02
editorial
EDITOR’S NOTE James Christian Francisco | Editor-in-Chief
Bumangon at inilaban dahil walang pagpipilian I guess that is how I would describe our life after a year of online and distance learning. It was all new, unfamiliar and uncertain. Whatever mode you belong to, whether online or modular, I guess we can all agree that it was never easy. This pandemic taught us many things which we most frequently ignore or taken for granted. This pandemic taught us to treasure each moment with the people we love because we don’t know when we can see them again. This pandemic taught us to be more compassionate and understanding towards each other because simply we are not on the same boat as we sail in this pandemic. Some are in a better boat than the others. But I guess what this pandemic taught us best is how to be strong and fight for our tomorrow. Bumangon at inilaban dahil walang pagpipilian. This pandemic, these never-ending lockdowns, taught us that it is okay to have bad days and to feel your bad days. It is okay to cry and be weak but we must always get up and push through because we have no other choice. Yes, that is what I am saying. Staying in bed and crying all day for days long is not an option. We have to push through
and fight for a breakthrough. I firmly believe that better days don’t just come, we have to fight for it and by fighting I mean getting up every morning despite the heaviness in your chest. Fighting by wiping your tears after a breakdown. Fighting by standing up every time this world and the horrible people in it brings you down. Better days are fought for, that is what makes it meaningful. All of us went through different crises and problems that changed us drastically. We are no longer the same person as we are one year ago—and it’s worth celebrating! The fact you are still here today, the fact that you chose to continue and not surrender is already a milestone. Do not be ashamed of all the scars you got because they are proof that you are a soldier who will fight to death for his/ her life. You fought for your tomorrow. One day this pandemic will end. We will be free to move around again. Malls and parks will be crowded again. I hope, when that day comes, we can see each other so that I can give you a tight hug and whisper to your ear “You made it, fighter”
INTERNET CONNECTION IN DISTANCE LEARNING: KAYA PA BA? ni Iloilo
Minsan malakas... madalas mahina at kung mamalasin walang signal. Gaano kahirap ang dinaranas ng bawat isa upang mairaos ang eskwela sa panahon ng pandemya? Paano makapag-aaral ng maayos kung hindi stable ang internet connection ng bawat guro at mag-aaral? Maibabalik pa kaya ang dating nakasanayan o mananatili na sa makabagong paraan ang lahat? Sariwain natin bilang mag-aaral kung paano tayo nagpatuloy sa buhay-estudyante at kung ano ang naging epekto nito sa pagbabago. Maraming pagsubok ang dumating sa paglaganap ng pandemya sa buong daigdig. Ito ang pinakamalaking krisis na kinaharap ng mga tao, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo sa ilang buwan na pagkakakulong sa sariling tahanan. Sa kabila nito, nagpasya ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na ituloy ang pagbubukas ng klase. Matatandaang inanunsyo ng DepEd na Agosto 24, 2020 ang pagbubukas ng klase, kung saan blended learning ang gagamitin kabilang sa mga materyal na gagamitin sana ang online, TV, radyo, modules, o iba pa. Sa pahayag ng ABSCBN kay Education Secretary Leonor Briones, sinabi niyang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon nila na iurong ang class opening dahil na rin sa epekto ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa paghahanda. “We will implement such a decision to defer school
opening to October 5 pursuant to Republic Act No. 11480,” ani Briones. Iginiit ng DepEd na kahit sa October na magbubukas ng klase, wala pa ring face to face classes hangga’t wala pang bakuna. Ang distance learning ay hindi nangangailangan ng pisikal na presensya sa paaralan. Mayroong tatlong uri ng learning modalities ang nakapaloob dito. Ang Modular Distance Learning (MDL), maaaring gumamit ang mga mag-aaral ng mga selflearning module na maaaring printed o digital form. Kung saan responsibilidad ng mga guro na subaybayan at gabayan ang progreso ng mga mag-aaral gamil ang e-mail, text message, instat messaging (chat), o telepono. Ang Online Distance Learning ay pagtuturo ng mga guro sa nga mag-aaral gamit ang internet. Maaaring i-download ang mga learning material at mag-submit ng mga homework online upang maging aktibo ang mga learner. At ang huli ay TV/Radio-Based Instruction kung saan ang mga self-learning modules ay maaaring maituro at maipalabas sa telebisyon at mapakinggan sa radyo. Ito ay epektibong alternatibo sa nga mag-aaral na walang access sa internet at kompyuter, tablet at smartphones. Mula sa isang pahayag ng Human Rights Online Philippines, ang modular distance learning ay maraming ng butas na nakikitang puno ng suliranin gaya na lamang ng walang
inilaang manpower ang kagawaran at ang mga guro ang inaasahang mag-reproduce, magsort/stapler at mag-distribute ng modules. Hindi naglaan ng sapat na badyet para sa produksiyon ng modules na nagtulak sa mga guro para maglunsad ng fund-raising at solicitation. Sobrang laking gastos (9 bilyong piso) na ang inilaan ng DepEd ay hindi pa rin kumpleto ang mga modules, makikita sa pagsasalitan ang paggamit ng modules (Set A/Set B) na patunay ng kakulangan nito. Ito ay nakadagdag sa hirap ng bawat guro na saluhin at solusyunan ang mga kakulangan ng ahensya na pinipilit ituloy ang pagbubukas ng klase sa gitna ng pandemya. Sa kabilang banda, masyadong magastos ang online distance learning. Umaabot sa P15,000 ang pagpapakabit ng internet na nakadepende pa kung gaano kalakas ang megabits per second (mbps) nito. Kada buwan ay magbabayad ng P1,000 mahigit ngunit hindi naman nasisiguro ang lakas ng signal sapagkat madalas magkaroon ng technical problem ang serbisyo nito. Samantala, ang pagpapaload ay masyado ring magastos lalo na kung malakas ang kinakain na mbps ng mga learning application na ginagamit sa online class. Ang 50 pesos na load na tumatagal ng tatlong araw ay kulang kung kaya’t magpapaload pa ulit ang mga magaaral para lamang makadalo sa at hindi mapag-iwanan sa klase. Sa kabilang banda, hindi lamang internet connection ang gastos kung hindi maging ang gadgets na gagamitin sa pag-aaral. Sa pagtaas ng demand ng mga gadgets dahil sa pagkakaroon ng online class ay tumaas din ang presyo nito. Bago magkaroon ng pandemya, ang laptop ay aabot lamang sa P20,000-P25,000 ngunit ngayon ay naging P30,000-P40,000. Nagmahal rin ang mga smart phones at accessories nito na maaaring makatulong upang lubos na maunawaan ang klase. Gaano kamahal ang magpaaral lalo na’t ang ilan sa ating mga kababayan ay nawalan ng hanap-buhay? Isa ang Pilipinas sa mga bansang nahuhuli pagdating sa signal ng internet at mga makabagong teknolohiya. Ang internet sa Pilipinas ang isa sa pinakamabagal sa rehiyong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mas mabilis pa ang internet sa mga bansang Cambodia, Laos, at Myanmar. Ayon sa Speedtest Global Index, noong Mayo 2019, pang-107 ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo pagdating sa bilis ng mobile internet (15.1 Mbps) at fixed broadband (19.55 Mbps). Batay sa ulat ng OpenSignal kaugnay sa Long Term Evolution (LTE) connectivity sa kabuuang bilang na 77 na bansa pang 74 ang Pilipinas sa bilis ng LTE connection na may average speed lamang na 8.24 megabytes per second. Pang rank 69 naman ang Pilipinas sa 4G availability. Sa kabila nito, kinakailangang may sapat na pera ang bawat isa upang makapagpaload sa kanilang cellphone o di kaya’y magpakabit ng sariling wifi sa tahanan. Naging malaki ang papel ng internet na kailangang isaalang-
alang ng bawat guro at mag-aaral sa pipiliing paraan at moda ng pagkatuto sa unang buwan ng panibagong school year. Mula sa panayam ng ABS-CBN News, ang problema ay hirap na makita ni Elijah Angad ang mga kaklase maging ang kanilang guro dahil sa ilang technical issue. Ito ay kahit gumastos pa sila ng dagdag na P700 kada buwan para bumilis ang internet connection. “Sa internet connection po may problema, kasi ang teacher po namin minsan choppy, malabo po ‘yung camera, tapos hindi po nakikita ‘yung lesson,” ani nito na isang Grade 7 student. Ang Alliance of Concerned Teachers o ACT ay nangangamba na baka hindi magdulot ng pantay-pantay na oportunidad sa bawat mag-aaral ang online education. Ani ng ACT, “ang online education ay nagexpose pa ng disparity between sa mayaman at mahirap kasi alam naman natin na sila ang may access doon sa magandang quality ng gadgets at sa malakas na internet connection. Maaring ang mga pumili ng modular mode of learning bilang distance learning ay walang matatag na pinansyal upang suportahan ang ganitong pangangailangan sapagkat maaari namang kumuha ng modules sa paaralan na hindi nagpapalaki sa gastos ng isang pamilya lalo na sa mga nawalan ng hanap-buhay. Mula sa ABS-CBN News, umabot sa mahigit 5 milyong estudyante ang hindi makapag-aral sa papasok na school year batay sa pagtataya ng Department of Education. Kung susumahin, lumalabas na nasa 5.4 milyong kabataan ang hindi makakapag-aral ngayong taon, kung susundan ang kanilang target sa papasok sa school year. Target ngayon ng gobyerno na makapagpa-enroll ng 80 porsiyento ng bilang ng mga estudyanteng nag-aral noong nakaraang taon. Sa datos ng DepEd, lumalabas na nasa 27 milyong estudyante ang nag-enroll noong nakaraang taon. At kung susumahin, aabutin ng 21.6 milyon ang mag-aaral na target ng DepEd na makapag-enroll sa papasok na school year, at nasa 5.4 milyon ang posibleng hindi makapagaral sa parehong panahon, kung susundan ang komputasyon. Ito ay nagpapakita na hindi epektibo sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng distance learning. Kung walang internet maaaring hindi nagdesisyon ang dalawang institusyon ng edukasyon na magpatuloy dahil sa pandemya. Paano na lamang ang magandang kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa mga magaaral. Oo, nakatapos na ng isang taon ang mga magaaral na piniling makapag-aral sa distance learning. Oo, marami ng inspiring stories ang mga mag-aaral sa kabila ng sitwasyon natin ngayon. Ngunit hindi ito nangangahulugan na mananatili na ang gantong klase ng pag-aaral kung saan parehong naghihirap ang bawat guro at mag-aaral. Hangad na matuldukan na ang paghihirap na ibinigay ng corona virus sa bansa upang makabalik na sa face-to-face ang pag-aaral. Hindi madali pero kakayanin upang hindi mapahuli.
editorial
Hindi madaling mabuhay sa gitna ng masalimuot na karanasan. Hindi madali sa bawat Pilipinong umaahon sa putik ng pag-hihirap. Walang madali, dahil mahirap, dahil hindi sapat, dahil may kulang. Sa gitna ng pandemiyang nararanasan ng bansa, marami ang nawalan ng trabaho. Katakot-takot na hirap ang haharapin ng bawat empleyadong nais magkaroon ng maayos na pamumuhay, pinagdiin pa nito ng katotohanan na may kontraktuwalisyon, at hanggang ngayon ay hindi ito napuputol. Ilang dekada na ang lumipas, ang paglaban ng mga manggagawang Pilipino upang maipaglaban ang karapatan bilang isang mamamayang naglilingkod sa bayan ay nananatiling naka-binbin sa kongreso. Walang pag-usad, walang pagbabago. Sa ilang pangulong nangako, nagbitiw ng mga matatamis na salita, tila ba lahat ng ito ay naglaho ng parang bula, hanggang sa tuluyan ng hindi umusad. Sa kasalukuyang administrasyon, matatandaan na bago maupo si Pangulong Duterte isa sa naging pangako niya sa mga mamamayang Pilipino ay ang pagputol sa tanikala ng kontraktuwalisasyon. Ngunit sa ilang taon na ang lumipas, malapit ng magtapos ang kaniyang termino, nanatiling tinik sa lalamunan ng mga manggagawang Pilipino ang hindi makatarungan na kontraktwulalisasyon sa bansa.
03
Walang END sa ENDO ni Dumaguete
SECURE JOBS! SECURE LIVES VIOLATION OF WORKERS’ BASIC RIGHTS, END OF CONTRACTUALIZATION
End-of conract(ENDO), ito ay talamak sa mga ganid na kapitalista ng bansa. Isa itong kinagawian sa bansa kung saan may ilang buwan lamang ang mga manggagawang Pilipinona makapagtrabaho sa ilalim ng kanilang kompanya. Ang ganitong paraan ay tinangkilik ng mga kapitalista sa kadahilanang mas Malaki ang pumapasok na pera sa kanila. Malaki ang kinikita ng bawat kapitalista na sumusunod sa kontraktuwalisasyon. Nakakaiwas sa pagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawang Pilipino dahil bilang lamang ang buwan na maaari nilang ipasok. Malinaw na pamumuhunan ang siyang nais ng mga kapitalista. Article 296 of the Philippine Labor Code, kung saan nakalathala na kapag natapos na ang limang buwan na pagtatarabaho ng mga emplyedong Pilipino ay dapat na silang mapunta sa tinatawag na “regular employee”. Sakop na nito ang pagkakaroon ng benipisyo ng mga manggagawang Pilipino katulad ng medical insurance, paid leaves,at security of tenure. Ngunit nakakalungkot na hanggang sa ngayon walang maayos na plataporma na nakalatag upang wakasan ang nakasusulasok na kontraktuwalisyon sa Pilipinas. Ngayon na panahon ng pandemiya mas lalong sinubok ang mamamayang Pilipino sa ilalim ng kotraktuwalisyon. Sumapit ang Covid 19, marami ang nawalan ng trabaho dahil na rin sa pagsasara ng mga kompaniya. Marami rin ang mga hindi nakatanggap ng tamang pasahod. Maraming Pilipino ang nagtiis sa hindi maayos at patas ng regulasyon na mayroon sa kontraktuwalisasyon. Dahil dito maraming Pilipino ang patuloy na lumalaban at walang sawang nakikipagsapalaran sa hindi makatarungang hatid ng ENDO. Marami pa din ang hindi nagsasawang humiyaw ang magbitbit ng mga karatulang itim na may mga nakasulat SECURE JOBS! SECURE LIVES!!!! Ang gobyerno ang siyang tanging sandalan ng mga Pilipinong walang kakayahang lumaban para sa kanilang karapatan. Ang pamahalaan ang inaasahan na siyang magiging proteksyon ng mga manggagawang Pilipino laban sa mga ganid na mga namumuhunan. Ngunit tila ba, naiiwan tayo sa laylayan ng paghihirap. Tanging panawagan lamang ay waksan ang ENDO. Magkaroon ng tamang pasahod, regular na trabaho, sapat na benipisyo. Ngunit hanggang ngayon ay pahirapan pa din sa pagsungkit sa mga panawagang ito. Patuloy na lumaban para sa Karapatan.
Manggagawang Pilipino ipagmalaki ng Pilipinas.
Guhit ni Antique
04
editorial
Guhit ni Antique
TUNAY NA MARAHAS ni Dumaguete
Isang ina na nagpapakahirap upang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Isang dalagang ilang beses sumalo ng suntok at sampal. Isang batang paslit na maagang namulat sa marahas na pamamaraan. Ito ang mga tagpong kailanman ay hindi nanaisin ng kahit sino. Ngayong panahon ng pandemiya, nakakalungkot na mas lalong lumalala ang isyu tungkol sa “domestic violence”. Marami ang nakararanas, saksi, nakakaalam at ang iba ay nananatiling walang kibo dahil sa takot at troma. Ayon sa inilabas na datos ng UN Women at World Health Organization (WHO) isa sa tatlong babae ang nakakaranas ng pananakit, sexual na karahasan at iba pang uri ng gawain na hindi katanggap- tanggap para sa mga kababaihan. Nakalulungkot isipin na sa mga pangyayaring ito, karamihan ng biktima ay nasa nasa edad 15 hanggang 48 anyos, ayon ito sa lathala ng United Nation. Dagdag pa rito ay umabot na ang kaso ng domestic violence sa bilang 243 milyon,sa buong mundo at ang karaniwang biktima ay mga kababaihan.
ng mga pang-aabuso na hindi dapat nararanasan ng mga tao lalo na ang mga kababaihan. Dagdag pa ng WHO, ang mga dahilan kung bakit mas lalong lumaganap ang mga pang-aabuso ay dahil sa kawalan ng trabaho, kakulangang pinansyal, walang maayos na matirahan at makain. Ngunit sa kahit anong dahilan, hindi kailanman matatakpan ng kahit anong rason ang mga suntok, sampal, karahasan, pasa, sakit na natamo ng mga biktima. Walang sino man ang may karapatan na manakit ng kapwa niya. Walang sino man ang may karapatang mang-abuso. Walang sino man ang may karapatan na mang-apak ng kapwa niya. Hindi sagot ang pananakit at karahasan sa lahat ng karahirapan at problemang kinakaharap ng bawat isa sa atin. Itong mga kahindik-hindik na tagpo ay nananatiling nakatago sa dilim ng mga nasaktan at naabuso. Ang katotohanang kung sino ang siyang naabuso ay siyang madalas na talo. Ang nakakaiyak na katotohanan na sa gitna ng laban ng bawat isa sa Covid 19 pandemic marami sa atin ang nagiging bulag, pipi at bingi sa kung ano ang tunay na kalgayan ng bansa, lalo na sa mga kababaihan at mga taong walang kalaban-laban.
Sa panahon ng pandemiya, simula noong taong 2019 ng magsimula ang Covid-19, mas lalong tumaas ang bilang ng karahasan ang nararanasan ng mga kababaihan. Ang pagkakaroon lockdown kung saan, madami ang nawalan ng pamumuhay, walang makain, pagkakaroon ng anxiety ang siyang mga nagging dahilan upang mas lalo pa na tumaas ang pananakit sa mga Masyado tayong silaw sa problem na walang makain, walang kababaihan, pang-aabuso hindi lamang sa mga ina ng tahanan, kung hindi maging kabilang sa LGBTQ+ ay dumadanas din ng trabaho, walang maayos na tirahan. Ngunit kailan ba natin makikita ang estado ng karahasan na laganap hindi lamang sa hindi maganda sa kamay ng mga walang awang tao. Pilipinas gayundin sa ibang bansa. Dahil dito, tila ba ang nakalubog na mga paa ay mas lalo pang nasadlak. Ayon sa WHO, ang anxiety ang isa sa mga Hindi tayo boksingero upang gawing punching bag ang nagiging dahilan kung bakit hindi mapigilan ang pagkakaroon ibang tao. Wala tayo sa loob ng ring upang manakit ng ibang ng karahasan, gayundin, isa din itong nagiging epekto sa mga tao. Ang karahasan ay hindi matatawag na marahas kung taong nakakaranas pananakit at pang-aabuso. Malinaw na hindi hindi masakit at nakamamatay. lahat ay may malawak na kapasidad upang tanggapin ang lahat
ISKOLARIUM
PAMAYANAN NG MGA ISKOLAR AT PANTAS
Editorial Board and Staffs JAMES CHRISTIAN FRANCISCO Editor-in-Chief ANGELICA FRANCISCO Associate Editor
DONNA MAE DELA TORRE Managing Editor
JIREH ALYSSA ABELLA Feature Editor
JAREN MAE QUILALA Deputy Editor
RICALYN PUNZAL News Editor
JOHN GILREY ANARETA Circulations Manager
LORENA MANALO REYCEELYN DEL MUNDO Feature Writers MERYLL GUMAFELIX JULIUS DEL ROSARIO DANICA MAE CELONES Sports Writers
JOHN ROBERT ADLAO RALPH ERIEZ RONQUILLO THERY ROSE SANGGA JOHN GILREY ANARETA Photojournalists JOHN GILREY ANARETA JOHN SIMON MENDOZA Layout Artists
RUSSELL LAWRENCE AQUILLO Cartoonist MS. KAMILLE D. LEGASPI, LPT, MAED Adviser MISSION
VISION
Iskolarium: Pamayanan ng mga Iskolar at Pantas Iskolarium believes that a well-informed is committed to producing quality news that community is the heart of justice and the upholds truth and professional journalism ethics foundation of democracy, thus, as the center of righteousness in the campus. the paper fulfills a role critically essential to the The paper shall serve as an avenue for free health of vibrant university guided by our motto, expressionof ideas and opinions dedicated to “Magsusulat at Magmumulat”. promote transparent, courageous and bold Iskolarium: Pamayanan ng mga Iskolar at Pantas actions for students’ rights. The paper shall always aims to provide the truth and always stand as a provide the different sides of the story and never channel of veracious and reliable information be distorted to reflect only one viewpoint over as the official publication of another as part of a greater service Polytechnic University of the Philippinesto the student body. Santa Maria, Bulacan Campus.
“magsusulat at magmumulat”
news
05
Pandemya sa buong mundo ni Marinduque
Mahigit isang taon na nang magsimulang kumalat ang pandemyang nagmula sa Wuhan, China patungo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Libo-libo ang naapektuhan ang kabuhayan at milyon na ang binawian ng buhay. Sa paglipas ng araw, patuloy na tumataas ang bilang ng nagpopositibo at namamatay mula sa kalabang hindi natin nakikita. Ayon sa ulat ng Worldometers.info, umakyat na sa higit 200 milyon ang kabuuang kaso ng covid19 sa buong mundo nitong unang bahagi ng Agosto. Higit apat na milyon dito ay binawian ng buhay. Ang USA na isa sa pinakamayayamang bansa ang nangungunang may pinakamataas na bilang ng kaso na pumalo sa higit 30 milyon at death rate na higit sa limang daang libo. Matatandaan na isa ang dating pangulo nito na si Donald Trump sa mga nagsawalang bahala sa panganib na dulot ng Covid19. Sa kabilang
banda, hindi tulad ng USA naging istrikto ang India sa pagpapatupad ng health protocols at lockdown sa pagsisimula ng pandemya. Ngunit dahil sa bilang ng mga pamilyang naapektuhan at kawalan ng sapat na pondo upang mapanatili ang mga lockdown idagdag pa ang kawalan ng maayos na pasilidad ng mga ospital para sa mga may sakit, napilitang magluwag ang bansa na naging sanhi ng mabilis na paglobong muli ng kaso ditto. Nangunguna ito ngayon sa may pinakamataas na bilang ng tinamaan ng virus sa buong Asya at siya namang pumapangalawa sa buong mundo.
Organization, 4.43 billion doses na ang naipalaganap sa buong mundo ngayong unang bahagi ng Agosto katumbas ng 12 million tao. Naging mabilis ang proseso ng pagbabakuna at ngayon ay umaabot na sa 39.99 million doses ang naibibigay kada araw. Kung susumahin, 29.9% ng kabuuang populasyon ng mundo ang nakatanggap na ng unang dose. 15.4% naman ay fully vaccinated. Dahil dito, ang ilang bansa tulad ng China na pinagmulan ng virus, Bhutan, Sweden, Hungary, New Zealand at USA ay hindi na nagrerequired ng pagsusuot ng face mask.
Habang patuloy ang paglaganap ng virus, naging patuloy naman ang ginawang pagsasaliksik at pag-aaral ng iba’t ibang bansa upang makabuo ng vaccine. Sa pagsisimula ng taon, nagsimula ang pamamahagi ng mga vaccine na AstraZeneca, Moderna, Johnson & Johnson, Biotech, CoronaVac, Sputnik V at iba pa. Ayon sa ulat ng World Health
Samantala, nagsimula ang vaccine roll out sa Pilipinas noong Marso kung saan nasa 58 milyong Pilipino ang target na mabakunahan. Ngayong buwan ay naipamahagi ang higit 12,000 na unang dose ng iba’t ibang bakuna habang higit 9,000 naman ang naibigay na para sa second dose. Sa kabila nito, nananatili ang pagtaas ng kaso sa bansa at
tinatayang 1.6 milyong pilipino na ang nagpositibo ngayong buwan na naging sanhi ng muling pagpapatupad ng ECQ sa metro manila at GCQ sa mga kalapit nitong probinsya hanggang August 20. Kasabay nito ang paglobo ng utang ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte na umabot na sa 10.99 trilyong piso noong Abril. Sa pagpapatuloy ng vaccine roll out, nananatili pa rin ang banta ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa buong mundo. Dulot ito ng pagkakadiskubre ng mga bagong variant ng nasabing virus tulad kumakalat ngayong Delta Variant. Ayon sa mga eksperto, higit itong mabilis makahawa kumpara sa mga mga naunang variant at siyang tinitignang dahilan ng biglaang paglobo ng kaso sa UK at ngayon sa Indonesia na naghahanda na para sa tinuturing nilang worst case scenario.
Pandemya ka lang, PUPian kami! Larawan ng PUP Pylon mula sa Wikipedia
ni Marinduque
Nalimitahan man ng pandemya ang daloy ng edukasyon, hindi nito napigil ang patuloy na pagkilala sa husay ng mga Pupian sa iba’t ibang larangan.
na isang handy device na naglalayong mailigtas ang sinuman sa krimen at panganib lalo na sa mga lugar na walang security cameras.
Noon lamang Enero nitong taon, nagawa ni Anna Yssabelle Perez, kasalukuyang PUP JPIA Santa Maria Vice president for academics na makuha ang ikaapat na pwesto sa ginanap na Regional Examination of the 22nd Search for the Outstanding Accounting Students of the Philippines mula sa higit isang-daang pamantasan na kalahok mula sa Region III. Bukod rito, si Anna lamang ang Pupian na nagawang magkamit ng karangalan mula sa nasabing kompetisyon sa buong pilipinas. Nakasama nya sina Sarlyn Uy, Alexandria Louise Villa-Real at Ronalissa Del Rosario.
Samantala naging maingay naman ang pangalan ni Ivanna Pacis na isang alumna noong 2016 mula sa College of Communication matapos niyang mapabilang sa mga opisyal na kalahok sa Miss Universe.
“Sobrang biglaan lang niyan, December 10 kami ininform tapos January 9 yung exam kasabay pa ng mga final exams namin. Pero hindi kami pinressure ng mga profs (professors) dahil alam nila kung ano ang mas priority naming nun at self-review lang rin kami,” pahayag ni Ronalissa, isa sa mga kalahok.
Sa isa sa kanyang twitter post sinabi ni Revalde “Our belongingness in our community transcends beyond our generations and intersections, and as I join as the youngest candidate, I am bringing the essences taught by our trans pioneers, my mothers, my guardian, my siblings and my ancestors, for I stand here not just myself but as a person with identity that I owe to our community.”
Maging ang mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Entrepreneurship ay binitbit ang pangalan ng PUP Santa Maria sa ginanap na The Social Entrepreneurship Virtual Innovation Challenge na isang national competition noong Abril. Sa pagtutulungan ng sampung mag-aaral mula sa BSE 3-1 at paggabay ng kanilang program coordinator na si Engr. Eduardo Francisco, nabuo ang tinatawag na The LIV Project
At nito lamang Hunyo, isa na namang Pupian ang nagtaas ng pangalan ng Sintang Paaralan matapos koronahang bagong Miss Trans Global Philippines ang 19- taong gulang na si Albien Revalde na isang sophomore industrial engineering student at vice chairperson ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan ng PUP.
Mga mag-aaral mula sa BS Entrepreneurship na bumuo ng The Liv Project Larawan mula sa kanilang facebook account
Si Revalde ang siyang kakatawan sa bansa sa international pageant ng naturang kompetisyon na gaganapin sa taon ring ito. Patunay lamang ang mga pagkilalang ito na hindi hadlang ang pandemya sa patuloy na pagyabong ng natural na husay ng bawat iskolar ng bayan.
Ms. Anna Yssabelle Perez Larawan mula kay Ms. Perez
Ms. Ivanna Pacis
Larawan mula sa kanyang facebook account
Ms. Albiean Revalde
Larawan mula sa kanyang facebook account
feature Police Brutallities: 06
Sa Likod ng Dahas ni Iloilo
“Isang bala ka lang”, katagang hinahangaan sa isang pelikula ngunit dala ay takot sa kasalukuyan. Mula sa pagiging alagad ng batas, tagapagbigay ng seguridad at kapayapaan ay nauwi bilang taga-kitil ng mga inosenteng buhay. Ang baril na tila ba ay galit na ipuputok upang matahimik ang mga bibig at mga matang umiiyak sa pagmamakaawa. Itinutok sa puso ng taong nawalan sa buhay tangan ang balang winasak ang isang masayang pamilya. Nanumpa at binigyan ng kapangyarihang ililigtas at ipagtatanggol ang iyong nasasakupan ngunit sa halip ay ginamit ito sa sariling kapakinabangan. Sino ka para nakawin ang hiram na buhay? Sino ka para ilagay sa iyong mga kamay ang hustisya? Sa panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, tumaas ang bilang ng mga pagpatay. “I will not hesitate. My orders are sa pulis pati military...na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” ani ng Presidente. Sa pagputok ng pandemya, kung saan mas kailangang bigyang pansin ang mga medical na pangangailangan ng mga tao, ang dagdag na takot at pangamba sa mga pulisya ay namayani bunsod ng “Shootto-Kill Order”. Ang anti-drug campaign na kilala bilang “Oplan Tokhang” ay naging mitsa ng mga Extrajudicial Killing sa bansa, ay hindi lamang ang mga drug addicts at drug pusher ang nakukulong at namamatay. Nariyan rin ang mga napagkakamalan at sineset-up na hindi na binibigyan pa ng pagkakataon para makapagpaliwanag na lumalabag sa karapatang pang-tao. Hindi sagot ang militaristang pamamaraan upang masosolusyunan ang problemang kinakaharap ng bansa at mapasunod ang mga Pilipino. Laman ng mga pahayagan ang balitang paulit-ulit na pagpatay ng mga pulis sa mga inosenteng buhay. Bago magpalit ang taon, pumutok ang karumaldumal na pamamaril ng pulis sa magina ng Paniqui, Tarlac. Viral ang video kung saan makikita ang
sagutan ng mga biktimang sina Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25, ang suspek na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca at anak nito, na humantong sa pagpaslang. Samantala, ika-31 ng Mayo, taong kasalukuyan, patay ang 52 anyos na lola na si Lilybeth Valdez matapos barilin ng lasing na pulis sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City. At nito lamang ika-2 ng Hulyo, taong kasalukuyan, kung saan dalawang pulis ang dawit sa panggagahasa at pagpatay sa 15 anyos na dalagitang hindi pinangalanan mula sa Ilocos Sur. Takot at Trauma. Takot na hatid ay kawalan ng tiwala sa mga pulis para sa seguridad ng lipunan, trauma na silang tagapagpalaganap ng kapayapaan ay isa na ring kriminal. Takot na hatid ay gulo dahil baka magkaroon ng barilan sa pagitan ng pulis at kawatan, trauma na may madamay at mawalan ng minamahal sa buhay. Ang init ng ulo ay hindi dapat pinaiiral dahilan para gamitin ang kapangyarihan. Marami na ang abusado sanhi upang madungisan ang pangalan ng pulis sa mata ng publiko. Sa kabila nito, may mga tapat pa rin sa serbisyo ngunit sa dami ng isyu hindi maiiwasang matakot ang mga tao. Takot at trauma na mararamdaman tuwing makikita at makakasalubong sa daan kasabay ng mga katagang “may pulis, takbo!”. Hanggang kailan mamamayani ang takot na baka mapagbintangan sa bagay na hindi mo naman ginawa? Kailan pa matatamasa ng mga Pilipino ang kapayapaan ng isang bansang malaya? Buksan ang iyong mga mata sa isa sa mga itinuturing na bayani ng bansa, ang magandang intensyon sa piniling propesyon ay nabalot ng mga kriminal na siyang dapat ay tagapagpalaganap ng katahimikan at kaayusan. Unti-unti ng nadurungisan ng dugo ang iyong uniporme at tsapa. Hangad na matuldukan na ang paghihimas ng rehas ng mga taong hawak sana ay posas.
BAKUNA: Sigurado Dehado? ni Aurora
Sa ilang buwang paghihintay ng maraming Pilipino sa bakuna laban sa COVID-19, sa wakas ay nag-uumpisa nang kumilos ang gobyerno sa pagbabakuna sa mga tao. Nagdatingan na simula pa nung Pebrero ang libu-libong doses ng vaccine sa ating bansa. Nag-uumpisa na ring bakunahan ang mga frontliners na siyang unang prayoridad sa nasabing pagbabakuna. Ngunit ayon sa Social Weather Stations (SWS) noong Mayo, hati pa rin ang opinyon ng mga Pilipino kaugnay sa pagpapabakuna kontra COVID-19. Mayroong 47% na Pilipino ang hindi pa rin sigurado sa bakuna kahit ang Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) na mismo ang nagsusulong nito. Marami pa ring Pilipino ang natatakot na masaksakan ng bakuna na marahil ay bunsod na rin ng kontrobersiyal na isyu tungkol sa dengvaxia vaccine na kung saan ayon sa tala ng DOH noong 2018, umabot hanggang 62 bata ang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia noong nasa pangangasiwa pa ito ni Secretary Francisco Duque. Dagdagan pa nito ay ang mga isyung may mga nasaksakan na ng COVID-19 vaccine sa Norway, ngunit 29 na matanda ang namatay. Dahil dito, maraming Pilipino ang nagdalawang-isip kung sila’y magpapabakuna pa o hindi. Dahil sa isyung ito ay nagsalita si Spokesperson Harry Roque na h’wag na raw maging choosy ang mga Pilipino sa pagpili ng brand ng vaccine dahil libre naman daw ito. Inalmahan naman ito ng maraming senador at sinabing “bakit hindi pwedeng mamili ang mga Pilipino gayong ang pangulo mismo ay namimili ng bakuna na gawa sa China at Russia?” Nakadagdag din sa pangamba ng maraming Pilipino ang mga negatibong paraan ng pamahalaan gaya ng mga usaping paparusahan ang mga hindi magpapabakuna. Totoong nakababahalang magpaturok ng bakunang pwedeng mong ikabuhay at pwede ring ikakitil ng buhay. Lalo na at maraming Pilipino ang tila’y natrauma dahil sa mga balita tungkol sa bakuna. Bukod pa rito ay laganap ang pagpepeke ng produkto sa ating bansa kaya tunay nga namang nakakapangamba.
