1 minute read

World-Class Terminal at Pinakamalaking Passenger Terminal Building sa Pilipinas, Binuksan na sa Publiko

Source: www.ppa.com.ph

March 27, 2023

Advertisement

Ang mas pinalaki, pinaganda at modernong PTB ng Port of Calapan ay makapagbibigay serbisyo na sa nasa 3,500 na pasahero anumang oras mula sa dating kapasidad ng lumang terminal na nasa 1,600 lamang.

Taglay ng bagong PTB ang prayer room, mas pinagandang breastfeeding area, all gender restroom, hightech automated doors, escalators at elevators na malaking tulong sa mga pasaherong may partikular na pangangailangan dito. Hindi na rin kailangan pang lumabas ng mga pasahero upang bumili ng anumang makakain dahil may tindahan na rin sa loob ng PTB.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, malaking tulong ang bagong gawang pasilidad lalo ngayong papalapit ang Semana Santa kung saan marami ang magsisiuwian sa kanilang probinsiya gamit ang pantalan.

“Tuwing peak season, nasa humigit kumulang

12,000 ang pasaherong gumagamit ng pantalan araw-araw na kung minsan ay nasa labas ng lumang terminal ang mga naghihintay kaya naman inaasahan nating hindi na mangyayari ngayon ‘yan dahil mas malaki na ang kapasidad ng bagong PTB ng Calapan Port,” ani GM Santiago.

READ

This article is from: