
5 minute read
Pangakong ayuda ng gobyernong paasa
Mapanlinlang ang hindi tumutupad sa mga pangakong binibitawan.
Ang sambayanang Pilipino ay labis na tinamaan ng sobrang pagtaas ng mga bilihin, kung kaya’t nahihirapan silang tustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Advertisement
Bilang tugon, matatandaang nangako ang gobyerno ng perang ayuda para sa 9.3 milyong Pilipinong kabilang sa ‘poorest of the poor.’
Ang ikalawang round ng Targeted Cash Transfer program ng gobyerno ay binago kamakailan bilang ‘inflation ayuda (aid)’ dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ayon kay pagkakatugma ng mga pahayag ng mga opisyal ng gobyerno ay nangangahulugang may aberya sa pangakong ayudang ito. Kung sa una pa lang ay itinuturing na itong prayoridad, bibigyan ito ng sapat na atensyon at pag-aasikaso ng mga kinauukulan.
Asec. Romel Lopez, tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang gobyerno ay magbibigay ng Php 1,000 grant sa loob ng dalawang buwan o Php 500 kada buwan.
Ngunit ayon sa bagong pahayag ng DWSD, hindi pa ito posibleng maipamahagi dahil wala pang pondo at tiyak na disbursement guidelines para rito. Sumasalungat dito ang pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno noong nakaraang buwan na ang inflation ayuda ay ilalabas sa ilang araw at tukoy na ng ahensya kung saan kukuhanin ang pondo para rito.
Subalit, malinaw naman na ang pagbabahagi ng inflation ayuda ay hindi pa rin naisasakatuparan hanggang sa kasalukuyan. Bagay na nakadidismaya at kung iisipin ay isang pagkakanulo sa tiwala ng mga tao.
Ang kawalan ba ng prayoridad sa pamamahagi ng inflation ayuda ay dahil sa bahagyang pagdausdos ng inflation rate ng bansa sa 8.6 porsiyento noong Pebrero 2023 mula sa 8.7 porsiyento noong Enero 2023?
Bumaba nga ang presyo ng ilang mga bilihin sa pagkain at enerhiya, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang ipagsawalang-bahala ang perang ayuda.
Hindi pa rin nanunumbalik ang mga bilihing swak sa kinikita ng isang karaniwang Pilipino at hindi pa nakakabangon ang ekonomiya dahil patuloy pa rin sa pamiminsala ang mataas na inflation rate. Kaya nararapat lamang na manindigan ang gobyerno sa kanilang pangakong binitawan.
Sa kabilang banda, inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na balak itaas ng Senado ang inflation assistance nito sa mga empleyado.
“Mula Php. 12,200, gagawin natin itong Php. 50,000 or your basic monthly salary, whichever is higher. Basta guaranteed na po ang Php. 50,000 dyan and you can expect this in August,” ani Zubiri.
Mukhang ang pangakong ito para sa mga empleyado ng Senado ay mas hindi pa maibigay nang maayos at walang antala.
Dapat ngayon ay naipamamahagi na ang pangakong ayuda sa mga mamamayan. Gayundin ay maiplantsa na ang disbursement guidelines na magsisilbing patnubay sa pagpili ng mga makatatanggap nito. Sapagkat marami na ang napapaisip kung maisasakatuparan pa ba ang programa dahil sa mabagal na pag-usad nito.
May saysay pa ba ang maniwala at umasa sa gobyernong hanggang pangako na lamang ang tinuturan?
Ang pagkaantala sa perang ayuda ay nagdaragdag lamang sa pagdurusa ng mga Pilipinong nangangailangan at pinangakuan ng agarang tulong mula sa hagupit ng mataas na implasyon.
Ang gobyerno ay kailangang kumilos nang mabilis at tuparin ang mga pangako nito sa mga mamamayan. Hindi katanggap-tanggap ang mga pangakong hindi nila kayang tuparin, lalo na kung buhay ng milyonmilyong Pilipino ang nakataya.
Kung patuloy na paaasahin ang sambayanang Pilipino sa wala, hindi malayong mangyari na mawala nang tuluyan ang tiwala nito sa pamahalaan. Lahat ng salitang manggagaling sa gobyerno ay magiging kasinungalingan na lamang para sa mga tao kung hindi mababago ang mabagal na
Higit sa lahat, dapat tandaan ng lahat na hindi ang perang ayuda ang dapat na maging solusyon sa mataas na inflation rate ng bansa. Ito ay pamatay-sunog lamang. Kailangan pa ring tugunan ng pamahalaan ang pinakaugat na dahilan ng pagtaas ng implasyon. Gayundin ay sama-sama nating kalampagin ang gobyerno upang ipaalala ang kanilang mga binitawang rise.
Aside from that, this plan is a major burden on productivity and time management for students who count on PNR to get to school on time, as well as students on a tight budget who must find a cheaper mode of transportation to get to school.
Alternatively, in a similar situation, you must pay three times your previous fare to get to and from school and home. Knowing that taking the train is the most frightening to think that the problem caused by their plan could spread to other major issues that ordinary Filipinos must deal with. Clearly, the government is going about things incorrectly because they are mercilessly attacking poor families who are struggling to survive. But it’s even more heartbreaking to think that no one will come to rescue the commuters who were run over.
Hustisya: Malabnaw o Malaya?
Para sa isang mamamayang naninirahan sa payak na tahanan, ang mabuhay ng marangal at walang inaapakan ang laging pinapabaon ng mga magulang. ‘Di bale nang magutom, huwag lamang gumawa ng masama para lamang sa personal na interes sapagkat walang puwang ang panlalamang at karahasan sa lipunan.
Ngunit sa panahon kung saan ang mga karaniwang mamamayan ay ginigipit at pilit isinasadlak sa mga kasalanang may pribilehiyo’t mga nasa kapangyarihan ang may gawa, sapat pa bang kapitan ang katagang, “Basta alam mong ikaw ay mabuti, hustisya’y iyong magiging kakampi”?
Sapat pa bang sabihin na ang justice system ng ating bansa ay “fully functioning,” gaya ng pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kamakailan, kung isinasampal na ng lipunan ang hindi mabilang na kawalan ng hustisya at hindi patas na usad nito sa mga pangkaraniwang Pilipino?
Matatandaan kung paano itinakda ang laro ng hustisya sa panahon ng administrasyong Duterte. Winakasan ng extrajudicial killings (EJK) ang pangarap ng mga kabataang naging biktima nito. Isa na rito si Kian Delos Santos, isang binata sa Caloocan na walang awang pinagbabaril ng kapulisan dahil napagbintangan itong isang drug runner, at ‘di umano’y nanlaban sa naturang operasyon noong 2017. Ngunit makalipas ang anim na taon, si Kian ay nananatili pa ring isa sa mga libu-libong biktima ng kawalan ng hustisya; at ngayong taon lamang nadiskubre na ang kanyang mga labi ay hindi sumailalim sa maayos na otopsiya.
Kung karahasan ang sagot ng mga nakaluklok, sila pa ba’y dapat ituring na kakampi sa pagpapatupad ng batas? Iniluluklok natin ang mga namumuno upang hulmahin ang bansa na maging mapayapa. Hindi sila nasa posisyon upang abusuhin ang kapangyarihan, at gamitin para manggipit pa ng mga taong biktima na ng opresyon.
Sa kabilang banda, ang mga taong may pribilehiyo at kapangyarihan ay mabilis lamang nalulusutan ang mga kasong inihain laban sa kanila. Patong-patong na counts of graft and corruption man ang kanilang harapin, pagdating sa eleksyon, makikita natin na sila ay kwalipikado pa rin. Dagdag pa rito ang drug case na kinasangkutan ni Juanito Jose Remulla, anak ni Justice Secretary Boying Remulla, na ganoon na lamang kabilis na-abswelto. Kung titingnan, tila bilang lamang sa kamay ang mga sandaling nilaan nila sa tanikala ng kanilang mga kasalanan. Samantala, ang mga niyuyurakan gaya ni dating Senador Leila de Lima, dahil sa kanyang masidhing pagpahahayag ng oposisyon sa nakaraang administrasyon ay naging mitsa upang siya’y madiin sa isang kasong gawa-gawa lamang para siya’y patahimikin. Kalaunan ay umamin din naman ang prime witness nito na si Rafael Ragos, former acting chief ng Bureau of Corrections (BuCor), na sila’y pinilit lamang upang magbigay ng testimonya laban kay de Lima. Sa kabila nang pag-amin ni Ragos, nananatili pa rin sa loob ng bilangguan si de Lima. Mga panahon na sana’y naigugol niya sa marami pang bagay kung mabilis lamang ang agos ng hustisya sa ating bayan. Dagdag pa rito ang pilit na pagmamanipula na ang hostage taking na naganap sa kanya ay isa lamang “stage play” upang siya’y kaawaan ng madla. Bagay na tila ginagamit ng mga makapangyarihang nais burahin ang masalimuot na kalagayan ng bayan. Ang mga kasong ito ay iilan lamang na patunay kung gaano patuloy na lumalabnaw ang sistema ng hustisya sa ating bayan. Mabagal sa mga walang kakayahan at mailap sa mga tunay na nangangailangan. Hustisya’y dapat walang kinikilingan sa lahat ng oras. Hindi na sapat na maging mabuti lamang upang ito’y iyong maging kaagapay. Samahan mo na rin ito ng tapang at paninidigan na kahit pa idiniriin ka ng kapalaran ay patuloy pa rin ang laban. Sa patuloy na paglabnaw ng hustiya, may kalayaan kang ito’y wakasan at maging boses ng masang nangangailangan.