
2 minute read
Pagsubok ng mga negosyante sa panahon ng inplasyon
from ILAW 2022-2023
BY MARIA ENA ANTONIA ABSALON
Sa bayan ng Buhi, walang magawa ang masa sa isyu ng inplasyon. Apektado ng lubos ang mga negosyante. Inaasahan pang tumaas ang iba’t ibang mga produkto sa susunod na mga buwan. Nitong nakaraang taon lamang ay nagkaroon ng lubhang pagtaas ng presyo ng sibuyas dulot ng inplasyon ngayon. Ilang mga nagtitinda ay wala nang maibenta na sibuyas para sa kanila mga mamimili, naging simbolo ito sa nagaganap na inplasyon.
Advertisement
Ayon sa isang tindera sa pamilihang bayan, “Palubog kami sa ngayon lalo na, tumataas na mga bilihin, wala na kaming mamimili. Hindi na kami aasenso, gaya ngayon, wala kaming stock ng sibuyas. Kung mayroon man walang bibili.”
Kasama na ang mga grocery store sa naapektuhan ng inplasyon. Naging panahon ito ng kahinaan ng mga tindahan at mga konsyumer. Saad ni Violeta Albalate Neri, isang negosyante, “Parang kumonti na ang value ng pera, this time, konti na lang mabibili sa ₱1000.00 kung dati ay marami na rin. Konti rin binibili ng mga mamimili sa amin.” Na Tungkol sa inplasyon na nangyayari ngayon.
Dagdag niya, “Mas marami ng kapital ang nailalagay sa Negosyo, pero ang kita konti lang. Konti na lang naibibili na produkto.” Nasabi rin niya ang pagdagdag na lamang ng kaunting tubo upang makabenta at mapaubos ang stocks na nabili. Marami ang nalulugi sa ganitong kalagayan.
“Bilang isang negosyante, kulang ang income na papasok samin. O konti ang benta, kung ang bumibili ng dalawang pack ng kape noon, ngayon ay isa na lamang. Kitang kita ang nagawa ng inplasyon samin at sa mga mamamayan. Halos 30% ang bagsak ng sales.” Ayon sa isang may-ari ng tindahan, Analyn Absalon.
“Gaya ng softdrinks noon na tumaas iyong price pero walang supply, kailangan naming maghanap ng bibilihan kasi mataas din ang demand. Pag walang stocks naman walang bibili, sayang din ang benta kaya pipiliin na lang na maghanap ng bibilihan kahit malayo o kahit mataas presyo sa iba bibilhin pa rin.”
Ipinahayag din niya ang hirap bilang isang konsyumer dahil sa pagbili ng stocks na kailangan ibudget nila at ang pagdagdag ng pera. Isinaad ni Analyn na nagkaroon ng magandang epekto na panandalian ang inplasyon.
“Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto, kung may stock pa akong tago, dadagdag sa kita ko ito kasi madadagdagan iyong patong ko pero pag naubos ay bibili na ulit at dun nagkakaroon ng problema.”
Kung sa bayan ng Buhi, mas matataas ang magigingpresyo ng mga bilihin kaya naman lahat ng mamamayan ay nagdaranas ng hirap.
“Hindi naman dahil negosyante ay marami kita sa panahon ng inplasyon, kami rin ay nakararamdam ng hirap lalo na sa pagbili ng mga stocks na hindi naman agad nauubos, nagdagdag din kami ng kapital e.” Saad ni Analyn Absalon. Ninanais ng lahat na mayroong magawa ang gobyerno upang masolusyunan ito.
BY ANGELA ISHII RICAFRANCA
One of the most anticipated events of the academic year, Intramurals, have taken place despite initial uncertainty. There was a parade of the four St. Bridget School WJPIC teams around población and when the students returned, Ms. Genevic Calinagan gave each team a warm welcome. After the health break, during which the teams had the opportunity to touch up and finish their competition looks, the members of the pep squad were called to take part in the ceremony of raising the flag, to take an oath, and to witness the lighting of the torch.
The SCO Chairperson on Sports, Ronel Josef Leal, oversaw a flag ceremony and oath taking for each team when they arrived. Alberto Infante Jr. lit the ceremonial torch to officially start off the Intramurals of 2023.

The Integrity of Creation Team was named the overall champion of the 2023 Intramurals which took place on the 8th until 10th of February with the theme “Reconnecting, Refocusing, and Re-Energizing as a Prelude to the Diamond Jubilee.”

