
13 minute read
Mga na-generate na prompt mula chatgpt
from A.I. NAKU!


Advertisement


Eksena 1

Lugar: Tindahan
Si Maria ay nagtitingin ng mga damit sa isang tindahan nang biglang bumagsak ang isang stack ng mga damit sa tabi niya Tumulong siya sa pag-aayos ng mga damit at nagkaroon sila ng maikling pag-uusap ng may-ari ng tindahan.
Ukay-Ukay ni Jennrose Llagas
Nilibot ko na ang kabuuan ng lugar ngunit wala pa rin akong mahanap na babagay sa aking katawan. Marami namang magaganda, sadyang hindi lamang ako makuntento, at tila may hinahanap-hanap pa akong mas akmang anyo ng damit para sa ikalabingwalong kaarawan ng aking kaibigan.
Nagtingin-tingin ako sa ikalawang palapag ng lugar. Mabilis kong pinuntahan ang linya ng mga bestida Nakakasilaw ang neon green na kulay ng mga nakalinyang hanger habang ang mga suot-suot nitong tela’y mayroong ibat-ibang disenyo tulad ng polka dots, bulaklakin, at stripes. Bakas din sa mga ito ang mga alaala ng mga nagdaang may-ari.
Mapapansin ang mga kulay kapeng bestida na nararapat na kulay puti, ang iilang mga kamiseta na may mantsa at punit sa laylayan ng mga ito, at ang amoy ng mga nakasampay na damit na tila ilang taon na itong hindi nailabas sa baul.
“Mahilig ka ba sa mga pangmatandang bestida, iha?” pabulong at nakangising sambit ng matandang babae habang tinutulungan ko siyang magpulot.
Siguro’y nasa sitenta anyos na ang ale sa aking harapan Nakakatuwa, ngayon lamang ako nakakita ng matandang pustura kung pumustura. Nariyan ang makakapal na red lipstick sa kaniyang labi, ang itim na itim na eyeliner sa kaniyang mga mata, idagdag pa ang makakapal na perlas sa kaniyang leeg, at matitingkad na pulseras sa kaniyang mga pulso. Ngunit ang pinakanapansin ko sa kaniya ay ang kaniyang mga kuko, tila nangingitim na ito hanggang sa gitnang bahagi ng kaniyang mga daliri, bakbak na ang mga balat, at hulmang-hulma ang kaniyang buto.
Matapos ko siyang tulungan ay may inabot siya sa aking isang pulang bestida. Libre na raw ito ng lugar. Tumango lamang ako sa kaniya at pinagmasdan ang pulang bestida na kaniyang binanggit. Ang linis ng pagkakaburda ng damit. Makapal ang tela at makinis. May mga maliliit din itong patterns na nakapalibot sa buong tela
Magpapasalamat sana ako sa matandang babae ngunit hindi ko na ito naituloy dahil wala na siya sa aking harapan. Luminga-linga ako sa aking paligid. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang kahabaan ng mga damit, ang kahera, at ang hawak kong pulang bestida
Eksena 2


Lugar: Paaralan
Si Juan ay naglalakad sa corridor ng paaralan nang may makabangga niya si Pedro Nagkaroon sila ng di- pagkakaintindihan at nagtapat ng saloobin.
CSC ni Kat Dalon
Nagtitipa si Juan cellphone niya, magpapadala siya ng mensahe kay Pedro. Nais niya itong kausapin dahil dalawang araw na itong hindi namamansin sa kanya Sinumbong niya kasi kay Bonel na may gusto si Pedro sa kanya. Nakatutok lang ang mata niya sa screen habang naglalakad, hindi siya nakatingin sa daan kaya hindi niya namalayan na nabangga na niya si Pedro Naisip niya ito na ang tamang pagkakataon para mag-csc sila ni Pedro.
“Oi, kumusta lek?’ tanong ni Juan kay Pedro
“Ayos lang, ikaw ba?” pabalik na tanong ni Pedro.
“Pwede ba tayong mag-usap, ” sabi ni Juan, bilang pagsang-ayon. Tumango si Pedro

