1 minute read

PAGLAGANAP NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE:

KAPAKI-PAKINABANG (BENEFICIAL) O KABANTA-BANTA (THREAT)

Advertisement

Posisyon: Kabanta-banta

Sa kasalukuyang panahon, ang pag-unlad ng teknolohiya ay patuloy na nagbibigay-daan sa mga makabagong imbensyon at kasangkapan na nagbabago sa paraan ng pamumuhay ng tao. Isa sa mga pinakamahalagang pagbabago na ating nararanasan ay ang paglaganap ng Artificial Intelligence (AI). Sa isang banda, ang AI ay nagdudulot ng maraming benepisyo sa ating lipunan, tulad ng pagpapadali ng mga proseso sa industriya at paglikha ng mga bagong oportunidad sa trabaho. Gayunpaman, mayroon ding mga pagaalinlangan at banta na nauugnay sa paglawak ng AI. Ang paglaganap ng AI ay siyang pangunahing salik na makaaepekto sa ating lipunan na magiging banta laban sa mga indibidwal. May mga tao pa ring naniniwala at pumapanig sa potensyal na kayang ibigay ng AI sa lipunan Para sa iba, ang AI ay nagbibigay ng oportunidad sa ekonomiya at trabaho Ngunit, hindi pa rin ito sapat upang paniwalaan at maging komportable sa naiibigay na tulong ng AI May mga mawawalan ng trabaho dahil ang AI ang gumagawa nito Ang pagkakaroon ng AI ay maaaring magbukas ng mga bagong trabaho sa larangan ng data science , machinelearning , at AI development Tiyak na mawawalan ng trabahong pisikal at maaaring makapagdulot ito ng pagbaba ng empleyado sa lipunan Bukod pa rito, ang mga indibidwal na naghahanap ng trabaho ay maaaring hindi na makahanap pa dahil ang AI na mismo ang nagbibigay ng kita sa mga kompanya na dapat ay tao ang gumagawa

Ang AI ay banta sa lipunan at sa mga empleyado Tulad na lamang sa sektor ng pangangalaga sa kalusugan, transportasyon, at edukasyon (Thomas, 2021) Ang mga teknolohiyang AI, tulad ng mga robotic surgeons at self-driving vehicles , ay maaaring magdulot ng mas mabilis, mas maaasahan, at mas ligtas na serbisyo sa mga tao Sa larangan ng edukasyon, ang AI ay maaaring magamit upang personal na alisin ang pagtuturo at pag-aaral Ito ay magreresulta sa hindi epektibong pagkatuto at maaaring mawala ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa tradisiyonal na edukasyon

Ang AI ay hindi magdudulot ng maganda sa ekonomiya at sa lipunan dahil hindi na mapapakinabangan ang mga empleyado kung ang AI na mismo ang gumagawa ng lahat ng bagay

May potensyal na mapalitan ang mga tao sa mga rutinaryong gawain at mga trabahong may katangian na kayang gawin ng mga algoritmo Halimbawa, ang paggamit ng AI sa sektor ng pabrika at transportasyon ay maaaring magresulta sa pagkawala ng mga trabaho sa produksyon at pagmamaneho

This article is from: