DIVISION READING CONGRESS: MCES, ipinagmamalaki ang mga gurong nagningning sa patimpalak
Lubos na ipinagmamalaki ng mga mag-aaral ng Mahayag Central Elementary School ang mga gurong nanalo sa isinagawang Kongreso ng Pagbabasa sa Dibisyon kamakailan lamang.
Tatlo na guro mula sa MCES ang nagwagi sa iba’t-ibang kategorya, na nagpapatunay sa kanilang dedikasyon at kahusayan sa pagtuturo ng pagbabasa.
Si Bb. Lovella E. Caylan guro sa Unang Baitang ay nagkamit ng unang gantimapala sa Best in Poster Presentation, si Gng. Jingke Ann L. Ayco guro sa Grade 2 ay nagkamit ng unang karangalan sa Best in
TAGUMPAY. Buong pusong ipinagmamalaki ni Jac Aeden B. Simblante ang karangalang natamo sa audisyon ng WCOPA.
SCHOOL SSES
BYAHENG CALIFORNIA
Batang Grade 2, magpapakitang-gilas sa WCOPA; Mag-aaral ng MCES, todo suporta
Isang pangarap na natupad para kay Jac Aedan Berondo Simblante, mag-aaral sa Grade 2 ng Mahayag Central School na mapili bilang kinatawan ng Pilipinas para sa pagmomodelo at pagkanta sa gaganaping World Championships of Performing Arts 2025 sa Long Beach Performing Arts Centre.
Ayon kay Aedan, masaya siya na maging isa sa mga kalahok sa prestihiyosong patimpalak ng mga talento sa buong
m thrilled to share that I’ve been chosen to represent the Philippines at the World Championships of Performing Arts (WCOPA), happening in Long Beach, California, USA. This is a dream come true for me, made possible by your love and support throughout my journey as a singer and modani Jac Aedan.
Bagama’t hindi siya nakasungkit ng unang karangalan sa papremyo ng patimpalak sa SM Little Stars, isang paligsahan sa pag-awit na ginanap sa SM Uptown, Cagayan De Oro City, ang kanyang paglahok ay nagsilbing tulay na mapuna sa mga hurado at nakapag audisyon sa WCOPA Philippines.
Sa ngayon, nananawagan ang kaniyang pamilya, paaralan at pamayanan ng suporta para panggastos sa kaniyang pagsali sa susunod na taon.
“To make this happen, I humbly seek your financial support to cover expenses like airfare, visa fees and other necessary fees. Any help sponsorships or contribution would mean the world to me. I promise to honor your generosity in my journey and performances,” dagdag pa ni Jac Aedan. (Nica Entera)
GANTIMPALA. Pinarangalan ang tatlong guro ng MCES kasama ang Punong Guro na si Dr. Ricky D. Mendoza at Tagamasid Pampurok ng Mahayag.
TOMO 19 BILANG 1
AGOSTO DISYEMBRE
2024
Community hospital, isinara; Mga residente, apektado
Matapos matuklasang lumabag sa mga regulasyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), nakapaskil ang ‘Open for bidding,’ sa harap ng LTMPC Community Hospital sa Mahayag, Zamboanga del Sur.
Ayon sa mga mag-aaral ng Mahayag Central School, lubos na naapektuhan ang mga residente ng nasabing pamayanan dahil malaking tulong sana ito para sa kanila.
“Malaking tulong ang nasabing hospital sapagkat hindi na namin kailangang pumunta pa sa malayong lugar. Dahil ito ay nasa bayan lang, madaling maisugod ang mga may kapansanan. Bukod pa rito, may mawawalan ng trabaho dahil sa pagsara nito,” ani Riden Barimbao.
Hiling ng mga mag-aaral ng MCES na sana ay maibalik ang nasabing ospital dahil ito ay may malaking benepisyo sa mga mamayan hindi lang sa kanilang pamayanan kundi pati na rin sa mga karatig bayan. (Quennie Anora)
MULING IBALIK
‘No Collection Policy’, binaklas; Koleksyon para sa diyornalismo, ibinalik
mga mag-aaral
Bagong pampublikong kolehiyo, hatid ay bagong pag-asa sa
Ikinatuwa ng ilan sa mga mag-aaral ng MCES-SSES ang pagbukas ng pampublikong kolehiyo lalong lalo na ang mga batang napabilang sa mahihirap na pamilya.
Ayon pa sa mga batang nakapanayam ng patnugutan, dahil sa pagbukas ng Zamboanga del Sur Provincial Government College ay hindi na sila pupunta pa ng malayong lugar para lang makapag-aral sa kolehiyo.
“Maganda rin naman ang kursong inoffer ng nasabing pampublikong kolehiyo dahil ito ay tungkol sa kompyuter at teknolohiya. Alam naman natin ngayon na in demand ang virtual assistant at ang ilan sa mga trabaho dito ay nangangailangan ng kasanayan sa teknolohiya,” pahayag ni Gng. Zyra Colcol. (Quennie Anora)
Upang solusyonan ang kakulangan sa pondo ng dyornalismo sa Paaralan ng Mahayag Central Elementary School SSES, muling ipinatupad ang koleksyon ng kontribusyon mula sa mga mag-aaral bilang tugon matapos tanggalin ang koleksyon noong nakaraang taon dahil sa pagbabago sa mga patakaran ng paaralan.
Ayon kay Gng. Zyra Z. Colcol, tagapayo ng pahayagang pampaaralan, malaki ang naging epekto ng striktong pagpapatupad ng polisiyang “No Collection Policy” dahil naubos ang pondo kaya’t naging malaking problema hindi lang sa pagpapalabas ng pahayagan kundi pati na rin ang pagpapadala ng mga batang manunulat na nagsipagwagi sa mga patimpalak.
“Natutuwa kami at buong-buo na ang desisyon ng aming punongguro na ibalik ang nasabing koleksyon dahil napipilayan talaga ang partisipasyon ng mga bata sa mga patimpalak,” pahayag ni Gng. Colcol.
Ipinaliwanag ni Dr. Ricky D. Mendoza ang punongguro ng MCES-SSES na ibinalik niya ang koleksyon dahil nabibigatan na ang paaralan sa paghahanap ng pondo para matustusan ang pangangailangan ng mga tagapayo at guro sa pagsali lalong lalo na sa mataas na antas ng kompetisyon. Ganunpaman, ipinahayag ng pamunuan na ang pagbalik ng koleksyon ay bunga ng masusing konsultasyon sa mga magulang at mag-aaral.
"Mahalaga ang dyornalismo dahil dito kami ay natututo ng tamang pamamahayag at napapanatili ang boses ng mga mag-aaral. Ito ay isang paraan para mahasa rin ang aming kakayahan sa pagsulat," sabi ni Joyce Faith Pamat manunulat ng Mahalimuyak.
Muling ilalabas ang ika-19 na isyu ng pahayagang pampaaralan sa Pebrero na tampok ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paaralan. (Apple Vine M. Belen)
PANUNUMBALIK. Pinunit ni Dr. Ricky Mendoza ang poster hudyat ng kanyang pagbalik sa koleksyon para sa dyornalismo .
3RD CLASS TO 1ST CLASS MUNICIPALITY
MCES Alumni, nagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral; Kontribusyon sa kaunlaran ng pamayanan, pinuri
Malaki ang naging kontribusyon ng mga alumni ng Mahayag Central Elementary School (MCES) sa paglago ng ekonomiya ng bayan, na ngayon ay may taunang kita na ₱209 milyon.
Ayon kay Grace Daroy, Municipal Treasurer ng Mahayag, ang kita ng bayan ay nagmumula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang real property tax, business tax, regulatory fees, at economic fees mula sa mga lokal na negosyo at imprastraktura na pagmamay-ari ng mga alumni ng paaralan.
“Ilan sa mga kilalang alumni ng MCES ang naging matagumpay na negosyante, at nagmamay-ari ng resort at malalaking lupain,” ani Gng. Zyra Colcol.
Bukod dito, ang lumalawak na industriya ng turismo sa Mahayag ay malaking bahagi ng kita sa business tax, kung saan ang alumni rin na si Vicente Mabanag ang may-ari ng Mabanag Resort na dinarayo ng mga lokal na turista.
Maliban pa rito, pagmamay-ari rin ni Loyd T. Monteadora isang alumni ng MCES ang tanyag na Mons Grill na nailathala sa Kapuso Mo Jessica Sojo noong Abril 8, 2018 dahil sa trending nitong halo-halo.
“Great food, like the famous pinakalami nga halo-halo" keeps customers coming back. It's also about consistent quality, strong community ties,
KAUNLARAN. Ibinahagi ni Gng. Grace Daroy ang mga dahilan ng paglago ng ekonomiya ng Mahayag.
and Brenda Monteadora's passion for creating a welcoming place for everyone.” ani Loyd.
Sa taong ito, nagbukas rin ang tindahan ng DIY na nakatulong rin sa mga mag-aaral upang magkaroon ng access sa mga murang kagamitan sa pag-aaral.
Patuloy naman ang suporta ng mga dating mag-aaral sa pag-unlad ng bayan sa pamamagitan ng pagbabayad ng regulatory at economic fees, kabilang ang permit fees, hospital fees, at kita mula sa water source. Inaasahan rin ang malaking pondong ilalaan sa edukasyon. (Quennie Anora)
Muling pag-usbong ng MCES sa larangan ng diyornalismo, kinilala ng paaralan, patnugutan
Matapos magretiro ang tinaguriang Reyna ng Dyornalismo ng MCES, naging malaking hamon ang pagpanatili ng mga karangalang naabot ng paaralan sa patimpalak ngunit sa taong ito, muling pinatunayan ng mga tagapayo na kaya nilang ibangon ang dangal ng paaralan.
Kampeon sina John Diro Majorenos sa News Writing at Mariah Alexandra Bongcawel sa Editorial Writing, pangalawa sina Jel Saint Antipuesto sa News Writing at Jeline Stephan Caliso sa Pagkuha ng Larawan, pangatlo si Kelly Divine Colcol sa Pagkuha ng Larawan, Psalm Ashleigh Cellan sa Science & Technology Writing, habang wagi naman sina Roece Albert Apale sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita, Jessiel Mae Maata sa Pagkuha ng Larawan.
Ipinaabot ng pamunuan at buong patnugutan ang kagalakang natamo dahil sa tagumpay ng mga manunulat.
Kayo ang nagbigay ng karangalan hindi lamang sa inyong sarili, kundi pati na rin sa inyong paaralan at komunidad. Patuloy kayong maging inspirasyon sa inyong mga kapwa kabataan. Mabuhay kayo, mga huwarang mamamahayag ng hinaharap,” malugod na bati ng Mahalimuyak FB Page. Ganunpaman, nagpasalamat rin ang punong tagapayo na si Gng. Zyra Z. Colcol sa mga kasamahan, punungguro, mga magulang at lokal na pamahalaan ng Mahayag sa suportang ibinahagi.
“Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga nanalo sa Division Schools Press Conference! Ang inyong tagumpay ay patunay ng inyong dedikasyon, talento, at pagsusumikap sa larangan ng pamamahayag.
“Sa naganap na Division Schools Press Conference 2025, muling pinatunayan ng lahat na sa pagkakaisa ay makakamit ang tagumpay. Nahihirapan ngunit naging possible ang pagbalik ng karangalan para sa Mahayag CES dahil sa pagtitwala at pagtutulungan.” ani Gng. Zyra Z. Colcol. (John Diro Majorenos)
BALIK DANGAL. Si Gng. Jingke Ann L. Ayco at kanyang manunulat na nag uwi ng karangalan matapos magkampeon sa Editorial Writing.
