
1 minute read
POSISYONG PAPEL (PINAL)
from PORTFOLIO_QUERUBIN
by Kim Querubin
"Pagsusulong ng Legalisasyon ng Marijuana bilang Terapewtikong Gamot sa Republika ng
Pilipinas: Isang Panawagan para sa Pagpapawalang-bisa sa mga Pagbabawal sa
Advertisement
Pangangalakal at Pangangasiwa ng mga Tanim ng Marijuana sa Buong Bansa"
Pahayag ni Kimberlee Anne C Querubin sa ukol Pagsusulong ng Legalisasyon ng Marijuana bilang Terapewtikong Gamot sa Republika ng Pilipinas
Panimula
Ang Pilipinas ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya na may makulay na kasaysayan. Sa loob ng mga taon, nakaranas ang bansa ng mga pagbabago sa pamamahala, kultura, at ekonomiya na nagdulot ng iba't ibang mga suliranin sa kalusugan. Isa sa mga suliraning kinaharap ng Pilipinas ay ang paglaganap ng mga sakit. Sa kasalukuyan, mayroong mga pag-aaral na nagpapakita na ang marijuana ay maaaring magkaroon ng potensyal na maging gamot sa ilang uri ng sakit. Gayunman, sa Pilipinas, ang paggamit, pagmamay-ari, at pagbebenta ng marijuana ay ipinagbabawal. Ang marijuana, na kilala rin sa pangalang scientific name na Cannabis sativa, ay mayroong mga gamit bilang gamot, rekreasyon, at pang-industriya, na tugon sa mga pangangailangan ng tao. Sa kabila ng mga hamong ito, nagpapakita ang mga pag-aaral na ang marijuana, isang uri ng halamang gamot, ay may potensyal na magdulot ng positibong epekto sa kalusugan ng mga Pilipino. Ang mga aktibong kemikal na matatagpuan sa marijuana, tulad ng cannabidiol o CBD, ay mayroong mga potensyal na gamit sa pagpapagaling ng iba't ibang uri ng sakit.