2 minute read

ANG K-12 CURRICULUM AY PANANTILIHIN: WAG ITO

HAYAANG MAWALA ITO AY MAKAKATULONG SA KINABUKASAN NG MGA BATA AT NG ATING BANSA.

Pahayag ni Magnate, John Albert ukol sa isyu ng pagtatanggal ng K-12 Curriculum sa Pilipinas.

Advertisement

Isa sa mga hiling ng ating mga kababayang Pilipino na tanggalin ang K-12 programsa termino ni Vice PresidentSara Duterte dahil hindi daw ito makakatulong at magdaragdag lamang ito sa bayarin. Ang programa ng K-12 ay ang pagpapatupad ng 13 na taon sa ating pangunahing edukasyon. Isang taon ang para sa Kindergarten, anim na taon para sa Elementarya, apat na taon para sa JuniorHighSchoolat 2 taon para sa SeniorHighSchool. Ito ay pinamumunuan ng Kagawaran ng

Edukasyon na naglalayon na mahasa at mapaghusay ng mga magaaral ang kani-kanilang kakayahan upang maging handa sa kanilang kolehiyo pati na rin sa pagtratrabaho at pagnenegosyo (Manzanilla, 2019).

Maraming magulang ang hindi sang-ayon at nais na ipatanggal ang K-12 program dahil sa dagdag na dalawang taon dahil ito ay hindi daw makakatulong at ito ay magdaragdag lamang sa bayarin. Ang K-12 kurikulum ay karagdagan lamang upang mas matagal pa ang pag-aaral ng mga studyante at ito ay walang maiitulong sa mga kabataan.

Hindi maaaring tannggalin ang ng K-12 kurikulum sa Pilipinas dahil ito ay makakatulong sa kinabukasan ng mga mag-aaral. Ayon kay Armin Luistro (dating secretary ng DepEd) Ang K-12 ay isang programang nagnanais na mapalawak ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawa pang taon sa kurikulum ng mga mag-aaral. Ito ay isinasabatas upang mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa pilipinas at gawing mas handa ang mga mag-aaral pagkatapos ng highschool.

Ayon naman sa isang mamamayan na kontra sa K-12 “Para sakin, hindi ako sang-ayon sa K-12 program na idinagdag nila sa Pilipinas dahil magastos ito at tsaka kulang din ang budget ng gobyerno, kulang din ang mga teacher at kagamitan para sa programang ito ayon kay Raymondbasilio,A.C.Tsecreterygeneral” (Mario Moll, 2019).

Ang opinion na nilahad o nakalahad ay kulang sa ideya dahil kung ang problema ay sa gastusin o, pondo sa pag aaral ng mga estudyante ay mayroong voucher na tinatawag na makakabawas sa tuition fee at mayroong mga paaralan na libreng natanggap ng mga estudyante. Sapagkat noong ika-14 ng Agosto 2017 ay naglabas ang Commission on Higher Education(CHEd) at ang DepartmentonBudget and Management (DBM) ng binagong joint memorandum hinggil sa pagpapatupad ng nasabing badyet o Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST). Nakasaad dito na imbes na para sa lahat ang libreng edukasyon, bibigyangprayoridad muna ang mahihirap pero karapatdapat na mga estudyante at kung kakulangan naman sa guro ang paguusapan ay itinatakda ng DepEd Order No. 37 ni Secretary Luistro na gagamit ang DepEd ng Kindergarten Volunteer Teachers. Ayon sa order, ito ang requirements para maging volunteerteacher:

• Bachelor’sdegreeholderineducationor educationrelatedcourses

• Preferably resident of the community wheretheschoolislocated.

• Registered as volunteer in the school and/ordivisionoffice.

Ang usapin ukol sa pagtatanggal ng K-12 ay kasalukuyan paring pinag-uusapan kung ito ay matatanggal o maapektuhan ang mga estudyante dahil mawawala ang dalawang taon na idinagdag at mahihirapan sila sa pag aadjust dahil pagkatapos ng Grade 10 ay diretso na kaagad sa kolehiyo. Noong inilunsad ang programa noong 2013, isa sa mga layunin nito ay bigyang-daan ang mga nagtapos sa high school na ayaw magpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo o hindi maaaring gawin ito para sa pinansyal o iba pang dahilan upang mabilis na makahanap ng trabaho. Ipinagpalagay ng programa na ang pinalawak na kurikulum para sa sekondaryang edukasyon ay magbibigay sa mga nagtapos nito ng mga kasanayan na magiging kwalipikado sa kanila para sa trabaho sa mga negosyong hindi nangangailangan ng mas mataas na edukasyon (Palabrica, 2022).

Author unwindworld. (2019, January 19). Dapat ba o hindi dapat sang-ayunan ang K-12 Program? Blueraincoat. https://baninablog.wordpress.com/2019/01/13/dapat-ba-o-hindidapat-sang-ayunan-ang-k-12-program/

DepEd Order No. 37 – isyungpnu. (n.d.). Isyungpnu. https://isyungpnu.wordpress.com/tag/deped-order-no-37/

K-12BasicEducationCurriculum|K12Philippines. (2021, May 17). K12philippines. https://k12philippines.com/

Palabrica, R. J. (2022, November 1). Employment of K-12 graduates. InquirerBusiness https://business.inquirer.net/370543/employment-of-k-12-gradua tes/amp

This article is from: