Feast Day 2023 Missalette

Page 1

MALIIT NA MISSAL

MALIIT NA MISSAL

Sta.AnnaSchäfferngMindelstetten

Oktubre 5, 2023 | Misa para sa mga pangkat ng mga Banal na Lalaki at Babae (Puti)

Pagbati

PB -

Sa ngalan ng Ama, ng Anak ✠ at ng Espiritu Santo.

Amen.

PB -

Ang pagpapala at pag-ibig ng Kristong ating Diyos, nawa’y sumainyong lahat.

At sumainyo rin.

Paunang Salita

P -

Mga kapatid, ating ginugunita ngayong araw ang kapistahan ni Santa Anna Schaeffer. Siya ay mula sa Germany at naratay sa banig ng karamdaman sa loob ng dalawampu’t apat na taon. Ngunit sa kabila ng kanyang sakit, karukhaan, at pagdurusa, siya ay kumapit sa Diyos. Kaya siya ay tinanghal ng Simbahan bilang huwaran at mabisang tagapagdalangin sa mga may sakit. Nawa sa Banal na Misa na ito, tayo ay bigyang inspirasyon ng Diyos sa buhay kabanalan ni Santa Anna Schaeffer.

ANGKAPISTAHANNI

Pagsisisi

PB -

Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang,

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyó, mga kapatíd, na lubha akóng nagkasalà sa isip, sa salitâ, sa gawâ, at sa aking pagkukulang; kayâ isinasamò ko sa mahal na Birheng Maria, sa lahát ng mga Ánghel at mga Banál, at sa inyó, mga kapatíd, na ako'y ipanalangin sa Panginoóng ating Diyós.

PB -

Kaawan tayo ng mapakapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Amen.

PB -

PB -

PB -

Panginoon, kaawan mo kami.

Panginoon, kaawan mo kami.

Kristo, kaawan mo kami.

Kristo, kaawan mo kami.

Panginoon, kaawan mo kami.

Panginoon, kaawan mo kami.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya.

Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin.

Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin

Pinasasalamatan Ka namin sa 'Yong dakilang

angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat

Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak

Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos Anak ng Ama

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo

Maawa Ka sa amin, maawa Ka, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo. Tanggapin Mo ang aming kahilingan, Ikaw na naluklok sa kanan ng

Ama. Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang

Kataastaasan. Ikaw lamang, O Hesukristo, ang

Panginoon, Kasama ng Espiritu Santos a kadakilaan ng Diyos Ama, Amen!

Pambungad na Panalangin

Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang

nagtampok sa mga nagpapakumbaba at nagpadakila kay Santa Anna Schaeffer sa pag-ibig at pagtitiyaga. Pakundangan sa kanyang

pagdalangin at mga halimbawa, ipagkaloob mong sa krus na aming pinapasang kusa ang pag-ibig sa iyo ay laging maging aming adhika sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu

Santo, magpasawalang hanggan.

Gloria
P -
-
P

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Unang Pagbasa (Neh 8, 1-4a. 5-6. 7b-12)

Pagbasa mula sa aklat ni Nehemias

NOONG MGA ARAW NA IYON, unang araw ng ikapitong

buwan ng taon, nagkatipon ang lahat ng Israelita sa Jerusalem, sa liwasang bayang nasa harapan ng Pintuan patungo sa Tubig. Hiningi nila kay Ezra ang aklat ng

Kautusan ni Moises na ipinatutupad ng Panginoon sa bayang Israel. Si Ezra ay isang saserdote at dalubhasa sa kautusan na sinugo ng Panginoon nang panahon ni Moises. Kinuha nga ni Ezra ang aklat. Dinala niya ito sa kapulungang binubuo ng mga lalaki, babae at mga batang may sapat nang gulang at pang-unawa. Mula sa umaga hanggang tanghali, binasa niya ang Kautusan sa harapan ng mga taong natitipon sa liwasang bayan. Ang lahat naman ay nakinig na mabuti. Siya ay nakatayo sa isang entabladong kahoy na sadyang itinayo sa pagkakataong iyon. Si Ezra ay nakikita ng lahat, sapagkat mataas ang kanyang kinatatayuan. Ang lahat ay tumayo nang buksan niya ang aklat. “Purihin ang

Panginoon, ang dakilang Diyos!” ang wika niya. Ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga kamay at sumagot, “Amen, Amen.” Pagkatapos, nagpatirapa sila bilang paggalang sa

Panginoon. Binasa ni Ezra nang maliwanag ang batas na ito ng Diyos at ipinaliwanag na mabuti ang kahulugan.

Nang malaman ng mga tao ang dapat nilang gawin ayon sa Kautusan, nabagbag ang kanilang kalooban, anupat sila’y napaiyak. “Ang araw na ito ay dakila sa Panginoon na inyong Diyos,” wika nina Nehemias, at Ezra at mga

Levita. Nakikinig ang mga tao at umiiyak nga kaya’t sinabi nila, “Huwag kayong umiyak.” Wika pa nila, “Umuwi na kayo at magdiwang! Ang walang pagkain at inumin ay bahaginan ng mayroon, sapagkat ang araw na ito’y dakila sa Panginoon. Ang kagalakang dulot niya ay magiging kalakasan ninyo.” Ang mga tao’y inaliw ng mga

Levita, at pinatahimik ang mga ito. Wika sa kanila, “Walang dapat malungkot sa inyo, sapagkat ang araw na ito ay banal.” Umuwing masaya ang lahat upang magdiwang, kumain sila at uminom at binahaginan

naman ang wala. Silang lahat ay nagdiwang sapagkat naunawa nga nila ang ipinaliwanag sa kanila.

Ang Salita ng Diyos.

Salamat sa Diyos.

B -

Salmong Tugunan (Salmo 18, 8. 9. 10. 11)

Ating kabutiha’t lugod ay nasa loobin ng D’yos.

1. Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang, ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay; yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan, nagbibigay ng talino sa lahat ng kaisipan. (T)

2. Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos, liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod; ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos, pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot. (T)

3. Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti, isang banal na tungkulin na iiral na parati; pati mga hatol niya’y matuwid na kahatulan, kapag siya ang humatol, ang pasiya ay pantay-pantay. (T)

4. Ito’y higit pa sa ginto, na maraming nagnanais. Higit pa sa gintong lantay na ang hangad ay makamit; matamis pa kaysa pulot, sa pulot na sakdal tamis, kahit anong pulot ito na dalisay at malinis. (T)

T -

Aleluya (Marcos 1, 15)

Aleluya! Aleluya! Ang D’yos ay maghahari na, talikdan ang tanang sala, manalig sa balita n’ya. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Lucas 10, 1-12)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.

Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo –sapagkat ang manggagawa ay may karapatang

tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo;

pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’

Ngunit sa alinmang bayang hindi tumanggap sa inyo, lumabas kayo sa mga lansangan nito at sabihin ninyo, ‘Pati ang alikabok dito na dumikit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit

pakatandaaan ninyong nalalapit na sa inyo ang

paghahari ng Diyos!’ Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng

Paghuhukom ay higit na mabigat ang kaparusahan ng

mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga tagaSodoma!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Homilya Panalangin ng Bayan

Hinirang ng Diyos si Santa Anna Schaeffer upang

makaisa ni Kristo sa Kanyang Pagpapakasakit sa pamamagitan ng kanyang buhay sa banig ng

karamdaman. Idalangin natin ngayon sa araw ng

kapistahan ng mapagkumbabang Santa ang ating

mga pangangailangan lalo’t higit ng mga may sakit sa ating sambayanan. Sa bawat kahilingan, ating

itugon:

PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.

PT -

L -

Upang ang Simbahan ay patuloy na pagkalooban ng kalakasan na maipahayag ang mabuting balita sa bawat sulok ng daigdig at pagkalooban din ng maalab na pagmamalasakit sa mga may sakit. Manalangin

tayo:

L -

Upang ang mga namumuno sa ating pamahalaan ay patuloy na pahalagahan ang mga mahihina sa ating

lipunan lalo’t higit yaong mga dukhang may sakit. Manalangin tayo:

L -

Upang tayong mga taga-Sacred Heart of Jesus Parish - Sta. Mesa, ay walang sawang ibahagi ang

pagmamahal ng Banal na Puso ni Hesus sa mga dukha, mga may sakit at yaong mga nagdurusa sa buhay. Manalangin tayo:

L -

Upang sa araw ng kapistahan na ito ni Santa Anna

Schaeffer, ipagkaloob nawa ng Diyos ang kagalingan at katatagan sa mga may sakit sa ating lipunan at pagpapala sa mga nangangalaga sa kanila. Gayundin, matularan natin ang halimbawa ng Santa na kumapit sa Diyos lalo’t higit sa panahon ng pagkakasakit, kagipitan o pagdurusa. Manalangin tayo:

Upang ang lahat ng mga deboto at mga

tagapagpalaganap ng debosyon kay Santa Anna

Schaeffer sa Pilipinas ay patuloy na pagpalain at walang-sawang isabuhay ang halimbawa ng Santa na magbigay pag-asa na mula sa Ebanghelyo.

