STARLINK SATELLITE INTERNET SERVICE, AVAILABLE NA SA PILIPINAS
Inanunsyo ng Space Exploration Technologies Corp o SpaceX nitong Miyerkules, Pebrero 22 na available na ang Starlink sa Pilipinas. Tinawag ito ng Department of Information and Communications Technology o DICT na “game changer” pagdating sa paghahatid ng mas magandang internet connectivity sa ating bansa lalo na sa malalayong lugar. Una ang Pilipinas sa Southeast Asia na nakatanggap nito at pangalawa sa Asia kasunod ng Japan.
FACE TO FACE SA TAG-INIT, MARAMING HUMIRIT: MGA ESTUDYANTE, SANG-AYON SA BLENDED LEARNING
Sa pagbubukas ng buwan ng Abril at kapanahunan ng tag-init , kasabay ang pagpapatuloy ng mga estudyante ng kanilang pasok sa taong panuruan 2022-2023, kung saan ito ang kauna-unahang “Summer Class” na nararanasan ng mga mag-aaral dulot ng matinding init na umabot sa 36°C sa Metro Manila nitong mga nakaraang araw, ika-20 at 21 ng Abril. Ayon sa PAG-ASA ay posibleng pumalo sa 50°C ang tindi ng init na madarama sa susunod na buwan. Maraming mga estudyante ang hindi na makatiis at nagsisimula nang magbakasyon. Humihirit naman ang ilang mag aaral na sana ay maagang matapos ang kasalukuyang panuruan.
BALITA
C.A.T. SA PSS, UMARANGKADA NA
EDITORYAL
“INIT SA EDUKASYON O INIT NG EDUKASYON”
AGHAM ISPORTS
PANDEMYANG
COVID-19: KAILAN
KAYA MATATAPOS?
PSS, MATAGUMPAY NA NAKILAHOK SA WORLD READ ALOUD DAY
aging naitaguyod ng Paaralang Sekundarya ng Sauyo (PSS) ang World Read Aloud Day na inilunsad noong ika-1 ng Pebrero taong kasalukuyan. Sa pagbubukas pa lang ng buwan ay aktibo nang nakilahok dito ang ilang estudyante ng nasabing paaralan. Sa pamatnubay at sa pagsuporta ng butihing punongguro na si G. Gilore E. Ofrancia ay ipinakita ang masigasig na pakikiisa ng paaralan sa programang ito. Naglalayong makapagbigay ng kaalaman upang lalong maunawaan ng mga estudyante ang kahalagahan ng pagbabasa. Kabilang din dito ay kung paano maisusulong ng mga
guro ang pagkatuto ng mga minamahal nilang magaaral at ang pagpapaunlad ng bawat kabataan sa pamamagitan ng pagbabasa na hindi sila nababagot at naiinip. Lubhang malaking hamon ang proyektong ito na maisakatuparan sa gitna ng pagkahilig ng mga bata sa mga video games.
TAEKWONDO
TEAM: UNANG
SABAK, PANALO AGAD
Pinangunahan ang proyektong ito na tinawag nilang Project BUKLAT, ang mga guro mula sa Kagawaran ng Filipino na sina G. Arnel Salva, Gng. Elvira Basco, G. Jerizaldy Avila, G. Jolly Lugod, G. Melchor Felonia, Gng. Erica Corral, Gng. Michelle Adriano, Bb. Beverly Buleccer, at Bb. Dyali Justo. Naging katuwang din nila si G. Rhogen Vargas sa pagsasaayos ng teknikal. Nagpakita naman ng mainit na pagsuporta si Gng. Christell Mae Alcano, Puno ng Kagawaran ng ESP, at si Gng. Emma Casulla, dalubguro sa Kagawaran ng Ingles.
Pinakatampok sa programa ang masining
na pagsasalaysay na inihatid ni Bb. Justo, isa sa mga masigasig na tagapagtaguyod ng programa, tungkol sa kwentong Isang Harding Papel mula sa Adarna House. Binigyang diin niya na matututo at mawiwili ang mga bata sa pagbabasa sa pamamagitan ng ‘Story Telling” na siyang pinakapuso sa pagsusulong ng ganitong adhikain. Dagdag pa niya sa pamamagitan ng malikhaing pagkukwento hindi namamalayan ang mga mag-aaral na nagkakaroon na sila ng interes sa pagbabasa.
Dumaan man sa napakahabang proseso at di-mabilang na mga balakid, nanaig pa rin ang kagustuhan na maipaabot ito sa mga mag-aaral. Sa pakikiisa ng buong Kagawaran ng Filipino, at lahat ng mga bumubuo sa paaralan napagtagumpayan ang hamon ng “World Read Aloud Day”.
ATHALINL BALITA PARA SA LAHAT O
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG PAARALANG SEKUNDARYA NG SAUYO TAONG PANURUAN 2022 - 2023
W
PAHINA 2/B
PAHINA 3/B
PAHINA 4/A
PAHINA 8/A
PAHINA 11/A
PAHINA 8/B
▪ ISINULAT NI Princess Nicole S. Duque
Matagumpay na naisagawa ang Project Buklat sa pangunguna ng buong kagawaran ng Filipino ▪ KUHA NI Bb. Dyali Justo
LITERACY CAMPAIGN NG PSS, INILUNSAD; ILANG KANDIDATA NG MISS EARTH,
▪ ISINULAT
NI Ellaica Rose B. Jimenez
NAKIISA
pasasalamat sa mga kabataang mag-aaral sa kanilang mainit na pagtanggap sa kanilang pagbisita. Nakatanggap naman ng aklat na may pamagat na BAKAWAN ang mga mag aaral na na masiglang sumagot sa kanilang katanungan.
MGA NAGWAGI SA DSPC, IGINAWAD NA: Mamamahayag ng PSS, Humakot ng Parangal
▪ ISINULAT
Sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Sauyo (PSS) sa District VI Secondary Schools Press Conference (DSPC), matagumpay na nakapag uwi ng karangalan ang mga kalahok mula sa iba’t-ibang kategorya sa Journalism na may temang “Campus Journalism: Locally Responsive, Globally Engaged” na ginanap sa Culiat High School noong nakaraang taon, ika-8 at ika-10 ng Disyembre.
Patuloy sa paghahatid ang programang PROJECT BUKLAT at PROJECT REACH-ASAP sa Paaralang Sekundarya ng Sauyo (PSS). Isa sa kanilang proyekto ay naganap noong ika-4 ng Abril taong kasalukuyan sa MCP hall na may temang ‘MeLoves20tree beauties for a cause’. Sa pagsisimula ng programa ay ibinahagi ni Bb. Dyali Justo ang nilalaman na kahulugan ng bawat letra sa PROJECT BUKLAT at ang layunin nito. Ang proyektong ito ay naghahandog ng tulong sa mga mag aaral, pangangampanya para sa kaayusan ng kalikasan, kalusugan, at trabaho, katuwang si G. Jolly Lugod. Ipinabatid din ni Gng. Raquel Columna ang tungkol sa PROJECT REACHASAP, ito ay pagbibigay gabay at pagtugon sa mga kabataang hirap pa ring bumasa lalo na sa ika-pitong baitang, katuwang ang mga oral teacher at opisyales ng paaralan sa pamumuno ng Punongguro G.
Ofrancia upang makamit ang adbokasiya ng DEPED na “every child is reading” o bawat bata ay bumabasa.
Ang isa sa pinakahihintay ng mga mag-aaral at guro ay ang pagpapakilala sa mga dumalong mga panauhin, ang anim na kandidata ng Miss Earth Philippines 2023, mula sa Batangas, Bataan, Palawan, Laguna, at Dipolog City. Ipinamalas ang kanilang talento at galing sa pagrampa, at ibinahagi ang kanilang adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan. Isang masining na pagbasa at pagsasalaysay sa kwentong may kinalaman sa kalikasan ang inihandog nila sa mga mag-aaral ng PSS na aktibo namang nakinig, pumapaksa ito sa kawalan ng respeto ng tao sa kalikasan kaya’t napahamak ang iba pang may buhay na naninirahan sa mundo.
Sa pagtatapos ng programa ay nagbigay muna ng pangwakas na mensahe ang mga Puno ng Kagawaran ng iba’t ibang asignatura bago payagang kumuha ng litrato ang mga estudyante kasama ang mga kandidata ng Miss Earth Philippines 2023. Matagumpay na nailunsad at natapos ang proyektong ito sa pagtutulungan ng mga kawani ng paaralan at magaling na tagapagtaguyod ng programa na si Gng. Elvira Basco. Winakasan ang programa sa isang pagpupulong sa pangunguna ng punong guro na si G. Gilore E. Ofrancia kasama ang mga kandidata sa kaniyang tanggapan. Pinapili niya ang mga ito ng stuffed toys na kanilang iuuwi.
Taos-pusong nagpapasalamat ang paaralan sa pagdalo ng mga kandidata at sa napakalaking pribilehiyong makasama ang mga nagbibigay inspirasyon para sa kaayusan ng kalikasan.
Sa kanilang pagpupursigi, at sa tulong ng kani-kanilang gurong pamamahayag na sina Gng. Loida Ysabelle C. Dela Cruz mula sa pamahayagan ng Filipino (Lathalino) at Bb. Sarah F. Fajilagmago mula sa pamahayagan ng Ingles (Hi-Blaze), wagi nilang nasungkit ang trono upang mapabilang sa Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) na isinagawa sa San Francisco High School, noong ika-25 ng Pebrero ngayong taong ito, kung saan ay kanilang ipinamalas ang galing at husay pagdating sa larangan ng pamamahayag, sa pangalawang pagkakataon ay muli silang nakapag uwi ng mga medalya ng karangalan bunga ng kanilang dimatawarang dedikasyon at pagsisikap.
Gilore E.
Bakas sa mukha ng mga kandidata ang kasiyahan at
Nito lamang Sabado, Ika-29 ng Abril, itinalaga na ang Miss Earth Philippines 2023. At isa sa mga bumisita sa PSS ang nagkamit ng korona, sa katauhan ni Yllana Marie Aduana mula sa Siniloan, Laguna.
Mula sa Lathalino (Filipino) ng District Contest:
▪︎ 1st Place - Pagsulat ng Agham - Terence John Ecat
▪︎ 2nd Place - Pagkuha ng Larawan - Donalyn Bigcas
▪︎ 2nd Place - Pagsulat ng Kolum - Joann Guanzon
▪︎ 6th Place - Pagsulat ng Kolum - Mheace Bayona
▪︎ 7th Place - Pagsulat ng Editoryal - Krisana Casandra Rivera
▪︎ 7th Place - Pagsulat ng Agham - Rico Carredo
▪︎ 7th Place - Paglalarawang Tudling - Kimberly Oliveros
▪︎ 7th Place - Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita - Crystal
Jhean Cadiz
Overall Best TV Broadcasting - 3rd Place
▪︎ Juztlie Frias
▪︎ John Raphael Ramirez
▪
FACE-TO-FACE SA TAG-INIT, MARAMING HUMIRIT: Mga Estudyante, Sang-Ayon sa Blended Learning
Sa pagbubukas ng buwan ng Abril at kapanahunan ng taginit , kasabay ang pagpapatuloy ng mga estudyante ng kanilang pasok sa taong panuruan 20222023, kung saan ito ang kaunaunahang “Summer Class” na nararanasan ng mga mag-aaral dulot ng matinding init na umabot sa 36°C sa Metro Manila nitong mga nakaraang araw, ika-20 at 21 ng Abril. Ayon sa PAG-ASA ay posibleng pumalo sa 50°C ang tindi ng init na madarama sa susunod na buwan. Maraming mga estudyante ang hindi na makatiis at nagsisimula nang magbakasyon. Humihirit naman ang ilang mag aaral na sana ay maagang matapos ang kasalukuyang panuruan.
Base sa datos na aming nakalap sa mga nakapanayam na mga mag-aaral sa PSS tungkol sa kanilang mga opinyon ukol sa isyu ng klima na kanilang kinakaharap sa klase, sila’y hindi umano makapag-pokus sa kani-kanilang klase, at sumasakit ang kanilang mga ulo na nauuwi pa sa pagbaba ng kani-kanilang mga ‘academic performances’ dahil sa init na
kanilang nararamdaman sa loob ng paaralan. Gumagawa sila ng sarili nilang paraan upang maibsan ang init sa pamamagitan ng pagdadala ng sariling mga pamaypay, bentilador, at mga gamot upang kahit papaano ay masolusyonan ang kanilang mga hinaing. Dagdag pa nila, mas magandang magblended learning sa panahong ito para kahit papaano ay balanse ang kanilang natatamong init galing sa eskwelahan at sa kanilang bahay.
Sa kabilang banda, agad naman itong inaksyunan ng mga nag-aalalang mga magulang. Nagkaroon ng agarang pagpupulong ang mga opisyales ng nasabing paaralan, nito lamang araw ng Martes, ika-25 ng Abril, taong kasalukuyan. Kabilang sa pagpupulong na ito ay ang mga magulang, punongguro, mga Puno ng bawat Kagawaran, koordinator sa bawat lebel, opisyales ng barangay at ang SSG (Supreme Student Government). Paksa ng kanilang pag-uusap ang plano at agarang gagawin, bilang aksyon tungkol sa kinakaharap na isyu ng mga mag aaral at mga guro sa klima ng bansa.
Sa pangunguna ng
presidente ng SPTA na si Ms. Jinky Baje na kumakatawan sa mga magulang, siya ay personal na sumasang-ayon na pansamantalang gawing blended learning mode ang pagpasok ng mga bata dahil sa init na nararanasan ng mga mag-aaral sa kani-kanilang mga klase. Napagkasunduan nila na ang blended learning na ito ay iikot sa dalawang araw na face to face, dalawang araw na online class, at isang araw para sa asynchronous class upang mabalanse ang pangangailangan din ng mga mag-aaral na makausap ang kanilang mga guro ng harapan. Lahat ay kasama sa blended learning simula baitang 7 hanggang baitang 10 at tatagal ito hanggang katapusan lamang ng Mayo kung saan sobrang mainit at maalinsangan ang panahon
Batay naman sa DepEd, dahil sa init na nararamdaman ng mga mag-aaral at mga guro, maaari nilang kanselahin at suspendihin ang mga pasok sa paaralan at magpatupad na lamang ng modular distance learning (MDL), mapa-pampubliko man o pribado.
▪︎ Katerine Sencil
▪︎ Nicole Anne Jalem
▪︎ Nicole Magdayo
Mula sa Hi-Blaze (English) ng District Contest:
▪︎ 2nd Place - Mobile Journalism - Aizen Agam
▪︎ 2nd Place - Sports Writing - Jann Tidus Lapira
▪︎ 3rd Place - Photojournalism - Princess Arroyo
▪︎ 4th Place - News Writing - Ma. Glaiza Arevalo
▪︎ 4th Place - Editorial Cartooning - Joyce Calixtro
▪︎ 5th Place - Sports Writing - Gregorio Jose Maliwat
Mula sa Lathalino (Filipino) ng Division Contest:
Overall Best TV Broadcasting and Best Infomercial - 5th Place
▪︎ Arvin Berbano
▪︎ Faith Nicole Salazar
▪︎ Katerine Sencil
▪︎ Krisana Casandra Rivera
▪︎ Nichole Anne Jalem
Mobile Journalism- 7th Place
▪︎ Nicole Madayo
Mula sa Hi-Blaze (English) ng Division Contest: News Writing - 10th Place
▪︎ Ma. Galiza Arevalo
Lathalino (Pahayagan)
▪︎ Pahinang Balita - 5th Place
▪︎ Pahinang Editoryal - 7th Place
▪︎ Pahinang Lathalain - 7th Place
▪︎ Pahinang Isports - 9th Place
Balita
2
Bakas ang paghanga sa mukha ng mga estudyante dahil sa mga bumisita sa paaralan ng Sauyo.
L ATHALINO
▪ KUHA NI Donalyn B. Bigcas
NINA Katerine L. Sencil at Princess Nicole S. Duque
ISINULAT NI Katerine L. Sencil
▪ lathalino&hi-blaze
Nagpamalas ng talino at galing ang mga manunulat ng PSS sa naganap na District Press Conference noong Disyembre 2022.
PSS SA FACE-TO-FACE CLASSES, LUMARGA NA
Isinakatuparan ng
Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes noong Nobyembre 2, 2022. Ayon sa DepEd Order No. 34, Series of 2022, lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bansa ay dapat ilipat na sa limang araw na klase. Ipinatupad ito ng DepEd alinsunod sa ini-ulat ng
Department of Health (DOH) na mas mainam na maibalik ang face-to-face class dahil sa mahigit dalawang taon nang isinasagawa ang online class na nagsanhi ito sa maraming estudyante na makaranas ng depresyon—hindi bababa sa
50 porsyento sa mga estudyante ang nakararanas nito at ang isa sa mga dahilan ay ang kakulangan ng komunikasyon sa ibang tao ng mga kabataan. Ang importanteng dahilan kaya ibinalik ang full face-to-face classes ay upang mapabuti pa ng mga kabataan ang kasanayan nila sa akademiko.
Kaugnay nito, isinagawa na rin ang face-to-face class ng Paaralang Sekundarya ng Sauyo (PSS) noong Agosto 22, 2022. Inumpisahan ito ng paaralan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tatlong araw na klase sa bawat baitang. Kalaunan ay ipinatupad ang full face-to-face class o ang pagkakaroon ng limang araw na klase sa isang linggo noong Nobyembre 2, 2022 gaya ng kautusan
ng DepEd. At dahil tayo ay nasa ilalim pa ng pandemya, mahigpit na ipinapatupad sa paaralan ang mga health protocols. Sa pagpasok sa paaralan ay kinukuha muna ang temperatura ng mga mag-aaral upang malaman kung sila ay nasa normal na kalagayan at pagkatapos ay pinaghuhugas sila ng kanilang mga kamay. Sinisigurado na ang mga taong pumapasok sa paaralan ay bakunado at walang nararamdamang anumang sintomas ng COVID-19 o sakit upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at iba pang nasa loob ng paaralan.
Karamihan naman sa mga estudyante ay naninibago sa pagbabalik ng face-to-face classes ngunit para kay Angela Mirando
C.A.T. sa PSS, Umarangkada na
Ganap nang sinimulan ang pagsasanay sa mga estudyante sa Paaralang Sekundarya ng Sauyo (PSS) para sa gaganaping Citizen Army Training (C.A.T) Program.
Sa pangunguna ni Ginoong Emmanuel “Reggie” Reginaldo at mga opisyales ng C.A.T, matagumpay na binuksan ng nasabing paaralan ang C.A.T, nito lamang araw ng Biyernes, ika3 ng Pebrero 2023. Inumpisahan ang seminar para sa panghihikayat sa mga estudyante upang makilahok at sumuporta sa C.A.T program na magaganap. Kabilang dito ang mga mag-aaral sa ika-sampung baitang na naunang sinanay nitong Ika-6 ng Pebrero, araw ng Lunes taong kasalukuyan. Kaakibat nito ang kasabikan ng mga estudyante na masubukan ang ganitong klaseng pagsasanay na hindi
nila naranasan dahil sa kasagsagan ng pandemya.
Marami ang nakilahok, tumanggap ng hamon at handa nang sumabak sa pagsasanay na umabot sa 73 lalaki at 71 na babae. Ngunit nabawasan din ito dahil sa mga tuntunin na sinusunod upang maging kasapi rito, kabilang nga rito ay ang sapat na tangkad na kailangan, 5 feet sa babae at 5’2 feet naman sa lalaki. Ang mga nais na sumali ay dapat din na walang tattoo at higit sa lahat dapat mayroon silang lakas ng loob upang handang sumubok sa mga pagsasanay na
talaga namang huhubog sa kanilang katatagan.
Dumalo rin ang Corps Commander ng batch 2019-2020 na si Rodolfo M. Romualdo lll upang sanayin ang mga estudyanteng nakapasok at nakapasa sa C.A.T. Ayon sa kaniya, “Talagang mahirap ang pagsasanay na ginagawa, umabot pa nga sa anim na buwan na pagsasanay noong hindi pa kasagsagan ng pandemya, ngunit sa kabila naman nito ay may nabuong samahan at nahubog na kakayahan na hindi malabong maranasan ng mga bagong miyembrong kasama sa pagsasanay na ito”.
Pagbabalik ng mga estudyante sa Paaralang Sekundarya ng Sauyo matapos ang mahigit dalawang taon na pagkakakulong sa kani-kanilang mga tahanan.
ng 10-Ruthenium, “Hindi naman mahirap, nakakatuwa nga e kasi nakakapag-bonding na kami ng mga kaibigan ko at mas madali na rin matuto dahil kaharap na namin ang mga guro na dati ay sa screen lang namin nakikita” saad nito.
“Masaya rin ako kasi may mga nakakasalamuha na akong mga bagong kaklase, bagong kaibigan at iba yong kagalakan na magkaroon ng bonding sa mga guro na matagal kong hindi nakasama.” dagdag pa nito.
ANIBERSARYO NG PSS, IPINAGDIWANG: GURO’T ESTUDYANTE, NAKISAYA
Aktibong naki-isa sa pagdiriwang ng ika-44 na anibersaryo ng Paaralang Sekundarya ng Sauyo (PSS) ang mga guro at mag-aaral noong ika-22 ng Setyembre, araw ng Miyerkules taong 2022. Maraming nakahandang aktibidad ang paaralan sa selebrasyong ito. Umaga pa lamang ay marami na ang nakapilang mga estudyante para sa parada kasama ang kani-kanilang mga kandidata. Bago pa man mag-umpisa ay nagkaroon ng kaunting aberyang hindi maiiwasan lalo na sa mga ganitong okasyon.
Matapos ang parada ay sinimulan na rin ang mga programa sa loob ng Nia Covered Court tulad na lamang ng mga isports na patimpalak para sa mga guro. Hindi naman nagkulang sa paalala ang punongguro sa usaping pang kaligtasan na si G. Gilore E. Ofrancia na panatilihing sumunod ang lahat sa ipinatutupad na health protocol.
Nagkaroon ng ‘SHS Student and Teacher Got Talent’ at kaniya-kaniyang
nagpakitang gilas sa pagsayaw sa nauusong TikTok dance challenge at hip hop ang mga guro at mag-aaral sa iba’t-ibang baitang na pinatingkad pa lalo ng kanilang makulay na kasuotan. Ipinamalas din ang kanilang mga talento at galing sa larangan ng pagkanta. Habang nagaganap ang programa sa covered court, binuksan na ang inihandang mga ‘booth’ at palaro ng school clubs para mapuntahan na ito ng mga estudyante. Tawanan, tilian at ‘di magkamayaw na kwentuhan ng mga natatanging karanasan ng mga estudyante kasama ang kanilang mga kaklase at kaibigan na ipinagkait sa kanila ng mahigit dalawang taong pananalanta ng pandemya.
Maaga mang natapos ang pagdiriwang, matagumpay pa rin itong nairaos sa pagtutulungan ng mga kawani ng paaralan, guro’t mag-aaral.
FILIPINO VALUES MONTH PROGRAM, SINIMULAN:
Magagandang Kaugaliang Pilipino: Isabuhay at at Pagyamanin Tungo sa
Matiwasay at Maunlad na Kinabukasan
Pormal nang binuksan ang programang Filipino Values Month 2022 na may temang “Magagandang
Kaugaliang Pilipino: Isabuhay at Pagyamanin Tungo sa Matiwasay at Maunlad na Kinabukasan” noong
Nobyembre 23, 2022 ng umaga sa
MCP Hall ng Paaralang Sekundarya ng Sauyo (PSS). Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagpapanood ng PSS song anthem bidyo na sinundan ng panalangin. Binigyang buhay ng isang magaaral mula sa ika-9 na baitang ang palatuntunan sa pamamagitan ng pagbabahagi niya sa kaniyang talento sa pagkanta.
Nagbigay naman ng maikling mensahe ang mga Puno ng Kagawaran na sina Gng. Christell Alcano, ESP at Bb. Cecile Sison, Matematika na nag-iwan ng aral sa bawat mag-aaral na nakasaksi sa palatuntunan. Ang mga patimpalak at pamantayan para sa Filipino
Values Month ay ibinahagi ng ESP Club President na si Jovelyn Lucena mula sa ika-10 baitang. Pumirma ng kasulatan ang mga bagong opisyales ng nasabing organisasyon, bilang tanda na sila ay maglilingkod ng tapat sa kanilang tungkulin.
Agaran ding ipinakilala ng gurong taga-pamatnubay ng ESP Club na si G. Nick Bucao ang bagong opisyales ng ESP Club na sinundan ng GAD Club, LINK Club at SADAAC. Ang tanging hiling lamang ng buong Kagawaran ng ESP na nawa’y makilahok ang lahat ng estudyante sa mga inihanda nilang patimpalak.
Mahigit dalawang taon din ang online class kaya’t ganoon na lamang ang tuwa ng mga guro at mag-aaral sapagkat maibabalik na ang nakagawiang face-toface na mga patimpalak. Nagkaroon ng Slogan-Making Contest at Tagis-Talino sa ika-7 baitang, Tagis-Talino sa ika8 baitang, Dagliang Talumpati, Printed Infographics Making at Tagis-Talino para sa ika-9 na baitang, at Dagliang Talumpati,
Filipino Caroling Contest at Tagis-Talino para naman sa mga ika-10 baitang. Ang lahat ng nagwagi ay nagtamo ng tropeyo, medalya at sertipiko. Sila ay ang mga sumusunod:
ESP TAGIS TALINO CHAMPIONS
▪︎ GRADE 7
Angela Batica
Lyn Antonette Garcia
Angela Vince Diaz
▪︎ GRADE 8
Ma. Angela Jimenez
Joelle Tumala
Kier Kristofer Raytana
▪︎ GRADE 9
Denver Maneja
Shaine Grengia
Ann Mariz Tibig
▪︎ GRADE 10
Jann Tidus Lapira
Mikaela Bania
Hilary Cabugos
G7 DIGITAL SLOGAN MAKING
CONTEST
▪︎ Champion - Angel Arquisola
▪︎ 1st Place - Hannah Ivory Junio
▪︎ 2nd Place - Rica Mar Laroya
G9 INFOGRAPHICS MAKING
CONTEST
▪︎ Champion - Eldrick Ian Jasmin
▪︎ 1st Place - Nica Tiburcio
▪︎ 2nd Place - Lorraine Sican
G9 DAGLIANG TALUMPATI
CONTEST
▪︎ Champion - Niño Miranda
▪︎ 1st Place - Shaira Araojo
▪︎ 2nd Place - Johncuzzle Agudon
G10 DAGLIANG TALUMPATI
CONTEST
▪︎ Champion - Clarisse Benabise
▪︎ 1st Place - John Paul Olveda
▪︎ 2nd Place - Vincent Dequiña
G10 FILIPINO CAROLING
CONTEST
▪︎ Champion - 10-Einsteinium
▪︎ 1st Place - 10-Argentum
▪︎ 2nd Place - 10-Aurum
Balita
▪
ISINULAT NI Princess Nicole S. Duque
3 ▪ sauyohighschoolqc Agosto - Mayo 2023
▪ ISINULAT NI Ellaica Rose B. Jimenez
▪ ISINULAT NI Ellaica Rose B. Jimenez
▪ ISINULAT NI Katerine L. Sencil
▪ KUHA NI NadineA. Guiang
Pagbisita ng mga nagdaang opisyales ng C.A.T. sa oryentasyon para pangunahan ang susunod na police military ng paaralang Sauyo.
▪ KUHA NI Arvin C. Berbano
Muling naramdaman ng paaralan ng Sauyo ang Foundation Day matapos ang halos tatlong taon na pandemya.
“Init sa Edukasyon o Init ng Edukasyon”
na sobrang init na nararanasan kaya naman marami ang nagsasabing na ibalik ang online classes.
Subalit ito na nga lamang ba ang puwedeng paraan na gawin ng bawat isa?
Sa pahayag na ibalik ang online class ay marami rin ang umalma lalo pa’t danas na ng lahat ang hirap sa pag-aaral gamit lamang ang internet.
responsibilidad.
Bagama’t may punto ang lahat ng argumento, hahayaan ba nating malagay pa sa mapanganib na kalagayan ang ating kalusugan sa init dahil sa ating ipinaglalaban na edukasyon?
Ibinalik na klase sa loob mismo ng paaralan ay tila muling maaantala. Ang buwan ng Marso hanggang Mayo ay kilalang panahon ng tag-init kaya naman ito ay orihinal na bakasyon ng mga estudyante, subalit dahil sa naganap na pandemya ay nag-iba ang tinatawag na “school calendar”. Bagamat ito’y napalitan, ang proseso ng edukasyon ay hindi naman nabago, ngunit ngayong nasa kalagitnaan ng mainit na panahon ang bawat isa at nagkakaroon ito ng iba’t ibang epekto sa mga mag-aaral, hinayaan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga apektadong lugar na magdesisyon kung nanaisin ba nilang ituloy ang face to face classes o sila’y magkakaroon ng alternatibong paraan. Sa ganitong kalagayan, ano nga ba ang sigaw ng mga mag–aaral at sino ang dapat pakinggan?
Nauna nang magkaroon ng online classes ang mga estudyante sa loob ng 2 taon dahil sa pagkalat ng sakit na Covid-19, at ngayong unti-unti nang nakababangon ang bansa mula sa paghihirap na ito ay muli nang hinayaan ang mga paaralan na magtalaga nang pagbabalik ng pisikal at harapang klase ng bawat isa. Ngunit dahil nagkaroon ng pagbabago ay naapektuhan din nito ang orihinal na araw at buwan ng klase. Ngayon ngang napalitan ito, ang Marso hanggang Mayo na nagsisilbing bakasyon ng mga estudyante ay naging buwan ito ng kalagitnaan sa kanilang pag-aaral. At dahil sa init ng panahon na dala nito, ang ilang mga estudyante ay nakaranas ng negatibong epekto maging na rin ang ilang guro.
Mula sa pangyayaring ito ang Education Spokesperson na si Michael Poa ay nagsabing pinapayagan at binibigyang kapangyarihan ang mga paaralan na mag kansela ng klase o umisip ng ibang paraan para hindi maantala ang pagaaral ng mga estudyante lalo pa’t mahirap nga ang kanilang sitwasyon sa ganitong panahon. Pabor ito sa ilang mag-aaral at tagapagturo sapagkat kanila ring inirereklamo ang patuloy
Ayon sa ilang mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Sauyo (PSS) ay hindi sila pumapabor sa ganitong sitwasyon. Dahilan nila ay ang maalinsangan na nararanasan sa loob ng klase ay walang kaibahan sa init na pinagdaraanan sa kanilang tahanan. Bukod pa riyan, muling magkakaroon ng pagbabagong adjustment at makadaragdag lamang ito sa kailangan nilang paghandaan.
Nalalapit na naman ang pagtatapos ng klase, may ilan pang paraan na maaring gawin na mas mapakikinabangan ng lahat. Sa pahayag na ito ay mahihinuha kung ano nga ba ang nais iparating ng ating mga estudyante.
Panibagong hirap kung ipatutupad ang nais na pagbabalik ng birtwal na klase. Kung ikukumpara ang sistema ng edukasyon sa tradisyunal at makabagong paraan, walang kasing epektibo pa rin ang face to face classes. Kaya naman, hindi ba dapat tingnan natin ang parteng ito upang makita kung ano nga ba ang dapat nating gawin? “Mas marami ang proyekto sa online” pahayag ng nakararami. Sa hindi kontroladong gawain ng mga estudyante ay mas mahihirapan sila sa kanilang sitwasyon sapagkat sa online ay sunod-sunod ang aktibidad at mas komplikado ang paraan ng kanilang pag-aaral. Idagdag pa na hindi lahat ay nakasasabay sa ganito lalo pa’t ang iba ay may kakulangan sa kagamitan dahil iba-iba ang ating estado sa buhay at kapasidad ng abilidad.
Nanatili na tayo ng dalawang taon sa ganitong sistema at nakita natin ang naging agwat ng edukasyon ng kabataan, hahayaan pa ba natin itong magpatuloy? Hindi para sa lahat ang tinatawag na online class sapagkat hindi lahat ay may kakayahang makapag-aral, ibigay ang kanilang buong atensyon dito habang nasa loob ng tahanan dahil maaaring may ibang bagay na kailangan asikasuhin habang nasa klase. Hindi rin lahat ay may sapat na abilidad umintindi sa ganitong madaling paraan at ang iba pa nga ay mas nawawalan ng gana at konsentrasyon upang gawin ang kanilang
Mayroong tinatawag na blended learning kung saan magkakaroon ng araw kung kailan may pasok ang mga estudyante sa kanilang paaralan, online naman sa ilan pang ibang araw, at ang matitira ay magsisilbing asynchronous class— mahahati sa tatlong paraan. Ayon kasi sa ilang guro, magulang, at piling estudyante ng PSS ay mahalaga pa ring mapangalagaan ang ating kalusugan dahil hindi biro ang epekto ng matinding init sa ating lahat; mas madaling magkakasakit, magdudulot nang panghihina, dehydration, kawalan ng konsentrasyon, at kung mas malala ay heat stroke. Mas makatutulong pa nga ang ganitong sistema sa bawat isa sapagkat pareho pa ring mabibigyang halaga hindi lamang ang edukasyon kundi maging na rin ang ating mga sarili. Hindi dapat kalimutan na iba ang hirap sa trabaho at pag-aaral sa matinding init na pinagdaraanan.
Mapangangalagaan pa rin naman ang kalusugan sa kabila nang pagpasok sa paaralan kahit na buwan ng tag-init. Sa katunayan nagbigay nga ng ilang paraan ang kabataan para dito; huwag kalimutan na magdala ng pamaypay o fortable fan para sa preskong pakiramdam, araw-araw maligo bago at pagkatapos pumasok, ugaliing magdala ng payong, iwasan ang masyadong masikip o maraming tao na lugar, palaging magdala ng tubig para maiwasan ang pagka-uhaw, at palaging magkaroon nang sapat na pahinga. Sa ganitong paraan, hindi ka lamang nakapag-aaral nang maayos kundi epektibo mo ring nababalanse ang pag-aalaga sa iyong sariling kalusugan.
Mahalagang pakinggan ang tinig ng bawat isa kasabay nang pagpapahalaga sa ipinaglalaban na kabutihan para sa lahat. Subalit palaging tandaan na sa pag-asam nang ikabubuti, marapat na ang bawat paraan at sitwasyon ay maging balanse. Hayaang pakinggan ang nais ng mga guro at estudyante sa kung ano nga ba ang epektibong paraan sa kanilang trabaho at pag-aaral sa gitna ng init na nararanasan. Ngunit huwag ding isantabi na ang bawat isa ay may iba’t ibang kapasidad sa lahat ng aspeto. Kung hahayaan ang blended learning, anong kasiguruhan na mababawasan ang init na nararanasan at ang lahat ay makasasabay sa ganitong paraan? Iba pa rin ang mag-aral nang naririnig at nakikita mo ang lahat sa personal at iba pa rin ang matuto na pangalagaan ang sarili sa balanseng paraaan. Huwag na muling ikulong sa hirap ng takbo ng edukasyon ang kabataan, pakinggan ang kanilang tinig kung ano nga ba ang kanilang kagustuhan.
Kabuhayan, Hindi Kahirapan!
▪ ISINULAT NI Joann B. Guanzon
Naganap na nga ang araw na ikinababahala ng mga tsuper pati na rin ng mga pasahero. Nitong Marso 1, 2023, inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang traditional jeepney phase out ay isasagawa na sa katapusan ng taong ito, Disyembre 31, 2023..
Sa kaganapang ito, maraming mamamayan ang umalma sa iniatas na kautusan lalong-lalo na ang mga tsuper na ang tradisyunal na dyip lamang ang pangunahing pinagkukunan ng pantustos sa pamilya at pantawid gutom sa araw-araw.
Bilang isang estudyante at mamamayan ng Pilipinas na matagal nang nakikinabang at gumagamit ng pampasaherong sasakyan na ito, ako rin ay madiin na tumataliwas at humahadlang sa kautusang ito.
Kami rin ay higit na maaapektuhan dahil paniguradong sa pag-upgrade ng mga sasakyang ito ay sasabay rin ang pagtaas ng pamasahe. Madaragdagan ang gastusin para sa mga estudyanteng pinagkakasya lamang ang iilang pera para sa isang buong linggo.
Kung isasama sa kompyutasyon, malaking halaga rin talaga ang maidaragdag. Sa araw-araw na pagpasok ay magkano na rin ang aabutin, sasabay pa ang mga gastusin sa proyektong isinasagawa sa paaralan.
Pahirapan din ang pagbiyahe sapagkat paniguradong magkukulang ang ilan nilang nagawang modernong sasakyan. Iilan lamang din ang kaya nitong maisakay.
Maraming mape-perwisyo, mawawalan ng trabaho, at makakawawa sa patakarang iniatas ng mga nakatataas sa ating lipunan. Palibhasa’y hindi ranas ang hirap sa laylayan.
ATNUGUTANP
Arvin C. Berbano
Punong Patnugot
Patnugot sa Isports
Faith Nicole C. Salazar
Pangalawang Patnugot Tagapaganyo
Krisana Casandra Rivera
Tagapangasiwa
Katerine L. Sencil
Patnugot sa Balita
Precious Angel T. Frias
Patnugot sa Editoryal at Kolum
Juztlie G. Frias
Patnugot sa Lathalain
Rico C. Carredo
Patnugot sa Agham
Donalyn B. Bigcas
Nadine A. Guiang
Mga Litratista
Ean Levi S. Magtoto
Kimberly R. Oliveros
Rochelle Jane N. Hamaybay
Mga Dibuhista
Jasmine Elyza D. Sese
Tagapaganyo
Crystal Jhean G. Cadiz
Jemma Lyn C. Quisel
Mga Tagapagwasto
Ellaica Rose B. Jimenez
Joann B. Guanzon
John Raphael S. Ramirez
Mheace V. Bayona
Nichole Anne B. Jalem
Kung ating susuriin, maraming aspekto ang dapat na isaalang-alang bago nila ipatupad ang ganitong kautusan. Ito ba’y benepisyaryo? Ito ba’y abot kaya? Ito ba’y tunay na makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya?
Alam naman nating lahat na sa dala ng pandemya ay hindi pa rin lubos na nakakaahon ang iba nating kababayan, puno pa rin ng bayarin at kung ano-ano pang gastusin. Sumabay pa ang paglakas ng palo ng implasyon sa ating bansa na talaga namang damang-dama.
Kaya’t hindi talaga kakayanin ng ating mga mamamayan ang napakalaking halaga ng modernong sasakyan na ninanais nila. Lalo pa’t napaka-ikli ng panahon ang kanilang ibinigay sa mga tsuper upang ito’y mapaghandaan.
Maraming mawawalan ng pagkukunan ng hanapbuhay, ang mga nasa ibaba ay lalo pang bababa kung ito’y itutuloy nila.
Bukod sa mga tsuper, mape-perwisyo rin ang mga pasahero na pilit na tinitipid at
pinagkakasya ang badyet sa isang araw.
Kay taas na ng presyo ng gasolina, kaya’t panigurado na sabay rin sa pagtaas ng pamasahe kung ang modernong sasakyan ay kanilang ilalabas. Sisingilin nila ang kanilang nagastos at nautang sa mga pasahero.
Magtutungo ang ganap na iyan sa lalong pagbagsak at pagkahirap ng ating bansa.
Hindi lamang ang hanapbuhay ang mawawala sa atin, pati na rin ang tatak pinoy natin na dyip. Ito’y isa na sa ating pagkakakilanlan, dapat natin itong pahalagahan at huwag hahayaang maglaho nang tuluyan.
Nararapat na maglapat ang ating pangulo ng konkretong plano. Isaayos muna ang implasyong hindi tumitigil sa pagtaas. Pababain ang presyo ng mga bilihin at pataasin ang sinasahod ng mga mamamayan sa bawat sektor.
Ayusin muna dapat ang kalagayan ng bawat mamamayan bago magdagdag nang magdagdag ng perwisyo. Kay rami ng suliranin at problema sa ating bansa, bakit dito lamang nila itinutuon ang kanilang pansin?
Ako’y lubusang humahadlang sa ninanais nila, hanapbuhay at baon sa utang lamang ang matatamasa. Maraming nakikinabang at hindi pinoproblema ang pampasaherong sasakyang ito kaya huwag na nila itong pagkaisahan pa.
Maraming problema ang dapat na bigyang-pansin at solusyonan. Umisip ng mas konkretong plano, iyong makikinabang ang mga tao at hindi makapeperwisyo.
Iangat ang buhay ng bawat Pilipino, huwag nang ibaba at idiin pa sa pwesto. No To Jeepney Phase Out.
Patrisia Dahlia G. Dagal
Princess Nicole S. Duque
Reyndeyz Serenity Ann A. Cacho
Terence James S. Ecat
Terence John S. Ecat
Mga Manunulat
Gng. Loida C. Dela Cruz
Tagapayo
G. Arnel M. Salva
Puno ng Kagawaran - Filipino
G. Gilore E. Ofrancia MTM
Punongguro IV
Dr. Rodolfo F. De Jesus
Tagamasid Pansangay sa Filipino
CARLEEN S. SEDILLA, CESO V Pansangay na Tagapamanihala
Editoryal 4
L ATHALINO
▪ IGINUHIT NI Rochelle Jane N. Hamaybay
PATAKARAN:
Karapatan agustuhano
atagal nang inaasam ang pantay na karapatan sa bawat mag-aaral, ngayon, tila unti-unti na itong nabibigyan ng hustisya ng mga paaralan. Nito lamang nakaraang taon ng Setyembre ay malayang inanunsyo ang panibagong bersyon ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang memorandum 32 series of 2017 o ang Gender Responsive Basic Education Policy (GRBP) kung saan ang bawat isa ay malaya nang maipapakita ang kanilang tunay na pagkakakilanlan lalo na ang miyembro ng mga LGBTQIA+. Ngunit sa pagpapatupad nito, natitiyak ba na ang bawat patakaran at regulasyon ay hindi nalalabag?
Matapos ipaglaban ang karapatan at ilang naganap na usapin sa pagitan ng mga estudyante at nakatataas sa edukasyon ay matagumpay nilang nakamit ang pantay na pagtingin at kalayaan. Kalauna’y naging mainit na isyu sa lipunan at DepEd ngunit hindi naglao’y kanila na ring inaprubahan ang ipinaglalaban. Laman ng memo na ito na pinapayagan ang kabataan maging na rin ang mga guro na ipahayag ang kanilang sarili sa paraan na kanilang
nanaisin; kabilang dito ang pagpapahaba ng buhok at pagsusuot ng nakaayon sa kanilang kagustuhan na damit tuwing may espesyal na okasyon o programa kahit na hindi ayon sa kanilang bayolohikal na kasarian. Sa kabila nito, kuntento na nga ba ang lahat para rito?
Maingay ang ilang miyembro ng ikatlong kasarian sa kanilang pinagaaralan dahil umano’y mahigpit pa rin ang restriksyon sa kanila ng ilang mga guro. Kabilang ang Paaralang Sekundarya ng Sauyo ang nagpahatid ng tinig tungkol sa isyung ito. Ayon sa ilang estudyante sa ika-10 baitang ay kung minsa’y nasisita pa rin sila tuwing mahaba ang kanilang buhok at hindi nila maramdaman na sila’y malaya sapagkat palaging may nasasabi ang ilang tagapayo at mag-aaral sa kanilang paligid kapag sila’y nakikita. Subalit natitiyak din ba nilang sumusunod sila nang tama sa patakaran ng kanilang eskwelahan?
Mayroong regulasyon ang bawat paaralan na siyang pinipirmahan ng mga magulang tanda na sila’y sang-ayon sa napagkasunduan na kanilang ipinatutupad. Ang pagsita sa mga estudyante dahil sa kanilang pisikal na kaanyuan ay dahil nakikitaan ito ng kamalian o hindi akma
sa napag-usapan. Ilan ngang isyu rito ay ang pagpapakulay ng buhok gayong ito’y labag at hindi kasama sa pinapayagan. Ang pagpapahaba naman ng buhok ay maaari subalit kinakailangan magpasa ng kasulatan na galing sa magulang. Sa katunayan, hindi naman binabawalan ng paaralan ang kanilang nais hangga’t may pagsang-ayon ito ng kanilang tagapag-alaga at hindi labag sa sinasabi mismo ng lugar na pinag-aaralan— ito ang pahayag ng isang guro sa Paaralang Sekundarya ng Sauyo.
“Nakasasakal pa rin kung minsan” iyan ang sinasabi ng ilang miyembro ng LGBTQIA+. Ang simpleng pagpapahaba ng buhok at pagsusuot ng nais nilang kasuotan ay tila isang malaking bagay agad. Kung titingnan, hindi naman ito nakaaapekto sa kanilang pag-aaral sapagkat paraan lamang ito upang ipahayag nila ang sariling nais at personalidad. Maayos pa rin naman ang kanilang kaanyuan ano man ang suot o mayroon sila sa katawan. Kaya naman, problema nga ba ito kung titingnan?
Ipahayag ang iyong sarili sa maraming paraan, hindi lamang sa panlabas na kaanyuan. Ayon sa isang respetadong guro, ang pagsunod sa regulasyon ay hindi naman mapipigilan na ipakita ang iyong tunay na nais. Sa halip ay mas tataas pa nga ang tingin sa iyo ng mga tao sapagkat hindi mo kinalilimutan ang nakasanayan at akmang patakaran sa loob ng eskwelahan. Hindi rin nito maaapektuhan ang iyong pagkatao. Mayroon mang ibinabang memorandum ang DepEd ay mayroon ding pinirmahan ang kanilang mga magulang na siyang
Kasunduan Para sa Kaligtasan ng Lahat
▪ ISINULAT NINA Joann B. Guanzon, Mheace V. Bayona, at Patrisia Dahlia G. Dagal
Naging isang usapin at malaking pagtatalo ang pagpapatupad ng pagsusuot nang tama at maayos na uniporme sa lahat ng paaralan sa Pilipinas. Marami at samu’t sari ang naging opinyon ng mga guro, estudyante, at mga magulang dito. Parehong may punto at pinaglalaban ang bawat daing na hindi p’wedeng kailanman ibahin at manipulahin.
Kung ikaw ay aking tatanungin,
sasang-ayon ka bang mabawasan ang seguridad ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan? Ang uniporme ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat estudyante sa buong Pilipinas kaya ang pagkakaroon ng isa ay tiyak na mahalaga sapagkat kasingkapareho na ng hindi pagsasabatas nang pagsusuot ng uniporme ang pagbabawas sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang pangalawang tahanan.
Hindi lingid sa ating lahat na ang
Pagbabagong Wakas para sa Bukas na Wagas
hindi pagsusuot ng akmang kasuotan ay maaaring maging sanhi upang madali nang makapasok ang mga manlalabag mula sa labas at loob ng ating munting paaralan, kaya huwag sana nating balewalain itong akala nating maliit na suliranin na maaaring simulan ng malaking palaisipan na posibleng tuminta sa atin hanggang sa kinabukasan.
Isaalang-alang na natin ito bilang babala upang mas maging maingat. Ang pagsusuot nang wasto at maayos na uniporme ay para na rin sa ating kaligtasan, nilalayo nito ang bawat mag-aaral sa posibilidad na mapahamak at malinlang.
Masasabi ko rin na ang pagsusuot ng tamang kasuotang pampaaralan ay higit na mas praktikal dahil dito ay hindi na kailangan pang isipin ang isusuot kung mayroon ka nang maaaring magamit sa pang-araw-araw. Nakatutulong din ito upang mas maging komportable ang mga mag-aaral sa kanilang pinapasukang paaralan dahil naipapahayag
mas makapangyarihan lalo pa’t lagda na nila ang katawan nito. Kaya naman, ano pa nga ba ang problema kung wala namang pumipigil? Isang kasulatan lamang naman ang sagot para sa iyong kalayaan at katahimikang ninanais, hanggang saan pa ba ipaglalaban ang sinasabing hindi pantay na karapatan?
Karapat-dapat na maipahayag nang malaya ang ating sariling pagkakakilanlan sa itinuturing nating ikalawang tahanan. Subalit hindi kailanman magiging kaakibat ng kalayaan ang paglabag sa kinikilalang patakaran. Ang paggalang hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa ibang tao at lugar na ating pinananatilihan ang siyang nararapat. Kaya naman, matatawag nga bang hindi patas ang pag-implema ng patakaran at pagsunod sa kung anong mas makabubuti at tama? “A law applies to all otherwise none at all”Respetadong guro mula sa Paaralang Sekundarya ng Sauyo.
nila ang kanilang posisyon at sarili sa pamamagitan ng kanilang kasuotan.
Sa pamamagitan ng pagsusuot ng wasto at maayos na uniporme ay mas magiging presentable ang pagaaral ng mga estudyante at magiging pantay-pantay ang tingin dahil mayroon lamang itong pare-parehong kasuotan na nagsisilbi nilang pagkakakilanlan bilang mga mag-aaral sa isang partikular na paaralan.
Kung tayo ay magkakaisa at ang bawat isa sa atin ay susunod, tiyak na mas magkakaroon tayo ng kapayapaan, mas magiging komportable ang pag-aaral at mapagtitibay natin ang pundasyon ng kaligtasan sa bawat paaralan sa ating bansa. Ito ay isang malawakang usapin na kailangan nating pagtuunan ng pansin.
Ito ay para sa pangkalahatang kapakanan at kaligtasan. Sang-ayunan ang may magandang layunin at sundin ang kasunduan at mga bagay na dapat gawin dahil ito rin ay para sa atin. ▪
Ang pag-usbong ng aking sinisintang paaralan ang isa sa magpapalubag ng aking loob bago ako umalis sa eskwelahang ito. Kakaunting panahon na lamang ang natitira bago tuluyang lisanin ng mga mag-aaral ang giliw na tumatayong pangalawang tahanang ito kaya’t ang paghahanda para sa susunod na hakbang ay kakailanganing mas pagyamanin para sa tiyak at wagas na wakas ng mga mag-aaral.
Ang “Career Guidance and Counseling Program” ay sinimulang isulong noong ika-23 ng Hulyo, 2018 sa buong Metro Manila. Ito ay naglalayong paunlarin at kilalanin ang kakayahan ng kabataan sa larangan ng edukasyon na kinakailangan para sa mabilis na paglaki at paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ang layon na dala ng programang ito ay upang gabayan ang mga magaaral sa kanilang daan na tatahakin sa Senior High School kung saan mahalaga ang pagpili ng strand na nakahanay sa kanilang ninanais na kurso at trabaho sa hinaharap. Ang programang ito ay tiyak na makatutulong sa pagyabong ng kaalaman ng mga estudyante sa kanilang kukunin na propesyon.
Ginaganap ang “Career Guidance and Counseling Program” upang sanayin ang mga estudyante sa tersiyaryong antas na gumamit ng kritikal na kaisipan tungo sa tuwid at makatarungang kurso na makapagpapalago sa kaniya-kaniyang
kaalamang pang-edukasyon.
Ginaganyak ng pamahalaan ang bawat mag-aaral na pag-isipan ang kanilang magiging strand upang hindi lumago sa mas mabigat at bagong problema ang kanilang pag-aaral lalo na kung hindi pa sila sigurado sa kanilang pipiliing kurso sa kolehiyo. Sa loob ng programang ito ay binibigyan ng mga aktibidad ang mga estudyante na nagkakaiba-iba sa bawat eskwelahan.
Marami sa paaralan ay pinagbibihis ang kabataan base sa kanilang napiling propesyon, meron naman na piniliping magpagawa ng mga aktibidad na makatutulong upang mahasa ang mga magaaral katulad ng “make a vocation” na makatutulong sa kritikal na pag-iisip ng mga bata sa paaralan.
Tunay na makikita ang paghahanda ng paaralang Sauyo sa paghahasa ng kanilang mga estudyante sa huling dalawang taon ng mga ito sa hayskul o sa Senior High School. Sinusuportahan ng paaralan ang mga mag-aaral nito na makikita sa isinagawang “Career Guidance” noong Ika-17 ng Abril, pinagawa nila ang bawat Sauyonians ng aktibidad kung saan maaari naming ipakita ang aming angking galing sa disenyo at kritikal na pag-iisip na ikokonekta namin sa aming ninanais na kurso sa kolehiyo.
Kabilang ako sa mga mag-aaral na ikinatuwa ang nagdaang “Career Guidance” sa aming paaralan. Naging matagumpay ang gawain na ito upang malaman ko kung gaano na nga ba karami ang kaalaman ko sa tatahakin kong landas. Ikinagagalak ko na naisagawa ang programa na ito at isa ako sa mga nakilahok at nakiisa. Masasabi kong lubos na matagumpay ang paglulunsad nito.
IHAM SA
ATNUGOTLP
Mahal kong Patnugot, Batid ko ang inyong hirap at pasakit pagdating sa ating palikuran ng ating Paaralan. Sa aking palagay, ang ganitong isyu ay dapat bigyang pansin lalo na’t ang ganito isyu ang nakakabahala. Maaaring makipag-ugnayan sa ating mga staff ng Paaralan, upang sa gayon, mabigyan ito ng pansin at maayos. Madali lamang ito ayusin lalo pa’t ang ating mga kawani sa paaralan ay gumagawa ng aksyon agaran. Gayunpaman, higit na mas maganda ang pagsabi sa mga kaukulan ng Paaralan upang mabigyan ng aksyon.
Jayson Osma Manabat (9 - Bonifacio)
Mahal kong Jayson, Batid ko ang inyong hirap at pasakit pagdating sa ating palikuran ng ating Paaralan. Sa aking palagay, ang ganitong isyu ay dapat bigyang pansin lalo na’t ang ganito isyu ang nakakabahala. Maaaring makipag-ugnayan sa ating mga staff ng Paaralan, upang sa gayon, mabigyan ito ng pansin at maayos. Madali lamang ito ayusin lalo pa’t ang ating mga kawani sa paaralan ay gumagawa ng aksyon agaran. Gayunpaman, higit na mas maganda ang pagsabi sa mga kaukulan ng Paaralan upang mabigyan ng aksyon.
Nagmamahal, Pagnugot
Mahal kong Patnugot, May mga kapwa akong estudyante na nakikitang ilegal na nagdadala ng vape at sigarilyo sa loob ng paaralan. Meron pang palusot na nagdadala ng alak at ilalagay sa mga sari-sariling tubigan. Alam kong hindi buong responsibilidad ng eskwelahan ito, ngunit, sa palagay ko’y, isa ito sa magiging daan upang madisiplina at malagay sa tama ang mga gawing kinikilos nila sa araw-araw. Sinulat ko ito dahil ako’y may pagmamahal sa kapwa, at kayo, kung mahal niyo kaming tunay, may makukuha kaming sagot na hindi lamang sa salita, pati na rin sa gawa. Salamat.
Princess Denise Axalan (10- Hydrogen) Mahal kong Denise, Nauunawaan ko ang iyong pagmamalasakit sa ating paaralan at kapwa mag-aaral. Sa palagay ko, malawakang isyu iyan at mas nararapat nating higpitan ang pagtingin at pagbantay sa bawat kilos ng estudyante. Hindi para patayin ang kanilang kaligayahan, kundi patayin ang maaring kapahamakan na maidudulot sa kanila ng kapahamakan. Maaaring gumawa ng aksyon ang mga Club Officers ng SADAAC Club, sila ang pangunahing Club na nag inspeksyon sa iyong hinain.
Nagmamahal, Pagnugot
Editoryal 5
▪ ISINULAT NI Krisana Casandra Rivera
Agosto - Mayo 2023
▪ IGINUHIT NI Kimberly R. Oliveros
M
ISINULAT NI Mheace V. Bayona
▪ ISINULAT NI Faith
Nicole C. Salazar
“Gawing inspirasyon ang pangarap para magtagumpay.”
Isang estudyante lamang noon sa sintang paaralan na sa tuwina’y handang makinig, nais matuto, at ngayon ay sinusubok ng panahon upang ipamalas ang kaniyang kaalaman at magbigay ng inspirasyon sa nakararami.
Sa pagmamaneho ng lumalakad na orasan ay may angkin siyang kabatiran, ito ang kaniyang kinagisnan mula pagkabata upang lubos na mapahalagahan ang kapantasan. Kakabit nito ay ang paglalaan ng oras nang malugod at buong puso sa paglilingkod, hangaring matulungan ang bawat kabataang makamit ang kanilang mga pangarap.
Tila siya’y bersyon ng talapindutang sa pagsagot ng hindi matatapostapos na problema ng ‘x at y’. Maliit man kung taas ang pag-uusapan ngunit tinitingala ng karamihan sa larangang kinabibilangan. Nagkamit siya ng
parangal bilang “District Math Teacher
1st Place, Outstanding Demonstration Teacher in Mathematics (JHS)”, isa sa pinakamahusay na tagapagturo sa asignaturang Sipnayan ng Sekundaryang Paaralan ng Sauyo. Siya ay walang iba kun’di si Ginang Grace Barrientos.
Sa loob ng halos labing isang taon ng kaniyang pagtuturo sa Sauyo, sa taong 2016 una siyang nagkamit ng parangal bilang “District 6 Outstanding
Demonstration Teacher in Mathematics (JHS) - 2nd Place”, nagpapakita na sa kaniyang dedikasyon sa pagtuturo ay hindi natatapos ang kaniyang layunin sa buhay. Bilang pagkakaroon ng inspirasyon sa Diyos, pamilya, anak, asawa, kaibigan, mga kasamahan niyang guro sa paaralan at mga mag aaral ay kaniya itong naisagawa.
Sa labintatlong taong paghahandog ng serbisyo sa paaralan ni Ginang Grace ay marami na itong pinagdaanan. Kung minsan ay napapagod na siyang pagmasdan ang isang katerbang papeles na mayroon silang mga guro, ngunit agad itong napapawi at napapalitan ng kasiyahan nang masilayan niya na ang mga estudyanteng nagpupunyagi sa kanilang pag-aaral.
“Mula pagkabata, maging isang guro na ang aking pangarap. Nais ko talaga ang maging inspirasyon at makapagbahagi ng aking kaalaman sa iba. Alam kong ito ang pagkatawag sakin ng Diyos o ‘God’s calling’.”Gng. Grace Barrientos
Hindi niya sinayang ang pagkakataon bagkus ay ginamit niya ang ninanais ng kaniyang puso at ng Diyos na makatulong, hubugin ang kaisipan ng mga mag aaral at magsilbing gabay sa kanila. “Ipinagpapasalamat ko na ako ay guro sa paaralang ito dahil
Isang obra maestrang nagmistulang bituin dahil sa kaniyang ningning na walang mintis at siya ay tinitingala sa langit katulad ng mga tala. Nagbibigay liwanag at nagsisilbing inspirasyon sa maraming kabataan. Kung siya ay titignan ay ika’y masisindak dahil sa postura pa lang ay kagalang-galang na at karesperespeto ngunit kung siya ay kikilalanin ng lubusan, siya ay isang bungisngis at gurong may pusong mamon.
Siya ay nagkamit ng mga parangal na “Best Demonstration Teacher in E.S.P (District level) at 1st Runner Up Demonstration Teacher in E.S.P (Division level)”, isa sa pinakamahusay na guro ng Paaralang Sekundarya ng Sauyo. Siya ay walang iba kundi si Maria Cecilia R. Lazarte. Mahigit isang dekada nang nagbibigay serbisyo sa paaralan ngunit hanggang ngayon ay nananatiling nagtuturo dahil ang nais niya ay maibahagi ang kaniyang kaalaman sa lahat ng magaaral na mayroong pangarap at adhikain sa buhay.
Ang kabataan ay nagpapasalamat
ito ay isang pangarap na nagkaroon ng katugunan para sa akin– ang makapagturo sa paaralan na kung saan ako ay nagtapos.”
Kaugnay ng pagpasok sa larangang pagtuturo ay ang pagkakaroon ng malaking responsibilidad na maiaatang
sa bawat oras na lumilipas, araw, buwan, at taon dahil hindi mo sila binigo, hindi mo sila iniwan, at hindi mo sila hinayaang maligaw ang landas. Maliit man ang sweldo, mahirapan man sa trabaho, at ang daliri ay magkaroon ng kalyo, hindi pa rin nagrereklamo. Nagsasakripisyo para lang ang kabataan ay matuto, hindi lang ng leksyon sa bawat asignatura, kundi higit sa lahat leksyon sa buhay.
Ika nga niya “Ang Paaralan ay ang pangalawang tahanan ng ating kabataan at ang guro ay ang nagsisilbing pangalawang magulang. Bilang isang guro responsibilidad ko na turuan at gabayan ang mga kabataan upang makamit nila ang kanilang mga minimithi para sa kanilang sarili, pamilya at komunidad.” Siya ay walang kupas pagdating sa pagtuturo dahil isinasapuso niya ang lahat na kaniyang ginagawa. Hanggang sa abot ng kaniyang makakaya handang maglingkod para sa bayan. Naniniwala siya sa katagang sinabi ng pambansang bayani, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.”
sa balikat. Kaniya itong ipinagpalagay sa sarili hindi lamang bilang isang tungkulin, kun’di sa pagtupad sa hangaring makapagbigay kaalaman sa nakararami at maging inspirasyon lalong higit sa mga kabataang magiging pag-asa sa susunod na henerasyon.
alalim ang aking pagkakahimbing nang maulinigan ko ang tunog na nagpagising sa aking diwa “Kring-Kring, Kring-Kring!” Ito na ang hudyat ng aking orasan sapagkat oras na para ako’y magtungo sa aming sintang paaralan. Dali-dali kong isinuot ang aking uniporme. Habang ako’y naglalakbay patungo sa aming paaralan, naaninag ko ang hitik na hitik na mga mag-aaral na nasa tapat ng aming paaralan.
Nagtungo ako sa aming silidaralan nang nakasakay sa ulap. Binuksan ko ang aking telepono at tiningnan ang petsa ngayong araw, ngayon ay Enero 23, 2023. Sumapit na ang araw ng pagdaraos ng aming paaralan para sa gaganaping Japan’s Tea Party, ito ay ang seremonya sa pagsasanay ng tamang pamamaraan ng pagtitimpla ng berdeng tsaa. At itinuro rin sa amin ang mabisang sangkap na ginagamit sa paggawa ng masarap at malinamnam na tsaa. Naisagawa ang seremonya nang matagumpay.
Labis na galak at ligaya ang aking nadarama, hindi ko wari na mararanasan ko ang ganitong klase ng pagdiriwang. Umuwi ako sa aming tahanan nang may abot langit na ngiti. Napansin ito ng aking ina at lola. “Apo! Kumusta ang iyong pagsusunog ng kilay?”, tanong sa akin ni lola kaya’t nagsimula na akong ikuwento sa kaniya ang isa sa hindi malilimutang pangyayari sa aking buhay. Napansin ko ang hindi maipintang mukha ni lola.
“Bakit po parang malungkot ka lola?”, tanong ko sa kaniya. Ipinakuha ng aking lola ang kaniyang lumang aklat at dalidali ko itong kinuha.
Ito ay kaniyang ibinuklat. “Apo, nakalimbag sa aklat na ito ang kasaysayan ng Pilipinas.” Lungkot at takot ang aking nadama sapagkat napagtanto ko kung paano noong sinakop ng mga hapon ang bansang aking sinilangan. Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan. Paano kung masakop ulit ang pinakamamahal nating bansa? Paano kung maging isang alipin ulit tayo sa sarili nating bayan?
Ayon sa aklat at karanasan ng aking lola. Masalimuot ang dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon. Puro kalupitan at pagpapahirap ang mga Hapon. ‘Di kalaunan, umusbong ang iba’t-ibang grupong tinawag na mga gerilya na lumaban sa mga Hapon. Ang Hukbalahap o Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon ang maituturing na pinakamatagumpay na kilusang gerilya. Namulat at tumindig ang mga Pilipino kaya’t nagkaroon ng lakas ng loob upang bumuo ng mga pangkat na magsusulong ng kapayapaan at magtataas ng ating watawat na sumisimbolo sa kalayaan.
Lumapit ang aking ina at dumais sa aking tabi, “Huwag ka nang mangamba at matakot anak sapagkat hindi na ulit tayo masasakop ng mga hapon, bagamat tayo pang mga Pilipino ang pumaparoon upang maghanap-buhay”, sambit ng aking ina. Noon sa panahon ng aking ina, ang mga Pilipino ay dumadayo sa bansang
Hapon upang doon sila maghanapbuhay dahil mas malaki ang sweldo ng mga manggagawa roon, kaya’t mas pinipili nilang mapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay upang mas mabigyan ng maganda at matiwasay na pamumuhay ang kanilang mga pamilya.
Sa wakas naliwanagan na namin ng aking lola na may mga maganda ring naidulot ang mga hapon sa atin, bukod sa nakatulong sila sa pagbibigay ng hanapbuhay, natuto at mas napaigting nating mga Pilipino ang ating kakayahang mangisda at ang panganga-laga sa mga hayop, naging mas maganda at matibay rin ang paggawa ng mga armas at iba pang sandata, ang ibang mga Pilipino naman ay natuto rin magsalita ng wikang Hapon na mas kilala sa tawag na Nihongo.
May
mga iba’t ibang paaralan ang nagtuturo ng Nihongo sa mga magaaral na katulad ko, isa na rito ang Paaralan ng Sekondarya ng Sauyo, hindi lamang wika ng Hapon ang itinuturo ng mga guro, maging ang tradisyon at kultura ng mga hapon ay itinuturo rin sa mga
Pilipinong mag-aaral, kabilang na rito ang pakiki-isa natin sa pagdaraos ng mga seremonya. Nangangahulugan lang ito na pinapahalagahan at isinasabuhay natin ang kanilang kultura.
Sa kasalukuyan, maganda at maayos na ang relasyon ng bansang Hapon at Pilipinas. Maganda ang ibigsabihin nito, naghihilom na ang lahat ng sugat ng nakalipas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kasabay nang pagsikat ng araw, kalayaan ng lahat ay
L ATHALINO Lathalain 6
M
▪ ISINULAT NI Juztlie G. Frias
▪ ISINULAT NI Juztlie G. Frias
Munting Pagsilip sa Adhikain
abintatlong taon na rin ang nakalilipas matapos ang aming graduation sa hayskul. Marami na rin ang mga nabago at nangyari kung saan ay kinakailangan naming maghiwalay nang sa gayong kami’y sumibol, para magpatuloy at magpakadalubhasa sa aming mga pangarap.
Mula noong ako ay nakapagtapos sa kolehiyo ay nagsimula ako sa pagpasok bilang accountant at ‘di kalaunan ay napagdesisyunan kong maglunsad ng accounting firm. Hindi ko aakalain na darating sa puntong dadami ang bilang ng mga nahikayat na sumali rito at wari’y simula sa pagtupad sa aking mga pangarap, at batid ko na ganoon din ang mga kaklase ko ngayon.
Inihanda ko ang sarili nang tumayo ang punongabala ng programa bilang senyales na magsisimula na
Napukaw ng aking atensyon ang mga magasin, ‘di kalayuan sa kinauupuan ko ay akin itong kinuha at aking napagmasdan kung gaano kaganda ang kabuuang itsura ng hugis cylindrical at tilted na gusali kung saan ay naroroon ako ngayon. Laking gulat ko nang makita ang mga pamilyar na pangalan; disenyo pala ito at ginawa ng mga Architect at Engineers na sina Precious Angel Frias, Terence John Ecat, Crystal Jhean Cadiz, at Princess Arroyo. “Kaklase ko kaya itong mga ‘to!” masaya ngunit mahinang sambit ko.
Kinabukasan, pumunta ako patungong Cebu upang dalawin at asikasuhin ang iba pang papeles sa kumpanya sa tulong ni Atty. Krisana Casandra Rivera, kumonsulta ako sa kaniya upang talakayin ang ibang mga detalye ukol dito. Inabot na kami ng hapon sa paguusap at nakaramdam na rin ng gutom kaya’t tumungo kami sa Sophie’s Twist. Sa ‘di inaasahang pangyayari ay aming nakita si Sophia Jela Molina, kasalukuyang nasa aming harapan ang nagmamay-ari ng sikat na restaurant sa lungsod. Amoy pa lamang ng mga lutuin matapos itong ilapag sa mesa ay natakam na ako. Napag-alaman din namin na binubuo ang cuisine team nina Chef Jemmalyn Quisel, Donalyn Bigcas at Mico Carredo, dati ko ring kamag-aral.
“Oo! Ang galing nga ng film production nila, e!” sambit ni Krisana. Mainit na usapin ngayon ang pagsasanib para sa bagong proyekto ng dalawang tanyag na film director na sina Princess Nicole Duque at Joyce Calixtro maging sa Hongkong. Nabatid ko rin na magkakaroon kami ng reunion sa darating na Sabado, makalipas ang labintatlong taong hindi naming pagkikita.
Matapos ang buong araw ay umuwi na ako sa aking tinutuluyan sa Cebu nang may biglang tumunog sa aking cellphone. Namataan ko ang pamilyar na mukha sa screen ng aking telepono, ang reporter sa ACB News na si Arvin Berbano, na kasalukuyang binibigyang panayam ang isa rin sa mga dati kong kamag-aral, si Ma Glaiza Arevalo, isang matagumpay na Meteorologist bago ang ilang araw na ipapadala siya sa headquarters ng NASA sa Washington, US para doon makipagsapalaran.
Ikaw ang aming gurong tagapayo Na hindi malilimutang lingunin makarating man kami sa malayo.
Ikaw ang gabay sa kasalukuyang paglalakbay
Isa sa mga ilaw ng aming pangalawang tahanan, Isa sa mga susi ng magandang kinabukasan, Isang bahagdan para sa aming pag-angat
At isa sa mabibisang sangkap para maabot ang aming mga pangarap.
Salamat sa lahat ng sakripisyo’t paghihirap, Sa bawat pagtayo mo sa harap, Sa pakikitungong walang halong pagpapanggap, Sa paghubog mo sa amin at pagtanggap maraming salamat.
Hindi ka lang basta guro na kami ay tuturuan
Ikaw ay isang magulang na nakahandang hubugin ang aming isipan at pagkatao, Suportahan ang aming kagustuhan at talento
Paniwalaan ang aming kakayahan at talino
Isang kaibigang nakahandang pakinggan ang aming mga daing at kwento
At hindi huhusgahan ang aming kahinaan, pagkakamali at pagiging di perpekto.
Isa kang inspirasyon para lalo naming galingan
Isa sa mga rason kung bakit patuloy kaming lumalaban.
Motibasyon para hindi namin sukuan ang sitwasyon
At patuloy na abutin ang mataas na ekspektasyon.
Ikaw ang pinakamatibay na pundasyon Ang pag-asa ng bawat henerasyon Tagapagpalaganap ng epektibong edukasyon
Salamat sa iyong napakahalagang posisyon.
ISINULAT
“Angking ganda ng sariling atin ay ating tangkilikin”
Payapa kong binabasa ang aking aklat sa asignaturang MAPEH habang nakikinig ng musika nang nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking kaibigan. “HUYY!! nabalitaan mo na ba? Magkakaroon ng concert dito sa Metro Manila yung SB19! Excited na akong makita si Justin”, aniya na nakapagpasigla sa akin, tila ba naging kiti-kiti ako sa tuwa. Ngunit parang bigla akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nang napaisip ako kung saan ako kukuha ng pera pambili ng ticket sa gayong marami pa ring gastusin at may paparating pa kaming proyekto.
Nagising ako mula sa malalim kong pag-iisip nang tumunog uli ang aking selpon, hudyat na may bago akong mensaheng natanggap. “Kaloka! Magkakaroon din ng concert dito ang MNL48, ang problema nga lang ay parehong gaganapin ang concert sa parehong araw”, wika ng aking kaibigan. Hay nako, anong pipiliin ko e pareho ko namang gustong makapunta sa concert nila? Napayuko na lamang ako sa pagkadismaya.
Nagdadalawang isip lamang ako dahil paano ako makakadalo sa concert nila nang sabay? Paano ko makikita sina Justin at Coleen na aking
Sa umaga naman ay nakaramdam ako ng takot nang makatanggap ng tawag mula sa aking kaibigan na si Zherine Rumbaoa, isang Police Captain na kumaharap sa bakbakan nang tambangan ng mga may galit sa senador. Salamat sa Diyos at hindi siya nagtamo ng malalim na sugat at mga gasgas lamang.
Sa loob ng apat na araw ng aking pananatili rito ay babalik na ako sa Maynila para na rin mapaghandaan ang darating na reunion naming magkakaklase. Nang nakasakay na ako sa eroplano ng Echo Airlines ay may pamilyar na tinig akong narinig na nagmula sa malakas nitong speaker. Tama nga ang aking hinuha nang lumabas siya sa kwarto. Ang Flight Attendants na sina Katerine Sencil kasama si Aizen Agam, suot suot ang kanilang matamis na ngiti na mababakas sa kanilang mga mukha.
Sa aking daan pauwi sa aming bahay ay nadaanan ko ang labas ng isang ospital na puno ng mga propesyunal na doktor, nars, at mga sikologo na sa tingin ko ay nagkakaroon ng libreng medikal o programa. Nang aking inisa-isa ang mga mukha ng nakasuot ng gown pang-medikal ay nakumpirma kong sina Tammy Dumadag, Kimberly Oliveros, Nichole Anne Jalem at Meryl Riodil ang nasa kasalukuyang serbisyo.
Sa mga pagkakataong nagbagtas ang ating mga landas sa kahit na sandaling panahon ay akin na itong pakatatago’t iingatan sapagkat nasa yugto na tayo ng ating mga buhay kung saan ay mayroon ng bagong mundong pinagkakaabalahan ang bawat isa. Naging mahirap man ang proseso sa pagkamit ng ating hinaharap, ang mahalaga ay nakayanan nating tumayo nang mag-isa sa landas na ating pinili at ipamalas na nagtagumpay tayo sa ating sariling labanan.
“Faith! Gising!” pagyugyog sa akin ng aking katabi. Nakatulog pala ako sa aming klase. Narito na pala sa aming silid si Ginang Sheena Alih, aming guro sa asignaturang EsP at kasalukuyan akong tinatanong. “Sa iyong palagay, paano mo nakikita ang iyong sarili makalipas ang isang dekada mula ngayon?” pagtayo ko bilang senyales ng pagtugon sa magiging daloy ng buhay.
mga iniidolo?
Hahatiin ko ba ang aking katawan? Pero kung iisipin, nakagagalak na makitang unti-unti nang nakikilala ang mga PPOP group hindi lang sa ating bansa kundi pati na rin sa ibang dako ng mundo. Marahil bunga rin ito ng kanilang pagpupursige para sa inaasam na pangarap. Hinabol nila ang isang karera na isang suntok sa buwan kung sabihin, hindi sigurado kung saan sila dadalhin.
Pansin ko nga na dahil sa nasabing grupo, nakikilala na rin ang ating bansa bilang talentado at malikhain. Tulad ng SB19, pinakasikat na P-pop group, nagawa nilang makilala internasyonal, nagawa nilang makapagtanghal sa iba’t ibang bansa tulad ng Dubai, New York, Los Angeles, at Singapore noong nakaraang taon.
Hindi ba’t sobrang nakagagalak na nakikilala na tayo sa ibang bansa dahil sa angking nating galing at talento? Tulad ng SB19 at MNL48, kinailangan lang nila ng ating suporta upang sila ay unti-unting
magtagumpay. Marami pa tayong iba’t ibang magagandang katangian kaya bakit hindi natin ito tangkilikin at ipagmalaki?
Hininto ko ang musika na aking pinapakinggan at kinusotkusot ko ang aking mata nang may narinig akong malalakas na palakpakan, napalingon ako sa aking paligid at naguluhan nang makita kong lahat ng kaibigan ko na nakatingin sa akin at nakangisi. “Nananaginip ka na naman nang gising, siguro pinapantasya mo na namang nasa concert ka” aniya ng aking kaibigan sabay tawa nang malakas. Pagyuko ko naman, nakita ko yung libro na binabasa ko kanikanina lang, “Ano nga ba ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling atin? At paano nga ba natin ito mapapahalagahan?”, isang makabuluhang tanong na nakasaad dito.
Lathalain 7
▪ ISINULAT NI Faith Nicole C. Salazar
▪
NI Reyndeyz Serenity Ann A. Cacho
L
Agosto - Mayo 2023
ISINULAT NI Patrisia Dahlia G. Dagal
Pandemyang COVID-19: Kailan Kaya Matatapos?
atlong taon na ang nakakalipas nang sumalanta ang pandemyang nagpabago sa buhay ng maraming tao. Malaki ang naging pinsala nito sa ating bansa. Maraming kabuhayan ang bumagsak, hindi lang ang kalusugan ng mga tao ang naapektuhan nito kundi pati na rin ang kalusugang mental ng mga tao.
Nagsimula ang pandemya nang kumalat sa buong mundo ang isang sakit na unang nadiskubre sa Wuhan, China na unang tinawag na NCoV at kalauna’y naging COVID-19. Kilala rin ito bilang SARS-COV 2 na mula sa pamilya ng mga virus na naging sanhi ng SARS. Ang COVID-19 ay isang sakit sa respiratoryo na nagdudulot ng impeksyon sa baga ng tao. Ang naturang sakit ay kumakalat sa pamamagitan ng mga droplets o kaya ay contact sa isang taong infected nito. Kaya upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na ito, kinailangang magpatupad ng mga restriksyon at limitahan ang pisikal na ugnayan ng mga tao na siya namang nakaapekto sa kalusugang mental ng karamihan.
Nagkaroon ng malubhang pinsala ang sakit na ito sa ating buhay na siyang naranasan ng iba’t ibang bansa sa buong mundo. Ramdam din ang epekto ng pandemyang ito sa ekonomiya ng
ating bansa. Napabagal nito ang pagunlad at ayon sa Reuters tumaas sa 18.1% ang poverty rate ng Pilipinas, at ayon din sa Rapid Nutrition Assessment Survey (RNAS) na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute, 62.1% ang pamilyang Pilipino ang nakaranas ng matinding gutom habang nangyayari ang outbreak ng COVID-19. Isa lang ang ating bansa sa buong mundo na nakaranas ng matinding pinsala ng pandemya. Sa ngayon, nasa mahigit 757 milyon na ang naitatalang kumpirmadong kaso ng sakit sa buong mundo at 6.8 milyon na ang nasawi ayon sa pinakahuling datos ng World Health Organization.
Patuloy pa rin ang pagkilos ng pamahalaan sa ating bansa upang tuluyan nang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Nagpapatupad pa rin ng minimum health standards sa mga pampublikong lugar. Tuloy-tuloy rin ang malawakang bakunahan kontra sa naturang sakit. Bunga nito, bumabagal na ang pagdami ng kaso ng COVID sa bansa. Nasa 4.07 million na ang naitatalang kaso ng sakit sa bansa ngunit ayon sa datos ng DOH, mas mababa na sa 500 ang naging 7-day average cases ngayong Pebrero.Mahigit 73.8 Million na o nasa 65% na ng populasyon sa buong bansa ang mga nakatanggap ng complete dose ng Covid-19. Ibig sabihin nito ay malapit nang makamit ang herd immunity sa bansa na 80%. Kapag
nangyari ito ay maaaring tuluyan nang magbalik sa ‘New Normal’ ang buong bansa.
Nakibahagi rin ang Paaralang
Sekondarya ng Sauyo (PSS) sa paglaban sa banta ng COVID-19 sa pagbubukas ng full face-to-face ngayong taong panuruan 2022-2023. Naglagay ang paaralan, sa pangunguna ng punongguro na si Sir Gilore Ofrancia, ng mga hand washing station sa iba’t ibang bahagi ng paaralan. Nagpatupad din ng mga disinfection protocols sa mga silid-aralan at gayundin sa mga estudyante tuwing pumapasok sa paaralan. Isinaayos din ang mga palikuran at nagsasagawa rin ng regular na paglilinis dito pati na rin ang pagsasaayos ng patubig upang mapigilan ang pagkalat ng ibang mga sakit.
Ang mga pagkilos na ito na
Starlink Satellite Internet Service, Available na sa Pilipinas
internet. Ginagamit ito ng mga Pilipino pangunahin sa social media, online gaming at pati na rin sa e-commerce.
Ayon pa sa parehong ulat, umaabot sa 10 hours ang average sa paggamit ng mga Pilipino ng internet kada araw.
Naging malaking parte na sa
isinasagawa ng pamahalaan kabilang na ang iba’t ibang mga awtoridad kabilang na ang paaralan, ay katunayan lamang na hindi pa rin dapat tayo magpakampante. Huwag nating sasayangin ang lahat ng ito at lagi nating tatandaan na may pandemya pa rin dahil isang pagkakamali lamang ay maaari ulit sumiklab ang pagkalat ng sakit na ito dahil sa patuloy nitong pagmu-mutate. Ayon sa mga eksperto, maaari pa ring kumalat ang sakit kahit fully vaccinated ang isang tao. Ang layunin ng bakuna ay mapababa ang tyansang makaranas ng severe symptoms o pagkamatay mula sa COVID-19 ang isang tao. Sundin pa rin natin ang minimum health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan. Hindi pa tapos ang giyera sa kalaban na hindi nakikita.
ating buhay ang internet simula nang magka-pandemya. Ito ay naging paraan upang makipag-ugnayan sa ating kapwa at mga mahal sa buhay. Napapadali rin nito ang ating pag-aaral dahil sa tulong nito ay nakakapagsaliksik tayo ng mga impormasyon. Dahil sa patuloy na pag-advance ng teknolohiya, digitalisasyon at pag-unlad ng internet na mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon. Nararapat lang na ito’y ating pagyamanin at paghusayin dahil sa tulong ng internet, ang bawat bagay ay literal na isang pindot na lamang.
Pagbabago ng Klima: Lalala kung Ipagsasawalang-bahala
▪ ISINULAT NI Terence John S. Ecat ng pagsusunog ng fossil fuel para sa enerhiya at kuryente, deforestation o pagpuputol ng mga puno sa kagubatan, paglalabas ng kontaminadong hangin ng mga pabrika at pagtatapon sa hindi tamang basurahan na nakasanayang aktibidad din ng mga tao.
Inanunsyo ng Space Exploration Technologies Corp o SpaceX nitong Miyerkules, Pebrero 22 na available na ang Starlink sa Pilipinas. Tinawag ito ng Department of Information and Communications Technology o DICT na “game changer” pagdating sa paghahatid ng mas magandang internet connectivity sa ating bansa lalo na sa malalayong lugar. Una ang Pilipinas sa Southeast Asia na nakatanggap nito at pangalawa sa Asia kasunod ng Japan.
Ino-operate ng SpaceX na pagmamay-ari ng American Tech Billionaire na si Elon Musk ang Starlink. Ito ay isang satellite internet company na layong magbigay ng internet access sa buong mundo. Gumagana ito sa pamamagitan ng pag-ikot ng small satellites sa Low Earth Orbit o LEO at kaya nitong maghatid ng internet kahit sa mga rural at remote areas ng bansang sakop nito. Ngayong mayroon nang ganitong serbisyo sa Pilipinas, inaasahan na magiging available na ang internet sa buong bansa.
Upang makuha ang serbisyo nito, kailangang bumisita sa Map Portal ng Starlink at sagutin ang form. Mayroong
one-time payment para sa hardware na Php 30k at Php 2,700 kada buwan para sa serbisyo. Maituturing na mura ito para sa isang satellite internet service. Ito ay nagtataglay ng low latency internet connection na 20 ms at download speed na hanggang 200 mbps. Nauna nang sinabi ng DICT na sasagutin ng gobyerno ang gastos sa pag-deploy at pagkonekta sa malalayong komunidad ng Starlink.
Isinaad ng kalihim ng DICT na si Ivan John Uy na ang pagdating ng Starlink ay makakatulong upang mapaunlad ang kasalukuyang kapasidad sa broadband ng bansa. Dagdag pa niya, sa tulong ng teknolohiyang ito ay makakapaghatid na ang Broadband ng Masa ng libre at mabilis na internet access sa mga lugar sa bansa na geographically isolated. Proyekto ng DICT ang Broadband ng Masa upang masigurong ang lahat ng Pilipino ay may access sa mahusay at epektibong serbisyo ng internet.
Mahalagang mapabilis ang internet sa Pilipinas dahil ayon sa ulat ng Statistika ay ang mga Pilipino ang may pinakamataas na bilang ng mga users sa rehiyon ng Asia Pacific. Nasa mahigit 86.7 milyong Pilipino o mahigit 74% ng populasyon ng bansa ang gumagamit ng
Malalakas na bagyong sumisira sa mga sakahan, maruming hanging ating nalalanghap, at biglang pagtaas ng temperatura na nagdudulot ng matitinding mga wildfire sa mga bansa. Ilan lang ito sa mga negatibong pagbabagong nararanasan natin sa modernong panahon na nagpapahirap at nagpapalugmok sa mga tao. Nararamdaman na ito sa buong mundo hindi lang ng tao kung hindi pati sa mga hayop na nakatira rito.
Tumutukoy ang pagbabago ng panahon o Climate Change sa pangmatagalang pagbabago ng global at rehiyonal na klima. Nagsimula ito noong 1800’s na natuklasan ng isang siyentipiko na si Svante Arrhenius. Ayon sa kaniya, ang pagtaas ng lebel ng carbon dioxide ay maaaring makapagdulot ng pangmalawakang pagbabago sa panahon. Iniugnay naman ito ng isang geologist na si Thomas Chamberlin sa iba pang mga kalamidad na nangyayari at nagkaroon ng koneksyon ang kanilang pag-aaral na kung patuloy na hindi magiging balanse ang dami ng carbon dioxide, maaari nitong palalain ang mga sakunang darating sa atin.
Ayon sa isinagawang datos ng World Meteorological Organization (WMO), sa pagitan ng taong 1990 at 2023 ang greenhouse gases na may higit kumulang 50% at carbon dioxide na may 40% ay ang pinakapangunahing dahilan ng climate change. Resulta ito
Kung tao ang naging dahilan nito, tao rin ang may kakayahang solusyonan ito. Mapapangalagaan natin ang ating mundo mula sa pagbabago ng klima sa pamamagitan ng paggamit ng alternatibong mapagkukuhanan ng enerhiya tulad ng mga renewable energy resources, pagtataguyod ng mga proyektong pangkalikasan, pagtatanim ng mga halaman at higit sa lahat ay ang tamang disiplina sa pagtatapon ng basura sa kapaligiran.
Nararamdaman na sa maraming bahagi ng mundo ang epekto ng climate change. Kritikal ang pagtugon sa pagbabagong ito upang matiyak ang isang napapanatiling hinaharap para sa ating planeta at maiwasan ang mga pangyayari na posibleng maranasan ng buong mundo.
Naging malaking banta sa lahat ang climate change lalo na ang mga epekto nito sa pamumuhay ng mga nilalang sa mundo. Kinakailangan na ang agarang pag-aksyon para mapanatili ang buhay at ligtas na tirahan para sa mga susunod na henerasyon. Kung tayo’y patuloy na walang gagawin, paano na lang ang kinabukasan ng magiging pamilya natin.
Agham 8
▪ ISINULAT NI Rico R. Carredo
t
▪ ISINULAT NI Rico R. Carredo
L ATHALINO
SCIENCE INVESTIGATORY PROJECT:
Imahinasyon sa Paggawa ng Imbensyon
Sinubok ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Paaralang Sekundarya ng Sauyo, PSS, sa isang malaking proyekto na pinangasiwaan ng guro sa Agham na si Gng. Melody Dasas, ang Science Investigatory Project o SIP. Ito ay kung saan ang bawat mag-aaral ay inaasahang makabuo ng isang imbensyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pananaliksik at pag-eksperimento.
“Ang Science Investigatory Project at science-based research project or study na pinapagawa sa students. Ang goal nito ay mai-apply ng mga students ang kanilang mga natutunan (knowledge, skills, and attitudes) sa loob ng paaralan.” ani Gng. Dasas.
Ayon pa sa guro, ang proyektong ito ay makakatulong sa mga estudyante na mas mapaunlad ang kanya-kanyang kahusayan at kaalaman na kung saan masusubok dito ang iyong pagiging malikhain sa pagbuo at paggawa ng iyong napiling proyekto.
Sa proyektong ito, ikaw ay pipili ng isang proyekto o imbensyong hindi
pa nagagawa sa kasalukuyan o magiisip ng alternatibong sangkap at paraan sa paggawa ng isang kagamitan, kaya’t dito talaga ay masusubok ang pagiging malikhain ng isang bata. Ang S.I.P. ay nilahukan ng 80 mag-aaral mula sa ikasampung baitang sa PSS. Ang bawat imbensyon ay pagtutulungan ng bawat grupo na binubuo ng tatlong miyembro. Ilan sa mga proyektong nasimulan na ng mga mag-aaral para sa taong ito ay ang Mosquito repellant na gawa sa oregano at tanglad, moist wipes na gawa sa calamansi at pipino. Disinfectant na ang pangunahing sangkap ay lemon at Fertilizer na gawa sa buto ng hayop.
Ang SIP ay magbibigay sa bawat estudyante ng panibagong karanasan kung paano maging produktibo sa mga gagawing proyekto na makatutulong sa kanila na mapalawak ang kanilang kaisipan, kaalaman at kakayahan dahil dito ay naipapakita ang aplikasyon ng mga estudyante sa kanilang mga natutuhan sa paaralan. Ang proyektong ito ay may impact hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa ibang mga tao sa paligid nito. Dahil ang SIP ay gumagamit
ng mga alternatibong sangkap sa paggawa ng isang bagay, naipapamalas dito ang magiging pakinabang nito hindi lamang
para makatipid kundi upang makatulong sa pagpapaunlad ng teknolohiya para sa hinaharap.
Kalusugang Pangkaisipan, Ano na ang Kalagayan?
Sa pagpasok ng pandemya ay kasabay rin ng pagbagsak ng mentalidad ng karamihan, espesipiko ang mga kabataan. Walang partikular na mairerekomendang gamot upang ikaw ay tuluyang matawag na “mentally stable”. Marami ang naging mentally unstable noong pandemya lalo na sa panig ng kabataan. Kaniyakaniyang paraan ang kanilang ginawa upang harapin ang mga ito. Karamihan sa mga taong may ganitong kondisyon ay ginawa ang tinatawag na stress eating, ang iba naman ay ang pagkukulong sa kuwarto at hindi pakikipag-usap sa tao gawa ng pagkabalisa at takot ngunit ang nakababahala ay umaabot ang iba sa puntong naglalaro na sa isipan nila ang salitang kamatayan. Ilan lamang ito sa mga klase ng mentally unstable. Kaya’t upang alamin ang naging kalagayan ng mental health sa panig ng mga mag-aaral mula sa Paaralang SekOndarya ng Sauyo (PSS), nagsagawa ang mga mamamahayag ng Filipino Journalism, Lathalino ng online survey na tinugon ng mga mag-aaral mula sa ika-pito hanggang ika-sampung baitang. Dito napag-alaman na kalahati sa kanila ang nakaranas ng ‘Mental Unstability’ nitong pandemya. Maraming bagay ang nakaapekto sa mental health ng mga mag-aaral noong pandemya. Isa na rito ay ang pagpapatupad ng Online Learning Modality kung saan walang pisikal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral para na rin sa kaligtasan at mapigilan ang pagkalat ng nakakahawang sakit na COVID-19. Ngunit hindi sanay ang mga kabataan sa platapormang ito. Base sa datos 37% ng mga mag-aaral ang nahirapang makasabay sa online learning, habang 41.3% naman ang nahirapang mapangasiwaan ang oras sa online learning noong pandemya. Makikita rito na ang distance learning ay lubos na nakaapekto sa mga mag-aaral
TUMFACTS!
▪ ISINULAT NI Terence John S. Ecat
10 Kaalaman sa Mundong Ginagalawan
1. Ang West Valley Fault ay 100-kilometrong fault line na tumatawid sa mga siyudad sa buong Metro Manila na kapag ito ay gumalaw, ay maaaring magresulta sa kinakatakutang 7.2 magnitude na lindol o ang tinatawag na “The Big One”.
2. Matatagpuan ang karamihan sa mga aktibong bulkan at mga lindol sa tinatawag na Ring of Fire o Circum-Pacific Belt ito ang nagsisilbing boundary sa Karagatang Pasipiko na may habang higit kumulang 40,000 km.
3. Matatagpuan ang iba’t ibang mineral sa tatlong layer ng Earth. Makikita sa Crust at Mantle ang mga substansya na Oxygen, Iron, Silicon at Aluminum. Ang core naman ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng metal partikular na rito ang Iron, Nickel at Sulfur.
4. Ang mga lindol ay resulta ng biglaang paggalaw ng mga bitak sa lupa o mga faults, ang mga paggalaw na ito ay naglalabas ng enerhiya na elastic strain sa pamamagitan ng seismic waves na nagiging dahilan ng paggalaw ng lupa.
5. Mayroong pitong major plates ang daigdig at labing isa namang mga minor plates at ayon sa Plates Tectonic Theory, gumagalaw ang bawat platenang ito sa loob ng milyong taon na nagreresulta sa pagkabuo ng mga landmass at pagbabago ng kalupaan.
6. Pinaniniwalaan na ang pitong kontinente ng mundo ay nagmula sa isang supercontinent na tinatawag na Pangaea at pinaniniwalaang
nabuo sa panahong Paleozoic at Mesozoic eras.
7. Ang outer core ng Earth, na binubuo ng likidong bakal at nickel, ay dumadaloy sa paligid ng inner core, at ang paggawa na ito ay nagiging dahilan ng pagbuo ng magnetic field.
8. Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Yi Yang, isang eksperto ng siyentipiko mula sa China, sinasabing bumagal ang pag-ikot ng ating Earth’s core na nag simula pa noong 1970s. Nakita nila na magmula 2009 ay posibleng tuluyan itong huminto at magsisimulang umikot pabaligtad sa 2040’s.
9. Ayon naman sa isinagawang pag-aaral noong 1997 ng australian scientist na si Hrvoje Tkalčić, sinasabi na mas mabilis ang pag ikot ng inner core kaysa sa Earth at pareho itong umiikot sa isang direksyon.
10. Ang pinakamainit na bahagi ng core ay ang Bullen discontinuity, kung saan ang temperatura ay umabot sa 6,000° Celsius (10,800° Fahrenheit)—kasing-init ng ibabaw ng araw.
NI Nichole Anne B. Jalem
ng PSS. Ngayong nagpapatupad na ng full face to face ang paaralan bunsod ng pagluwag ng mga restriksyon, 85.9% ang nagsabing naging mabuti na ang kalagayan ng kanilang mental health. Nakakalungkot man ngunit ang 21.7% ay na-traumatized o nakatira pa rin ang dalang bangungot ng pandemya sa kanilang isip at puso.
May mga paraan na maaring gawin ang isang tao upang mapangalagaan ang kalusugang pangkaisipan o ang mental health. Gaya na lamang ng paggawa ng mga nais na bagay o hobbies. Nakatutulong ito upang mabawasan ang stress na nagpupunyagi sa loob ng tahanan at 40.2% ng mga mag-aaral sa PSS ay ganito ang ginagawa. Habang 19.6% naman ay gumagawa ng ibang alternatibong paraan tulad ng stress eating pati na rin ang magdamag na pagtulog. Gawing daan ang teknolohiya upang makipag-komunikasyon sa mga kaibigan, nang sa gayon ay kahit na bawal magkita ay maramdaman nila na konektado pa rin sila sa bawat isa. Ito rin ang tamang panahon upang ang inaasam na ehersisyo’y magawa. Ang ehersisyo ay nakakapagpa-alis ng mga negatibong emosyon at nakakapagpa-gaan ng pakiramdam. Hindi lamang katawan mo ang iyong pinapaunlad, maging ang iyong emosyon.
Pandemyang nagdaan ay nagbunga ng pagkabalisa sa sangkatauhan. Ngunit wag itanim sa isipan na wala nang kinabukasan. Mayroon pang sarili na tanging makakagawa ng paraan upang mapangalagaan ang kaisipan. Kaya nararapat na mapangalagaan ang ‘mental health’, sapagkat apektado nito ang pagiisip, emosyon, pagkilos, at ang sarili mismo. Pangalagaan hindi lamang ang pisikal na kalusugan, maging ang ating mentalidad. Sa panahon na pinabayaan mo ang iyong kalusugang pangkaisipan, ay kasunod na nito ang iyong kalusugang pisikal. Hindi sila nararapat na maghiwalay, lagi itong magkasunuran. Tandaang ito ang ugat upang ang sarili ay umusbong tungo sa magandang kinabukasan.
Agham 9
▪ ISINULAT
NI Nichole Anne B. Jalem
▪
ISINULAT
Agosto - Mayo 2023
SPORTSFEST KASABAY NG ANIBERSARYO
anap nang sinimulan ang ika-44 Foundation Anniversary ng Sauyo High School kasabay nito ang pagbubukas ng SportsFest, kakabit nito ang basketball para sa mga Teachers na ginanap sa Nia Court nitong Wednesday, September 28, 2022.
Sa pagsisimula ng SportsFest, ang Basketball ang unang nilaro ng mga manlalaro. Iba-iba ng teachers na galing sa iba’t-ibang levels: G7, G8, G9 at G10.
Ang koponang Blue ay nagrerepresenta sa Old Main Building at ang kulay na Black naman ay para sa New Main Building teachers. Ang dalawang koponan nito
ay maglalaban upang makamit ang kampeonato.
First half pa lang ay grabeng laban ang pinakita ng dalawang koponan na naglalaban at ang Blue Team ay ang unang naka-puntos. Sa resulta, nakakuha sila ng momentum upang ipagpatuloy ito at galingan pa ang kanilang performance upang manalo sa first half.
Kahit naka-puntos at nakahawi ng momentum ang Blue Team, bumawi naman at hindi nagpasindak ang Black Team upang maka-usad sa kampeonato.
Gigil at kaba ang mga nanonood dahil sa pinapakitang laro ng dalawang koponan. Ang unang round ay tinapos ng
Blue Team sa puntos na 2110.
Umarangkada agad ang Blue Team sa second half, ginamitan nila ng malupit na estratehiya. Ang Black Team ay nasa crucial na laro, isang maling galaw, ay mahahantong sa pagkatalo. Kailangan nila ng matibay na plano upang mapigilan ang momentum na mayroon ang Blue Team.
Hindi pa tapos ang laban, sa diskarte ni Ruiz at galing nito, nabalanse ng Blue Team ang kanilang puntos dahilan nito ang kanilang pagkapanalo na may puntos na 33-19. Nagawang manalo ng Blue Team ang Black Team.
Ginunita ng Sauyo High School ang ika-44 na anibersaryo ng na ginanap sa NIA Covered Court, ang mga guro sa lahat ng antas ay lumahok sa mga pampalakasan na palaro tulad ng volleyball nitong Miyerkules, Setyembre 28, 2022.
Naglaban ang dalawang koponan sa larangang
Volleyball: Main Building at Annex Building Teams na nagkompitensya sa ganap na Alas Dos (2pm) hanggang Alas kwatro ng tanghali (4:30pm).
Nagpakawala agad ng puntos ang koponang Annex Building ngunit nabubuwag ito ng koponang Main Building sa pamamagitan ng malakas na depensa’t opensa.
Bumwelo ang koponang Main Building sa pagarangkada nitong puntos, kalahati ng puntos ng Main Building ang puntos ng Annex
Nilipol ng Sauyo High School (SHS) ang Camp Crame High School (CCHS) sa kanilang perimeter offense sa Division Athletic Meet 3x3 Basketball Category sa Amoranto Sports Complex noong Marso 12, 2023.
Bumawi at gumawa ng 7 puntos si Sanji Gonzales upang patumbahin ang koponan nitong CCHS, naging MVP si Sanji sa laro, tila nagpakitang-gilas ito upang makamit ang kampeonato.
Hindi nagdalawang isip ang SHS upang itumba ang kalaban nitong CCHS. Utak, opensa’t depensa ang ginamit ng Sauyo Team upang buwagin ang kalaban nito. Hindi na nakapagpigil ang SHS na tapusin ang laban na may agwat na 7 puntos. 15-8.
Building. Sa pamamagitan nito, posibleng mabuwag ang Annex Building sa kampeonato. Sa pagtatapos ng laban, kita sa dalawang koponan ang pagpupursiging manalo sa laban. Ang dalawang koponan ay madepesa’t may opensa.
Gigil sa pagpalo ang First Opener ng Main Building na si Chor Felonia, siya ang naging MVP at Team Captain ng grupo. Nagpamalas ito ng magaling at madiskarteng laro sa loob ng court.
Nanguna ang Team Main Building sa pamamagitan ng ilang puntos ni Felonia, dahilan ito tungo sa kanilang pagkapanalo.
“Nagsaya ang bawat isa, sa pagtatapos, ang lahat ay panalo, walang talo”
“It doesn’t matter who won or lost as long as we had fun” ani ni Felonia.
Nakamit na ng Sauyo High School ang kampeonato, ngunit hindi pa rito natatapos ang kanilang kompetisyon, kailangan pa rin nilang mag-ensayo upang sa mga susunod nilang laban ay handa na ang mga ito.
Wala pang binabanggit na susunod na laban ang kanilang Team Coach, ngunit mas kaabang-abang ito kung magkakaroon na ng iskedyul ang SHS laban sa ibang koponan
“For the future of this team, Sauyo High School 3x3 team needs to improve their defense, confidence, teamwork, and their chemistry.” saad ni 3x3 PSS Team Coach, Joseph Mariano.
L ATHALINO Isports 10
NG SAUYO, GINANAP: MAINIT
LABAN NG DALAWANG KOPONAN G ▪ ISINULAT
Mga Guro, Agaw Pansin sa Ginanap na Teacher’s Volleyball ▪ ISINULAT NI Arvin C.
NA
NI Arvin C.
Berbano
FOUNDATION DAY:
Berbano
▪ ISINULAT NI Arvin C. Berbano
▪ sauyohighschoolqc
Matagumpay na naipamalas ng mga guro ang kanilang husay sa larong volleyball na naganap noong Foundation Day. ▪ KUHA NI NadineA. Guiang
TAEKWONDO TEAM: UNANG SABAK, PANALO AGAD
Berbano
Lumaban ang Paaralang Sekundarya ng Sauyo (PSS) sa unang pagkakataon sa Taekwondo Division Contest na ginanap sa Batasan Hills National High School, Quezon City noong Marso 5, 2023.
Sa 17 paaralang nagpakitang gilas, ang PSS ay nakakuha ng ika-4 na puwesto pagkatapos nilang lumaban sa Poomsae Category. Si Ralph Philip Manalastas, Grade 8 taekwondo athlete, ang pinaka namumukod-tangi.
“Be on top always. Hindi sapat ang pumasa ka lang, dapat mag top ka” ani ni Gng. Agravio. – “Lagi mong iisipin na first ka kahit ilang beses mo pa lang sumali” dagdag pa nya.
May apat na atleta na sumali sa Taekwondo Contest sa Division Athletic Meet na sina Keira Cassandra Villegas, isang mag-aaral mula sa Grade 7 Waling-Waling, Ralph Philip Manalastas, mula sa Grade 8 Joyful, Ibrahim Malayang, isang estudyante mula sa Grade 9 at Marjorie Cabiltes, isang mag-aaral mula sa Grade 10 Sulfur.
Waging tumatak ang husay at talento ng Sauyo sa Division Contest sa larangang Taekwondo nitong nakaraang Marso.
▪ sauyohighschoolqc
Siya ang Most Performing Athlete sa Sauyo ayon sa kanyang mga coach. Nagbahagi sina Ms. Cindy Guingab at Ms. Cherry Agravio ng mga inspiring messages.
BAKIT NGA BA SIKAT ANG VOLLEYBALL SA PINAS?
Ang mga Pilipino ay ipinanganak na mahilig sa sports. Kaya, ang paglalaro ng volleyball ay naging bahagi na ng ating kultura. Ang volleyball ay tila kabilang sa nangungunang anim na posisyon ng kanilang pinakasikat na sports.
Kahit na ang Arnis ang pambansang laro ng Pilipinas at ang basketball ang pinakasikat na laro, ang pagmamahal ng mga pinoy sa volleyball ay naging adiksyon! Sa katunayan, bahagi ng kanilang kultura ang volleyball sa Pilipinas, lalo na sa mga kababaihan.
Ang Pilipinas ay nasiyahan sa volleyball bilang isang bansa mula noong 1900s. Sa
kasalukuyan, ito ay kabilang sa anim na pinakasikat na pampalakasan sa bansa. Isa sa mga pangunahing dahilan ng volleyball upang makakuha ng napakalaking katanyagan nito sa bansa ay ang hilig ng paglahok sa kategoryang kababaihan.
Isa sa mga sikat na “Balibolista” sa pinas ay si Alyssa Caymo Valdez, na mas kilala bilang isang “Phenom” dahil sa angking galing nito maglaro sa loob at labas ng court.
Bukod dito, ang indoor volleyball at beach volleyball ay pantay na sikat sa Pilipinas. At, ito ay isang isport na pinangungunahan ng mga babae sa bansa na may mga koponan na kumakatawan sa kanilang bansa sa pambansang antas.
Arnis: Ang Pambansang Sining ng Labanan ng Pilipinas
Ang Arnis, na kilala rin bilang “Panandata” sa ilang mga rehiyon, ay isang martial art na gumagamit ng mga patpat o baston.
Ito ay pinaniniwalaang nagmula sa Pre-Hispanic na panahon ng Pilipinas, kung saan ang mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng mga patpat sa kanilang mga labanan.
Ang Arnis ay naging popular sa mga isla ng Visayas at Mindanao, at mula noon ay kumalat sa buong bansa. Dahil sa kahalagahan nito sa kasaysayan at kultura ng bansa, itinuturing itong Pambansang Sining ng Labanan ng Pilipinas noong 2009.
LARO TAYO, BASKETBALL?
Dahil sa katanyagan nito sa buong mundo, ang sport ay isang masayang sport na angkop para sa maraming antas ng kasanayan at edad.
Ang isang karaniwang koponan ng basketball ay may limang manlalaro sa bawat panig. Maaari ka ring maglaro ng two-on-two, three-on-three, o magisa. Posibleng maglaro ng basketball sa buong taon na may mga panloob na court.
Mayroon itong pisikal, emosyonal at panlipunang mga benepisyo at nagpapabuti sa pangkalahatang kalusugan.
• Ito ay mahusay para sa kalusugan ng puso. Dahil may kinalaman ito sa paggalaw, tumataas ang tibok ng puso. Nakakatulong din ito sa pagbuo ng
stamina, na mahalaga para maging malusog ang puso.
• Mababawasan nito ang panganib ng stroke at sakit sa puso mamaya sa buhay.
• Ang mahusay na isport na ito ay tumutulong sa pagbuo ng lakas ng buto. Lumilikha ito ng bagong tissue ng buto, na nagpapalakas ng mga buto.
• Ang pisikal na aktibidad ay naglalabas ng mga endorphins, ang feel-good hormone ng kaligayahan. Ang mga endorphins ay nagtataguyod ng pagpapahinga at binabawasan ang sakit.
• Maaari din nitong maibsan ang depresyon, bumuo ng tiwala sa sarili, at mapabuti ang pagganap sa trabaho.
Maraming benepisyo ang makukuha sa paglalaro ng basketball, kaya’t ano pang hinihintay mo, laro na!
Simula pa lamang para sa PSS sa pagsali sa naturang kompetisyon, layunin nila na maging mas mahusay para sa mga susunod na laban.
nagmula sa iba’t ibang mga rehiyon at panahon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang ilan sa mga kilalang estilo ay ang Modern Arnis, Balintawak, at PekitiTirsia. Ang bawat isa sa mga ito ay nagtatampok ng iba’t ibang mga teknik at pamamaraan sa paggamit ng patpat at iba pang sandata, pati na rin ang kamay sa paglaban at pagtatanggol.
11
Isports
▪ ISINULAT NI Arvin C.
Agosto - Mayo 2023
▪ ISINULAT NI Arvin C. Berbano
SP RTS I
marangkada ang Sauyo High School (SHS) sa pagpapatalsik sa San Francisco High School (SFHS) sa Division Athletic Meet Basketball Category sa Amoranto Sports Complex noong Marso 5, taong kasalukuyan.
Ipinamalas ni Rhein Bedes ang kanyang liksi sa larangan ng basketball sa loob ng arena na umiskor ng 17 puntos, 6 na assist na tumulong sa PSS upang matalo ang SFHS sa iskor na 74-70.
“There is a need for the team to improve its teamwork, kulang ang chemistry ng SHS basketball team at isa yan sa mga kahinaan natin” sabi ni PSS Coach Joseph Mariano.
PSS, WAGI SA GINANAP NA
Sa kabila ng kawalan ng pagkakaisa, ipinapakita ng SHS na mayroon silang koneksyon bilang isang koponan na tumutulong sa kanila upang mabuwag ang SFHS sa laban. Sa 1st half, ang SHS ang may pinakamalaking kalamangan sa laro, na may agwat na 20 puntos, at ito ang naging sanhi ng pagkapanalo nila sa 1st half.
DIVISION ATHLETIC MEET
Dumating ang 2nd half, nagsimulang makuha ng SFHS ang momentum upang mahabol ang kalamangan ng SHS, isinara ng SFHS ang kumportableng lead ng SHS sa 10 points. Pagtungtong ng p4th quarter, may fighting spirit pa rin ang SFHS ngunit tinapos na ito ng SHS sa isang dramatikong panalo na may 4 point lead. 74-70.
“Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 44 na taon, bumuo ng koponan ang Sauyo High School para makipag kompetensya sa Division Athletic Meet” banggit ni coach Mariano pagkatapos ng laban. Ito ay simula pa lamang para sa Sauyo High School basketball team sa pagsali sa Division Athletic Meet. Sa kanilang pagharap sa ibang koponan ng kompetisyon, layunin ng Sauyo High School Team na patuloy na pagbutihin ang kanilang mga pag-iisip at kakayahan na nakatakda upang makamit ang higit pang mga panalo.
FOUNDATION DAY: Mga Guro, Agaw Pansin sa Ginanap na Teacher’s
Volleyball KINANG NA PANALO PARA SA SAUYO
Ginunita ng Sauyo High School ang ika-44 na anibersaryo ng na ginanap sa NIA Covered Court, ang mga guro sa lahat ng antas ay lumahok sa mga pampalakasan na palaro tulad ng volleyball nitong Miyerkules, Setyembre 28, 2022.
TAEKWONDO TEAM:
Nilipol ng Sauyo High School
(SHS) ang Camp Crame High School
(CCHS) sa kanilang perimeter offense sa Division Athletic Meet 3x3 Basketball Category sa Amoranto Sports Complex noong Marso 12, 2023.
PAHINA 10/C
UNANG SABAK, PANALO AGAD
11/A
u
▪ ISINULAT NI Arvin C. Berbano
PAHINA
PAHINA 10/B
▪
PAHINA 11/A
sauyohighschoolqc