
1 minute read
Tungkol sa pabalat
Makikita sa pamagat ng aklat ang salitang "Gunita". Nangangahulugan ito ng pag-alala sa isang pangyayari o mga bagay-bagay. Ginamit ang nasabing pamagat dahil masasalamin ng aklat na ito ang aplikasyon at kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin na nilikha ng mga mag-aaral ng 12-STEM A, akademikong taon: 2022-2023, sa asignaturang Filipino sa Piling LarangAkademik.
Upang lalo pang lumitaw ang pagkakilala sa aklat, nasa pabalat din ang larawan ng buong klase ng 12-STEM A. Makikita sa pinaka itaas si G. Dominic Atanacio, ang guro sa FPL, na nagsisilbing tanglaw tungo sa kagalingan.
Advertisement
Bilang panghuling elemento, nasa sanligan ang mga salitang titik at mga salita -- mga pangunahing yunit ng literatura na ginamit ng mga mag-aaral upang mabuo ang aklat na ito.


