Skip to main content

Mabuhay Ka Filipina

Page 1

"Maraming mga Filipina ang may paniniwalang mas maganda sila kung sila ay maputi, matangos ang ilong, matangkad atbp. Halos lahat din ng mga commercials, print ads dito sa Pilipinas, ang mga modelo ay may mga ganitong katangiang panlabas. Pag pumunta ka naman sa mga stores at groceries, mabenta ang mga whitening products."

"Deny it or not, a lot of Filipinos ascribe to the Western Ideals of Beauty, mostly regarding [light color of skin]. A lot of popular celebrities are half-Filipino and they’re celebrated for their beauty."


"Tunay na isa akong Filipinang nakaranas ng mga impluwensiya ng "media" sa pagiging maganda. Lubha nitong naaapektuhan ang aking persepsyon sa buhay sapagkat nais kong makamit ang kanais-nais na itsura ayon sa nauuso upang lumakas ang aking loob." "Isa po akong Filipina na nakakaranas ng impluwensya ng "media" na tungkol sa persepsyon ng pagiging maganda. Nakakaapekto ito sa akin sa paraan na inihahambing o ginagaya ko ang aking sarili sa kung anong mga nakikita at nababasa kong iba't ibang persepsyon ng tao sa pagiging maganda."


"Ang persepsyon ng kagandahan base sa inuukit ng "social media" ay nakakapagpababa ng tingin ko sa aking sarili lalo na sa pisikal na aspeto."

"Madalas ko ikinukumpara ang aking sarili sa mga influencers, models, celebrities at iba pang mga public figure dahil tila perpekto ang itsura nila at ako'y mukhang ordinayong babae lamang."


"Dahil sa "media" nagkakaroon ng mga expectations and standards ang karamihan sa atin. Dahil din dito, naimpluwensyahan ang mga persepsyon natin sa tinatawag nilang "beauty standards" Naging uso ang mga cosmetics, beauty products, at fashion. Kaya marami sa henerasyon natin ang naimpluwensyahan katulad ko, natuto ako mag make up at mag mix and match pagdating sa fashion. Nakatulong mga ito sa akin sapagkat mas tumaas ang confidence ko partikular sa aking itsura."


"Patuloy na binabago ng media ang pagtingin ko sa aking sariling kagandahan at minsan nakakalimutan ko na kung sino ako at ang aking pinanggalingan."


"This is hard to define. I think all women are beautiful regardless of size, skin color, hairstyle etc. We cannot constrain ourselves to a set any ideals of beauty."


"Ang Filipino Beauty para sa akin, ito ay ang pagiging “unique” natin. Ang ating morenang kulay na may mapupungay na mata at di katangusang ilong. Ito para sa akin ang Filipino Beauty. At para sa akin, lahat tayo ay kayang dalhin ang kagandahang taglay na mayroon tayo."


"For me, Filipino beauty is found not in the physical. It is deep seated within us with our love for family and our country."


“Bilang isang babaeng Filipina, sisimulan ko ang pagpapalaganap sa pagsasabuhay ng kahulugan ng mensahe. Aaminin ko na marami akong "imperfections" at nahihirapan akong mahalin ang mga ito sa kasalukuyan. Gagawa ako ng mga paraan upang mahalin na ang aking mga katangian upang makatulong din sa ibang may parehong problema ko.”


"Para sa akin, maipapalaganap ko ito sa pamamagitan ng pagiging totoo sa sarili at pagtanggap sa aking maganda at masamang aspeto. Di batayan ang media sa kung ano ang tunay nating itsura. Dahil dito, ako ay tutulong sa pamamagitan ng paggamit ng media bilang instrumento sa pagpapakita ng kagandahan ng isang Filipina. Gagamitin ko ang aking talento (pagkanta, pagsayaw at pag gawa ng bullet journal) upang mainspire ang mga kababaihan na wag lang magbago para makiuso."


Beauty is in the eye of the beholder A quote we’ve heard forever Yet hardly ever live by It’s finally time to sever From the binding tie and diversify Our concept of beauty to whoever And say, “Beauty standards, bye bye.” Poem by: Kiara Elizabeth De Villa


IAN JESALVA & REGINE SALES (C) 2021 PHILIPPINES


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Mabuhay Ka Filipina by FILIPINAREG - Issuu