AG-TEK | pahina 13
balitangpangkomunidad
SDRRM Coordinator binigyang linaw ang mga sanhi ng pagbabaha sa Cainta
Solusyon sa mabigat na traffic, tututukan ng MPSO
ANGSITIO
Jhon Rey Oquendo
bantay ng bayan, bantay ng katotohanan
ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG CAINTA SENIOR HIGH SCHOOL TOMO 1, ISYU 3 | SANGAY NG RIZAL | CALABARZON
OPINYON | 07
NEDAya Isang panloloko at pandaraya ang inilabas na datos ng National Economic Development Authority (NEDA) na 64 pesos pababa ang klasipikasyon ng isang Pilipino bilang ‘food poor’.
LATHALAIN | pahina 09
Sa Rehas ng POGO Alamin kung ano ang kalakaran sa loob ng isang POGO hub sa perspektiba ng isang POGO worker.
ISPORTS | pahina 20
CaiSenians humakot ng medalya sa Athletics Kumolekta ng ginto at pilak ang mga atletang CaiSenians sa Athletics sa ginanap na 2024 United Central Luzon Invitational Track Meet.
balitangpangkalikasan
USAD PAGONG
balitangpanlalawigan
Nakaupo sa gilid ng creek ang isang batang residente ng floodway Cainta matapos ang pagbabaha na dulot ng bagyong Carina | Kuhang larawan ni Rebekah Denler
T
iniyak ng Cainta Municipal Protection and Safety Office (MPSO) na patuloy nilang tinutugunan ang mabagal na daloy ng trapiko sa Cainta Junction at Ortigas Avenue na epekto ng 3-4 ‘vehicular accident’ kada-araw sa nasabing mga kalsada. Sa isang panayam, isiniwalat ni Police Master Sergeant Raymond Seguilla, Cainta MPSO, na may malaking epekto ang mga pangkalsadang insidenteng nagaganap kada-araw sa pag-andar ng trapiko sa nasabing mga kalsada bukod pa rito ang dahilan na buong tagaprobinsya ng Rizal ang dumadaan sa Ortigas Avenue araw-araw. “Actually itong area natin, Ortigas Avenue ay considered as main tour of first, kung saan lahat ng commuter sa buong probinsiya ng Rizal ay d’yaan dumadaan,” aniya. Dagdag dito, pinunto niya na tuwing 6:30 - 7:00 am ng umaga ang simula ng rush hour na nagdudulot ng moderate to heavy traffic na nagpapabagal ng takbo ng mga sasakyan. “Nagsisimula tuwing 6:30 am to 7:00 am ang rush hour kasi sa pagpasok ng mga estudyante, mga taga munisipyo pati ganoon narin sa mga manggagawa sa private sectors, kaya congested talaga ang ating mga kalsada,” paglilinaw niya.
Rodriguez
HARDEST HIT AREAS Mapang nagpapakita ng mga purok sa Rizal na lubos na binaha at napinsala dahil sa bagyong Enteng
San Mateo
Cainta
Teresa
‘Makasaysayang’ baha naranasan sa iba’t ibang bahagi ng Rizal;
Flood mitigation programs target matapos sa 2028 - Congressman Duavit
Morong Karamihan sa mga lugar na ito ay kinokonsidera bilang matataas at mabubundok na purok sa Rizal gaya ng Morong, Rodriguez, Teresa, at San Mateo.
Jhon Rey Oquendo
M sundan sa pahina 3
Pagpapatigil sa Kaliwa Dam hiling ng mga DumagatRemontado Jhon Rey Oquendo
Tutol ang katutubong grupong Dumagat-Remontado Tribe na naninirahan sa bulubundukin ng Sierra Madre hinggil sa pagpapatayo ng ‘Kaliwa Mega Dam’ na aprobado ng Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau (DENR - EMB), mga naka-ambang epekto nito sa kanilang lupang ninuno layunin nilang tuldukan.
atapos manalanta ng Bagyong Enteng sa bansa na nagbunsod sa ‘makasaysayang’ pagbabaha sa lalawigan ng Rizal, siniguro ni Congressman Jack Duavit na matatapos sa 2028 ang mga flood mitigation programs na sinimulan noong taong 2001. Sa isang situation briefing kasama si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ipinahayag ni Duavit na ang istratehiya nila sa pagpapatupad ng programa ay “from down, going up” na nagsimula sa pagsasaayos ng mga drainage system na ipinantay sa sea level at sa kasalukuyan, kaunti na lamang ang kailangang tapusin kaugnay ng nasabing programa. “We’ve been successful, these are some of the last few pieces na lang po as far as the mitigation is concerned and then we’re hoping in the — actually we’re pretty sure that by 2028 tapos na po lahat ito,” aniya. Iba pang proyekto Samantala, ipinagmalaki ng krongresista na dahil sa mga kasalukuyang flood control projects sa Cainta at sa mga karatig lugar nito, bumaba ang “flooding period” sa ibang lugar mula sa dating ilang araw patungo sa ilang oras na lamang. Bukod dito, ibinida rin niya ang ‘ongoing’ na paglikha ng mga road dike bilang proteksyon sa coastal towns ng Taytay hanggang sa Binangonan laban sa ‘surges’ dulot ng mga bagyo. Hiningi rin ng kongresista sa situation briefing ang approval ng pangulong Marcos upang masimulang muli at malaanan ng pondo ang flood
gate projects sa Cainta na na-postpone dahil sa isang moratorium bunsod ng pandemya. “There’s a moratorium issued against the relocation of the residents. Kasi to be able to construct the floodgates,as well as the pumping stations there are areas that need relocation, hindi po ‘yan natuloy dahil naibalik ang pondo,” aniya. ‘Makasaysayang’ pagbabaha Sa kabilang banda, inamin ni Governor Nina Ynares na makalipas ang ilang taong walang baha, hindi nila inaasahan ang lakas ng hagupit ng bagyong Enteng, inilahad niya na ang apat na araw na pagbuhos ng ulan ay katumbas na ng isang buwan na ulan tuwing “monsoon season” na siyang nagdulot ng malawakang pagbabaha. “As to what the PAGASA Tanay station told us, the rain that came was — in four days, we got one month’s worth of rain. Malakas po talaga ‘yung bagsak ng tubig ngayon. Unfortunately, the damage is quite big,” aniya. Gayunpaman, inisa-isa niya ang mga lubos na napinsalang lugar sa buong probinsiya na kinategoryang 'hardest hit areas', kabilang dito ang Cainta, Morong, Teresa, Rodriguez, at San Mateo. “It is not just that na hindi usually binabaha sa amin nang ganyan kalaki, even Jalajala and Teresa, tinamaan po this time, bumaha po kami doon ngayon. Hindi sila usually binabaha,” giit niya. Mga numero Kinurpirma ng gobernador na base sa tala, tinatayang 12 katao ang nasawi, ... sundan sa pahina 2
mganumero
1 buwan
Katumbas ng isang buwan na ulan ang bumuhos sa Rizal sa loob ng apat ng araw dahil sa Bagyong Enteng.
12 na tao
Labing-dalawang katao ang nasawi, tatlo ang idineklarang “missing” at lima ang nasugatan dahil sa landslide at pagkalunod
300M
Tintayang 300 milyong piso ang pinsalang idinulot ng mga pagbabaha sa lalawigan ng Rizal
30M
Umabot sa 30 milyong piso ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura.