0cQ_ DXhDi-8CA6B0RK-R1ku2II0M MAPEH-MELCs https://dcpnhs.net/wpcontent/uploads/2020/06/MAPEH-MELCs.pdf

7


ABOUTH THE AUTHOR

Jomar Blancaflor is currently Third Year College student taking up Bachelor in Social Science Education (BSSE III9) at the Philippine Normal University- Manila. He was born in Octorber 21, 1999 and residing in Las Pinas City. A hardworking student striving to achieve life goals. Can adapt to different circumstances and passionate about enhancing other life skills. The book was written in partial fulfilment on the courseBuilding and Enhancing New Literacies Across the Curriculum (2PROFED10). The book tends to describes and attain the Most Essential Learning Competencies of the Art subject of grade 2 which is the different styles of Filipino artists when they create portraits and still life (different lines and colors) (A2EL-Ia). This author wanted to explore his writing skills especially for childrens book that will help students to grasp more easy and effectively.

8


Mga guhit ni

Jake


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Mga guhit ni Jake by JOMAR BLANCAFLOR - Issuu