










![]()











B Carl Joshua Pielago













Bilangpaggunita sa ika-25 na taon ng pagsusulong sa kaalaman ng mga iskolar sa larangan ng siyensiya at teknolohiya, ipinagdiwang ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol ang kanilang Foundation Week mula Oktubre 20 hanggang 28, 2023. Opisyal na binuksan ang selebrasyon sa isang patimpalak upang hirangin ang susunod na Mr. and Ms. PSHS-BRC kung saan nagwagi sina Chrysler Añonuevo ng Masbate at Amanda Guzman ng Naga City. Naganap kinabukasan ang isang motorcade bilang panimula sa Family Day na naging lunsaran ng pagkakataong magsama-sama sa kampus ang mga iskolar at ang kanikanilang pamilya mula sa iba’t ibang distrito at probinsiya.
Miyerkoles naman nang opisyal na binuksan ang STEM Exhibit para sa mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa labas ng Pisay. Kasabay nito ang Outreach Activity na pinangunahan ng Batch ’24 at ’25 na ekslusibo lamang sa mga bata mula sa napiling elementarya.
Ginanap din sa parehong araw

ang unang bahagi ng Pisay Market! Market! kung saan ibinida ng bawat grupo ng Alternative Learning Activity o ALA ang kani-kanilang mga produkto na sila rin ang nagdisenyo. Umabot ng dalawang araw ang itinagal ng nasabing aktibidad. Samantala, nagkaroon din ng selebrasyon ng banal na misa sa Huwebes ng umaga at pagkatapos nito ay nagtagisan sa isang quiz bee ang mga paaralan mula sa iba’t ibang panig ng rehiyong Bikol sa ginanap na Regional Sci-Math Battle. Kasabay nito, opisyal na ring binuksan ang Museum Exhibits sa parehong araw. Nang sumapit ang Biyernes, binuksan para sa lahat ang mga dormitoryo at ibinida ng mga iskolar na namamalagi rito ang paghahandang kanilang ginawa upang maging presentable ang mga pasilidad.
Kinahapunan, hinati ang mga bagong iskolar mula Baitang 7 upang matukoy ang kanilang kabibilangang house. Pagkatapos nito, nagkaroon ng exhibition game na balibol kung saan nagwagi ang Aqua-Terra laban sa Pyro-Ventus.
Pagkatapos ng inisasyon ng bawat house, nakipaghalubilo ang mga iskolar sa Scholar’s Night na ginanap sa himnasyo ng paaralan. Sa huling araw din ng pagdiriwang ginanap ang Career Talk ng mga iskolar mula Batch ’24 at ’25 na pinasinayaan ng mga bumisitang alumni ng Pisay-Bikol. A
wagi sa 11th
Matagumpay na nakuha ni Svetlana Viktoria Roxas, mag-aaral sa ika-11 baitang ng Pisay-Bikol, ang ikatlong gantimpala sa 11th Hippo International English Language Olympiad - World Finals na ginanap sa Rome, Italy noong Setyembre 27-29, 2023. Kabilang si Roxas sa tatlong Pilipinong naging kinatawan ng Timog-Silangang Asya at nagkamit ng puwesto sa nasabing pandaigdigang kompetisyon.
Ayon kay Roxas, nagulat siya sa resulta nang kinuha ng emcee ang hawak niyang watawat ng Pilipinas at ianunsiyo ang kaniyang ranggo.
“Lubos din akong nagalak dahil nagbunga ang aking pagsasanay bago ang kompetisyon,” dagdag pa niya ukol sa naramdaman niyang pagkapanalo.
Nagsimula si Roxas sa paghahanda sa tulong ni John Richard Moreno, gurong tagapagsanay ng English Unit, para sa Hippo 4 nang nabatid niya ang kaniyang pagkapanalo sa kategoryang panrehiyonal
sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Hulyo ng kasalukuyang taon. Sa kabila ng pagkamit ng ikatlong puwesto ng Pilipinas, itinanghal namang kampeon ang delegado ng Serbia at pangalawa naman ang Thailand.
Inaasam ng Hippo Olympiad ang pagsulong at pagsubok sa kaalaman sa wikang Ingles ng mga estudyante mula sa iba’t ibang lugar. Bukod pa rito, bahagi ng kanilang layunin ang pagpapaunlad ng pagkakapantay-pantay ng pandaigdigang pagkakakilanlan at integrasyon. A
Sa pagbubukas ng Taong
Panuruan 2023-2024, itinalakay ang mga polisiya ng Student Services Division (SSD) sa himnasyo ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol noong ika-23 ng Agosto 2023.
Pinamunuan ng SSD Chief na si Dr. Joy Olazo ang oryentasyon kung saan binigyang-pansin ang iba’t ibang uri ng paglilingkod na ibinibigay sa mga iskolar ng Pisay. Kabilang sa mga ito ang serbisyo ng mga tanggapan ng Guidance, Residence Hall, Health, at Registrar.
Ayon kay Dr. Olazo, pinahihintulutan na lumabas ang mga weekender na babae kapag Sabado at lalaki naman kapag Linggo ngunit limitado sa dalawang oras lamang. Dulot ng maaaring pag-abuso ng iskolar sa lagda ng magulang, hinihiling ni Dr. Olazo na ipakita ang larawan na may ID sa liham o magpadala ng email mula sa magulang.
lamang kung mayroong aktibidad sa eskuwelahan.
Bukod pa rito, kinakailangang makalabas ang mga externs bago lumampas ng 5:00 n.h. Ipinagbawal na rin ang pagkuha ng lagpas sa 5:30 n.h. ang pagkaing galing sa labas ng kampus.
Gayundin, ipapaalam sa magulang ang anumang paglabag sa alituntunin ng dormitoryo kapag nakakuha ng dalawang opensa at magiging kandidato sa pagtanggal sa dormitoryo kapag umabot sa anim na opensa.
Humihiling din ng pondo ang namumuno ng dibisyon ng Health Services sa mga opisyal ng GPTA o iba pang magulang para makapagbigay - tulong sa mga may sakit na iskolar sapagkat walang sapat na perang nakalaan dito.

Batay naman sa minimum public health standards ng DOH, karapatdapat na magsuot ng facemasks ang mga may sakit at wala pang bakuna. Isinagawa ang oryentasyon ito upang maipabatid sa mga magulang at iskolar ang mga bagong polisiyang kaugnay sa mga serbisyong ipagkakaloob sa mga estudyante para sa buong taong panuruan. A Mga
nitong ika-31 ng Agosto, 2023. D

Dahil sa bawas na bilang ng sikyo, inagahan ang oras ng pagpasok sa dormitoryo mula 6:45 n.g. ay naging 6:30 n.g. na ngayon maliban na


Upang maihanda ang bawat iskolar, guro, at kawani ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol, isinagawa ang taunang Earthquake at Fire Drill noong ika-21 ng Setyembre, taong 2023 sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP) Goa.
Naging pambungad sa buong kampus ang tunog ng alarm sa ganap na ika-3:00 n.h., hudyat ng pagsisimula ng drill. Duck, cover, at hold ang unang hakbang ng bawat isa sa kani-kanilang silid at tanggapan.
Sinundan ito ng serye ng implementasyon ng drill ng bawat tanggapan sa pamamatnubay ng BFP-Goa upang matiyak na maayos na naisasagawa ang mga inaasahang hakbang.
Pinangunahan naman ni Senior Inspector Vincent Albert Garchitorena ng BFP-Goa ang pagtalakay sa mga dapat gawin kapag nagkaroon ng lindol at sunog sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang paggamit ng fire extinguisher.
Natapos ang pang-umagang drill sa
ganap na ika-3:00 n.h. at oryentasyon ng panggabing drill ang muling isinagawa sa dormitoryo sa ganap na ika-7:00 n.g.
Samantala, pinagtuonan naman sa oryentasyon ng panggabing drill ang mga dapat maging hakbang ng mga iskolar at empleado ng dormitoryo kung paano maging ligtas kapag magkasunog sa loob ng gusali gayundin ang mga hakbang upang maiwasan ito.
“Congratulations again! We will up[grade] this on the next drill — i-uupgrade natin,” ani Senior Inspector Garchitorena bago matapos ang kaniyang talumpati.
Ipinangako niya na mas makatotohanan na ang susunod na drill upang mas masubok ang kaalaman ng bawat isa ukol sa dapat gawin kapag nagkaroon ng lindol at sunog.
Nagtapos ang drill sa ganap na ika8:00 n.g. sa pagbibibigay ng sertipiko at token sa mga dumalo at nangasiwa.
Pinaalalahanan din ang lahat na magpaabot ng kanilang mensahe sa BFP Goa sa numerong ito, 09997027195, kung sakali mang magkaroon ng emerhensiya. A
Bilang aksiyon sa mga hinaing mula sa mga iskolar at magulang, binabaan ng kantina ang presyo ng pagkain at ipinaliwanag ng tagapamahala nito na si Ma. Rosita Oliveros ang ilan sa mga polisiyang kanilang ipinapatupad sa oryentasyong ginanap sa himnasyo ng nasabing paaralan noong ika-23 ng Agosto 2023. Nanatili pa rin ang dalawang opsiyon ng pagbabayad sa kantina,
Matagumpay na naisadiwa ng bawat iskolar ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol ang tema ng pagkakaisa matapos isagawa ang Acquaintance Party sa kalagitnaan ng hapon ng ika-31 ng Agosto 2023.
Bilang pagpapatuloy sa nakagisnang tradisyon ng pagbinyag sa mga panibagong iskolar ng bayan at pagpapaunlad ng pakikisama ng bawat estudyante, pinangasiwaan ng Supreme Student Government ang nasabing programa.
Kaugnay sa pagpupunyagi sa Wikang Pambansa at Gawang Pinoy, naging sentro sa tema ng pagdiriwang ang Filipino Media. Hinati ang lahat ng

D Pisay-Bikol SSG

ANG SIMULA. Pinangunahan ng Supreme Student Governement (SSG) ang “First Day Hi!” para sa mga iskolar na nasa ikapitong baitang nitong ika-29 ng Agosto, 2023. Naging tradisyon na sa kampus ang nasabing programa upang magbigay ng maligayang pagbati sa mga bagong iskolar.
ang pay as you order at fixed meals. Bumaba naman ang presyo ng mga ulam na ngayon ay pumapatak na lamang sa halagang Php 40 hanggang Php 55. Ayon kay Oliveros, makasiseguro na ligtas ang mga pagkain na inihahanda nila dahil akreditado at rehistrado ng Cooperative Development Authority at Bureau of Internal Revenue ang Pisay-Bikol Multipurpose Cooperative. Mayroon
mga mag-aaral sa 18 na pangkat hango mula sa mga lokal na pelikula, teleserye, at TV shows na siyang naging basehan ng pagbabalangkas sa tatlong alyansa. Nagpagilas ang bawat pangkat ng kakayahang harapin ang iba’t ibang hamon sa bawat estasyong daraanan. Habang suot ang mga piyesa ng pagkakilanlan at dala-dala ang baner na inihanda ng bawat grupo bilang sagisag ng kanilang nagkakaisandiwa, sabay nilang ibinida ang kagalingan sa paggapang, paghula, at pakikibahagi. Pinangasiwaan naman ng mga piling kinatawan ng Alternative Learning Activity Clubs ang mga estasyong hinarap ng lahat ng pangkat. Sila ang nag-isip ng mga hamon at ang nagsabuhay ng kanilang idea upang
maging mas kalugod-lugod ang karera. Dahil sa kanilang ipinamalas na kahusayan, inuwi ng Wildflower ang unang gantimpala sa pangkalahatan at sila rin ay ginawaran ng Best Identity. Sinundan naman ito ng pangkat Kimmy Dora, habang pangatlo sa puwesto ang Dirty Linen. Ang La Luna Sangre ang nagsungkit ng Best Banner, kung kaya’t hinirang na Best Alliance ang kinabibilangan ng mga pangkat tungkol sa teleserye. Nagwakas ang programa pagsapit ng ika-5 n.h. May mga umuwing wagi, ngunit mayroon ding luhaan, pawisan, at dumihan — subalit ang lahat ay may panibagong pagpapakahulugan sa pagkakaisa at pagsasama-sama ng sambayanan. A
Bilang bahagi ng panimula ng panuruang taong 2023-2024, pinangasiwaan ng Supreme Student Government (SSG) ang kauna-unahang First Day Hi! para sa mga bagong iskolar mula sa Batch ‘29 sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol noong ika-29 ng Agosto 2023. Kasabay nito, inilunsad din ang Freshie March sa pamamagitan ng pagbigay ng mga pin at kaunting mensahe ng mga dating iskolar mula Baitang 8 hanggang Baitang 12 sa mga iskolar na mula sa Batch ‘29.
Samantala, ibinahagi rin ni SSD Chief, Dr. Joy Olazo, ang kaniyang mensahe sa mga baguhan bago magsimula ang mga laro. Pinagdiinan niyang dapat hindi lamang batchmates o magkaklase ang turingan ng mga lalahok sa laro kundi pati magkakampi.
“Success is not just about individual achievement but also about the collective accomplishments you achieved as a group”, aniya ni Dr. Olazo.
Bukod pa rito, pinagtuonan din niya ang pagtutuklas at pagpapaigting ng pagkakaibigan at pagpapaunlad ng husay sa pamumuno ng samahan sa pamamagitan ng ginanap na aktibidad.
Bago magsimula ang karera, ipinakilala nina Aeon Jade Visitacion at Aaron Cordial ang bawat kinatawan ng SSG at ang kanikanilang tungkulin. Nagbigay rin ng ilang mga paalala ang pangulo ng SSG na si Reya Gomez upang maseguro ang kaligtasan ng lahat ng iskolar.
Sa pagtatapos ng laro, nakamit ng grupong Duck ang unang gantimpala samantalang nakakuha ng ikalawang gantimpala ang grupong Lion at ikatlo naman ang grupong Monkey.
Ilan din sa mga naging tampok na estasyon ang Water you Doin’?, Welcome Egg Hunt!, at Meeting Logs.
Isinagawa ang aktibidad na ito upang mabigyang oportunidad ang mga bago at datihang iskolar na makilala ang isa’t isa at mapagtibay ang kanilang samahan. A
din silang superbisor na nagtitiyak sa kalidad ng mga pagkain at produkto bago ihain at ibenta. Tiniyak din ni Oliveros na malinis ang pasilidad at ang mga staff sapagkat madalas silang sumasailalim sa mga laboratoryong pagsusuri. Bumuo rin sila ng komite na konektado sa GPTA upang mas madaling makakuha ng mungkahi galing sa mga magulang. Maaari ding magpapalit ng ulam ang mga nakapirma kung halimbawa ay bawal sa kanila ang nakatalagang pagkain sa araw na iyon. Magbibigay ng talaulaman ang kantina bawat buwan upang magkaroon na ng idea ang mga iskolar sa pagkain na ihahain. Samantala, naka-iskedyul naman araw-araw ang almusal nang 5:00 n.u., tanghalian simula 10:00 n.u. - 1:30 n.h., at hapunan naman tuwing 4:30 n.h. - 7:00 n.g. Nagbabago ito depende sa iskedyul ng mga iskolar at sa mga okasyong ginaganap sa kampus. A

Ginanap ang pagdiriwang ng Araw ng mga Guro noong ika-29 ng Setyembre, 1:30 ng hapon, sa himnasyo ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol, na may temang “Stars Behind the Silver Screen” bilang pasasalamat sa mga guro sa kanilang serbisyo at dedikasyon sa pagtuturo.
Pinangunahan ang nasabing selebrasyon nina Aeon Visitacion at Isabella Perez sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga guro mula sa iba’t ibang yunit.
“Tunay na kapag Pisay ka, magaling ka. Dahil ang aming mga guro ang mga pinakamagaling, pinakamatalino, at pinakamasipag sa buong Bikol, pati na rin sa buong Pilipinas,” pahayag ng
pangulo ng SSG na si Reya Gomez. Sari’t saring mga pagtatanghal ang handog ng mga talentadong magaaral mula sa iba’t ibang batch na kasalitan ng pagbibigay ng mga token of appreciation para sa kaguruan ng Pisay. Sa kalagitnaan ng pagdiriwang, nagkaroon ng talk show na hango sa “Magandang Buhay” kasama ang piling mga guro na kinabibilangan nina G. Jerry Noveno, Dr. Minette Eloreta, Gng. Maria Linda Tres Reyes, G. Tom Jordan Secundo, Engr. Lorvi Pagorogon, at Dr. Joy Olazo. Ibinahagi nila ang kanilang mga karanasan sa loob ng paaralan kabilang na ang pagsagot sa mga tanong tulad ng kung ano ang hindi nila makakalimutan sa Pisay at kung saan ang pinakapaborito nilang lugar sa kampus. Pagkatapos ng talk show, ibinahagi ang

MODERNISASYON. Ang mga iskolar na nasa ikasampung baitang na piniling sumailalim sa Multimedia Elective classes ay nagsasanay ng kanilang sarili sa paggamit ng iba’t ibang editing softwares. D Stephanie Valerie Vista EduAksiyon
B Ana Carmela Bantillo

Dagdag na Elective Classes ang bumungad sa mga mag-aaral ng ika-10 na baitang kasabay ng pagbubukas ng taong panuruan sa naganap na enlistment nitong Setyembre 1, 2023 sa ampiteatro ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol.
Ang Elective Classes ay opsiyonal na asignatura para sa mga iskolar ng ikasampung baitang na naglalayong magbigay ng dagdag-kaalaman sa mga
mag-aaral tungkol sa iba’t ibang larangan. Ngayong panuruang taong 20232024, inihain ang dalawang bagong kursong elective – ang Environmental Microbiology sa ilalim ni Dr. Maria Feliciana Benita M. Eloreta at ang Multimedia Elective na pamumunuan naman ni Roffe Fajardo.
Ayon kay Dr. Eloreta, nilalayon ng Environmental Microbiology bilang elective na bukod sa pagtutulay nito sa mga Elective Research ay magtatamo
video tribute na handog ng Batch ‘25 at ‘26 na naglalaman ng mga mensahe mula sa alumni, mga dating guro, at kay Executive Director Lilia Habacon. Sinundan naman ito ng spoken word poetry ni Zanter Macasinag ng Batch ‘27.
Bilang sorpresa, inawit ni Tim Villarey ng Baitang 11 ang “MAPA” kasabay ng flash mob na inihanda ng lahat ng mag-aaral at kasunod nito ang pagbibigay ng mga regalo at sash na may salitang tumutukoy sa bawat guro. Nagbahagi ng pangwakas na pananalita si G. Sevedeo Malate, Asst. CID Chief for Academic Affairs, bilang mensahe sa pagtatapos sa okasyon. Ayon sa kanya, ang kaligayahan ng mga guro ay makikita sa pasasalamat ng mga estudyante. A

rin ang mga mag-aaral ng mga mahahalagang kaalaman at kasanayan sa pag-aaral ng mga mikrobyo.
“Kailangan ito ng mga iskolar na nagnanais maging doktor o kukuha ng kursong related sa medical field. Tuturuan namin sila tungkol sa security, protection, and contamination including skills on how to handle bacteria.” paliwanag niya sa magiging layunin ng nabanggit na elective.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag naman ni Fajardo na inaasahang sisiyasatin ng Multimedia elective ang mga pundamental na konsepto at prinsipyo sa likod ng multimedia design and production. Ang mga pag-aaral aniya tungkol pag-edit, paglikha ng iba't ibang anyo ng media tulad ng teksto, grapiko, audio, video, at animation ay kanilang tatalakayin gamit ang creativity software
Sa kabuoan, may anim (6) na Elective Classes ang inihandog kabilang na ang Field Biology sa ilalim ni Jhetro Arthur Cledera, Food Technology sa pamumuno ni Junlee Vargas, Industrial Chemistry na pangunguna ni Melvin Bumanglag at Robotics sa pamamatnubay naman ni Rhayel Delos Santos. A
Arsobispo Tirona, nanawagan ng pagpapahalaga sa sangkatauhan
B Salvador Lumbria
“We focus on Science but we [must] never forget humanity.”
Ito ang mariing mensahe ni Arsobispo Rolando J. Tria Tirona ng Caceres sa kaniyang naging homiliya sa banal na misang idinaos kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Pisay-Bikol noong Oktubre 27, 2023 sa himnasyo ng kampus.
Pinaalala niya rin sa banal na seremonyang huwag makalimot na kilalanin ang sarili gayundin ang damdamin bilang esensiyal sa buhay ng bawat isa. Aniya, ito ang bubuo at babalanse sa pagtamo ng mabuting kaisipan.
Bukod dito, nagpaabot din ang
PANDAYAN NG LIKNAYAN
arsobispo ng pagbati sa lahat ng bumubuo sa institusyon at nag-iwan ng hamon sa kabataan kaugnay sa pagsusulong ng edukasyon.
“Education is not for ourselves, education is for our community,” dagdag pa niya sa huling mensahe sa homiliya.
Ayon kay G. Michael Mendoza, guro ng Values Education, maituturing na makasaysayan ang pagpaunlak ng arsobispo ng Caceres sa imbitasyon ng Pisay-Bikol dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong nakibahagi ang isa sa mga prominenteng lider ng Simbahang Katolika sa natatanging okasyon ng kampus. A
Pinangunahan ni Arsobispo Rolando J. Tria Tirona ng Caceres ang idinaos na banal na misa nitong ika-27 ng Oktubre 2023. Isinagawa ang

Kaguruan ng Physics Unit, nagbahagi ng kaalaman sa isang palihan
Sa pangunguna ng Yunit ng Liknayan ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham, inilunsad ang ikalawang edisyon ng Physics Workshop 1 & 2 para sa mga iskolar sa ikasiyam na baitang noong ika-12 ng Setyembre 2023 sa amphitheatre ng paaralan. Sa unang araw ng palihan, pinangunahan ni G. Gerald Paz ang sesyon sa pagtalakay ng Scientific Notation at sinundan naman ni Bb. Danielle Nidea na nagbahagi tungkol
sa wastong paggamit ng scientific calculator. Sa ikalawang araw, nagturo at nagbahagi naman sina Bb. Maria Aileen Pesino at Dr. Fely Buera. Binigyangtuon nila kung paano pagbali-baliktarin ang mga pormulang ginagamit sa pagkalkula ng mga problemang pampisika. Nagtapos ang kanilang sesyon sa isang aktibidad bilang pagtataya sa natutunan ng bawat iskolar kaugnay sa mga ibinahaging sesyon.
Ayon kay G. Paz, layunin ng nasabing programa ang mahasa ang mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang ng mga preliminaryong kasanayan sa paglutas at pag-unawa sa mga problema.
Gayunpaman, kinakailangan ng mga iskolar na dumalo sa mga palihan upang higit na masanay ang kakayahan at upang mapaglalim pang karunungan tungkol sa asignatura bilang paghahanda sa bagong taong panuruan. A
Pagbuo ng lupon
ng mga kalahok sa Champ Squad, sinimulan na
Ganap nang sinimulan ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol ang pagbuo ng mga kalahok sa programang Champ Squad: An Intensive Review for School’s Pool of Contestants ngayong Taong Panuruan 2023–2024.
Pinangunahan ng Curriculum and Instruction Division - Department of Student Affairs (CID-DSA) ang pagpapakilala sa nabanggit na programa sa pamamagitan ng isang sulatronikong ipinadala noong ika-13 ng Setyembre 2023. Ayon sa DSA, pangunahing layunin ng Champ Squad na kilatisin at piliin ang mga iskolar na handa at kuwalipikado para isabak sa mga pandaigdigang paligsahan. Bukas ang programa sa mga interesadong iskolar mula sa ikawalo hanggang ika-12 na baitang.
Upang makilala ang mga opisyal na kasapi, daraan sila sa proseso ng pagsasala o qualifying stage.
Samantala, ibinahagi na sa mga estudyante ang sign-up sheet para sa qualifying stage na kinapapalooban ng mga asignaturang maaari nilang pagpilian: Biology, Chemistry, Physics, Mathematics, English, Social Science, at Computer Science.
Umabot sa 135 ang bilang ng mga iskolar, mula sa ikawalo hanggang ika12 na baitang, na sumali sa qualifying stage sa Champ Squad. Sa panahong matapos ang qualifying exam, ang mga papasa bilang kuwalipikadong mag-aaral ay magiging ganap na kabilang sa Champ Squad at inaasahang makadadalo sa mga gaganaping pagsasanay tuwing Lunes hanggang Huwebes bandang 4:15 hanggang 5:30 ng hapon. A
Pilipinas, ikapito sa mga bansang may pinakamababang 2022 PISA reading score
Ayon sa Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), ikapito ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamababang mean score sa isinagawang Program for International Student Assessment (PISA) 2022 pagdating sa kakayahan ng mga batang nasa 15 taong gulang sa pagbasa.
Naitala ng OECD ang mean score ng Pilipinas na 347 para sa pagbasa, lubos na mas mababa sa OECD average na 476 at hindi nalalayo sa nakaraang resulta noong 2018 na 340. Halos pareho ang kalagayan ng mga iskor sa sipnayan at agham, kung saan respektibong naitala ang mga mean score na 356 at 355.
Nalalapit lamang sa Dominican Republic, Palestinian Authority, Kosovo, Jordan at Morocco ang nakamit na iskor ng Pilipinas sa pagbasa.
Nilalayon ng PISA 2022 na masuri ang kakayahan sa pagbasa, sipnayan, at agham ng mga kabataang nasa 15 taong gulang. Ang resulta ng PISA 2022 ay maaaring gawing gabay at batayan upang mapatibay pa ang sistema ng edukasyon sa isang bansa. A
Mean Score ng mga 15 taong gulang sa 2022 PISA reading




Sa pangunguna ng papalabas na terminong pangulo at pangalawang pangulo ng General Parents and Teachers’ Association (GPTA) ng Pisay-Bikol na sina Hoover Picar at Atty. Rochelle Marie Cortez-Naz, ganap nang rinatipika ang kaunaunahang konstitusyon ng asosasyon na sinundan ng paghalal ng mga bagong mamumuno sa samahan para sa sunod na dalawang taong panuruan nitong Agosto 25, 2023 sa himnasyo ng kampus.
Bilang panimula, nagbahagi si Picar, pangulo ng GPTA mula taong 2019 hanggang 2023, ng ilang karanasang natamo sa kaniyang apat na taong panunungkulan kabilang na rin ang ilang paalaala para sa mga bagong kasapi.
Pinamunuan naman ni Atty. Cortez-Naz ang pagbasa at pagratipika ng konstitusyon na binubuo ng walong artikulong magsisilbing pamatnubay na dokumento ng samahan.
Ayon kay Atty. Cortez-Naz, maaari nang magmalaki ang Pisay-Bikol GPTA sa kadahilanang sila ang unang
Mga unibersidad ng Taiwan, tampok sa Taiwan Education
B Joefel Matthew Tugano
Sa patuloy na ugnayan ng Philippine Science High School System at mga pamantasan sa Taiwan sa pamamagitan ng Taipei Economic and Cultural Office at Taiwan Education Center sa Pilipinas, dumalo ang mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang kampus ng Pisay sa kaunaunahang Taiwan Educational Fair na ginanap sa awditoryum ng PSHS - Main Campus noong Oktubre 17, 2023.
Sa pangunguna ng kanilang mga kinatawan, ibinida ng National Dong Hwa University, National Taiwan University of Science and Technology, National Taiwan University, Tamkang University, National Sun Yat-Sen University, National Tsing Hua University, Tzu Chi University of Science and Technology, at Kun Shan University ang kani-kanilang mga kurso, programa, at espesyalisasyong inaalok.
Samantala, dalawang Pilipinong pantas din ang nagbigay ng testimonya sa pag-aaral sa Taiwan. Ayon kay Jhoanna Layos, “Taiwan focuses on practical skills,” sa paglalarawan ng kalidad ng edukasyon sa Taiwan. Giit naman ni Dr. Aldrin Chang, ang bansang Taiwan ay inklusibo sa lahat ng mga relihiyon at lahi.
Pagkatapos ng palatuntunan ay binigyan ng pagkakataon ang mga iskolar upang makapagkonsulta nang personal sa mga kinatawan ng napupusuang pamantasan at maliwanagan hinggil sa pag-aaral sa Taiwan. A

samahan ng mga magulang at kaguruan sa buong PSHS System na nakapagbuo ng konstitusyong magiging basehan ng pamamalakad at pagpapatakbo ng samahan.
Matapos maratipika ang konstistusyon ng Pisay-Bikol GPTA, sinundan ang daloy ng palatuntunan sa paghalal ng mga bagong mamumuno sa samahang nagtutulay ng mga magulang ng mga iskolar sa kaguruan at administrasyon ng paaralan. Hinirang na bagong pangulo ng Pisay-Bikol GPTA si Atty. Rochelle Marie Cortez-Naz mula sa Ikalawang Distrito ng Albay, habang uupo naman bilang pangalawang pangulo si Donna Beringuela ng Distrito ng Partido. Bago magwakas ang pagpupulong, nagbigay ng abiso si Dr. Joy Melga Olazo, pinuno ng Student Services Division, tungkol sa mga bagong polisiya at regulasyong ipapatupad ng paaralan at sa mga hinaing ng mga iskolar at magulang hinggil sa WiFi, emergency funds ng Health Services Unit, tubig sa dormitoryo, pagbili at paghatid ng pagkain mula sa labas ng kampus, regulasyon ng presyo ng pagkain sa kantina, at sa proseso ng enrollment at clearance.
PAKITANG GILAS. Hindi nagpahuli ang mga magulang ng mga iskolar mula sa distrito ng Partido sa pagpapamalas ng talento sa ginanap na Family Day nitong ika-21 ng Oktubre 2023. D Stephanie Valerie Vista
Binigyang-halaga ang diwa ng pamilya sa taunang Family Day na ginanap sa himnasyo ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham- Kampus ng Rehiyong Bikol nitong Oktubre 21, 2023. Bago simulan ang okasyon, nagtipon-tipon ang mga dumalong distrito para sa isang motorcade kung saan bumida ang mga banda ng University of Nueva Caceres, Central Bicol State University of Agriculture, Mariners' Polytechnic Colleges Foundation, at Partido College.
Nagbigay si Atty. Rochelle Marie Cortez-Naz, kasalukuyang pangulo ng General Parents and Teachers' Association ng mensahe upang simulan ang pagdiriwang. Ipinakilala na rin ang mga kinoronahang kandidato sa katatapos lamang na Search for Mr. and Ms. PSHS-BRC.
Sunod na nagtanghal ang mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 11 ng kanilang mga inihandang sayaw para sa field demonstration. Nagtagisan din ang iba't ibang distrito sa Yell Presentation bilang pagpapakitang-gilas ng bawat grupo ang kanilang galing sa pagtatanghal.
Bago matapos ang pang-umagang programa, nagdaos ng Ribbon Cutting Ceremony upang pormal na buksan ang One Province, One Product, One Pisay na pinangunahan nina Atty. Naz, Dr. Joel Reginales, at G. Hoover Picar.
Kinahapunan, nagpasiklab sa pag-indak ang mga magulang ng bawat iskolar mula sa iba't ibang baitang gamit ang mga sinayaw ng mag-aaral sa kanilang field demonstration
Sumunod na ang pagpaparangal sa mga nagwagi sa iba't ibang patimpalak sa pangangasiwa nina Dr. Joy Olazo at Atty. Naz. Nasungkit ng mga magulang ng Baitang 8 ang unang parangal sa field demonstration, samantalang nakamit ng Baitang 12 ang ikalawa, at ng Baitang 9 ang ikatlo. Para sa karagdagang mga gantimpala, nakuha naman ng Baitang 7 ang Most Creative Props, Baitang 8 ang Most Synchronized, Baitang 9 ang Best Choreography, Baitang 10 ang Best Dance Formation, Baitang 11 ang Most Organized, at Baitang 12 ang Best Performance Level. Iginawad ang Best Decoration And Booth Setup sa distrito ng Rinconada, habang Camarines Norte sa ikalawa, Masbate sa ikatlo, Partido sa ikaapat, at unang distrito ng Albay sa ikalima.
Nasungkit naman ng distrito ng Partido ang Best Yell Presentation na sinundan ng Camarines Norte at Naga 1, 2, and 3 sa ikalawa, Rinconada sa ikatlo, ikalawang distrito ng Albay sa ikaapat, at Masbate sa ikalima. Sa mga karagdagang gantimpala naman sa Yell Presentation, nakamit ng distrito ng Partido ang Most Energetic and Enthusiastic award, ang Naga 1, 2 and 3 naman sa Best in Formation and Choreography, at ang Best Pakulo naman ay nakuha ng Camarines Norte.
Nagtapos naman ang programa sa pangwakas na pananalita ni Dr. Olazo.
Ang Family Day ay bahagi ng pagdiriwang ng ika25 na anibersaryo ng PSHS-BRC na magpapatuloy sa natitirang linggo ng Oktubre. A
Kauna-unahang
Sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham ang Pisay Market! Market! Fair kung saan ibinida ang mga booth na pinangasiwaan ng Supreme Student Government (SSG) at mga ALA Club na naghatid ng sari-saring mga serbisyo at produkto sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa labas ng Pisay-Bikol.
Itinampok ng SSG at ng mga ALA Club na SYNAPSE, Earth Savers’ Club, SIGMA, at Peer
Facilitators ang mga gawang disenyo sa kani-kanilang merchandise. Inihandog naman ng BRC-MUNO, CTC, Danza Serenata, at Polaris ang sari-saring pagkain at inumin.
Samantala, binigyang-pagkakataon ang mga mag-aaral at panauhin na magpakitang-gilas sa LipSing For Your Life ng Arab-Adab. Naglunsad naman ng pampalipas-oras at libangan ang samahang APC, Sports Club, at Nexus sa mga booth na Park My Car, Paws and Play Carnival, at Alphabet Bingo.

Pinangasiwaan ng mga iskolar ng Pisay-Bikol ang naganap na PMM Outreach Activity nitong ika-25 ng Oktubre 2023. D Stephanie Valerie Vista
Itinaguyod ng mga mag-aaral at kaguruan ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham — Kampus ng Rehiyong Bikol ang Pisay Market! Market! and Outreach Activity nitong ika-25 ng Oktubre 2023 bilang paggunita sa ika-25 na anibersaryo ng Pisay-Bikol. Naglalayon ang programang
makatulong sa 200 na mag-aaral mula sa iba’t ibang mababang paaralang nanggaling sa munisipalidad ng Goa at San Jose, Camarines Sur. Kabilang sa mga paaralang dumalo sa programa ang mga Mababang Paaralan ng Tagongtong, Danlog, San Isidro West, Digdigon, HalawigGogon, Hiwacloy, Obias (Pugay), at
Bahay.
Wedding booth naman ang inihanda ng PISAYtings habang ibinahagi ng Iskolarts ang kanilang galing sa sining sa Add to cART Booth. Bukod dito, paghatid naman ng mga liham at regalo ang inihandog ng Haligi ng Wika sa kanilang pakulong Ikaw Na Ba si Mx. Write? Ang Pisay Market! Market! ay nanatiling bukas hanggang ika-26 ng Oktubre, kasabay ang STEM Exhibits na inilunsad naman sa awditoryum ng naturang paaralan. A
Pinangasiwaan naman ng mga guro at mag-aaral mula sa ika-11 at ika-12 baitang ang programa sa paraan ng pamamahagi ng mga nakalap na donasyon at sa estilong malapamilihan gamit ang mga perang laruan. Ginamit ito ng mga mamimiling mag-aaral upang pumili ng mga laruan, gamit pangeskuwela, at ninanais nilang kasangkapang magagamit sa pang-araw-araw.
Sa kaniyang mensahe, ipinabatid ni Dr. Mylene O. Joaquin, Assistant CID Chief for Student Affairs, ang kahalagahan ng pagsasagawa ng outreach. “Ito po ay isang gawain ng mga scholars natin [at]
mga teachers ng Pisay — na maipakita naming handa kaming tumulong sa bawat isa”, saad niya. A
“
Ito po ay isang gawain ng mga scholars natin [at] mga teachers ng Pisay — na maipakita naming handa kaming tumulong sa bawat isa.



“Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kaniya,” sambit ni Hesus sa harap ng mga nagpapataw ng parusa kay Maria Magdalena para sa kaniyang pangangaliwa. Puno ng konsensiya, natahimik ang mga humusga at naglakad palayo. Ang mariing pagkondena sa kasalanan ni Magdalena ay sumasalamin sa naging hatol at reaksiyon ng mga Pilipino sa drag performer na si Pura Luka Vega.
Matatandaang nitong nakaraang Hulyo, naging kontrobersiyal ang pagtatangahal ni Vega ng isang rock version ng “Ama Namin” habang kinakatawan si Hesus. Matapos kumalat sa social media, umani ng batikos ang drag artist nang ipalagay na bastos ang kaniyang akto. Naging tampulan ng muhi ng mga Pilipino hindi lamang si Vega kundi pati ang komunidad ng LGBTQIA+ at maging mismong ekspresyon ng drag, isang anyo ng sining na isinilang ng nasabing komunidad. Sa kasalukuyan, kinakaharap ni Vega ang mga reklamo hinggil sa paglabag sa Artikulo 201 ng Revised Penal Code, na isinampa ng mga Kristyanong lider tulad nina Leo Alconga, pangulo ng Philippines for Jesus Movement, Pastor Romie Suela, at Pastor Mars Rodriguez. Bukod dito, idineklara na rin siyang persona non grata ng 12 lokalidad sa bansa.
Bagamat normal ang pagkaramdam ng dismaya at gulat sa napanood na pagtatanghal lalo na sa mga mata ng konserbatibo, kailangang maintindihan ang bigat ng naging hatol kay Vega. Hindi man sulok ng mga bato ang bumuntal sa kaniyang mga buto, matatalas na sibat ng kapangyarihan — sa parehong sekular at relihyosong sektor — ang patuloy niyang natatanggap. Ayon sa Pangulo ng Senado na si Miguel Zubiri, inabuso ni Vega ang karapatan sa malayang pamamayahag. Aniya, “This is the height of the misuse and abuse of our freedom of expression that borders on criminal activity.”
Ibinubulgar lamang ng mga patutsadang katulad ng kay
Inakala ng karamihan, o kahit papaano ay hinangad, na hindi na sana kumawala ang mga ligaw na balang tinikom ang saklolo ng libo-libong inosenteng mamamayang nawalan ng buhay dulot ng maling akala. Ngunit sa kabila ng mga protestang isinulong, muling napatunayan ng mga nakatataas na ang siyang inaakala ay mananatiling maling akala kapag itinanim sa lipunang sumasalungat.
Ikalawa ng Agosto 2023 nang muling dumaloy ang nanuyong dugo ng mga naunang inalipusta. Si Jerhode Baltazar, o mas kilala sa tawag na “Jemboy”, ay isang binatilyong natagpuang patay sa dalampasigan ng Ilog Navotas ganap hapon ng naturang araw.
Sa labis na pag-alboroto ng kasangsangang ito sa lupang ating ipinagmamalaki, marahil ay pawang kamanhiran ang lumulupalop sa bawat
Zubiri ang pambabalat-kayong depensa sa relihiyon para sa pagpuksa ng pagkakakilanlan at pagpapaliit sa mga mas malalang krimen. Kung susuriin, salungat sa mga prinsipyo ng Bibliya at ng hustisya ang pagpataw ng mabibigat na mga parusa at paninirang-puri sa isang taong may karapatan sa malayang pamamahayag. Dagdag pa rito, sinasamantala ng mga pulitiko ang ginawa ni Vega upang ilihis ang atensiyon ng masa mula sa mas laganap at malalang krimen tulad ng korapsyon at karahasan. Nakadidismayang isipin na mas piniling pagtuunan ng pansin ng publiko ang pagkondena sa isang drag queen kaysa mga opisyal na gumagawa ng mas malalang katiwalian. Bilang mga iskolar na inaasahang magtaguyod ng isang bayang inklusibo at progresibo, tinuturuan tayong pahalagahan hindi lamang ang Agham, kundi pati ang Sining, na siyang pumupukaw sa ating mga mga isip sa ngalan ng pagkuwestiyon sa mga kamalian ng lipunan. Hindi maaaring kinikilala lamang ang kabaklaan kapag hindi nito hinahamon ang mga dogma ng relihiyon; mas malalim na panlulupig ang pagkitil sa karapatang ihayag ang kasaysayan at karanasan ng mga ito, na siksik sa pangaapi mula sa mga relihiyoso.
Tulad ng mga humatol kay Maria Magdalena, kapaimbabawan ang tanging ipinapakita ng mga humusga kay Pura Luka Vega. Nakaugat sa pagkamuhi at paniniwala na nakatataas ang kanilang uri ang kanilang mga paratang. Bago pa man sila magsampa ng panibagong reklamo, kailangan nilang bisitahin muli ang Bibliyang ipinandedepensa, partikular ang katagang ito mula sa Libro ni Lucas: “Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Patawarin ninyo ang inyong kapwa at kayo’y patatawarin din ng Diyos. ...sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.” A

ugat ng isang Pilipino tuwing binabasa ang mga kasong naka-ukol dito. Ang asong-kalyeng nakakadena mula sa pagbabad nito sa tubigulan para mawasiwas ang mga muta sa talukap hanggang sa pagtulog nito sa alimuom ng mga kartong iniwan sa bangketa ay ang siya ring maniniwalang ang buong daigdig ay makitid at lahat ng kapwa niyang aso ay siya ring nakagapos.
Parehong ang ganitong klaseng karahasan ay matagal nang nabahid at nakasanayan ng sambayanan kaya pawang kamanhiran na lamang ang normal na karamdaman. Ang pinakatugatog? Walang iba kundi ang pagpapawalang bisa ng parusa sa mga pulisya. Ang tahasang pagpaslang at walang-awang pagbabalewala sa karapatang-pantao na matagal nang bangungot ng masa, sa kasawiang palad, ay hindi lamang kasaklapan sa pamilya ng mga
Limampu’t isang taon na ang nakalipas mula nang lagdaan ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong Setyembre 21, 1972 ang Proklamasyon Blg. 1081 - ang dokumentong nagsasaad ng pormal na deklarasyon ng Martial Law sa Pilipinas at isinapubliko lamang makalipas ang isang araw. Ang deklarasyong ito ang nag-iwan ng matinding dagok sa kasaysayan ng Pilipinas. Hanggang sa ngayon, patuloy na ipinagdiriwang ang anibersaryo ng Martial Law bilang paggunita sa mga naging biktima ng karahasan at kawalang hustisya, gayundin ang kadakilaan ng mga Pilipinong ipinaglaban ang ating karapatan.
Ang Martial Law ang naglalagay sa isang bansa sa ilalim ng pamumuno at kontrol ng militar. Ito ang kapangyarihan ng estado na panandaliang ipinatutupad kapag hindi na nito magampananan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan. Hangarin nitong magpanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa. Subalit kung pagbabatayan ang naging kapalaran ng Pilipinas, nakamit nga ba talaga nito ang tunay na layunin?
Sa ilalim ng Batas Militar, nilalayon na mabawasan ang marahas na krimen sa mga lungsod at mapanatili ang kapayapaan sa ilang lugar ngunit ang mga pangyayari ay hindi nagtugma sa inaasahan. Hanggang ngayon, ang yugtong ito ng kasaysayan ay nananatiling bangungot sa isipan ng mga mamamayan dahil sa serye ng pang-aabusong naganap noon kabilang na ang mga kaso ng sapilitang pag-aresto, tortyur, at pagkawala na ngayon ay tinaguriang mga desaparecidos. Kabilang din dito ang hindi makatarungang paghihirap na dinanas ng mga mamamayan sa kamay ng mga abusadong
ginitilan ng buhay, kundi isa ring kahihiyan sa bansa sa mata ng daigdig.
Ngunit, hindi lamang ito isang kasaklapan, ito’y higit pa sa gyera. Pilit kinakasa ang kinakalawang na baril laban sa pilit kumakapit sa kalawang ng patalim. Hindi sinasadyang magmaling-akala — maang-maangan nanaman dito’t doon, gayong ang tinamong bala ng biktima ay pawang sa ulo lamang na para bang sinadya ang pagpaslang sa layong makapagpatay at makapagpatay lamang, gayong tatlong oras na umapaw ang bangkay ng biktima sa ilog at binalewala lamang ng pulisya, gayong patuloy nang patuloy ang pagpanhik ng Inang Bayan sa serye ng mga karahasang binabato ng kaniyang nilululan.
Madaling sabihing kailangan ng pagbabago, pero ano ba naman ang magagawa ng
katotohanan laban sa mga makapangyarihang kayang mapawalang-sala matapos pumaslang? O, mas angkop bang sabihing makupad lamang ang pagsulong dahil iyan ang pinaniniwalaan ng tao — bagay na marahil ay sanhi ng pagigi nang sanay ng nakararami sa katotohanang masangsang sa puntong normal na ang pagmamaltrato sa walang kalaban laban? Kung hindi pa nga akma ang kasalukuyan para sa pagbabagong inaasam, hindi kaya’t ang ibig sabihin lamang nito ay umaakyat tayo sa kawalang hangganan? Walang maituturing na sagot sa tanong na, “Ano ang lunas sa brutalidad?”, kung walang may kayang baguhin ang binahid na karahasan sa mga utak ng pulisya. Hanggat walang nakatataas na may inisyatibong baguhin ang lason ng nakaraan, walang magbabago sa masangsang na kalakaran. A
Isa, dalawa, tatlo. Bakal na kamao. Apat, lima, anim. Kahapong madilim.
tagapagpatupad ng batas, pag-aresto at pagparusa sa mamamayang kinuwinestiyon ang pamamalakad ng diktadurang pamahalaan. Sinamantala ang kapangyarihan para sa pansariling karangyaan at pagpalago ng yaman habang ang milyun-milyong ang patuloy na naghihirap at nagugutom na mamamayan. Hindi rin maitatanggi ang pagtitiwala ng mga sambayanan sa mga unang termino ng panunungkulan ng rehimeng Marcos dala ng magandang adhikain para sa bansa ngunit ang mahalimuyak at mamulaklak na panunungkulan nila ay hindi rin nagtagal dahil mas nangibabaw ang alingasaw sa panahon ng dekada ‘70 sanhi ng mga paglabag nito sa karapatang pantao sa halos mahigit na 75,000 na mga mamamayan. Sariwa pa rin sa gunita ang sugat dala ng panahon ng “Martial Law” sapagkat ito ay itinuturing na isa sa pinakamalagim na bahagi sa kasaysayan ng bansa.
Subalit, sa kabila ng mga pangyayaring iyon, ang mga Marcos ay muling nagbabalik sa kapangyarihan. Ang pagkapanalo ng anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Jr. nitong nagdaang halalan ay bahagyang nagdulot ng pangangamba sa taumbayan partikular na sa mga tagapagtanggol ng demokrasya at karapatang pantao. Ito ay sumasalungat sa prinsipyo ng mga taong nagsulong at nagpakasakit para wakasan ang nakaraang diktadurya. Kaya’t mahalagang manatili ang mamamayan ng Pilipinas na maging mapagmatyag at mapanuri sa anumang pagtatangkang pagbura sa pagkakaukit sa kasaysayan ng mga hindi kanais-nais na pangyayari mula sa madilim na yugto ng Martial Law.
Sa ating paggunita sa panahon Martial Law, mahalagang magkaroon ng pagkakaisa sa pagtiyak na hindi na muling mauulit
ang bangungot na ito. Ang ating pag-aaral ng kasaysayan ay hindi lamang dapat maging simpleng pag-aalala lamang, kundi maging isang pagkakataon upang tukuyin ang mga aral nito at maging inspirasyon para sa pagtindig tungo sa demokrasya, kalayaan, at hustisya. Ang Martial Law ay bahagi ng ating nakaraan na hindi natin dapat kalimutan. Utang na loob natin sa bayan na tiyaking makararating sa kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon ang minsang pagyurak sa karapatan ng mga mamamayan at masahol na pagpapatahimik ng ating kapuwa-kababayan. Kaya sa halip na maging simpleng paggunita, ito ay dapat maging pagkakataon para sa masusing pag-aaral at pag-unawa.
Nasa ating mga kamay ang hinaharap at nararapat itong naaayon sa mga prinsipyong itinaguyod ng mga nagdaang henerasyon para sa kalayaan, karapatang pantao, at hustisyang panlipunan. Dapat tayong maging bantayog sa pagtatanggol at pagpapalaganap ng mga pamana ng demokrasya, upang maiwasan ang pag-iral ng anumang anyo ng pang-abuso at pang-aapi. Sa pagkakaisa at pagkilos, maaabot natin ang higit na makatarungan at maayos na kinabukasan para sa ating bansa.
Kaya sa huling pagbilang ng pito, walo, siyam, sampu— idilat mo ang mga mata mo. Magkaroon sana ng bukas na isipan ang bawat Pilipino at suriing mabuti ang mga kandidatong itatalaga sa tungkulin. Hindi dapat hayaan ng sambayanang Pilipino na manaig ang mga hunyangong kaisipan at nagpapakalat ng mga baluktot na impormasyong may pagyurak sa ating kasaysayan. Muling asamin ang pagtahak sa pag-unlad at pagbabago ng bayang pangarap upang makakatulong sa paghilom ng dilat na sugat na dala ng ating kasaysayang madilim. A
B Kurt Kervy Lagrimas
Halos tatlong taon ko nang nararanasan ang pagpapatupad ng Curriculum Under Remote and Blended Learning o CRBL sa aking pananatili sa Pisay. Sinimulan ang pag-iimplementa nito noong kasagsagan ng pandemya upang matugunan ang problema ng pag-aaral ng mga estudyante habang hindi muna pinapahintulutan ang harapang pakikipagugnayan sa ngalan ng kaligtasan sa gitna ng pandemya. Ngunit sa panahon ngayon, tila ba hindi mabitawan ang kurikulum na ito sa kabila ng pagbabalik ng pisikal na moda ng pag-aaral. Patuloy kong ipinagtataka kung bakit nga ba ipinagpapatuloy pa rin ang paggamit ng CRBL sa halip na ibalik ang dating kurikulum na mas angkop sa kasalukuyang sitwasyon ng paaralan. Sa ilalim ng kurikulum na ito, mayroong apat na pagpipiliang sistema ng paggrado depende sa kaangkupan ng mga asignatura. Ang mga salik ng grado ay binubuo ng mga alternatibong gawain, pormatib na pagtatasa, at lagumang pagsusulit na nagkakaroon ng baryasyon sa bigat sa apat na klasipikasyon. Habang mayroon pa ring pabor sa kurikulum nito, ito ay nakaugat sa online na set-up kaya ang disenyo nito ay hindi na bumabagay sa pangangailangan at kakayahan ng mga iskolar at kaguruan.
Ngayon na ang tamang oras upang ibalik ang dating kurikulum upang makapaghulma ng higit na de-kalibreng mga iskolar.

hindi epektibo, lalo na sa mga asignaturang nangangailangan ng pagtutok, kagaya ng kapnayan para sa mga estudyante sa SpecializationYearsProgramoSYP, kung saan 75% ng grado ay nakasalalay sa alternatibong gawain, samantalang ang natitirang 25% naman ay sa pormatibong pagsasanay. Dahil isa itong core subject, importanteng maseguro ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa parehong konseptuwal at praktikal na porma sa pamamagitan ng pagsakop sa mga pagsusulit sa saklaw ng grado.
Dagdag pa rito, hindi maipagkakaila ang layo ng pagkakaiba ng sitwasyong online sa pisikal. Kung noon, kahit pa hawak natin ang kabuoan ng bentekuwatrong oras sa isang araw ay hindi pa rin ito sapat upang maisagawa ang nag-uumapaw na gawain. Ano pa kaya ngayon na mayroon na ulit tayong sinusunod na talakdaang pangaraw-araw?
Ang CRBL ay masyado nang paso at

Samakatuwid, hindi nagtutugma ang mga alituntunin sa ilalim ng CRBL sa kasalukuyang pamamaraan ng edukasyon sa Pisay. Hindi nito natutugunan ang pangangailangan ng mga iskolar at hindi rin ito angkop sa kapasidad ng mga mag-aaral at kaguruang napilay noong pandemya. Sa haba na ng panahon, ngayon na ang tamang oras upang ibalik ang dating kurikulum upang makapaghulma ng higit na de-kalibreng mga iskolar at mas maisulong ang produktibong pag-aaral para
“Ang magiging pinakamatagumpay na mag-aaral ay siyang may kumpiyansa,” mariing paalaala ng isa sa mga guro sa aking pinasukang review center habang naghahanda para sa College Entrance Tests (CETs). Bagaman ipinayo upang lalong magpursigi, nanunuot sa pahayag ang pait ng katotohanang hindi matatamasa ng lahat sa aming mga nagrerebyu ang kalidad na edukasyon. Bukod pa rito, nailalantad ang realidad na sa puntong ito, ang mga kapuwa ko estudyante ay akin ding mga katunggali. Isinisiwalat ng sistemang nakapabor sa mayayaman ang pagkapribilehiyo ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon sa ulat ng Philippine Business for Education, 24.4% lamang ng mga Pilipino edad 25 pataas ang nakapagtapos ng isang bachelor’s degree o ng anumang digri na katumbas nito. At kahit pa man umaakyat ang bilang ng mga magaaral na pumapasok sa State Universities and Colleges (SUCs) dahil sa ra 10931 o universal access to quality tertiary education act, gipit pa rin ang mga pamantasan dahil sa limitado nitong kapasidad, kaya hindi nabibigyang-pagkakataon ang lahat. Halimbawa na lamang ang unibersidad ng pilipinas na tumatanggap lamang ng humigit kumulang 10% mula sa 100,000 nitong aplikante taon-taon. Bago pa man ipasa ang aplikasyon, alam ko nang malaki ang timbang ng mga pribilehiyong aking natamasa sa posibilidad na makapasa. Isa pang katotohanang kung hindi ka mayaman, dapat matalino ka. Bilang galing sa pamilyang sapat lamang ang kinikita upang mabuhay nang komportable ngunit hindi nang marangya, namumuhunan ako sa aking pinag-aralan para makapasok sa pangarap kong kolehiyo. Bukod pa rito, alam ko ring hindi ako nag-iisa kung sabihin kong anumang dokumento o impormasyon ang hingin ng isang pamantasan, handa akong ibigay magkaroon lamang ng tsansang makakuha muli ng iskolarsyip sa kolehiyo. Gayunpaman, hindi rin tulog ang aking diwa sa kabalintunaan na mas madaling maging matalino kung ang isa ay mayaman. Alam ko ito sapagkat danas kong pareho ang makaangat at maging dehado. Alam
Isinisiwalat ng sistemang nakapabor sa mayayaman pagkapribilehiyoang ng edukasyon sa Pilipinas.
B Rhys Eandrei Perez
ko ang pakiramdam na makulong sa mga kondisyong nakapaloob sa katayuan ko at ng aking pamilya sa lipunan. Sapat upang maging komportable, ngunit hindi maging marangya. Malaking salik ang kumpiyansa upang magtagumpay, ngunit mas madali rin itong mabuo kung may bunton ng salaping mababagsakan kung sumablay.
Samakatwid, hindi nagtatapos sa pagkatanggap sa mga pangarap kong unibersidad — kung papalarin — ang aking mga pangamba. Sa katunayan, kaakibat nito ang pinakamalaki kong pag-aalala — ang pagkalimot. Natatakot akong sa pagtapak ng mga kapuwa ko mag-aaral at iskolar sa kolehiyo, malilimutan namin ang hirap na pinagdaanan upang marating ang mga pangarap. At kung hindi man pagkalimot, lubos kong kinatatakutan ang pagsuko. Ang pagpapalamon sa sistemang minsang nagpahirap sa amin at pinangako naming babaguhin. Ito, marahil, ang pinakamalaking pagsubok na kailangang lagpasan ng mga mag-aaral na nasa ikalabindalawang baitang. Ngunit bago iyon, kailangan munang lagpasan ang mga hamon ng kasalukuyan. Sa ngayon, nagpipinta ako at ang mga kapuwa ko mag-aaral ng kaniya-kaniyang mga larawan. Puhunan ang mga sunog na kilay, antok na mata, at nakakukubang medalya. Nakapaligid ang mga natamasang pribilehiyo o dinanas na paghihirap, depende kung alin ang mas makapupukaw sa atensiyon ng mga kolehiyong pinapangarap. Sa huli, isa lang ang aking hiling –ang pakatandaan ng bawat isa sa mga nagpipinta na ang mga larawang ito ay huwad. Sa labas ng kuwadro ng mga perpektong mag-aaral na ipiniprisinta sa mga admissions office, buhay ang panawagan para sa pantay na oportunidad, pagtaas ng porsiyon ng edukasyon sa kaban ng bayan, ang tama nitong paggasta, at higit sa lahat, ang pakikibaka upang makarating sa lahat ng Pilipinong magaaral, anuman ang antas sa buhay, ang mataas at pantay na kalidad ng edukasyon. A


Salungat sa akala ng karamihan, ang buhay ng isang Pisayano ay hindi lamang umiinog sa pagpapakapantas sa agham at matematika. Bilang pambalanse sa eskala ng buhay-personal at pang-akademiko, siniseguro ng kurikulum ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham na regular na makakapaglaan ang bawat iskolar ng oras para sa kani-kanilang interes at hilig sa pamamagitan ng Alternative Learning Activities o ALA.
Subalit sa kabila ng sari-saring samahang pagpipilian ng mga mag-aaral, hindi nito ibig sabihing mayroon silang kalayaang tahakin nang sabay-sabay ang lahat ng kanilang mga hilig. Ngayon taong panuruan, sinimulang ipatupad ng administrasyon ng Pisay-Bikol ang One ALA Policy na siyang naglilimita sa bilang ng organisasyong maaaring aniban ng mga iskolar. Ito ay upang maiwasan ang labis na pagdagsa ng bilang ng mga kasapi sa isang samahan na siyang naging suliranin simula nang ibinalik ang implementasyon ng programa noong ikalawang taon ng online classes.
Sa ilalim ng bagong polisiya, mapapadali ang pagmonitor ng atendans ng mga miyembro sa lingguhang pagpupulong ng mga samahan partikular na sa mga nasa ikapito hanggang ikasampung baitang na siyang obligadong dumalo sa bawat pulong. Matutulungan
din ng implementasyon ng polisiya na matutukan ng mga iskolar ang kanilang mga responsibilidad sa napiling ALA at maiwasan ang pagkakatambak ng mga tungkulin sa organisasyong katambal pa ng gawaing pang-akademiko. Ngunit bago pa man pansamantalang nahinto ang pag-iral ng mga organisasyon noong kasagsagan ng pandemya, pinahihintulutan pa ang mga iskolar na sumali sa higit na isa ngunit hindi lalagpas sa tatlong ALA Clubs sa kondisyong isa rito ay academic club o mga samahang may kinalaman sa mga asignatura gaya ng Matematika, English, at Filipino. Samantala, opsiyonal naman ang pagsali sa mga interest club na siya namang nakatutok sa mga libangan at hilig na hindi pang-akademiko gaya ng pagkuha ng litrato, pag-awit, at pag-arte.
Bunsod ng kalayaang ito ang pagbukas ng mga pinto ng oportunidad upang linangin ang angking talino at talento, at para higit pang palalimin ang pagkahumaling sa larangang nagsisilbing santuwaryong matatakbuhan upang magpahinga mula sa nag-uumapaw at naggigitgitang mga gawaing pangakademiko. Nagiging daan din ito upang mas masanay ang kakayahan sa pakikipaghalubilo at pakikipagugnayan ng mga iskolar dahil sila ay nabibilang sa mga samahang binubuklod ng kinasasabikang hilig. Isang alternatibong tugon upang maisaayos ang pagtataguyod sa
mga organisasyon at samahan sa kampus ay ang pag-implementa ng sistematikong proseso ng aplikasyon tulad ng ginagawa ng mga samahan sa mga pamantasan at kolehiyo. Esensiyal na hakbang sa pagsasalang ito ang pagpapakilala ng layunin ng samahan at kung ano ang mga magiging tungkulin ng mga miyembro sa pamamagitan ng detalyadong oryentasyon upang matimbang ng aplikante kung nagtutugma ba ang mga kalakaran ng samahan sa kaniyang interes at kakayahan. Sa ganitong paraan ay masusuri ng samahan kung tatanggapin ba nila ang aplikante at matatantiya din ng aplikante kung magpapatuloy pa siya sa proseso ng pag-anib sa samahan. Kaya naman hindi ang paglilimita sa iisang organisasyong maaaring salihan ang pinakamainam na kalutasan upang plantsahin ang kaunting gusot ukol sa pagsusubaybay ng atendans ng mga iskolar, lalo na kung batay sa payak na kasaysayan ng ALA ay hindi naman ito naging balakid sa pagtahak ng landas na kinahuhumalingan ng mga iskolar. Sa layuning mahulma nang komprehensibo at buo ang mga iskolar ng bayan upang maihanda sa mga pagbaybay ng hinaharap, hindi dapat kandaduhan, bagkus dapat ay alalayan sila na mahanap ang naaakmang pintong magdadala sa kanila tungo sa landas na namamayagpag pareho ang tungkulin bilang iskolar at ang nag-aalab na pagpapakatao. A