TOMO 19 BILANG 1
SK Chairman
nag-abot ng tulong sa paaralan; pangangailangan ng paaralan, natugunan
AGOSTO DISYEMBRE 2024
Nagbigay si SK Chairman Diangca ng 10 gallon na pintura para sa Mahayag Central Elementary School sa panahon ng Brigada Eskwela bilang solusyon sa problema ng paaralan sa paglikom ng pondo para sa pintura kaugnay sa isinagawang Brigada Eskwela.
"Ako ay nagpapasalamat sa pagkakataon na makatulong sa pagpapabuti ng ating paaralan. Ang edukasyon ay susi sa pag-unlad ng ating komunidad," ani SK Chairman Diangca.
"Ang mga magulang, guro, at mga opisyal ng paaralan ay nagkaisa upang maisakatuparan ang proyektong ito," ani Dr. Ricky D. Mendoza, RME, isang opisyal ng paaralan.
Proyektong palikuran sa bawat klasrum, isinagawa
LABAN KONTRA DENGUE
Pagtaas ng kaso ng dengue, napigilan; Opisyal, tanod ng barangay, nagkaisa
Mahayag, Zamboanga Del Sur - Isang katibayan ng pagmamalasakit ang hakbang na ginawa ng mga opisyal at barangay tanod ng Poblacion ng Mahayag ayon kay Felix Ryan J. Fanilag ang Punong Barangay kaugnay sa pagkakaroon ng clean-up drive sa Mahayag Central Elementary SchoolSSES noong Setyembre 27.
Ito ay isang hakbang ng mga tanod upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na dengue sa lugar dahil sa apat na kabataan na ang nagkasakit ng dengue.
Layunin din nito ang pagtitiyak na malinis at maging ligtas ang kapaligiran ng mga mag-aaral at residente.
"Mahalaga na magkaroon ng malinis na kapaligiran upang maprotektahan ang kalusugan ng mga residente, lalo na ang mga bata. Ang paglilinis na ito ay paraan ng pagpapakita ng pagmamalasakit ng mga tanod sa komunidad,” ani Felix Ryan J. Fanilag, Punong Barangay ng Mahayag
Bukod sa paglilinis, nagbigay din ng kaalaman ang mga tanod tungkol sa mga paraan ng pag-iwas sa dengue at namigay din sila ng mga flyer at nagkaroon ng mga talakayan sa mga mag-aaral at residente tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran at mga hakbang ng pag-iingat.
Nagbigay pugay rin ang mga mag-aaral dahil sa isinagawang clean-up drive na patunay ng pagkakaisa ng komunidad ng Mahayag sa pagharap sa mga hamong pangkalusugan at nagpasalamat sila sa mga tanod na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan. "Ang paglilinis na ito ay hindi lamang para sa kalusugan ng mga mag-aaral kundi para sa buong komunidad. Sana'y magpatuloy ang pagtutulungan ng lahat upang mapanatili ang kalinis at ligtas na Mahayag." ani Konsehal Ricky Dago-oc.
(Elmaica Geloca)
Bilang sagot sa maayos na drainage system, naglunsad ng proyekto ang Mahayag Central Elementary SchoolSpecial Science Education School (SSES) upang magkaroon ng mga palikuran (CR) sa bawat silid-aralan.
Nagkaisa ang mga magulang at guro sa isang proyekto na magtatayo ng mga CR sa bawat classroom at nagkaroon ng ₱530 bilang kontribusyon para sa proyektong ito. "Ang mga magulang at guro ay nagkaisa upang maisakatuparan ang proyektong ito. Nagpapakita ito ng pagmamalasakit ng mga magulang sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga mag-aaral," ani Dr. Ricky D. Mendoza, RME, isang opisyal ng paaralan.
Nagpasalamat ang pamunuan ng paaralan sa mga magulang at sa lahat ng nakilahok sa proyekto dahil natapos na ang
BAGONG SIMULA. Sinimulan na ang proyekto ng paaralan na palikuran sa bawat klasrum bilang sagot sa suliranin sa drainage system,
PAG IWAS. Nagkaisa ang mga opisyal ng barangay upang tugunan ang kaso ng dengue sa paaralan.
LITTLE MISS ZAMBOANGA DEL SUR
Kauna-unahang korona ng Mahayag, nasungkit
Kinoronahan si Leandra Jen Ruben Padilla bilang bagong Little Miss Zamboanga del Sur sa taunang patimpalak na ginanap sa Dao, Pagadian City.
Ito ang unang korona ng Mahayag para sa nasabing patimpalak na nasungkit ng batang nagmula sa Purok 3, Poblacion, Mahayag, Zamboanga del Sur ay nagwagi sa gitna ng iba pang mga magaganda at mahuhusay na kandidata.
Si Leandra Jen Ruben Padilla ay nagpakita ng kanyang talento at kagandahan sa iba’t ibang kategorya ng patimpalak , kabilag ang Best in Fairytopia.
Ang kanyang kagandahan, katalinuhan at pagiging mahusay ay nagbigay sa kanya ng karapatan maging bagong Little Miss Zamboanga del Sur.
Bilang bagong Little Miss Zamboanga del Sur, Si Leandra ay magiging isang kinatawan ng kagandahan, katalinuhan, at kabutihan ng lalawigan.Inaasahan na magiging isang inspirasyon siya sa mga kabataan at magiging isang aktibog tagapagtaguyod ng mga programa para a kabutihan ng lahat.
Ang patimpalak ay dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan, Hon. Manuel T. Saladaga, Vice Mayor Lester Ace S. Espina, SB Membes, Tourism Department, DepEd, Business Sector, Barangay Officials , LGU Mahayag Employees Designer Jhay Shwan at HMUP FEL TER, mga magulang , Sir
‘
Leonardo Mendez Padilla,Jr. Ma’am Jeneffer Apale Ruben Padilla at mga taga suporta ng mga kandidata.
Ibinahagi naman ng mga magulang ni Leandra ang kanilang pasasalamat dahil sa natamo niyang tagumpay.
Nagsaya at nagdiwang sa tagumpay ang buong Mahayag dahil nasungkit nito ang bagong titulo ng Little Miss Zamboanga del Sur.
Ang nasabing patimpalak ay dinaluhan ng mga iba’t ibang kalahok mula sa 26 na munisipalidad ng Zamboanga del Sur.
Quennie Anora)
KARANGALAN. Nauwi ng pambato ng Mahayag ang titulo sa Little Miss Zamboanga del Sur 2025.
FUTURE SCIENTISTS’
ng MCES, lalahok sa National Science
Quest and Technology Fair sa Baguio
Labis na ikinagagalak ng MCES at Brgy. Poblacion, Mahayag ang balitang kwalipikado ang ilang batang elementarya para sa nalalapit na National Science Quest at Technology Fair na gaganapin sa Baguio City.
Ang kanilang pagiging kwalipikado ay hindi lamang isang tagumpay para sa ka-
nila, kundi isang patunay din ng dedikasyon ng paaralan at lokal na pamahalaan sa pagangat ng edukasyon sa siyensa.
Ang mga “ future scientists” na ito, pinangungunahan ni Zyra Z. Colcol,MT I, tagapayo ng Sci-Photojourn at Rhea Jean D. Dapat,TI, tagapayo ng Sci Poster Making ay nagpapakita ng kanilang pagkamalikahain , kritikal na pag-iisip at determinasyon ay kapuri –puri at nagbibigay inspirasyon sa iba pang mga kabataan.
Ang mga batang mananaliksik sa MCES ay kinabibilangan nina Levin Jude V.Rosales,6 ,1st Sci Photojournalism, Clifford M. Cabasas, 2, 1st Sci- Poster Making, Cian Brendell G. Kwong,4, 2nd –SciQuiz, tagapayo Leah Melissa P. Saquin, Kelly Devine Colcol-3rd Sci-Photojourn tagapayo Zyra Z. Colcol, Ralf Gaven C. Aranjuez 3rd –Environmental Quiz, tagapayo
Lindly C. Dapitan, Jeline Stephan Caliso,Vrianna Chloe Terez, Angelie Rose Suiso, 3rd –Science Spotlight Competition,Jac Aedan Simblante,2, 2nd on the spot painting, Julian Paolo E. Vasquez,3, 2nd –Science quiz Grade 3, Ruzenjer B. Ramos,3, 4th, on the spot painting, Zyvin Skyler C. Saladaga,4,5th on the spot painting, Mariah Alexandra B.Bongcawel,6, 2nd SCI Quiz Bee, Jan Rhinexa A. Caylan 1, 2nd On the spot painting , tagapayo Lovella Caylan , Climer Jr. T. Miral ,4,3rd at Christine Chleo Amarilla ,5,5th Sci Writing Essay ( Filipino),tagapayo Dionilet T. Miral , John Max O.Salomon,6, 6th Tower of Hanoi, tagapayo Felix C. Saberon . Pinatunayan nila na ang dedikasyon, kasipagan at pagkamalikhain ay susi upang makamit ang tagumpay sa mga patimpalak na ito.
(John Diro Majorenos)
EDITORYAL
TOMO 19 BILANG 1
Takdang oras sa pagpapauwi ng mag-aaral, dapat regulahin
AGOSTO DISYEMBRE 2024
Ang isyu ng maagang pag-uwi ng mga magaaral mula sa paaralan ay isang usaping may malalim na epekto at nagdudulot ng magkakaibang pananaw mula sa mga guro, magulang, at mga estudyante. Bagamat may mga positibong aspeto ang maagang uwian, hindi rin maikakaila na may mga hamon itong kaakibat na nangangailangan ng masusing pag-iisip at pagsusuri upang makuha ang pinakamainam na balanse.
Ayon sa DepEd Order 010, s. 2024, na naglalaman ng mga Policy Guidelines on the Implementation of the MATATAG Curriculum, itinatakda ang mga oras ng pagtuturo para sa bawat asignatura mula Kindergarten hanggang Grade 10. Ang mga oras na ito ay bahagi ng recalibrated time allotment upang matiyak ang tamang atensyon sa mga pangunahing asignatura habang binabalanse ang kabuuang oras ng klase, upang maiwasan ang sobrang pagka-overload ng mga mag-aaral. Layunin ng bagong kurikulum na itaguyod ang
PATNUGUTAN
Punong Patnugot: Apple Vine M. Belen
Katuwang na Patnugot: Jeline Caliso
Patnugot na Balita: Quennie Faith Añora
Patnugot ng Lathalain: Christine Chleo Amarilla
Patnugot ng Palakasan: Zach Santillan
Patnugot ng Sining: Riden Barimbao
kalidad ng edukasyon at isaalang-alang ang holistic development ng mga mag-aaral, hindi lamang sa mga akademikong aspeto kundi pati na rin sa kanilang personal na paglago at kalusugan.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng maagang pag-uwi ng mga mag-aaral ay ang pagbibigay ng mas maraming oras para magpahinga at makipag-bonding sa kanilang pamilya. Malaking benepisyo ang hatid nito sa mga bata dahil nagkakaroon sila ng oras upang magsagawa ng mga extracurricular activities tulad ng sports, musika, o iba pang hobbies na mahalaga sa kanilang mental at pisikal na kalusugan. Ang pagkakaroon ng mas maraming oras sa bahay ay nagiging pagkakataon din upang magtutok sa kanilang mga aralin, nang hindi nakakaramdam ng labis na pressure, na nagreresulta sa mababang stress levels at mas balanseng kalusugan ng isip at katawan.
