3 minute read

ANNE CURTIS AND JASMINE CURTIS SMITH

Advertisement

By: Nonie V. Nicasio A NNE Curtis and Jasmine Curtis-Smith are two of the more famous showbiz siblings in the industry. They’ve both proven their worth as good actresses, respectively.

Melbourne, Victoria. Ang mga magulang nila’y sina James Curtis-Smith, an Australian lawyer, at Carmencita Ojales na isang Filipinang tubong Pangasinan.

Although si Anne ang masasabing mas nakauungos sa popularidad, ang 25-year-old namang si Jasmine ay may maipagmalalaki na ring accomplishments sa kanyang Ate Anne, tulad ng mga acting awards na natamo nito.

Kabilang dito ang Best Supporting Actress award sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2013 sa pelikulang Transit at Best Breakthrough Performance by an Actress sa 11th Golden Screen Awards noong 2014 para sa parehong pelikula. Noong 2016 ay sinungkit ni Jasmine ang una niyang Best Actress award sa pelikulang Baka Bukas sa Cinema One Originals. At noong 2017 MMFF ay muling nanalo bilang Best Supporting Actress sa pelikulang Siargao. Bilang isa sa Princess ng TV5 noon, nagsimula ang kanyang journey sa showbizlandia via TV5’s Pidol’s

Wonderland noong 2011. Ang film debut naman ni Jasmine ay naganap the following year sa pelikulang Puti, isang psychological thriller na tinampukan ni Ian Veneracion.

Sa paglipat niya sa GMA-7, ang ilan sa nagawang proyekto ng aktres ay Pamilya Roces at Sahaya. To date, ang masasabing biggest project niya sa Kapuso Network ay ang local adaptation ng hit Korean TV series na Descendants of the Sun. Si Jasmine ang gaganap sa role ni Doctor Kang Me-Yeon na ginampanan ni Song Hye-Kyo sa naturang original series. Sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino ang leading men niya rito.

Ang 34-yeard-old namang si Anne ay isa sa pambato ng Viva Artist Agency at ng Kapamilya Network. Regular na napapanood si Anne sa It’s Showtime at isa sa pinaka-in demand na lead actresses ng industriya. Bukod sa pagiging recording artist, isa si Anne sa patok na concert performer ng bansa.

Nagsimula ang karera ni Anne sa mundo ng showbiz sa murang edad. Una siyang nabigyan ng break sa GMA-7 drama series na Ikaw Na Sana starring Angelu de Leon at Bobby Andrews. Nakilala nang husto noon si Anne nang maging bahagi ng patok na youth oriented TV show na TGISSecond Batch kasama sina Dingdong Dantes, Polo Ravales, Ciara Sotto, Antoinette Taus, at iba pa.

Sa pelikula naman, taong 1997 unang napanood si Anne sa Magic Kingdom ng Viva Films na entry sa 23rd Metro Manila Film Festival.

November 12, 2017 naganap ang isa sa mahahalagang bahagi ng buhay ni Anne nang ikasal sila ng 32-yearold French-Filipino restaurateur at food blogger na si Erwan Heussaff sa Queenstown, New Zealand.

Sa ngayon, madalang mang bumisita sa Australia ang Curtis sisters, kapag may time ay priority nila lagi na dalawin ang kanilang mother na naka-base sa Australia.

Last March, si Jasmine ay nagtungo sa Melbourne, Australia para tumulong sa pag-aalaga sa kanilang ina na sumailalim sa minor surgery. Sumunod naman si Anne sa pagdalaw dito matapos ang trabaho ng aktres sa Canada.  BG

Photo from Anne Curtis Instagram account