B Melinda Reyes
Isang salik ng pang-araw-araw na pamumuhay na palaging hindi napagtutuunan ng pansin hanggang ikaw na mismo ang nangangailangan nito ang aksesibilidad ng mga gusali at iba pang mga imprastraktura.
Isa sa mga pangamba ko nang bumalik sa pisikal na klase noong nakaraang taong panuruan ay ang aking mobilidad bilang isang tumatangan ng kapilayan. Mula sa pag-akyat-baba sa mga palapag ng mga gusali ng dormitoryo, academic building, at science and technology building hanggang sa paglalakbay upang mapalipat-lipat ng lokasyon sa paaralan dahil sa tarik ng kinalalagyan nito.
Sa ilang gusali sa loob ng kampus, bubungad kaagad ang mga rampang matarik at nahaharangan na kung gagamitin ng taong bunsod ng wheelchair ay baka mas lalo pa siyang madisgrasya. Marahil para lamang pagtalima sa mga alituntunin ng

Apagpapatayo ng mga imprastruktura ang paglagay ng mga rampang ito. Naririto ang pagtangkang magbigay-alalay sa may kapansanan ngunit ang sinserong pagsisikap na gawing accessible ang mga pasilidad ng paaralan ay hindi mahagilap.
Kung papalampasin man ito, hahanapin ng taong nag-iisip ang alternatibong daan tungo na mga susunod na palapag para sa mga may kapansanan. Ngunit katulad ng pag-alala sa mga persons with disability o pwd, hindi rin ito makikita. Sa unang palapag natatapos ang hungkag na pag-alalay sa mga nangangailangan ng pag-akay. Sa kabilang banda, ang mga pintuan naman ng mga silid sa kampus ay kayang madaanan ng wheelchair o ng gumagamit ng saklay. Ang mga pasilyo ay may angkop na hiwas din, sa kabila ng madulas na tiles na maaaring
Sa palapagunang natatapos ang hungkag na pag- alalay sa mga nangangailangan ng pag-akay.

magdulot pa ng disgrasya. Mayroon ding mga palikurang nakatakda para sa mga pwd, ngunit nagiging espesyal na pasilidad na ito para sa kaguruan. Hindi na dapat hintayin pang dumami ang nangangailangan ng ingklusibo at accessible na mga imprastraktura bago aksyunan ang pagkukulang dito. Bagamat maaaring huli na ang inisyatibong ito dahil halos lahat ng konstraksyon sa paaralan ay yari na, maging laman sana ito ng mga bagay na ikokonsidera sa mga susunod pang gusali at pasilidad na itatayo o ipapakumpuni. Dahil sa bawat sulok ng kahit anong pasilidad ay mayroong mga bagay na may salikmata sa paningin ng karaniwan na siyang pinangangambahan ng iilan. A
Paksa: Kamuwangan ng mga Iskolar sa Sining at Panitikan
Sa Patnugot, Ika nga, “Media Literacy is dying”, pero mas akma yatang sabihing, “Media Literacy is becoming stationary”. Basahin ng sinuman ang gawa ng mga mag-aaral ngayon, lalo sa mga nakababata, at makikitang halos pare-parehas ang nasusungkit na interpretasyon sa isang tekstong dapat ay bumubunga ng iba’t-iba. Walang masama rito, sa katunayan, ang isyung ito ay buhat lamang ng masidhi kong pag-irog sa panitikan na siyang kumukunsinti sa isang reklamong ako at ako lang yata ang nakapapansin. Pero, nasaan ang pagkakaiba, nasaan ang produkto ng makapangyarihan nating utak? “Wala na kasing nagbabasa” napakaelitista pakinggan, pero totoo. Halos wala. Hindi problema ang komprehensyon, pero walang pag-ibig na nahahabi. Inaantok ang mga bata habang nagbabasa, humihikab habang nagsusulat, ano pa ba ang saysay? Pilit na lamang na nagbabasa para makakuha ng maayos na marka, at isinusuklam pagkatapos. At dahil bibihira na ngang magbasa kapag hindi kinakailangan sa isang asignatura, bumababa ang kalidad ng pag-unawa. Marunong umintindi, uulitin ko, naiintindihan — ang mga salita, hindi ang mas malalim na ipinapahiwatig ng nagsulat. Marami pa ang masasabi, makapagbibigay ako ng sandamakmak na halimbawa kung kinakailangan, pero ang lahat ng ito ay mabubuod sa kakarampot na salita: “Ang karunungan ay nagi nang normal kaya’t namamanhid sa pagsisiyasat.”
Mayroon pa ring hindi pundido ang alab, marami-rami pa, pero nakasisindakisiping susulong ang ibang makakakita, ngunit hindi makakaunawa. Sumasainyo, Zanter Andre Macasinag, IX-Platinum
“Calling all interested Grade 11 and 12 Biology track students to represent the school in an international Biology Olympiad!” – madalas tayong makatanggap ng mga sulatroniko galing sa Curriculum and Instruction Division on Student Affairs o CID-SA kalakip ang mga mensaheng katulad nito. Bilang isa sa 11 estudyante sa Chemistry track ng ika-12 baitang, hindi ako imbitadong lumahok sa patimpalak na nabanggit sa mensahe. Batid ko mang mas angkop para sa mga mag-aaral sa Biology track ang paligsahan, nakakapanghinayang pa rin ang kawalan ng akses na sumali dito.
...ang paglinang ng kaalaman ay hindi mahigpit at tuwiran; ito’y dinamiko at mapagbago.
Sa pagtungtong sa dalawang huling taon ng pag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham, nagiging patnubay sa pagtahak nating mga iskolar sa malawak na disiplina ng Agham ang pagpili ng isang sangay mula sa hanay ng Haynayan, Kapnayan, at Liknayan bilang ating track. Ito ang pundasyon ng Specialization Years Program o SYP para sa mga iskolar sa ika-11 at ika-12 baitang. Nagsisilbi umano itong gabay upang mas maging malinaw ang daang patutunguhan ng iskolar sa parehong akademiko at ekstrakurikular
na aspeto. Kaakibat nito ang mga institutusyonal na tuntunin na naglalayong bigyang-priyoridad ng iskolar ang track na kaniyang pinili. Kabilang dito ang restriksiyon sa mga patimpalak na maaaring salihan kung saan maaari lamang sumali ang mag-aaral galing sa isang track sa paligsahang angkop dito. Bagamat ipinapatupad ito para sa mga nabanggit na layunin, lilitaw at lilitaw ang pagkuwestiyon kung tunay at epektibo ba talaga nitong hinuhulma ang kakayahan ng mga estudyante o pinapakitid lamang daang ating tinatahak.
Ang paglimita ng maaaring lumahok sa isang paligsahan ay maaaring magsilbing gapos laban sa tuluyang pagkamit ng kahusayan ng kampus sa mga panlabas na kompetisyon. Pinapanday nito ang walang kabuluhan na burukrasya na iipit lamang ng potensiyal na maglinang sa murang isipan ng mga iskolar ng bayan. Dagdag pa rito, nag-aamba ring peligro ang kakulangan ng kinatawan ng bawat track na maaaring magbaba ang kalidad ng mga kalahok para dito. Buhat nito, hindi lamang ang mga mag-aaral ang naapektuhan kundi pati na rin ang institusyon.
B Rem Dominic Prudente aninaw
Isang pribilehiyo ang makagamit ng mga bago at napapanahong kasangkapan sa laboratoryo. Kakanggata kung ituring ng entusiyastikong mag-aaral ang bawat katutak ng kemikal na hiyang para sa kaniyang pananaliksik. At kung ginto man ang mga pasilidad na ito, nakaririwasa nang masasabi ang bawat iskolar ng pisay.
Bilang pangunahing pangakademikong institusyong nakatuon sa Science,Technology,Engineering, and Mathematics (STEM), napupunta sa pagbili at pagpapanatili ng mga panlaboratoryong kagamitan at kemikal ang malaking porsiyento ng badyet ng pisay. Dahil dito, ‘di hamak na nangunguna sa ibang paaralan ng bansa ang mga pasilidad sa institusyon. Subalit, naiiwang nakatengga ang karamihan sa mga pasilidad at kagamitang ito, dahilan upang maaksaya at masira ang mga ito nang hindi napakikinabangan.
Kung susuriin, isa sa mga dahilan ng pagkakalustay ang kakulangan ng akses ng mga mag-aaral sa mas malawak na baryasyon ng pananaliksik. Kadalasan, itinataguyod lamang ng mga mag-aaral kung ano ang nakikitang paksa mula sa mga kanilang nakatatandang iskolar.
Bilang resulta nito, nagiging karaniwang senaryo ang paggamit ng pare-parehong pasilidad at ang pagkaligta sa iba. Isa ring posibleng rason ang kakulangan sa kaalaman hinggil sa mga magagamit na instrumento at kemikal sa laboratoryo. Dahil sa madalang na pagdaraos ng mga palihan at oryentasyon tungkol sa mga kasangkapang mayroon ang laboratoryo, nalilimitahan din ang mga pananaliksik na makapupukaw sa interes ng mga magaaral. Sa madaling salita, nakakahon ang isip ng mga iskolar sa kung ano lang ang pamilyar sa kanila. Bukod pa rito, dumarami na rin ang mga mag-aaral na pinipili ang pananaliksik na mas praktikal at hindi na nangangailangan pa ng mga komplikadong proseso. Ipinagpapalit ang mga saliksik na maaari sanang paggamitan ng hindi pa gaanong nagagalugad na instrumento at kemikal. Dahil sa
Sa tuluyang pagtanggal ng oportunidad na tumuklas ng iba pang interes sa dalawa pang sangay ng Agham ay unti-unting ring binabaklas ang potensiyal ng iskolar para rito. Kung sa akademikong aspeto ng pag-aaral ay sukdulan na ang pagtutok ng mga lente ng mag-aaral sa isang sangay lamang, matuwid bang bawian din sila ng oportunidad sa ibang pang paraan ng pagkatuto? Kung makakasigurong tiyak na ang desisyon ng mga iskolar sa napiling track at sa mga susunod pang kabanata sa kanilang edukasyon, maaaring may kabuluhan nga ang mga tuntuning ito ngunit kailangang mabigyang-diin na ang mga desisyong ito ay kailangan ng oras sa paghulma. Bilang lider-estudyante, manunulat, at mamamahayag, natutunan kong ang paglinang ng kaalaman ay hindi mahigpit at tuwiran; ito’y dinamiko at mapagbago. Buhat ng mga patakaran sa loob ng kampus at ng buong sistema ng PSHS, sumasailalim sa mga proseso ng pagpili ang mga iskolar upang makalahok sa kompetisyon. Sa pagpanday ng mga patakaran tungo sa paglinang ng iskolar, kailangan muling usisain kung mahusay na nahuhulma nito ang potensiyal ng bawat isa. Sabay na iangat ang diwa ng Agham at ang Excellence bilang pangunahing sa pamamagitan ng pagpapalawak ng oportunidad, moda, at pananaw sa mga sistema ng pagkatuto. A

Akakulangan ng sustentong pinansiyal, napipilitang manahan sa mga pag-aaral na hindi nangangailangan ng magarbo at magastos na metodolohiya.
Higit na kailangang galugarin kung paano mapoprotektahan at maisasalba mula sa mga nagbabadyang kalawang ang hiyas na hawak natin sa kasalukuyan.
Hinuhubog ng mga salik na nabanggit ang paraan ng paggamit ng mga magaaral sa mga pribilehiyong inihahandog ng institusyon. Hindi limitado sa kung anong mga kagamitan ang mayroon o wala sa mga salik ng pananaliksik; kasimbigat ang papel ng aksesibilidad, kaalaman, at pinansiyal na aspeto ng paggamit ng mga kagamitan sa laboratoryo sa pagdedesisyon. Sa ngayon, maaaring gamitin ilang sitwasyong inilahad upang mas paigtingin pa ang pagpapalaganap ng karunungan hinggil sa kung ano kapasidad ng mga laboratoryo. Hindi na natin kailangan pang hanapin ang ginto — tangan na natin ito sa ating mga kamay; sa halip, higit na kailangang galugarin kung paano mapoprotektahan at maisasalba mula sa mga nagbabadyang kalawang ang hiyas na hawak natin sa kasalukuyan. A
G. Macasinag, Lubos ang aking pasasalamat sa iyong paglaan ng oras upang ipaabot ang iyong pagkukuro tungkol sa kamuwangan ng mga mag-aaral sa literatura at iba’tibang porma ng midya. Sumasang-ayon ako sa iyong pagpupuna sa kakulangan sa kakayahang magsuri ng mga akdang pampanitikan at pati na rin ng likhang sining mula sa iba’t-ibang pananaw nang may malawak na pag-iisip at mabusising pagsisiyasat. Ako rin mismo ay may mga karanasan sa klase kung saan ang maingay na silid ay tumatahimik nang mahingan ng pagpapakahulugan sa isang likhang sining o di kaya naman ay sa ilang linya mula sa mga aklat ng mga tanyag na manunulat at makata.
Mabigat man sa dibdib tanggapin na ganito kababaw ang pagtanggap ng mga iskolar sa mayamang larangan ng sining, ngunit hindi natin masisisi ang ating mga kapwa iskolar. Marahil ito ay nakaugat sa sistemikong kakulangan sa pagpapahalaga sa sining at kultura bilang isang paaralang nakasentro sa agham. Sa ngayon, ang maaari nating itugon sa usaping ito ay ang patuloy na pagtangkilik sa mga akdang pampanitikan at likhang sining, lalo na iyong gawang Pilipino, nang sa gayon ay hindi malanta ang kung ano ang siyang nagbibigaybuhay sa mayaman nating kultura.
Kaisa sa sabay na pagpapaunlad ng sining at agham, Ang Patnugot

Kumpara sa kurikulum na iniimplementa bago ang CRBL, mas nagbibigay-konsiderasyon ang CRBL sa mga pagkakaiba ng mga iskolar sa kanilang istilo ng pag-aral.
- Linette Jane Janculan 12-Biology
“Sa aking palagay, ang patuloy na pagtutok sa grading system ng Curriculum Under Remote and Blended Learning (CuRBL) ay maaaring maging mahalaga para sa modernisasyon ng sistema ng edukasyon at mas mapabuti ang mga proseso sa pag-aaral at pagtuturo.”
- Gabriel Llorando 11-Chemistry
“Mangyari sanang mapalitan na itong sistema sa ginamit noong nakaraan, sapagkat nalampasan na natin ang pandemya.”
- Franc Elijah Gene G. Pan 9-Platinum

Ang Curriculum Under Remote and Blended Learning o CuRBL ay sinimulang ipatupad sa PSHS System noong kasagsagan ng pandemya. Naglalaman ito ng mga aralin at mga pamantayan sa pagbibigay ng marka sa mga mag-aaral. Bagaman matagal nang nanumbalik sa face-to-face classes ang paaralan, ito pa rin ang ginagamit na kurikulum sa kasalukuyan. Hiningi namin ang opinyon ng mga iskolar sa patuloy na paggamit ng grading system ng CuRBL sa kasalukuyang taong panuruan.
Hindi ko masabi sapagkat hindi ko naman naabutan iyung pre-pandemic curriculum at hindi ko pa nararanasang mabigyan ng marka ayon sa sistemang iyon.
- Mary Esther T. Cale 9-Silicon
Para sa akin, hindi ito masyadong epektib. Galing sa aking experience noong 20202022 na online classes, halos lahat kaming magkakaklase ay hindi nakakapag pokus sa klase kaya hindi kami masyadong nakakapag intindi. Kanya-kanyang pagsisikap na lang ang aming ginagawa para kami ay makapag intindi ng lesson kaya mahirap ang blended learning, lalong-lalo na para sa mga batang nasa lower grade levels na walang masyadong alam sa teknolohiya.
- Ayanna Rechie Atondo 7-Sapphire

ALAM N’YO BA? Sa dinami-raming mga rumaragasang asignatura, talakayan, proyekto, at paligsahang nagaganap sa mapagkompitensiyang kalagayan ng Pisay-Bikol, tumatak sa kasaysayan nito ang nag-iisang iskolar na nalagpasan ang lahat na uno ang GWA. Mapasiyensiya man iyan, o kahit sa humanidades, diyornalismo, at iba pa, tila suntok sa buwan na siya ay naging magaling sa lahat! Mapapa-seneel ka na lang talaga. Sino kaya siya? Tara at kilalanin natin!
Lingid sa alam ng karamihan, si Renato F. Bolo III, o mas kilala bilang “Kuya Ato”, ay isang lateral na iskolar na pumasok dito sa Pisay-Bicol noong nasa ikasiyam na baitang pa lamang. Kung magbabalik-tanaw sa kaniyang mga unang araw dito sa kampus, tunay na kahanga-hanga ang kaniyang matayog na paglipad. Nagawa niya ito kahit maikli lamang ang oras ng kaniyang paghulma ng koneksiyon sa mga bagong mukha, at preparasyon sa matinding pag-agos ng mga gawain.
Masasabi nating bihirang magkaroon ng mantsang pulang ekis sa kaniyang mga papel sa mga pagsusulit, laging kabisado ang mga piyesa, hindi pumipiyok ang boses sa anumang mga sabayang pagbigkas, at epektibo ang mga konseptong kaniyang nilikha sa siyentipikong pananaliksik. Kasabay rin sa mga naging elemento ng kaniyang tagumpay ang mga bolpen na unti-unting nauubusan ng tinta, na nagawang isulat ang mga letra at numerong sagot na nagdulot ng mga ngiting may paghanga ng mga guro at kaklase, at naging pruweba ng kaniyang nakakabilib na mga abilidad.
Wika nga ng iba, pluma ang armas ng isang manunulat, ngunit hindi lahat ay may tulis na kayang mag-iwan ng pulidong marka. Si Kuya Ato bilang Punong Patnugot ng The Bicol Scholar noong nakaraang taong akademiko, nagbigaytulong siya upang yumabong at sumibol muli ang potensiyal ng mga manunulat na interesadong ipahayag ang sining ng diyornalismo. Tinanggalan din niya ng kalawang ang kanilang mga plumang nalunod ng pandemya na tila tumunaw ng kanikanilang mga motibasyon.
Sa organisasyon naman ng Model United Nations Organization (MUNO), naitalaga siya bilang Punong Kalihim o Secretary General. Gamit ang kanilang kaalaman at kahusayan sa argumentatibong pagtatalakay, sila ang nag-aaral ng komplikadong pagkakaiba ng mga opinyon at katotohanan gayundin sa pag-analisa ng prinsipyo o ideolohiyang nanalaytay sa dugong dumadaloy sa ugat ng kaisipan ng mga nakaupong lider ng iba’t ibang bansa. Dahil dito, hindi maiiwasan ang tunggalian ng mga ugali at inisyatibong nauukol sa kaisipan ng iba’t ibang administrasyon, gayundin sa mga agwat ng kapangyarihang nagpapakita ng limitadong kakayahan ng iba’t ibang bansa.
Maging sa kabilang dako rin ng karagatan, napansin din ang kaniyang angking kakayahan. Napadpad siya sa New York, USA nang mapiling makilahok sa isang Summer Science Research Program noong 2022 na layong paigtingin ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng siyentipikong pananaliksik tungkol sa Biomedical Science. Mapalad at nararapat lamang, dahil ang kaniyang sipag at talino’y perpekto sa posisyong iyon.
Ngunit sa kabila ng lahat, tulad lang ng buwang kay liwanag sa gabing puno ng mga maningning na bituin, nagkukubli sa likod nito ang lamig at dilim na hindi basta-bastang napupukaw ng init at liwanag. Dito naiimbak ang mga sakripisyo, pagod, emosyon, at mga problemang patuloy na kinimkim at itinago ng maskarang nakangiti at umaapaw ng silakbong gustong maabot ang sariling mga pangarap. Maskarang nagawang makapag-impluwensiya ng iba, makapagpangiti ng mga labi, at makapag-iwan ng legasiyang patuloy na magliliyab sa tanglaw ng ibang iskolar – na maging masipag upang maabot ng lipad ang tagumpay na ating inaasam.
Sa kasalukuyan, siya ay isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Manila, at mag-aaral sa ilalim ng kursong BS Applied Physics - Health Physics. Sapagkat patuloy lamang tayong naglalakbay sa paglipas ng oras, hindi mapupundi’t mababaon ang sinag ng inspirasyong ibinahagi ng mga iskolar na tulad ni “Kuya Ato” sa atin – sa gabing puno ng mga bituin, mga bagong sibol ng iskolar na patuloy siyang titingalain. Ikaw, sa tingin mo ba ay ikaw na ang susunod na “Kuya Ato?” A


Tikas at Talino — ilan lamang sa mga katangiang taglay ng mga iskolar ng Pisay-Bikol. Upang higit pa itong ipamalas sa mundo, naging tulay ang Talent Show at Coronation Night noong Oktubre 16 at 20, 2023 sa himnasyo ng kampus para sa pagdiriwang ng ika-25 na anibersaryo ng paaralan. Mga damit na kulay pilak na nagniningning sa gabing madilim ang namukod-tangi sa mga kandidato ng Mr & Ms. PSHS-BRC. Nagpaligsahan at nagpasiklaban ang lahat ng kani-kanilang galing upang malaman kung sino ang karapat-dapat na makakuha ng titulo. Nakabibinging hiyawan mula sa mga mag-aaral at mga kamag-anak ng mga kandidato ang maririnig saanmang panig ng himnasyo habang iwinawagayway nila ang makukulay na mga lobo, tarpulin, at baner bilang pananda ng suporta sa kani-kanilang mga pambato.
GUZMAN, MULA SA LUNGSOD NG KASIYAHAN
“For the Filipino youth of tomorrow,” ang panapos ni Amanda Guzman, ang Ms. PSHS-BRC 2023 mula sa Lungsod Naga at kinatawan ng una hanggang ikatlong distrito ng Camarines Sur. Sa likod ng kaniyang puno ng paninindigang tugon, ipinapahiwatig niya na huwag kakaligtaang mahalin ang pinakamahalaga — ang ating sarili. “I realized that in the end, this pageant was not only to represent my district, but to build myself, and to become a better woman and Pisay scholar,” dagdag pa niya. Bukod dito, ang kaniyang pagsali sa patimpalak ay naging daan din upang paghusayin ang sarili at subukin ang kanyang kapasidad. Kahit na mahirap at nakakaubos ng oras ang paghahanda para sa paligsahan, matagumpay pa rin niyang nagawa ang mga kailangan sa pageant habang pinagsasabay ang kaniyang pag-aaral bilang isang estudyanteng nasa ika-10 baitang. Sa kabila ng tagumpay laban sa kaniyang kahinaan, natutuhan niyang ang karangalan ng pagiging Ms. PSHSBRC 2023 ay may kaakibat na responsibilidad. Isa ang “Alay Pisay: Kaagapay sa Edukasyon” sa kaniyang adbokasiyang itinataguyod na naglalayong tumulong sa kapuwa mag-aaral at sa pag-abot
ng serbisyo sa komunidad. Sa kabila ng nasasabik na pagtawag sa kaniya ng mga kamag-aral na “Uy si Miss Pisay!” nananatiling nakatatak sa kanyang isipan ang tungkuling maging huwaran sa harap ng mga kapuwa-iskolar. Gayunpaman, nagsisilbi itong inspirasyon para sakanya upang magpursigi para sa kaalaman at isabuhay ang pagiging Pisay-iskolar.
AÑONUEVO, MULA SA KABISERA NG RODEO
Si Chrysler Añonuevo mula sa Distrito ng Masbate ang kinoronahan na Mr. PSHS-BRC 2023. Kilala siya sa kampus bilang isang mahusay na lider, magaling na manlalaro ng balibol, at higit sa lahat, isang “Kuya Chrysler” na maaasahan. Kung sa court ng balibol ay karaniwang makikita siya sa puwesto ng middle blocker, nananatili din siyang angat pagdating sa pangakademikong entablado. Sa larangan ng Liknayan, kilala ang pangalan niya dahil sa mga sinalihan niyang patimpalak. Sa presentasyon ng mga STEM Attire, ibinida niya ang kasuotang inspirado ng pinapangarap niyang maging trabaho — ang pagiging inhinyero. Maliban sa mga patimpalak, ang pagiging lider ay kaniya ring pagkakakilanlan. Sa kasalukuyang taong panuruan, siya ang pangulong nangangasiwa sa mga kompetisyon ng POLARIS Club — isang samahan ng mga iskolar ng PisayBikol sa Liknayan. Ilan lamang ito sa sagisag ng pagmamalasakit at paninilbihan sa kapuwa bilang adbokasiyang panghahawakan niya bilang Mr. PSHS-BRC.
Subalit humarap din si Chrysler sa mga pagsubok sa panahong tinahak niya ang ang landas sa paligsahan ng Mr. and Ms. PSHS-BRC. Ramdam ni Chrysler ang kaba sa gabi ng paligsahan at nanatili ito sa buong oras ng patimpalak subalit naglaho rin kalaunan dahil sa mga



hiyawan at tiliang nakapagpalakas ng kaniyang kumpiyansa habang naglalakad sa harap ng madla. Dahil dito, lubos ang kaniyang pagpapasalamat sa mga tagasuporta. Sa kabila ng lahat ng ito, siya ay nanatili sa kaniyang dating sarili — mapagtiyaga at mapagpakumbaba. “Masaya ako na kahit ‘di naman ako nangakong mananalo ako, pakiramdam ko na may tinupad akong pangakong ipapanalo ko para sa kanila.” pahayag ni Chrysler. Bagamat magkaiba ang kanilang kuwento, makikita na magkatugma sina Ms. PSHS-BRC, Amanda Guzman, at Mr. PSHS-BRC, Chrysler Añonuevo, sa kanilang determinasyon at pagsusumikap na magsilbing-inspirasyon sa kanilang mga kapuwa-iskolar. Pareho nilang ipinakita ang kahalagahan ng tikas at talino, hindi lamang sa larangan ng paligsahan kundi maging sa kanilang responsabilidad sa kanilang paaralan at komunidad. Ang kuwento ng dalawang kinoronahan ay magbigay sana ng inspirasyon sa kanilang kapuwa-iskolar, sapagkat sa likod ng kinang ng kanilang pilak na korona ay ang kabanata kung paano sila hinubog at nakapagbibigay ng pag-asa. Dalawang eskulturang hulma sa pilak, pagsisikap at, paghihirap — mga iskolar ng bayan na nagsisilbing modelo ng daan-daang may pangarap. A





dibuho ni BIANCA


Napapitlag ako sa biglaang pagtunog ng aking telepono dahil sa isang mensahe. Isa ako sa mga kinatawan ng aming kampus para sa isang Intercampus Science Camp na isinigawang online dahil sa kasalukuyang pandemya. Nabawasan ang nanunuot na kaba sa aking dibdib nang masilayan ang mensahe ng aking kagrupong noo’y nasa ikasampung baitang pa lamang pala na si Ate Claire. Maaaring naiipit ng distansiya at batingaw ng pagsasarili ngunit namumutawi sa ilaw ng aking iskrin ang sinag ng kaniyang inspirasyon upang magpatuloy. Sa buong programang nagsilbi kaming kaagapay ng isa’t isa, hindi ko aakalaing lalo ko pang masisilayan ang kaniyang liwanag sa pagbalikan ng eskuwela.
Kilala pala sa aming kampus si Ate Claire Amythess C. Moraña. Isang aktibong liderestudyanteng nagmula lamang sa klase hanggang paglingkuran ang buong paaralan. Sa ilalim ng numero at pinansiyal, siya ay naluklok hawak ang proseso ng pananalapi. Hindi ko minsan mawari na ang aming landas ay muling magtatagpo nang ako ay maluklok bilang Tagasuri habang siya naman ay bilang Ingat-Yaman. Mula sa daloy ng pera hanggang sa daloy ng buhay, siya ang naging gabay, inspirasyon, at pundasyon.
“The people around me really made my Pisay experience what it was,” wika niya. Mula sa paanan hanggang pataas ng paaralang malapit sa bulubunduking ito ang kaniyang nagsilbing sandigan at kanlungan sa loob ng anim na taong namalagi bilang isang estudyante. Katulad naming nakababata ay nasaksihan din nila ang kanilang mga ate at kuyang harapin ang katanungang,
“Nasaan nga ba tayo pagkatapos ng Pisay?” Dati rin silang mga munting kislap na nanunuod sa pagtalon at pag-indak ng mga seniors matapos makapasok sa kolehiyo. Ngunit nang siya na ang nakaapak sa sapatos kung saan magsisimula na ang sunod na hakbang, hindi niya inaasahan na ang dating mga biyaheng umaabot lamang sa Baguio hanggang Iloilo ay mahihigitan pa nang siya ay makaabot sa kabilang panig ng mundo. University of Pennsylvania. Isang prestihiyosong pribadong paaralan sa pananaliksik sa Philadelphia na tinaguriang unang unibersidad sa America. Siya ay kasalukuyang nakaapak sa unang taon ng kolehiyo at bagamat hinaharap ng rumaragasang daluyong ng alon ay pilit isinusulong ang aral na napulot sa dating paaralan, “Para sa Bayan.” Sa mahigit labing walong oras na pagitan ng Pilipinas sa bansang kaniyang kinaroroonan, namumutawi pa rin ang suporta mula sa kaniyang pamilya, kaibigan, at katulad kong naging parte ng kaniyang buhay-eskuwela. Dalawang mensahe ang nais niyang ipaabot sa kabila ng malawak na distansiya.
“If you’re double thinking [on] doing something, just do it. Remember your purpose. Stick with your values.” Kahit gaano pa man kalaki o kaliit ang kaniyang liwanag ay patuloy siyang masasasaksihan ng madla. Kahit gaano pa kakaiba ang kaniyang sinag ay patuloy natin siyang bibigyan ng suporta –mula kwitis man, hanggang tala. Para sa ating mga nakasama niya, siya ay mananatiling si Claire Bear, at naniniwala tayong she can bear it all. A
Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham Kampus ng Bikol Tagongtong, Goa, Camarines Sur Rehiyon V, Pilipinas
Lulong sa agos ng pagbabago, ang mga matang ito’y nagsilbing lente ng pagpusyaw ng salapi at ang pagtingkad nitong kolorete. Ang pagluha at pagngiti ng kalangitan ang nagsilbing karamay sa paglipas ng panahon. Oktubre ngayong taong dalawampu at dalawampu’t tatlo nang muling pinagtibay ang ugat ng aking kinaroroonan. Pundasyo’y ipinagdiwang, patuloy na hinehele ang sanggol ng kinabukasan. Sa apat na sulok ng lupaing ito’y napagmasdan ko ang lahat — ang lumipas at ginaganap, ang kahapon at hinaharap.
Puti, dilaw, asul, berde, at samot-saring kulay ang yumapos bilang banderitas sa buong kampus. Umarangkada rin ang mga nagkukumahog na mga mag-aaral tungo sa kanilang paroroonan. Isang buong taon upang magbalik-tanaw sa ugat nitong kaban ng kaalaman. Sa paglipas ng panahon, hindi ko na mawari kung gaano na kalalim ang aking ugat. Ang aking mga galamay ay sumusuong pailalim at humihigpit ang kapit. Ngunit pinanatiling matikas ang ilalim sa kabila ng naipong dinadala. Pisay. Ibinuklod ng buong samahang nagtaguyod at nagsulong sa kaniyang pangalan bilang ugat ng kaniyang paglaon. Namamayani sa mga gusali ang para sa mga namumuno ng paaralan — nakapundar mula pa sa piyonero noong 1998 hanggang sa kasalukuyan. Kaakibat ang mga lupon ng panlingkurang-bayan at mga guwardya ay naglatag sila ng espasyo ng kaginhawaan. Sa Awditoryum. Kung saan ginanap ang STEM Exhibits na binigyang-pagkakataong makakita ng mga imbensiyon sa agham at teknolohiya ang piling mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pamantasan. Sa likod ng mga paham na may kagustuhang magkapagbigay-kaalaman, nakatayo ang mga gurong nagsilbing pundasyon ng kanilang pagkatuto. Sila ang mga tangkay na nagbigay ng nutrisyon para sa paglago. Naroon ang mga titser na humulma sa bawat pasong ngayo’y lugar na rin upang tumubo ang mga bagong punla. Hagikhikan, tawanan, at desididong kantiyawan naman ang pumatid sa katahimikan dahil sa mga sigawang “bilhin mo na ito” at “bagay ito sa’yo.” Isinagawa rin noon ang Pisay Market Market at Outreach Program na naging instrumento upang makapagbigay ang mga iskolar pabalik sa kanilang bayan. Ang busilak na puso ng mga estudyante maging ang kanilang galing sa pagbebenta ay napabatid. Naibabahagi na rin sa karamihan ang dahon at bungang kanilang pinaghirapan. Sila ang bunga ng taon-taong paghihirap at dedikasyon. Sila ang mukha ng hinaharap.
Napuno naman ng alab ng karangalan ang lamig ng hangin ng silid ng Audio-biswal nang umuwi ang mga dating mag-aaral ng sulok-kaalamang ito para sa University Fair at Alumni Homecoming. Tila sa kabila ng pagdaan ng mga taon ng kanilang pagpanday ng sariling daan ay walang bahid ng pagkalimot sa purok kung saan sila pinalaki bago namayagpag. Ngayong natamo na nila ang tuktok sa kanilang paglipad, nais na rin nilang magbahagi ng kaalaman sa mga kapuwa-estudyanteng gamit ang mga sapatos na minsan din nilang isinuot noon. Ang yabag ng mga bunga’y siya na ring naging buto ng panibagong pag-unlad at pagyabong. Ito ang siklo ng paglaon, ang mamunga sa pagpanday at maging tagahubog din matapos ang hinaba-habang panahon. Nakakarit na ako sa lupang aking kinatatayuan mula noong bato-bato pa lamang ang daan hanggang naglaon naging kalsada. Ang pagliban ng mga mag-aaral at ang pagbabago ng bawat gusali ay hindi na bago sa aking pananaw. Ako ang naging saksi ng pagkabuhay ng ngayo’y isang makulay na paaralan. Nakaimprinta na sa akin ang ugat ng pinagmulan, ang pundasyon ng pagkatuto, at ang bunga ng hindi masusukat na tagumpay. Delubyo’t baha na ang hinarap ng aking katawan subalit sa tayog ng aking pagtaas ay nakatuon ang aking pagtingin sa pinanggalingang lupa. Mahigit dalawampu’t limang taon na pala nang ibinaon sa kanlungan ang aking binhi. Gayunpaman, kasabay ng pagdiriwang ng aking pinagmulan at ng paaralang ito ang siyang pagsibol ng umaatikabong liwanag at duyog ng pagkakataon. Awanggan. Paulit-ulit at walang hanggang pagpunla at pagbunga; ito ang Pisay. Sa bintana ng aking kaluluwa’y naisulat ang kasaysayan ng kampus. Sa paggapang ng aking mga paa sa lupa’y ang patuloy na paglaki nitong nasasakupan. Sa anibersaryo ng pagtayo nitong aking duyan, sana’y mabigyang-pansin ang daloy ng panahong ito ay nakikipagsabayan, hindi lamang sa agham at teknolohiya, kundi pati na rin sa iba pang larangan. Sa walang-hanggang pag-ikot ng oras, ito ang kahapon, ngayon, at bukas. Ito ang puno na puno ng katatagan; ang puno ng kaalaman.
Lubos na sumasaiyo,



Tahimik si Eric; bata pa siya noong mawala ang kaniyang bibig. Tahimik din ang kaniyang buhay sa kasalukuyan. Labing-isang palapag ang pumapagitan sa kaniyang inuupahang tirahan at ingay ng lungsod. Sa tuwing tumatawag ang kaniyang inang si Rosalinda, kumpas o pagtipa ng kamay ang kaniyang naging tugon. Sa labas naman, isang whiteboard na nakasabit sa kaniyang leeg ang kaniyang sinusulatan upang makipag-usap. Walang sumisigaw ng kaniyang pangalan upang mag-utos na hugasan ang salansan ng mga kubyertos sa lababo, o iligpit ang mga kalat sa kaniyang sala at kuwarto. Maging sa kaniyang trabaho bilang animator, tahimik niyang binibigyang-buhay ang mga larawang-guhit hanggang abutin siya ng dis-oras ng gabi, kasama ang kaniyang katrabahong si Carlo.


Ngunit sa kaniyang utak naiipon ang mga salitang hindi niya naibubulalas. Sa mga siwang ng kaniyang matinip na buhay, may mga umaaligid na alien na nais siyang dakipin simula noong bata pa siya. Nang madiskubre ang pagpanaw ng kaniyang tiyuhing si Rogelio, naging mas madalas ang pagbisita ng mga alien, dahilan upang mawala ang kaniyang pokus sa mga tao sa kaniyang paligid at
sa trabaho.
Sa dalawang mundong ito ni Eric — ang pisikal niyang ginagalawan at ang nabuo sa kaniyang isip kung saan pilit niyang tinatakasan ang mga alien — umiinog ang premyadong pelikulang Iti Mapukpukaw na isinulat at idinerekta ni Carl Joseph Papa. Pinarangalan ito bilang Best Film sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival 2023 at naging kauna-unahang fulllength animated film na lumahok sa nasabing paligsahan. Gamit ang istorya ni Eric, tinatalakay ng Iti Mapukpukaw ang mga tema ng pang-aabusong seksuwal mula sa kapamilya, ang pinsalang naidudulot nito sa isang bata, kung paano nagiging nakaambang patalim ang mga alaala, at kung paano lagpasan ang lagim ng nakaraan. Sinasalamin ng pelikula ang mga kaso ng karahasang dinaranas ng libo-libong bata sa Pilipinas. Ayon sa Council for the Welfare of Children, halos 9,000 kaso ng pang-aabuso sa kabataan ang naitala ng mga

“Well, it is time for you to give them fire now.”ang nanunuksong hamon ni Asuang kay Gugurang sa paghahangad nitong makuha ang apoy sa Bulkang Mayon. Ngunit hindi sumang-ayon si Gugurang at nangatwiran “They are not fit to have it yet! They must make themselves worthy.”
Bahagi lamang ito ng hidwaan ng dalawang diyos sa mitong pamana ng oral na tradisyon. Sino ba naman ang makalilimot sa pangyayaring halos tumupok sa buong bayan bunga ng patagong pagnakaw ni Asuang ng apoy sa pangangalaga ni Gugurang. Lumipas na ang maraming panahon, ganap nang napasakamay ng tao ang apoy ng Mayon. Nagtagumpay nga ba si Asuang o nabigo si Gugurang? Pero ang katotohanan, ang kuwento ay magsisimula pa lang. Bilang unang pagsubok sa siklab ng apoy ng kahusayan, ipinamalas ng mga iskolar na nasa ikapitong baitang ang kanilang husay sa pagsasagawa ng sabayang pagbigkas hango sa isang mitong Bikol na pamagatang “Asuang steals fire from Gugurang/” Bahagi ito ng proyekto sa asignaturang Ingles na itinanghal sa ampiteatro ng Pisay-Bikol noong ika-11 ng Nobyembre 2023. Tampok sa kuwento ang dalawang pangunahing karakter na sina Asuang at Gugurang na representasyon ng dalawang magkatunggaling lakas - ang kabutihan kontra kasamaan.

ospital sa bansa noong 2022; sa mismong tahanan ng mga biktima nangyayari ang ilan sa mga ito. Dagdag pa rito, tinatayang may kinalaman sa seksuwal na pang-aabuso ang 72% ng mga kaso. Gayunpaman, habang tumataas ang bilang ng pinagsasamantalahan, higit namang rumurupok ang sistema ng hustisya. Dahilan nito ang kakulangan sa kasangkapan upang matugis at mapanagot ang mga salaring madalas gumagamit ng mga gadyet upang itaguyod ang kalakaran ng cybersex sa lahat ng lupalop ng mundo. Nang dumalas ang pagbisita ng mga alien kay Eric, isa-isa ring kumalas sa kaniyang katawan — tulad ng kaniyang bibig — ang tainga, mata, at maging kaniyang ari. Hindi man literal ang pagkakapareho, ngunit ganito ang sinasapit ng mga biktima ng pangaabuso. Pinapurol na mga pandama upang makalimutan ang pakiramdam ng karahasan. Pinahinang kakayahang magsalita dahil sa paniniwalang walang makikinig o makaiintindi sa kanila. Kaya para sa mga Carlo, tandaan ninyong kailangan kayo ng mga Eric. Dahil kahit papaano, ang umibig ay umasa. Dahil ang pag-ibig ay pag-asa. Hindi magiging madali ang paghawak sa kanilang mga kamay sapagkat mali ang naituro sa kanilang magkasingkahulugan ang matalik at marahas. Samahan ninyo sila sa mundong nabuo sa kanilang isip. Labanan ninyo ang mga alien nang magkasama. Sapagkat walang tunay na nagwawagi nang mag-isa o nang walang kasangga.
Para sa mga Rosalinda, patuloy sana ninyong kausapin ang inyong mga Eric. Patuloy niyo silang ihele hanggang sa tumahimik ang mga bulong sa kanilang isip. Hindi sana kayo mapagod na itanong kung kumusta na ang inyong mga anak. Intindihin ninyo ang kanilang pagkapipi sapagkat alam ninyo, batay sa karanasan, na ang salitang pinakamahirap bigkasin ay ang unang salita. At para sa mga Eric, hindi kayo nag-iisa. Bagaman nagbabadya ang mga Rogelio, puno ang mundo ng mga Rosalinda at Carlo. Matutunan sana ninyo ang katotohanang hindi ninakaw ang inyong mga pandama; bagkus, nawala lamang ang mga ito sa daan, handa upang inyong pulutin muli. Malaya kayong umibig at ibigin; hindi hadlang ang inyong nakaraan para dito. Mahabang panahon ang gugugulin upang makuha ninyo ang lakas ng loob na ilahad ang inyong karanasan. Ngunit sa oras na matagpuan ninyo ang mga nawawala, pakatandaan ninyong hindi rito nagtatapos ang inyong istorya; bagkus, ito ang simula. A

Ang Mito at Realidad sa Buhay ng mga Bagong Sibol na Iskolar
Makikilalang si Gugurang ang kumakatawan sa mabuti samantalang si Asuang naman ang kasamaan. Sa pagitan ng hidwaang ito, ang apoy na sagisag ng lakas at kapangyarihan. Ayon sa kuwento, ang makapangyarihang diyos na si Gugurang ay naninirahan sa bulkang Mayon. Hangad niya lamang ang kabutihan para sa kaniyang nasasakupan. Ang apoy na nagtataglay ng kontrol at dagdag na kapangyarihan sa nasasakupan ay nasa kaniyang pangangalaga. Kahit nababalutan ng kabutihan si Gugurang, kaya din niyang magbigay-parusang karapatdapat sa mga nagkakasalang mamamayan. Kathang-isip man kung ituring ang kadakilaan ni Gugurang, ngunit isang katotohanan ang pag-iral ng kabutihan. Ang kaisipan ng pagpapalaganap at pangangalaga ng apoy ay hindi lantad kundi maaaninag sa kawanggawa at paglilingkod ng mga makabagong alagad ng karunungan. Sila ang mga guroang nagpapanatili, naggagabay, at nagsisindi ng apoy ng mga bagong sibol na iskolar. Nagpaparusa nang naaayon at makaturungan at higit sa lahat nagtuturo kung paaano gamitin ang apoy sa tama. Sa kabilang dako naman ay matatagpuan si Asuang na naninirahan sa bundok Malinao. Dahil sa inggit nitong matanaw ang mga taong sumusunod kay Gugurang, naghangad
siyang makuha ang apoy na nasa pangangalaga ni Gugurang. Nang tumanggi si Gugurang, nagdesisyon siyang nakawin ang ito dulot ng inggit na nararamdaman. Ang pangyayaring ito ang ugat ng hidwaan ng kuwento. Wika nga nila, hindi magliliwanag ang apoy kung walang kadiliman. Walang matagumpay kung walang pagsubok. Ang katauhan ni Asuang ay isang analohiya ng mga hamon sa buhay ng mga bagong sibol na iskolar. Napasakamay na ng sangkatauhan ang apoy at sa buhay ng isang iskolar nakasentro ang apoy ng karunungan. Ang alab na ito ang sumasagisag sa integridad, kahusayan, at paglilingkod. Subalit hindi ito basta-basta matatamo kung hindi daraan sa butas ng karayom. Ang pagtamo nito sa masamang pamamaraan ay taliwas sa saliw ng apoy ng integridad na maaaring tumupok sa mabuting hangarin.
Sa huling bahagi ng kuwento, nang makaabot kay Gugurang ang katiwaliang nagaganap sa kaniyang nasasakupan ay agad nitong hinanap si Asuang. Sila ay nagsagupaan para makuha ang apoy ngunit sa huli ay nagtagumpay si Gugurang. Dulot ng sukdulang galit, hinati niya ang bundok Malinao bilang parusa kay Asuang. Isang patunay na kailanman ang sinumang nagtataguyod ng tama at katotohanan ang siyang nagwawagi sa laban.

Sa buhay ng mga bagong sibol na iskolar bayan, marahil may mga ilang katulad ni Asuang na nadadaig ng tukso at nakagagawa ng masama para sa sariling kapakanan at kagustuhan. Lahat ng iskolar na nagtataguyod ng apoy ng karunungan ay hindi maitatanggi ang paghahangad na makilala sa pagtatamo ng matataas na marka, pagiging kabilang sa director’s list, at pagtanggap ng mga parangal sa mga lokal at internasyonal na kompetisyon. Ngunit sa kabila nito, mahalagang alalahanin ang kabuluhan ng tunay at marangal na laban. Kilalanin natin ang mga taong gumagabay sa katauhan ni Gugurang. Sila ang ating mga magulang, mga guro, at mga kaibigang tumutulong sa atin upang pigilan ang ating masasamang intensiyon. Pinaalalahanan nila tayong lahat ng masasamang gawain o desisyon ay may katumbas na parusa na dapat nating panagutan. Gayunpaman, lahat ng ating ginagawa, mabuti man ito o masama ay may kahihinatnang maganda o hindi kaayaaya. Sa ating mga bagong sibol na iskolar ng bayan nakasalalay ang ating kapalaran kung maingat tayong sasabay sa saliw ng apoy o tuluyang masusunog. A

bida
Bilang pagtugon sa mga suliraning pangkalikasan at pinsalang dala ng climate change, pinasinayaan ang paglunsad ng Planet Lemniscate at ang panunumpa ng mga opisyal ng nasabing organisasyon sa Audio Visual Room ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham – Kampus ng Rehiyong Bikol nitong ika-13 ng Oktubre 2023.
Ang Planet Lemniscate ay isang organisasyong binubuo ng mga samahang konektado sa kalikasan at Sangay ng Haynayan sa loob ng mga kampus ng PSHS. Pinagbubuklod nito ang mga guro, tagapagtaguyod, at mga nais pa lamang umanib sa samahan upang magkaisa sa iisang layuning labanan ang climate change at pangalagaan ang mundo. Kasabay ng pagpapakilala sa
organisasyon ang panunumpa ng mga
bagong nahalal na opisyal mula sa iba’t ibang kampus. Naitalaga bilang pangulo si Maria Therese Ballesteros ng Kampus ng Rehiyong Bikol.
Matapos ang panunumpa ng mga opisyal, ibinahagi ang link ng kanilang website (planet.pshs-brc.com) upang higit na paunlarin, palakasin, at palawakin pa ang impluwensiya ng nabanggit na samahan. Dito matutunghayan ang kanilang mga aktibidad maging ang mga kaalaman at makabuluhang pagsusulong ng makakalikasang hakbang.
Samantala, ipinakilalwwa naman ang mga katuwang ng organisasyong sina Dr. Catherine Chalen at Prof. Vinesh Chandra ng Queensland University of Technology sa Australia na nagbigay ng mapanghikayat na mensahe sa madla.
Ayon sa kanila, hindi nalilimita sa mga miyembro ng organisasyon lamang ang pagkakaroon ng kakayahang isalba ang ating planeta, at isa ito sa nilalayon ng Planet Lemniscate. Hiniling din nilang magamit nang tama ang plataporma upang umusbong pa ito sa
Itinuturing na kapatid ng pagunlad ang industriyalisasyon. Isa itong rebolusyong naglalayon ng malawakang pagbabago tungo sa pagpapagaan ng pamumuhay. Kasabay ng pag-usbong nito, nagsulputan ang naglalakihang impraestruktura tulad ng mga pabrika, mall, at iba pang pinagkukunan pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Bukod sa mabubuting epekto ng industriyalisasyon sa lipunan, partikular sa ekonomiya ng bansa, nagdudulot din ito ng mga hindi kanais-nais na epekto sa kapaligiran. Madalas na naisasakripisyo ang kalikasan sa ngalan ng paglago ng mga industriya at mga makabagong paraan ng pamumuhay.
Isa pang hindi kaaya-ayang epekto ng industriyalisasyon ang pagtaas ng greenhouse gas emissions mula sa mga industriyal na proseso at gawain katulad ng pagsunog ng mga fossil fuels. Kabilang na rin dito ang walang kamatayang usapin ng global warming na nagdadala ng madalas na pananalasa ng bagyo, malawakang pagulan at pagbaha, at mabilis na pagtaas ng temperatura at lebel ng tubig-dagat.
Bukod sa nabanggit, nakaaapekto rin ang industriyalisasyon sa kalagayan ng ating mga likas na yaman. Kasabay ng pagtaas ng demand para sa mga hilaw na materyales at enerhiya upang mobilisahin ang mga prosesong industriyal, bumababa naman ang suplay ng mga karbon, langis, at natural gas. Malapit na sa kritikal na lebel ang kakapusan sa likas na yaman at nagbabadya na itong maging global na krisis kung patuloy na pababayaan. Hindi lamang ito nakaaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay, kundi pati na rin sa mga buhay ng susunod na henerasyon.
Industriyalisasyon ang nagbibigay ng pag-asa sa pag-unlad sa linya ng ekonomiya. Dito rin nagmumula ang hanapbuhay ng libo-libong


pamilya. Ngunit, kahit buong-buo ang pagyakap ng sambayanan sa pagbabago, kinaliligtaan naman ang kaakibat nitong pagpapalubha sa sakit ng Inang Kalikasan. Gayunpaman, may magagawa pa rin ang bawat isa upang mapigilan ang nalalapit na pagkasira ng kalikasan sa pamamagitan ng pagsulong ng sustainable development goals. Sa paraang ito, habang naaabot ang mga tuntunin ng ekonomiya, teknolohiya, at industriya, makasasabay rin ang kalikasan sa pagbabago. Ilan sa mga simpleng paraan na maaaring simulan sa kani-kaniyang tahanan ang pagpatay ng ilaw, tubig, at mga appliances kung hindi naman ginagamit, paggamit ng paper bags bilang alternatibo sa plastik, at pagsasabuhay ng 3Rs: Reuse, Reduce, at Recycle. Minimal lamang itong hakbang ngunit magiging pangmalakihan ang epekto kung samasamang pagtutulungan.
Ngunit hindi nagtatapos sa ating mga tahanan ang ating tungkulin. Nararapat na manawagan tayo sa pagkapanagot ng mga malaking kompanyang pangunahing sanhi ng pagkalustay ng mga likas na yaman. Pinpinsala ng kanilang mga praktis katulad ng pagmimina, pagkalat ng basura, paggamit ng nonrenewable na enerhiya, at pananamantala sa kalakaran ng langis ang mga likas na yaman. Nagreresulta ang kanilang mga gawain sa pagkawala ng mga natural na tirahan ng mga hayop at humahantong sa pagbagsak ng saribuhay. Sila ang pinakamalaking salarin sa krisis ng kalikasan; nararapat na kaulayaw ng mga makabagong teknolohiyang kanilang isinasapubliko ang mga prosesong makikalikasan. Dahil anuman ang gawin natin bilang mga munting konsyumer, nasa mga mayaman at mga kapitalistang nagmamay-ari ng mga gusaling industriyal ang susi ng makatarungang pag-unlad. A




mas malalaking mga proyekto para sa kalikasan. Sapagkat napakahalaga ng simulaing pangkamalayan ukol sa pangunahing suliraning nais bigyang lunas, nagkaroon din na pinangunahan ni Engr. Jennifer Eboña, PhD ng Central Bicol State University of Agriculture ng Pili, Camarines Sur. Ipinabatid niya ang mga sanhi at bunga ng climate change kung saan nangunguna ang emisyon ng greenhouse gases at pagpuputol ng mga puno bilang mga sanhi, habang kinabibilangan naman ng pagbaha, sunog sa mga kagubatan, pagkatunaw ng mga yelo sa polar na bahagi ng mundo, pagkamatay ng mga hayop, pamumutla ng mga halamang dagat, at tagtuyot ang mga nakasasamang dulot ng nito. Nagtipon ang mga miyembro ng Planet Lemniscate sa likuran ng himnasyo ng Pisay-Bikol upang magtanim ng mga puno—huling bahagi ng programa na siya namang isa sa mga unang hakbangin ng implementasyon ng naturang samahan. A

LUNTIAN. Si Maria Therese Ballesteros, pangulo ng Planet Lemniscate ng Kampus ng Rehiyong Bikol, ay nakiisa sa paglunsad ng nasabing organisasyon. Ninanais ng Planet Lemniscate na makagawa ng malaking hakbang sa pagsasaayos ng daigdig. D Stephanie Valerie Vista


“ Today, it’s okay to say you’re not fine.
- Mariflor Gatchalian

Nagtipon-tipon ang kaguruan ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol upang dumalo sa Mental Health Forum na pinangasiwaan ng Health and Wellness Committee sa pamumuno ni Lorna P. Hernandez, nitong nakaraang ika-25 ng Agosto sa Audio Visual Room ng paaralan.
Sa paglalatag ng objective at rationale, iginiit ni Phillip Jordan Ramboyon mula sa Guidance Unit na layon ng panayam na tumugon sa mga hamong kinahaharap ng mga guro at mabigyan sila ng mga kasanayang lilinang sa kanilang optimismo, katatagan, at pananaw ukol sa kahalagahan ng ginagampanan nilang papel bilang mga guro.
Pinamagatang “False Positive: Fostering True Value of Positivity and
Care to Self and Others,” sinimulan ni Mariflor Gatchalian, Chief Psychologist ng Mindcare Center sa Perpetual Help Medical Center ang kaniyang panayam sa pagpapakita ng paghanga sa kaguruang “pundasyon ng mga bata”, pagpapaalala sa kahalagahan ng pagngiti, at pangungumusta sa kalagayan ng mga dumalo.
“Today it’s okay to say you're not fine. It’s okay to say I’m tired; I need rest,” anang panauhing tagapagsalita.
Naging paksa sa pagtitipon ang mga naging implikasyon ng pandemya sa mental na kalusugan ng kabataan at ang kasalukuyang sitwasyon ng kakulangan sa bilang ng mga dalubhasa ng mental health sa bansa.
“Kailangan nating makita na ito ang katotohanan. This is what’s happening and this is the reason why we see some of
our students may not be performing the way they used to,” wika ni Gatchalian.
Bukod sa mga kalbaryo ng mga mag-aaral, tinalakay rin ng panauhin ang samo’t saring paksa ukol sa pag-aalaga sa sarili at kapwa kagaya ng pagpapahalaga sa pahinga, pamamatnubay sa mga emosyon, at pagpapahalaga sa mga naiipong karanasan.
We need to restore ourselves so we can be better helpers,” paalala nito.
Nasaklaw rin ng panayam ang paksang positibong sikolohiya na umiinog sa pag-asa, pagpapasalamat, pakikiramay, pagpapakumbaba, at pagpapatawad.
Parte ang Mental Health Forum sa mga serye ng oryentasyon na inilunsad ng administrasyon sa pabubukas ng bagong taong panuruan. A

Kahusayan sa pananaliksik ang ipinamalas ng siyam na iskolar ng Mataas na Paaralan sa Agham ng PilipinasKampus ng Rehiyong Bikol sa Tsunagu Research Project sa Cyberjaya, Malaysia nitong Oktubre 22, 2023. Sina Ma. Kyna Arizapa, Andrea Gestiada, Aaron Prianes at Rem Dominic Prudente ng "Team Formosa", at Aaron Carle Cordial, Noah Rogelio Joaquin Hagad, Gabriel Llorando, Joefel Matthew Tugano at Ma. Fatima Bella Villarey ng "Team B" ang mga kumatawan sa paaralan sa ilalim ng pangangasiwa gurong si Jhetro Arthur Cledera. Kaugnay sa mga pangunahing tema ng pagkain at tubig, itinanghal ng Team Formosa ang "Pineapple (Ananas comosus) Leaf Reinforced Multi-Purpose Agar Bioplastics"
na naglalayong mag-imbento ng plastik na mas madaling mabulok ngunit maaaring pa ring gamitin sa iba’t ibang mga bagay, samantalang "Abaca (Musa textilis) Fiber-Based Hydrogels" naman sa Team B na nakatutok sa mga hydrogel na maaaring mag-imbak ng tubig para sa mga halaman sa panahon ng tagtuyot. Kanilang ibinida ang mga natuklasan sa loob ng mahigit apat na buwang pananaliksik ng kanikanilang mga pag-aaral. Ang Tsunagu Research Project ay isang taunang kaganapan na nilalahukan ng mga mag-aaral mula iba't ibang bansa sa Timog-Silangang Asya at Japan. Layunin ng programa ang pagbubuklod ng mga mag-aaral at pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman at karanasan sa iba. A





Lumilitaw ang X-linked Dystonia Parkinsonism (XDP) bilang isang nakakapukaw na paksa ng interes at siyentipikong pagsusuri. Ang bihirang karamdamang ito ay nagpapakita ng kakaibang pisikal na sintomas at palatandaan o batayan naman pagdating sa henetika sa loob ng katawan.

Ang XDP na kilala rin bilang “Lubag Syndrome” ay isang namamanang sakit na nakaaapekto sa kalalakihang nasa edad 19-65. Nagdudulot ito ng pabigla-bigla at maling pagkilos ng katawan. Sa iba ay sanhi rin ito ng komplikasyon sa pag-iisip na nauuwi pa sa mas malalang karamdaman, ngunit hindi ito ang pangunahing katangian at hindi madalas maiuugnay sa sakit.
Nabibilang ito sa klasipikasyon ng mga sakit na neurodegenerative o nagdudulot ng paghina ng nervous system tulad ng Alzheimer’s at Parkinson’s Disease. Ang mga nerve cell sa utak ay nakararanas ng mga pagbabago at kapinsalaang nagdudulot ng pagkawala ng kanilang kakayahang gampanan ang kanilang mga tungkulin. Ang pagkakaroon ng problema sa koneksiyon sa utak ang siyang nagreresulta sa pagkasira ng motor at kognitibong gawain ng katawan.
Pagtukoy ng Pinagmulan
Unang natuklasan ang XDP sa pulo ng Panay sa Pilipinas. Ang mga probinsiyang bahagi ng Panay na kinabibilangan ng Capiz, Iloilo, at Antique ang may pinakamatataas na bilang ng mga indibidwal na may XDP. Hanggang sa kasalukuyan ay bihira pa rin ito sa ibang mga bansa at sa Pilipinas lamang karaniwan. Nasasaad sa pinakahuling ulat na may higit 500 kataong may lahing Pilipino ang naaapektuhan ng XDP.
Karamihan sa mga taong nagtataglay ng kondisyong ito ay nagmula rin sa mga angkan sa isla ng Panay kung saan naitalang 5.24% sa bawat 100,000 katao ang nakararanas ng naturang karamdaman.
Una at Pangmatagalang Sintomas Ang Parkinsonism ang kadalasang unang senyales ng XDP. Ito ay isang grupo ng mga abnormalidad sa paggalaw kabilang ang mga pagkirot, bradykinesia o hindi pangkaraniwang mabagal na pagkilos, kawalan ng kakayahang panatilihin ang balanseng katawan, at hindi tamang paglalakad na nagdudulot ng paulit-ulit na pagkahulog. Kasunod naman nito ang Dystonia – ang pangmatagalan at hindi
kontroladong pag-urong ng kalamnan. Nagsisimula ito sa mata, panga, o leeg, at sa huli ay kumakalat sa iba pang bahagi ng katawan. Depende sa kung alinmang kalamnan ang apektado, ang dystonia ay maaaring magdulot ng problema sa pagsasalita, paglunok, koordinasyon, at paglalakad. Karaniwang unang nagpapakita ang mga sintomas na ito sa gulang na 39 taon, kaya naman malubha ang epekto nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga nadadapuan ng karamdamang ito. Dagdag pa, ang mga partikular na nasabing sintomas ay hindi pare-pareho sa bawat indibidwal na nagtataglay ng XDP.
Henetika sa Likod ng Pagmana Sa dalawang chromosome na sangkot sa pagpapasa ng mga katangian ng mga magulang sa anak, nasa X-Chromosome ang salarin ng pagkakaroon ng XDP. Dahil sa recessive na paraan ng pagmana, dalawang kopya ng pathogenic variant ng XDP gene ang kinakailangan upang maapektuhan ang kababaihan dahil sa dalawang X-Chromosome nilang taglay. Sa kabilang banda, dahil ang mga lalaki ay mayroon lamang isang X-Chromosome, sapat na ang isa




mismong kopya ng pathogenic na varyant sa bawat selula upang magdulot ng ganitong kondisyon. Dahil sa malabong magkaroon ang mga babae ng dalawang kopya ng pathogenic na varyant na ito, mas madalas na naaapektuhan ang mga lalaki ng mga X-linked recessive disorders kaysa sa mga babae.
Banta at Hamon sa Publiko Bilang bansang pinag-ugatan ng sakit na ito, sa atin nakaatas ang misyong pag-aralan at intindihin ang likas na kaanyuan ng XDP at tuklasin ang mga paraan upang matugunan ang pinsala at pasakit na dulot ng mga sintomas na dala nito. Ang mas malawak at puspusang suporta sa mga isinasagawang pananaliksik tungkol sa sakit na ito ay ang isa sa mga pangunahing hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng layuning nabanggit. Bukod pa rito, nasa atin din ang responsibilidad na magpalaganap ng kaalaman at kamalayan tungkol sa XDP, lalo na sa mga mga angkan sa kapuluan ng Panay. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng pagkakataong matuklasan nang mas maaga at maagapan ang mga pasaning sintomas na dala ng XDP. A




Mapanganib at hindi maaasahan. Nakakagulat. Nakakapagpabagabag. Iyan lamang ang ilan sa mga salitang makapaglalarawan ng mga lindol.
Sapagkat kabilang ang Pilipinas sa balangkas ng karaniwang tinatawag na “Ring of Fire,” hindi maikakaila ang mga sakunang tulad ng lindol na biglaang susulpot na lamang sanhi ng patuloy na paggalaw ng mga nakabaong tectonic plates. Hindi pa ganap na hinog ang kapangyarihan ng teknolohiya sa ngayon upang kayaning mahulaan ang mga susunod na lindol. Kaya, maaaring biglaan na lamang itong magparamdam, araw man o gabi, at sa kahit saanmang sulok ng daigdig. Sa kasamaang palad, kamakailan lamang nang naramdaman ng mga bayan ng Surigao del Sur ang kababalaghang naidudulot ng mga lindol. Nangyari ang mga ito matapos simulan ng isang Magnitude 7.4 na lindol noong
ikalawa ng Disyembre ang walang tigil na aftershocks na nagdulot ng pangangamba lalong-lalo na ng mga netizen sa mga social media. Nagdulot din ito ng paguho ng mga impraestruktura, mga sugatang residente, at iba pang kaswalidad. Bilang pag-iwas sa mapaminsalang dulot ng biglaang paggalaw ng ating lupang kinatatayuan, narito ang mga aksiyong dapat mong gawin upang maseguro ang iyong kaligtasan:
Huwag mangamba
Kapag ramdam na sa balat ng lupa ang malakas na pagyanig ng lupa, umaksiyon agad, at humanap ng matibay na masisilungan tulad ng mesa, upuan, at iba pa. Hawakan ding mabuti ang sinisilungan upang hindi ito gumuho agad. Kung sakaling wala namang masisilungan sa iyong kinalalagyan, manatili sa mga lugar na walang mga puno o
gusali na maaaring matumba. Takpan ang ulo at maging maingat
Kapag tapos na ang pagguho ng lupa, huwag makampante at panatilihing natatakpan pa rin ang ulo dahil maaaring may aftershocks na mangyari at maging sanhi ng pagkahulog ng debris katulad ng mga kahoy galing sa kisame, semento galing sa mga pader at hagdan, at mga basag na salamin galing sa mga bintana. Buksan din ang iyong flashlight kung sakaling madilim ang paligid upang makita kung may mga mapanganib at matatalim na bagay sa iyong kinalalagyan.
Bilangin ang bawat isa
Kung ikaw naman ay nasa silidaralan o dormitoryo, bilangin ang bawat isa upang malaman kung kompleto ang lahat. Sa pamamagitan nito, malalaman kung sino ang mga






Ang kanser ay isa sa mga pinakakinatatakutang sakit sa mundo dahil isa ito sa pangunahing dahilan ng kamatayan. Noong taong 2020, 10 milyong katao ang namatay sa sakit na ito at ang bilang na ito’y patuloy na tumataas.
Nabubuo ang kanser kapag mayroong hindi inaasahang pagbabago sa DNA ng isang cell, dahil ito ang basehan nila kung paano kikilos at magpaparami. Ang partikular na problema sa kanser ay mas mabilis na nagpaparami ang mga cell kaya nakakabuo ng tumor na nagiging balakid sa pagtakbo o sa mga layunin ng ibang bahagi ng katawan. Kadalasan ay nagiging rason ito ng organ failure na nagdadala ng kamatayan.
Bagama’t may mga pamamaraan ng paggamot rito tulad ng chemotherapy kung saan pinapatay ang mga cell sa katawan ng tao gamit ang radiation, masyadong mahal ito para sa karaniwang tao at nakakadala rin ito ng masamang epekto sa kalusugan. Ang CRISPR ay isang uri ng depensa ng mga bakterya na kumukuha ng snippet o bahagi ng DNA ng ibang organismo tulad ng virus na nais pumatay dito. Kapag

Sinimulang gamitin ang teknolohiya ng CRISPR-Cas9 gene editing system noong Enero ng 2013 sa katawan ng tao. Sa taong ito, idinaraan rin ang Cas9 sa mga pagsubok sa ibang hayop tulad ng
na nakabuo ng isang “genetically modified baby” ang isang mananaliksik mula sa Tsina kung kaya’t ipinagbawal ang pagpapatuloy sa paggamit ng CRISPR sa mga sanggol. Ikinulong naman ang
kumpanyang may pinakamalaking kontribusyon sa pag-aaral ng CRISPR — na gamitin ito bilang lunas sa dalawang sakit sa dugo. Mayroong ilan pang mga pagsusuring nagpapatunay na

nangangailangan ng tulong upang maiulat din sa mga guro o tagapangasiwa ng nasabing pasilidad. Tandaan na sa oras ng lindol ay kailangan man nating unahin ang sarili, ngunit huwag maging ignorante sa kalagayan ng iba.
Isaayos ang linya at pumunta sa ligtas na lugar Pagkatapos ng pagsasaayos ng kalagayan ng bawat isa, bumuo ng maayos na linya habang patungo sa ligtas na lugar. Ayon kay G. Mark del Rosario, ang pinakaligtas na lugar sa kampus ng Pisay-Bikol ay ang tapat ng Administration Building, kung saan walang masyadong mga puno at matataas na gusali Panatilihing maayos ang linya, maging tahimik, at kumilos nang maayos upang maging malinaw ang pagpapahayag ng mga direksyon at balita tungkol sa nangyaring sakuna. Maging handa sa posibleng sunog
Tandaang maaaring magkaroon din ng sunog pagkatapos ng lindol. Maaring mangyari ito kung sakali mang tumagas ang mga tanke ng gasolina, o masira ang mga linya ng koryente sa mga gusali. Kaya tandaan rin natin ang PASS
method: mga paraan kung paano gamitin ang fire extinguisher kung sakaling magkaroon ng sunog.
Matapos manatili sa ligtas na lugar, tawagan at makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno sa inyong lugar gaya sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC), Bureau of Fire Protection (BFP), mga ospital, atbp. Maaring gumamit rin ng radyong de baterya upang makalap ang mga balita tungkol sa sitwasyon ng iyong lugar.
Takot at pangamba ang dala ng mga sakuna sa atin, na sa mga panahon ngayon ay bigla na lamang sumusulpot, ngunit ang takot na ito ay sanhi ng pagsasawalambahala at kawalan ng kamalayan sa mga hakbang na maghahatid ng kaligtasan. Tayo, bilang mga iskolar ng bayan, ay humaharap sa mga balakid na minsan ay hindi inaasahan sa pagtahak ng ating mga daan tungo sa maliwanag na kinabukasan. Maiiwasan ang panganib na dulot ng mga sakunang gaya ng lindol kung mananatili tayong handa sa lahat ng oras. Maging maalam sa mga aksiyong nabanggit sapagkat ang handang iskolar, ay ligtas na iskolar! A
ginhawa sa pasakit ng sakit na ito.
Baka nama’y sa mga susunod na taon ay hindi na natin kailangan pang katakutan ang kanser at tuluyan na itong mabura sa lista ng mga sakit ng tao. A
P A S S ULL IM

dibuho
• PULL: Hilahin ang pin ng fire extinguisher.
• AIM: Itutok sa apoy ang hose at hawakan nang mahigpit.
• SQUEEZE: Pisilin o ipitin ang pingga ng fire extinguisher.
• SWEEP: Itapat ang buga nito sa mga lugar na may apoy. Gamitin ang telepono upang humingi ng tulong.



Sa paglipas ng mga dekwada, ang sektor ng palakasan ay umunlad sa isang mas bukas at ligtas na espasyo para sa lahat ng mga atleta anuman ang kanilang edad, lahi, o kasarian. Subalit, sa isang patriyarkal na lipunan, tayo ay napapasailalim sa ganitong sistema at ang sinumang hindi sumunod sa mga pamantayang ito ay tatanghaling kakaiba sa mata ng publiko. Kung kaya’t sa larangang pinaghaharian ng kalalakihan, karaniwan para sa mga babaeng atleta ang mapuna at makaranas ng diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian.
Bagama’t nakasaad sa Seksyon 14 ng Republic Act 9710, o mas kilala bilang ‘Magna Carta for Women’ ang mga karapatan ng kababaihan sa pampalakasan, nananatiling suliranin ang mga panghuhusga at may pagkiling na tingin ng publiko sa mga babaeng atleta. Bukod dito, nananatili rin ang mga hamon para sa mga kababaihan, partikular na sa hindi pantay na suweldo at pagkakalantad sa midya kumpara sa mga kalalakihan. Habang ang mga isyung ito ay patuloy na rumaragasa, malayang maibubuka pa kaya ng mga kababaihan ang kanilang mga pakpak sa larangan ng palakasan?
Sa Pilipinas, karaniwan pa ring maririnig galing sa publiko ang pananaw na ituturing na “kagalang-galang” ang isang babae kapag siya ay mahinhin at magandang kumilos. Kapag sila naman ay sumalungat sa ganitong paniniwala, lalo silang minamaliit at pinupuna ng publiko. Ito ang isa sa mga hamong kinakaharap ng mga babaeng atleta. Kahit na ang mga tanyag na mga babaeng atleta ay hindi makawala sa pagpuna ng publiko. Isang halimbawa rito si Hidilyn Diaz, ang unang Pilipino na nakakamit ng gintong medalyasa Olympics, na nakaranas ng pambabatikos ukol sa kaniyang pangangatawan bilang bahagi ng kabataang pumasok sa larangan ng weightlifting.
Ang mga negatibong opinyon ng publiko tulad nito ay maari lamang makaapekto sa sariling imahen ng mga babaeng atleta. Gayunpaman, ang komentaryo kay Diaz ay nagbigay-inspirasyon upang ipagpatuloy ang kaniyang adhikain sa palakasan, at nagpapatunay kung paanong patuloy na nagsusumikap ang kababaihan para sa pagkakapantay-pantay sa gitna ng diskriminasyon.

Kailangan na itaguyod ang layunin ukol sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa palakasan upang mapanatili ang isang patas na lugar para sa parehong kasarian. Ang mga babaeng atleta ay naglaan ng maraming pagsisikap, oras, at dedikasyon upang makamit ang kanilang mga adhikain. Naglalaro sila nang may parehong lakas, tiyaga, at pagnanais na maging mahusay. Kung kaya’t dapat lamang na makuha nila ang karapatang mapakinggan, mapanood, mapalakpakan, at maipagmalaki ng publiko. Sa pamamagitan din nito ay mabibigyang- daan ang mga susunod na henerasyon ng mga babaeng atleta na patuloy na abutin ang kanilang pangarap sa isang kapaligirang sumusuporta sa kanilang paglago at pag-unlad.
Ito ang katotohanan ukol sa kalagayan ng mga atletang kababaihan. Gayunpaman, patuloy panawagan ng kababaihan para sa pantay at makatarungang pagkilala sa kanilang kakayahan. A

Noon pa man, ang basketbol ay isa na sa mga pinakatanyag na isports sa Pilipinas. Ito ay kinikilala at pinaguusapan sa lahat ng dako ng bansa – sa mga maliliit na komunidad sa probinsiya, sa okupado at mataong mga kalye ng siyudad, at sa mga telebisyon mula hilaga hanggang timog ng kapuluan. Bukod sa madali itong matutunan, napaiigting nito ang diwa ng kompetisyon at pagkakaisa ng mga manlalaro na siyang dahilan kung bakit ito ay tumatatak sa isipan ng mga manlalaro at manonood, dagdag pa ang pandaigdigang kadakilaan ng bansa sa isports na ito. Subalit, sa kabila ng kabantugan ng basketbol sa mga kanto hanggang sa koliseo, ang kapalit naman nito ay ang pagka-itsapwera ng iba pang larangan ng pampalakasan.
Isang dahilan sa kakulangan ng oportunidad ng mga potensiyal na atleta ay ang hindi pantay na pagpondo ng gobyerno.
Kailangang bigyang-pansin ang iba pang mga larong pampalakasan sa bansa sapagkat ang lahing Pilipino ay puno ng angking talento at lakas na hindi nabibigyan ng oportunidad upang makilala. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng pagkakataon ang mga kababayang atleta na makapagsanay at makapagpanday ng kakayahan bilang paghahanda sa mga lokal at internasyonal na paligsahan. Isang dahilan sa kakulangan ng oportunidad ng mga potensiyal na atleta ay ang hindi pantay na pagpondo ng gobyerno. Sa labis na pagtutok ng bansa sa larangan ng basketbol, tila nakakalimutan na ng pamahalaan ang sapat at wastong paglaan ng pinansiyal na suporta sa
B Shermaine Florin
iba pang mga larangan. Ang mga atleta katulad nina Hidilyn Diaz, Edwin Villanueva, Adrian Asul, at Eumir Marcial ang ilan lamang sa mga Pilipinong atleta na nagbigaykarangalan sa Pilipinas ngunit hindi nakatanggap ng sapat at wastong pondo galing sa gobyerno. Dagdag pa, malaki rin ang impluwensiya ng popular na midya sa baluktot na pananaw ng mga mamamayan sa basketbol at iba pang mga laro. Sa pagbukas ng radyo at telebisyon at sa paglipat ng pahina ng diyaryo, ang mga naglalakihang larawan ng mga basketbolista agad ang bubungad. Habang ang mga atleta sa di-karaniwang mga laro gaya ng athletics, gymnastics, at chess ay hindi naaaninagan ng ilaw ng lente. Sa isang perpektong mundong pantay ang inilalaan na atensiyon ng midya sa mga larangan ng palakasang pinagkakadadalubhasaan ng lahing Pilipino, mas madaling maaakit ang masa na tangkilikin at suportahan ang galing ng mga kababayan natin. Bagamat ang basketbol ay tunay na tanyag at kinagigiliwang larangan, hindi lamang dito mayroong ibubuga ang mga atletang Pilipino. Kinakailangang lingunin ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang katotohanang maraming ginto, pilak, at tansong medalya ang nagiging bato dahil sa pagkait ng oportunidad at suporta sa iba pang larong pampalakasan. A
“Ang pinakamalaking kasalanan sa sining, o marahil pati sa buhay, ay ang hindi man lang sumubok.”
Isa sa mga pinakaprestihiyosong patimpalak para mga estudyanteng atleta sa Pilipinas ang Palarong Pambansa. Sa entabladong ito unang nakikilala ang mga tinitingalang manlalaro sa mga pambansa at internasyunal na liga. Ngunit sa kaso ng mga mag-aaral ng Pisay, tila nagiging balakid ang pagiging iskolar ng bayan sa pagbaybay ng landas tungo sa pagtungtong sa inaasam na entablado ng palakasan.
Hindi lingid sa kaalaman na hindi lamang sa larangan ng Agham at Teknolohiya biniyayaan ng angking husay ang mga iskolar; maging sa mundo ng sining, pagtatanghal at palakasan, mayroong binatbat ang mga tinaguriang “cream of the cream of the crop.” Hindi na ito maiiwasan sapagkat dati nang mga atletang may karanasan ang ilan sa mga iskolar; sumsabak na sa mga pampalaksang patimpalak ang mga ito magmula elementarya. Ngunit tila nawawalan ng kahulugan ang mga inukit nilang tagumpay at hinakot nilang medalya sa kanilang pagtungtong sa sekondaraya. Dahil ito sa pagkakait sa kanila ng pagkakataong lumahok sa mga kompetisyon sa labas ng paaralan katulad ng Palaro, na
humahantong sa pagkapawi ng dating nagaalab na simbuyo sa isports. Minsan na rin namang lumahok ang paaralan at sumubok na makipagtagisan sa pandibistritong antas ng Palaro noong huling taong panuruan bago dumating ang pandemya. Bilang isa sa mga nakatalagang manunulat upang gumawa ng balita tungkol sa kanilang mga laro, sariwa pa sa aking isip ang ligaya ng mga iskolar-atleta na may dalang mga medalya sa kanilang pagbalik sa kampus mula sa pook ng kanilang kompetisyon. Patunay lamang ito na kayang-kayang makipagsabayan ng mga tagaPisay sa larangan ng isports; sa kasamaang palad, hindi na nasundan pang muli ang pakikilahok ng paaralan sa mga Palaro. Bilang institusyong sumesentro sa paglinang ng mga estudyante sa kanilang pagkapantas sa Agham at Teknolohiya, hindi na sorpresa ang kakulangan ng ibinibigay na atensiyon ng pamunuan sa mga hindi pang-akademikong paligsahan kagaya ng palakasan. Ngunit hindi dapat

hinahayaang masayang ang mga talento at galing ng mga mag-aaral nang dahil lang sa pangalan ng paaralang malugod naman nilang kakatawanin kung sakaling bigyan ng pagkakataon.
Maging sa mundo ng sining, pagtatanghal at palakasan, mayroong binatbat ang mga tinaguriang “cream of the cream of the crop.”
Nararapat lamang na binibigyan din sila ng opurtunidad na makipaglaro sa mga kapuwa atletang mag-aaral mula sa ibang pamantasan at mabigyan ng suporta at tiwala upang mas buo ang kanilang loob na lumaban. Katulad ng ibang samahan sa loob ng kampus na nakapokus sa pagtatanghal at pagtugtog ng mga instrumento, dapat ding pansinin ng mga opisyal sa paaralan ang potensiyal ng mga naiitsapwera nitong atleta. Ang tagumpay ng mga atletang mag-aaral ay tagumpay din ng kanilang dinadalang paaralan, ngunit ang kanilang pagkabigo na maiuugnay sa kawalan ng suporta at oportunidad ay sumasalamin din sa kawalan ng pagpapahalaga sa kanilang taglay na husay. A









Idiniskarga ni Rhys Perez ang isang service ace na nagdala ng tagumpay para sa Alyansang Terra-Aqua kontra sa Pyro-Ventus, 2–0, sa ginanap na House Sorting Volleyball Exhibition Game sa himnasyo ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham noong ika-27 ng Oktubre, 2023.
Inakay ni Perez ang Terra-Aqua at bumira ng labing-apat na puntos sa kabuoan ng laro upang patalsikin ang PyroVentus na pinangunahan naman ni Ewan Fernandez na umiskor ng siyam na puntos.
Naunang umariba ang Alyansang Pyro-

BATANG WAGI. Nagpakita ng ngiting abot-tenga si Rhys Eandrei Perez ng 12-Biochemistry matapos makamit ang tagumpay sa larong balibol na ginanap sa himnasyo ng Pisay-Bikol. D Kurt Kervy Lagrimas
Ventus sa pamamagitan ng mga malakidlat na serve ni Fernandez at mga pamigay na puntos ng kalaban, 7–0. Isang mainit na rally sa kalagitnaan ng unang set ang pinatigil ng umaapoy na spike ni Perez, 15–12, kasunod ang tuluyang pagsuko ng Pyro-Ventus ng unang kanto sa kade-kadena nitong net faults at out-of-bounds, 19–25.
Patuloy ang pamamayagpag ng TerraAqua sa simula ng ikalawang set gamit ang mga nagliliyab na service ace galing kay Thirdy Mendez, 3–0. Rumesbak ang Pyro-Ventus sa mga
Pinatunayan ni Zoe Zapanta ng ikasiyam na baitang na ang edad ay hindi hadlang para makamit ang kampeonato nang kaniyang pinaluhod si Angelika Clete ng ika-12 na baitang, 2-0, sa ginanap na Alab-Isports— Badminton Exhibition Match nitong ika-13 ng Disyembre, 2023 sa himnasyo ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham.
Naunang umariba ang mga junior na sina Zapanta at Samantha Bachiller ng ika10 baitang para sa elimination round. Sa unang set ng laro ay inilampaso ni Zapanta si Bachiller gamit ang kaniyang mga mala-apoy na mga kill, 20-2. Nagpatuloy naman ang pamamayagpag ni Zapanta sa ikalawang set sa pamamagitan ng kaniyang mga malakidlat na smash at mga pamigay na puntos ni Bachiller, 20-2. Sunod na sumabak sa badminton court ang junior na si Zapanta laban sa senior na si Clete. Naunang umiskor si Zapanta gamit ang kaniyang mga sunodsunod na pamatay na smash at mga net errors ng kalaban, 2-0.
Isang mainit na rally naman ang namayani at rumesbak naman si Clete, 8-2, subalit kaagad na binawi ito ni Zapanta gamit ang kanyang mga service
ace at mabibilis na smash, 17-2. Bigo na makahabol pa si Clete at nagtapos ang unang set ng laro, 20-4, sa pamamagitan ng kahanga-hanga na estratehiya ni Zapanta.
Nagpatuloy naman ang ikalawang set ng laro at sinubukan ni Clete na bumawi nang kaniyang itabla ang iskor sa unang mga minuto ng laro, 3-3. Subalit, agad na dumipensa si Zapanta laban dito upang muling makalamangt sa kalaban, 7-3. Sunod-sunod ang net fails ni Zapanta sa kalagitnaan ng laro dahilan upang muling makapuntos si Clete, 9-6. Ngunit, hindi rito nagpatinag si Zapanta at kaniyang muling inangat ang moral at ipinatuloy ang kaniyang mga pamatay na smash at malakidlat na long shots, 18-6. Nagtapos ang ikalawang set at hindi na nakaahon pa si Clete, 20-7.
“Masaya po kasi kahit di na po ako masyadong nakakapaglaro, nakaya ko pa rin pong manalo. Sa tingin ko po yung experience ko din po sa paglalaro yung strength ko kasi po as madami na nga po ako nakakalaro, nakakapag-isip po ako ng puwedeng gawin na teknik pag di po ako masyadong nakaka-point” ang naging tugon ni Zapanta sa panayam pagkatapos ng laro. A

Higit sa anumang tropeo ang mapamilipit na sinturong itim, na niyayapos lamang ang pinakamatitikas na katawang pinanday ng pagtatiyaga. Hibla nito ang limang prinsipyo ng Taekwondo — paggalang, integridad, pagpupursigi, pagtitimpi, at lakas ng loob. At para kay Vincent Ian Peñaflor, isa sa kakarampot na nagsusuot nito, sumasagisag ito sa kaniyang kinadalubhasaang sining ng pagbabalanse — ng tindig, postura, at maging pamumuhay.
Anim na taon pa lamang nang napukaw ang simbuyo ni Vince. Isa sa mga nagparubdob ng namuong ningas sa kaniyang dibdib ang dugong-Taekwondo na nananalaytay sa kanilang angkan. Bukod sa pagudyok ng ama at pagtaguyod ng mga kapatid, malaki ang naging papel ng mga atletang kinahahangaan ni Vince sa paghugis ng kaniyang kapusukan sa laro; at sa pagnanasang makalipad nang walang bagwis na nakaantala: tanging mga sipa, suntok, at lundag lamang ang gagamiting sagwan upang tahakin ang himpapawid, lalong nabuhay ang kaniyang sigla sa pag-abot ng
naglalagablab na service ace ni Jahnmier Del Rosario, 5–6, ngunit muling nakalamang ang Terra-Aqua sa alalay ng mga outside na tira ng kalaban, 14–17. Itinabla ni Chrysler Añonuevo ang laro sa kaniyang pamatay na service ace, 17–17, ngunit ginulantang ni Perez ang madla at tinapos ang laro sa kaniyang kadekadenang service ace, 19–25.
Nagsilbing paunang pagpapabuhay sa diwa ng pagkakaisa sa gitna tagisan at tunggalian ng mga iskolar ang laro matapos ang ginanap na House Sorting para sa mga nasa ikapitong baitang. A
Malakidlat na liksi ang naging puhunan ni John Andrei Brecio, iskolar mula sa ikasiyam na baitang, ang tala ng kaniyang mga katunggali sa ginanap na eksibisyon sa larong Rubik’s Cube noong ika-12 ng Disyembre 2023 sa Multipurpose Room 1 ng Pisay-Bikol.
Kumarera sa loob ng 15.92 segundo si Brecio upang maselyo ang unang puwesto sa unang set ng laban.
Samantala, hindi rin nagpasindak ang pambato ng ikawalong baitang na si Vrylle Jheuel Llagas at binuo ang cube sa loob lamang ng 47 segundo.
Pinilit namang humabol nina Princess Ysabela Mariae Aquino ng ikapitong baitang at Cedric Jothan Marco ng ika-12 baitang ngunit nagawang tuldukan ni Aquino ang kanilang laban sa loob lamang


Brecio sa sumunod na round sa kabila ng mabilisang paglutas na ipinamalas nina Aquino at Llagas. Gamit ang speed cubing, tuluyang dinurog ni Brecio ang kaniyang mga natitirang katunggali sa paikli nang paikling oras na ginugugol sa bawat solve

Tulad ng mga dakilang nagsimula sa wala, nakabaon sa banghay ng kaniyang mga pagwawagi ang kasiphayuan — mga mintis na sipa, pagkakamali sa postura, at mga sandali ng pagkabigo. Bago pa man mangilak ng sambuntong ginto at mga sertipiko gamit ang kaniyang mga tinasang kakayahan sa Taekwondo — na kaniyang binitbit sa entablado ng Pisay-Bikol at nagkamit sa kaniya ng mga parangal na Best in Sports Attire at Best in Talent sa nagdaang Search for Mr. and Miss Pisay — unang hinubog si Vince ng pagkatalo. Aniya, “Throughout my Taekwondo journey, one constant companion was failure.” Ngunit, itinulak lamang siya ng mga ito, kaagapay ng mga ugaling inukit sa kaniya ng isport at ng walang humpay na suporta ng kaniyang tatay. “Despite my frequent losses in tournaments during my novice stage (white to blue belt), my father didn’t give up on me. He persisted in teaching me his techniques, including his signature turning side kick. As I progressed into high school, my skills saw significant improvement – my techniques became more refined, my movements [were] swifter, more
upang
“Mahirap itong sanayin pero na sanay ako dahil hindi ako tumigil, hinasa at hinasa ko, para maabot ko ito” saad ni Brecio. A

fluid, and stronger. I even mastered gravitydefying techniques.” Pagpupursigi ang nagsilbing panustos ni Vince upang tanglawan ang mga nagbabadyang kadiliman sa kaniyang daan. Sa mga pagkakataong siya ay alila ng pagod — pisikal at mental, kaniyang pinaghuhugutan ng tibay ang umaapaw na paniniwala ng kaniyang ama sa kaniyang angking potensyal. Higit pang dalisay ang kaniyang batnayan sa usapinn tungkol paghihirap, na ayon sakaniya ay oportunidad upang tasahin ang karunungan. Ang kaniyang dedikasyong taglay sa paglalakbay sa larang ng Taekwondo at buhay ay ang puwersang umaanyo sa kaniyang katatagan.
Malinaw kay Vince ang katuturan ng sinturong nakakabit sa kaniyang baywang: pareho itong pribilehiyo at responsibilidad. Hinihingi nito mula sa kaniya ang sakdal na pokus, determinasyon, at disiplina. Sinasalamin nito ang isang paraan ng pag-iisip at pamumuhay. Sa kaniyang daan patungo rito, nahanap niya ang perpektong balanse — sa pag-ensayo, pagpahinga, at pakikipagbakbakan sa mga hamon ng buhay.







GOA, CAMARINES SUR -
natunayan ng Super Juniors na hindi alintana ang edad matapos
tambakan ng sunod-sunod na panalo
kontra Senior Sentinels gamit ang hindi matibag na depensa at mga agresibong initiation na nagkandado sa pagkapanalo ng koponan sa ginanap na ALAB-ISPORTS Mobile

Legends: Bang Bang Tournament noong ika-8 ng Disyembre 2023; 3-0. Tinaguriang “Hari ng Mid Lane” si Cleo Navales ng Juniors matapos niyang matagumpay na kontrolin ang gitnang mapa gamit ang sunod-sunod na Astral Recall ni Novaria at sabayan ng paggising sa mapaminsalang Angry Gloom passive skill ni Lylia. Ang mahahapdi, mapanukso, at mapang-ilag na galawan ni Navales ang siya ring naglantad sa jungle area ni Sean Bueza ng Seniors na nakaapekto sa diskarte at plano kanilang grupo.
Bigo ang Seniors kontra Juniors sa kanilang unang pagtatapat gamit ang alas na double damage assassin-marksman ng tambalang Bueza at Felix Rejesus matapos

gulantangin ng Juniors ang ikatlong laban sa luminous lord.
Unang napitas ng Lapu-lapu ni Ramon Herrera ng Juniors ang katunggaling marksman na si Rejesus gamit ang tatlong physical defense items na dahilan upang tuluyang mapabagsak ang momentum ng Seniors, 29-29, at ibulsa ng Juniors ang unang panalo; 1-0. Sa ikalawang paghaharap, muling nanaig ang depensa ng Juniors sa kabila ng agresibong estratehiya ng Seniors matapos matapatan ng Nether Realm ng Faramis ni Soriano ang four-man set ng Guinevere ni Villareal upang mailigtas ang kaaalyado sa DPS, 28-16 Hindi na hinayaan ng Juniors na makapagbato ng miracle set si Vina Saez at Villareal nang diretsahan ang pagtulak nila papunta sa base ng Seniors; 2-0. Samantala, maingat ang pagpaplano ng dalawang koponan sa ikatlong bakbakan kung saan pinili ng Juniors ang diskarteng binubuo ng limang area of effect (AOE) na bayani, samantalang pinagpatuloy ng Seniors ang paggamit ng malalakas ang burst damage.
Pinaulanan ng Ling ni Bueza ng magkailang talim ng Tempest of Blades

ang Juniors sa suporta ng Heartguard ng Angela ni Saez habang nagsasagupaan ang mga miyembro ng dalawang koponan sa magkabilang dulo ng mapa, 3-8. Pinangunahan naman ni Navales ang pagbawi ng Juniors bitbit ang scorch damage ng Lylia, at ng madaliang pagtakas at panunumbalikmwm-buhay ng Black Shoes na kaniyang ultimate, 13-22.
Malaki man ang kalamangan, sinamantala ng Juniors ang likas na Law of Diminishing Gold na nagpapababa sa nakukuhang gold sa bawat dagdag na kill ng manlalaro at nanatiling kalmado sa direksiyon ng laban, 17-29.
Walang tigil ang ratsada ng Juniors sa pagbaliktad ng laro matapos maglapag ng matinding Curse of Blood ang Carmilla ni Soriano na siyang nagset-up ng pamatay na AOE damage ng Juniors at tuluyang binura sa mapa ang kalabang koponan, 21-31. Hindi nagpapigil ang Juniors kahit bigo nilang maidikit ang malawak na kill score gap at tuluyan nilang winasak ang pag-asa kasabay ng pagsakop sa base ng katunggali, at tinuldukan ang laban sa mabangis na comeback; 3-0. A


Wellington, New Zealand - Sumipa sa kasaysayan ng bansa ang Philippine Women’s Football team matapos pabagsakin ang New Zealand Football Ferns, 1-0, sa kanilang paghaharap sa FIFA Women’s World Cup Group A match na ginanap sa Wellington Regional Stadium, W ellington, New Zealand noong Hulyo 25, 2023. Nagpasiklab agad ang mga Pilipina

Ginulantang ni Kiertsan Sazon ng ika-12 na baitang ang madla gamit ang kaniyang matayuyon at kalkuladong balanse na naging susi upang basagin ang kontrol ni Marion Mesias ng ika-11 na baitang at magtala ng 74.67 segundo kontra 2.34 segundo ni Mesias sa lato-lato exhibition game na ginanap sa PSHS-BRC Gazebo nitong ika-14 ng Disyembre 2023. Sinimulan ni Mesias ang unang set at nakapagtala ng 1.34 segundo, agad namang bumira si Sazon ng matulin at maiingat na tira na dahilan upang makagawa ng malaking kalamangan matapos itong pumuntos ng 28.96 segundo.
Muling sumabak sa ikalawang pagkakataon si Mesias at ngunit bigong makabawi matapos magtala ng oras na isang segundo at sinundan naman ito ni Sazon ng malakidlat na umpugan ng mga bilog at nagtamo ng iskor na 45.71 seconds at tuluyan nang ibinulsa ang panalo. Hindi makapaniwala ang madla sa estilo ng paglalaro ni Sazon dahil ito ay tila sisiw lamang sa kaniya. “Basic”, saad ni Sazon. A
sa unang 24 minuto ng laro, matapos humataw si Sarina Bolden gamit ang kaniyang bilis at ungusan ang depensa ng katunggali na sinabayan pa ng isang malakidlat na header na siyang umukit ng kauna-unahang puntos para sa Pilipinas sa kasaysayan ng FIFA. Nagpatuloy ang ratsada ng Pilipinas gamit ang hindi magibang depensa nang harangin ni Olivia McDaniel ang mga dumadagundong na sipa ng New Zealand at
bigo silang buwagin ang matitibay nitong save at mabibilis na dive upang protektahan ang kaniyang goal area. Ginulantang ng New Zealand ang koponan ng Pinas nang magpakawala ng malakidlat na sipa si Katie Bowen na naghatid ng bola sa goal ngunit agad ring naimbalido matapos ideklara ng referee na ito ay outside. Nagpalitan pa ng mga lumalagablab na sipa at malalintik na strike ang dalawang
koponan sa huling limang minuto ng laban, pareho rin nagpamalas ng walang kapagurang depensa ang magkatunggali sa kani-kanilang goal area. Tuluyan na ngang naubos ang mga segundo sa orasan at hindi na nabawi pa ng New Zealand na tapatan ang inukit na goal ni Bolden sa simula sa kabila ng pagtala ng 67% na posesyon ng bola at 14 shot sa goal, 1- 0, makaysayang tagumpay para sa Pilipinas. A

Ursua, nanaig ang henyo kontra
Ibinalandra ni Antonio Jose “Bam” Ursua ang matatag na depensa at suwitik na estratehiya upang pataubin ang henyo ni Joseph Brian Monzales sa isang madugong gitgitan sa larong eksibisyon sa Chess panlalaki, 1-0, na ginanap sa hapon ng ika-28 ng Nobyembre 2023 sa silid-aklatan ng Pisay-Bikol.
Sinimulan ng dalawa ang tagisan sa pormasyong Italian Game, kung saan umarangkada si Monzales nang kaagad na bumuo ng castling, o ang paglipat ng puwesto ng rook at ng king, upang iangat ang depensa ng kaniyang mga
Unti-unting napahikaos si Ursua sa nakakasakal na estratehiya ng kabila at napilitang i-unahan ang kaniyang hari. Mabilisan siyang nahimasmasan, at sa patuloy na pag-ungos ng kalaban ay lalo pang tinatagan ang depensa. Hindi naging hadlang ang pagkamulat ni Ursua kay Monzales sa muli niyang paghirit. Gamit na alas ang kaniyang reyna at kalasag naman ang rook, pinatumba nito ang mga pawn ng itim hanggang sa kalahati na lang ang matira. Lingid sa kaalaman ng katunggali, dahan-dahang pinausad ni Ursua
opening, and I lost track of my pieces and [only] remembered them durivang the middle game” bunyag ni Monzales sa naging dahilan ng kaniyang pagkabigo. Sa paglalim ng tagisan ay lalong uminit ang tensiyon. Itinuloy ni Monzales and agresibong laro at sinikap na ipitin sa kanto ang hari ng itim gamit ang kaniyang rook upang magulantang ang kalaban.

Napabalikwas man sa kibo ng katunggali, hindi natinag ang pagnanasang magwagi ni Ursua. Pinilit niyang mapantayan ang kalaban sa katunggali.
Napanganga si Monzales matapos ipamalas ni Ursua ang malasalamangkang gilas. Sa gitna ng pagdadakmaan ng mga piyesa, pinauusad niya ang kaniyang reyna nang sa gayon ay makatala ng checkmate at matuldukan ang salpukan, 1-0.
“To be honest, I didn’t have any strategy [prior to the game]. The plan was to react to what my opponent was playing and the checkmate at the last series of moves just became apparent to me, and I tried to capture