Marami ang nagtatanong kung ang bakuna ba ay sigurado, o dehado? Ngunit mas maganda siguro na sa halip na sabihing h’wag na tayong maging choosy ay ipaalam na lamang sa publiko ang magiging epekto ng bakuna sa atin. Oo, libre nga ang bakuna ngunit kailangan pa rin ng mga Pilipino ng impormasyon ukol dito. Kung magkakaroon sana ng mga programa at pagsusulong na mabakunahan ang mga tao at pagtitiyak na walang mangyayaring masama, ay siguradong hindi na mag-aalinlangan ang mga Pilipino. Malaki ang tyansa na mahikayat ang mamamayan kung iisip ang pamahalaan ng iba’t ibang posibleng paraan gaya ng iminumungkahi ni Vice President Leni Robredo na pagbibigay insentibo upang mapabilis ang pagpapabakuna ng mga tao lalo na’t may mga panibagong variant na namang nagsusulputan na sinasabing mas delikado at nakamamatay. Wastong edukasyon, maayos na sistema ng pagbabakuna at positibong panghihikayat ng pamahalaan- iyan ang susi upang mahikayat na mabakunahan ang mga Pilipino. Sino ba naman ang susugod sa isang bagay nang wala siyang alam? Sino ang magpapabakuna kung hindi maayos ang sistema? Dapat maibalik ang tiwala ng mga Pilipino sa bakuna. Lahat tayo ay naghahangad na matapos na ang mapaminsalang pandemya. Ang COVID-19 vaccine ang maaaring maging susi upang bumalik na ulit sa normal ang lahat. Pero sana naman ay bigyan muna tayo ng impormasyon sa bakuna na isasaksak natin. Sana ay bigyan tayo ng garantiya na ang bakunang ito ay epektibo. Yan ang mga bagay na magaalis ng ating takot at magbibigay sa atin ng garantiya na ang bakuna ay siguradong garantisado, at hindi dehado.
Totoo, iba ang kanilang imahe sa likod ng mga komersyal na nasa telebisyon. Ang mabubulaklak na salita ay hindi nangangahulugang mayroon silang alam at pakialam. At ang mga pangako at plataporma ay pwedeng magkatotoo, ngunit pwede ring maging disenyo. Oo, wala ngang perpektong gobyerno. Lahat ay may kapintasan. Ngunit hindi ito nangangahulugan na basta na lamang papalusutin ang kanilang mga kamalian. Hindi ibig sabihin nito ay harap-harapan nila itong ipapamukha sa atin. Nangako sila na magdadala ng pagbabago sa bayan. Nangako sila na buong-pusong magseserbiyo para sa mamamayan. Matuto tayo sa mga naunang administrasyon na akala natin ay magdadala ng pagbabago sa ating bansa. Hindi kamay na bakal, ni matapang na pangulo ang kailangan ng mamamayan. Hindi mayaman, ni artista o may tanyag na pangalan ang kailangan ng mga Pilipino. Ang kailangan natin ay taong may puso na handang magserbisyo at buksan ang mata sa katotohanan na hinaharap ng ating bayan. Isang tao na may mga tainga sa hinaing ng maraming Pilipino, at hindi pansarili lamang. May malasakit sa kapwa, may talinong taglay at hindi puro dada. Timbangin mong mabuti. Kanino mo ipagkakatiwala ang bayan mo? Bilang isang indidibwal, estudyante ka man, mahirap o mayaman, isa sa pinakamalaking ambag natin sa ating lipunan ay ang pagpaparehistro upang makaboto. Ika nga, nasa kamay natin ang pagbabago. Ang pagpili ng ihahalal na kandidato ay kapangyarihan nating mga mamamayan. Tayo ang nagdidikta ng magiging takbo ng ating sariling bansa. Sapat na ang mga pagkakamali ng nauna upang matuto tayo. Sapat na ito para makita ang tunay nilang mga kulay. Sapat na upang mapagtanto ang malaking pagkakaiba ng kanilang mga salita noong nangangandidato pa lamang at mga salita noong nakuha na nila ang kanilang gusto. Sana ay maging leksyon ito sa atin sa araw ng eleksyon. Ilang buwan na lamang at ang ating bansa ay maaring maging mas magulo o maaari namang maging payapa. Ano man ang mangyayari sa hinaharap- IYON AY DESISYON MO. Ang lilang tinta na nakamarka sa ating hintuturo ay hindi lamang nangangahulugang tayo’y nakatapos nang bumoto, simbolo rin ito na nakapili ka na ng karapat-dapat para sa kinabukasan ng minamahal na bansa. Gasgas man ang salitang ito ngunit totoo, “ang pagsisisi ay laging nasa huli.”
07
Maging Leksyon sa Eleksyon
o
Malapit na naman ang eleksyon at naglitawan na naman ang mga animo’y maaamong tupang lumaki sa hirap at naghahangad na matulungan ang maraming Pilipino na makaahon sa lugmok na kahirapan, ngunit sa totoong buhay ay isa palang buwayang nangangamkam ng kaban ng bayan. Ito ang panahon na ang mga politiko ay nagsisimula na namang mag-isip ng plataporma kung paano nila makukuha ang tiwala ng madla. Nag-uumpisa na namang magpakitang-gilas sa komersyal sa telebisyon ang mga taong nais makakuha ng posisyon sa gobyerno. Bawat nakaupong politiko ay mayroong inihandang kamag-anak o ‘di nama’y anak o kaibigan na irereto sa mamamayan upang iboto na papalit sa nasimulan nilang administrasyon, o pwede rin namang korupsyon. At tayo? Siyempre, naghihintay na marinig ang kanilang mga ilalatag na plataporma at pangako. Tinitimbang kung kaninong pangalan ang nararapat makakuha ng itim na marka sa balota. Mag-aanim na taon na ang nakalilipas nang mahalal ang bagong administrasyon, na kung matatandaan ay kilalangkilala at kinagigiliwan ng mamamayan dahil sa tapang nito at determinasyon na mapuksa ang talamak na droga sa ating bansa. Kasabay ng kaniyang pag-upo ay ang pangakong sa loob lamang ng anim na buwan ay magagawa niyang puksain ang droga. Kabilang din sa kaniyang pangako sa harap ng mamamayang Pilipino na mapatigil ang paglaganap ng krimenalidad, mapahinto ang kontraktwalisasyon at mapalayas ang mga ganid na politiko. Ngunit sa loob ng mag-aanim na taong iyon, nakamit ba ang mga ipinangakong pagbabago, o naging daan ito upang mas lalong magdusa ang mga Pilipino? Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang sinapit ng ating bansa sa loob ng administrasyong ito. Ang giyera kontra droga ay humantong sa extrajudicial killings. Sa kalagitnaan ng pandemya ay nagkaroon pa ng oras sa pagpapasara ng ABS-CBN sa halip ng pag-iisip ng plantsadong paraan laban sa COVID-19. Kasabay ng pandemya ay ang tuluyang paglobo ng utang ng Pilipinas na sana ay nagastos para sa kapakanan ng mamamayan kaysa sa pagdidisenyo ng Manila Bay. Ang pangakong siya mismo ang magtatanggol sa West Philippine Sea ngunit sa huli’y binawi ang salita at sinabing hindi niya ito ipinangako. At dahil uhaw ang mamamayan sa pagbabago, ang inakalang pinuno na bumilog sa ulo ng maraming tao, ay hanggang salita lamang pala.
