ANG TULAY 2023-2024

Page 1

Bilang ng ‘struggling learners’ pinangangambahang dadami pa

Naglunsad ang DepEd ng programang ‘Catch-up Fridays’ nitong taon upang tugunan ang bumababang performans ng mga mag-aaral sa bansa.

Dekalidad na edukasyon ang inaasam

ngayon ng Kagawaran ng Edukasyon dahil sa pangamba nilang maaari pang lumobo ang bilang ng ‘struggling learners’ kung kaya nag-isip ito ng paraan upang solusyonan ang naturang kaso. Ayon nga sa inilabas

na resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) noong Disyembre 2023, mas lalong bumagsak ang performans ng mga mag-aaral sa Math, Reading, at Science na ikinadismaya ng mga guro

maging ang mga education advocate. Kaya naman sa pangambang ito, muli na namang binuhay ang dating programa na Drop Everything and Read (DEAR) kung saan pagtutuonan ng pansin ang

Ilang patakaran ng paaralan, tinutulan ng magaaral

Mga mag-aaral hindi sinang-ayunan ang ilang mga patakarang inihain sa ginanap na oryentasyon sa Tagudin Farmer’s Center noong Setyembre 30, 2023.

Nagsagawa ng oryentasyon ang paaralan nitong Setyembre ng taon upang talakayin ang mga patakaran at serbisyo nito. Taon-taon ay nangyayari ito. Madalas makita sa mga ganitong gawain ay

ang pagpapakilala sa mga namumuno, mga guro, at mga serbisyong ibinigay ng isang institusyon na sinusoportahan ng karamihan ngunit taliwas ang nangyari sa taong ito.

pagbasa ng mga mag-aaral mula sa baitang-7 hanggang baitang-12.

Tinitiyak naman ng kagawaran na makatutulong ang programang ito upang muling maingat ang kakayahan ng mga mag-aaral.

Ruby Mae Madrinan

Hadlos, wagi sa Humanitarian Pitch 2023

Nanalo ang mag-aaral ng Phd Civil Engineering na si G. Arvin Hadlos sa programa ng Unibersidad ng Sydney, Australia na “Humanitarian Pitch 2023” na ginanap ang pagbibigay ng parangal noong ika-17 ng enero 2024, and programang ito ay dinaluhan ng Iba’t ibang mag-aaral ng pananaliksik sa nasabing paaralan. Sa loob ng tatlong taon, pinagtuunan ng pansin ni Hadlos ang kaniyang pananaliksik tungkol sa “Local and Indigenous

knowledge for disaster risk reduction: Analyzing multi hazard housing reconstruction strategies in the Philippines” na siyang nagbigay ng panalo sa kaniya.

Pagkatapos ng kaniyang panalo ay lumipad naman sa Hawaii si Hadlos upang dumalo sa PTC’24 Telecom Conference kung saan nabigyan siya rito ng mga ‘insight’ tungkol sa kanyang pananaliksik, at makipag-ugnayan sa mga global industry players.

“Bakit pipigilan niyo kaming magpakulay ng buhok o magpagupit kung ito ang gusto naming itsura” saad na tanong ng isa sa mga mag-aaral.

Tameme ang Guidance

Counselor na siyang nagtalakay sa nasabing gawain ngunit sa huli ay sinuguro niya sa lahat na ang kapakanan pa rin ng mga nila ang kaniyang inaalala katuwang ng mga namamahala.

Ang resulta ng pagbasa ng mga estudyante ng TNHS sa Junior at Senior High School. Attending the Academics’ and Researchers’ Luncheon at the Pacific Telecommunications Council conference was a highlight because I was able to network with academics and PhD students in the field and learn about the ongoing research developments within the telecommunications, ICT and digital infrastructure.

Sa kalagitnaan ng pagtalakay sa patakaran ay inalmahan ito ng karamihan dahil hindi nila gusto ang iba gaya na lang ng hindi pagsusuot ng uniporme, pagdadala ng cellphone, pagpapagupit, at ng iba pa.

TOMO XVI | BILANG 16
14% 46% 252% 250% 603% 320% 503% 115% 305% 636% BELOW WORD LEVEL WORD LEVEL SENTENCE LEVEL PARAGRAPH LEVEL STORY LEVEL
COMPREHENSION
MATERIAL
STORY
LEVEL LOCAL
LEVEL LOCAL MATERIAL COMPREHENSION LEVEL ACADEMIC TEXT LEVEL ACADEMIC TEXT COMPREHENSION
Mark Vincent Bulic
PUSPUSANG PAG-AARAL, WALANG MAIIWAN: Ang mag-aaral ng 8-SSC sa pagsasagawa ng kanilang mga aktibidad sa programang Catch-up Fridays ng Deped. EDITORYAL | 5 LATHALAIN | 10 AG-TEKNO | 15 OPISYAL NA PAMAHAYAGAN NG TAGUDIN NATIONAL HIGH SCHOOL
KULELAT!
Ruby Mae Madrinan BISITAHIN!

Early Registration dinedma ng ‘incoming students’

Walang masyadong nagpatala sa isinagawang ‘early registration’ ng paaralan noong Enero-Pebrero 2024. Taon-taon ay nagsasagawa ng maagang pagpapatala sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa ngunit hindi ito pinansin ngayong taon. Maliban sa maaari naman silang magpalista sa araw mismo ng ‘enrolment’ ay mayroon ng kalaban ang naturang paaralan.

Ang gawaing ito ay malaki rin ang maitutulong sa mga mag-aaral dahil mayroon na silang siguradong slot sa susunod na pasukan. Inaasahan din na dudumugin ang nasabing gawain pero taliwas ito sa kanilang paniniwala lalo na ng mga namumuno nito.

Ang mga araw ng mismong pagpapatala ay gaganapin pa lamang sa mga una hanggang sa huling linggo

ng Hunyo 2024. Ayon naman sa Calendar of Activities ng Kagawaran ng Edukasyon, Hulyo 29 ng kasalukuyang taon ang pasukan ng mga mag-aaral. Masasabi naman na mas maaga ang pasukan sa susunod kumpara noong nakaraan. Sa susunod na taon ay babalik na sa normal ang pagbubukas ng mga paaralan.

TNHS, nakiisa sa pagdiriwang ng National Reading Month

Nakiisa ang Tagudin National High School sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa na may temang “Pagbasa: Pag-asa sa MATATAG na Kinabukasan” noong ika-21 hanggang 28 ng Nobyembre 2023.

Ang nasabing programa ay naglalayong palakasin ang kakayahan sa pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral upang mas mapabuti ang kanilang pagkatuto.

Sinimulan ang isang linggong programa sa pamamagitan ng School-Level Reading Month Kick-off sa TNHS

open ground kung saan lumahok ang mga guro sa asignaturang Ingles at Filipino at mga mag-aaral.

Ginanap rin sa parehong araw ang ibat-ibang mga aktibidad gaya ng Book Pantry, Book Talk, at Book Exchange Fair sa kanya-kanyang mga silid-aralan ng mga estudyante na pinangunahan ng mga guro sa nasabing asignatura. Inilaan naman ang mga sumunod na araw para sa mga patimpalak gaya ng Poster Making, Reading Challenge, Oration, Dutungang Pagbasa, Spoken, Poetry, at Reading Quiz

Bee na linahukan ng mga magaaral mula ikapitong baitang hanggang ikalabindalawa. Sa huling araw ng programa ay ginanap ang patimpalak sa pag-cosplay ng Philippine Fictional Heroes at ang pagpaparangal sa mga nagwagi sa bawat patimpalak na nabanggit.

Kasabay ng nasabing programa ang pagtatayo ng Kanlungan ng Karunungan (Reading Center) kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring magsagawa ng Peer Reading Session tuwing lunch break upang malinang ang pagmamahal nila sa pagbasa.

Dyornalista, puspusan ang paghahanda sa nalalapit na RSPC 2024

Dahil sa nalalapit na Regional Schools Press Conference 2024, nagkaroon ng intensive training ang mga dyornalista ng Dibisyon ng Ilocos Sur sa Mabilbila Integrated School, Santa, Ilocos Sur noong Marso 20-24, 2024.

Nilahukan ang PreRSPC ng mga nanalo sa nakaraang Division Schools Press Conference, 108 na magaaral ng Individual Category – sekondarya at elementarya at 80 mag-aaral sa Group Category – sekondarya at elementarya. Kasama rin sa nasabing pagsasanay ang nagsisigalingang mga tagapagsanay ng mga dyornalista.

pagsasanay sa unang araw nito na pinangunahan

ng kagalang-galang na Pandibisyong Tagapamanihala ng English – Jovita B. De Castro, Ed.D na sinundan ng mga opisyal ng organisasyon ng mga dyornalista sa dibisyon. Sa pagbubukas, sinabi ng un ana ang gawaing iyon ay binigyang realisasyon upang hasain at paghusayan pa ang kaaalaman at kakayahan ng mga dyornalista sa pagsusulat ng kani-kanilang mga artikulo. Dagdag pa niyang lahat ng mga tagapagsanay sa loob ng 5 araw ay bihasa na sa larangang ito at paulit-ulit nang nananalo sa nasyunal na kompetisyon. Binuksan din ang pinto para sa mga lay-out artist na siyang nagdisenyo ng mga dyaryo ng bawat nanalong paaralan upang mas pagandahin pa ang wawtput na kanilang ginawa upang sa Regional Schools Press Conference ay muling Manalo at umabante sa NSPC na gaganapin sa Cebu City sa Hulyo ng kasalukuyang taon.

