2 minute read

JOSEPH MARCO LEVELS UP

By Nonie V. Nicasio

Advertisement

Isa si Joseph Marco sa kilalang hunk sa bakuran

ng aBs CBN, although nagsimula siya bilang bahagi ng 15 new discoveries ng GMa artist Center noong september 2007 at naging parte ng TV shows na La Vendetta at Dyesebel ng Kapuso Network.

Si Joseph ay 31 years old. He is of German, Italian and Spanish descent sa father side. Siya ay nagtapos ng high school sa Faith Christian School sa Cainta, Rizal. Sa kasamaang palad, hindi na siya nakapagtapos ng kolehiyo nang agawin na ng showbiz ang kanyang oras.

Taong 2010 naman nang lumipat si Joseph sa ABS CBN at ngayon ay bahagi ng Star Magic ang binata.

Among his notable projects for the Kapamilya Network are Pasion de Amor na pinagbidahan nina Ejay Falcon, Jake Cuenca, Arci Muñoz, Ellen Adarna, at Coleen Garcia. Kasama rin si Marco sa Dolce Amore na tinampukan nina Liza Soberano at Enrique Gil; Wildflower starring Maja Salvador; at Los Bastardos na tinampukan nina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Albie Casiño, Kylie Versoza, Maxine Medina, Ritz Azul, at iba pa.

Isa sa biggest projects ni Joseph so far ay ang kanyang unang international acting stint, ang HBO Asia crimedrama series The Bridge. Base sa kanyang Instagram post, last December siya nagsimula sa second season ng naturang series, kasama ang ibang international actors. ”Where did life take me today? It’s my first day of shooting here in Kuala Lumpur. Feels very surreal doing my first ever acting stint abroad! It’s such an overwhelming experience to be able to work with international production and I really am grateful for it! So thrilled to announce that I’ll be part of the second season of #TheBridge.SGMYMCPH”

Ilan sa mga international performers na kasama ni Joseph dito ay ang Malaysian na si Bront Palarae, ang Singaporean na si Rebecca Lim, at ang Indonesian na sina Ario Bayu at Miller Khan.

Ang second season ng The Bridge ay inaasahang eere sa early 2020.

Sa pelikula naman, magsasama sa isang proyekto under Viva Films sina Joseph, Nathalie Hart, at Ryza Cenon na may working title na Kunwari... Mahal Kita. Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Dick Lindayag.

Samantala, na-link si Joseph sa dalaga ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde. Close kasi talaga sina Joseph at Ria, pero kapwa pinabulaanan ito ng dalawa.

Ilang buwan na ang nakalilipas, inamin ni Joseph na magkarelasyon na sila ng beauty queen na si Celeste Cortesi, ang nagwaging Miss Earth Philippines 2018.

Ipinahayag kamakailan ni Joseph na maayos ang relasyon nila ni Celeste.

“Okay naman kami, we’re happy… almost ten months na kami,” pahayag ng actor.

Nabanggit din ni Joseph na wala pa naman silang planong mag-settle down ni Celeste.

“Marami pa kaming gustong gawin and right now I’m studying Film Making, kasi gusto ko rin pasukin ang behind the camera,” wika ni Joseph.

Target ba ni Joseph na maging director someday?

“Siguro roon din papunta, but right now, I just want to be involved in everything sa production stuff, pero behind the camera,” sagot niya. • BG

This article is from: