Portfolio Sa Filipino
Ipinasa ni: Kate Nicole Austria HUMSS12B
Talambuhay Paglagom Ako ay si Kate Nicole Austria, labimpitong taong gulang, ipinanganak noong Abril 7, 2006 at nag-aaral sa University of St. La Salle Bacolod. Sa halos lanimpitong taon ng aking buhay ay hindi pa aabot as sampung daliri ang aking mga nakamtang tagumpay sa buhay at alam kong mayroon pa akong makakamtan sa darating pang mga panahon. Ako ay ipinanganak sa lungsod ng Bacolod, hindi naman gaanong ka rangya ang pamumuhay ng pamilya ko ay masasabi ko parin na kami ay nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at naiibibigay parin nila ang mga pangangailangan ko. Nag-aaral ako sa isang kilalang paaralan dito sa lungsod namin, at magmula noong nakarating ako dito ay marami na akong natutunan at mga naranasan sa paaralang ito. Katulad nalang noong nanalo ang aming koponan sa Litmus Festival noong nakaraang taon, isa narin doon ay naging parte ako ng isang organisasyon sa paaralan namin at sa isang organisasyong binubuo ng iba’t - ibang mga tao sa bawat parte ng Pilipinas. Kinikilala ko rin na isang tagumpay ang kakaunting panahon nalang at kami ay magtatapos na kami sa pag-aaral, dahil isa ito sa mga bagay na nagpapakita sa amin na malayo na ang aming nararating. Kaya sa pagwawakas ng talambuhay na ito, nais kong malaman niyo na kahit ano pa man ang estado mo sa buhay ay hindi ito rason upang hindi abutin ang mga nais mong makamit na tagumpay sa buhay. Ang kailangan mo lang ay ang mga tamang tao na magsusuporta at tutulong sa iyo upang ikaw ay makaangat sa iyong kinatatayuan ngayon.
Lakbay-Sanaysay Ang paboriting lugar ko ay ang lugar ng Ilioilo, dahil sa nakakamamgha nitong mga tanawin. Tuwing pumupunta ako ng Ilioilo ay ang parati kong pinupunta at pinapanuod doon ay ang paglubog ng araw dahil nakakramdam ako na kapag pinagmamasdan kong lumulubog ang araw ay napapawi ang lahat ng aking problema. Kaya sa tuwing ako ay tinatanong kung saan ko gustong pumunta ay palaging Iloilo ang sagot ko.
Napakaraming lugar ang pwedeng puntahan sa Ilioilo dahil isa itong malawak na syudad ngunit ang municipalidad ng Guimbal ang lagi kong pinupuntahan dahil sa maganda nitong tanawin at lalong lalo na ang mga tao. Ito ay matatagpuan sa tabi ng dagat at mapupuntuhan mo ito kapag ikaw ay sasakay ng mahigit tatlumpung minuto mula sa syudad. Walang masyadong mapupuntahan sa lugar na iyon dahil ito ay maliit lamang pero ang pinakasulit na puntahan ay masaksihan doon ay ang paglubog ng araw. Ang mga turista na pumupunta doon pati na ang mga lokal sa lugar ay pinakahihintay na panoorin doon ay ang paglubog ay pagsikat ng araw. Kaya kapag pumunta kayo roon ay dapat maglaan kayo ng oras para magnilay nilay habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa pangpang.
Repleksyon Ang relihiyon ay isang institusyon na binubuo ng paniniwala ng mga tao, seremonya, at mga patakaran para sa pagsamba ng mga tao sa mga Diyos ng kani-kanilang relihiyon. Kadalasang may impluwensya ang relihiyon sa paghubog ng kultura ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal, moral na kompas, at impluwensya sa desisyong kanilang ginagawa. ayroong iba't - ibang relihiyon sa daigdig at iba't M iba rin ang kani kanilang paniniwala at moralidad na sinusunod. Ang relihiyon ay ang nagsisilbi nilang gabay sa kani kanilang araw araw na pamumuhay at lalong lalo na sa mga pagkakataong hindi natin alam ang gagawin. Ang pagkalaroon rin ng takot sa Diyos ang nagpapanatili sa disiplina ng bawat indibidwal, nagsisilbi din itong daan upang magkaisa ang bawat tao dahil iisa lang ang kanilang Diyos na sinasamba at iisa lang din ang kanilang sinusunod na paniniwala. Kaakibat din ng magagandang dulot ng relihiyon ay ang masasamang dulot nito. Isa ang relihiyon sa rason kung bakit mayroong diskriminasyon, ginagamit ng mga tao ang reliyon upang maging rason na makapanakit ng karapatan ng ibang tao na mamuhay ng naayon sa gusto nila. Nagdudulot din ito sa ibang indibidwal na itago kung sino sila dahil sa mga sinasabi sa kanila ng mga tao na ito ay labag sa kanilang relihiyon at hindi ito katanggap tanggap sa bahay ng Diyos o hindi ito tatanggapin ng Diyos.