Litratistang Mamamahayag:
Chazz Liam P. Secoya
Tagapayo ng Pahinang Balita
Marie Rose Sarmiento
Maricel Pampilo
Tagapayo ng Pahinang Editoryal
Jingke Ann Ayco
Mark Kenny Sande
Subalit, may mga aspeto ng maagang uwian na nangangailangan ng masusing pagiisip. Kung hindi wasto ang pamamahagi ng oras, maaari itong magdulot ng mga hindi produktibong gawain, tulad ng labis na paggamit ng gadgets o panonood ng TV. Sa kabilang banda, para sa mga magulang na parehong nagtatrabaho, nagiging isang malaking hamon ang pagbabantay sa kanilang mga anak na maagang umuuwi, kaya't may mga pagkakataong sila ay nag-aalala tungkol sa kaligtasan at pang-akademikong pagunlad ng kanilang mga anak.
Ayon kay Teacher Darlene A. Jagdon, isang guro sa unang baitang ng Mahayag Central Elementary School, nakakatulong ang maagang pag-uwi upang mabigyan ang mga bata ng pagkakataon na maglaro at makipagbonding sa pamilya, at para na rin magamit ng mga guro ang natitirang oras upang tapusin ang kanilang mga gawain sa paaralan. Isa pang aspeto na kailangang isaalangalang ay ang posibilidad ng pagkakaroon ng mas maiikli at limitadong oras ng pag-aaral sa paaralan. Ang maagang pag-uwi ay maaaring magdulot ng kakulangan sa oras na dapat ay ilaan sa mas malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga asignatura. Ang pagbawas ng oras ng klase ay naglalagay ng dagdag na pressure sa mga guro na magplano ng mas episyente at mas sistematikong mga leksyon upang matiyak na hindi naapektuhan ang kalidad ng edukasyon at naabot ang mga layunin sa kurikulum.
Sa huli, ang desisyon kung ang maagang pag-uwi ng mga mag-aaral ay nakakatulong o hindi ay nakadepende sa tamang balanse sa pagitan ng oras sa paaralan at oras sa bahay. Ang kooperasyon ng mga guro, magulang, at pamahalaan ay mahalaga upang masigurado na ang polisiya ng maagang pag-uwi ay tunay na magdudulot ng benepisyo sa mga magaaral, at hindi magiging sagabal sa kanilang pang-akademikong pag-unlad at pangkalahatang kapakanan. Ang paglikha ng mga malinaw na alituntunin at pagbibigay ng sapat na suporta ay napakahalaga upang matiyak na magiging positibo at makatarungan ang epekto ng mga hakbang na ito.
Tagapayo ng Pahinang Lathalain
Zyra Colcol Leah Melissa Saquin
Tagapayo ng Agham at Teknolohiya
Lindly Dapitan Dionilet Miral
Tagapayo ng Pahinang Isports
Sheryl Salomon Ruena Sayago
Punongguro: Dr. Ricky D. Mendoza
Mother Tongue; Pagtibayin huwag alisin
LINAWIN NATIN
Gheane R. Almodal
Sa paglagda ng Republic Act 12027, isang makabuluhang pagbabago ang naganap sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ito’y naglalayon na ititigil na ang paggamit ng 'mother tongue' bilang pangunahing medyum ng pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ang batas na ito, na nag-aamyenda sa Enhanced Basic Education Act of 2023, ay nagdudulot ng alingawngaw sa hanay ng mga guro, magulang, at mga tagapagtaguyod ng edukasyon.
Ang pangunahing layunin ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) na nakapaloob sa naunang batas ay mapabuti ang kakayahan ng mga bata sa pagbasa at pagsulat sa kanilang sariling wika, na sa kalaunan ay magiging pundasyon para sa kanilang pagkatuto ng iba pang wika, gaya ng Filipino at Ingles. Sa ilalim ng MTB-MLE, mas nagiging madali para sa mga bata na maunawaan ang mga konsepto at ideya, dahil ito ay naipapahayag sa wika na kanilang natural na ginagamit sa araw-araw.
Ayon sa pag-aaral ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) , this is crucial, especially in
primary school to avoid knowledge gaps and increase the speed of learning and comprehension. Sa tuluyang pagpatigil ng implementasyon nito sa paaralan ay magdudulot ito ng pagkabansot sa pagpakatuto ng mga bata na siyang magiging hadlang sa pagpapatuloy na paghahanap ng solusyon sa suliranin ng pagbasa at pag intindi. Sa pagsasabatas nito, para na ring nagwaldas ng pera ang gobyerno, dahil may nakalaan na itong pondo, masasayang lamang ang mga librong naimprenta at ang mga perang ginamit para sa pagpapatupad ng MTB-MLE na subject.
Giit ng Teachers Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, totoong may mga problem ana kinakaharap sa pagpapatupad ng MTB-MLE, ngunit ito ay masosulusyunan sana ng wastong paglalaan ng baydyet.
Samantala sa Mahayag Central Elementary School, malaki ang naidulot ng Mother Tongue Based Based instruction lalo na sa mga batang nahihirapan bumasa at umintindi sa kanilang binabasa. Sa katunayan ayon kay G. Sande, isang guro ng MCES, napapaunlad ang paghubog ng foundational skills ng kanyang mga bata sa Kindergarten kasi naipapahayag at nasasaisip ng kanyang mga bata ang kanilang leksyon kasi naayon ito sa kanilang linggwaheng ginagamit.
Gayunpaman, walang permanente sa mundong ito kundi ang pagbabago. Hind-
Sapat para sa lahat
TUNAY AT KARAPATDAPAT
Ang mga batang may special needs ay may mga natatanging pangangailangan na hindi laging nabibigyan ng sapat na atensyon at suporta sa ating lipunan. Sa kabila ng mga pagsisikap ng mga paaralan at pamahalaan, marami pa ring hamon ang kinahaharap ng mga magulang at guro upang matiyak na ang mga batang ito ay makatatanggap ng pantay-pantay na oportunidad sa edukasyon at pag-unlad.
Sa ilalim ng inclusive education na layunin ng DepEd, tinatangka ng sistema ng edukasyon na isama ang mga batang may special needs sa mga regular na klase at matulungan silang magtagumpay sa akademiko Ngunit sa kabila ng mga patakaran at programang ito, may mga kakulangan pa rin na kailangang punan upang matiyak na ang bawat bata, anuman ang kanilang
kondisyon, ay nabibigyan ng pantay na pagkakataon na matuto.
Ang unang hakbang sa pagbigay suporta ay ang tamang pag-unawa sa mga pangangailangan ng bawat bata. Hindi sapat na makita lamang ang kanilang kondisyon; kailangang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga natatanging pangangailangan upang matulungan silang magtagumpay. Mahalaga rin na magkaroon ng mga kagamitan at mga pamamaraan na makakatulong sa kanilang pagkatuto, tulad ng mga visual aids, teknolohiya, o personalized na mga aralin.
Ang mga magulang ng mga batang may special needs ay may malaking responsibilidad din sa kanilang pag-unlad. Sila ang unang guro at gabay ng kanilang mga anak, at dapat silang mabigyan ng sapat na kaalaman at mga resources upang masuportahan ang edukasyon ng kanilang anak.
TOMO 19 BILANG 1 AGOSTO-DISYEMBRE 2024
masama ang pagsunod sa mga pagbabagong nagaganap, ngunit dapat isaalangalang ang kapakanan ng bawat batang pilipino lalong lalo na sa usapin ng edukasyon. Lingid ng bawat isa sa atin na tayo ay nasa panghuli sa antas ng pagbabasa sa ginanap na Programme for International Student Assessment (PISA).
Sa huli, isang panawagan kay Sec. Sonny Anggara at sa lahat ng mga mambabatas na sana ay pag isipan at pakinggan ang mga boses at opinyon ng mga guro na siyang tagapagpatupad ng nasabing batas bago gumawa ng hakbang na alisin at mag rebisa ng mga batas lalo na sa sektor ng edukasyon. Pagtounan din ng pansin ang nakakaalarmang pagbaba ng antas ng pagbasa ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagpapatibay sa mga pangunahing kasanayan na dapat linangin ng mga mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang Grade 3.
Pinagtibay nalang kung ano ang nasimulan para makita ang kahahatnan, hindi yung pabago bago na wala pang kasiguruhan kung hanggan saan at kailan.
Sa kabilang banda, ang pamahalaan at mga lokal na komunidad ay may malaking bahagi sa pagbibigay ng mga kinakailangang serbisyo at pasilidad. Ang mga espesyal na paaralan at mga serbisyo tulad ng speech therapy, occupational therapy, at psychological counseling ay mahalaga upang matulungan ang mga batang may special needs na magtagumpay sa kanilang mga pag-aaral at maging matagumpay na bahagi ng lipunan.
Ang pagkakaroon ng isang lipunan na tumutulong at nagmamalasakit sa mga batang may special needs ay isang hakbang patungo sa mas inklusibo at makatarungang komunidad. Hindi natin dapat ituring na isang hadlang ang kalagayan ng mga bata kundi isang pagkakataon upang itaguyod ang kanilang mga kakayahan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat makakamtan natin ang isang edukasyong patas para sa lahat.
Sa huli, ang tunay na pag-unlad ay nangyayari kapag ang bawat bata ay nabibigyan ng pagkakataon na magtagumpay at maging bahagi ng isang lipunang handang magsuporta sa kanilang pangarap.
Vrianna Chloe Terez
Susi sa hinaharap na panganib
batas na ito ay maaaring magsilbing daan para sa mga kabataan at pre-teens na hindi pa alam ang tama.
HARAP HARAPAN
Vrianna Chloe Terez
Ang pagsusuri ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa programa nitong Comprehensive Sexuality Education (CSE) ay nagpasimula ng mga debate ukol sa pagsasama ng edukasyon at mga pagpapahalagang Pilipino. Ang mga paratang ng nilalaman na para sa edad 18 pataas, kabilang ang "maagang masturbasyon sa kabataan," na ibinangon ng mga konserbatibong grupo ay nagpaigting ng pagsusuri, na nag-udyok sa DepEd na muling suriin ang mga alituntunin nito. Talagang nakalulungkot malaman na ang pagkabirhen ng maraming kabataang Pilipino ay nawala sa murang edad.
Ang “sex education” ay mahalaga sa pagtugon sa mga kagyat na suliraning panlipunan tulad ng maagang pagbubuntis o sexually transmitted infections (STI). Pinangunahan ni Senador Risa Hontiveros ang Senate Bill No. 1979 na may layuning malutas ang mga isyung ito sa pamamagitan ng edukasyon; isinasama ang CSE bilang mahalagang kasangkapan para sa pagpapalakas ng kabataan at nagbibigay-kaalaman na paggawa ng desisyon. Ang panukalang
Sarbey
Para sa mga kabataan, nakikipagtalik sila para sa personal na kasiyahan; ito ay dahil sa kawalan ng balanse ng mga hormone na nagdudulot ng pita ng laman. Kadalasan, ang kanilang murang isipan ay hindi kayang kontrolin ang pagnanasa at nagsisimulang makipagtalik sa kapwa kabataan. Oo, maaaring magdulot ng kasiyahan ang pakikipagtalik minsan, ngunit kung gagawin ito nang hindi kasal o, mas malala, sa murang edad, maaaring makaranas ng negatibong resulta. Mahirap talagang labanan ang pita ng laman, ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi natin dapat itong labanan.
Kapag ang mga mag-aaral na wala pang 18 taong gulang ay nakikipagtalik, malaki ang posibilidad na sila ay maadik at gawin ito nang regular. Dahil sa pagbabagong ito sa pag-iisip, mas iniintindi ng mga magaaral ang pakikipagtalik kaysa sa kanilang pagganap sa paaralan. Ang kinabukasan ng bata ay magiging madilim dahil sa hindi malusog na gawi na kanilang kinagigiliwan. Gaya ng nangyari sa isang estudyante ng Mahayag Central Elementary School, na sa murang edad ay napilitang huminto sa pagaaral matapos siyang mabuntis, isang malinaw na halimbawa ito ng mga hamon at suliraning dulot ng maagang pagbubuntis sa Kabataan. Kaya hindi natin dapat hayaang
madaig tayo ng pita ng laman kahit na mahirap itong labanan.
Bukod dito, ang pakikipagtalik ng kabataan ay maaaring magresulta sa mga pisikal na suliranin. Ang maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng pag-drop-out sa paaralan, pagpapatiwakal, o aborsyon. Maaari rin itong magdulot ng STI (Sexually Transmitted Infection) na bihirang magamot. Upang mapigilan ito, kailangan nating kumilos agad. Dapat nating pahalagahan ang hakbang ng DepEd sa pagpapababa ng kaso ng pakikipagtalik sa murang edad, dahil ito ay susi o solusyon sa mga panganib na kakaharapin ng ating mga mag-aaral. Bilang mga mamamayan ng Pilipinas, dapat nating akuin ang responsibilidad sa usaping ito. Ang mga matatanda, lalo na ang mga magulang, ay dapat bantayan ang kanilang mga anak at turuan sila tungkol sa sekswalidad. Ang mga kabataan, lalo na sa senior high school, ay dapat labanan ang kanilang pita ng laman. Kapag tayo ay nagkaisa, ang kinabukasan ng ating bansa ay huhubugin tungo sa mas mabuting bersyon ng sarili nito. Dapat nating laging tandaan na ang pagmamahal ay di makasarili at nagbibigay ng sustansya sa kaluluwa, samantalang ang pita ng laman ay makasarili at padalos-dalos.
Sang-ayon ka ba sa pagpapatupad ng komprehensibong sex education sa mga paaralan bilang bahagi ng kurikulum upang bigyang kaalaman ang kabataan tungkol sa responsableng sekswalidad, kalusugan, at pagiwas sa mga suliranin tulad ng maagang pagbubuntis at sexually transmitted infections? Bakit o bakit hindi?
“Opo, dahil makakatulong ito sa mga mag-aaral na magkaroon ng tamang impormasyon tungkol sa pisikal, emosyonal, at mental na aspeto ng sekswalidad, na nagbabawas ng maling paniniwala o impormasyon.”
- Vrianna
“Sang-ayon po ako dahil ang tamang kaalaman sa kontrasepsyon at responsableng pakikipagrelasyon ay maaaring magpababa sa mga kaso ng teenage pregnancy.”
- Chezed
“Hindi ako sanga-ayon dahil posible itong magdulot ng kalituhan o maling interpretasyon kung hindi wastong naihahanda ang guro o ang kurikulum. Medyo masilan pa naman ang usaping ito kaya hindi ako sang-ayon.”
- Vashti
“Hindi po, dahil ang ibang pamilya ay maaaring magturing na ang sex education ay laban sa kanilang tradisyunal na paniniwala o relihiyosong aral. Baka magkagulo lang dahil may mga magulang na tutol dito”
- Amhia
“Sang-ayon po ako dahil sa pamamagitan ng pagtalakay sa ligtas na pakikipagtalik at mga panganib ng sexually transmitted infections, mababawasan ang pagkalat ng mga sakit. Bilang bata ay magkakaroon kami ng maagang kaalaman sa usaping ito”
- Marjorie
“Sang-ayon ako sa hakbang na ito. Ngunit hindi lang sana kaming mga kabataan ang turuan. Dapat rin maturuan ang mga magulang namin kung paano kami gabayan sa aspeting ito. Sila pa rin ang isa sa may malaking ambag sa paghubog ng aming bukas.”
- Riden
TOMO 19 BILANG 1
AGOSTO DISYEMBRE 2024
HALO-HALONG SARAP, #IKMJS NA YAN
Tikman na ang halo-halong tumatak sa karamihan
Sino ang mag-aakalang ang isang simpleng halo-halo mula sa bayan ng Mahayag, Zamboanga del Sur ay magiging tanyag hindi lamang sa kanilang lugar kundi sa buong Pilipinas? Ang Mon’s Grill, pag-aari ni Loyd T. Monteadora, ay isa sa mga pinakahinahangad na kainan sa bayan, lalo na dahil sa kanilang sikat na halo-halo na naging tampok pa sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong Abril 8, 2018.
Itinatag noong Abril 10, 2013, ang Mon’s Grill ay hindi lang isang ordinaryong kainan ito ay naging bahagi na ng kultura at kasaysayan ng Mahayag. Ang kanilang "pinakalami nga halo-halo" ay patuloy na binabalik-balikan dahil sa perpektong timpla ng lasa, sariwang sangkap, pino at malambot na yelo, at masaganang toppings. Hindi lang ito isang pagkain kundi isang karanasang nagpapasaya sa bawat kumakain. Bukod sa pagkain, ang maaliwalas at mainit na pagtanggap sa mga parokyano ang dahilan kung bakit hindi nawawala ang interes ng mga tao sa Mon’s Grill.
Sa kasalukuyan, si Loren Monteadora, na
TOMO 19 BILANG 1 AGOSTO-DISYEMBRE 2024
isa ring dating mag-aaral ng Mahayag Central Elementary School (MCES), ang namamahala sa Mon’s Grill.
Ipinagpapatuloy niya ang pamana ng kanyang ina, si Brenda Monteadora, na may dedikasyon sa kalidad, mahusay na serbisyo, at pagmamahal sa lokal na komunidad. Ayon kay Loren, ang pangarap niya ay mapanatili ang mataas na pamantayan ng kanilang halo-halo at gawing isang lugar ang Mon’s Grill kung saan nabubuo ang magagandang alaala. Ang tagumpay ng Mon’s Grill ay hindi lang isang inspirasyon para sa mga negosyante kundi isang patunay na ang simpleng produkto, kapag ginawa nang may puso at kalidad, ay maaaring magdala ng malaking pangalan at dangal sa isang bayan.
“Ipinagmamalaki ko talaga bilang isang naninirahan sa Mahayag ang halo-halo ng Mons Grill. Ito ay talagang binabalik-balikan ng mga bisita. Hindi ko maihahalintulad ang halo-halo ng Mons Grill sa iba. Sapagkat napakasarap nito,” ani Vriana, mag-aaral ng MCES.
(Christine Chleo Acaylar Amarilla)
Mabanag Spring Resort: Likás na Ganda at Tagumpay ng Komunidad
Sa loob ng siyam na taon, ang Mabanag Spring Resort, pagmamay-ari ni Vicente Mabanag, ay naging isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga turista at lokal na residente sa kanilang bayan. Ang tagumpay nito ay hindi lamang dahil sa ganda ng lugar kundi pati na rin sa iba’t ibang salik na nag-aambag sa patuloy nitong paglago at kasikatan.
Isa sa pinakamalaking dahilan ng tagumpay ng resort ay ang magandang lokasyon nito. Matatagpuan ito sa isang tahimik at natural na kapaligiran, malapit mismo sa isang bukal. Ang likas na tanawin at preskong hangin ay nagbibigay ng nakakarelaks na karanasan sa mga bisita, na siyang dahilan kung bakit ito patuloy na dinadayo. Isa pang natatanging tampok ng Mabanag Spring Resort ay ang natural na spring water na dumadaloy mismo sa mga swimming pool nito. Dahil dito, nagiging
eco-friendly at therapeutic ang karanasan ng bawat bisita, isang aspeto na bihira lamang makita sa ibang resort.
Bukod sa ganda ng lugar, ang mahusay na serbisyo na inaalok ng resort ay isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit ito tinatangkilik. Ang kanilang maasikasong staff, malinis na kapaligiran, maayos na accommodation para sa overnight stays, at masarap na pagkain ay ilan lamang sa mga katangian na hinahanap-hanap ng mga parokyano.
Dahil dito, marami sa kanila ang bumabalik at nagrerekomenda ng resort sa kanilang pamilya at kaibigan. Malaki rin ang naitulong ng mabisang marketing at promosyon sa tagumpay ng Mabanag Spring Resort. Sa pamamagitan ng social media at suporta mula sa lokal na pamahalaan, mas marami ang nakadiskubre ng resort. Abot-kaya rin ang
presyo ng entrance fee, accommodation, at iba pang amenities, kaya naman mas maraming tao ang naaakit na bisitahin ito.
Sa kabuuan, ang Mabanag Spring Resort ay hindi lamang isang lugar ng kasiyahan at pagpapahinga kundi isang simbolo rin ng tagumpay na nakaugat sa likas na yaman, maayos na serbisyo, at matibay na ugnayan sa komunidad. (Ralf Aranuez)
TOMO 19 BILANG 1
DAKILANG GABAY
Sakripisyo ng isang guro’t ina
AGOSTO DISYEMBRE 2024
Pagod ka na ba? Gusto mo na bang sumuko? Iilan sa mga katanungan pasanpasan nina Maam at Sir. Sakit at pagod hindi iniinda kung ang kapalit ay kasiGurohan sa mga mag-aaral at pamilya.
Sabay-sabay kaming bumangon, kitangkita sa mga mata at balikat ni mama ang pagod at hirap ngunit pilit na nagpakatatag dahil kailangan. Siya pa ang maghahanda ng baon namin kasi wala po kaming papa. Nag-iisa lang po siyang bumuhay sa amin. Ako’y nasasaktan at naawa sa aking mama sa pang araw-araw na gawain. Kahit hindi sinabi ni mama pero ramdam ko ang kaniyang kahirapan. Pagdating niya sa paaralan, nakita ko rin kung paano niya pinahahalagahan ang pagiging guro. Minsan kasi wala kaming pasok sumama ako sa kanya. Grabi ang pagbibigay niya nang pag-aaruga sa kanyang mga mag-aaral, ibinigay din niya lahat para matuto ang mga bata, kahit oras ng tanghalian ito sana ang oras sa pagpahinga pero hindi dahil nagpababasa pa siya sa mga bata na hindi marunong bumasa. Pagkatapos gumawa na naman ng mga reports na kailangan din niyang tapusin kaagad. Pagdating sa bahay ginawa pa niya ang mga gawaing bahay. Inaasikaso pa kami ni mama sa aming mga takdang-aralin. Pagkatapos ay maghahanda
siya ng mga ppt at mga visual materials para sa kanyang mga mag-aaral kinabukasan. Namangha ako sa kakayahan ni mama na pagsabayin kami nang kanyang mga mag-aaral. Grabi parang pasan ni mama ang buong mundo. Pero nakayanan pa rin niyang gawin ito parang si superwoman. Kahanga-hanga talaga siya dahil sa dami ng kanyang ginawa binigyan pa niya kami ng oras para sa kanyang pamilya. Napakaswerte namin ni mama, abot taingang ngiti namin dahil si mama andyan palagi sa amin, sa kahirapan man o kasiyahan. Ganyan si Mama.
Akala ko ang pinakasimple na trabaho ay ang pagiging guro. Nagkakamali pala ako dahil dahil si mama ay Maam at nakita ko ang pagiging guro niya. Sana masuklian din ang pagod niya at makakaraos din siya sa
buhay na kanyang pinangarap at inaasamasam. Kaya bigyang pugay natin ang mga guro dahil kinaya nila lahat. Sila ang dakilang gabay.
(Zulliana Espinosa)
BINHI NG PAGBABAGO: MODELONG GURO NG MCES
Si G. Sande, isang guro sa kindergarten ng Mahayag Central Elementary School, ay pumasok sa kanyang magulo at maruming silid-aralan. Nakakalat ang mga gusot na papel, mga kahon ng juice, at mga balot ng biskwit!
Napabuntong-hininga siya. "Paano kung lahat ng silid-aralan ay ganito?" naisip niya. "Hindi maganda ito para sa ating mundo!
Gusto ni G. Sande na turuan ang kanyang mga estudyante kung paano maging mga bayani ng mundo. Ipinakita niya sa kanila ang larawan ng isang magandang berdeng kagubatan. "Ito ang ating mundo," sabi niya. "Puno ito ng mga kamangha-manghang bagay. Pero tingnan kung ano ang nangyayari kapag nagtatapon tayo ng basura saanman." Ipinakita niya sa kanila ang larawan ng parehong kagubatan, pero ngayon, natatakpan na ito ng basura. Napasinghap ang mga bata. Hindi nila nagustuhan!
"Kailangan nating protektahan ang ating mundo," sabi ni G. Sande. "Magagawa natin ito sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura. Panatilihin nating malinis ang ating planeta!" Ipinakita niya sa kanila kung paano ilalagay ang tamang basura sa tamang basurahan. Mula noon, ang klase ni G. Sande ay naging modelo para sa buong paaralan. Nililinis nila ang kanilang silid-aralan at itinatapon ang kanilang basura sa tamang lugar. Ipinagmamalaki nilang tumulong na panatilihing malinis ang kanilang paaralan at ang mundo. Ipinagmamalaki rin sila ni G. Sande. Alam niyang kahit ang maliliit na kamay ay makakagawa ng malaking pagbabago! (Nezi Jane Calbonero)
NAWAWALANG KANLUNGAN
Hinagpis ng isang ulilang anak
Kasiyahan akala ko’y walang hangganan. Maibabalik pa ba? Sana... Pagkasilang hanggang paglaki, masaya kong kasama ang aking mommy at daddy. Si daddy ay isang seaman pero pinili niya na alagaan ako hindi na muna siya sumakay ng barko. Hanggang nagkaroon ako ng dalawang babaeng kapatid. Kasa-kasama namin siya ng aking mga kapatid, kumain, matulog, bumangon para pumunta sa paaralan. Sa lahat na kami ay magkasama ang pinakapaborito ko ay ang kapag hinahatid niya ako sa paaralan, kasi may baon akong halik at yakap mula kay daddy. Minsan naman kasama si mommy. Pag-uwian na hinahanap ko kaagad si Daddy para halikan. Kapag matulog naman kami sa gabi katabi ako nya at nakahiga ako sa kanyang mga bisig. Minsan pag may makikita kaming ice cream bibilhan niya ako. Ganyan ang daddy ko. Pagdating sa bahay magluluto siya ng hapunan namin napakasarap ng luto ni daddy napaisip tuloy ako gaano ka swerte si mommy kay daddy, mahal na mahal kami ni daddy hands-on talaga siya sa aming bahay. Minsan kapag napapatingin ako kay daddy ay napaisip ko na “ Mawala man ang lahat huwag lang si daddy”. Pagkatapos ng hapunan namin masaya akong pinatulog ni daddy. Maging sa panaginip ko ay walang mapaglalagyan ng saya dahil sa panaginip ko ay karga-karga ako ni daddy at buong lakas na paghiyaw “ Anak ko ‘to!”
Ngunit isang umaga, ginising na ako ni daddy para maligo, binihisan niya ako, pinakain, sinusuotan ng sapatos, hinatid, hinahalikan gaya ng dati. Masaya kaming
Sina lola at lolo: Ang aking mga superhero
naghiwalay at nagpaalam siya sa akin na pupunta sa piyesta ng aming kamag-anak sa Dipolo, sabi ko balik ka agad daddy ha para kunin mo ako. Sabay sabing “ ingat daddy”. At napakatamis na ngiti ang ibinalik niya sa akin. Kinahapunan ang masayang araw ko ay naging kagaya sa pumutok na bulkan mula sa isang balitang kinamumuhian ko. Niyakap kaming tatlo ni mommy ng aking mga kapatid na umiiyak. Halos walang boses na lumabas sa bibig ni mommy. Pinipilit at nanginginig niya na sinabi sa amin na patay na raw si daddy, naaksidente siya. Binangga siya ng dalawang naghaharutan na mga sasakyan. Hindi ko na matupad ang lahat na gusto ko maging sa panaginip ko na makasama siya pagbuo ng
Nakatira ka ba kasama ang iyong mga lolo't lola? Dahil kung ganun, para kang may sariling mga personal na superhero! Lumaki ako nang wala ang aking mga magulang, kaya nakatira ako kasama ang aking lola at lolo. Ang saya!
Si Lola ay isang super cook! Gumagawa siya ng pinaka masasarap na pagkain kailanman. Tuwing umaga, maaga siyang nagigising at nagluluto ng almusal na sobrang sarap, parang magic. Si Lolo naman ay driver ng aming pamilya.
Inihahanda niya ang aming motorsiklo para sa araw, at dinadala kami saan man gamit ito. Tinitiyak niyang ligtas at maayos kaming nakakarating sa aming patutunguhan.
Higit pa sa magagaling na mga magluluto at driver, ang aking mga lolo't
pangarap ko “Daddy, bakit mo ako iniwan? Akala ko kasama kitang tutuparin ang mga pangarap ko? Pero bakit? Bakit mo kami iniwan? Sabay hagolhol na halos nag dilim na ang aking paningin sa kaiiyak. Hindi na talaga pareho ang lahat, wala na ang mga yakap, halik, at mga salitang nagbibigay sa akin ng lakas mula kay daddy. Parang bumibigat ang buhay dahil wala na siya. Napakahirap tanggapin pero kakayanin namin ito ng aking mga kapatid at mommy dahil ang ala-ala ni daddy ay manatiling nakaukit sa puso namin magpakailan.Kahit wala na siya ang yakap ni Daddy ang laging pinakamalambot na kanlungan.
(Ralf Aranjuez)
lola. Sila rin ay ang pinakamagagaling na tutor ko! Kapag may takdang-aralin ako, tinutulungan nila akong maunawaan ito. Palagi silang nariyan para palakpakan ako at tiyakin na natututo at lumalaki ako. Si Lola at Lolo ay parang mga unang guro ko. Marami silang itinuro sa akin tungkol sa pagiging mabait at pagiging masipag. Sila ang dahilan kung bakit ako narito ngayon! Ang pamumuhay kasama ang aking mga lolo't lola ay malaking biyaya dahil sa pagmamahal at yakap nila. Pinaparamdam nila sa akin ang kaligtasan at kaligayahan. Ginagawa namin ang parehong mga bagay araw-araw, ngunit napakasaya anmi kahit simple lang. Sobrang swerte ko na sila ang nasa buhay ko, ang aking mga superhero.
(Mary Cecil Pumicpic)
TOMO 19 BILANG 1
PANIBAGONG SIMULA
Pagharap sa mga hamon ng pagbabago
AGOSTO DISYEMBRE 2024
Maingay ang silid-aralan, puno ng tawanan at usapan ng mga bata. Masaya, pero may bahagyang lungkot sa aking puso. Noong nakaraang taon, nasa ibang klase ako kasama ang aking mga matalik na kaibigan. Alam na alam namin ang lahat tungkol sa isa't isa! Ngayon, nasa bagong klase ako kasama ang mga batang hindi ko kilala. Parang nagiisa ako.
Sinabi ng aking guro na mapapasama ako sa isang espesyal na klase sa agham pagdating ko sa Grade 3. Tuwang-tuwa ako noon, pero ngayon, parang ang hirap. Sobrang namimiss ko ang aking mga dating kaibigan. Lagi kaming naglalaro at tumatawa nang sabay-sabay. Ngayon, parang ang layo na ng mga magagandang panahon na iyon. Sa oras ng recess, nakita ko ang aking mga dating kaibigan mula sa ibang gusali. Sobrang saya nila nang magkakasama. Sinubukan kong makipagkaibigan sa mga bagong mukha, pero mahirap. Walang nakakakilala sa akin. Parang akong isang estranghero. Gusto kong bumalik sa dating klase ko!
Bigla, may isang palakaibigang babae na tumatapik sa aking balikat. Tinanong niya kung maayos lang ba ako at kung ano ang
pangalan ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Maya-maya, may mga batang lumapit sa akin at binati ako.
Nakakilala ako ng mga bagong kaibigan sa aking klase. Namimiss ko pa rin ang aking mga dating kaibigan, pero tiniyak kong tumawag at nag-text sa kanila. Natutunan
Isang araw, biglang-bigla akong nagising sa maingay na boses sa aming kapitbahay. Agad ko namang pinuntahan ang aking kapitbahay para tingnan kung ano ang nangyari sa kanilang mala-higanting mga boses sa kaingayan. Pinuntahan ko sila at parang may hindi tama na mga pangyayari. Lumingon ako at kitang-kita ko sa aking malaking dalawang mata. Ang nakahiga kung lola na wala nang malay, siya pala ay inatake. Nilapitan ko siya at ginising. Lola! Lola! Gising! Gising po lola, pero wala na itong buhay na aking niyakap.
Doon bumuhos na parang ulan ang aking mga luha ayoko pang mawala ang aking lola. Laki kasi ako sa lola dahil ang mga magulang ko ay nagkahiwalay. Siya na ang
ko na minsan, kailangan nating subukan ang mga bagong bagay. Kahit nasa bagong lugar ako, hindi ko nawala ang mga dating kaibigan ko. Ito ang simula ng isang bagong panimula at kapana-panabik na kabanata! (Lyra Mae D. Hinoguin)
tumayo na nanay at tatay ko simula bata pa ako. Hindi ko talaga makakalimutan sa mga panahon na walang-wala ang aking lola naghahanap siya ng paraan na mangutang sa aming kapitbahay, sisiguruhin pa rin niya na makakain ako kahit maliit lang basta magkalaman lang daw ang aking tiyan. Ayokong lumayo sa aking lola.
Ngunit, napagtanto ko habang nakahiga na hindi ko hawak ang ating buhay. Siguro natapos na si Lola sa kanyang misyon dito sa mundo kaya kinuha sa Panginoon. Ang masasabi ko nalang sa araw na iyon ay paalam lola. Hinding-hindi kita malilimutan sa buong buhay ko.
(Khylle L. Santillan)
Ok ka pa ba? Ito ay isang katagang malimit na itatanong sa sarili. Gigising ng madaling araw para sa paghahanda sa pagpasok sa paaralan. Mag-iigib ng tubig na halos maputol ang hininga,humihingal dahil sa tirik na dadaanan. Magluluto pa ng kanin gamit ang kawayan sasakit pa ang mga kamay bago makaluto ng kanin. Siya ang panganay sa limang magkakapatid na Paller. Ang kaniyang ama ay magsasaka lamang at ang kanyang ina ay nasa bahay lamang. Ang paglalagyan ng baon ay dahon na ang laging ulam ay bagoong at galonggong. Pagkatapos ng paghahanda magsisimula na ng paglalakbay mahaba ang lalakarin, dadaan pa sa napakadelikadong ilog. Para hindi madumihan ang tsenilas na gagamitin sa paaralan ilalagay sa bag at magpapaa na lang. Humahanap ng paraan na hindi madumihan ang nag-iisang uniporme na
Salamat
pabalik-balik niyang isuot.Iyan ang sabi ng aking kaklase na dinanas niya araw-araw. Bahala na daw basta makapag-aral lang siya at makapagtapos dahil gusto niyang makatulong sa kanyang pamilya balaw araw.
Masakit isipin na ang ibang mga bata ay nakaranas ng paghihirap para makapasok sa paaralan. Habang ang iba ay napakasuwetre kasi ihahatid lang.Bibigyan ng pera at baon para makarecess pero sila iinom lang ng tubig, lulunokin ang laway. Nadurog ang puso ko, nakapagsabi ako nang masuwerte ako hindi ako nakaranas ng paghihirap. Pero minsan pasaway pa ako sa mga magulang ko dahil kahit sa oras ng pagkain tatawagin pa ako at nadarabog na lalapit sa hapag-kainan. Palagi nalang nag selpon at halos hindi ko na magawa ang mga gawaing bahay. Magalit pa ako minsan ni mama na hindi ibigay ang gusto ko. Nang marinig ko ang aking kaklase sa kanyang
Isang umaga nagising nalang ako sa machine gun na bibig ni tatay. Talagang ang ingay-ingay niya, putak ng putak na parang walang katapusan. Naisip ko na lamang kung ano ang problema niya. Pero bakit nga ba? Maraming tanong sa isip ko pero pinalagpas ko nalang iyon. Alas-kwarto palang ng madaling araw gising na si tatay kasi ngayon pala kami aalis papunta sa Naga City. Kaya pala!.... Habang sumasakay na kami sa aming mini van kompleto po kaming magkapamilya patungo sa Naga, sumisigaw kaming nagkakantahan, halos abot tainga ang aming bibig sa katatawa. Ang saya naming nagkukwentuhan, binabalikan ang mga masasayang naganap sa aming buhay. Katuwaay walang katapusan.Pero…… Tug!!! Biglang napahinto ang sasakyan at nagsisigawan kami sa takot. Huminto ang sasakyan sa gitna ng daan at nasalamuha namin ang maalaking trak. Parang lumipad ang
buhay parang na untog ang ulo ko at napagtanto ko na laking pasasalamat ko sa Diyos na binigyan niya ng trabaho si mama at papa.Kung ano ang mga pangangailangan sa paaralan binibigay kaagad. Pero ang iba kailangan pa magtrabaho,kailangan pang tumulo ang kanilang mga pawis at paghirapan pa nila ito bago makuha.
Simula noon narinig ko ang karanasan ng aking kaklase hindi na kailangan na maging matigas ang ulo ko. Ang paglalaro ng selpon ay tinapos ko na. Dapat pahalagahan kung anong mayroon tayo dahil maswerti tayong may mga magulang na nagmamahal at nagaalaga sa atin. Kung anoman ang bigay sa atin ng Diyos buong giliw nating tanggapin at pahalagahan. Sa mga tao na naghihirap huwag magpapadaig sa paghihirap at pagsubok laging isipin kung gustong makamit ang pangarap sa buhay, Laban lang! (Christine Chleo Acaylar Amarilla)
kaluluwa namin at pilit na hinahabol ang aming hininga. Ang akala ko hindi na kami makaalis sa lugar na iyon, tinawagan ni itay ang mekaniko at tinulungan kami na maiayos ang sasakyan. Kaya nang maayos na ang sasakyan namin ay taimtim kaming lahat na nagdarasal at si inay ang siyang nangunguna sa aming pagrorosaryo. Dumating kami sa Naga at natulog dahil sa pagod na aming naramdaman. Nagpapasalamt ako sa Diyos dahil sa kaligtasang kaniyang ipinagkaloob sa amin.
Kaya kahit hindi man natin nakikita ang Diyos magsalamat tayo sa kanya sa lahat ng oras at maghingi ng patawad sa mga kasalanan na nagawa natin dahil Siya lang ang nakakaalam ng ating buhay. Kaya hindi nating kalilimutan ang salitang “Salamat”.
(Christine Chleo Acaylar Amarilla)
TOMO 19 BILANG 1 AGOSTO-DISYEMBRE 2024
TOMO 19 BILANG 1
SCIENCE: LOVE KO TO!
Sarbey tungkol sa bilang ng mag-aaral ng MCES na gusto ang asignaturang Science
AGOSTO DISYEMBRE 2024
Ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay nahuhubog ang kanilang isipan sa pagmamahal sa asignaturang Science. At isa na diyan ang mga mag-aaral sa Mahayag Central Elementary School, Ang palaging nasambit sa kanilang bibig ay Science Love ko to! dahil sa mga kamanghamanghang impluwensiya ng agham at teknolohiya sa pang-araw-araw na gawain sa kanilang buhay.
Ang Science ay sistematikong pag-aaral ng kalikasan at mga penomeno sa pamamagitan ng obserbasyon, eksperimento, at ebidensya upang makabuo ng kaalaman at solusyon. Sa mga batang mahilig sa agham ito ay isang daan nila para maintindihan nila ang mga bagay-bagay sa paligid. Sa tulong ng teknolohiya mas mapadali nilang natutunan ang interactive na aplikasyon hanggang sa loob at labas ng kanilang tahanan.
Ayon Kay Gng Leah Melissa P. Saquin, isang Science Coordinator ng MCES na aking nakapanayam malaking porsiyento ng mga-aaral ang nagkainteres sa mula ikaapat hanggang ika-anim na baitang na may kabuuang bilang 486, at may 315 ang nagsasabing paborito nila ang asignaturang Science. Makikita talaga natin sa datos na ang mga mag-aaral sa eskwelahan minahal talaga nila ang asignatura nang husto. Dag-
dag pa ni Gng Saquin kaya paborito nila ang Science kasi marami silang natutunan gamit ang iba’t – ibang bagay lalung-lalo na ang paggamit ng teknolohiya sa agham na ito ang dahilan na mapadali maintindihan ang mga pangyayari na ang siyensiya lang ang nakakalam.
Sabi ni Felix Saberon isang Science Titser ng MCES, ang agham ay nagpapalawak ng ating pananaw at nagbibigay ng pagkakataon para sa mga kabataan na mag-isip nang kritikal. Natututo silang magmasid at magsuri ng mga pangyayari sa kanilang kapaligiran, at makapagdesisyon batay sa mga ebidensya at siyentipikong kaalaman. Ang
agham ay tumutulong din sa pagpapahalaga sa kalikasan at sa pag-iwas sa mga panganib na dulot ng mga hindi tamang gawain sa ating kapaligiran.
Sa kabuuan, ang asignaturang Science ay love ng mga mag-aaral sa MCES, dahil hindi lamang nakatutok sa mga teorya o konsepto, kundi nakapagbibigay din ng mga kasanayan at kaalaman sa mga magaaral na mapaunland ang kanilang isipan sa makabagong mundo. At nakatulong sa pang araw-araw na buhay at sa pag-unland ng ating bansa.
(Apple Vine Belen)
BALIK SA AKLAT
Sa panahon kung saan halos lahat ay umiikot na sa digital na mundo, nakakagulat ang naging desisyon ng Switzerland na muling bumalik sa tradisyunal na paraan ng pagkatuto sa pamamagitan ng mga aklat. Habang maraming bansa ang patuloy na yumayakap sa teknolohiya bilang pangunahing kasangkapan sa edukasyon, pinili ng Switzerland na bumalik sa pisikal na libro upang mapabuti ang kalidad ng pagkatuto ng kanilang mga estudyante.
Ayon sa mga pag-aaral, ang labis na pagkakagamit ng teknolohiya sa pag-aaral ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kakayahan ng mga estudyante sa critical thinking, focus, at retention. Bagama't hindi maikakaila ang ginhawa at bilis na hatid ng digital learning, lumalabas sa ilang panana-
liksik na mas natututo ang mga mag-aaral kapag nagbabasa sila ng pisikal na libro kumpara sa paggamit ng mga tablet at computer.
Sa pamamagitan ng pagbabalik sa mga tradisyunal na aklat, umaasa ang Switzerland na mas magiging epektibo ang edukasyon at mas mapapangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga mag-aaral. Ngunit sapat nga ba ang pagbabalik sa aklat upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon Ang hakbang ng Switzerland ay isang matapang na desisyon na dapat pag-aralan at pag-isipan ng ibang bansa. Kung magiging matagumpay ang kanilang pagbabalik sa pisikal na aklat, maaaring maging inspirasyon ito para sa iba pang mga bansa tulad ng Pilipinas. (Apple Vine Belen)
HALINA’T MAG-EKSPERIMENTO
Sublimation gamit ang suka at baking soda
Alam mo ba na ang lobo ay maaaring lumaki gamit ang suka at baking soda? Ito ang tinatawag na sublimation, isang proseso sa kimika na nagpapakita ng pagbabago ng estado ng bagay mula sa solid patungo sa gas. Sa simpleng eksperimentong ito, natuklasan nang mga mag-aaral ang kamangha-manghang proseso ng sublimation gamit ang mga karaniwang sangkap na matatagpuan sa ating kusina: suka at baking soda.
Ginawa ito ng mga mag-aaral alinsunod sa kanilang aralin tungkol sa mga pagbabago sa mga bagay. Ang kailangan nila ay isang plastic na bote na walang laman, suka, baking soda, at isang lobo. Una, magbuhos ng sapat na dami ng baking soda sa loob ng lobo. Pagkatapos, maglagay nang suka sa loob ng bote. Panghuli, ipasok ang baba ng bote sa butas ng lobo at dahan-dahan ibuhos ang baking soda sa suka at magkakaroon ito ng reaksyon, na magbubunga ng pagbuo ng bula at paglabas ng carbon dioxide. Dito na magkakaroon ng hangin ang loob ng lobo.
Habang binubuhos ang baking soda sa suka at nagbubunga ito ng carbon dioxide, napapansin ng mga bata na lumaki ang lobo at tuwang-tuwa sila. Baka daw sasabog ang lobo. Ito ay dahil sa proseso ng sublimation. Ang carbon dioxide na galing sa bula ang
Sa ubo at sipon, lagundi ang solusyon
Lagundi ang solusyon sa mga bata sa Mahayag Central ES sa nakararanas ng ubo at sipon sa paaralan. Ang halamang gamot na ito ay matatagpuan sa AVES Cluster ng MCES ito ay ginagamit sa mga bata kapag sila ay may ubo, kasi isa itong tradisyunal na medisina para maibsan ang sakit ng mga bata. Umaabot sa 25% na bilang ang natamaan ng ubo at sipon na mag-aaral sa MCES dahil sa pabago-bago ng panahon na isa itong epekto na makaranas ng sakit. Ayon sa aking nabasa o napakinggan sa balita ang Lagundi o kilala sa siyentipikong pangalan na Vitex negundoay sertipikadong ligtas ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas, at napatunayan ang bisa nito bilang natural panglunas sa mga sintomas ng respiratory illnesses. Bukod pa rito, ang halamang ito ay madaling itanim sa mga bakuran, kaya’t abot-kamay para sa mga karaniwang mamamayan ang lunas na mula sa
kalikasan.
May mga nilalamang nutrisyon at benipisyo ang lagundi na nakabubuti sa paghinga mga mag-aaral kapag sila ay may ubo at sipon tumutulong ito para labanan ang plema at pagpapaluwag ng baradong ilong, kaligtasan sa hika at tumutulong resistensiya laban sa karaniwang sakit na nakukuha ng mga mag-aaral. Kaya napakainam na may halamang gamot kami na makikita sa aming kapaligiran na nakababawas ng matinding pag-ubo. Gayunpaman palagi nating tandaan na ang paggamit ng Lagundi sa paaralan ay maaring maging bahagi ng isang tulong sa kalusugan ng mga mag-aaral. Sa wastong gabay at patuloy na suporta mula sa agham, ang Lagundi ay maaaring maging tulay tungo sa mas malusog at abot-kayang solusyon, sa ubo at sipon ng bawat bata. (Eurika Medina)
nagging sanhi at ito ay mula sa solid patungo sa gas nang hindi dumadaan sa likidong estado.
Ang prosesong ito ay nagpapakita ng kamangha-manghang pagbabago ng estado ng bagay na hindi natin madalas na nakikita sa pang-araw-araw na buhay. Ang simpleng eksperimentong ito ay isang magandang paraan upang maipaliwanag ang proseso ng sublimation sa mga bata. Ito ay isang masaya at nakakaengganyong paraan upang matuto tungkol sa kimika at ang mga kamangha-manghang pagbabago ng estado ng bagay.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga karaniwang sangkap at simpleng mga materyales, maaari nating maunawaan ang mga pangunahing prinsipyo ng kimika at ang kamangha-manghang mundo ng agham. Kaya't subukan mo ang eksperimentong ito sa bahay at tuklasin ang kamangha-manghang proseso ng sublimation! (Hannah Mae Mondido )
TOMO 19 BILANG 1
AGOSTO DISYEMBRE 2024
Mga
hard hat para sa kaligtasan: Binigay ng
Kagawaran ng Edukasyon
Sa unang pagkakataon ang Mahayag Central Elementary School ay nakatanggap ng hard hats para dagdag proteksyon! Upang bigyang-priyoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga kawani nito, ang Kagawaran ng Edukasyon ay bukas-palad na nagbigay sa aming paaralan ng supply ng dalawamput-limang hard hat. Ang kagamitang ito ay titiyakin na ang lahat o di kaya iilan sa paaralan ay protektado sa panahon ng mga proyekto at iba pang aktibidad na maaaring magdulot ng panganib at pinsala sa ulo.
Ang mga puting hard hat ay isang simbolo ng kamalayan sa kaligtasan at paalala ng kahalagahan ng pagprotekta sa ating sarili sa mga potensyal na mapanganib na sitwasyon. Ang matibay na helmet na ito ay idinisenyo upang dumipensa sa epekto at magpalihis ng mga nahuhulog na bagay na nagbibigay pinsala sa ulo.
Isang Turok:
Ang gawaing ito ng Kagawaran ng Edukasyon ay nagpapakita ng kanilang pangako sa paglikha ng isang ligtas na kapaligiran sa pag-aaral para sa lahat. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang kasangkapang pangkaligtasan, ilan sa ating mga kawani at mag-aaral ay ligtas at maging handa sa anumang panganib.
Dahil sa napakalaking populasyon ng mga mag-aaral sa Mahayag Central Elementary School, hindi lahat ng mag-aaral at kawani nito ang mabibigyan. Ito ay ipinamahagi sa mga mag-aaral at kawani na itinalaga ang kanilang silid-aralan na delikado sa lindol o lugar kung saan kinakailangan ang proteksyon sa ulo. Sinisiguro ng administrasyon ng paaralan na ang lahat ay wastong sinanay sa tamang paggamit at pangangalaga ng mga hard hat.
Ang inisyatiba na ito ay isang
Sa Kaligtasan Ko!
Isang Turok para sa kaligtasan Ko! Ito tulungan sa
Measles at
sa mga sakit na maaring iwasan sa pamamagitan sa turok ng bakuna. Ang Measles-Rubella(MI) o Tigdas ay isang nakahawang sakit ito’y sanhi ng virus kung makaranas ang bata nito maaring siyang may, lagnat, sip-on, ubo at mga pantal ng katawan at kung hindi ito maagapan maaring itong ikamamatay. Ang Tetanus Diphteria (TD) isang bakterya na Clostridium tetani na itoy ay maaring matatagpuan sa lupa, alikabok at dumi ng hayop. Mga sintomas nito ay paninigas ng katawan, kahirapan sa paghinga at pangingisay. At ito’y lason na pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat o hiwa. Ito rin ay kumikitil sa buhay kapag hindi naagapan. Ayon sa datos may limang (5)seksiyon ang nabakunahan sa unang baitang pero hindi lahat ang nagpakuna. Ang kabuuan ng mga batang nagpakuna ay nasa 123
makabuluhang hakbang tungo sa paglikha ng isang mas ligtas at mas ligtas na kapaligiran ng paaralan. Kami ay nagpapasalamat sa Kagawaran ng Edukasyon para sa kanilang suporta at pangako sa kapakanan ng aming mga mag-aaral at kawani. Ito nga ginamit na sa mga batang tuwing magkakaroon ang paaralan ng earthquake drill at minsan din ay ginamit ito noong gumawa ng poste para sa solar lights.
Nakita ng aming punong-guro na si Ginoong Ricky D. Mendoza ang kahalagahan ng hard hats kaya isasali niya ito sa kanyang SIP o School Improvement Plan sa ilalim nga Disaster Risk na hanay. Dahan-dahan hindi man sa madalian, ang lahat na mga bata ay magkakaroon ng hard hats.
Kaya para sa kaligtasan, hard hats ang kailangan! (Cian Brendell M. Kwong) bakunado na. Kaya naghikayat parin ang Rural Health Unit sa hindi nagpakuna kasi ligtas ang batang may bakuna at para ito sa ikabubuti ng mga mamayang Pilipino.
Ang mga batang nabakunahan ay nakaramadam ng kaunting pananakit ng kanilang balikat, nakaranas ng lagnat pero normal lang iyan dahil ito ay pansamantalang epekto na dumapo sa kanilang katawan itoy nagpapatunay na ang Kaligtasan mo, ay protektado sa bakuna.
Kaya labanan natin ang measles at diphtheria, sumama sa kampanya Oplan Bakuna. Kasi isa ito sa mga ehemplo ng tagumpay ng agham sa pagsugpo ng malubhang sakit laban sa mga kabataan . Ito ay nagpapatunay na ang pagtuklas ng bakuna ay isang pundasyon para sa Kaligtasn ko, ikaw , tayong lahat sa bakunadong mundo. (Apple Vine Belen )
12 na batang mananayaw, wagi sa kompetisyon
Distrito ng Mahayag sa Modern Standard category sa mga sayaw.
Unang nagtanghal ang mga kalahok sa Tango at sinundan ito ng Walts, Vinnese Walts, Quickstep at Foxtrot habang
Pasodoble, Rumba, Chachacha, Samba at Jive naman ang isinayaw ng mga nasa Latin Category.
Lalong uminit ang kompetisyon ng mga mananayaw ngunig sa huli ay nangibabaw ang galing ng 12 na mananayaw mula sa MCES
PAMPANALONG GALAW. Ipinamalas ng mga mananayaw mula MCES ang kanilang galing na naghatid ng tagumpay.
Tagumpay ang 12 na batang mananayaw ng MCES sa Dance Sports Latin at Standards category na masungkit ang kampeonato sa District Meet nitong Nobyembre na ginanap sa Mahayag School of Arts and Trade.
Lahat ng mga kalahok sa nasabing pandistritong patimpalak ay naghahanda na sa kanilang pasiklaban at sa pagsisimula ng labanan ay hiyawan agad ang mga manunuod.
Nagpakitang gilas ang mga atleta ng
MCES Team, kampeon sa volleyball tournament
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at dimatatawarang husay, nasungkit ang kampeonato sa Boys Volleyball ng team MCES laban sa Guripan ES sa Volleyball tournament sa ginanap na District Meet nitong Nobyembre ng pinakawalan nila ang
sunod-sunod na malakasang spike na naging dahilan sa pagkamit ng iskor na 20.
Kinulilat nila ang kanilang kalaban sa simula pa lang ng laban kaya sinamantala nila ang kahinaan nito at nilampaso hanggang sa katapusan ng laban.
“Malaki talaga ang maitutulong ng pagkakaisa at pag-eensayo para sa tagumpay. Maraming salamat din sa aming mga guro at mga magulang dahil sa kanilang suporta, nakamit namin ang tagumpay na ito,” pahayag ng isa sa mga manlalaro ng MCES.
Sa umpisa pa lamang ng set, ipinalasap ng MCES team ang kanilang determinayon at galing ng pinakawalan nila ang malakidlat na serve at malakas na smash na nagtala ng iskor na 25-17.
“Isang taos-pusong pagpupugay sa aking mga mananayaw sapagkat hindi nila ako binigo. Hindi basta-basta ang aming paghahandang ginawa. Gumugol kami ng ilang oras at pawis para mapaghusayan namin ang bawat galaw sa bawat kategorya.” ani coach Lovella Caylan.
Lubos ang kasiyahan ng mga atleta sa Dancesports dahil sila ang aabante sa Town Meet ngayong buwan ng Disyembre. Puspusang pagsasanay na naman ang kanilang gagawin kasama ng kanilang coach na si Lovella Caylan, upang magpapatuloy ang magandang performance at makamit ang panalo sa nasabing event.
(Hannah Kim G. Gantalao)
Ipinagpatuloy ng koponan ang magandang laban sa ikalawang set na nagpapakita ng mainit na rally at walang humpay na bump at ispayk sa dalawang grupo.
Pinilit ng Guripan ES na makabalik sa laban ngunit pinagtibay ng MCES team ang kanilang depensa na naging dahilan ng pagkapanalo nito sa loob lang ng dalawang set sa iskor na 25-15.
“Medyo kailangan pa talaga naming paghusayan pa sa susunod. Kulang kami sa pagtutulungan at minsan nagkakamali kami at minsa kulang rin sa tamang komunikasyon kaya kami natalo,” pahayag ng isa sa manlalaro ng Guripan ES.
Lalahok ang MCES sa gaganaping Town Meet kalaban ang manlalaro mula Mahayag South District. (Johnmax O. Salomon)
HAMPAS NG TAGUMPAY. Wagi ang MCES Team sa naganap na Volleyball Tournament kaugnay sa naganap na District Meet.
TOMO 19 BILANG 1
SAPATOS: Sakripisyo ng isang atleta tungo sa tagumpay
AGOSTO DISYEMBRE 2024
Kakulangan ng kagamitan, hadlang ng MCES tungo sa maraming tagumpay
Sa bawat hakbang, takbo at hampas ng bawat atleta ay kasabay ang pagnanais na magkaroon ng sapat at tamang kagamitan sa isports. Sa ngayon, patuloy na nahaharap sa matinding hamon ang mga atleta ng Mahayag Central Elementary School sa iba ibang paligsahang pampalakasan dahil sa kakulangan ng mahahalagang kagamitan.
Bagama’t may sariling oval ang paaralan, hindi nito magamit nang husto ang kakayahan ng mga mag kawalan ng mga pangunahing gamit tulad ng bola para sa soccer, raketa at shuttlecock para sa badminton, pati na rin ang mga gamit para sa taekwondo at archery.
Dahil dito, naapektuhan ang paghahanda at pagganap ng paaralan sa mga kumpetisyon, kaya’t hindi nito lubos na maipakita ang husay ng mga batang atleta. “May mga mag-aaral kaming may talento sa iba’t ibang sports, pero hindi namin sila maihanda nang maayos dahil kulang kami sa kagamitan,” ayon sa isa sa mga tagapagsanay ng paaralan.
Sa kabila ng hamong ito, umaasa ang paaralan na makatatanggap sila ng suporta mula sa komunidad, lokal na pamahalaan, at iba pang organisasyon upang makuha ang mga kinakailangang gamit.
“Kailangan pa nating pagtibayin ang pagtutulungan sa paaralan at kumunidad. Ganunpaman, nakikipag-usap na tayo sa mga magulang at mga namumunuan sa ating barangay at munisipalidad upang makabagbigay tayo ng sapat na suporta sa ting mga atleta,” pahayag ng punungguro. Hinihikayat ng paaralan ang mga posibleng tagasuporta na tumulong sa pagbibigay ng mga kagamitang pampalakasan upang matulungan ang mga batang atleta ng Mahayag Central na maabot ang kanilang buong potensyal.
(Johnmax Salomon)
Humihingal, nauuhaw, pinapawisan, ang mga salitang maririnig mo kapag isa kang manlalaro lalo na sa larangan ng pagtakbo.
Si Jamaica Mendoza ay kapwa ko magaaral sa MCES. Ayon sa kanya napakahirap daw ng kanilang buhay. Lumaki siya sa isang pook na hindi marangya at ang kanyang pamilya ay hindi mayaman. Ang kanyang ama ay isang pintor na kumikita ng kaunti lamang upang masuportahan ang kanilang pangangailangan, at ang kanyang ina naman ay nasa bahay lang.
Minsan hindi nga sila makakain dahil walang kita ang kanilang ama dahil nagkasakit ito. Gutom na gutom na sila pero wala silang magawa kundi matulog na lamang. Wala na silang maasahan kaya siya sumama sa kanyang ama upang tulungan ito sa pagpipintura. Kahit babae si Jamaica pero parang lalaki talaga ang kanyang pananamit at kahit sa kanyang mga gawain ay halos kaya niya ang gawaing panlalaki.
Sa paaralan naman, hindi masyadong marunong sa klase dahil minsan liliban siya sa pag-aaral dahil nga sasama siya sa kanyang ama. Pero nagtitiayaga pa rin siyang mag-aral kahit nahirapan siya sa
pagbasa at pagsagot sa mga tanong ng kanyang guro na G. Felix Saberon. Pero nang minsan nagpapa try out para sa District Meet, sumali siya at nakuha sa pagtakbo pero wala siyang sapatos habang tumatakbo kasi wala silang pambili. Nakita sa kanyang guro ang sakit at hirap na nararamdaman niya sa pagtakbo kahit hindi niya ito masabi, binigyan siya ng pinaglumaang sapatos sa anak ng kanyang guro.
Isang halimbawa ng pagtitiyaga at sipag upang makamit ang tagumpay, kahit na mula sa mahirap na kalagayan. Sa kabila ng kanilang kalagayan, hindi ito naging hadlang para kay Jamaica upang mangarap at magsikap. Nakamit niya ang tagumpay sa pamamagitan ng pagpapakita ng galing at dedikasyon sa larangan ng pagtakbo. Pinakita niya na kahit sa mga mahihirap na kalagayan, may pag-asa basta’t may sipag at determinasyon. Ang pagkapanalo ni Jamaica sa palarong pagtakbo ay hindi lamang isang personal na tagumpay, kundi isang inspirasyon din para sa iba, na nagsasabing hindi hadlang ang kahirapan para mangarap at magtagumpay. Kahit walang sapatos, makamit pa rin ang kaligayahan. (Roece Albert N. Apale)
Isports: Susi sa holistikong pag-unlad
EDITORIAL
Sa tradisyunal na pananaw, ang akademya ang itinuturing na pangunahing susi sa tagumpay ng isang indibidwal. Subalit sa modernong panahon, kailangang kilalanin na ang sports ay hindi lamang isang libangan kundi isang mahalagang aspeto ng paghubog sa pisikal, emosyonal, at mental na aspeto ng isang tao. Sa maraming paraan, mas mahalaga ang sports kaysa sa akademya sa pagbibigay ng mga aral na higit na kailangan sa tunay na buhay. Una, ang sports ay nagtuturo ng disiplina at determinasyon. Ang bawat atletang nagtagumpay ay dumaan sa masusing pagsasanay, pagkatalo, at muling pagbangon. Ang ganitong mga karanasan ay nagkakawing sa tunay na buhay, kung saan ang kahusayan ay hindi lamang nakabatay sa talino kundi sa tiyaga at kakayahang harapin ang mga hamon. Ikalawa, ang sports ay nagtataguyod ng teamwork at liderato.
Sa bawat laro, natututo ang mga kalahok na makipagtulungan para sa isang layunin, isang mahalagang kasanayan na hindi laging nabibigyang-diin sa akademya. Sa isang mundo kung saan ang pakikipagugnayan ay mahalaga, ang mga kasanayang natutunan sa sports ay nagbibigay ng malaking bentahe. Ikatlo, ang kalusugan ay pundasyon ng anumang tagumpay, at ang sports ang nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng masigla at malusog na pangangatawan. Sa panahong laganap ang seden-
taryong pamumuhay at mga sakit na dulot nito, ang sports ay isang mahalagang paraan upang labanan ang mga ito. Higit sa lahat, ang sports ay nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa.
Maraming atleta ang nagiging huwaran ng kabataan, nagiging patunay na ang tagumpay ay posible anuman ang estado sa buhay. Hindi nangangahulugan na ang akademya ay hindi mahalaga, ngunit dapat kilalanin na ang sports ay isang mahalagang bahagi ng paghubog ng kabataan. Ang pag-
bibigay ng mas mataas na suporta at halaga sa sports ay isang hakbang tungo sa isang lipunang mas malusog, mas matatag, at mas maunlad.
Kaya, ito ay malaking hamon para sa pamunuan ng paaralan na masuportahan ang mga atleta. Magkaroon ng matibay na programa at sapat na pasilidad upang mahubog mga atleta sa kanikanilang larangang napili. Kung maibibigay ang mga ito, tiyak ay makakamit ang kaunlaran ng paaralan sa larangan ng isports.
Koponan ng Basketball ng MCES, Kampeon sa District Meet 2024
Muling ipinamalas ng koponan ng basketball ng Mahayag Central Elementary School ang kanilang galing sa larangan ng palakasan matapos masungkit ang kampeonato sa 2024 District Meet. Sa ilalim ng paggabay ni Coach Jestoni Rubia, ipinakita ng team ang kahanga-hangang laro, matibay na teamwork, at walang tigil na pagsusumikap upang talunin ang mahihigpit na kalaban at makamit ang tagumpay.
Ang koponan, na binubuo nina John Vincent Java, Marcial Mayol III, Jayden Superable, Jeff Bonita, Jundel Megreno, John Paul Puyot, Mikey Boy Villarmino, Miko Cabasag, Francis Lambatan, John Vincent Catacutan, at Baby Ronnel Bracamonte, ay nagpakitang gilas sa bawat la-
ban. Ang kanilang walang kapintasang teamwork at maayos na diskarte ang nagbigay-daan upang sila'y magwagi. Ang pamumuno at dedikasyon ni Coach Jestoni Rubia ang naging susi sa tagumpay ng team. “Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa pagsusumikap at disiplina na ipinamalas ng mga manlalaro. Lubos akong proud sa kanila,” pahayag ni Coach Rubia. “Nagkaisa sila bilang isang tunay na koponan, at ang kanilang diwa at pagsisikap ang naging daan sa panalo.” Nagpahayag naman ng kasiyahan at pasasalamat ang mga miyembro ng koponan. “Ang tagumpay na ito ay para sa aming paaralan, sa aming coach, at sa lahat ng sumuporta sa amin,” ani Java. Dagdag naman ni Mayol III, “Ito ay tagumpay ng
lahat. Lahat kami ay nag-ambag at nagtulungan. Lubos kaming nagpapasalamat sa gabay ni Coach Jestoni.”
Sa kanilang kahanga-hangang panalo, muling pinatunayan ng koponan ng basketball ng Mahayag Central Elementary School ang kanilang kahusayan sa palakasan. Ang kanilang dedikasyon at pagmamahal sa laro ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa kanilang mga kaklase kundi pati na rin sa buong komunidad ng paaralan.
Binabati ang koponan ng basketball ng MCES, si Coach Jestoni Rubia, at lahat ng mga manlalaro sa kanilang natatanging tagumpay at nararapat na kampeonato.
(Marque Dela Cerna)
ISPORTS
PAHINA
HARI NG BADMINTON
MCES dinomina ang larong badminton panlalaki sa District Meet 2024
Muli na namang ipinakita ng Mahayag
Central Elementary School ang kahusayan nito sa sports nang magtagumpay ang mga atleta sa parehong Men’s Single at Double Badminton Tournament sa 2024 District Meet.
Kampeon sa Singles si Kier Gian Jamorol matapos ipinamalas ang pambihirang galing, liksi, tumpak na mga galaw, at diskarte.
Sa pamamagitan ng malalakas na smashes at tumpak na pag-target, natalo ni Jamorol ang mga matinding kalaban upang makamit ang titulo ng kampeon.
Ang kanyang determinasyon at kalmado sa court ay nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa distrito.
“Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagsusumikap at suporta mula kay Coach, sa aking pamilya, at sa aming paaralan.
Ipinagmamalaki kong maipagmalaki ang Mahayag Central Elementary School,” pahayag ni Jamorol.
Ipinakita naman nina John Kristof Felicio at Mikhail T. Espina ang kahanga-hangang teamwork at koordinasyon matapos manalo sa Men’s Double Tournament.
Ang kanilang seamless na komunikasyon at mga taktikal na galaw ay nagbigay daan sa kanilang panalo sa isang kapanapanabik na final match.
Pinatunayan ng Mahayag Central Elementary School na walang makakapantay sa kanila pagdating sa kompetisyong aero gymnastics matapos masungkit ang kampeonato sa nasabing larangan sa naganap na District Meet 2024.
Sa ilalim ng mahusay na pangunguna ni Coach Alchie Mijares, ang team na binubuo nina Eickho Urriel Barcinal, Maria Isabel Sumbad, Nissan France Bongcayao, at Kristel Miel Peras ay nagpakita ng isang kamangha-manghang performance na nagbigay sa kanila ng gintong medalya.
Ang kahanga-hangang koordinasyon, tumpak na pagsasagawa, at dinamikong routine ng team ay nagbigay daan para makuha nila ang pinakamataas na marka mula sa mga hurado.
“Ang gabay ni Coach Darlene at ang tiwala namin sa isa't isa ang susi sa aming tagumpay,” ani Espina. Dagdag naman ni Felicio.
“Nagpapasalamat kami sa aming paaralan na naging inspirasyon sa amin upang magbigay ng aming pinakamahusay.”
Pamumuno ni Coach Darlene Jane A. Jagdon, ang tagumpay nina Jamorol, Felicio, at Espina ay patunay ng dedikasyon at kahusayan ni Coach Darlene Jane A. Jagdon.
Ang kanyang pagnanais na mapaunlad ang mga kakayahan ng kanyang mga atleta at ang pagpapalaganap ng disiplina ay malaking bahagi ng kanilang mga tagumpay.
“Lubos akong proud kay Kier, Kristof, at Mikhail. Ang kanilang pagsusumikap at dedikasyon ay nagbunga ng tagumpay, at ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa kanilang pagmamahal at dedikasyon sa sport,” pahayag ni Coach Jagdon.
Dagdag pa ni Coach Jagdon na ang pagdiriwang ng kahusayan ng mga atleta ng Mahayag Central Elementary School sa District Meet ay nagsisilbing patunay ng pangako ng paaralan sa kahusayan sa larangan ng akademya at sports. Ang tagumpay nila ay nagsilbing inspirasyon sa buong komunidad ng paaralan at nagtakda ng mataas na pamantayan para sa mga susunod pang atleta.
(Johnmax Salomon)
MCES Aero Gymnastics Team Nanguna sa District Meet 2024
Ipinamalas nila ang kahusayan, lakas, at presisyon na nagpatunay sa mahabang oras ng pagsasanay at dedikasyon na inilaan nila para sa kumpetisyon.
Ang pamumuno ni Coach Alchie Mijares ay naging susi sa tagumpay ng mga atleta. Ang kanyang pagiging mapanuri at patuloy na paggabay ay tumulong nang malaki sa pagkakamit ng panalo ng team.
“Proud ako sa pagsusumikap at dedikasyon ng mga atletang ito sa kanilang pagsasanay. Ang tagumpay na ito ay isang patunay ng kanilang pagkakaisa at pagtutulungan bilang isang team,” pahayag ni Coach Mijares.
“Ang tagumpay na ito ay para sa aming paaralan at sa aming coach na naniwala sa amin sa bawat hakbang,” sabi ni Barcinal.
DISKARTE AT TALINO. Ipinamalas ng MCES ang kanilang galing sa larong badminton panlalaki at naiuwi ang tagumpay.
LUBOS NA IPINAGMAMALAKI. Saludo ang buong MCES sa kanilang mga nagsipagwaging atleta sa Aero Gymnastics.