
2 minute read
LARAWANG SANAYSAY
Bawat umaga, sa paglipas ng kadiliman, nararanasan natin ang isang biyaya mula sa kalangitan na napipintahan ng mga kulay kahel, rosas, dilaw, at asul. Ang langit ay nagiging isang obra ng sining, isang kuwadro na nagpapakita ng kagandahan na likha ng kalikasan. Sa tuwing bumubulaga ang unang sinag ng araw, magsisimula ang kwento ng isang batang sisimulan pa lang ang kanyang mahiwagang araw. Isang mapayapang umaga, nagising ako mula sa mahimbing kong tulog, at agad kong naramdaman ang tawag ng dalampasigan na nagaanyayang aking pasyalan Ako ay bumangon mula sa aking higaan at nagtungo sa isang paraiso kung saan nagtatagpo ang dagat at lupa sa isang payapang yakap.

Advertisement

Napatingin ako sa malawak na karagatan, kung saan ang mga alon ay umaabot sa kalangitan. Ang lakas ng kanilang pagampat ay tila nagpapahayag ng kanilang puwersa at taglay na kagandahan. Nais kong sumali sa kanilang sayaw, kaya't ako'y lumusong sa malalim at malamig na tubig. Pagkatapos kong lumusong sa karagatan, ako'y tumahak sa puting buhangin aking nadama ang lambing ng dagat ang malamig na pagsalubong nito sa aking mga paa. Ang simoy ng hangin ay humahalik sa aking pisngi nagbibigay ng kahalumigmigan at kasiyahan. Sa mga sandaling ito, ako ay malaya at lumiligaya sapagkat inanod ng alon ang mga alalahanin at problema ko Habang tumatagal ang aking paglalakad, unti-unting naglalaho ang liwanag ng araw. Napakaganda ng paglubog ng araw sa dagat. Ang mga kulay kahel at usal na naglalaro sa kalangitan ay aalala sa aking isipan.
At sa isang iglap, tuluyang nawalaang araw sa kalawakan. Ang langit ay nagiging dilim, atmga bituin ay sumisilay sa karimlan



Ang kapaligiran ay nababalutan ng kapayapaan at katahimikan, na nagpapahiwatig ng pagkakataon para sa pagpapahinga. Sa pagsapit ng kadiliman, muling magsisimula ang liwanag ng kinabukasan.
Ang pangunahing suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng Pilipinas ay ang tumataas na bilang ng organic at commercial waste na nagiging dahilan sa pag-usbong ng air at soil pollution. Hindi ito magiging mabuti para sa kapaligiran pati na rin sa mga taong naninirahan dito, kaya kinakailangang magkaroon ng agarang pagkilos upang maresolba ang mga negatibong epekto ng mga suliraning ito. Ang Project Eco-Eater ay naglalayong maibsan ang bilang ng commercial waste na nagmumula sa mga food industries sapagkat hinihikayat nito ang mga tao na gumamit ng biodegradable takeout containers na gawa sa coconut husks imbis na takeout containers na gawa sa plastik.
Ang paggamit ng coconut husks sa paggawa ng biodegradable takeout containers ay nakakatulong sa pagbawas ng organic waste sa bansa. Ito rin ay ecofriendly dahil mabilis ito mabulok at magsisilbing fertilizer para sa lupa.
Maliban dito, maiiwasan din ang deforestation dahil gawa ito sa coconut husks at hindi sa papel. Samantala, ang pagsasagawa ng produkto, eksperimentasyon, product testing, obserbasyon, at pagsusuri ang ginamit na metodo sa pag-aanalisa ng mga nalikom na datos. Napatunayan ng pag-aaral na ang paggamit ng coconut husks bilang alternatibo sa plastik at papel ay epektibo sa pagbawas sa tumataas na bilang ng organic at commercial waste sa bansa. Ang Project Eco-Eater ay isang sustainable na solusyon sa polusyon ng bansa at makakatulong hindi lamang sa pagpapahusay ng buhay ng konsyumer, kundi pati na rin sa komunidad, kapaligiran, suplayer ng buko at mga mananaliksik sa hinaharap. Samakatuwid, kahit ang basura ay may kakayahang magbawas ng basura.
Mga susing salita: Organic Waste, Commercial Waste, Air Pollution, Soil Pollution, Biodegradable, Coconut Husks, Eco-Friendly, Sustainable