2 minute read

Alamat ng Ulan ANG

Noong unang panahon, may isang kahariang nagngangalang Acheron kung saan nakatira ang mga di-ordinaryong nilalang. Ang Acheron ay isang tagong lupain na napapalibutan ng mga bulubundukin at tanging ang mga Acheras na naninirahan sa lugar na ito ang may kakayahang makakita. May mag-asawang naghahari at namumuno rito, tinatawag silang

Panraya. Ang isa ay nagngangalang Cronus at ang Isa naman ay Hestia. Si Cronus ang namamahala habang ang kanyang asawa na si Hestia ay may natatanging kapangyarihan na maapektuhan ang panahon sa buong kalupaan ng Acheron pati na rin sa mga lupain na nakapalibot dito.

Advertisement

Isang araw, sa loob ng isang silid ng palasyo kung saan naninirahan ang dalawang panraya, naroon ang reyna at malalim na iniisip ang mga pangyayari nitong mga nakakaraang araw. Matapos ng mahabang pag-iisip, napagtanto ng reyna na may posibilidad na siya ay nagdadalang tao. Sa masayang posibilidad na ito ay dali-dali siyang nagtungo sa kanyang asawa upang ibalita ang masayang pangyayari na ito.

Hestia: Mahal kong asawa, Cronus, may nais akong ibalita sa iyo, mukhang nagdadalang tao ata ako

Cronus: Mahal ko, napakagandang balita naman niyan, dapat tayong magdiwang sapagkat tayo'y mabibiyayaan ng isang supling

Matapos itong malaman ng mag-asawa ay agad na ipinag-utos ni Cronus sa kanyang mga kawal na ipakalat ang magandang balita sa buong lupain na nasasakupan ng Acheron. Natuwa ang mga Acheras sa balitang ito at agad na naghanda ng isang pagdiriwang para sa kanilang mga panraya, sa pagdiriwang na ito ang mga mamamayan ng acheron at ang kanilang mga pinuno ay nagsaya, kumain, at nagkantahan. Ngunit, paglipas ng ilang oras ay sumama ang pakiramdam ni Hestia at nakagawa ng nakakapangilabot na panahon na halos makadisgrasya sa mga taong nasa lugar na iyon. Naging dahilan ito ng pagkagalit ng mga mamamayan.

Sa di inaasahang pangyayari, nagsimulang magbato ang mga mamamayan ng matitigas at matatalas na kagamitan kina Cronus at Hestia sa pagaakalang balak silang paslangin ng dalawang panraya. Sinenyasan ni Cronus ang mga kawal na protektahan ang kanyang asawa ngunit sa isang iglap, tumama sa sinapupunan ni Hestia ang isang matalim na babasaging baso.

Naramdaman ito ng reyna at napansin niya ang mabilis na pagtagos ng dugo mula sa kaniyang hita. Mula sa puntong ito naramdaman ng reyna ang pakonti-konting pagkawala niya sa sarili kasabay ng pagkawala ng kaniyang anak na nasa sinapupunan pa lamang.

Hestia: Ang anak ko! ang anak ko! Ang anak natin Cronus!

Narrator: Kasabay ng pagiyak ng reyna ay ang simula ng malakas na pagbuhos ng patak-patak na tubig mula sa kalangitan sa buong Acheron kasama na rin ang mundong nasa labas.

Cronus: Hestia, mahal ko, kumalma ka natatakot na ang mga mamamayan natin

Hestia: Cronus! Hindi mo ba nakikita?! Ang anak natin wala naa!!

Nakunan ako Cronus, hindi nila inintindi ang kalagayan ko bilang isang nagdadalang-tao at hinding-hindi ako papayag na hindi sila maparurusahan sa mga kasalanang ginawa nila.

Cronus: Alam ko at hindi natin ito papalagpasin pero sa ngayon kumalma ka muna aking mahal.

Huminga ng malalim at ngumiti na lamang ang reyna bilang pasasalamat sa hari sa pagpapakalma sa kanya. Matapos ang pangyayaring ito tinupad ng hari ang kanyang pangako at pinarusahan ang lahat ng mga mamamayang nagkasala. Simula noon, sa tuwing papatak ang mga malalakas na tubig mula sa ulap ay naaalala ng mga tao ang masalimuot na pangyayari sa magasawang sina Cronus at Hestia, kalaunan ay tinawag itong ulan. Ang tubig na sumisimbulo sa pighati ng isang ina mula sa pagkawala ng kaniyang anak na nasa sinapupunan pa lamang.

This article is from: