Saranggolang
l e p a P
Saranggolang
Papel
GRADE 2- FOURTH QUARTER
Content Standards
The learner demonstrates understanding of shapes, texture, proportion and balance through sculpture and 3dimensional crafts.
Performance Standards
The learner creates a 3- dimensional, freestanding, balanced figure using different materials (found materials, recycled, local or manufactured)
Most Essential Learning Competencies (Code)
Discusses the artistry of different local craftsmen in creating: 1.1 taka of different animals and figures in Paete, Laguna 1.2 sarangola or kites 1.3 banca, native boats from Cavite, and coastal towns (A2ELIVa-1)
JOMAR BLANCAFLOR Bachelor in Social Science Education BSSE 3-9
Saranggolang
Papel
Story Board Napansin ni Mateo ang magaganda at makukulay na sarangola na lumilipad-lipad sa kalangitan. Napahinto ang siya at tila ba’y nabighani sa kanyang mga nakikita
Ang unang pagkakataong nakapaglaro ng saranggola si Mateo na labis niyang ikinatuwa at saya ang pagpapalipad ng saranggola.
Nagpaturo si Mateo kay Mang Tirso sa paggawa ng saranggola.
Masayang umuwi si Mateo sa kanyang mga bagong kilalang kaibigan at sa kanyang natutuhan.
Saranggolang
Papel
Sa siyuda ng San Andres Bukid ay may isang pamilyang tanyag sa paglikha ng magaganda at masing na Saranggola o Kite sa ingles at ito ang pamilya Tores. Ang padre de pamilya na si Mang Tirso ay minana pa mula sa kanyang ama ang husay sa paggawa ng saranggola na kanya namang itinuturo sa kanyang mga anak na sina Luis, Ana at Cardo katuwang ang kanyang asawang si Mila. Isang araw, habang naglalakad si Mateo, isang batang nagmula sa siyudad ng Maynila ay napansin niya ang magaganda at makukulay na sarangola na lumilipad-lipad sa kalangitan. Napahinto ang bata at tila ba’y nabighani sa kanyang mga nakikita. Sinundan ni Mateo ang pinanggalingan ng pising kanyang nakikita at ng malapit na ito ay nakita na niya magkakapatid na nagpapalipad ng saranggola.
Lumapit si Mateo sa magkakapatid ay magsila nitong binati ang mga bata na tila ba nais makipagkilala.
“Hi! Ako nga pala si Mateo” masiglang sabi ni Mateo na agadagad namang binati pabalik ng magkakapatid. “Hi ako nga pala si Luis at sila sina Ana at Cardo mga kapatid ko” sabi ni Luis. “ Saan niyo nakuha iyang pinalilipad niyo” tanong ni Mateo “Gawa ito ni itay” sagot ni Ana “Ang ganda naman gusto ko rin masubukan iyan” “Sige ba ito hiramin mo muna ang akin” sagot ni Luis at agad namang inabot kay Mateo ang kanyang hawak na Saranggola.
Bakas sa mga mata ni Mateo ang labis na pagkatuwa at saya sa kanyang pagpapalipad ng saranggola. Hindi akalain ni Mateo na may ganito palang uri ng laruan. Bilang galing sa siyudad ay hindi pa ito naranasan laruin ni Mateo sapagkat ang kanyang madalas na laruin ay ang kanyang cellphone o gadget. “Napaka saya pala nitong laruang ito” hindi mapigilang nasabi ni Mateo dahil sa labis na saya. “ Masaya talagang maglaro ng saranggola, bakit sa inyo ba ay hindi mo ito nagagawa?” tanong ni Cardo. “Hindi eh hindi kase ito uso sa amin” sagot naman ni Mateo “Gusto mo bang matutong gumawa nito madali lang naman” natutuwang tanong ni Ana “Oo ba, paano ba ito gawin” nasasabik na tanong ni Mateo “Tara punta tayo sa itay upang sabay sabay niya tayong maturuan” wika ni Luis
At naglakad na nga ang magkakapatid pauwi sa kanilang bahay kasama ang kanilang bagong kaibigang si Mateo. Habang naglalakad pa ay nagkwentuhan ang mga bata na tila ba ay matagal na nilang kakilala si Mateo. Nang sila’y dumating sa kanilang bahay ay agad nagmano ang magkakapatid sa kanilang itay at agad na ipinakilala ang kanilang bagong kaibigan. “Itay ito nga po pala si Mateo bago naming kaibigan” masiglang wika ni Ana “Hello po, ako nga po pala si Mateo” magalang na bati ni Mateo “ Hi iho”matipid na sagot ni Mang Tirso “Itay nais niya daw pong matutuhang gumawa ng saranggola dahil siya po ay galing sa siyudad at hindi alam ang paggawa ng saranggola” wika ni Luis Napangiti na lamang si Mang Tirso dahil sa may isang batang nais matutuhan ang kanyang husay sa paggawa ng saranggola. “Sige ba halika tuturuan ko kayo kung paano gumawa ng simpleng saranggola” wika ni Mang Tirso “Ano po bang mga gamit sa paggawa ng saranggola” tanong ni Mateo
“Sa paggawa ng saranggola ay kailangan mo ng sinulid, mga maninipis na kawayan at mga makukulay na papel” paliwanag ni Mang Tirso At isa-isa na ngang itinuro ni Mang Tirso ang mga hakbang sa paggawa ng saranggola habang manghang mangha si Mateo habang pinapanood at pinakikinggan ang mga paliwanag ni Mang Tirso, gayundin ang magkakapatid na sina Luis, Ana at Cardo. At nang matapos ay tuwang tuwa si Mateo at tila sabik na sabik na paliparin ang saranggola. Nang matapos gawin ni Mang Tirso ang mga saranggola ng bata ay nagsitakbuhan na ang mga ito pabalik sa bukid upang isa isang paliparin ang mga ito. Ngunit bago tuluyang umalis ay may sinabe munang matalinhagang kawikain si Mang Tirso “Alam niyo mga bata, ang saranggola ay parang pangarap niyo, ito’y dapat hayaan niyong lumipad at sa paglipad nito at mas maraming pangarap pa ang inyong maaabot” mahabang wika ni Mang Tirso
“Tulad ng saranggola na sa una ay isang direksyon lang ang naaabot ngunit sa pagdaan ng mga minuto o segundo ay mas lumalawak ang kanyang marating” dagdag pa ni Mang Tirso Napatango na lang ang mga bata at tuluyan na ngang kumaripas ng takbo papuntang bukid. Nang makarating na ay bakas sa mukha ni Mateo ang labis na pagkasaya sa kanyang ginagawa. At nagpalipad ang mga ito sa ng sabay sabay at bakas sa lahat ang kasiyahang dulot ng kanilang paglalaro. Matapos ang ilang oras na pagpapalipad ng saranggola ay nagpaalam na si Mateo baka ay hinahanap na siya sa kanila. “Masaya akong nakilala ko kayo. Hanggang sa susunod” masayang wika ni Mateo
At naglakad na ito pauwi sa kanilang bahay na bibit ang ngiti at tuwa sa kanyang puso. Masaya ang bata sa kanyang mga bagong kilalang kaibigan at sa kanyang natutuhan. Napagtanto niyang hindi lamang gadget ang maaring magpasaya sakanya kundi ang pakikipaghalubilo ng personal sa iba pang bata.
Wakas.
MGA PAMPROSESONG TANONG
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang bilang. _____ 1. Sino ang batang galing sa siyudad? a. James b. Jules c. Mateo d. Mark _____ 2. Ano ang nilalaro ng magkakapatid ng makita sila ng batang galing siyudad? a. Baril-barilan b. Manika c. Robot d. Saranggola _____ 3. Kanino naman ni Mang Tirso ang paggawa ng Saranggola a. Ama b. Ina c. Lolo d. Kapitbahay _____ 4. Saang lugar naglaro ang mga bata? a. Bukirin b. Kalsada c. Loob ng bahay d. Parke
MGA PAMPROSESONG TANONG
_____ 5. Anong madalas laruan ni Mateo noong ito’y nasa siyudad pa? a. Baril-barilan b. Cellphone/gadget c. Manika d. Robot 6. Sa iyong palagay, Ano ang naramdaman ni Mateo ng makilala ang pamilya Tores? 7. Sa iyong palagay, bakit mas masayang maglaro kasama ang ibang bata kaysa sa gadgets? 8. Batay sa kwento, ano para sa iyo ang nais mong masubukan at matutunan? 9. Anong aral ang nakuha mo sa kwento tungkol sa kasiyahan ng paglalaro ng tradisyonal na laruan tulad ng saranggola? 10. Ano ang pinakanatutunan ni Mateo sa kanyang mga bagong kaibigan?
FLIPBOOK VERSION https://issuu.com/jomarblancaflor/docs/vylr3mtmy0m
SANGGUNIAN: Grade 2 Compilation -MELC ALL SUBJECTS https://ibangklase.org/wpcontent/uploads/2020/06/Grade-2-MELCCompilation.pdf? fbclid=IwAR3Mt6U009xFMnkt8PpWWeFI6JXnxel0cQ_ DXhDi-8CA6B0RK-R1ku2II0M MAPEH-MELCs https://dcpnhs.net/wpcontent/uploads/2020/06/MAPEH-MELCs.pdf
ABOUTH THE AUTHOR
Jomar Blancaflor is currently Third Year College student taking up Bachelor in Social Science Education (BSSE III9) at the Philippine Normal University- Manila. He was born in Octorber 21, 1999 and residing in Las Pinas City. A hardworking student striving to achieve life goals. Can adapt to different circumstances and passionate about enhancing other life skills. The book was written in partial fulfilment on the courseBuilding and Enhancing New Literacies Across the Curriculum (2PROFED10). The book tends to describes and attain the Most Essential Learning Competencies of the Art subject of grade 2 which is to discus the artistry of different local craftsmen in creating: 1.2 sarangola or kites
This author wanted to explore his writing skills especially for childrens book that will help students to grasp more easy and effectively.
Saranggolang
l e p a P