1 minute read

Panahon ng El Nino, Matinding Perwisyo

Matinding init at pagkatuyot ng mga lupa ang ating mapapansin sa panahon natin sa kasalukuyan. Itong nararanasan natin ay tinatawag na ‘ El Nino’ o matinding tag-init. Ang El Nino ay ang matinding katuyuan na nagaganap kapag ang temperatura ng tubig sa dagat ay tumataas sa mga kalatagan ng Karagatang Pasipiko. Maaari itong tumagal nang maraming mga buwan, na kung saan sa bansang Pilipinas ay madalas nagsisimula ito ng buwan ng Hulyo hanggang Setyembre. Malaki ang nagiging epekto ng panahon na ito pagdating sa ekonomiya, sa kabuhayan ng bansa, at sa ating mundo.

Bilang epekto ng climate change at glob- al warming, mapapansin na tila napaaga ang panahon ng El Nino sa ating bansa – at palala pa ito nang palala. Imbis na sa buwan ng Hulyo ay naranasan natin ito sa buwan pa lamang ng Marso. At ayon pa sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) na kung ano ang nararanasan nating init ngayon buwan ay mas lalala pa ito sa mga susunod na buwan kaya dapat tayong maging handa.

Advertisement

Malaking perwisyo ang El Nino pagdating sa iba’t ibang aspeto sa ating bansa. Lalo na’t pagdating sa agrikultura, madaming pananim ang natutuyo at namamatay imbis na maibenta sana ng mga magsasaka. Ang mga pananim tulad ng mga palay, mga prutas at gulay ay natuyo dulot ng matinding init na dala nito. Madami rin ang nakararanas at naitalang kaso ng ‘heat stroke’, mapa tao man o mga hayop.

Masasabing bilang mga tao ay may parte rin tayo sa matinding init na ating nararanasan sa ngayon. Ayon na sa ilang mga siyentipiko na ang ating nararanasan ay halong epekto ng polusyon at El Nino kaya’t matindi talagang init ang ating nararanasan. Kaya’t bilang mga responsableng indibidwal ay gumawa tayo ng paraan at gawin natin ang ating tungkulin na maagapan ang problema na ito para na rin tayo ay hindi na maapektuhan at maperwisyo.

This article is from: