
1 minute read
5 REPLEKTIBONG SANAYSAY
"HighschoolLife"
Sa bawat yugto ng ating buhay, may mga pagkakataon tayong dadaanan na magiging bahagi ng ating paglaki at pagkatuto Isa sa mga kahalagahan na kadalasang tinitingnan ng marami ay ang panahon ng ating high school life Ito ang yugto kung saan tayo unti-unting bumubuklod sa ating pagkatao at nagbabago ang ating pananaw sa mundo Para sa’kin, ang high school life ay isang bahagi ng buhay na puno ng mga karanasang hindi malilimutan Ito ang panahon kung saan tayo nagiging mas malaya at nagkakaroon ng mga responsibilidad na kailangang gampanan Ito rin ang yugto kung saan tayo unti-unting natututo ng mga aral na hindi lamang tungkol sa akademiko kundi pati na rin sa buhay “High school is one of the best times of your life” ika nga Ang high school ay hindi lamang tungkol sa mga aklat, mga pagsusulit, at mga proyekto Ito ay tungkol din sa mga kaibigan na ating nakikilala, mga guro na ating kinikilala, at mga karanasang hindi natin makakalimutan Sa high school, natutunan natin kung paano makisama sa iba, kung paano magtulungan, at kung paano magkaroon ng respeto sa kapwa Sa mga karanasang ito, natutunan nating magmahal, masaktan, at magpatawad. Ang high school life ay puno ng mga emosyon na kadalasang nakakaapekto sa ating pag-iisip at pagkilos May mga pagkakataon na tayo ay nagkakamali at naghahanap ng mga hakbang para itama ang mga ito Ito ang panahon kung saan tayo natututo ng pagiging matatag at ng pagbangon mula sa mga pagkakamaling ating nagawa Ang replektibong papel na ito ay nagbabahagi ng karanasan ko ngayong high school sa kung paano ito nakatulong sa’kin bilang tao.
Advertisement
Sa karanasan ko bilang high school student ay nagsimulang mahubog ang pagkatao ko May mga bagay na hindi ko magawa noon, pero simula noong nag high school ako ay nagkaron ako ng lakas ng loob para umalis sa comfort zone ko. Hindi ko ugali ang pagsali sa youth organizations pero may mga kaklase ako, kaibigan, at mga guro na nag udyok sa’kin para sumali Pati na rin sa choir at singing contests dahil sa hilig ko sa pag kanta Kung dati ay pipilitin mo pa ako para sumali, ngayon ay kaya ko nang magkusa kung determinado ako at pursigido Dahil doon ay naranasan ko pang mag champion sa contest at makilala sa paaralan dahil sa paulit ulit na pagsali ko sa mga extracurricular activities.