4 minute read

Pinal (Posisyong Papel)

Next Article
Burador

Burador

Inanunsyo ng bise presidente at sekretarya ng Department of Education (DepEd) na si Sara Duterte ang kagustuhan nito na ipatanggal ang mga ektsrakurikular na mga aktibidad sa loob ng paaralan para sa akademikong taon 2022-2023 (Rappler, 2022) Ayon kay Sara Duterte kaya nararapat na ipatanggal ang ekstrakurikular na mga aktibidad sa mga paaralan ay upang makahabol ang mga estudyante sa larangan ng edukasyon sapagkat dalawang taon ang itinagal ng mga ito sa online class set-up dahil sa pandemya Nais na pagtuonan ng pansin ang edukasyon kung kaya’t ninanais na alisin ang mga ekstrakurikular na aktibidad Dagdag pa ni Sara Duterte na piling mga co-curricular at akademikong aktibidad lamang ang kanilang bibigyang pahintulot para sa susunod na akademikong taon (Sara Duterte, 2022) Ang pagtanggal sa mga ektrakurikular na mga aktibidad at hindi kapabor-pabor sapagkat malaki ang naitutulong nito sa mga estudyante gaya na lamang ng pagiging mas produktibo at malikhain

Ang sanhi ng kagustuhan na ipa-tanggal ang mga ekstrakurikular na aktibidad ay ang dalawang taon na pagkawala ng mga kabataan sa eskuwelahan kung kaya sa palagay ng DepEd ay maraming posibleng dagdag kaaalaman ang hindi natutunan ng mga bata dahil sa online set up na kanilang kinakailangan na mahabol sa muli nilang pagbabalik sa silid-aralan Ninanais ng DepEd na alisin ang mga aktibidad na ito at sinabing nararapat na mas pagtuonan ng pansin ang akademiko para sa akademikong taon 2022-2023 Isa pa sa mga dahilan kung bakit gustong alisin ang ekstrakurikular na aktibidad ay ang maaaring maging sanhi ito sa katamaran ng mga mag-aaral pagdating sa akademikong pagganap Hindi lamang edukasyon sa loob ng silidaralan nahuhubog ang pag-iisip at kakayahan ng mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga ekstrakurikular na mga aktibidad gaya ng mga organisasyon, sports, pagkanta, pagsayaw at iba pa na maaring makatulong sa holistikong pagkatuto ng mga mag-aaral Ayon sa artikulo na inilathala ng Rappler maraming magulang ang hindi rin pabor sa pagpapatanggal ng ekstrakurikular na mga aktibidad sapagkat ayon sa kanila, ito ay nakatutulong upang malayang maipakita ng mga estudyante ang kanilang mga kakayahan, gayon na rin ang kalayaan na madiskubre nila ang kanilang mga talento Para naman sa iba, ito ay nagsisilbing stress reliever, kung kaya naman ang naging pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa plano ng DepEd na ito ay maari raw itong maging sanhi ng pagka-burnout hindi lang para sa estudyante, kundi pati na rin sa mga guro aaring panatilihin ang pagsasagawa ng mga ekstrakurikular na aktibidad sa paaralan habang sinusubukan na habulin ang mga aral o kaalaman na hindi naituro sa mga bata noong panahon ng pandemya Sa halip na ang pagtatanggal sa ektrakurikular na aktibidad ang kanilang problemahin bakit hindi na lamang ang iba pang mga suliranin na kinakaharap sa loob ng paaralan ang pagtuonan nang pansin ng DepEd, gaya na lamang ng kakulangan sa silid-aralan kalidad ng edukasyon na ibinibigay kakulangan sa guro, labis na nakakapagod na mga workloads, sobrang taas na presyo ng mga laptop na kakailanganin ng mga guro at iba pang suliranin na kinakaharap ng bansa pagdating sa edukasyon (Inquirer, 2022).

Advertisement

Ang pakikilahok sa mga ekstrakurikular na aktibidad ay hindi rason upang hindi mapagtuonan nang pansin ng mga estudyante ang kanilang akademikong pagganap, ayon nga sa pag-aaral na isinagawa ni Ahmad M. (2015) ang mga mag-aaral na kadalasang nakikilahok sa mga ganitong aktibidad ay ang mga mag-aaral na mayroong mataas na antas ng alo sa klase Samantala, sinabi naman sa isang pananaliksik na tutulong ang pagsali sa mga ganitong aktibidad sapagkat nagagamit rito ang mga kaalaman na natututuhan nila sa loob ng paaralan undin, habang ang mga mag-aaral ay patuloy na nakikilahok sa rakurikular na aktibidad, ang kanilang pagganap na akademya ay tulungan na mas lumawak at nauugnay sa magandang resulta birdie 2021)

Ang pagtanggal sa ekstrakurikular na aktibidad ay hindi isang solusyon upang maayos ang kalidad ng edukasyon sa bansa, sapagkat ito ay isang paraan ng pagtatanggal ng karapatan sa mga rahil iniisip ng iba na maaaring magdulot ng pagkatamad sa loob ng aralan ang mga ekstrakurikular na aktibidad sapagkat mas pukaw nito ang atensyon ng mga estudyante, ngunit ayon sa deputy tor ng Durham University na si Chris Davidson (2021) nakatutulong ekstrakurikular na mga aktibidad para mas lubos na makilala ng mga -aaral ang kanilang sarili at malaman kung saan at kung sa anong bagay ba talaga sila magaling Sinabi rin ni Chris Davidson na sa pamamagitan ng pagsali sa mga iba’t ibang aktibidad ay matututunan ng mga mag-aaral na gamitin ang kanilang kakayahan at kaalaman sa ibat ibang konteksto Isinaad naman sa isang artikulo na ang pagsali sa mga aktibidad ay makatutulong upang matuto ang mga mag-aaral na gawing balanse ang kanilang social life at pag-aarl para na rin sila ay magkaroon ng pagkakataon na makakilala ng bagong mga tao estudyante upang maipakita ang kanilang kakayanan hindi lamang sa loob ng silid-aralan. Ito ay maaari lamang magsanhi ng pagka-burnout para sa mga estudyante at guro kung ito ay ipagpapatuloy na ipatupad Hindi lamang mga estudyane ang natutol sa kagustuhan ng DepEd, kundi pati na rin ang kani-kanilang mga magulang sapagkat marahil sila rin ay nakikita kung ano nga ba talaga ang epekto ng ekstrakurikular na mga aktibidad sa holistikong pagkatuto ng kanilang mga anak Ang ibat ibang mga aktibidad sa loob ng paaralan ay hindi lamang nakatutulong upang lumawak ang kakayanan ng mga estudyante, sapagkat nakatutulong din ito upang maiwasan na malulong sa iba’t ibang bisyo ang mga mag-aaral gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak dahil sa pamamagitan ng ekstrakurikular na aktibidad ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng ibang pagkakaabalahan bukod sa akademya arahil marami ang hindi pabor sa pagtatanggal ng estrakurikular na mga aktibidad kung kayat sa halip na tanggalin ito, maaaring pagtuonan na lamang ng DepEd ang paggawa ng aktibidad na mahahasa ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral gaya ng quiz bee, debate, at iba pang mga paligsahan. Ang pagpapatanggal sa mga ekstrakurikular na aktibidad ay hindi pumapanahon sa uri ng akademiko na meron ang bansa ngayon ang pag-alis sa mga aktibidad na ito ay hindi sapat na rason upang mas maging aktibo at masipag ang mga estudyante sa loob ng paaralan Sa kabilang banda naman, nararapat din na pagtuonang pansin muna ng DepEd ang pagsasaayos ng kalidad ng edukasyon sa bansa, gayon na rin ang mga ibang problema pa ng edukasyon sa Pilipinas gaya ng kakulangan sa silid-aralan kakulangan sa guro kakulangan sa mga kagamitan, at iba pa na nakakaapekto sa edukasyon ng mga kabataan

This article is from: