
1 minute read
LARAWANG SANAYSAY (PINAL) “PLANTITA"


Advertisement
Sa mundong ating kinabibilangan, ang mga bulaklak ay isa sa mga pinakamagandang bagay sa mundo na nagpapasaya sa buhay ng bawat isa sa maraming paraan Kapag mahirap ang buhay at nakakapagod makita ang liwanag sa dilim tanging bulaklak ang magpapamulat sayo Kaya, ang pagkakaroon ng isang positibong pag-iisip ay napakahalaga sa isang indibidwal upang ang kagandahan at kaakit-akit na halimuyak nito ay tiyak na magpapasaya sa mga espesyal na tao sa buhay mo.
Ang paglalakbay sa buhay ay isang pagsubok na dinadaanan at nagbibigay sa atin ng mga leksyon upang tayo’y maging isang matatag na tao tulad ng mga bulaklak na nagbibigay ganda kasabay ng paglalakbay, na kahit gaano man kadami ang pinagdadaanan sa buhay, babangon at babangon pa rin upang harapin ang mga bagay
Kung gayon, ang kahalagahan ng mga bulaklak sa pang-araw-araw na buhay ay nakakapagbigay ng pag-asa at lakas ng loob na sumulong Nakakatulong ito na mabawasan ang pagkabalisa sa pamamagitan ng pagpuno ng mga “happy hormones” na tinatawag sa ingles at nakakapagbigay ng tinatamasa mong pahinga.
Tingnan natin ang kahalagahan ng mga bulaklak na nagiging mahalagang bahagi ng ating pangaraw-araw na buhay. Isa na rito ang pagpapahayag ng iyong damdamin at emosyon sa isang espesyal na tao na hindi madaling gampanan. Ito ay maaaring mag-udyok ng isang masayang ngiti sa magandang mukha ng taong gusto mong mapabilib o paraan ng pagpapahayag ng pagmamahal sa unang pagkakataon
