
2 minute read
Talumpati
from ABM12-KINGS
Puna ng karamihan sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan,
Mapagpalang araw sa inyong lahat narito ako upang ipabatid sainyo ang mga maling nagagawa ng kabataan ng hindi nila namamalayan. Isa na rito ang mga batang ina/ama, bakit nga ba humahantong ang mga kabataan dito? Ang maging ina sa murang edad ay malaking reponsibilidad, tunay nga bang biyaya o isang malaking pagkakasala? Kawalan nga ba ng gabay ng magulang ang naging dahilan nito? O pinairal ang kapusukan at isinantabi ang mga payo ng magulang Maaaring parehas, may mga magulang na nagkukulang talaga sa paalala’t gabay sa kanilang mga anak ngunit hindi ito sapat na dahilan upang humantong na lamang sa maagang pagbubuntis
Advertisement
Hindi masama ang magkaroon ng anak ngunit isipin mo aasa ka lang sa magulang mo mapalaki lamang ang batang dinadala mo? hirap na ang iyong magulang sa pagtustos sa pang araw araw, makakain lamang kayo ng tatlong beses sa isang araw Sana inatupag mo ang pagpaplanong magandang kinabukasan mo at ng pamilya mo, kahirapan ang maaring maranasan ng bata at ng magulang nito lalo na at mga kabataan nga ang karamihan sa nagbubuntis ngayon, walang maayos na trabaho at ang iba ay hindi pa nakapagtapos ng pagaaral Alam nating may karapatan tayong lahat na magka-anak ngunit isaalang alang natin ang magiging kinabukasan ng ating magiging anak
Gastusin mula sa pagbubuntis hanggang manganak at sa pagpapalaki ng bata ay tiyak na mahirap lalo na kung ang mga magulang ay mga minor pa lamang Maaari ring mapahamak ang inang nagbubuntis sapagkat ang katawan niya ay hindi pa handa manganak dahil bata pa at maaari niya itong ikapahamak. May mga proteksyon tayong tinatawag upang maiwasan ang maagang pagbubuntis, mga kagamitang ginagamit sa tuwing nakikipagtalik kung may kakayahan namang bumili ay huwag magdalawang isip na bumili. May iba na kinakahiya o nahihiya sa tuwing bumibili ng mga ito ngunit sa katunayan ay wala namang nakakahiya, normal ito at nakalaang gamitin para sa pakikipagtalik umiwas sa tinatawag na maagang biyaya kung alam mong hindi mo pa kayang buhayin ang sarili mo at ang batang dinadala mo.
Una pa lamang maling gawin ito ng minor de edad o mga batang wala pa sa wastong gulang, mag-aral ka muna at ayusin yang buhay mo bago ka magdagdag ng panibago Walang masama sa pakikipagrelasyon alamin lamang ang limitasyon at huwag ka masyadong papadala sa nararamdaman ng iyong katawan, dalawa namang kayong may utak sana gamitin ninyo sa tama at maayos na desisyon. ‘wag masyadong pasarap alalahin mong ikaw din ay may pangarap Mga kapwa kabataan isipin ang kinabukasan Ang pagbubuntis ay dipa naaayun sa ating edad Ang magandang solusyon upang maiwasan ito itigil ang maagang pakikipagrelasyon Lalo't kung kilala mo naman ang sarili mo at alam mong hindi ka marunong mag control. Magkaroon ka ng pangarap na sa alam mong ikauunlad mo at hindi ng ikakababagsak mo. Tandaan mong isang kang batang pilipino at Ikaw ang pagasa ng bayan