Skip to main content

Mahalimuyak_MCES_2026

Page 1


I-Scan

‘TAMA NA,SOBRA NA’

Pamunuan Umapela sa Disiplina Matapos Magdulot ng Problema sa Basura

mahalimuyak

Ang Opisyal na Pahyagang Pangkampus ng Mahayag Central Elementary School

nilalaman

TrimCut sa Eskwela

64-27

64% ng respondenthouseholds umaasa sa garbage trucks; 27% ay sinusunog ang basura — kahit may batas laban sa open burning ng basura

source: Social Weather Stations

Nagdulot ng seryosong problema sa kalinisan at kalusugan ng mga mag-aaral ang patuloy na pagtatapon ng ilang estudyante ng basura mula sa kanilang silid-aralan at assigned area sa gilid ng SSES Building, na naging sanhi ng masangsang na amoy, pag-apaw ng tubig-ulan, at pagkakasakit ng ilang bata.

Ayon sa mga guro, napansin nilang dumarami ang naipong plastik, papel, tirang pagkain at iba pang kalat sa isang bahagi ng likuran ng SSES Building. Sa imbestigasyon ng pamunuan ng paaralan, nakumpirma na ang ilan sa mga basurang ito ay nagmula sa mismong loob ng mga silid-aralan at assigned cleaning areas ng

ng kanal, nagkaroon ng pagbaha sa paligid tuwing umuulan. Umaabot ang maruming tubig sa mga pasilyo at minsan ay papalapit sa mga classroom. “Lubhang delikado ito para sa mga bata. Bukod sa dumi, nagdadala rin ito ng lamok at mabahong amoy,” ayon kay Ginang Zyra Z. Colcol. Iniulat din ng school clinic na ilang mag-aaral ang nakaranas ng sipon, ubo, pananakit ng tiyan, at skin irritation, na maaaring dulot ng hindi malinis na paligid at kontaminadong tubig. Bilang tugon, agad na nagsagawa ang pamunuan ng paaralan ng malawakang paglilinis, paglalagay ng

paalala sa mga magaaral ukol sa tamang pangangalaga sa assigned area at disiplina sa kalinisan. Pinaalalahanan ng punong-guro na si Ginoong Ricky D. Mendoza, ang lahat ng mag-aaral at magulang na ang kalinisan ng paaralan ay “kolektibong responsibilidad” at mahalagang maiwasan ang anumang kilos na makapipinsala sa kalusugan at kaligtasan ng mga bata. Hinikayat ng paaralan ang mga mag-aaral at magulang na maging kabahagi sa pagpapanatili ng kalinisan. “Ang disiplina at kaayusan ay nagsisimula sa bawat isa. Kapag tayo’y

TUPAD Workers, Nagtulong-tulong sa paghahanda ng MCES Para sa Qualci Meet

Malawakang Pag-aayos ng kapaligiran

Abala nitong nakaraang araw ang mga TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadavantaged/Displaced Workers) workers sa Mahayag Central Elementary School bilang bahagi ng paghahanda para sa gaganaping Qualci Meet. Maaga silang nagsimula upang maayos ang ibat ibang lugar ng paaralan at matiyak na magiging maaliwalas ang kapaligiran para sa mga darating na kalahok.

Kanal, Kabataan, at komunidad: Bayanihan para sa Ligtas na Paaralan

Bilang tugon sa hiling ng mga guro ng Mahayag Central Elementary School hinggil sa paulit-ulit na pagbaha sa ilang silidaralan, nagsagawa ang mga CVO ng Barangay Poblacion, Mahayag ng malawakang paglilinis sa mga kanal sa paligid ng paaralan. Pinamunuan ito ni Brgy.

Kapitan Felix Ryan Fanilag upang mapabilis ang agos ng tubig-ulan at maiwasan ang pag-apaw tuwing masamang panahon. Sa operasyon, tinanggal ng mga CVO ang mga damo, tuyong sanga at baradong basura na matagal nang humaharang sa daloy ng tubig. Inaasahang

makatutulong ito sa pagbabawas ng baha at sa paglikha ng mas ligtas at komportableng kapaligiran sa pag-aaral. Ang hakbanging ito ay halimbawa ng bayanihan at pagpapahalaga sa kalikasan para sa kapakanan ng mga kabataan.

Pagtututlungan at Sipag ng mga Manggagawa Makikita ang masiglang pagkilos ng bawat TUPAD worker habang silay naglilinis. May mga nagwawalis sa paligid, may nag-aalis ng mga tuyong dahon at damo, at mayroon ding nag-aayos ng mga basurahan.Dahil sa kanilang koordinadong pagtatrabaho , mabiklis na natyapos ang mga pangunahing gawain.

Paghahanda sa Nalalapit na Kumpetisyon

Ayon sa administrasyon ng paaralan, malaking tulong ang suporta ng TUPAD program sa pagpapaganda ng lugar. Ang maayos na kapaligiran ay mahalaga sa pagsasagawa ng QuaLci Meet dahil inaasahan ang pagdating ng mga atleta,guro at tagasuporta mula sa ibat ibang paaralan sa Distrito galang sa Dumingag, Josefina at Mahayag South .

Pasasalamat ng Pamunuan Nagpaabot ng taospusong pasasalamat ang pamumunuan ng Mahayag Central Elementary School sa mga TUPAD workers. Dahil sa kanilang oras, pagod at dedikasyon, naging handa ang buong paaralan para sa isang ligtas, maayos at matagumpay na kaganapan.

��Juziel E. Roman
��JB Loreynz N. Lapinid
��Freilyn C. Cogon

Muling magiging sentro ng husay sa campus journalism ang Mahayag Central Elementary School (MCES) matapos itong hiranging host school ng Division School Press Conference (DSPC) 2025 na gaganapin sa Enero 12–15, 2025. Tinatayang daan-daang campus journalists, school paper advisers, at coaches mula sa iba’t ibang paaralan sa buong dibisyon ang dadalo sa naturang prestihiyosong kompetisyon.

Noong Nobyembre 28, nagsagawa ng ocular inspection ang Division Journalism Team upang tiyaking handa ang paaralan sa pagsasagawa ng malaking pagtitipon. Pinangunahan ang inspeksyon nina EPS Myra G. Jala at EPS Melrose A. Saliot, Division Journalism Coordinators ng Schools Division of Zamboanga del Sur. Sinuri nila ang iba’t ibang pasilidad tulad ng classrooms, contest venues, common areas, at billeting quarters na gagamitin ng mga kalahok.

Ipinahayag ni EPS Jala na ang MCES ay “isang paaralang may malinaw na sistema, organisadong espasyo, at handang-handa para sa isang mataas na antas ng kumpetisyon tulad ng DSPC.” Dagdag pa niya, malaking tulong ang malawak na lugar at sapat na water supply na makapagbibigay ng komportableng kapaligiran sa mga kalahok.

Samantala, ibinahagi ni ESP Saliot na kapansinpansin ang pagiging bukaspalad at sama-samang paghahanda ng MCES faculty at school officials. “Ramdam ang dedikasyon ng Mahayag Central ES. Makikita na gusto nilang maging makabuluhan at matagumpay ang DSPC 2025 para sa lahat ng batang mamamahayag,” wika niya. Lubos namang ipinagmamalaki ng MCES ang pagiging host school sa isa na namang malakihang kaganapan. Mula sa logistics, venue preparations, hanggang sa crowd management, puspusan ang pagtutulungan ng mga guro, kawani, at stakeholders upang matiyak ang maayos na daloy ng paligsahan. Tiwala ang pamunuan ng MCES na ang DSPC 2025 ay magiging isang makulay, maayos, at dekalidad na pagdiriwang ng campus journalism, kung saan muling masisilayan ang talino, galing, at pagkamalikhain ng kabataang manunulat sa Zamboanga del Sur.

Inilipat kamakailan ang ilang Master Teacher ng Mahayag Central School mula sa pagtuturo sa higher grades papunta sa lower grades bilang bahagi ng isang repormang pang-instruksiyon na pinangunahan ng Department of Education. Ginagawa ang paglilipat bilang tugon sa panuntunan ng DepEd na nakasaad sa DepEd Order No. 024, s. 2025, kung saan tinukoy ang papel ng mga Master Teacher hindi lamang bilang guro kundi bilang guro kundi bilang subject-matter experts, coach, mentor, at tagapag-bigay ng teknikal na suporta sa iba pang guro. Nakasaad sa nasabing DepEd Order na bahagi ng tungkulin ng mga Master Teacher ay maglaan ng oras para sa coaching, mentoring,

STEmazing Victory: MCES, 2nd Runner-Up sa NFOT 2025

Nagdala ng karangalan sa Mahayag Central Elementary School sina Reoce Apale at Cian Brendell G. Kwong nang makamit nila ang 2nd Runner-Up sa STEmazing Number Race, bahagi ng National Festival of Talents (NFOT) 2025, na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur mula May 18–23, 2025.

“Ipinakita namin ang aming pinakamahusay dahil gusto naming ipakita kung ano ang kaya ng Mahayag,” sabi ng isa sa mga nagwagi, puno ng tuwa at pagmamalaki sa kanilang tagumpay.

Pinangunahan ng kanilang coach na si Marie Rose P. Sarmiento ang linggo-linggong ensayo at paghahanda ng dalawa. Ayon sa kanya, “Hindi natinag ang kanilang sipag at determinasyon. Pinatunayan nilang namumukadkad ang talento kapag naniniwala ang mga bata sa sarili at handang magsikap para sa kanilang pangarap.”

Ang STEmazing Number Race ay isang pambansang kompetisyon sa larangan ng STEM para sa mga elementaryang mag-aaral, na dinaluhan ng mga kalahok mula sa 15 rehiyon sa buong bansa. Ang pagkamit ng 2nd Runner-Up ay patunay ng husay at dedikasyon ng mga mag-aaral at ng kanilang paaralan. Nagdiwang ang buong komunidad ng Mahayag nang ibalita ang tagumpay. Ayon sa isang kinatawan ng paaralan, “Tagumpay ito ng buong komunidad. Pinakita ng ating mga magaaral na kahit mula sa maliit na bayan, puwede tayong makamit ang malalaking bagay.”

Patuloy na nagbibigay-inspirasyon sina Reoce at Cian sa kanilang mga kamag-aral, nagpapaalala na ang talento, sipag, at tamang gabay ay daan tungo sa pambansang tagumpay.

Master Teachers, Inilipat sa Key Stage 1; Paghubog sa mga Mag-aaral, Inaasahan

at pagbibigay ng instructional supervision. Dagdag pa ng Punong Guro ng MCES na si G. Ricky D. Mendoza, layon na mapaigting ang academic foundation lalo na ang Reading Performance ng mga batang nasa unang baitang sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bihasang guro bilang Master Teacher sa mga lower grade-level. Naniniwala siya na sa maagang yugto ng edukasyon, malaking tulong ang mataas na kalidad ng pagtuturo at gabay mula sa mga eksperto. Gayunpaman, nagdulot din ng pangamba ang hakbang na ito sa ilang magulang at mag-aaral, lalo na sa mga nakasanayang nasa higher grades na naturing nang haligi ang mga naturang Master Teacher. May ilan ding guro ang nagpahayag na nabigla sila sa biglang

pagbabago ng kanilang teaching load. Ngunit, hindi naging madali para sa lahat ang pagbabago. Ilang magulang at guro ang nag-aalinlangan sa paglilipat dahil sa potensyal na epekto nito sa klase sa higher grades. Mayroon ding mga nagtatanong kung paano maaapektuhan ang continuity ng pagtuturo, lalo na para sa mga estudyanteng nasanay sa kanilang dating guro.

Sa huli, nilinaw ng pamunuan ng paaralan na ang hakbang ay bahagi ng plano upang palakasin ang kalidad ng edukasyon, lalo na sa lower grades. Tiniyak din ang patuloy na monitoring upang hindi maapektuhan ang daloy ng patuturo sa higher grades.

Mga Batang Siyensa at Guro ng MCES , Sasabak ng NSQ sa Bguio City

Paghahanda sa Pambansang Tagisan Matindi ang nagging paghahanda ng mga piling mag-aaral at guro sa iba’t ibang baiting ng MCES para sa nalalapit na 22nd Natiohnal Science Quest (NSQ) na gaganapin sa Pebrero 12-14,2026 sa Baguio City. Bitbit nila ang pag asang maipamalas ang kakahayan ng Kabataang siyentista sa larangan ng agham, sining at pagsusulat.

Pag-angat ng mga Batang Mamamahayag

Sa kategoryang Sci-Photo Journalism, dalawang mag-aaral ang magtatagisan ng husay. Si Jeazeth Erhiame Cabasag mula Grade 4, at si Kelly Divine Z. Colcol mula Grade 5, ay kapwa sinanay sa ilalim ng kanilang coach na si Zyra Z. Colcol. Layunin ng kanilang partisipasyon na maipakita ang galing sa pagkuha ng larawan at pagsasalaysay ng mga pangagham na pangyayari.

Sining at siyensiya sa Pagpipinta Hindi rin magpapahuli ang mga kalahok Sci-on-the-Spot Painting. Para sa grade 1, sasabak si Chrishna M. Pañares sa pamumuno ng coach na si Girly Mae Aranjuez. Sa Grade 2, lalahok si Jan Rhenixa Caylan, coach Jerry T.Hinoguin para sa grade 3, si Caithra Soleigh

G. Majorenos, ginabayan ni Sheryl Salomon. Sa Teacher Category, muling magpapamalas ng talent sa pagpipinta ang guro na si Girly Mae Aranjuez, habang sasabak naman si Nanelle Reblingca sa SciPoster Making Teacher Category.

Talas at Talino sa Agham Sa Sci-Quiz(Individual Category magtatangkang sungkitin tagumpay ang dalawang piling magaaral. Si Julian Paulo E. Velasquez ng Grade 4 ay ihahanda ng coach na si Mark Kenny Sande, habang si Cian Brendell G. Kwong mula Grade 5 ay gagabayan naman ng coach na si Jingke Ann L. Ayco. Tiwala ang paaralan na kaya nilang makipagsabayan sa matatalinong kalahok mula sa ibat ibang rehiyon.

Panawagan sa Suporta at Pagpapahalaga

Ipinahayag ng pamunuan ng paaralan ang buong suportang ibinibigay nila sa mga batang kalahok at sa kanilang mga coach. Ang kanilang

Hugis ng Kinabukasan: Kabataan at Kababaihan, Pinanday sa 30th Council-Wide Camp

Mahigit 1,000 Girl Scouts, kasama na ang kanilang mga guro, mula Qualci 1 hanggang Qualci 6 , ang nagtipon sa Mahayag Central School para sa 30th Council-Wide Camp na ginanap noong Agosto 23–25, 2025, sa pangunguna ng Girl Scouts of the Philippines, Zamboanga del Sur Council. Sa temang “Shaping the Future: Girls to Lead!”, tampok ang iba’t ibang aktibidad tulad ng games, teambuilding exercises, at

naglalayong linangin ang pamumuno, tiwala sa sarili, at pagtutulungan ng kabataang kalahok. Pinangunahan ng mga guro at organizer ang bawat aktibidad upang masiguro ang kaligtasan at kasiyahan ng lahat.

“Masaya po kami sa camp! Natutunan namin kung paano makipagtulungan at maging lider sa aming grupo,” ani Jeissel P. Maata., isang kalahok mula sa Mahayag Central ES. Ipinagmamalaki ng Mahayag Central

pagsabak sa pambansang kompetisyon ay patunay ng pag-unlad ng programa sa agham at sining sa paaralan.

Pag-asa at Inspisarasyon sa bagong

ES ang pagtanggap sa napakalaking bilang ng kalahok. Mayroon itong malawak na lugar, sapat na suplay ng tubig, at komportableng pampublikong CR, kaya naging maayos at masaya ang tatlong araw na camp. Ang camp ay hindi lamang kasiyahan kundi isang opportunity para sa mga kabataan na makabuo ng bagong kaibigan, matuto ng mahahalagang kasanayan, at maghanda bilang susunod na henerasyon ng kababaihang lider.

Isip at Katawan, Sabay na Inaalagaan: OKD Health Week ng MCES

Ipinagdiwang ng Mahayag Central Elementary School ang OKD Health Week na may temang “Healthy Mind, Healthy Body, Towards a Better Learning Environment” upang palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pisikal, emosyonal, at sosyal na kalusugan. Sa iba’t ibang aktibidad, binigyang-diin ang pangangalaga sa sarili bilang susi sa maayos na pagkatuto. Nagbahagi si Nurse Leonardo M. Padilla Jr. mula sa RHU tungkol sa Adolescent Reproductive Health, kabilang ang mga pagbabagong pisikal at emosyonal, tamang

MCES Drum Corps, Muling Binuo; Mag-aaral, Nagpakita ng Talento at Disiplina

Matapos ang ilang taong paghinto, muling binuhay ng Mahayag Central Elementary School ang kanilang Drum Corps, sa pangunguna ng MAPEH Club President Erla Joy M. Arnaiz at MAPEH Coordinator Girlie May C. Aranjuez. Ayon sa pamunuan ng paaralan, matagal nang hangarin na maibalik ang Drum Corps dahil ito ay naging mahalagang bahagi ng kultura’t tradisyon ng MCES. Nahinto ito dahil sa kakulangan sa kagamitan, pondo, at epekto ng pandemya, ngunit matagumpay nang sinimulan ang proseso ng pagbubuo noong buwan ng Oktubre.

Si Erla Joy M. Arnaiz, MAPEH Club President, ang nanguna sa muling pag-organisa ng grupo, kasama si Girlie May C. Aranjuez, MAPEH Coordinator, na tumulong na sa screening, paghahanda ng mga bagong miyembro at pagbili ng mga kailangang instrument kagaya ng bass drum. Katulong ang iba pang miyembro ng naturang club, naging madali ang pagbabalik nito.

“Mahalaga sa mga bata ang ganitong programa. Hindi lang ito musika—ito ay disiplina, tiwala sa sarili, at pagkakaisa. Kaya buong puso namin itong ibinalik,” pahayag ni Arnaiz. Dagdag naman ni Aranjuez, “Mula sa pag-aayos ng instruments hanggang sa pagbuo ng training schedules, nagsikap kami para mabigyan ng bagong buhay ang Drum Corps. Nakakatuwang makita ang sigla ng mga bata.” Positibo ang naging tugon ng mga magulang at alumni sa pagbabalik ng programa. Ayon kay Gng. Lindly Caylan, magulang ng isang drummer, “Malaking bagay ang pagbabalik ng Drum Corps. Nagtuturo ito ng disiplina at leadership sa mga bata. Natutuwa kaming muling nabuksan ang oportunidad na ito.” Target ng paaralan na maiparada ang bagong batch ng MCES Drum Corps sa nalalapit na school activities at lokal na events sa komunidad.

pagdedesisyon, at pagrespeto sa sarili. Tinalakay naman ng PNP Mahayag ang Drug Prevention, masamang epekto ng droga, Anti-Bullying Law, at Juvenile Justice and Welfare Act upang paalalahanan ang mga magaaral sa kanilang karapatan at tungkulin. Nagbigay rin si Angelica Josie S. Onton ng talakayan sa mental health, stress management, at self-care. Sa huli, ipinapaalala ng selebrasyon na ang kalusugan ay araw-araw na responsibilidad tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Sa ikatlong sunod na taon, muling ipinagdiriwang ng Mahayag ang isa na namang kahanga-hangang panalo matapos masungkit ng isa sa mga batang mag-aaral nito ang prestihiyosong korona ng Little Miss Zamboanga del Sur. Si Zia Kyra Cabase Saladaga, mag-aaral mula sa Mahayag Central Elementary School (MCES), ang nagwaging Little Miss Zamboanga del Sur 2025, na nagpapatuloy sa kamanghamanghang winning streak ng Mahayag sa naturang patimpalak.

Pinahanga ni Zia Kyra ang mga hurado at manonood sa kanyang ganda, kumpiyansa, at talento—mga katangiang nagbigay sa kanya ng korona at nag-angat muli sa pangalan ng bayan ng Mahayag. Ang kanyang tagumpay ay sumusunod sa mga nakaraang panalo ng mga kinatawan ng paaralan, na ngayon ay nagmarka ng makasaysayang tatlong sunod na taon na panalo ng Mahayag sa Little Miss Zamboanga del Sur. Lubos ang paghanga at pasasalamat ng mga opisyal ng paaralan sa natamong tagumpay ni Zia Kyra. Binanggit nila ang kanyang dedikasyon, sipag, at positibong asal sa buong paghahanda. Pinuri rin ng mga guro at coach ang walang sawang suporta mula sa komunidad ng paaralan, pamilya, at pamahalaang lokal.

“Ipinagmamalaki ka namin sa pagbibigay ng karangalan sa ating bayan. Tunay na nagniningning ang iyong ganda, kumpiyansa, at talento,” pahayag ng mga tagapagorganisa, habang hinihikayat siyang patuloy na maging inspirasyon sa ibang batang kababaihan na mangarap nang mataas at maniwala sa sarili.

Nagpaabot din ng taospusong pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa lahat ng major at minor sponsors na tumulong sa tagumpay ng kandidata ng Mahayag. Kabilang sa mga pinasalamatan ang mga opisyal at empleyado ng LGU, DepEd Mahayag North at South Districts, mga guro at mag-aaral, negosyong lokal sa Mahayag, LGU suppliers, Liga ng mga Barangay, at iba’t ibang NGAs at NGOs.

Ang pagkapanalo ni Zia Kyra ay hindi lamang patunay ng kanyang natatanging husay, kundi nagpapakita rin ng patuloy na pamana ng MCES bilang tagapaghubog ng mga batang may talento, kumpiyansa, at lakas ng loob upang maging mahusay sa mas malalaking entablado.

Sa panibagong tagumpay na ito, lalo pang pinatatatag ng Mahayag ang reputasyon nito bilang tahanan ng mga batang beauty queens at natatanging kabataang achievers sa buong Zamboanga del Sur. Mahayag,

��Christian Jay Gordon
��Cian Brendell G. Kwong
��John Diro H. Majorenos
��Christian Jay Gordon
��John Diro H. Majorenos
��Cian Brendell G. Kwong
��Crish Mayah M. Jaime
��Giuliani Nicole F. Balatero

PAGTATATWA: Ang mga pananaw at opinyon sa seksyong Mahalimuyak ay hindi awtomatikong kumakatawan sa Mahayag Elementary School o pamunuan nito. Ang mga ito ay opinyon lamang ng mga may-akda at hindi layong manira ng anumang grupo, organisasyon, kompanya, o indibidwal.

ligtas, matibay, at maayos na silid-aralan. Habang muling lumilitaw ang mga palpak at substandard na proyekto ng DPWH, mas malinaw na nasisilayan ang mas masakit na katotohanan: pati ang mga gusaling pampaaralan na dapat nagsisilbing kanlungan ng pag-asa ay nababahiran ng katiwalian. Kamakailan, nabunyag na mahigit 1,000 silid-aralan na ipinasa ng DPWH sa DepEd ay hindi kumpleto at hindi magamit, dahilan upang libu-libong bata ang magsiksikan sa kakaunting classroom o mag-aral sa pasilyo, lobby, o ilalim ng puno. Tila mismong kinabukasan ng kabataan ang biktima ng kapabayaan. Hindi dapat palampasin ang ganitong pagpapabaya. Ang edukasyon ang pundasyon ng bansa, at anumang katiwalian sa pagtatayo ng silidaralan ay tahasang paglapastangan sa karapatan ng bawat batang Pilipino. Dapat tiyakin ng pamahalaan na ang bawat classroom ay ligtas, matibay, at tunay na nagsisilbi sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ipinahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi kumpleto at halos walang silbi ang mahigit 1,000 silid-aralan mula sa DPWH, habang tinatayang 165,000 pa ang kinakailangan sa buong bansa at 4,000 lamang ang naitatayo bawat taon, malayong tugma sa mabilis na paglaki ng populasyon ng magaaral. Sa pagbubukas ng School Year 2025–2026,

lamang idinisenyo para sa pagtuturo. Sa Senado, ibinunyag ng dating DPWH engineer na maraming proyekto ng ahensya—flood control, kalsada, tulay, pati school building ay substandard dahil sa kickback.

Maging sa Mahayag Central Elementary School ay malinaw ang panganib. Ayon kay Gng. Sheryl O. Salomon, malalaking bitak ang tumatagos sa pader, sirang palikuran, at may tagas ng tubig kahit walang kalamidad. Pinatotohanan ito ni Gng. Ruena P. Sayago, na nagsabing bumagsak ang grills ng bintana dahil sa mahinang pagkakagawa, mapalad na walang batang nasaktan. Ang mga karanasang ito ay matibay na ebidensiya ng malawakang problema sa kalidad ng mga school building. Hindi na ito simpleng kakulangan kundi katiwalian at kawalan ng malasakit. Kailangan ang agarang imbestigasyon, pananagutin ang mga sangkot, at mas mahigpit na inspeksiyon sa bawat proyekto. Dapat ding dagdagan ang pondo, pabilisin ang konstruksyon, at pakinggan ang boses ng mga guro, magulang, at komunidad. Ang kalidad ng silid-aralan ay kalidad ng kinabukasan.

Agos ng Katiwalian

School

TOMO XX, BILANG 1 ▪ Agosto Disyembre 2025

Higit sa

30%

Noong Nobyembre 2025, muling binulabog ng pamahalaan ang bansa nang isiwalat ang isang malawakang imbestigasyon sa mga sabogsak at “ghost” flood-control projects. Isang proyekto — nagkakahalaga ng P289.5 milyon — na dapat sana’y nagdulot ng proteksyon sa komunidad, ay napagalamang halos hindi man lang natapos, o kaya’y natapos nang sabog, na nagdulot ng malaking pag-aalala tungkol sa kalidad at integridad ng mga pondong pampubliko. Sa ilalim ng kampanyang kontra-korapsyon ng administrasyong Marcos, maraming kontratista at opisyal ang kinilala — at hinihingi na ang pananagutan. Sa kontekstong ito ng pambansang isyu, lumilitaw ang parallel kong problema sa aming paaralan: tuwing malakas ang ulan, mabilis tumataas ang tubig sa irigasyong malapit sa campus. Kapag hindi nito kinaya ang agos, umaapaw ito papasok — minsan umaabot pa sa loob ng mga silid-aralan. Ang espasyong dapat ay tahimik at ligtas para sa pagkatuto ay nagiging madulas, maputik, at mapanganib. Ayon sa isang guro, may mga araw na pagpasok ng mga estudyante, basa agad ang sahig at may putik; minsan kaya’y iniangat nila ang mga gamit para hindi mabasa.

drainage system. Mula sa mga datos na ito, malinaw na ang problema ay hindi lang tubig — kundi ang kakulangan sa wastong imprastruktura, tamang implementasyon, at accountability. Sinasabing natural lang ang baha, at oo — hindi natin kontrolado ang ulan. Ngunit kontrolado ang kalidad ng kanal, lalim ng irigasyon, at tibay ng drainage. Kapag maayos ang pagkakagawa, hindi dapat umaagos ang tubig hanggang sa silid-aralan. Ang ulan ay likas; ang kapabayaan at korapsyon ay gawa ng tao. May nagsasabing may proyekto naman— marahil kulang lang ang pondo — pero tanungin natin: kung may milyon-milyong nakalaan, bakit substandard pa rin ang resulta? Marahil maling paggamit ng pondo, o hindi wasto ang implementasyon. May mga nagsasabing matagal nang problema ito at hindi madaling lutasin — totoo nga na hindi overnight ang solusyon. Pero kung kayang magtayo ng gusali sa loob ng ilang buwan, bakit hindi kayang ayusin nang maayos ang kanal sa loob ng ilang taon?

nating umagos ang baha — o tayo mismo ang sisigaw: “Tama

Hindi lamang ito simpleng reklamo. Sa isang survey ng mga lider-estudyante, lumabas na 87% ng mga estudyante ang nakaranas ng pagkaantala ng klase dahil sa baha; 74% ang nagsabing nakakaramdam ng pangamba tuwing malakas ang ulan; 68% ang naniniwalang kulang ang aksyon ng lokal na pamahalaan; at 82% ang nananawagang imbestigahan ang pondo para sa irigasyon at

Hindi sapat ang pangako. Hindi sapat ang plano. Hindi sapat ang papel. Kailangang may konkretong aksyon — transparency sa badyet at kontrata, community monitoring mula sa guro, magulang, at estudyante, regular na inspeksyon at pagpapaayos ng drainage, at disaster preparedness sa paaralan. Kung hindi natin bantayan, ang unang babaha ay hindi tubig — kundi katiwalian, kawalan ng tiwala, at pagkasira ng kalidad ng edukasyon. Sa huli, nasa atin ang desisyon: papayag ba tayong malunod ang paaralan sa kapabayaan? O babangon tayo, manindigan, at siguruhing hindi lang tubig kundi katiwalian ang mapipigilan?

sa 2,536 na mag-aaral na may edad 5-12 sa 151 na klase mula sa 19 na paaralan ng Estados Unidos ang nakitaan na mas nakatuon ang mga bata sa klase gamit ang positivereinforcement.

source:

Bagong Guro, Bagong Kwento

Malugod naming tinatanggap ang paglipat ng mga master teachers sa Key Stage One, mula Kinder hanggang Grade 3. Naniniwala kami na ang kanilang karanasan, kaalaman, at husay sa pagtuturo ay malaking tulong sa pagtataguyod ng matibay na pundasyon ng edukasyon sa mga batang nagsisimula pa lamang sa kanilang pagkatuto. Ang memorandum DMOSEC-UHROD-2025-0002 ng Department of Education (DepEd) ang nag-aatas sa pagtalaga ng lahat ng master teachers sa mababang grado, layuning mapataas ang kalidad ng pagtuturo sa mga batang nasa unang antas ng pagkatuto. Sa unang araw ng klase, napansin namin ang mga bagong guro sa aming silid-aralan. Bagama’t medyo kinakabahan kami, dala ng excitement ang aming damdamin. “Sino kaya sila?” tanong ko sa kaibigan ko habang inaayos namin ang aming gamit. Hindi lang kami ang nagulat: maraming magulang ang nag-file ng petition upang pigilan ang paglilipat, naniniwalang mas karapat-dapat manatili ang mga guro sa mataas na grado. May ilan pang nag-aalala na baka hindi maibigay ng mga guro ang parehong kalidad ng pagtuturo sa batang nangangailangan ng mas maraming atensyon. Upang malaman ang perspektiba ng mga estudyante, nakapanayam namin si Amhia C. Lingatong,

isang Grade 3 pupil. Ayon kay Amhia, “Nakakaiba po ang klase ngayon. Masaya po kami sa bagong guro kasi natututo pa rin kami, pero minsan nahihirapan kami sa bagong paraan ng pagtuturo. Sana po manatili pa rin ang dating guro namin sa taas na grado kasi nakasanayan na namin siya.” Ipinapakita nito na kahit may excitement sa bagong karanasan, ramdam pa rin ang pangungulila sa dating guro. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, natutunan naming makita ang halaga ng mga bagong guro. Hindi lamang sila nagdadala ng karanasan mula sa mataas na grado; dala rin nila ang mga bagong pamamaraan sa pagtuturo. May isa na palaging may kwento bago magsimula ang leksyon, at may isa na gumagamit ng laro at aktibidad para mas madaling matutunan ang mga numero at letra. Ang pagbabago ay hindi lamang tungkol sa antas ng guro kundi sa dedikasyon nilang matuto rin kaming matuto. Totoo, may ilan na nagsasabi na mas karapat-dapat manatili ang master teachers sa mataas na grado, o na baka hindi nila kayanin ang pagtuturo sa batang estudyante. May ilan din na nag-aalala dahil biglaang pagbabago ito para sa mga bata at magulang. Ngunit malinaw na ang memorandum DM-

Susi sa Kaligtasan

Hindi pa nakakalimutan ng maraming paaralan ang trahedyang naganap kamakailan sa isa sa mga lungsod sa bansa: isang guro ang binaril ng kanyang estudyante sa loob mismo ng silid-aralan. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng takot at pangamba hindi lamang sa mga guro kundi pati sa mga mag-aaral. Bilang estudyante, tanong namin sa aming sarili: ligtas ba talaga ang aming mga guro sa loob ng paaralan, sa lugar na dapat sana ay isang ligtas na tahanan ng kaalaman?

Ang insidenteng ito ay hindi lamang isolated case. Nakapanayam namin si Ma’am Zyra, isang Grade 5 teacher sa aming paaralan, at ibinahagi niya ang kanyang karanasan: ilang beses nang nakakita siya ng mga mag-aaral na may dalang kutsilyo o iba pang mapanganib na bagay sa klase. “Nakakabahala,” sabi niya. “Hindi mo alam kung kailan may estudyanteng biglang mawawala sa kontrol.

Kailangan naming maging doble ang pag-iingat sa bawat araw.” Para sa mga guro, ang pagtuturo ay dapat tungkol sa pagbabahagi ng kaalaman at inspirasyon, hindi sa pag-iingat sa sariling buhay.

May ilang nagsasabi naman na hindi dapat maging sobrang istrikto sa seguridad, at na karamihan ng estudyante ay mababait. “Hindi naman lahat ng estudyante mapanganib,” wika ng ilan. Totoo, karamihan sa amin ay masigasig sa pagkatuto at may mabubuting intensyon. Ngunit kahit ilang insidente lang, tulad ng nakita ni Ma’am Liza, ay maaaring mauwi sa aksidente o karahasan. Kung hindi bibigyan ng pansin, ang seguridad ng mga guro ay tuloy-tuloy na mapapahina. Ang argumento na “hindi lahat delikado” ay tama, pero hindi sapat para ipagwalang-bahala ang umiiral na panganib. Bilang estudyante, nakikita namin ang pangangailangan ng mas

mahigpit na patakaran sa seguridad. Dapat may regular na screening sa mga bag ng estudyante, mas maayos na monitoring sa silid-aralan, at accessible na reporting system kung may nakitang delikado. Mahalaga rin ang mental health support para sa mga guro at estudyante, dahil kadalasan ang karahasan ay bunga ng hindi napapanahong pag-unawa sa problema ng bawat isa. Sa huli, ang ligtas na paaralan ay hindi lamang responsibilidad ng mga guro o ng pamahalaan, kundi ng buong komunidad. Bilang mga estudyante, maaari rin kaming maging bahagi ng susi o solusyon: maging responsable sa paggamit ng mga bagay sa paaralan, agad i-report ang nakikitang delikado, at suportahan ang mga guro sa kanilang trabaho. Ligtas na guro, ligtas na estudyante, ligtas na paaralan. Hindi ito isang opsyon, kundi pangangailangan para sa kalidad at dignidad ng edukasyon.

OSEC-UHROD-2025-0002 ay nakatuon sa pagtataguyod ng pundasyon ng kaalaman sa Key Stage One; kung matibay ang pundasyon, mas magiging handa ang mga estudyante sa susunod na antas. Ang mga master teachers, dahil sa kanilang kasanayan at training, ay kayang i-adapt ang estilo ng pagtuturo upang maging epektibo sa mas batang mag-aaral, at ang bagong karanasan ay nagbubukas ng oportunidad para sa mas malikhaing pagkatuto. Sa kabila ng mga agamagam, natutunan naming tanggapin at pahalagahan ang mga bagong guro. May mga araw na nakakatuwa, dahil hindi lang sila mahusay sa aralin kundi marunong din magpatawa at magpasaya sa klase. May araw din na nahihirapan kaming sumunod sa bagong alituntunin, ngunit dito rin namin natutunan ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagbibigay-pansin sa bawat bagong paraan ng pagtuturo. Para sa amin, ang reassignment ng master

1,314

na kaso mula Nobyembre 2022 hanggang Abril 2025; kalahati umano nito ay isinagawa ng isang campus violence

Liham sa Patnugot

SAFETY FIRST Lyra Mae Hinoguin
Sean Francis F. Balatero
Hahayaan
na, dito na titigil ang agos.”
Princess Airah Antiquina MUNTING TINIG

na mga mag-aaral ng MCES sa baitang 6 ang hirap parin sa pagbabasa. Dahilan nito ang hindi tuloytuloy na pagpapatupad ng programang pagbabasa sa loob ng kanilang mga tahanan.

Pagbasa ang Pundasyon: Pagkakaisa, Tulay sa Pag-asa

Hindi maikakaila—nasa gitna ng malalim na krisis sa pundasyunal na pagkatuto ang Pilipinas. Ayon sa ulat ng EDCOM 2, 85 porsiyento ng mga batang nasa Kindergarten hanggang Baitang 3 ang nahihirapang magbasa, at 15 porsiyento lamang ang umaabot sa tamang antas. Para sa isang batang nasa elementarya, napakalaking dagok nito dahil ang pagbasa ang pintuang nagbubukas sa lahat ng asignatura. Kaya’t ang krisis na ito ay hindi lamang bilang sa papel, kundi reyalidad na araw-araw na nararanasan ng mga batang pumapasok sa silid-aralan nang walang sapat na kasanayan.

Ayon kay EDCOM 2 Executive Director Karol Mark Yee, hindi ito problemang nakapaloob lamang sa iilang rehiyon dahil parehong nararanasan sa Samar, Tacloban City, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at iba pang lugar. Hirap ang mga bata, at hirap din ang mga guro na umaasang may sapat na suporta mula sa sistema. Tatlong pangunahing dahilan ang binanggit ni Yee: kakulangan ng aklat at kagamitang panturo,

kakulangan sa tuloy-tuloy na pagsasanay ng guro, at mahinang suporta mula sa tahanan at komunidad.

Makikita ang larawan ng krisis sa karanasan ni Gng. Wishselyn A. Gallego ng Mahayag Central Elementary School. Araw-araw siyang nagsasagawa ng remedial teaching upang mahabol ang mga batang nahuhuli sa pagbasa. Ngunit pag-uwi ng bata, kadalasang walang gabay na nagaganap dahil abala ang mga magulang sa paghahanapbuhay. Sa kabila nito, patuloy na lumalaban si Gng. Gallego at sa pamamagitan ng TEACEP program ng DepEd, pinatutunayan niyang sa wastong pagsasanay at sapat na suporta, may pagasang maiangat ang kasanayan sa pagbasa ng mga batang Pilipino.

Gayunpaman, malinaw na hindi paaralan lamang ang may hawak ng sagot. Kailangang maging magkatuwang ang guro, magulang, at komunidad upang mapatatag ang kasanayan sa pagbasa. Hindi dapat matapos ang pagkatuto kapag

tumunog ang bell; dapat itong nagaganap sa bahay, sa barangay, at sa bawat espasyo kung saan maaaring magbasa ang bata. Ang pagbubuklod ng lahat ay susi upang mapunuan ang kakulangang hindi kayang tugunan ng paaralan lamang.

Kung may mabuting naidulot ang paglalantad ng krisis, iyon ay ang pagkakataong magsimula ng tunay na reporma. Hindi sapat ang pagkilala sa datos; kailangan ng kongkretong pagkilos— sapat na pondo, mahusay na pagsasanay, mas maraming aklat, at kulturang nagtataguyod ng pagbabasa sa bawat tahanan. Ang kabataan ang sinasabing pagasa ng bayan, ngunit paano magiging pagasa kung sa pagbasa pa lamang ay nahuhuli na? Kung magiging kaagapay ang bawat tahanan at komunidad, at susuportahan ang guro sa kanilang tungkulin, mas maliwanag ang hinaharap ng kabataan. Sapagkat matatag ang kinabukasan kung matatag ang pundasyon—at ang pundasyong iyon ay ang pagbasa.

Pagpapaigting ng Feeding Program, Susi sa Mas Malusog Malusog at Handang Matutong Kabataan

Sa bawat silid-aralan sa ating mga pampublikong paaralan, isang tanong ang paulit-ulit na ibinibigay ng mga guro: handa ba ang mga bata na matuto? Hindi ito nasasagot ng simpleng “oo,” lalo na kung ang mga batang mag-aaral ay pumapasok na gutom, walang sapat na lakas, at hirap magpokus dahil sa kakulangan sa tamang nutrisyon. Kaya naman ang pagpapalawak ng School-Based Feeding Program (SBFP) para sa 2026 ay hindi lamang usapin ng pagkain—ito ay usapin ng kalidad ng edukasyon at ng kinabukasan ng mga bata.

Mula ₱11.78 bilyon tungong ₱28.66 bilyon, malaki ang naging pagtaas ng pondong inilaan sa SBFP— isang hakbang na maaaring magbago hindi lamang sa pang-araw-araw na sitwasyon ng mga mag-aaral, kundi pati na rin sa kabuuang pagkatuto nila. Sa target na 4.49 milyong learners na makatatanggap ng feeding sa loob ng 200 araw, maraming bata ang magkakaroon ng siguradong pagkain araw-araw.

Maraming guro ang nagpapatotoo: kapag busog ang bata, mas nakikinig, mas nakikipag-cooperate, at mas mabilis matuto. Ang papel ng nutrisyon ay hindi biro—ito ang pundasyon ng early literacy at cognitive development, na matagal nang hamon sa ating basic education system.

Sa Mahayag Central Elementary School, masinop at masinsinan ang pagpapatupad ng SBFP. Todo suporta ang Principal na si Dr. Ricky Mendoza, sa pamamagitan ng School Coordinator na si Gng. Mary Ann G. Tomboc. Bilang patunay ng husay sa implementasyon, pangatlong beses na itong itinanghal bilang Best SBFP Program Implementor sa buong dibisyon. Ang halimbawa ng paaralang ito ay nagpapakita na ang

wastong pamumuno at dedikasyon ng mga guro at administrasyon ay mahalaga sa tagumpay ng programa. Ang universal feeding para sa Kindergarten at Grade 1 ay pangunahing bahagi ng SBFP. Sa murang edad, dito hinuhubog ang kakayahan sa pagbabasa, pag-unawa, at maagang pagbuo ng ugaling pang-eskwela. Kapag gutom ang bata sa yugtong ito, apektado ang buong landas ng kanyang pag-aaral. Napatunayan na ito sa datos: bumaba ang bilang ng severely wasted na Kindergarten learners mula 113,451 tungong 47,281 sa loob ng isang taon. Ang pagbabagong ito ay hindi lamang numero—ito ay indikasyon na maraming batang muling nakabangon, lumakas, at nakahabol sa pagkatuto. Mahalaga ring pansinin na hindi puro universal ang programa. Sa ilalim ng pinalawak na SBFP, may nakalaan na 45-day feeding para sa mga wasted at severely wasted na JHS at SHS learners, at 30-day feeding para sa buntis na adolescent learners. Ito ay malinaw na mensahe: habang pinagtitibay ang pundasyon ng Kinder at Grade 1, hindi rin pinababayaan ang mas matatandang mag-aaral na nasa panganib na mahulog sa malnutrisyon at dropout.

Sa panahon na maraming kabataan ang nahaharap sa stress, kakulangan sa resources, at hirap sa pagkain, ang targeted interventions ay maaaring maging buhay-linya. Ang pagpapatayo ng 219 Central Kitchens, pagpapatakbo ng higit 74 existing central kitchens, at partisipasyon ng 44,000 paaralan sa Gulayan sa Paaralan ay malinaw na pagbabago sa imprastraktura ng nutrisyon sa edukasyon. Ang SBFP ay hindi pansamantala o pahapyaw. Ito ay nagiging bahagi

ng sistemang panghabambuhay ng mga paaralan—isang pangmatagalang solusyong nakaugat sa komunidad, gulayan, at koordinasyon ng LGU. Ito ang uri ng repormang hindi agad mawawala kapag natapos ang isang administrasyon.

Sa elementarya lalo, ang pagkatuto ay nakasalalay sa pisikal na kalagayan ng bata. Kung masigla ang katawan, lumalawak ang isip. Kung busog ang tiyan, gising ang atensyon. Kung may sapat na nutrisyon, may kakayahang mangarap.

Ito ang dahilan kung bakit ang pagpapalawak ng SBFP ay hindi dapat tingnan bilang dagdag-gastos, kundi bilang pinakamainam na investment sa human capital ng bansa. Ito ay pundasyon ng literacy, numeracy, attendance, at long-term academic outcomes. Sa madaling sabi, ang feeding program ay isa sa pinakaepektibong reporma sa edukasyon, at matagal na natin itong dapat pinalawak.

Kung may repormang lubos na nararamdaman ng mga mag-aaral sa araw-araw, ito iyon: ang pagkakaroon ng masustansiyang pagkain na nagbibigay sa kanila ng lakas at pagasa. Sa panahong dasal ng maraming bata ang maging busog bago magumpisa ang klase, ang hakbang na ito ay hindi lamang polisiya—ito ay pagdamay, pag-unawa, at pagkilala na ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa pag-aalaga ng mga batang Pilipino. Kung gusto nating lumakas ang edukasyon, dapat munang palakasin ang katawan ng mga batang nag-aaral.

Batang Nakasimangot, Freetoh ang Sagot!

Mmmmmhhhhmmmm ang lamig at sarap naman nito!! Tikman ninyo para maramdaman n’yo rin ang aking naranasan.

Sa isang munting kanto na dati’y simpleng dinaraanan lamang ng mga tao, unti-unting sumisikat ang pangalang Freetoh, isang maliit na tindahan na ngayon ay tinuturing na paboritong puntahan ng mga tao. Ito ay pagmamay-ari ni Cyril Saniel. Dinadayo ito ng mga tao dahil sa dalawang sikreto nitong sandata, ang kanilang mango graham at burger na tunay na binabalikbalikan na parang dinuduyan ka sa sarap kapag natikman mo ito. Araw-araw, bago pa man tuluyang uminit ang araw, maaga nang abala ang mga tao sa Freetoh. May estudyanteng dumadaan bago pumasok, may nanay na bumibili para sa mga anak, at may mga manggagawang dumadaan para magpasaya ng kanilang umaga. Kapansin-pansin kanina sa bawat taong pumapasok sa tindahan ay may ngiting hindi maipaliwanag, tila ba baon nila ang kasiguraduhang hindi sila mauuwi nang bigo.Ang mango graham ng Freetoh ang itinuturing na bida sa lahat. Malinamnam, sakto ang tamis, at bawat subo ay tila paalala ng simpleng kasiyahan sa buhay. Maraming nagsasabing dito nila natagpuan ang “comfort dessert” na matagal na nilang hinahanap,isang tamis na hindi nakakasawa at parang may kuwentong gustong ikuwento sa bawat layer nito. Kung may pagkakataon man na may

pila, wala kang maririnig na reklamo. Para sa kanila, “Kahit maghintay, sulit!”Hindi rin pahuhuli ang burger ng tindahan. Hindi ito mamahalin at buy 1 take 1 pa! hindi rin sobrang laki pero puno ng lasa at malasakit sa bawat pagkakagawa. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit may mga kabataang nagpupunta rito tuwing uwian, o mga magbabarkada na ginagawang tambayan ang maliit na espasyong ito.” Kada adlaw mobuhat mi ug mango graham 100 pieces basta tingklase pero if dili kay mga 70 to 80 pcs lang apil ang buy 1 take 1 namo nga burger.” sabi ni Kuya Kelvin Jay Mira na

siyang cashier. Sa likod ng lahat ng ito, nariyan ang may-ari at mga tauhang hindi napapagod magbigay ng ngiti at serbisyo. Makikita sa kanilang kilos na

Sa Katahimikan, Naroon Ang Isang Ina

pero noong nakaraang taon…….Alas tres ng umaga. Karaniwang oras para sa marami, ngunit para kay Ate Amz, ito ang sandaling tumigil ang ikot ng kanyang mundo. Ito ang oras na tuluyang sumuko ang kanyang pinakamamahal na asawa-ang taong dati niyang sandalan sa hirap at ginhawa dahil sa karamdaman na iniinda na hindi man lang nadala sa ospital dahil sa kapus sa pera. Mula noon, nagbago ang lahat. Kasi ang kanyang asawa ang boses niya.Sa isang iglap, siya na lamang ang natitirang haligi para sa tatlo nilang anak. Ang bunso, nag-aaral sa Mahayag Central Elementary School, ang parehong paaralan kung saan kami rin nag-aaral. At sa kabila ng bigat sa puso, walang araw na hindi niya sinubukang tumayo muli. Sabi ng kanyang anak, “Mas ninglisud among kinabuhi pagkamatay ni Papa. Sauna si Papa may taga-tabang ni Mama, pero karon si Mama nalang isa nagbuhi namong tulo.”Mga salitang ramdam ang hirap pero mga anak ay nagbago simula ng mamatay ang kanilang papa dahil nagalit sila kay ate Ams kasi kuripot daw. Ang hindi nila alam na nag-iipon pala at nagpatayo ng bahay. Mayroon pang konting savings sa Aim Coop banko. Tuwing hapon, makikita si Ate Amz na masipag at halos pawis na pawis habang nililinis ang SSES Building mula Grade 1 hanggang Grade 3. Hindi niya kailangan ng mga salita para ipakitang mahal niya ang kanyang trabaho. Hindi niya kailangan ng reklamo para patunayan na kaya niya. Sa bawat pagwalis ng sahig, pagpahid ng mop, sa bawat punas ng sahig, ay nakasulat ang sakripisyo at determinasyon ng isang inang handang ibigay ang lahat para sa kanyang mga Hindi biro ang mag-isa. Hindi biro ang mawalan

KALUSUGAN AY KAILANGAN Steven Allen Enciso
Sophia Nadine Ponce
misyon na maghatid ng saya, gaano man kasimple. Kaya sa dami ng gawain sa eskwela,
��Christine Chleo A. Amarilla

Tumunog ang huling kampana ng araw, hudyat ng kalayaan para sa mga mag-aaral ng Ikalawang Baitang. Isang alon ng mga bata ang sumugod palabas ng mga pintuan ng silid-aralan, sabik na simulan ang kanilang mga pakikipagsapalaran sa hapon.

Sa gitna ng kaguluhan at masayang usapan, isang maliit na pigura ang nanatili, tahimik na inaasikaso ang isang gawain. Habang maingat niyang inililigpit ang kanyang mga krayola, lumitaw na ang isa sa kanyang mga braso ay hindi ganap na nabuo mula nang siya'y ipinanganak. Gayunpaman, hindi ito nagtakda sa kanya. Ang munting batang ito, na may maningning na mga mata at nakakahawang halakhak, ay si Mary Joy Aso.

Sa klase, si Mary Joy ay isang huwarang mag-aaral. Madalas na sinasabi ng kanyang guro, si Gng. Gallego, na siya ay mayroong karunungan na higit pa sa kanyang edad. Siya ay matiyaga, mabait, at laging handang tumulong. Madalas siyang nakikitang tinutulungan ang kanyang mga kamag-aral sa kanilang pagbabasa, na gumaganap bilang isang "little teacher" sa silidaralan. Siya ay

kamag-aral. Tuwing recess, si Mary Joy ay laging napapaligiran ng mga kaibigan. Sila ay naglalaro ng taguan, nagdodrowing, at nagkukuwentuhan. Nakakataba ng puso na makita kung paano hindi nakikita ng kanyang mga kaibigan ang kanyang kapansanan; nakikita lamang nila si Mary Joy—isang kaibigan, isang pinagkakatiwalaan, at isang tanglaw ng positibong pananaw.

“Hindi mo mababakas ang kakulangan sa kanya,” sambit ni Gng. Gallego. “Siya ay masayahin, mabait at matalino. Mahal siya ng lahat.” Si Mary Joy ay nabubuhay ayon sa kanyang pangalan, dahil ang kanyang kuwento ay isang makapangyarihang paalala na ang pag-asa, karunungan, at pagkakaibigan ay maaaring malampasan ang anumang hadlang. Itinuturo niya sa lahat na hindi mahalaga kung ano ang kulang sa iyo, kundi kung ano ang ginagawa mo sa kung ano ang mayroon ka. At si Mary Joy? Siya ay may pusong puno ng walang hanggang pangarap at ang diwang tuparin ang lahat ng ito kahit isang braso lamang.

Rudhil's Place: Ang tagong paraiso ng Mahayag

Nakatago sa puso ng Barangay Panagaan, Mahayag, Zamboanga del Sur ang Rudhil’s Place Resort and Sports Complex—isang natatagong hiyas na perpekto para sa pahinga, libangan, at pagdaraos ng mga kaganapan. May iba’t ibang pasilidad ito na angkop para sa bakasyon ng pamilya, kaarawan, reunion, corporate gatherings, at iba pang pagtitipon.

Sa loob nito ay isang malaparaisong pool area kung saan inaanyayahan ka ng malamig na tubig para sa isang preskong paglangoy. Nakapalibot dito ang mga kubong nakatayo sa lilim ng matatandang puno ng mangga, na nagbibigay ng

tahimik at komportableng lugar para magpahinga matapos ang paglangoy.

Hindi rin kukulangin ang karanasan sa pagkain dahil naroon ang Marivic’s Resto, na naghahain ng lokal at internasyonal na lutuin gamit ang sariwa at lokal na sangkap. Karamihan sa mga gulay at melon ay mula mismo sa Rudhil’s Fresh Greens and Melons—ang hardin ng resort na nagbibigay hindi lamang ng sangkap kundi dagdag ganda sa lugar. Tampok din ang iba’t ibang delicacy na tiyak na tatangkilikin ng bawat bisita.

Para sa mga nais magovernight, may mga malilinis at maaliwalas na kwarto na

garantisadong komportableng tulugan. Sa gabi, kumikislap ang mga ilaw sa paligid ng resort, nagbibigay ng romantikong tanawin para sa mapayapang pamamahinga. Hindi lamang ito resort dahil mayroon din itong maluwag na function hall para sa iba’t ibang okasyon at isang sports complex na may tennis at pickleball court—perpekto para sa mga mahilig maglaro at maging aktibo.

Sa Rudhil’s Place, bawat sandali ay nagiging alaala ng saya at pahinga. Dito, tunay na nabubuhay ang kulay ng pagdiriwang at pagkakaisa— isang nakatagong paraisong dapat tuklasin at balikan.

Ryan Felix J. Fanilag: Ang Alumnus na Superhero at Pilantropo ng Ating Paaralan

Sino kaya ang isa sa mga taong laging nilalapitan kapag kailangan ng tulong sa aming paaralan at komunidad? Parang superhero, walang kapa ngunit handang maghatid ng pag-asa. Ryan Felix J. Fanilag, isang proud na alumnus ng Mahayag Central Elementary School. Isa siyang negosyante at may-ari ng RF2 Restaurant at kasapi ng Philippine Eagles Club Mahayag Chapter, isang samahang nagtataguyod ng malasakit at serbisyo sa kapwa. Dahil sa kanyang pagsali sa samahan, lalo siyang nahikayat na tumulong sa mga nangangailangan. Laging bukas ang kanyang puso at ngiti, lalo na para sa mga bata. Tinanong namin siya kung bakit patuloy siyang tumutulong. Ayon sa kanya, ang mga kabataan ang pag-asa

ng bayan. Kapag nakikita raw niyang masaya ang mga batang natutulungan niya, alam niyang may magandang bunga ang kanyang ginagawa. Ang pagtulong sa paaralan ay parang pagtatanim para sa mas maliwanag na kinabukasan. Dagdag pa niya, ang pagiging miyembro ng Eagles Club ang nagturo sa kanya ng pagiging mapagbigay. Masaya raw siya tuwing nakikitang nagsusumikap at nagtatagumpay ang mga batang kanyang natulungan. Para sa kanya, ang pagtulong ay isang pamumuhunan sa kinabukasan ng komunidad.

Noong bata pa siya, pangarap lamang niyang makatapos ng pagaaral at mapasaya ang kanyang mga magulang. Hindi niya inakalang magiging

��Mary Cecil Pumicpic

pilantropo siya balang araw. Bilang negosyante, alam niyang may mga pagsubok, ngunit patuloy siyang lumalaban at nagbabahagi ng biyaya. Payo niya sa kabataan na maging mabait, masipag, at handang tumulong kahit maliit lamang ang kaya. Dahil sa huli, ang tunay na tagumpay ay ang makitang umuunlad ang iba dahil sa iyong kabutihan. Kaya Kuya Ryan, saludo po kami sa inyo aming Superherong Pilantropo.

Kapag ang pangarap ay naging bangungot

Hindi pa man nababasag ng unang tilaok ng manok ang katahimikan, gising na si Lolo Boy, suot ang kanyang paboritong kupas na damit-bukid, handang harapin ang isa na namang araw sa bukid. Sumasayaw ang pag-asa sa kanyang mga mata habang inaasam niya ang ani ngayong taon – isang pangako ng kasaganaan pagkatapos ng mga buwan ng nakapapagod na paggawa. Ngunit habang tumataas ang araw, na nagbibigay ng kanyang ginintuang sinag sa mga hinog na palay, isang nakakakilabot na realisasyon ang nabubuo: bumabagsak ang presyo ng bigas. Hindi lamang ito tungkol sa mga numero; ito ay tungkol sa buhay ni Lolo Boy, kanyang kabuhayan, kanyang kinabukasan. Paano niya babayaran ang mga utang na kanyang ginastos upang hikayatin ang buhay mula sa lupa? Ang mga pataba, ang mga manggagawa, ang mga pag-asa na nakasalalay sa isang masaganang ani – lahat ngayon ay nagbabanta na lunurin siya sa isang dagat ng kawalan ng pag-asa. Ito ang kwento ng aking Lolo Boy, at ang libu-libong magsasaka ng bigas sa Pilipinas na humaharap sa parehong nakakasakit na katotohanan. Ito ang kwento ng isang kamalig na nagiging walang laman. Ang Rice Tariffication Law, na ipinatupad sa pangako ng mas mababang presyo ng bigas para sa mga mamimili, ay sa halip ay naging isang bangungot para sa mga lokal na magsasaka. Habang ginawa nitong mas abot-kaya ang bigas para sa ilan, binuksan din nito ang mga pintuan sa mga murang import, na epektibong pinapababa ang mga presyo ng lokal na palay. Ang mga magsasaka na dating kumikita ng disenteng pamumuhay ay ngayon ay nahihirapan upang makabawi sa kanilang gastos, ang kanilang kita ay nabawasan ng halos kalahati.

“Ang bigas na inangkat ay mas mura, kahit na mas mataas ang kalidad ng ating palay. Mas gusto ng mga negosyante na bumili mula sa mga nag-aangkat dahil mas

malaki ang kanilang kinikita.” Ang pag-iisip na mawala ang kanyang bukid, ang lupang kanyang pinaghirapan sa loob ng mga dekada, ay bumabagabag sa kanyang mga oras ng paggising. Marami ang napipilitang ibenta ang kanilang lupa, ang kanilang tanging mapagkukunan ng kabuhayan, upang bayaran ang kanilang mga utang. Ang siklo ng kahirapan ay lumalalim, na nagkulong sa kanila at sa kanilang mga pamilya sa isang tila hindi matatakasang lusak. Ang mga magsasaka ay hindi humihingi ng limos; humihingi sila ng pantay na larangan ng kompetisyon. Nanawagan sila sa gobyerno na bigyan sila ng suporta na kailangan nila upang makipagkumpitensya sa mga import, tulad ng pag-access sa abot-kayang kredito, modernong teknolohiya sa pagsasaka, at mga pasilidad pagkatapos ng pag-aani. Hinihimok din nila ang gobyerno na sugpuin ang mga walang prinsipyong negosyante na nagmamanipula ng mga presyo at nagsasamantala sa mga magsasaka. Ang kalagayan ng mga magsasaka ng bigas sa Pilipinas ay hindi lamang isang isyu sa kanayunan; ito ay isang pambansang krisis, isang krisis na dumudurog sa puso ng aming pamilya. Nakikita ko ang paghihirap sa mga mata ni Lolo Boy, ang taong nagturo sa akin ng halaga ng lupa. At ako?

Ano ang aking gagawin?

Ang aming mga pangarap para sa pamilya... isa na lamang bang bangungot na nakakulong sa putik ng aming sakahan?

��Vashti Zyana C. Alastra
��Mary Cecil Pumicpic
��Nezi Jane Calbonero

Pangarap na Naging Abo

Sa bawat pag-unlad ng isang komunidad, may mga pangarap na nagiging inspirasyon ng marami.

Ang Christine’s Bakeshop, isang maliit ngunit punong-puno ng pag-asa, pagsisikap, at tamis ng buhay.Ito’y pamana pa ng lolo ni Liam na kaklase ko. Araw-araw, bago pa man sumikat ang araw, gising na ang mga magulang niya upang ihanda ang mga tinapay na nagbibigay-saya at lakas sa mga tao sa aming Lungsod. Sila naman mga anak kapag walang pasok tutulong naman sa kanilang panaderya. Ang amoy ng bagong lutong pandesal at malambot na ensaymada ay nagsilbing paalala na ang bawat araw ay may panibagong simula.

Christine’s Bakeshop. Sa loob ng ilang minuto, tinupok ng apoy ang mga kagamitan, ang tindahan, at ang mga pinaghirapang ipundar pati na ang mga magkatabing mga tindahan sa loob ng maraming taon. Ang mga pangarap na untiunti pa lamang nahuhulma ay naging abo.

Habang pinapanood ang paglaganap ng apoy, tila bumagal ang oras. Hindi lamang tindahan ang nawala, kundi ang bahagi ng kanyang pangarap na magsilbi sa lugar at maiangat ang buhay ng kanyang pamilya. Ngunit sa kabila ng pagkalugi, pighati, at pagod, may isang bagay na hindi tinupok ng apoy-ang kanilang determinasyon.

Matapos ang sunog, dumagsa

para mabuhay. May nag-abot ng tulong, may nagpaabot ng pagkain, at may nagbigay ng lakas ng loob. Sa gitna ng abo, nakita ni Liam na hindi magwawakas ang kanyang pangarap hangga’t hindi sila sumusuko.

Naisip ko kung gaano kasakit at parang pasan-pasan ko ang mundo. Kagaya sa mga problema na dumating sa buhay ko pero naniniwala pa rin ako na hindi tayo pababayaan ng ating Panginoon sa lahat ng oras.

Sa bawat sulok ng dating panaderya, makikita ang alaala ng kanyang pagsisikap. Ngunit higit sa lahat, makikita rin ang bagong pag-asa. Dahil ang pangarap, kahit maging abo, ay maaari pa ring sumiklab muli, sa tulong ng

nagbababala

Paglaganap ng HMFD sa Mahayag Central School ang ikinabahala ng mga guro at magulang sa paaralan. Ito ay isang viral na sakit na madalas tumatama sa mga bata pero pwede ring makahawa sa mga matatanda na may sintomas ng lagnat, pantal-pantal sa katawan, at walang ganang kumain.

Ayon sa DOH ang Hand Foot and Mouth Disease ay isang nakahawana sakit dulot ng coxsaxkievirus na nakaapekto sa kamay, paa, at bibig. Naipasa ang virus sa pamamagitang ng contact sa laway, sipon o liquid mula sa rashes, paghawak sa mga kontamindadong bagay, paglanghap ng droplets mulat sa ubo o bahing at contact sa dumi ng taong may HFMD. Madali mahawaan ang isang tao kung mahina ang immune system.

Isang Himala: Pag-asa sa Kabila ng Panganib

Sa likod ng simpleng pagpagulong ng bola, may kuwento ng siyensya, pagkamalikhain, at pagkatuto.

Sa eksperimento ng mga mag-aaral sa Baitang 3, natuklasan nilang hindi lang laki ang nakaaapekto sa paggalaw ng mga bagay, pati materyales na bumabalot dito ay may mahalagang papel sa bilis, direksiyon, at distansya ng pag-usad.

Epekto nito sa paaralan ay ang

Aray ko! Aray ko! Ang sakit! Kadalasan naririnig kapag nanganganak ang isang ina.

Isang himala ang naganap na nagbibigay inspirasyon sa maraming tao. Isang sanggol na ipinanganak nang maaga sa edad na anim na buwan lamang sa sinapupunan nang kanyang ina na si Rizza ang matagumpay na nailabas at ngayo’y malusog na lumalaki at nasa ikalawang baitang ng aming paaralan.

Ayon sa ina, labis ang takot at pangamba nang maramdaman niyang maagang manganganak siya. “Basin dili makaya sa akong anak kay 6 months pa,” ani niya. Ngunit sa tulong ng mga nars at doktor sa Faith Ospital, nagtagumpay ang pagsilang ng sanggol. Pero dinala namin sa Cagayan De Oro si Elle dahil sobrang liit niya ang timbang ay 600 grams lang at sinabi ng doctor na 20 % ang pag-asa na mabuhay at 80% ang kamatayan. Durog na durog ang puso ng bawat pamilya kaya nagsumikap sila na maghanap ng pera para lang mabuhay si Elle. Nanatili ang bata ng dalawang buwan at kalahati sa Polymedic Hospital ng Cagayan De Oro. Nagtanong ako sa aking sarili. Paano kaya ito kinaya ni Elle? Sa una akala ko talaga na walang pinagdaanan na mabigat kasi makikita ko palagi sa paaralan namin na bibong-bibo, masayahin, ang galing pang sumayaw

at ang talino pa kasi palaging na With Honors.Sa kabila ng kanyang maagang kapanganakan, ipinapakita ng bata ang kanyang lakas at tapang. Ang bawat hilik at ngiti niya ay patunay na may himala sa buhay, kahit sa pinakamatinding pagsubok.

Ayon sa mga eksperto, ang maagang panganak ay may mataas na panganib sa kalusugan, ngunit sa tamang pangangalaga, pagmamahal, at medikal na tulong, posible ang isang ligtas at malusog na paglaki. Huwag mawalan ng pag-asa, kapit lang po tayo sa Panginoon kahit sa harap ng panganib dahil Siya lang talaga ang nagbigay sa atin ng buhay.

Isang patunay na ang buhay, gaano man kahina o maaga ang simula, ay kayang magtagumpay sa tulong ng pagmamahal at malasakit. Ang batang si Elle ay isang himala at pag-asa sa kabila ng panganib.

Sa isang gawaing pang-agham ng mga mag-aaral sa Baitang 3, gumamit sila ng tatlong magkakaparehong bola upang tuklasin kung ano ang nakaaapekto sa paggalaw ng mga bagay. Ang una ay iniwan sa orihinal nitong anyo, ang ikalawa ay binalutan ng aluminum foil, at ang ikatlo naman ay binalutan ng tissue paper. Layunin ng eksperimento na makita kung paano nagbabago ang kilos ng isang bagay kapag binago ang bigat at tekstura nito.

Napansin ng mga bata na ang bolang binalutan ng aluminum foil ay mas mabigat at mas makinis ang ibabaw. Dahil dito, hindi itong masyadong gumulong sa rampa. Ang foil ay dahilan upang mapabagal ang paggulong ng bola.

Samantala, ang bolang may balot na tissue paper ay naging magaspang ibabaw. Ang papel na bumabalot nito ang nagpabagal gumulong at hindi gaanong diretso ang direksiyong tinatahak. Dahil sa papel, mas madali rin itong huminto.

pagliban ng mga mag-aral na natamaan ng natarong sakit. Ang mga batang natamaan sa buong paaralan ay umaabot nang 28 na mga estudyante ang nagkaroon ng virus. Ang mga magulang ay naalarma at agad nilang dinala sa pagamutan para ipakonsulta ang kanilang mga anak. Ayon kay Gng Dela Pena isang magulang na nagpakonsulta sa Rural Helath Unit ng kanyang anak. sinabihan siya ng isang Nars na huwag magpanic kung nakaranas sila ng HFMD dahil may mga gamut naman para dito, Ang mabuting gawin komunsulta agad sa mga health center para madaling maagapan at hindi na kumulat sa ibang estudyante.

Solusyon para maiwasan ang nakawang sakit dapat panatalihin ang kalinisan sa sarili araw-araw pati na rin ang buong paaralan. Dapat siguraduhin ang paghugas ng kamay

Ang simpleng eksperimento ay nagbigay-linaw sa konsepto ng force, friction, at mass-mga ideyang karaniwang mahirap ipaliwanag sa mga batang nasa mababang baitang. Sa pamamagitan ng hands-on activity, nakita at naramdaman mismo ng mga magaaral ang epekto ng bigat at tekstura sa paggalaw ng mga bagay. Ang dating abstraktong konsepto ay naging konkretong karanasan.

Malaki rin ang naitulong ng aktibidad sa pagganap ng mga mag-aaral sa kanilang performance tasks. Mas naging aktibo sila sa pagtatanong, pag-oobserba, at paghahambing ng resulta. Natutunan nilang gumamit ng tamang wika sa agham tulad ng “mas mabigat”, “mas mabilis”, “mas magaspang”, at “mas malayo ang narating.” Ang kanilang mga tala ay mas naging organisado at malinaw.

Bukod dito, napalakas ng eksperimento ang kolaborasyon sa bawat pangkat. Habang sila’y nagpapagulong ng kani-kanilang bola, natuto silang magbahagi ng ideya, makinig sa opinyon ng iba, at magtulungan sa pagsukat at pagtatala ng datos. Naging mas makabuluhan ang kanilang pagkatuto sapagkat may aktuwal silang naranasan at nasuri. Sa huli, ipinakita ng aktibidad na ang siyensya ay hindi lamang tungkol sa pag-aaral ng teorya, kundi pagdiskubre sa mundong ginagalawan. Sa paggalaw ng tatlong simpleng bola, natutuhan ng mga batang siyentista na minsan, ang pinakamalaking aral ay nagmumula sa pinakamaliliit at pinakasimpleng bagay.

Press Start: Isang Hakbang Tungo sa Makabagong Edukasyon

Mga bagong printer, nagamit na! Sa panahong patuloy na hinuhubog ng agham at teknolohiya ang edukasyon, isang makabuluhang hakbang ang isinulong ng Mahayag Central Elementary School sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga bagong high-efficiency printer sa bawat silid-aralan. Mula sa dating mabusising proseso ng pagkopya at paggawa ng learning materials, naging mas mabilis, organisado, at learner-ready ang paghahanda ng mga guro, salamat sa mga makabagong kagamitang ito.

gamit ang mga sabon, magdala ng alcohol para protection sa mga mikrobyo , pag-disinfect ng mga gamit na madalas hawakan umiwas sa contact sa toang may HFMD at takpan ang bibig at ilong kapag uubo para hindi dumarami ang mga mahawaan.

Hinikayat ni Gng Gaviola isang district nurse ang lahat ng mga guro, magulang at estudynate na kung magkarans ng mga senyales sa HFMD agad komunsulta sa health center para maiwasan ang sakit at mapanatili ang magandang kalusugan para sa lahat.

Tandaan ang kalinisan ang daan para sa magandang kinabukasan… Labanan at sugpuin ang HMFD

Sikreto sa Paggalaw: Paano Nakaaapekto ang Iba’t Ibang Balot sa Pag-usad ng Bola?

Isang positibong sorpresa ang naramdaman ng mga guro nang ipahayag ang pamamahagi ng mga printer na binili gamit ang pondo mula sa MOOE ng paaralan. Layunin nitong suportahan ang mas epektibong pagtuturo at matugunan ang modernong pangangailangan sa edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya. Bago dumating ang mga printer, kinailangan pang maghanap ng iba’t ibang paraan ang mga guro upang makapagparami ng worksheets at learning modules. Sa tulong ng bagong kagamitan, naging realtime at mas sistematiko ang pagimprenta ng modules, activity sheets, at iba pang instructional materials. Ayon kay Master Teacher Zyra Z. Colcol, malaking ginhawa ito sa mga guro dahil mas napapadali ang paggawa ng mga materyales para sa mga mag-aaral. Dagdag pa niya, taos-puso ang kanilang pasasalamat sa punongguro na si Ginoong Ricky D. Mendoza sa suportang ipinagkaloob. Hindi lamang sa pagtuturo napakikinabangan ang mga printer. Sa

��Khyllie Noreen Santillan
��Reign Jazzen D. Geraldizo
��Climer Jr. T. Miral
��Johannah Mae Mondido
��Khyllie Noreen Santillan

7 gallons

Aabutin ng 7 galon ng gasulinang mauubos upang matanggal ang mga damo sa MCES Quadrangle.

3.8% ang kabuuang gumagamit ng solar at wind energy sa buong bansa. Mababa ito dahil sa mahaba at komplikado ang proseso ng pagkuha ng permits, netmetering approval, at iba pang dokumento mula sa iba’t ibang ahensiya at lokal na pamahalaan.

source: dailyguardian.com.ph/ ember-energy.org

TrimCut sa Eskwela!

Malinis na Bakuran, Masayang Laro ng Kabataan

Kalinisan sa paaralan ay isang susi sa maayos at ligtas na kapaligiran para sa lahat. Sa layuning mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng paaralan, isa sa mga kagamitan ginamit sa paglilinis ay ang makinaryang grasscutting. Ang simpleng hakbang na ito ay may malaking tulong para sa kalusugan at kaligtasan ng mga bata pumupasok sa paaralan araw-araw. Grascutting isang makinarya na ginamit para sa paggapas, paggupit, o pag-trim ng damo sa isang lugar, tulad ng bakuran, parke, o oval ng paaralan. Isa sa mahalaga benepisyo ay ang pagpigil sa padami ng mga peste at mikrobyo kapag maayos ang pagkaputol ng damo, kaya mas kaunti ang pagkakataong pagkadapa.

Nababawasan ang mga insekto tulad ng lamok at langgam kapag malinis at maayos ang kapaligiran.

At mas kaunti ang igugol na oras sa paglilinis gamit ang makinaryang grasscutting.

Sa simpleng pagupit ng damo gamit ang grasscutting ay nagpapakita kung paano nakatutulong ang agham at teknolohiya sa paaralan sa pang araw-araw na gawain. Sa pamamagitan ng malinis at maayos na kapaligiran mas malaki ang epekto nito sa mga mag-aaral kasi mas ligtas na sila at malayo pa sila sa mga sakit. Sigurado na ang kanilang paglalaro sa kapaligiran ay layo na sa kapahamakan dahil sa kalinisan ng paaralan. Maliban sa kalinisan, ang

paggamit ng makinarya ay nakatipid sa oras kumpara sa manu-manong paggapas. Hindi rin maikakaila ang positibong epekto sa kapaligiran. Itoy ay mas mabilis at sistematiko. Gayunpaman dapat natin tandaan na mahalaga ang wastong paggamit ng makina para maiwasang ang polusyon sa ingay at hangin sa kapaligiran.

Samakatuwid ang grasscutting machine isang simpleng teknolohiya na nakatutulong at nagbibigay ng kalinisan at kagandahan sa paaralan. Nagpapatunay ito na malaki ang kahalagahan ng teknolohiya sa pang araw-araw ng gawain sa ating buhay, para mas mapadali ang kalinisan sa paaralan.

Humigit-kumulang 62 kilo naman ng CO2 ang napupunta sa atmospera, bukod pa sa iba pang usok na nakakasama sa kalikasan at kalusugan ng tao.

Ilaw ka sa aming mga Puso

Energy, Sagot

Matapos ang nakaraang insidente ng nakawan sa paaralan, dumating na ang panibagong pag-asa para sa Mahayag Central Elementary School. Nagbigay si Sangguniang Kabataan Federated Chairman Al-Shariff ng dalawampung (20) solar lights, na ngayon ay nagpapaliwanag sa paligid ng paaralan at nagsisilbing tanglaw sa mga mag-aaral at guro.

Ang mga solar lights ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw. Sa pamamagitan ng solar panels, ang enerhiyang ito ay naiimbak sa baterya at nagagamit upang magbigay ng ilaw tuwing gabi, nang hindi na umaasa sa kuryente mula sa linya. Sa Mahayag Central Elementary, malaking tulong ito para sa kaligtasan at kaginhawahan ng mga bata, lalo na tuwing dapit-hapon at gabi.

Bukod sa pagpapaliwanag ng paligid, nakatutulong rin ang solar lights sa seguridad ng paaralan. Mas ligtas ang mga guro at mag-aaral sa paglabas o paglakad sa gabi, at nagiging mas kaayaaya ang kapaligiran para sa mga bata. Ang liwanag na ito ay simbolo rin ng pag-asa at inspirasyon sa kanilang pag-aaral.

Environment-friendly rin ang solar lights. Hindi ito gumagamit ng fossil fuels, kaya nakakatulong sa kalikasan at nakapagtipid sa gastusin ng paaralan. Madali rin itong i-install at nangangailangan lamang ng kaunting maintenance. Gayunpaman, may ilang limitasyon: mataas ang paunang gastos sa pagbili at pag-install,

Seguridad

Paaralan

kls.

Sa panahon na hindi na laruan ang robot at hindi na kathang-isip ang “thinking machines,” tahimik ngunit mabilis na binabago ng Artificial Intelligence (AI) ang mundo ng kabataan. Mula sa AI tutors hanggang sa social media algorithm, ito ay nagiging kapamilya, kausap, at minsan_tagapagsabi kung ano ang dapat isipin, maramdaman, at maging . Ngunit may tanong na kumakatok sa pinto, ano ang epekto nito sa mental health ng bata? Isa sa mga positibong dulot ng AI ay ang kakayahan nitong magbigay ng personalized learning experience para sa mga bata. Sa tulong ng AI-powered learning apps, mas napapadali ang pag-unawa sa mahihirap na konsepto at mas nagiging interactive ang pagkatuto. Ang mga batang hirap sa pagbasa, matematika, o pag-unawa sa teksto ay nagkakaroon ng

paraan upang matuto nang hindi nahihiya o natatakot mabansagan o pagtatawanan. Sa ganitong yugto, nagiging kapaki-pak- inabang ang AI sa paghubog ng kumpiyansa at academic perfor- mance. Ngunit kasabay ng pag-unlad, dumarami rin ang hamon. Ang social media, gaming platforms, at online entertainment ay may kakayahang manipulahin ang atensyon at emosyon ng bata. Ang mabilis na pag-scroll, walang katapusang videos, at competitive gaming ay nagiging dahilan upang mas umasa ang bata sa instant gratification. Ito ay maaaring magbunga ng frustration, anxiety, o depresyon kapag hindi natugunan. Pinapalakas din nito

kung paano nakikita at sinusukat ng bata ang sarili na minsan nagging sanhi ng self-doubt, body image issues, at social comparison at nagdulot ng pagkababa ng self-esteem. Sa halip na maging inspirasyon, nagiging dahilan ito ng pag-iwas at pagkatakot na magkamali

Mahalagang tandaan na may kakayahan ang AI na maghatid ng positibong pagbabago kung gagamitin nang tama. Ang mga magulang, guro, at tagapag-alaga ay may mahalagang papel sa pagpapaliwanag ng digital literacy, tamang screen

time, at emotional awareness. Hindi kailangang ipagbawal ang teknolohiya, kailangan lamang itong kontrolin at gawing kasangkapan para sa pagkatuto, hindi kapalit ng realidad. Hindi mapipigilan ang AI, at hindi maiiwasang lumaki ang mga bata sa mundong kasama

Isang tampok na ulat tungkol sa mga punong naputol sa loob ng bakuran ng Mahayag Central.

Sa likod ng palakpak, sigawan, at saya ng isang matagumpay na gawaing pampalakasan, may mga tinig na hindi narinig, mga tinig na hindi nagmumula sa tao, kundi sa mga punong matagal nang naging tagapagbantay ng ating kapaligiran. Nitong nakaraang buwan, ilang puno ang nabuwal at naputol upang magbigay-daan sa pagsasagawa ng isang sports activity, at kasama ng bawat bagsak ng punò ay ang pagpanaw ng isang mahalagang bahagi ng ating lokal na ekosistema.

at tagalikha ng preskong hangin na arawaraw nating nilalanghap lalo na sa paligid ng buong paaralan.

pagputol ng buhay.

Sino ang tunay na nanalo? At ano ang nawala para sa ating kalikasan? Ang saya ng sports ay pansamantala, ngunit ang pagkawala ng puno ay pangmatagalan. Sa bawat punong natumba, tayo ay inaalahanan na ang kalikasan ay may boses, ngunit madalas hindi natin ito napapakinggan.

Hindi maikakaila na mahalaga ang sports sa paghubog ng kabataan— ito’y nagtuturo ng disiplina, tibay, at pagkakaisa. Ngunit minsan, sa pagnanais na makapagbigay ng espasyo para sa laro, nakakaligtaan nating pakinggan ang “tahimik na boses” ng kalikasan. Bawat punong naputol ay hindi lamang kahoy, ito ay tahanan ng mga ibon, silungan ng mga insekto,

Ayon sa mga pag-aaral sa siyensya, ang isang mature tree ay kayang sumipsip ng hanggang 48 pounds ng carbon dioxide bawat taon, at nagbibigay rin ito ng oxygen para sa dalawa hanggang tatlong tao. Kapag ito’y nawala, kasama ring nawawala ang kakayahang labanan ang init, baha, polusyon, at erosion- mga suliraning patuloy nating kinakaharap lalo na ngayon sa panahon ng climate change. Kung pakikinggan lamang natin ang tahimik na mensahe ng mga puno, maririnig sana natin ang kanilang hiling na protektahan sila. Ang pagputol ng mga puno ay hindi kailanman dapat maging unang solusyon, dapat ay may alternatibong plano, masusing konsultasyon, at pangmatagalang pagiisip. Maaari namang ilipat ang lugar ng aktibidad, humanap ng open space, o gumamit ng portable at eco-friendly structures na hindi nangangailangan ng

Binuhay ng Mahayag Central Elementary School ang konsepto ng Sustainable Resources, sa pamamagitan ng kanilang pagrampa sa entabladado gamit ang ibat ibang kasuotan na mula sa lumang plastic, tela, papel, yero, scraps at iba pang materyales na puwede pang magamit na maaring buhayin muli sa iba’t ibang disenyo sa pamamagitan ng recycled materials. Ito ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Science Month Culmination. Sinabi ni Leah Melissa P. Saquin ang Science Coodinator ng paaralan na ang layunin ng aktibidad na maituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng solid waste management at ang epekto ng basura sa ating mundo. Malaking tulong ang Pagrampa gamit ng mga recycled materials upang maging hands-on ang mga bata sa kanilang pagkatuto tungkol sa 3R’s Reduce, Reuse, Recycle at ipakita kung paano baguhin ang pananaw sa patapon na basura. Bawat kasuotan ay may kasamang paliwanag ng mga kalahok kung paano nabuo, saan ito galing, at kung paano nabago ang anyo gamit ang materyales na

Malinis na Bakuran, Masayang Laro ng Kabataan

Ngunit may pag-asa pa. Mula sa pagkawala ay maaaring sumibol ang bagong simula. Kung ang pamayanan at paaralan ay magsasagawa ng treeplanting activities, pangangalaga sa bagong tanim, at wastong pagpaplano sa mga susunod na proyekto, maaari nating maibalik ang berdeng buhay sa lugar. Ang tunay na tagumpay ay makakamtan lamang kapag natutunan nating pagsabayin ang pag-unlad ng tao at paggalang sa kalikasan. Pakinggan natin ang boses na hindi narinig, boses ng mga punong patuloy na nagbibigay, nagtatanggol, at nagmamahal sa atin, kahit hindi natin sila napapansin.

kanilang isinuot, pati rin ang kahalagahan nito sa pang araw-araw na pamumuhay. Bukod sa pagrampa nagkaroon din demonstrasyon kung saan ipinakita kung paano nakatulong ang recycling sa ating mundong ginagalawan. Sa pagpakitang gilas ng mga mag-aaral sa pagrampa naaliw ang manonod hindi lang mga estudyante nandiyan din ang suporta ng mga magulang. Ang mga malikhaing kasuotan na inirampa ng mga kalahok sa entablado . Sa pamamagitan ng programa naituro sa mga bata ang kahalagahan ng siyensiya sa pang-araw-araw na gawain na mas higit nilang natutunan na mahalin at pangalagaan ang ating kapaligiran. Samakatuwid sa pagtatapos ng programa, hinikayat ang lahat ng mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang natutunan sa kanilang napanuod kung paano gamitin ang mga patapon na basura at maging responsableng kabataan para sa kapakanan ng ating kalikasan. Ang pagmamahal sa kalikasan ay isang daan para sa ating sustainable resources ang tugon ni Gng. Colcol. Pagrampa sa entablado ng mga kalahok sa programa, binigyang buhay ang kahalagahan ng Agham at Teknolohiya gamit ang mga resiklo

source: U.S. Environmental Protection Agency
��Lisa Ronabelle C. Dapitan
��Juan Paulo E. Vasquez
��Ashanta Maxine Emparado
��Climer Jr. T. Miral
Jelian Antipuesto

MCES sumiklab sa Mahayag, pasok sa provincials

KARUGTONG:

Sumunod si Vhenydect

Tagactac na nag-uwi ng ginto sa 100m hurdles at 4×400 relay, bukod pa sa mga pilak sa 400m dash at Long Jump. Nagbigay rin ng karangalan sina George Louie Monterola na nagwagi ng ginto sa Discus Throw at Shot Put, at Lance Jacob Rebutazo na humakot ng ginto sa 1500m run at 4×400 relay, pilak sa 4×100 relay, at bronze sa 800m run. Nag-ambag din sina Elthon John Antonio Manzanadez na may dalawang pilak sa Discus Throw at Shot Put, Jaderick Lumacang na may bronze sa Long Jump, at Dexter Pepito na may bronze sa 400m dash.

Kwalipikado para sa susunod na yugto ng kompetisyon sina Jeff Bontia Jr., Vhenydect

Tagactac, Lance Jacob Rebutazo, George Monterola, at Elthon John Antonio Manzanadez, sa ilalim ng patnubay nina Coach Ariel Edisa at Coach Albert Rafol. Habang papalapit ang Provincial Meet, lalo pang tumitibay ang kumpiyansa ng buong MCES community sa kakayahan ng kanilang mga atleta. Sa pamumuno nina Coach Ariel Edisa at Coach Violee Tagactac, ipinamalas ng mga batang atleta ang katatagan, bilis, at disiplina na naging daan sa matagumpay na kampanya ng paaralan.

Hindi nagpatinag sa mas matatanda at mas bihasang kalaban si Erika Kaylen Garcia, isang Grade 2 pupil ng Mahayag Central Elementary School, matapos niyang masungkit ang ikalawang pwesto sa 50-meter freestyle, laban sa mga manlalangoy mula Grade 4 at 5 ng iba’t ibang paaralan. Ang determinasyon ni Kaylen na manalo ang dahilan upang malagpasan ang pamantayan sa lipunan na “Ang mga kabataan ay mas mahina kaysa sa mga nakatatanda” at nag-udyok sa kanya na masungkit ang ikalawang pwesto sa kompetisyon.

Sa unang 20 metro, maganda ang takbo ni Kaylen sa buong karera, ngunit bahagyang mas mabilis ang huling hatak ng kalaban. Sa ikalawang 20 metro, palitan ng abante si Kaylen at ang dalawang kalaban nito, walang malinaw na lamang sa pagitan ni Kaylen at ng katunggali. Pagsapit ng huling 10 metro, nagpakawala si Kaylen ng huling natitirang lakas, dahilan upang manatiling magkadikit ang labanan nila ng isang kuponan mula sa kaparehong Distrito sa finish line.

“Nakuha ko man ang ikalawang puwesto, para ko na rin nakuha

ang kampeyonato…ehh ikaw ba naman di matutuwa na isang grade 2 natalo ang grade 6. Pero masaya ako sa mga katungali ko at nabigyan namin ang isa’t isa ng magandang laro” ani Kaylen. Hindi man naipanalo ang gintong medalya, pinatunayan parin ito ni Kaylen na ang edad ay hindi palaging sukatan ng lakas sa pagkamit ng tagumpay, kundi ang husay, dedikasyon at disiplina ang nagpanalo sa kanila sa mga hamon na kanilang kinakaharap sa bawat araw ng pag-eensayo.

MCSST Sinisid ang Tagumpay

Sa bawat hawi ni Kaylen Garcia sa malamig na tubig ng pool ay dala niya ang determinasyon at tiwala sa sariling mapagtatagumpayan niya ang laban dahil ginawa niya ang gawain ng isang responsableng atleta. Maliit sa edad at pangangatawan, ngunit buo ang tapang ng isang Grade 2 pupil na handang makipagsabayan sa mas matatandang katunggali.

Siya si Erika Kaylen Garcia, isang atleta ng Mahayag Central School Swimming Team (MCSST) na nagtamo ng ikalawang pwesto sa 50-meter freestyle matapos pataubin ang mga kalahok na Grade 4 at Grade 5 mula sa iba't ibang paaralan sa isinagawang inter- school swimming

meet. Sa murang edad, maaga nang nahilig si Kaylen sa paglangoy. Madalas siyang magsanay kahit limitado ang oras at pasilidad. Sa kabila nito, patuloy niyang hinuhubog ang disiplina at determinasyon sa bawat ensayo.

Sa kompetisyong iyon, naging dikit ang puntos na naging dahilan sa mainit na laban kahit pa nababalot sa lamig ang kanilang pangangatawan. Halos sabay-sabay silang pumalo sa tubig at hindi nagpahuli si Kaylen sa unang hati ng karera. Sa huling metro, bahagyang lamang siya, dahilan upang makuha ni Kaylen ang ikalawang pwesto.

Pinatunayan ng atletang ito na ang sipag at tiyaga ay isang sandata na kaya niyang makipagsabayan kahit sa mas lamang sa kaniya ng edad at kaalaman sa larangan ng swimming. Ito ay nagpapakita ng magandang halimbawa sa lahat ng mga manlalaro na hindi lamang medalya ang tunay na asam ng isang atleta kundi pagkakaisa at pagbibigay inspirasyon sa kapwa mag-aaral. Habang nakasabit sa kanyang leeg ang medalya, dala rin ni Kaylen ang aral na ang tunay na tagumpay ay nagsisimula sa paniniwala sa sarili maliit man ang katawan, ngunit malaki ang pusong lumalaban.

ma “pressure” doon at kahit sa ano mang bagay ay hindi na maiwasan ng karamihan na masambit ang salitang iyan. Sa konteksto ng pagiging estudyante, ito ay pagtukoy sa stress o tensyon na nararamdaman dahil sa mga gawain, assignments, at mga inaasahang tungkulin sa paaralan. Subalit hindi lamang ganito ka babaw ang kahulugan ng salita, ito ay maaaring hahantong sa malalang sitwasyon, kagaya na lamang ng anxiety, depression at kahit ang pagiisip ng pagpapakamatay ay posibleng mangyari. Subalit alam niyo bang kung may mga negatibong epekto ito, ay mas maraming solusyon na maari nating gawin upang ang nasabing kapahamakan ay maiwasan? at ang Isports ay ang

Bawat araw ay pagkakataon na lumaban sa hamon ng buhay, at bawat laban ay tyansa kung ano ang mga bagay na ating gagawin o pipiliin. Subalit sa usaping ito, piliin mo ang iyong sarili bago ang ano man, maglaan ng oras at panahon na ipahinga ang utak at sarili, makilahok sa sports at takasan

Ang pag-eensayo sa sports ay maaaring maging isang game changer para sa mga estudyante. Ito ay nakakapagpahina ng anxiety at nakakapag-boost ng kalusugang mental. Ang regular na ehersisyo ay naglalabas ng mga endorphin, na

kilala bilang mga “feel- good” hormone, na nakakapagpahina ng mga sintomas ng depression at anxiety.

Kaugnay dito, ay ang mga sumusunod na benepisyo sa pakikinabagi ng gawaing sports:

• Magpatibay ng kumpiyansa at Selfesteem.

• Palakasin ang team work at social connections

• Patatagin ang kakayahan sa pagpopokus at konsentrasyon

• Magpahusay ng creativity at problem-solving skills

• Bumuo ng kahulugan sa layunin at direksyon.

Higit sa lahat, ito ay maaaring magsilbi bilang isang support system, na nag-aalok ng isang ligtas na puwang para sa mga kabataan upang ipahayag ang kanilang sarili, kumilala ng mga kaibigan, at magpatibay ng resilience sa sarili. Ang kanilang kasamahan at mga tagapayo ay maaari maging mentor at modelo na magbibigay motibasyon at gumabay sa kanila upang magpatuloy.

Sa Pilipinas, ang ganitong mga inisyatiba tulad ng Sports Development Program ng Department of Education (DepEd) ay naglalayong itaguyod ang pisikal na edukasyon at ang pakikilahok ng mga mag-aaral sa sports.

Kaya kung ikaw hindi parin makausad sa labis na pag-iisip ng kung ano-ano, dala ng stress? Kilos na at makiisa. Ikaw ang responsable at unang makakasagip sa iyong sarili mula sa mga malalang kahahantungan ng labis na pressure at demand ng paligid.

Hikayatin ang sarili at ang mga kasamahan na makisali at matuklasan ang mga bagay na kayang baguhin at gawin ng sports sa sa ating buhay. Oras na upang piliin mo ang iyong sarili at bigyang prioridad.

Gymnastics

Matapos magpamalas ng lakas, ritmo, presisyon, at artistry sa ginanap na Qualci 1 Athletic Delegation Meet noong Nobyembre 29, nangibabaw ang Mahayag Central Elementary School (MCES) Gymnastics Team sa Aero Gymnastics Category na naghatid ng maraming medalya, at nagpapatibay sa championship standing ng paaralan.

Pinangunahan ni Nissan France N. Bongkayao ang team sa kategoryang Individual Men, Mix Pair, Trio, at Aero Dance kasama si Vashti Zyana C. Alasta sa Individual Women’s Category na Mix Pair, Trio, at Aero Dance. Naging hamon ang paligsahang ito sa team, kung saan ang bawat performance ay sinukat sa lakas, ritmo, at artistry ang mga manlalaro. Hindi rin nagpahuli ang ibang kuponan na ibigay ang kanilang galing na siyang nagpadagdag sa tension ng laro.

Umigting man ang kompetisyon, hindi ito naging hadlang na mag-standout sa Aero

Sa pinagsamang tibay ng depensa at mabilis na opensa, muling nanaig ang MCES Basketball Team at nagkamit ng gintong medalya laban sa Dumingag Elementary School School nitong Nobyembre 29 sa isinagawang Qualci 1 Athletic Delegation Meet 2025 sa Mahayag, Zamboanga del Sur. Ipinamalas ng Mahayag Central Elementary School basketball team ang kanilang husay at kagalingan sa basketball

sa tulong ni Coach Jestoni Rubia na siyang naging daan upang maipanalo at maangkin ang titulo kampeonato ngayong taon. Ang kanilang opisyal na Line-up ay pinangunahan nina Marc Villarmino, Ken Cider B. Tulipas, Marc Yuan T. Dela Peña, Xirchzmar Louize M. Barcinal na sinundan namn Nina Zyvin Skyler C. Saladaga, Randelle Jacob Galay, Zach Briant C. Ortega, Charls Marco L. Batoy, Jiven L. Gaabito, Kervey Jun M. Palen, Llandros G.

Alay, at John Romel Vincent G. Catacutan. Ang kanilang pagsusumikap ay nagbunga ng pagkapanalo at inaasahang maipapakita pa nila ang kanilang kagalingan sa darating na Provincial Meet. Pinatunayan ng mga batang atleta na ang tunay na husay at tapang ay hindi lamang nasusukat sa bilang ng medalya o tropeyo, kundi sa kanilang determinasyon, disiplina, at pag-asa sa kabila ng anumang hamon.

��Bless Lexus Siarez
��Jhonna Mae Powao
��Tracee Marie Clarion
��Charls Marco Batoy
��Chellany Adelfa

TAEKWONDO MCES

Taekwondo, Nangibabaw sa Mats

Back to back na kinamauhan ng Mahayag Central Elementary School ang mga katunggali sa Taekwondo Men’s Category nang ipamalas ni Juziel Roman ang strategic skills sa Kyurugi at dynamic moves ni Juan Paolo Vasquez sa Poomsae Category B, na nag-angat sa paaralan bilang isa sa mga top performing school sa ginanap na Qualci 1 Athletic Delegation Meet noong Nobyembre 29.

Sa bawat atake ni Juziel Roman hindi makahirit sa bilis at kilos ang kalaban na siyang nagging dahilan upang bansaging quick silver si Juziel sa kompetisyon.

Sa kabilang banda ng kompetisyon, mahusay na galaw at polidong routine naman ang ipinakita ni Juan Paolo Vasquez sa Poomsae Category B, na kung saan nakakuha siya ng mataas na marka dahil sa kanyang presisyon, balance, at maayos na porma.

“Sa mga sasali sa Pomsae, simulan nyo nang ma-inlove sa sayaw…kasi yung pagpopomsae ay para karing sumasayaw ehh pero may halong martial arts move” hirit ni Vasquez.

Nagpakitang gilas ang MCES Dance Sports Team sa kanilang Modern Standard Category performance, na nagdala sa paaralan sa tagumpay sa isinagawang Qualci 1 Athletic Delegation Meet 2025.

Kinatawan ng paaralan sina Chleo Amarilla, Climer Jr. T. Miral, Jessiel Mie P. Maata, at Kyle Jhyden Siarez, na nagpamalas ng pino at eksaktong footwork, tamang timing, at maayos na koordinasyon sa isa’t isa, na nagpatingkad sa kabuuang presentasyon ng MCES.

“Nangangawit nga ako noong tinudo ko na yung kamao ko sa kalaban eh. Pero kahit ganun man kontrolado mo parin katawan mo kasi isang mali lang ehh maaari kang mapahamak…yan yung bilin ni coach sakin..” ani Juziel.

MCES

Nagniningning ang

Mahayag Central School Athletics Team sa Qualci 1 Athletic Delegation Meet 2025 matapos mag-uwi ng sunodsunod na ginto at pilak na medalya sa kabila ng maputik at maulang kundisyon nitong Nobyembre Zamboanga del Sur. Pinangunahan ng Women’s Division ang medal haul sa pangunguna ni Jennifer Tibong na nagwagi ng ginto sa 100m, 200m, at

400m, pati sa 4×100 relay. Nag-ambag din ng ginto si Theresa Banquil sa Triple Jump, habang si Sarah Rible ay humakot ng ginto sa 200m at nagkaroon ng ambag sa 4×400 relay. Samantala, nagningning din si Ferly Ganoria matapos masungkit ang ginto sa Long Jump, pilak sa 400m, at mga medalya sa 4×100 at 4×400 relay.

Ang bilis, determinasyon, at matatag na loob ng mga babaeng atleta ang naghatid ng malaking karangalan sa MCES. Sa

Ang kanilang hilig at pagmamahal sa kanilang ginagawa ang nagdala sa kanila upang magtagumpay sa kanilang kategoryang sinalihan. Dahil diyan, ang kanilang panalo ay nag-angat sa MCES bilang isa sa mga top performing school sa kompetisyon.

loob ng dalawang araw na kompetisyon, malinaw na ipinakita ng koponan ang puso, sipag, at disiplina na sumasalamin sa kanilang bansag bilang Home of Champions, Heart of Future Legends.

Sa Elementary Boys Athletics, nanguna si Jeff Bontia Jr. matapos magwagi ng ginto sa Javelin Throw, 400m hurdles, High Jump, at 4×400 relay, at pilak sa 4×100 relay.

SUNDAN SA PAHINA 14

“Napakasaya po namin at naipamalas po namin ang aming sining sa pagsayaw

Ang Opisyal na Pahyagang Pangkampus
��Bless Lexus Siarez
��Barbie Niel Poquiz ��Chellany Adelfa

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Mahalimuyak_MCES_2026 by JINGKE ANN LINGATONG AYCO - Issuu