Naglakad sila papunta sa pinakadulo ng koridor Paborito nilang spot yon, doon sila tumatambay lagi dahil may electric fan Nong nilapat na nila ang puwet nila sa lapag, diretsong tiningnan ni Juan ang malamlam na mata ni Pedro.
“Nagpakat kami kanina sa tambayan ng Vinzon, bukas na kasi ang anibersaryo ng Kidapawan massacre Pitong taon na ring walang hustisya hustisya ang pamamaslang sa North Cotabato Masaya kanina yong pakat, kasama ko sina Neo pero malungkot ng unti kasi hindi kita kasama. Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” tanong ni Juan.
“Oo. Nagtatampo ako, ikaw lang kasi sinabihan ko n ’ on tas sinabi mo kay Bonel, sinabi ko naman na sa ’ yo na ‘ wag mo sabihin kahit kanino ‘Di mo nga sinabi kahit kanino, kay Bonel naman ” Salubong ang kilay ni Pedro habang sinasabi iyon kay Juan.
“Pasensya na ginawa ko ‘ yon Wala akong excuse doon, kapuna-puna talaga ang ginawa ko ” sabi ni Juan
“Hindi na tuloy namamansin sa akin si Bonel, pakiramdam niya tinraydor ko siya. Tropa kami non eh, yang bibig mo kasi walang filter,” malamlam ang boses ni Pedro habang sinasabi ito “Pero, nangyari na ‘ yon eh Buti na rin ‘ yon na sinabi mo, nalaman natin na wala talagang gusto sa akin si Bonel Pero sa susunod lek, ‘ wag mo ng sabihin kahit kanino yong mga sinasabi ko sa ’ yo na dapat tayo lang ang nakakaalam.”
“Sorry talaga, iigpawan ko yong mga kahinaan na iyon ” tugon ni Juan
“Ayos na ako, ang maganda naman ay nirekognisa mo ang kahinaan mo. Nagsorry ka sa ginawa mo at alam mong mali ‘ yon. Dahil diyan, libre mo ako ng kape sa laya, may bago akong paborito doon, caramel latte” patawang sinabi ni Pedro
“Sige sige, libre nalang kita para makabawi ako. Ikaw rin, pumakat ka kahit masama loob mo, sabihin mo sa akin.”
“Ganoon talaga, paano tayo uunlad niyan kung hindi tayo magpupunahan?” tugon ni Pedro Mas magaan na ang loob niya, hindi na mabigat Hindi katulad kanina na nababagabag siya dahil hindi sila bati ni Pedro. Ito ang pinakagusto niyang pakiramdam, ang pakiramdam pagkatapos ng criticism at self criticism.
Eksena 3
Lugar: Cafe

Si sofia ay nagtatrabaho sa isang cafe nang biglang may dumating na customer na mukhang malungkot Nag-iniatiate siya ng maikling usapan at nagbigay ng payo at komporta sa customer.
Paalam, Lola ni RC Placido
“Uy Rica, kumusta? Gusto mo ba ng tisyu?” tanong ni Sofia sa kaniyang kaibigan matapos ang kaniyang shift sa Coffee Bean Cafe. Singhot nang singhot habang hindi matanggal ang titig sa kaniyang cellphone.
“Te, nag-chat sa akin tatay ko ”
“Anong sabi?”
“P-p-patay na si lola ko,” pinakita ni Rica kay Sofia ang cellphone na naglalaman ng masalimuot na balita ng kaniyang tatay mula sa Messenger: “nalulungkot ako patay na si lola ”
Hinayaan ni Rica na ilabas ang kaniyang luha kasabay ang malakas na paghagulhol mula sa masalimuot na balita Yumakap siya kay Sofia para maibsan ang lungkot.
“Last week lang nakausap ko pa siyang masigla…Ba’t biglaan lang siyang… ki…kinuha sa ‘min,” hikbing pagsasalaysay ni Rica. “Hindi ko lu-lu-lubos maisip na hu-hu-huling beses ko na s ’ yang maririnig ”
“Sige lang, iiyak mo lang ‘ yan mars, ” sabi ni Sofia habang hinahaplos ang likod ni Rica. “Noong namatayan ako ng tatay, hinayaan ko lang yung emosyon ko na iproseso yung mabigat na pangyayari na iyon. Nagkulong lang ako sa kuwarto. Hindi rin ako pumasok ng dalawang linggo nu ’ n kasi tumulong ako sa pamilya na mag-asikaso ng burol at saka prinoseso yung pagkawala niya ”
Niyakap nang mahigpit ni Sofia ang kaibigan sabay abot ng tisyu. “Kaya mars, ayos lang magluksa. Take your time para pagnilayan lahat ng bagay,” dugtong niya.
“Salamat te. Salamat at… dinamayan mo ako sa… panahong ito,” sabi ni Rica na patuloy ang pagsinghot sa kaniyang uhog.
“Naku walang problema ‘ yun, ” tugon ni Sofia. Inakbayan niya si Rica habang siya ay nagpupunas ng kaniyang luha’t uhog
“O may nag-chachat ata sa iyo,” pagpansin ni Sofia sa pagtunog ng cellphone ni Rica.
Tiningnan ni Rica ang kaniyang cellphone. Bumulwak ang kaniyang inis dahil sa nakita “Lintik iyan ‘tay,” wika ko niya
“Bakit? Anyare?” pagtataka ni Sofia.
Pinakita ni Rica ang kaniyang phone na may larawan: “Paalam, Lola. Ikaw ay ititinola Panabong kong dakila ”
Eksena 4