Manalangin tayo:

L -

LSa katahimikan, idalangin natin ang ating pansariling kahilingan.

P -

Ama ng awa, ikaw na lubos na kumakalinga sa mga may sakit at yaong nahihirapan sa buhay.

Kung papaanong pinatatag mo si Santa Anna Schaeffer sa panahon ng kanyang pagkakasakit, nawa’y puspusin mo kami ng pag-ibig, patatagin ang aming pananampalataya at pag-alabin ang aming pag-asa sa Krus ni Kristo aming Panginoon.

Amen. B -

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Paghahain ng Alay

P -

B -

Manalangin kayo...

Tanggapin nawa ng Panginnon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinnabangan at sa buong sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

P -

Ama naming Lumikha, tunghayan mo ang mga alay na aming inihanda ngayong ang iyong mga

Banal ay taimtim na ginugunita upang ang

pagtubos mo ay lalo naming madama sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu

Santo magpasawalang hanggan.

Amen. B -

Prepasyo (Para sa mga Banal na Lalaki o Babae)

P -

Sumainyo ang Panginoon

At sumainyo rin. B -

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa P -

Itinaas na namin sa Panginoon B -

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos P -

B -

Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama namin makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan.

Ang pagpaparangal sa iyong kabutiha’y lagi mong pinaaalingawngaw sa iyong sambayanan sa pagkakaroon ng mga kaanib na maasahan at tapat, tulad mo, sa pananagutan.

Upang magbunga ang punyagi ng iyong Anak na sa iyong pag-ibig kami’y makatulad ang mga banal na tao’y tumutulong sa lahat sa pagbibigayhalimbawa’t pananalanging wagas.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

P -

BPagbubunyi

Santo, Santo, Santo, Panginoong Diyos ng mga

hukbo! Napupuno ang langit at lupa sa kadakilaan mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan!

B -

Si Kristo ay gunitain sarili ay inihain nilang pagkai’t inuming pinagsasaluhan natin hanggang sa siya’y dumating.

PAKIKINABANG

Ama Namin

B -

Ama namin...

Hinihiling naming...

B -

PSapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman. Amen

Pagbati sa Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang

P -

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga

kasalanan ng sanlibutan. Mapapalad ang mga

inaanyayahan sa kanyang piging.

B -

Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon

Panalangin Pagkapakinabang

P -

Ama naming mapagmahal, kaming mga nakinabang ngayong si Santa Anna Schaeffer ay pinararangalan ay pagkalooban mong madalisay at matulungan ng aming pinagsaluhan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu

Santo magpasawalang hanggan.

Amen. B -

PAGPAPARANGAL KAY SANTA ANNA SCHAEFFER

Pag-iinsensongkaniyangImahenatRelikya

Pag-awitngHimno

Hymn to Saint Anna Schaffer

O Humble lover of God

Flower of Mindelstetten

You who love the Cross of Christ, Be our companion in life.

Chorus:

We come to you, Saint Anna Schäffer

We come to you, our beloved friend.

That in sickness, poverty, and suffering

We may always live for and with Jesus!

Coda:

O humble St. Anna Schäffer

Pray for us and lead us to Jesus

(gawin sa harap ng imahen)

Panalangin para kay Santa Anna Schaeffer

O Santa Anna Schaeffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman, nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong buhay ang pagkamatiisin, pagkamataimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna, upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming kahilingan (sambitin ang kahilingan).

Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.

L -

Panalangin ng Pagbabasbas para sa mga may Sakit

Panginoon, aming Diyos, sinugo mo ang iyong

Anak sa mundo upang pasanin ang aming mga karamdaman at tiisin ang aming mga pagdurusa.

Hinihiling namin na ang iyong pagpalain ✠ ang iyong mga lingkod na may sakit. Ang pagbabasbas nawang ito ay magbigay sa kanila ng lakas upang mapagtagumpayan ang kanilang kahinaan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagtitiis at aliw ng pag asa at sa tulong mo ay maipanumbalik na sila sa kalusugan. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristo, aming Panginoon.

Amen B -

PAGTATAPOS

Sumainyo ang Panginoon. P -

B -

P -

At sumainyo rin.

At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, at Anak ✠ at Espiritu Santo.

Amen. B -

Pangwakas

P -

Tapos na ang Misa. Humayo kayong taglay ang

kapayapaan upang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

B -

Salamat sa Diyos.

P -

Pagdaraos ng pampublikong benerasyon at pagpaparangal sa Pambansang Imahen at Relikya ni

SAINT
SCHÄFFER P H I L I P P I N E S
ANNA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.