“Ang dami kong natutuhan sa mga araw na narito ako sa training, ang damidami nilang input na ngayon ko lang nalaman. It’s a blessing na binigyan kami ng pagkakataon upang matuto ng panibagong mga kaalaman pagdating sa dyornalismo” banggit ni Brix Laberinto, lay-out artist ng Tagudin National High School.

Sa mga huling araw ng training ay hindi nawala ang pagkritik sa trabaho ng bawat isa. Gayon na may mga nasaktan sa komento ng mga tagapagsanay dahil direkta nilang sinasabi ang kanilang mga puna sa mga dyornalista. Masakit ngunit naguudyok sa knila upang gawin nang mahusay ang kanilang awtput.

“Sir nagsakit met ti imbaga n ani Sir Alex, nagpangit kano tay inaramid ko, nangabak nak lang kano ta napintas ti surat ko” sentimiento ni Danica Leah Bustillos – dyornalist ng Tagudin National High School.

Hindi rin nawala sa pagsasanay ang masasarap na meal ng mga nakilahok, kung may intensive training may intensive eating ding naganap sabi ni Gng. Lydia T. Liclican –Pangulo ng DASSPA.

Sa huli ay nagtamo na ng magagandang komento ang mga mag-aaral at umuwing busog na busog sa kaalaman ang kanilang mga isipan.

236K Trees ng DepEd, nagsalba ng kalikasan

Dahil sa pagkakalbo ng mga kabundukan, ang mga guro sa Agham at Opisyal ng YES-O ng Tagudin NHS ay nagtanim ng 236K na puno ng mahogany sa ilang bahagi ng Tagudin. Ang kaguruan ng Tagudin ay nakiisa sa proyekto ng DepEd na ‘236k Trees - A Christmas Gift for the Children’ na ginanap sa Dardarat, Tagudin Ilocos Sur nitong Disyembre ng taon.

Layunin ng programang isalba ang kalikasan mula sa lumalalang sitwasyon nito gaya ng pagkakalbo ng ilang kabundukan ng lugar. Tagumpay namang naisagawa ang proyekto at inaasahang ang gawaing ito ay makatutulong sa pabago-bagong panahon at sa kaligtasan ng lahat sa hinaharap.

RSPC 2024 kasado na sa Ilocos Sur

Matapos pag-usapan at pagplanuhan sa DepEd Regional Office 1, Ilocos Sur magiging host ng Regional Schools Press Conference 2024. Plantsado na nga ang lahat at kamakailan lang ay nai-post sa Facebook Page ng DepEd Region 1 at kinumpirmang sa ‘Heritage

Province of Ilocos Sur’ gaganapin ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong kompetisyon.

Inaasahan na magsasama-sama at magtatagisan ng talino’t galing sa dyornalismo ang 14 na dibisyon ng Rehiyon Uno.

Mga Guro binigyang pugay

Taon-taon ay ipinagdiriwang ang buwan ng mga Guro mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5. Ito ay ipinagdiriwang sa iba’t ibang paaralan sa ating bansa. Isa na rito ang Tagudin National High School (TNHS) na nakilahok sa pagdiriwang. Nagbigay ng pasasalamat, pagpapahalaga, at papuri ang mga mag-aaral sa kanilang guro. Ilang mga mag-aaral ay nagbigay ng mensahe, mga bidyo ng mga memorya ng estudyante sa kanilang mga guro at para maipakita nila sa mga guro ang kanilang mensahe gamit ang kanilang talento.

“Dahil sila rin mismo ang tumatayo na ating pangalawang magulang at sila rin ang dahilan para madagdagan ang ating kaalaman sa mga bagaybagay sa ating paligid,nagiging dahilan para matupad ang ating pangarap kung wala silang mga guro na nagtuturo sa atin wala kayo kung nasaan man kayo ngayon” Yan ang sinabi ng mensahe ng isang estudyante.

2 BALITA AGOSTO 2023 - MARSO 2024
Divine Grace Lanuza Mark Vincent Bulic Irisha Mhel Garlejo Cedric Delos Santos Mark Vincent Bulic Andrei Justin Hernando TANIM NG BUHAY. Si Angelie Jacusalem na nagtatanim ng mga gulay sa Gulayan ng Paaralan. HANDA SA PANALO. Ang puspusang paghahanda ni Brix Laberinto sa nalalapit na RSPC 2024 sa Bantay, Ilocos Sur

Kabataan ng Tagudin inihanda ang kinabukasan sa 31st National Children’s Month

Ang mga opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Tagudin National HighSchool ay aktibong nakilahok sa paggawad sa mga Little Municipal Official sa Bayan ng Tagudin para sa pagdiriwang ng 31st National Children’s Month Celebration na idinaos noong

Nobyembre 28-29, 2023. Binigyan ng masaya at hindi makalilimutang karanasan ang mga opisyal ng SSLG

ng TNHS sa pamamagitan ng pagtatalaga sa kanila na tumulong sa iba’t ibang departamento ng opisina sa Munisipyo ng Tagudin.

Doon ay nakita nila ang iba’t ibang gampanin at gawain ng isang lingkod-bayan na nagbigay ng inspirasyon sa kanila na maging isang lingkodbayan pagdating ng araw. Ang programa ay nagbigay-diin sa temang

TNHS-SSLG sumabak ng paghahanda sa peligro

Nakibahagi ang mga opisyal ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa Basic Life Support (BLS), Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), at Basic Firefighting training noong ika-9 ng Agosto 2023 na may temang “Green Skills for Youth: Towards a Sustainable World” na parte sa selebrasyon ng Linggo ng Kabataan noong Agosto 6-12 na pinangunahan ito ng mga opisyal ng Tagudin. Alinsunod sa programang ito ginanap sa mismong oryentasyon ng pagsasanay ang pagtalakay sa mga maaaring gawin sakaling

may mga sakuna, katulad na lamang ng First Aid Training na siyang pangunahing itinuro sa mga dumalo. Pagkatapos ng pagtalakay nagkaroon ang mga dumalo ng praktikal na aplikasyon ng kanilang natutunan, gaya na lamang ng CPR at aplikasyon ng First Aid sa pamamagitan ng tulong ng mga pulis at MDRRMO ng Tagudin. Matagumpay na naisagawa ang programa para sa mga student leaders sa bayan ng Tagudin, ina-asahan naman ang implementasyon nito sa mga susunod pang taon.

KAPARIZ Educational Tour, isinagawa

Ginanap ang educational tour ng mga mag-aaral na kabilang sa Kabataang Pangarap ni Rizal (KAPARIZ) sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas tulad ng Cavite, Laguna, Metro Manila, at House of Representatives para maipakilala ang mga lugar na may kaugnayan kay Rizal noong ika- 2-4 ng Disyembre 2023, ang gawaing ito ay dinaluhan din ng mga guro at tagasanay na konektado sa KAPARIZ.

Sa nasabing gawain ay nagkaroon ang mga miyembro ng samahan na masilayan ang dating bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna ganoon din ang bahay ni Bonifacio sa Cavite. Saglit naman nilang

“Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring Life for All.” Ang paglahok na ito ay nagtataguyod ng isang pagsisikap upang palakasin ang kapakanan at kagalingan ng mga bata sa bayan, na bibigyang-diinang mga mahahalagang bahagi ng kalusugan, nutrisyon, at tahanan ng kalusugan, nutrisyon, at tahanan para sa kanilang buong pag-unlad.

pinuntahan ang Manila Ocean Park upang makita ang ganda ng mga naglalakihang mga isda at iba pang nilalang sa karagatan. Ikinamangha naman nila ang Batasang Pambansa na huling lugar ng kanilang gawain.

“As a Rizalian, being able to witness Rizal’s life and works personally was an honor. I also enjoyed having my fellow Rizalistas as a companion on our educational tour. This field trip made me realize how our heros’ contribution became so significant in order for our country to achieve freedom or “kalayaan”.” ani ni Kirsten Flores, na isa mga dumalo rito.

ALS-SHS, nagpakita ng natutuhan sa Table Setting at Dining Etiquette

Mahusay na ipinamalas ng mga mag-aaral ng ALS-SHS level ng TNHS ang kanilang kakayahan sa Table Setting and Etiquette na bahagi ng kanilang asignatura sa Food and Beverages Services NC II, noong ika-6 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ni G. Rham Salanio, kanilang guro sa asignaturang Food and Beverages Services NC II at sinubaybayan naman ito ni G. Lardie Lacasandile, Subject Group Head ng kanilang asignatura.

Ang mga mag-aaral ay kabilang sa HE Strand ALS-SHS

level na itinatag lamang ngayong akademikong taon.

Ang TNHS ang pinakaunang nagtatag ng ALSSHS level sa buong dibisyon ng Ilocos Sur. Ayon sa punong guro ng paaralan na si Gng. June C. Racca, ang TNHS ay nagaalok ng Electrical Installation and Maintenance (EIM) at Home Economics(HE) strands sa ilalim ng TVL track.

Ang kanilang ginawang aktibidad ay nagpapakita ng isa lamang sa mga kaalaman at natutuhan ng mga mag-aaral ng ALS-SHS.

mga nag-aaral ng ALS”, pahayag ni G. Antonio Leceste Jr., Regional ALS Focal Person.

Selebrasyon sa kampanya ng VAWC, ipinagdiwang sa TNHS

Ginanap sa Tagudin National High School (TNHS) ang huling araw ng 18-day na selebrasyon ng Violence Against Women and their Children (VAWC) campaign 2023na may temang “United for a VAW free Philippines”, ika-13 ng Disyembre 2023, Kalakip sa programang ito ang mga patimpalak para sa mga mag-aaral, at dinaluhan din ito ng mga guro at lahat ng magaaral.

Sa month long na selebrasyon para sa VAWC naghanda ang mga guro ng mga patimpalak para dito, tulad ng Infomercial, Infographics, at Harana para kay Juana.

Sa araw ng programa inanunsiyo ang mga

nagwagi para sa mga patimpalak na

ito.

Para sa Infomercial, nasungkit ng 11-STEM 1 ang kampyeonato na sinundan naman ng 11-STEM 2 AT 11-HUMSS 2. Sa Infographics naman, wagi ang 11-HUMSS 2, at 11-STEM 1 naman ang nag-uwi ng 1st at 2nd runner-up. Huli ang Harana para kay Juana na nasungkit ng mag-aaral ng 11-STEM 1 ang kampyeonato, 11-HUMSS 1 bilang 1st runnerup at 10-A bilang 2nd runner-up, ang mga mag-aaral ay nabigyan ng

mga school supplies bilang mga parangal.

Matagumpay na nairaos ng TNHS ang kampanya at programa ng VAWC 2023.

Ang kampanyang ito ay ginaganap taon-taon na may layuning mabigyang pansin ang lahat ng kababaihan sa buong mundo lalong-lalo na ang mga naaapi.

3 BALITA AGOSTO 2023 - MARSO 2024
Mark Vincent Bulic Ruby Mae Madrinan Ruby Mae Madrinan DALOY NG KURYENTE: Si Michael Borje na nag-kakabit ng mga kable para sa kanilang performance task. NGITI NG PAG-ASA. Masisilayan ang masayang kulitang ng magkaibigan. BATANG MATATAG: Si Gian Villanueva sa kaniyang talumpati sa Naganap na National Children’s Month.

Ilocos Sur Youth Fest 2023, nilahukan ng mga Student Leaders

Alinsunod sa Republic Act. No. 11369 na kilala rin bilang “National Student’s Day Act.”

Idinaos ng Ilocos Sur ang prestihiyosong programa para sa mga kabataan at student leaders na Youth Fest 2023, ginanap ang programa sa Bantay West Integrated School, Bantay, Ilocos Sur noong ika 1-3 ng Disyembre.

Sa programang ito ginanap ang mga formations, trainings, at workshops para sa mga mag-aaral.

Nilahukan din ng tatlong TNHSians ang Youth Fest na ito na sina Gian Kylee Villanueva (SSLG President), Joseph Joezel

Sa unang araw ng programa, nagkaroon ng pambungad na gawain ang mga mag-aaral kung saan nagpamalas sila ng iba’t ibang talento tulad ng pagtula, pagkanta, at pagsayaw.

Sa ikalawang araw naging tampok ng programa ang musical at simpleng show your talent ng mga mag-aaral. Isa pa sa mga aktibidad na tumatak sa programang ito ay ang ‘Amazing Race’ na inorganisa ng Ilocos Sur Environmental Enthusiast (ISEE). Inaasahan naman ang mas matagumpay pang mga

“Parehong saya at lungkot ang naramdaman ko noong ako ay dumalo sa Youth Fest 2023. Masaya dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makalahok sa ganitong gawain at pagkakataon na makasalamuha ang iba’t ibang mga student leaders. Sa kabila ng saya ay lungkot din ang aking naramdaman noong natapos na ang programa, dahil alam kong hindi ko na sila ulit makasasama. Masasabi kong isa ang Youth Fest 2023 sa pinakamemorableng nangyari sa aking pagiging student leader. “Nakatulong ito upang mas lalo akong ganahan na maglingkod sa kapwa estudyante at sa paaralan. Ang pinakatumatak sa akin ay ang PAGKAKAISA na siyang aming natutuhan,” ani ng SSLG president na si Gian Kylee Villanueva.

TATAK NG PAGKAKAISA: Pinangunahan ni Senator Mark Villar at Gov Jeremiah Singson ang pagbubukas ng Ilocos Sur Festival

Kannawidan Festival, binuksan ang kulturang sinimulan

Sa isang makasaysayang pahayag, opisyal nang binuksan ng lalawigan ng Ilocos Sur ang kanilang Taunang Kannawidan Festival nitong Lunes, ika-28 ng Enero 2024.

Nagsimula ang

Ilocos Sur Festival 2024 sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinangunahan

nina Governor Jerry Singson at Vice Governor Ryan Singson, sinundan ng prusisyon ng

mga kawani ng PGIS, national government agencies, civil society groups, at private sectors.

Sa pagdiriwang ng Kannawidan Festival ngayong taon, pangunahing bisita si Senator Mark Villar na nagdala ng pag-asa at prestihiyo sa Tawid ken Kultura Trade Fair.

Sa simple ngunit makabuluhang ribbon-cutting ceremony, ipinakita ni Senator Villar ang kanyang suporta sa

lokal na kultura at industriya ng Ilocos Sur.

Ang temang “Tawid ken Kultura” ay nagbigay-diin sa pagsusulong ng pagsasalitan ng kultura, nagbukas ng mga pintuan para sa lokal na negosyo at artisan.

Sa pangunguna ni Senator Villar, mas lalong nagningning ang probinsiya sa larangan ng kultural na pagsasalitan at pag-unlad ng industriya.

Sa pagpapatuloy ng Taunang Kannawidan Festival sa Ilocos Sur, isang kahangahangang kasiyahan ang dala ng makukulay na fireworks, modernong 3D mapping display, at ang kinahiligan.

Isa sa tourist attraction ng naturang lalawigan, ang bagong renovate na dancing fountain sa harap ng kapitolyo ng probinsiya.

Ang magkasabay na pagtatanghal ng mga ito ay

nagbigay ng kakaibang saya sa mga dumalo, naglalarawan ng kahalagahan at kagandahan ng Ilocos Sur sa gabing iyon.

Habang tumatagal ang Festival sa Ilocos Sur, maraming pang kapana-panabik na aktibidad na dadaluhan na inaasahan sa mga darating pa na araw, kasabay ng pagrami din ng mga tao na nagtutungo sa lalawigan

Student Leaders, pinatunayan ang sinumpaang katungkulan

Mula sa hilagang bahagi ng Ilocos Norte, hanggang sa katimugan ng Pangasinan.

Magsasama-sama ang bawat mag-aaral ng Rehiyon Uno para sa isang prestihiyosong kaganapan na sa Aringay, La Unionng ika-1 hanggang ika-4 ng Pebrero, 2024.

in SchoolsOrganization (YES-O)

President na si Danilo III L. Ibay ng Tagudin National High School, Supreme Secondary Learner Government (SSLG

Mga bagong aral ang kanilang mapakikinggan kasama na rito ang mga bagong karanasan sa loob ng apat na araw, mga bagong kaibigan ang mabubuo at mas mapagpatitibay ng bawat student leader ang kanilang mga adhikain at mga layunin upang maipagpatuloy ang serbisyong kanilang sinumpaan sa kapwa nila mag-aaral. https://www.facebook.com/photo?fbid=362770083172220&set=pcb.362777203171508

Ang nasabing pagdaraos ay lalahukan ng mga mag-aaral mula sa mga Schools Division Office ng Rehiyon Uno, kabilang na rito ang mga mag-aaral mula sa Schools Division of Ilocos Sur na sina Youth for Environment

President na si Trixie Galano ng Teodoro Hernaez National High School at iba pang mag-aaral na magiging deligado ng SDO Ilocos Sur patungong Aringay, La Union. Ang mga piling mag-aaral ay inaasahang magpamamalas ng kanilang galing sa larangan ng pamumuno at magtatagisan ng talino at alindog sa gaganaping ‘Search for Mr. and Ms. Learners Formation Region 1’.

Tiyak na mabubusog at mapupuno ng kaalaman at panibagong kakayahan ang mga student leader ng Region 1.

4 BALITA AGOSTO 2023 - MARSO 2024
Mark Vincent Bulic
III Ibay
Danilo
https://www.facebook.com/profile.php?id=100088357385607

EDITORYAL

MATATAG Program para sa lahat

Umunlad at umangat ang buhay, dahil sa edukasyon, ilan lamang sa mga ito ang ating naririnig mula sa mga pangaral ng ating mga magulang. Huwag susuko at magsumikap ito ang itinatatak natin sa ating isipan na kung kayat nagiging matatag. Maraming mga paraan ang ginagawa natin upang mapadali ang ating mga gawain, gayundin ang edukasyon kung saan naglunsad ng bagong programa ang DepEd. Sa pamumuno ng sekretarya ng DepEd na si Bise Presidente Sarah Duterte inilahad ang programang Matatag program na naglalayong mas pahusayin ang bawat kurikulum mula

Kinder hanggang Grade 10. Ito ang magbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na mas linangin ang kanilang kaalaman sa bawat asignatura. Ang Matatag program ay nangangahulugang pangkalahatan hindi lang para sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga guro.

Nais ng programang ito na aksiyunan ang napakabagal na pag-usad ng edukasyon sa bansa. Lingid sa kaalaman ng iba na ang bansa natin ay isa sa mayroong napakabagal na pagusad ng edukasyon, ngunit kung ang karunungan naman ang pag-uusapan ay hinding-hindi tayo pahuhuli. Lahat tayo ay may kanyakanyang talino at kaalaman kaya’t atin itong gamitin nang wasto at huwag sayangin. Ang pagtatatag ng programang ito ang isa sa naiisip na solusyun ng DepEd upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mas paghusayin at pahalagahan ang kanilang edukasyon at talento.

Ito ang magiging daan upang matiyak ang kinabukasan ng mga estudyanteng determinado at gustong makapagtapos ng pag-aaral. Ang Matatag program na nga ba ang susi upang umusad ang edukasyon ng bansa? Ang programang ito na nga ba ang magiging daan sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan para sa mga kabataan? Alam natin na ang pag-aaral ay hindi basta-basta, maraming proseso at oras ang kailangan nating ilaan upang tayo ay makapagtapos dito. Sa una mahirap ngunit kapag ang mga pangarap natin ay unti-unting naabot, mapapawi lahat ng pagod at paghihirap na ating nararanasan at nararamdaman.

Hawak natin ang sarili nating kapalaran at kahit ano pa ang gawing programa at paraan para tayo ay umasenso kung tayo mismo ay walang bilib sa ating sarili ay hindinghindi tayo uunlad at uusad sa buhay. Hangad natin ang masaganang buhay at kinabukasan ngunit makakamtan ba natin ito kung tayo mismo ang nagbababa sa sarili natin? Oo hindi natin maiiwasang madismaya sa mga ginagawa natin minsan ngunit marami ang naniniwala sa atin na kaya natin, na kaya natin lumaban at maging matagumpay sa buhay. Edukasyon, ito ang ating pinakapangunahing susi sa buhay kung kaya’t ating bigyan ng halaga at huwag basta-basta paglaruan. Maging responsableng estudyante, ipakita natin kung paano maging matatag na estudyante sa dami ng mga gawain sa loob o labas man ng eskwelahan. Bigyan ng matatag na pundasyon ang sariling edukasyon dahil ang edukasyong ito ang ating alas sa pagbuo ng ating pangarap. Matatag program para sa matatag na bukas, matatag na edukasyon tungo sa matagumpay na inobasyon. Matatag program bukas para sa lahat ng mag-aaral na determinado at pursigido.

Sa Palagay mo?

PAMATNUGUTAN

BRIX JORDAN D. LABERINTO Punong Patnugot

Pangalawang Patnugot: Cedric David Delos Santos

Sa Deped, lahat ay dadaan

Ahlea Gao-ay May mga bagay sa mundo na temporaryo lamang, mayroong pintuang magsasara ngunit maraming pintuan ang magbubukas at ito ay nakalaan sa mga tinaguriang pag-asa ng bayan.

Kamakailan lang ay inilabas ang balitang tatanggalin na ang Senior High School sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo sa bansa. At ang lahat ng mga Senior High School na manggagaling dito ay babalik sa DepEd.

Noong kasagsagan ng pandemya ay binuksanng mga pampublikong unibersidad at kolehiyo ang kanilang pintuan para sa mga Senior High School.

Sa kadahilanang kulang ang mga silid-aralan at hindi kayang hawakan ng DepEd ang lahat ng Senior High. Nang mailabas ang balitang ito ay nagulantang ang lahat dahil sa pagaakalang maging sa DepEd ay mawawala ang Senior High School.

Ngunit dapat nga bang tanggalin ang Senior High School sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo? Kung ako ang tatanungin, ang sagot ko diyan ay hindi.

Dahil hindi sapat at ang mga silidaralan.

Papayag ka bang tanggalin ang Senior High School sa mga pribadong unibersidad? “Yah, dahil dati pa namang walang Senior High School sa mga unibersidad at kolehiyo.

Kaya na rin namang pamunuan ng DepEd yung mga mag-aaral.

Mas marami pang opportunidad na makukuha para sa mga pangarap ng mga hinaharap na Senior High School,” iyan ang naging komento ni Avril Peralta, isa sa mga tagasulat ng Ang Tulay sa kategoryang editoryal.

Ika nga nila walang permanente sa mundo, at ang mga bagay na nawala sa dating pwesto ay kailangang maibalik.

Tagapamahalang Patnugot: Mark Vincent Bulic

Patnugot ng Balita: Ruby Mae Marinan

Patnugot ng Lathalain: Daniela Lanuza

Patnugot ng Editoryal: Avril Peralta

Patnugot ng Ag-Tek: Danica Leah Bustillos

Patnugot ng Isports: Januel Garcia

Litratista: Judelle Mosuela

Kolumnista: Shanara Velasco

Kartunista: Bea Janela Tadeja, Jennifer Masi, Ryan Dauz

Mga Kontribyutor

Andrei Justin Reyes, Josh Keith Viernes, Prince Arjay Bautista, Eingelskween Navarro, Crisam Molina, Thieya Agas, Ahlea Gao-ay, Faustino Roxas, Danilo III Ibay, Ivy Lanuza, John Benedict Vidal

Mga Tagapayo

Daniel C. Acosta, Maricon Rona G. Abaya, Merlina B. Alipio, Digna J. Susa, Valentina L. Coyepyep

Mga Konsultant

Maricel L. Acosta (HT3-Filipino)

Renato O. Sagun Jr., Ph.D., J.D., (ASP-JHS)

Anastacia Proserfina L. Castro (ASP-SHS)

June C. Racca (School Principal IV)

5 OPINYON AGOSTO 2023 - MARSO 2024

Shanara Velasco

Hunyo na Naman!

Mainit na pinaguusapan kamakailan lamang ang isinusulong ng DepEd na ibabalik na ang Hunyo bilang pasukan ng mga mag-aaral. Ayon sa mga grupong nagsusulong, mas makabubuti raw ang Hunyo bilang pasukan para maranasan naman ng mga estudyante at guro ang bakasyon at upang maiwasan na rin ang sobrang init na nagiging sanhi ng pagkahimatay ng mga estudyante at pagka-stroke.

Alam naman natin na nag-iba ang sistema ng pasukan noong nagkaroon ng pandemya. Nagkaroon ng lockdown kaya natigil ang faceto-face na sistema ng pagaaral at ginawang modular at online.

Maraming mga estudyante ang kinakailangang magmodyul dahil dito at dahil nga nag-iba ang sistema ng pag-aaral ay nag-iba rin ang school calendar. Ang dating Hunyo hanggang Marsong pasukan ay naging Setyembre

Andrei Justin Reyes

ito lalo na sa mga mag-aaral at guro. Ang buwan ng Abril at Mayo ay panahon ng tag-init at napakamaalinsangan at napakainit ng klima na kinakailangang mag-ingat dahil baka ika’y tamaan ng iba’t ibang sakit tulad ng skin kanser at stroke. Kung ibabalik ang dating pasukan na Hunyo, maiiwasan o mababawasan ang masyadong eksposyur ng mga estudyante sa napakainit na panahon at matitiyak ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at guro.

Sa kabilang dako naman maraming mga magulang ang umalma sapagkat kung ibabalik ang dating pasukan ay mababawasan naman ang bakasyon ng mga estudyante. Ang dating dalawang buwan ay magiging linggo o isang buwan na lamang ngunit ang tugon naman ng DepEd dito ay hindi naman nila bibiglahin kumbaga dadahan-dahanin nilang ibalik ang dating pasukan. Bibigyan nila ng oras para makapagadjust ang mga estudyante at guro.

Ang buwan kasi ng Hunyo ay uso ang mga bagyo at tag-ulam kung kaya’t delikado rin para sa mga estudyante na pumasok lalo na kapag kasagsagan ng malakas na ulan.

Hindi naman ito maiiwasan ngunit puwede namang kanselahin ang mga pasok kapag nagkakaroon ng bagyo kaya hindi naman ito problema sa mga estudyante maliban na lang kung magkakaroon ng pagbaha na magdudulot ng malaking pinsala.

Lahat naman tayo ay may kaniya-kaniyang saloobin patungkol sa memong ito ng DepEd. Hindi naman tayo pare-pareho ng pananaw kaya kung sa iba ito ay mabuti, sa ilan naman ito ay hindi dahil na nga sa mga adjustments na magaganap.

Maganda naman kung ibabalik ang dating pasukan dahil ito naman talaga ang nakasanayan na natin noon pa kung hindi lang dahil sa pandemya. Wala namang masama kung ibabalik ang dati hindi ba? Ang DepEd na mismo ang nagsabi na hindi naman bibiglahin dahil mahirap kung padalos-dalos.

Samasama tayong makagagawa ng pagbabago, dating pasukan imbes na almahan bakit hindi na lang sangayunan.

Thieyia Pritz Agas

Pagbutihin pa!

“Kabataan ang pag-asa ng bayan,” yan ang katagang iniwan ng ating namayapang bayani na si Gat Jose Rizal. Ngunit paano kung ang ilan sa tinaguriang pagasa ng bayan ay hindi marunong bumasa? Maituturing pa kaya silang pagasa?

Noong Enero 12, 2024 isinagawa ang unang “Catch-Up Friday,” kung saan binigyan ng babasahin ang lahat na may kaunting katanungang dapat sagutan. Nakita ko namang labis silang nagalak sa isinagawang iyon. Nakikita ko ring marami sa kanila ang pursigidong matuto at marami rin sa kanila ang hindi interesadong matuto.

Masasabing maswerte ang mga mag-aaral ngayon sapagkat nabibigyan sila ng oras na tutukan ang kanilang pagbabasa sa tulong ng nasabing programa. Hindi kasi lingid sa ating kaalaman na marami na sa mga magaaral ang hindi kayang magbasa, kung nakakabasa man ay hindi naman nila naiintindihan ang kanilang binabasa. Alam ko rin na napapanahon ang programang ito upang mapaghusayan ng mga mag-aaral ang kanilang pagbasa

Tanggal Kaibigan, Kapayapaan

Tulad ng normal na nilalang, nangangailangan din ng kapayapaan ang mga tanyag na tao. Dahil kung minsan ang tingin natin sa kanila ay perpekto kung kaya’t nalilimutan nating kailangan din nila ng payapang mundo. Mahilig tayong pumuna tungkol sa kung ano mang kaganapan sa larangan ng showbiz. Kamakailan kumalat ang isyung hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kung saan naganap ang pagunfollow ni Kath sa ilang mga celebrity na sina Gillian Vicencio, Liza Soberano, Julia Barretto at Daniel Padilla na siyang nagpayanig sa mundo ng social media. Umani ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens na sumusuporta sa tambalang #kathniel.

Ngunit bakit nga ba inaunfollow ng mga celebrity

ang kapwa nila celebrities? Dahil tulad nga ng isang normal na tao gusto rin nila ng katahimikan. At gusto nilang malayo sa reyalidad kahit na sa sandaling panahon lamang. At nakakahanap lang sila ng kapayapaan sa pamamagitan ng pag-unfollow sa mga malalapit na taong gusto nilang kalimutan. Maging tayong normal na tao lang hindi ba? Inaunfollow at ina-unfriend rin natin yung mga taong nakaaapekto ng ating kalusugang mental. Ang pinagkaiba nga lang natin sa mga celebrities ay katanyagan. Sila ay kilala, tayo ay hindi, bawat kilos nila ay ibinabalita samantalang bawat kilos naman natin ay tanging kapitbahay at malalapit sa buhay lang ang nakakakita.

Maging ako ay ganoon din, ilang kaibigan na ba ang akin nang kinalimutan para sa aking kapayapaan? Isa? Dalawa? Tatlo o higit pa? Maraming tulay na

ang aking sinira’t sinunog para sa kapayapaan at katahimikang aking inaasam, ‘cut-off’ nga kung ito ay kanilang tawagin. Dahil sa kadahilanang sila ay labis ng nakakaapekto’t nakasisira ng aking kalusugang mental.

Mahirap din itong gawin lalo na at naging parte sila ng ating buhay. Subalit may mga bagay at tao tayong kailangang bitiwan lalo na kung labis na nila tayong nasasaktan, naapektuhan o naiimpluwensyahan.

Nakakaguilty sa umpisa pero kung iyong iisipin nang mabuti, matagal na panahon na natin silang sinubukang pakisamahan.

At laging tatandaan na may karapatan tayong tanggalin ang isang tao sa ating buhay lalo na kung naapektuhan na nito ang ating pang-araw-araw na pamumuhay. “All feelings are valid”, ika nga nila Pangalagaan natin ang ating kalusugang mental sa lahat ng pagkakataon.

‘Catch-Up Friday’ na ito sa mga mag-aaral.

Lalo na kung ang lahat ay magtutulungan at maghihilahan pataas. Malaki rin ang magiging pagbabago sa mga mag-aaral dahil isasagawa ito ito tuwing araw ng Biyernes.

Ayon sa resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) 2022, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamababang komprehensyon sa pagbasa, sa asignaturang Matematika at Agham.

Kaya ang pagpapatupad nito ay may malaking epekto sa pagpapataas ng posisyon ng Pilipinas pagdating sa komprehensyon.

Kung ito ay ipagpapatuloy, siguradong mababawasan ang mga estudyanteng nahihirapan sa pagbasa at unti-unting aabante ang Pilipinas pagdating sa pagbasa.

Inaasahan na sa tulong ng programang ito ay matutugunan ang matagal ng suliranin sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-

6 OPINYON AGOSTO 2023 - MARSO 2024 POLL PABOR BA KAYO SA PAGTATAPOS NG KLASE SA MAYO? 65 13 22 OO HINDI PWEDE Kailangan!
Araw ng Pag-abakabasa TAMA LANG!
Guhit ni Jennifer Masi

PABOR KA BA?

Pagtanggal ng Basura sa loob ng klasrum

Velina Bandoy | ESP Teacher

“Maganda yan,siguro it would develope the discipline of the students with regards to the disposal of their garbage,matututo silang maging responsable sa mga sariling basura nila at mas lalong magiging malinis ang ating eskwelahan kase nga walang kalat na makikita.”

Jennifer Masi

Jeffrey Licudine | A.P Head Teacher

Dapat bang manatili?

Konstitusyong 1987

Pagbabago hangad ng lahat, pag-unlad hinaing ng bawat isa. Dating sistema ng pamahalaan babaguhin. Charter change solusyon ba o suliranin? Inihain ulit sa senado ang Charter Change na naging usapusapan na noon. Ito ay nagsusulong na amyendahan ang

Bagamat hindi naman lahat ng epekto ng Cha-Cha ay masama, sadyang marami lang ang mababago. Kung kaya’t ang ilan sa mga mambabatas ay umaalma rito.

“I cannot answer you of yes or no, ofcoure I will come up with a statement of my statement na depends upon on how the response of the students of that trash can policy inside the classroom. Just like now were doing that but its not appropriate,why? Students are not doing what should be,they are not bringing their own garbage bags or plastics.As I observed when I am roaming around and going to some classrooms they don’t have their own garbage bags,but if we will going to practice that properly with discipline and obedience both the personnel and the students and that is better” the students then that’s better.

Lyleen Bidalen | Mother

“Kung ako? Okay naman ito dahil kapakanan naman ng anak ko ang prayoridad dito at saka hindi naman mahirap gawin ang magdala ng sariling trash bag kaya pabor ako ngunit yun nga hindi maiiwasan ng mga bata ang magkalat at magtapon kung saansaan.”

Christine Iris Peralta |8-SMC

“Pwedeng maganda pwedeng hindi kase yung mga estudyante kapag walang nakikitang basurahan itinatapon na lang nila kahit saan,tapos kapag naman mayroong naitalagang basurahan hindi naman nila alam pano isegregate.”

Avril Peralta

Libro o Peligro?

Mag-isip-isip, isa, dalawa, tatlo

Sa panahon ngayon maraming kabataan na ang may karelasyon, kahit kay murang edad pa lamang at wala pa sa hustong gulang ay mayroon ng mga kasintahan. Lingon dito, lingon doon makikita mo ang mga nagsusulputang mga kabataang magkahawakkamay, nagyayakapan at kulang na lang ay maghalikan.