Lugar: Bus stop

Si Miguel ay naghihintay sa bus stop nang biglang mabasa ng malakas na ulan. Nagsilipan siya ng panandalian sa payong ni Sarah at nagkaroon sila ng masayang pag-uusap habang nag-iintay ng bus.
OPEN-MINDED NA SI PACMAN? ni Ralph Agarcio
Darating na ang bus sa loob ng dalawampung minuto. Itatapon ko na sana ang supot ng nilantakan kong mani nang biglang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Ginawa ko na lamang panangga sa anggi ang dala kong folder.
Nakalimutan ko na naman kasi ang payong sa opisina. Maya-maya pa ’ y may lumapit sa aking babaeng hindi ko makilala dahil balot ang kalahati ng mukha nito ng facemask Isinukob niya sa akin ang dala-dala niyang payong
“Miguel ‘Ulyanin’ Abejo, kaya pa?”
Napakunot ang noo ko ng ilang segundo hanggang sa makilala ko ang boses na iyon.
“‘Wag tayong judger, sis. Ito na lang kasi ‘ yung natira sa bangketa. Mahirap mahuli ng pulis, walang nang pampyansa sa’kin,” pagsabad naman niya.
“Pero Miggy, sa dating insurance company ka pa rin ‘di ba?”
“Oo.”
Dalawang buwan na rin mula nang alukin ko si Sarah ng life insurance package. Pag-aalala ko na rin dahil sa kaliwa’t kanang cremation noong kasagsagan ng pandemya Ngunit dahil sa gastos sa panganganak at malaking pagkakautang ng talyer ni Dennis, tinanggihan niya ito. Sinubukan kong banggitin ulit ito sa kanya pero bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa biyenan.
“Po? Ba’t ngayon n ’ ya kasi hinatid ‘ yung motor? Sa’ng ospital ‘to, Nay?”
Ang maayos na kumustahan namin ni Sarah ay agad na binasag ng isang masamang balita. Doon, unti-unting sumabay ang pagpatak ng kanyang luha sa buhos ng ulan. Buhay at kamatayan ang pinag-uusapan dito ngunit mahihirapan ang ilang taong seryosohin ang eksenang kanilang nakikita.
Tumatangis na babaeng suot ang facemask na may nakangiting Pacquiao ang larawan ni Sarah
Nang lumupaypay na ang kaliwang kamay na tangan ang cellphone, batid ko na. Magiging mabigat ang mga susunod na pangyayari para sa kanilang pamilya. Eksenang lagi kong nakikita sa mga kliyente habang ginagawa ko ang aking trabaho kinakausap ang naulila at inihahanda ang salaping makukuha nila mula rito.
“Oh! Apalit na, byaheng Apalit na!”
Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ako nasagip ng sigaw ng barker mula sa pagkalunod sa anggi at pagkabigla. Ang tanging malinaw lang sa akin, hindi pa ako handang pumanhik sa hagdan ng bus.
Eksena 5
Lugar: Park santuwaryo ni Eloisa Mesina

Si Ana ay naglalakad sa park nang biglang makita niya si Daniel na nagbabasa ng libro sa isang bench. Nagpalitan sila ng mga kuro-kuro tungkol sa libro at nagkaroon sila ng komunikasyon sa iba't ibang mga interes.
MADALING-MADALI SI ANA maglakad papunta sa gusali ng UP Baguio Alumni. Tumatagaktak ang kanyang pawis habang mabagal na umuurong ang kanyang mga paa dahil sa sira nitong suwelas Habang kinakaskas ang sapatos sa aspalto, binaybay ni Ana ang tarangkahan ng Sunshine Park, ang daang mabato sa bukana nito, at ang malawak na hardin sa paligid.
Habang naliligaw si Ana sa kanyang pag-iisip, napatigil siya at biglang nanlamig ang katawan sa kanyang nakita.
Totoo ba ito?
Nakatutok siya sa isang libro na The Catcher in the Rye ni J D Salinger–-ang paborito niya. Walang kupas, kamukha pa rin nito ang ka-buddy niya noong kolehiyo. Makapal ang kilay. Matangos na ilong. Walang nagbago, maliban sa buhok nito na dati’y hanggang leeg
“Daniel,” pumiglas ang kandadong nagpiit sa lalamunan ni Ana sa isang bulong. Parang kinukurot ang kanyang puso Kailan lang? Bakit dito?
Hindi siya narinig. Ilang beses nagtangka si Ana na hulihin ang tingin niya sa pagkaway, pero napagkit na muli ang direksyon ng mukha niya sa libro.
“Daniel?” nanginginig na sabi ni Ana
Nag-flashback sa utak ni Ana ang kanilang paghahanap. Si Daniel, isang indigenous peoples rights advocate, isang desaparecido Mapagmahal at masipag na kasama. Nawawala simula ika-28 ng Abril, taong 2023. Inisa-isa nila ang bawat kampo, nagrali mula Quezon City hanggang Tarlac, at nag-interbyu ng kung sinu-sino Araw-araw, nagkakalkal ng impormasyon Araw-araw, sila ang laman ng bawat diskusyon, room-to-room, at mga polyeto. Halos hinalughog ng mga kasama ang bawat pulo.
Tumingala si Daniel kay Ana, kita ang namumuong ngiti sa gilid ng kanyang labi.
“Uy, Ana Nag-oorganisa ka pa rin ba dito?” tanong ni Daniel
Namula ang mga pisngi ni Ana, lumabo ang kanyang mga mata sa nakaambang luha Nakaluhod, tila nabasag na pader ng dam ang bawat buhos ng iyak ni Ana sa gitna ng Sunshine Park
Tapos na ang trahedya. Tapos na ang pag-aalala.
Eksena 6