ni Aurora
:
feature
MgaGuhit ni Antique
08
literary
Soaked but not Dreaming by Kalinga
They say that when it rains, some people walk in it and others just get wet but today, I don’t belong on neither of those two. I don’t know how much time will I spend standing outside the department store. I make a good grip of the envelope in my hand, despondently staring down. “Max B. Fernandez, Cum Laude.” I graduated with flying colors. Three months ago, I became a certified public accountant and got to work in a reputable insurance company as a financial consultant. Unfortunately, COVID-19 pandemic broke out and turned the world upside down. I was fired early this afternoon and all I am left with are bills, a confuse soul, crashing dreams and my separation pay. I bought two servings of beef pares in the nearby stall which my younger brother requested before I left home this morning. The night is melancholic. Grey sky swept over the busy streets while everyone went through different directions. The cars’ headlights and street lamps, reflected on the wet road, painted the town in a faded abstract. I got off the jeepney but my heart sank every time I took a step towards our little nipa hut. The growling sound of the raindrops were fused with the storm inside my being as it touches my skin. Water is dripping down on me, soaking my clothes while I stand firmly against it. My inner goddess feels like drowning but as soon as my mom saw me, she hurriedly gets an umbrella and shed me from the weather’s anger. “Max, is there a problem?” I shook my head. We’re sitting on the dining table but I just can’t find the right word to start a conversation about me being jobless. I clenched my fist, trying to toss the unwelcome thought of crying. I should be strong. I should be because that’s how a bread winner. From the corner of my eye, I can see my dad lying on his bed. It’s been a few months since he was diagnosed with kidney failure. He has to undergo dialysis
which costs me a fortune. My brother is on his 4th year high school while my mom does laundry in the nearby houses for a small amount of money and sometimes she even sells penoy and balut at night. “Max..” “Mom.” I gasped tossing the thoughts out of my mind. “It’s your father’s schedule for dialysis tomorrow.” I put down the utensils in my plate. Slid my hand inside my jacket, fished the envelope and handed it to my mom hesitantly. She opened it and look at me with her confused eyes. I dodged her stares and told her everything, about me being a total mess. Unemployed. The next day, I woke up at 4 am and went through every towering building to apply for a job. I’ve never been bumped into great uncertainties but it seems like I had enough today. They all said that they’ll call me which occasionally takes 2 weeks or a month and I can’t afford to wait for it. Waiting to hear back from them is a total rejection and an understatement for uncertainty. Rejections, responsibilities, and formation of a mandatory smile. I didn’t even notice that it’s been 5 long days since I started looking for a job. I dropped my bag as soon as I enter our house. There are only few coins left on my wallet so I had to skip meals and walk to and from the city. Everyday is a survival test. Metro Manila is also placed in the state of community quarantine in an attempt to stop the spread of corona virus. Questions began popping in my head. How can I bear the expenses, our everyday living, the education of my brother and my dad’s dialysis? I stared at my dad from a distance while he’s busy fixing the radio that’s full of static. He weakly raises both of his arms towards me as he noticed my presence while his mouth tries to voice out my name. I ran to hug him. At that moment, I cried on his shoulders like how I used to when I was a child. I’m crying so
N A A S ni Koronadal
hard it sounds like somebody sawing wood. It’s Thursday morning and I’m tucked under my blanket. Sniffling, I shuffle as the sunlight went through the window. I quickly jump out of the bed when I caught a glimpse of the clock on the opposite wall. I am currently brushing my teeth when my phone rings, pressed the answer button and put it between my ear and shoulder. My eyes widened with excitement while the man on the other line speaks. I GOT HIRED! I was told to present myself as soon as possible and that a private shuttle will come to pick me up. A hope lit inside me. The next day is extraordinary because as we travel along the busy street, it was no longer filled with individuals running to different directions in the pedestrian and sidewalks. I get off the shuttle together with my co-workers and the first thing I knew is that someone recommended me to the HR. It happens to be Noah, my highschool bestfriend whom I didn’t see a lot lately. Somehow, that cool, edgy guy can be useful too. I laugh in my mind. A man wearing a suit came barging into our department this morning. He’s approximately on his 40’s and his tie is undone, hanging lose on his neck. He dropped both of his hands on my desk that makes me jump a little. He made his brief introduction, enough for me to realized that he’s our manager. He took a flashdrive from his pocket while narrating my story, from the graduation, my dad who missed 2 of his dialysis now, my mom doing laundry for a little sum of money and my brother taking online class. I made a firm hold of the flashdrive and that’s when I know that I’m totally screwed. My hands are clammy that I had to put down my pen. My stomach’s turning and I am significantly pale than I was 30 minutes ago. The door opened once again and Noah came in. I closed the folder immediately and flashed a smile on my face as he congratulated me. My phone rings so
Huwag kang lalabas, babae ka! Huwag kang umiyak, lalaki ka!
Eto dapat, ganito dapat at ikaw dapat Mga katagang madalas na sinasambit, Dahil hindi dapat ganito, Hindi rin dapat ganiyan.
Mga tao ngayon ay masyadong mapanghusga Mga mata’y nakamasid saan ka man magpunta, Bawat kilos o gawin ay kanilang napupuna Hindi dapat ganito, hindi dapat ganyan dahil babae ka.
Tama na! May mali na! Hindi basehan ang kasarian sa katayuan mo sa buhay Hindi ito basehan ng mga reponsibilidad mo sa bahay At lalong hindi ito basehan para sa iyong mga karapatan.
Bakit ikaw ang nagluluto? Bakit ikaw ang naglalaba? Bakit ikaw ang gumagawa ng gawaing bahay? Bakit nga ba ikaw, e lalaki ka! Bakit kulay asul, e panglalaki ‘yan Bakit kulay rosas ang suot mo, pusong babae ka ba? Kulay na ba ang basehan? Kulay ba ang magsasabi ng iyong pagkakakilanlan?
Vector Art mula sa freepik.com
I gestured him to sit down as I answer the call. It’s my brother. My eyes became watery as he broke out the news. Their on their way to the hospital because my dad has been vomiting for an hour straight and that he’s struggling to breath. Noah stood up holding the folder that I hid a while ago. “Is it a falsified financial statements?” Noah said as he throw the papers on my table. Losing all my strength, my phone slipped out of my hand and came crashing to the floor. “It is an estimated one. I’ll revised it later.” He grabbed me by my wrist and face me to him in a sudden. “He’s a con and you’re not someone to carry out those stupid orders! You worked so hard to be—” I cut him off. “My dad is dying!” My voice cracked. “Yes! Mr. Byers offered me a huge amount of money to falsify the financial statements and increase the assets to ensure that the investor would seal the deal. It’s not like I wanted to do it but it’s just that the world kept on pounding me. Everyone is a fraud, Noah. Most of them live a luxurious life but why can’t I.. Why can’t I choose to sin just to save my dad? Why?” “Because it’s you!” he shouted. “You used to be my tutor and my bestfriend. I look up to you more than anyone else. I can’t watch you ruining your life. There’s no good in doing this, Max. I’ll help you.” The rain is cascading down. The sound of its drops sustained my sadness of losing my dad as I walk through the pedestrian. I chose not to dread its fall like how I refused to be toyed by Mr. Byers. I know he hates me after I revealed his unlawful action that sent him behind bars while me, I continue dreaming. The streets, they say are occupied by both dead and living souls when it’s raining and I am one of the latter. I am Max and I live.
Lalaki. Babae. Asul. Rosas. Matipuno. Mahinhin. Malakas. Mahina.
Sana sa muling pagsikat ng araw Sa muling pamumukadkad ng mga bagong sibol na halaman, Sana maintindihan na ng aking mga kababayan Na lahat tayo’y nilikhang pantay-pantay. Dahil kahit ano ka pa Maging babae ka man o lalaki, Walang sinoman ang pwedeng manghusga sa atin Lahat tayo’y pantay-pantay lamang sa mata ng Poong Lumikha.
09
Pilipinas: Multi-medaled na rin sa Olympics Isang mabigat na hamon ni Petecio sa Asia at Oceania tinawag na “Seal of Approval” si Qualifiers. Margielyn Didal nang maipamalas para sa gintong mithiin. Matapos ang makailang ulit na pagtatangkang maisubi ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa ay buong puso at taas noong pinukol ang kampeonato, ipinamalas ang bawat angking galing ng mga atletang Pinoy upang lagutin ang laso at tuluyang maiharurot pauwi ang karangalan mula sa Tokyo 2020 Summer Olympics. Kumampanya ang Philippine roster na may 19 na atletang nakipagsapalaran sa 11 isports na ginanap sa ilalim ng mga paghihigpit dahil sa pandemya, Hulyo 23 – ikawalo ng Agosto. Kasama ang anim na opisyal, iwinagayway nina Eumir Marcial at Kiyomi Watanabe ang sagisag ng Pilipinas kinatawan ang buong delegasyon at higit pa rito ay ang buong bansa. “I feel positive. We have world champions.”, pahayag ni Nonong Araneta, chef de mission ng Philippine Olympic delegation. Binungaran man ng dalawang bigong pagtatangka, umalingawngaw na sa ere sa kauna-unahang pagkakataong narinig ang Lupang Hinirang sa Olympics nang muling inangkin ni Hidilyn Diaz ang limelight ganap na gumuhit ng kasaysayan nang tuluyang tinuldukan ang halos isang siglong uhaw at tagtuyot, pinunit ang hilakbo ng mga pahinang nagdikta ng halos imposibleng karera ng bansa. Ika-26 ng Hulyo, 2021 ang petsang tatatak sa kasaysayan na isang Filipina and nagwakas at bumuhat ng bigat ng isang bansa nang matagumpay na naihatid ni Hidilyn Diaz ang Pilipinas sa lupang pangako. Kabuuang 224 kg mula sa 97kg snatch at 127 clean and jerk ay naging sapat upang maisubi ang ginto at umukit ng bagong world record laban sa powerhouse na China na kinatawan ni Liao Qiuyun. Patuloy ang laban at higit na naging uhaw, tumindi ang alab sa puso ng mga delegado nang makahugot ng dagdag na lakas mula sa pagkapanalo ni Hidilyn. Hindi pa naging sapat ang ginto kung kaya pang madagdagan ng pilak, Nesthy Petecio, unang Filipina Olympic boxing medalist. Nabitin ang pagaspas ng pride ng Davao del Sur ng makaharap ang Japanese bet na si Sena Irie via unanimous decision, Women’s 55kg Featherweight, Agosto 3. Naging dikit ang laban ngunit higit na pinaburan ng mga hurado ang makailang ulit ng banta sa karera
Ganap nang tatlong medalya ang maiuuwi ng Pilipinas dahil si Eumir Marcial ay babalik upang palangitngitin ang Kokugikan Arena, Men’s Middleweight ng buong katuparang nakapagselyo ng tiketa nito para sa Quaterfinals matapos patumbahin sa kapwa unang rounds ang mga bumangga, technical knockout at knockout. Nakalsuhan ang nag-iinit na makina ni Marcial ng mapabilang sa listahan ni Oleksandr Khyzhniak na walang galos sa loob ng limang taon. Tansong medalya and dadagdag makalipas ang dalawang araw. Kumikislot at nanatiling makapal ang pisi na makabingwit ng panibagong gintong medalya para sa Pilipinas, Carlo Paalam makabutas ng ruta patungong Finals ng Men’s Flyweight. Napigilan ang harurot ng atleta mula Cagayan De Oro ng maagang ininda ang left hook ni Galal Yafai ng Great Britain ngunit agad na nakabangon sa lubak na ito at pinanatili ang disiplina lumaban hanggang dulo ngunit hiningal na at iniuwi ang pilak mula split decision. Tumabo ng apat na medalya ang bansa, pinangunahan ang buong Southeast Asia sa 47th spot na sinegundahan naman ng Indonesia nagsugo ng 28 atleta nito, 51st at Thailand binalasa ang batalyon ng 41 atleta pumuwesto sa 57th. Samantala, nabusalan man ang karera para sa mithiing medalya ay nakapagtala ng panibagong record sina Carlos Yulo sa marka nitong 14.866 sa ikalawa nitong attempt sa Men’s Vault Finals at Luke Gebbie nang maitalamsik sa Men’s 100M Freestyle ang ganap na 49.64. Nakatakdang makatanggap ng P250,000 mula sa basbas ni PSC William Ramirez. Hatid ng MVP Sports Foundation ang P500,000 para sa bawat isang naging kalahok ng 2020 Tokyo Summer Olympics. Bagsik at pangil sa di malilimutang pagpapakitang gilas ni Carlos Yulo sa artistic gymnastics ang naipamalas, naging sawi man sa medalya sa floor exercise event na nagpasimula ng ugong sa maalat na karera para sa mga sumunod na events ngunit bumalikwas ng makaangkin ng slot sa Men’s vault finals. Kinapos na makasungkit ng medalya at natapos sa ikaapat na puwesto itinarak ang 14.716 na yumanig kay Artur Davtyan ng Armenia, bronze medalist. Bigo man sa Women’s Skateboarding Street Finals nagiwan naman ng marka o ang
ang pagiging masayahin at pagiging isports na kalahok. Bakas man ang injury mula sa failed attempts ay napukaw ng atleta ang loob ng mga kapwa manlalaro, mga opisyal at mga sikat sa mundo ng skateboarding. Balik bansa 7th place kasama si Elreen Ando para sa weightlifting Women’s 64kg. Malayo man sa naging kapalaran ng mga kapwa boksingero ganap pa rin ang pagkakapanalo ni Irish Magno nang angkinin ang ika-siyam na puwesto laban sa 26 na kapwa mga delegado. Hindi rin nagpahuli si Yuka Saso sa ikasiyam din na puwesto sa Olympic debut nito. Bilang pangunahing pusta sa isang medalya, kinumander ni EJ Obiena and karera ng bansa at ng buong kontinente bilang kaisa-isang Asyano sa paligsahan nakipagtagisan kasabay ng mga pinakamahuhusay sa mundo. Unti-unting nagiba ang matayog na paghahangad na makapagsubi ng dagdag na ginto para sa bansa ng matapos sa 3rd round at naubos ang tatlong attempt sinimento ang kanyang karera sa 5.70M na nasa ikalabing-isang puwesto. Tumindig na handang ipamalas ang resulta ng mga bentaheng mula sa matitinding pagsasanay, ganap nang sumipa at pinasimulan ang alab ng kampanya para sa ginto ni Kurt Barbosa (taekwondo) ngunit maagang nabusalan napauwi sa Men’s Flyweight Round of 16. Kinapos ngunit babalik na mas malakas sina Jayson Valdez (shooting) , Kiyomi Watanabe (judo), Cris Nievarez (rowing), Kristina Knott (athletics) at Remedy Rule (swimming). Makalipas ang ilang rounds inalat pa rin si Juvic Pagunsan at gumarahe na rin si Bianca Pagdanganan. Bagama’t karamihan ay baguhan ang bumuo ng delegasyon ng Pilipinas nagawa ng mga atletang Pinoy na maipakilala ang kakayahan ng mga Pilipino nang magawang makipagsabayan at mapatiling gitgit ang bawat laban. Bitbit ang bentahe mula sa matinding pagsasanay, nagbabagang determinasyon at marubdob na pagnanais na mapatid na ang uhaw sa ginto ang kanilang naging sandata tangan rin ang puhunang lakas mula sa suporta ng mga tagapagsanay, kaibigan, pamilya at kapwa mga Pilipino. Ibabandera ang galing ng Pilipino taas noo kahit kanino, kita-kita sa Paris 2024.
sports
ni Angat
Mga Larawan mula sa Reuters (Ueslei Marcelino, Edgard Garrido, Luis Robayo) via GMA News & Rappler
10
sports Paglago ng eSports sa Pilipinas ni Siargao
Ang “ESports” (Electronic Sports) ay isang uri ng pampalakasang laro kung saan gamit lamang ang mga gadgets gaya ng computer at cellphone ay may paligsahan nang magaganap. Sa paglipas ng panahon, ang larangang ito ay maaari nang mataguriang “Pambansang Pampalipas Oras” ng Pilipinas. Noon pa man ay nauso na ang mga video games at computer games, kabilang na rito ang sikat na Dota, Counter Strike, GTA at marami pang iba. Kinasasangkutan ng mga manlalarong ang edad ay hindi bababa sa sampo. Sa kabila ng talamak ng mga kabataang naglalaro ng mga computer at video games, nagsimula nang umusbong ang eSports sa Pilipinas. Ang patuloy na pag-angat ng popularidad sa bansa ng kinahuhumalingan ng halos sa buong mundo na eSports ay kilala sa lahat ng edad, mapa bata man o matanda. Mayroong naglalaro bilang pampalipas oras hanggang sa maadik at gawing bisyo. Ang ilan din ay ginagawang negosyo sa pamamagitan ng pag-la-livestream sa facebook at youtube. Malaki ang taglay na potensyal ng mga Pilipino sa eSports na sumasalamin sa kasalukuyang pagtaas ng bilang ng mga taga-suporta at indikasyon ng
paglarga ng mga malalaking torneo, local at international, sa bansa. Iba’t ibang torneo na rin ang naisagawa sa Pilipinas bilang kuwalipikasyon sa malalaking labanan sa labas ng bansa sa digital game. Dahil sa pag-usbong ng iba’t ibang torneo, patimpalak o tournament sa mundo ng online games, maraming mga Pilipino ang nadiskubre na malaki ang potensyal sa larangan ng paglalaro ng online games. Maraming nakilala at maraming tropeyo at karangalan na rin ang naiuwi ng mga “Pambansang Gamers” ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, isa sa tanyag na tournament na talagang sinusuportahan ng lahat ay ang sikat na Mobile Legends Tournament. Kinabibilangan ng mga Pilipino na halo-halo ang edad, may kabataan at may ilang mga nasa wastong edad na at pamilyado. Talamak ang mga taong naglalaro ng ML, na kung iisipin sa panahon ngayon, hindi ka tao kung hindi mo alam ang larong ito. Iba’t ibang koponan ang mga nabuo, maihahalintulad sa basketball na binubuo ng limang katao laban sa limang katao. Magdadaan sa isang qualifier round bago opisyal na mapabilang sa mga koponan na lalaban sa mismong tournament. Sa bawat pagsabak sa kahit anumang paligsahan o tournament, tibay ng loob at talas sa
pagtirada ang kailangan upang manalo sa paligsahan. Hindi sukat akalain na sa paglalaro lamang ng isang online games gaya ng Mobile Legends ay magbubukas ang napakaraming pinto upang umasenso at makilala sa buong mundo. Isang magandang halimbawa si Edgar Dumali o mas kilala sa pangalang ChooxTV sa mundo ng ML. Ang kaniyang buhay ay napakasimple lamang ngunit sa paggamit ng angking talento sa paglalaro ng ML, isang pinto ang nagbukas para sa kaniyang ikaaasenso. Ang mga funny contents niya sa kaniyang youtube channel at facebook page ang mas lalong nagpatunog sa kaniyang pangalan, umabot na sa puntong ang lahat ng taong pamilyar sa laro na ML ay imposibleng hindi siya makilala. Nitong nakaraang Abril taong kasalukuyan, ang mga Pilipino ay muling nagpakitang gilas sa labas ng bansa nang manguna ang koponan na E-Gilas Pilipinas sa FIBA ESports Tournaments in Southeast Asia. Dahil may isang malaking pandemya ang kinahaharap ng mundo, ang basketball tournament na kadalasang ginagawa bilang pisikal at sa isang eksklusibong kolisiyum ay ngayong taon, ginawa itong ESports. Isang mobile application kagaya ng Mobile Legends, Call of Duty o Valorant, ang kapana-panabik na
Larawan mula sa Manila Bulletin
torneyo sa larangan ng basketball ay isinagawa na bilang isang ESports. Sa patimpalak na ito, ang koponan na E-GILAS Pilipinas ay muling pinagharian ang mga bansa sa Southeast Asia matapos iuwi ang panalo sa ikatlong edisyon ng tournament sa FIBA ESports. Matapos ang isang bestof-three finals, winalis ng bansang Pilipinas ang natitirang pag-asa ng bansang Indonesia na makalasap ng panalo sa patimpalak, kung kaya’t ang Pilipinas ang naghari sa ikalawang pagkakataon. Nagtala ang nag-iisang pride ng Pilipinas sa FIBA ESports ng iskor na (60-53) bago isara nang tuluyan ang match-up sa iskor na (4436) sa Game 2. Isang magandang halimbawa ang koponan ng E-GILAS Pilipinas upang bitbitin ang pride ng bansang Pilipinas. Patunay lamang na kahit sa mundo ng ESports ay mayroong ibubuga ang isang dugong Pilipino. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling tanyag at kilala ang mundo ng eSports. Malaking tulong sa pag-angat sa industriya ng bansa sa pamamagitan ng mga gantimpala sa mga internasyonal na mga torneo at mga kita ng eksperto sa larangang ito. Patunay rin na ang mga Pilipino ay mayroong maibubuga kahit sa mundo ng online games.
sports Mga Larawan mula sa Wikipedia at Inquirer.net
11
2021 SEA Games : Iniurong ni Angat
Wala po muna tayong SEA Games this year due to Covid-19 in the region, the Southeast Asian Region,” - POC-Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino.
nanginginig ang Southeast Asia mula sa hagupit ng pandemya na tunay na lumatay sa lahat ng aspeto ng pamumuhay. Higit pa ay namimilipit pa rin ang Vietnam (host) na nananatiling isa sa bansang may mga pinakamababang Kamakailan lamang, nagbaba vaccination rates sa rehiyon. ng panukalang ipagpaliban ang palaro sa Hulyo 2022 bilang pag- Ang 2021 Vietnam SEA Games iingat, walo sa mga bansang kasapi ay unang naitakda sa Hanoi o ang mas nakararami ay hindi simula Nobyembre 21 hanggang pumabor patungkol dito. Ang pinal Disyembre 2 ng taon. na desisyon ay nasa Vietnam. Hindi nakasenla ang biennial Kasama ng Pilipinas na bumoto meet kundi naipagpaliban lamang laban sa pagpapaliban ang Brunei, at inaasahan ang reschedule sa Cambodia, Indonesia, Malaysia, pagpasok ng 2022. Singapore, Thailand at Timor Leste. Ayon pa kay Tolentino, “It’s unfair to the athletes who hindi lamang ang kasalukuyang have sacrificed their time and effort sitwasyon ng Vietnam ang naging in training for the SEA Games”, ani dahilan ng pagpapaliban kundi ni President Bambol Tolentino. ang pagsasaalang-alang rin sa mga “Athletes are also preparing for bansang dadalo. the Asian Games, Asian Indoor and Martial Arts Games and Winter “Mas gusto nilang matuloy, so Olympics next year. So it’s very I think mamimili na lang ng dates, difficult for the SEA Games to be whether it’s March, April or May,” postponed”, dagdag pa niya. ani ni Tolentino. Nananatiling
sariwa
at
ng VIRESA-Vietnam Recreational and Electronic Sports Association madadagdagan ang bilang ng mga esports para sa 31st SEA Games, binasbasan ang kabuuang 10 esports competitions na idaraos. Ito ang pangalawang pagkakataong mapapasama ang esports sa multisports competition sunod sa Pilipinas 2019. Dominanteng naipamalas ang resulta ng matinding paghahanda matapos makapagtala ng 149 ginto, 117 pilak at 121 tansong medalya ang bansa sa 30th regional meet sapat upang tanghaling overall champion ngunit inanunsyo ni POC President na tatapyasin sa kalahati ang 1,115 na atletang bumuo sa batalyon ng nakaraang paghaharap. No vaccine, no partipation policy, mula sa 56 na isports at 530 events ay ibinaba sa 40 isports at 500 na events na lamang ang gaganapin.
Inaasahan ang 20,000 dadalo kung saan karamihan ay mga atleta Sa kabilang banda, kinumpirma na mula sa 11 bansa.
PANGARAP NA GINTO ni Sagada
Gumuhit sa kasaysayan ang ating kababayan na si Hidilyn Diaz nang maiselyo ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa matapos punitin ang halos isang siglong pahinang pagkauhaw ng Pilipinas nang masungkit ang mailap na ginto sa pagpapamalas ng bentaheng bunga ng matinding ensayo sapat upang gapiin ang mga malalakas na pambato ng iba’t-ibang powerhouse na bansa sa larangan ng weightlifting, Tokyo 2020 Summer Olympics.
‘to. Wag kayong sumuko, kahit anong challenges at trials. Manalangin tayo kay God. Proud to be Pinoy!”
Dumaan sa butas ng karayom si Hidilyn matapos niyang lagpasan ang maraming pagsubok kagaya na lamang noong humihingi siya ng financial support sa mga private companies at pag ani ng maraming batikos sa social media ngunit hindi ito naging hadlang upang itigil niya ang kanyang pangarap tungo sa Dugo’t pawis ang inalay ni tagumpay. Hidilyn upang nakawin sa World Champion na si Liao Qiuyun ng Matatandaan na nag uwi rin si China ang tagumpay sa 55kg Women’ Diaz ng malaking karangalan para sa weightlifting competition matapos ating bansa noong 2016 Rio Summer niyang makapagtala ng ganap na Olympics matapos niyang bumuhat 224 kg, 97kg snatch at 127 clean ng may total na 213kg at magwagi and jerk at itala ang bagong Olympic ng makinang na pilak na medalya na record at ihatid sa lupang pangako nakamit niya sa ikatlong beses na ang Pilipinas bitbit ang gintong medalyang inaasam-asam ng bansa. pag representa niya ng bandera ng Pilipinas sa Olympics. “Akala natin imposible, akala ko rin imposible. Lalo na nasa pandemic, Naghihintay ang di bababa sa akala ko imposible ang Olympics 33M at ang Medal of Valor sa kanyang pero andito tayo ngayon. Kaya natin pagbabalik bansa.
Mga Larawan mula kay Vincenzo Pinto/AFP via Getty Images
Guhit ni Antique
ISKOLARIUM
PAMAYANAN NG MGA ISKOLAR AT PANTAS
The Official Publication of PUP Santa Maria Campus
ACADEMIC YEAR 2020-2021 All Rights Reserved.