
1 minute read
RESPONSIBILIDAD AT PANANAGUTAN

Nahasa ko ang aking pamumuno simula pa noong ako pa ay nasa dati kong paaralan. Nagsimula ako bilang Sergeant-at-Arms noong ikalimang baitang hanggang sa naging isang kalihim sa aking organisasyon sa Ateneo.
Advertisement

Natutunan ko kung gaano kahalaga ang pagpapahalaga ng pananagutan sa aking sinasakupang klase o organisasyon. Natatandaan ko pa noong pinuri pa ako bilang isang presidente sapagkat napapanatili ko ang balanse ng aking klase, bihira ang nagiging insidente ukol sa kasamaang asal at sinisigurado kong sinusunod ng mga kaklase ko ang tuntunin ng paaralan. Sa mga taon ng aking pamumuno, tiyak na matindi ang tiwala na binibigay sa akin ng mga guro at ibang kaklase kaya mahalaga na naisabuhay ko ang pagkakaroon ng pananagutan patungo sa akin at sa ibang tao.