Lugar: Opisina
Si Olivia ay nagtatrabaho nang biglang lumindol. Nagkakagulo ang mga empleyado at siya ay nakipag-tulungan kay Gabriela upang makalabas ng ligtas sa opisina.
4:00 pm ni Dave Babon
Nagkukumahog na ang mga empleyado na makaalis sa kanilang cubicle Napatili at napasigaw ang mga naroon nang sila’y sinorpresa ng matinding pagyanig ng sahig Maririnig naman sa ikalimang palapag ang kalabog ng mga paang madiin ang bagsak at mga kamaong pumupukpok sa CPU ng computer Naroon ang dalawang babaeng natataranta hindi sa banta ng kanilang buhay kundi sa banta ng deadline
“Tangina naman. Ba’t ayaw bumilis-bilis nito. Mamamatay yata tayo rito.”
“Uy Liv, ‘ wag mo ngang sabihin ‘ yan. ”
“Sige nga, Gabby Anong ikagaganda ng sitwasyon natin ngayon? 60% pa lang ang nata-transfer sa computer na’to.”
“Wala nang ibibilis ‘yan? Kailangang may maipakita tayo sa boss natin. Kung hindi, bokya tayo ngayon ”
“Jusko. Ayokong makita ulit yung mukha niyang busangot. Ang asim.”
“True ka diyan, day. Kung umasta feeling hari ng Tondo. ‘Kala mo mataas magbigay Hindi nga tayo binigyan ng sahod sa unang sabak natin ”
“Ay naku, alas kuwatro na. Nasa’n na ba mga kasama natin?”
“Malamang iniwan na lang tayo rito. Mga gago talaga.”
“Mga lalaki talaga.”
Ilang minuto na ang lumipas at hinugot na ni Liv ang flash drive sa kompyuter. Hinablot niya ang kamay ni Gabby at kumaripas sila ng takbo papunta sa hagdan Nilalaktawan ang mga bubog na kumalat sa sahig Lumabas sila sa fire exit at tumungo sila sa isang van kung saan ay inabangan sila ng apat na lalaki— isang tagamaneho, dalawang mama at isang naka-leather jacket na naabutan nilang nagkukulot ng bangs nito
“O lagpas 4 na. Liv, na-hack mo ba system nila?”
“Yes, boss. Hanapin ko lang yung database nila at makaka-jackpot tayo.”
“Ikaw naman Gabriela? Baka masayang lang ang itinanim naming bomba sa ilalim ng Star Bank. Kawawa naman itong sina Joevan at Barak. Lumusong pa sila sa imburnal. Mabuti at nagkasya sila sa manhole.”
“Sorry na boss kung natagalan Sobrang secured kasi ng monitor room Napatagal ako sa pagpatay ng mga CCTV at pagbura ng mga footage. Ambigat din ng guwardiya kaya naparami ako ng chloroform.”
“Okay lang ‘ yan Gabriela Maganda ka naman sa suot mong ‘ yan Bagay sa ‘ yo ”
“Sus! Hindi mo ako madadaan sa ganyan Antagal namin do’n pero walang rumesbak.”
“Tama ka, Gabby. Uy Joe, Barak, anlalaki ng katawan niyo, mga duwag naman. Pisatin ko kayo eh ”
“Relax lang kayo. ‘Pag nakuha natin ang pera, samgyup tayo.”
Eksena 7
Lugar: Gym
Si Patrick ay nag-eensayo sa gym nang biglang may sumali sa kanyang workout session. Siya ay si Benjamin, isang fitness enthusiast. Nagkaroon sila ng kompetisyon at nagtulungan sa kanilang mga routines.
GYM-BRO GERMAN FAIRY TALE

ni Gab Gulle
Halos kalahating-oras na ginagamit ni Patrick ang treadmill sa gym na nasa 30th floor ng kanyang condo. Gusto niya na mas gumaling ang kanyang cardiovascular endurance Nasa tapat ng bintana ang mga treadmill sa gym, kaya mas ginaganahan siya magpatuloy.
Tumigil siya, uminom ng tubig, at nagpahinga nang sampung minuto Naisip niya na umulit nang biglang may bumati sa kanya.
Hoy, ikaw Baguhan ka ba dito?”
“Oo. Bagong gym ko ‘to. I’m Patrick, and you are…?”
“Benjamin Bakit ang bagal mo sa treadmill?”
“Hindi ako magaling sa cardio, eh Bago lang ako ”
“Kung mabagal ka, hindi ka gagaling. Pabilisan tayo, ano?
Pumayag si Patrick pagkatapos ng ilang beses na pagpupumilit. Kumuha sila ng tig-isang treadmill at dahan-dahang dinagdagan ang bilis nito
“Ano, kaya mo pa?”
Ilang minuto ang lumipas nang pinatay ni Patrick ang treadmill niya at umalis
“Hoy! Konting bilis lang titigil ka na?”
“Ayos na ako. Hindi na kaya ng puso ko, eh. You win. Okay na. ”
“Bahala ka diyan! Hindi pa ako tapos.”
Lalong binilisan ni Benjamin ang kanyang treadmill. Natuwa si Patrick noong una, ngunit ngayon ay unti-unti na siyang nag-aalala.
“Pare, okay na! Panalo ka na! Bakit nandiyan ka pa rin?
Tila hindi siya naririnig. Pipindutin niya sana ulit ang speed setting nang bumulagta siya at binato ng treadmill nang napakabilis sa bintana. Rinig ng buong gym ang pagkabasag nito at ang humihinang sigaw ni Benjamin
Dumungaw silang lahat sa bintana. Hindi nila makilala si Benjamin dahil mataas sila. Siya ay isang napisat na pulang pagsasama ng mga lamanloob, isang ubas na nahulog sa sahig at naapakan. Tinaboy ng asong-gala ang kanyang kanang kamay, at hinahabol ito ng isang paramedic
Simula noon, hindi na nag-workout si Patrick malapit sa bintana
Eksena 8
Lugar: Beach
Si Isabella at ang kanyang mga kaibigan ay nagpunta sa beach para sa isang outing. Naglaro sila ng beach volleyball at nag-enjoy sa pagswimming at pagkakasama-sama.

Beach Outing
ni Angel Mae Enoc
Nakapatong ang isang paa habang seryosong nakatitig sa screen ng laptop si Isabella nagbabasa ng ilang mga babasahin na binigay ng kanilang propesor sa SFA 22.
Patapos na ang kanilang semestre, tambak na ang mga pinal na gawain sa ibang klase
“Excuse me, you have a text message, ” tunog ng ringtone ng messenger ni Isabella
Tiningnan niya lang ito sa screen kung sino nag-message sa kanya– mula sa group chat ng kanyang mga kaibigan.
“Ano, tara dagat La Union ?” aya ng isa sa kanyang kaibigan. “Sige ba, pagkatapos ng ating sem. Relaks muna tayo ganurn, ” reply ng isa pa.
Hindi muna binubuksan ni Isabella ang kanyang messenger, tinitingnan niya lang ito sa lock screen ng cellphone habang nagpapatuloy sa pagbabasa Apat silang magkakaibigan na parehong nasa ikalawang taon sa College of Fine Arts Patuloy na tumutunog ang messenger ni Isabella nag babatuhan na ng plano ang tatlo niyang mga kaibigan Hindi na muna niya ito pinapansin dahil kailangan niyang matapos ang pagbabasa
Bandang alas dos na nang madaling araw natapos ni Isabella ang kanyang binabasa. Nainip na siya kaya kinuha na muna niya ang kanyang cellphone at tinapon ang sarili sa higaan inat-inat ang katawan. Hindi pa rin nahinto ang paguusap ng kanyang mga kaibigan kaya binuksan na niya ang kanyang messenger.
“Parang walang mga gagawing pinal na mga papel a!” sabay click ng send sa kanilang group chat.
“Uy, Isabella ‘ wag ka na umangal tapos na kami magplano para sa outing natin sa La Union. Sama ka na lang,” reply ng isa niyang kaibigan.
“Okay! Siguraduhin na tuloy na ‘ yan a!” sagot ni Isabella habang nakangiti at may naisip.
Tumayo mula sa higaan at kinuha ang iPad Mabilis siyang gumuhit ng magkakaibigang naglalaro ng beach volleyball at nagtatampisaw sa dagat Kinuhanan niya ito ng larawan at ipinasa sa group chat sabay sabi “kung sakali hanggang group chat lang ang outing”
Lahat ay nag-react ng tawa sa chat ni Isabella
Hamon sa mambabasa: Gumawa ng iyong sariling dagli batay sa prompt 9 at 10.

Eksena 9:
Lugar: Concert Venue
Si Sofia at Gabriela ay nagpunta sa isang live concert. Nag-enjoy sila sa mga kanta at sayaw habang naglilibot sa lugar atnaghahanap ng magandang spot sa harap.
Eksena 10:
Lugar: Bahay

Ang buong grupo nina Juan, Maria, Pedro, Ana, Daniel, Sofia, Miguel, Olivia, Gabriela, at Benjamin ay nagtipon sa bahay ni Isabella para sa isang salu-salo.
Nagkainan sila, nagkuwentuhan, at nagbahagi ng mga natatanging karanasan at mga tawa.