
1 minute read
Mga Pisikal na Katangian
3 Mga Pisikal na Katangian
Ang mga T’Boli ay mga taong may katamtamang laki. Mapuputi ang kutis nila at parisukat ang kanilang mga panga. Ang mga buhok naman nila'y maaaring diretso lamang o 'di kaya'y kulot.
Advertisement
Mga Kasuotan

Ang kasuotan naman ng mga kababaihang T'Boli ay binubuo ng mga mahihigpit na pang-itaas na abot hanggang sa kani-kanilang mga baywang. Walang kwelyo ang mga pang-itaas na ito na kulay itim o 'di kaya naman ay bughaw.
Ang mga palda nila ay may habang aabot hanggang sa bukung-bukong. Sa kabilang kamay, tuwing may espesyal na okasyon ay mga pin-striped na paldang gawa sa linen ang kanilang isinusuot.