Walang katapusang harutan at ngitian ilan lamang ito sa ating mga nasasaksihan kahit pa sa loob ng paaralan. Kung ating titignan para bang may mali? Kung ating titignan para bang may mali?

Normal lang naman ang pakikipagrelasyon ngunit nararapat ba na ito ay minamadali?

Ang pagmamahal wala yang pinipiling edad at panahon kusa na lang yang dumadating, mararamdaman mo na lamang ang bilis ng tibok ng iyong puso na tila

ba’y hindi mo maipaliwanag. Alam natin na sa pagmamahal dapat tayong maging maingat sapagkat sa panahon ngayon madami ng manloloko at hindi seryoso. Oo, masaya sa puso ang magmahal ngunit kapag ito’y iyong nasobrahan yari ka. Katulad ng mga kabataan ngayon na handang isuko at gawin lahat para lang sa pag-ibig.

Kabataang napapabayaan ang pagaaral dahil sa tukso ng pag-ibig. Sa loob mismo ng paaralan marami kang makikitang mga magaaral na magkasintahan, kapag sinabi kasI nating paaralan ito ang lugar kung saan tayo kumukuha ng iba’t ibang aral at impormasyon.

Paaralan, institusyong nagsisilbing haligi natin para tayo ay matuto hindi para sa ating sariling motibo lamang at hindi para gawing deyting ispot.

Huwag lang masobrahan at mauwi sa hindi mabuting kalalabasan na dahil sa nadala

lang sa bugso ng damdamin ay magbubunga ng hindi kanaisnais na pangyayari.

Ang pakikipagrelasyon sa murang edad ay hindi dapat inaatupag sa kadahilanang mauuwi ito sa maagang pagkakaroon ng pamilya.

Sabihin na nating hindi naman sadya at dahil bata pa tayo ay wala pa tayo sa tamang pag-iisip kaya’t nadala lang sa bugso ng damdamin at nakagawa ng napakalaking pagkakamali.

Alam mo ba na isa sa mga isyung kinahaharap ng ating lipunan ngayon ay ang teenage pregnancy o ang maagang pagkabuntis ng mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17.

Patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng teenage pregnancy sa bansa. Ilan sa mga dahilan nito ay dahil sa kakulangan sa patnubay ng mga magulang, kawalan ng kontrol ng mga kabataan sa kanilang mga sarili, at higit sa lahat dahil sa kahirapan. Nakapanlulumong tignan sapagkat ang kabataang pinanghahawakan at pag-asa ng bayan ay unti-unti ng naglalaho.

Ang mga pangarap na dapat tutuparin ay hanggang sa muli na lamang dahil kinakailangang huminto sa pag-aaral upang

kasalukuyang Konstitusyong 1987. Maisakatutuparan lamang ang panukalang ito kung makukuha ang labindalawang porsyentong pirma ng mamamayan.

Ngunit inaalmahan ito ng senado sapagkat hindi naaangkop sa panahong kasalukuyan ang pagpoproklama ng Cha-Cha. Kung babaguhin ang ating kasalukuyang konstitusyon maraming pagbabago ang magaganap at hindi lang iyon pati estilo ng pamumuhay ng mga mamamayan ay mababago. Ang Konstitusyong 1987 ay nilalaman nito ang karapatan ng mamamayan at itinatag ito para maiwasan ang pangaabuso at pagsasamantala ng mga nakatataas. Ito ang pinakamataas na batas kung saan ibinabase ang kapakanan ng mga mamamayan. Mahalagang alamin natin ang usaping ito upang tayo ay mamulat sa katotohanang hindi lahat ng pagbabago ay may magandang maidudulot.

alagaan ang batang nasa sinapupunan. Hindi lang ito responsibilidad para sa mga kababaihang kabataan ngunit pati rin sa mga kabataang kalalakihan.

Matuto tayong maging maingat hindi lang para sa atin kundi para sa ikabubuti ng lahat, maging responsable tayo sa lahat ng bagay at hakbanging gagawin natin.

Pagibig? makapaghihintay iyan huwag madaliin, ang isipin natin ay ang ikagaganda ng ating kinabukasan.

Magandang kinabukasang hindi natin lubos akalain na makakamtan natin. Ang kailangan lang natin ay disiplinahin ang ating sarili at alamin natin ang ating mga responsibilidad sa buhay. Kabataan tayo ang pag-asa ng bayan kaya huwag nating dismayahin ang mga taong naniniwala sa atin.

Normal lang ang magmahal ngunit bata pa tayo para rito hindi dapat ito ang inaatupag natin kundi ang ating pagaaral. Ang edukasyong ito ang magiging tulay para makamit natin ang ating mga pangarap at makulay na kinabukasan.

Disiplina lang at pagtitimpi ang kailangan natin sapagkat sa mundong ito lahat ng bagay ay pwedeng

Iisa man ang layunin ng Cha-Cha at ng kasalukuyang Kontitusyong 1987, magkaiba pa rin sila ng konsepto. Kaya’t mas mabuting huwag na munang amyendahan ang Konstitusyong 1987 dahil mas marami pang mahahalagang bagay ang kinakailangang tugunan ng bansa at pamahalaan tulad ng pagtaas ng bilihin.

Ang pagbabago at pagunlad ng bansa ay makakamit natin kung tayo ay magtutulungan at huwag lang umasa sa gagawin ng pamahalaan.

Hindi pa ito ang nararapat na panahon para sa pagproklama rito. Iisa lang ang makapagbabago ng ating buhay, ang pagsusumikap at pagkakaisa sa kapwa at sa pamahalaan. Magkakaisang mamamayan para sa iisang bayan.

Ang pagbabago at pagunlad ng bansa ay makakamit natin kung tayo ay magtutulungan at huwag lang umasa sa gagawin ng pamahalaan.

makatukso.

Tiisin natin ang ating nararamdaman lalo at mas pagbutihin pa ang ating pagaaral, huwag padalos-dalos at baka sa huli’y ika’y magsisi.

Ang tunay na mag-aaral at kabataan, alam niyang disiplinahin at pigilan ang kanyang sarili.

Hindi na tayo bata para suwayin ang mga pangaral at payo ng mga nakatatanda sa atin.

Iisa tayong kabataan ng lipunan na siyang magaahon at pag-asa ng bayan at kung magmamahal man tayo unahin na nating mahalin ang ating sarili at ng bayang ating kinabibilangan.

Ang tunay na magaaral at kabataan, alam niyang disiplinahin at pigilan ang kanyang sarili.

7 OPINYON AGOSTO 2023 - MARSO 2024

LIHAM SA PATNUGOT

Mahal kong Tagapatnugot, Batid kong ang mga mag-aaral ng Tagudin NHS ay madalas masangkot sa isang gulo dahil lang sa mga tinginang hindi inaasahan at binibigyan ng maling kahulugan kung kaya’t nagkakaroon ng kaguluhan. Paano ko po matutugunan ang ganitong mga pangyayari na nag-uudyok sa pagkapahamak ng mga mag-aaral?

Sumasainyo, Januel

Para sa iyo Januel, Huwag kang mag-alala dahil ang mga problemang ganito ay hinahanapan ng solusyon at ang mga estudyanteng nasasangkot sa gulo ay binibigyan ng pangaral upang kanilang maintindihan ng maayos na hindi lahat ng tingin ay nangangahulugang may masamang kaayon o naghahamon ng away Maraming salamat sa iyong pagtugon.

Sumasainyo, Tagapatnugot

ANAK NG!

Prince Arjhay Bautista

Digong, Magpakatatay ka!

Anong silbi ng salitang “Tatay” sa tawag sa’yong Tatay Digong kung hindi mo naman kayang magpakatatay sa lahat.

Sarili mo lang ang iniisip mo at hindi mo man lang inisip ang kagustuhan ng mga taong nasasakupan mo.

Wala kang karapatang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas dahil Pangulo ka lang

DATI.

Ano naman kayang nakain ng dating Pangulo at nagbibida na naman sa harap ng kamara.

Bakit hindi nalang ito manatili sa sarili niyang bahay at gamutin ang sarili dahil malay mo may natira pang droga diyan sa katawan niya.

O kaya naman ay pangaralan ang anak na bisepresidente kung bakit at kung saan ginamit ang 125 milyon sa loob ng labing-isang araw.

Ang kakapal talaga ng mga mukha!

Tignan nalang natin kung maiihiwalay niya pa ang Mindanao sa oras na payagan ng kasalukuyang presidente ang ICC o International Criminal Court na imbestigahan silang mag-ama.

Tignan natin kung makakatalak pa siya sa loob ng

KONTING DISIPLINA NAMAN!

Eingelskween Navarro

Palikuran gamitin mo nang tama

Ang palikuran ay isang napakahalagang bagay na mayroon sa mga paaralan lalo na kung ito ay malawak at may malaking populasyon. Kung mas marami tiyak na mas maigi para sa lahat.

Tunay na malawak ang Tagudin National High School kung kaya’t mayroon itong mga palikuran sa lahat ng sulok upang sa ganoon ay mapagsilbihan ang lahat ng mga mag-aaral nito.

Ngunit sa kabila nang napakaraming palikuran ay tila ang mga ito ay hindi nagagamit nang tama. Nakaiirita ang masangsang na amoy na nagmumula sa mga palikuran. Tila wala nang katapusan. Makakayanan mo pa ba? Sino ang may gawa? Masosolusyunan pa kaya? Nakasusulasok na amoy ng mga palikuran ay maaaring maging sanhi ng sakit ng mga estudyante na maaaring makaapekto sa pangarawaraw na pamumuhay ng mga mag-aaral. At kapag sila ay nakakuha ng sakit, ito na ang

magiging dahilan ng pagliban nila sa kanilang mga klase. Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral at ng mga guro na kahit saan ka dumaan ay mayroong maaamoy dahil sa palagay ko, ang nasabing amoy ay nagmumula sa mga palikuran. Sino kaya ang nasa likod ng masangsang na amoy na ito?

Malamang na galing ito sa mga mag-aaral sa kadahilanang hindi nila alam kung paano ang tamang paggamit ng mga ito. Ginawan sila ng napakagandang palikuran ngunit hindi naman ginagamit sa maayos na pamamaraan. Masasabi rin na sapat ang tubig ng mga ito ngunit tila nakalilimutan ng mga magaaral na magbuhos ng kanilang mga dumi at ihi na nagdudulot ng amoy na umaalingasaw na talaga naming nakasisira ng kalusugan sa lahat. Nakawawala rin ito ng pokus sa pag-aaral dahil ang tanging prinoproblema nalang nila ay ang mapanghing amoy ng

palikuran. Kung kaya’t hindi na nila magagawang makapagisip pa nang maayos.

Nakapagtataka lang dahil naturuan naman ng magandang asal ang mga estudyante. Kung bakit pagdating sa paggamit ng palikuran ay napakairesponsable nila.

Napakadali lang namang magbuhos ng kubeta bakit parang maging sa bagay na ito ay hirap na hirap na silang gumawa?Kaya’t bilang isang magaaral ay kinakailangang magkaroon ng sapat na didiplina sa sarili. Kung gusto mong maging malinis ang kapaligiran at hindi magkaroon ng sakit, maging responsible.

Paigtingin pa ang pagdidisiplina, parusahan ang dapat parusahan. Kung sa ganyang paraan lang sila magtatanda. Nararapat lamang na may itakdang tuntunin na dapat sundin mahirap man itong gawin. Subalit nararapat lang itong gawin para sa ikalulutas ng nasabing suliranin.

kulungan.

Ni hindi niya nga maharap ng maayos ang kaso niya tungkol sa pagpatay ng mga inosente dahil sa pag-aakalang adik ang mga ito.

Siguraduhin mo munang tanggal lahat ng epekto ng fentanyl diyan sa katawan mo bago ka kumuda sa harap ng midya. Makasarili ka!

Dahil sa pahayag niya sa harap ng midya, maging ang mga taga-Luzon, taga-Visayas at taga-Mindanao ay nag-aawayaway.

Balak yata nitong paglaban-labanin ang tatlong bituin sa bandila.

Tapos hinahayaan lang din ng mga taong paikutin sila ng dating Pangulo, halata namang pinaglalaruan lang ang mga ito.

Huwag magpapadala

Kay Tatay Digong na dating adik. Dahil pabago-bago ang pahayag sa midya na animo’y bumabatak pa.

Huwag hayaang sirain ng bangag na Tatay-tatayan ng lahat ang Pilipinas na pinaghirapang ipaglaban ng mga yumaong bayani na siyang nagsakripisyo ng kanilang dugo’t laman para lang mabawi ang mahal na bayan.

PRAKTIS LANG

Prince Arjhay Bautista

Paghandaan ang Kinabukasan!

Opisyal ng ibinalik ng Kagawaran ng Edukasyon ang Citizenship Training Program o mas kilala bilang CTP. Nakapapanibago sapagkat ito ay tinanggal na noon at ngayon ay opisyal na namang ibinabalik. Hindi ba maganda kung ang mga mamamayan ng isang bansa ay responsable at maaasahan? Ang kinabukasan ng komunidad ay nakasalalay sa mga kabataang itinuturing na pag-asa ng bayan.

Layunin ng CTP na magkaroon ng mga mamamayang handang itaguyod ang kaayusan at katahimikan sa komunidad. Ito ay sinisimulan sa mga mag-aaral na nasa ika-10 baitang. Walang makaliligtas sa programang ito ng DepEd dahil ito ay para sa lahat ng magaaral na tutuntong ng grade 10. Ang Citizenship Training Program ang hahasa sa mga estudyante para maging aktibo at responsable.

Maganda ang programang ito sapagkat

makatutulong ito upang magkaroon ng higit na responsableng mamamayan na magiging susi para sa pag-unlad ng bansa. Ito rin ang magsisilbing gabay kahit papaano sa mga mag-aaral upang maging madisiplina, hindi lang para sa sarili ngunit para sa kapwa at komunidad. Mahalaga ang mga katangiang ito pagkat’ ito ang bubuo sa kung ano ang totoong saysay ng buhay ng tao sa mundong ito.

Subalit, sa kabilang banda naman ito ay may kaakibat na hindi magandang dulot sapagkat ito ay may kaakibat na hindi magandang dulot sapagkat ito ay dagdag pasakit at problema na naman sa mga mag-aaral. Kung saan imbes na ang mga aktibidad sa kanilang mga asignatura na lamang ang kanilang inaatupag ay dadagdag na naman ang CTP sa kanilang aasikasuhin. Kung kaya ang kanilang oras at eskedyul ay mas lalong mapipiga.

Gayunpaman,

importante pa rin ang CTP para sa ikaaasenso ng bansa. May mga tao man na hindi pabor dito, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ng isang tao sa kanyang bayang kinabibilangan at kinalakihan. Bilang isang responsableng mamamayan responsibilidad lamang niya na ipagtanggol at paunlarin ang kanyang bansang tinatangi.

Sa puntong gagawin ang lahat, mapabuti at masiguro lamang ang kaligtasan at kaayusan ng bayan. Daanin man sa mga training na tulad ng CTP ay tatayo at handang magsakripisyo para patunayan na karapat dapat sa pwesto ng isang responsableng Pilipino. Maging handa para sa magandang kinabukasan!

Wika nga nila “ kung mahal mo, ipaglaban mo! “. Kaya kung ano ang sukat ng pagmamahal nila sa kanilang sarili ay gayon din ang sukat ng pagmamahal na kayang ibigay sa inang bayan. Hangad ng bawat mamamayan ang maunlad na komunidad.

8 OPINYON AGOSTO 2023 - MARSO 2024

Halina, lakbayin ang

Nais mo rin bang kahit sandali’y pumunta sa lugar kung saan ang iyong pagod ay mapapawi’t maiibsan ang nararamdamang lungkot at pighati?.

Upang magkaron man lang ng kapayapaan ang iyong puso’t isipan ang tunay na pahinga’t iyo man lang maramdaman. Tipong oras at panaho’y lilipas nang hindi mo ito winawaldas sapagkat ito’y gagamitin mo naman sa tamang landas.

Ano pa ba ang iyong hinihintay? Papayag ka bang hindi mo masisilayan at matutuklasan ang misteryosong hiwaga ng aming bayan? Ayon sa Heograpiya ng aming lugar, ang Bayan ng Tagudin ay isa sa mga munisipalidad ng Ilocos Sur.

Kilala ang bayang ito sa pagiging “Pearl of the Amburayan” sapagkat narito ang isa sa mga nagniningning na diyamanteng patuloy na kumikislap sa pook na ito, ang Amburayan River.

Umaapaw ang biyayang mayroon ang bayang ito bagkus sagana sa yamang-tubig kaya naman marami ang mga turista’t dayuhan ang pinipiling ito’y maging pasyalan at bakasyunan.

Ang all-in-one resort, Ang Paraiso ni Ronin’s. Napakamura pa ng mga cottages dito kaya naman sulit ang punta mo rito lalo na kung ang kasama mo ang iyong mga pamilya’t mga mahal sa buhay.

Simula pa lang iyon at hindi pa rito nagtatapos ang ating paglalakbay.

Sa dako naman ng Barangay Sawat, matatagpuan din ang bagong gawa’t bukas na resort kaya naman nagdagsaan ang maraming tao’t ito’y binisita.

Tila ba’y pinasok nila ang kuweba ng pantasya at nakita nila ang mahiwagang Funtasea Island Resort.

Mayroon pang isang munting misteryosong resort na matatagpuan sa liblib na lugar ng Lubnac, ito’y para bang nakatagong ningning ng barangay na ito.

Hindi man ito kalawakang lugar pero madarama mo namang ika’y nasa kalangitan, ang Daph Den Mini-Resort.

Pagdako sa Barangay ng Farola naman ay dagat ang kanilang pangunahing pinaglukuhanan ng kabuhayan.

Sa usapang resorts, aba’y nangunguna rin ang lugar na ito dahil dito rin matatagpuan ang Tagudan Kubo Garden Hotel na para bang doble-kara’t maihahalintulad sa Hardin ng Eden at ang tanawin dito’y kahali-halina’t makasisigurado akong ito’y iyong babalikbalikan.

Napakaraming nakatagong yaman ang lugar na ito lalong-lalo na kung ang usapan ay tungkol sa mga lugar pamahingahan o tinatawag nating “resorts”.

Baka di mo nanaising ito’y lisanin pa at naisin mo narin dito ay manirahan. Kahit saang lupalop ka pa ng mundo maroroon, ika’y malayang pumarito’t tuklasin ang mahikang tinataglay ng bayan ng Tagudin.

Hindi lang ganda’t kaaya-ayang mga tanawin ang tatambad sa iyo, pati narin ang mga tagudinians na malugod na tatanggapin ang mga pagkakataong ang karamihan upang kagandahan ng lugar na ito’y personal nilang matunghayan.

Kaya ano na, ang iyong mga gamit ba’y nakahanda na?. Handa ka na ba para sa mahaba-habang bakasyon at pamamahinga sa aming lupangtinubuan?

Sa matuling pagtakbo ng iyong sasakyan, hinay-hinay lang at baka iyong malagpasan ang isang munting resort na kung saan katabi nito ang napakalawak na Amburayan River na matatagpuan sa Bio, Tagudin, Ilocos Sur.

Ika’y bihira lamang makapunta sa isang lugar na taglay ang kagandahan at kaakit-akit na kapaligiran. Kaya ano, magpapahuli ka pa ba?

Hindi lang ganda ng mga lugar-pamahingahan ang iyong matutunghayan kundi masisilayan mo rin kung gaano kabait ang mga mamamayan ng aming bayan.

Napakaganda na nga ng mga tanawin, masarap pa ang mga pagkaing

Matatagpuan din ang simpleng pamahingahan, ang Buenavista Family Inn. Kaya ano na? Tara na sa Farola! Atin nang sisirin at languyin ang kumikinang nitong hiwaga.

Tagudin.

inihahain.Binibigyan nila ng kahulugan at kahalagahan ang salitang “ pakikipagkapwa” at yun ang tunay na nagpapaganda sa aming munting bayan ng Tagudin.

Kaya kapag ika’y naparito na, handa ka na rin bang tangkilikin at piliin ang bayan namin?

9 LATHALAIN AGOSTO 2023 - MARSO 2024
Daniella Lanuza

SALINLAHI NG PAGHAHABI

Kaya mo rin bang ipagmalaki ang kulturang iyong kinalakihan? Kulturang naging daan upang tagumpay ng iyong angkan ay inyong makamtan. Ipagdadamot mo ba sa karamihan ang kakayahang iyong nagsisilbing kayamanan? Sa lalawigan ng Ilocos Sur, kilala ang “pinagabel” o paghahabi sa isa sa mga hanapbuhay ng mga Ilokano.

Ang ganitong gawain ay pinangungunahan ng mga katutubo sapagkat ito ay hindi lamang isang libangan kundi ito rin ay kanilang pinagkakakitaan.

Ang isa rin sa kanilang layunin ay upang ipaalam sa bawat tao na ang bawat hibla ng tela ay sumisimbolo sa kasipagan, tiyaga at pagmamahal para sa kalinangan

na patuloy pa ring isinasapuso’t isinasabuhay ng mga katutubo.

Kagaya na lamang ng buhay na mayroon si Jack Vince Bucol, isang mamamayan ng Tagudin, Ilocos Sur. Siya ay nanggaling sa tanyag na lahi ng mga manghahabi, ang Pamilyang Quitariano. Ang gawaing pag-aabel ay tuloy-tuloy na kanilang pinaunlad. Sa kanilang angkan, limang henerasyon na ang nagdaan sa ganitong gawain. Ngunit ang tangi na lamang ngayong nagtataguyod ng kanilang hanapbuhay ay ang kanyang lola na si Juanita Quitariano at hanggang sa namana ito ng kanyang ina na si

Evalingina Bucol at hanggang sa ito’y ipinagpatuloy na ni Jack.

Dahil dito naging mas kilala ang kanilang pamilya dahil sa kanilang paninindigan sa kultura at tradisyong kinasanayan na ng tribo ng mga Igorot at Bago. Kaya naman dahil dito mas lalong nabibigyang importansiya ang mga bagay na kanilang pinaghihirapang gawin tulad ng mga telang kanilang hinahabi. Samakatuwid, nagkaroon sila ng isang komersyal na negosyo na

nagngangalang “Ar-Ya “ at ang salitang ito’y nangangahulugang mabilis na paggawa na nagpapakahulugan ng trabaho na paghahabi.

Nagbibigay tulong ito upang bigyang halaga ang industriya ng paghahabi habang itinataguyod nito ang kayamanang taglay ng Bayan ng Tagudin. Siya na ngayon ay isang Fashion Designer at Entrepreneur. Hindi lang ito, isa na rin siyang matagumpay na enhinyero.

Kaya naman nagmistulang paghahabi ang kaniyang buhay sapagkat siya rin ay nagsimula sa piraso ng sinulid hanggang sa ito’y

naging tela na, kagaya rin ng kanyang naging paglalakbay patungo sa kaniyang pangarap na noong una’y naging mahirap man ngunit unti-unti naman na niya itong napagtagumpayang makuha.

Ito lamang ay nagpapakahulugan sa ating lahat na walang makakahadlang sa ating mga pangarap.

Na kahit anong kulay pa ng iyong balat o kahit saang tribo ka kabilang ay mayroong karapatan ang bawat isa na matamo ang kanilang hinahangad sa buhay.

Ito rin ay nagbibigay sa atin ng aral na nasa ating mga kamay kung paano pauunlarin at mamahalin ang ating kulturang kinalakihan katulad na lamang ng naging buhay ni Jack Vince.

10 LATHALAIN AGOSTO 2023 - MARSO 2024
Daniella Lanuza

BIYAHENG MALICO

Sa isang “tara” ng pamilya, lahat ay sumama. Habang ang oras ay tumatakbo at ang sasakyan ay papalayo, ito ang byaheng hanggang sa aming pagtanda ay hindi namin makalilimutan.“Yehey”, sigaw ng pinakabunsong kapatid.

Kami ay sabik na sabik na lumuwas dahil aming mabibisita at makikita ang mga mahal namin sa buhay na matagal na naming hindi nakita. Habang kami ay nakalalayo, isang daan ang aming narating.

Unang beses namin itong madadaanan, kaya kami ay nabagabag dahil ang daanang iyon ay wala kaming masyadong makasasalubong na sasakyan.

Ngunit habang kami ay patuloy na naglalakbay, ang aming mga mata ay tila namangha sa aming mga nakikita dahil ang lugar na iyon ay nakalulula at nakapaninindig balahibo. Sa barangay Malico, San Nicolas, Pangasinan matatagpuan ang lugar tunay ngang maliko dahil ang daanan ay pasikosiko.

Kung dadaan ka roon ay dapat kondisyon ang iyong katawan maging ang iyong isipan. Ngunit hindi ka magsisisi.

Ang pagdaan namin doon ay hindi namin malilimutan dahil mapapa“wow” ka na lang talaga.

Habang kami ay nalulula ay may tumatak sa akin na tila ba ginising ako sa katotohanan.

Ito ay tungkol sa realidad,dalawang bagay na sa akin ay nagbigay aral, ito ay tungkol sa kalikasan at buhay.

Unahin natin ang kalikasan, masasabi kong tunay ngang napakahusay at walang makapapantay sa obra maestra ng ating Diyos.

Hindi molubusang

maisip na ang kaniyang gawa ay talagang napakaganda at ang sining niya’y hindi mahihigitan ng mga pinakamagaling na mangguguhit sa buong mundo.

Sa lugar ding yaon makalalanghap ka ng natural na hangin at napakalamig na kulay ang iyong masisilayan doon. Kaya may mga katanungan ang biglang pumasok sa aking isipan.

Bakit kailangang sirain at putulin ang mga puno na nagbibigay ng sariwang hangin? Bakit kailangan pang kunin at pag-interesan ang ginto ng ating likas na yaman?

Ang pangangalaga sa kalikasan ay tulad ng pagpapahalaga sa diyamante. Kaya ating ipreserba ang mga ito upang matikman ang matamis na ani at masilayan ang birheng kabundukan ng mga susunod na henerasyon. Ikalawa, sa aming paglalakbay sa Malico, maihahambing ko ito sa aking buhay. Ang lugar na ito ay naging representasyon ng pagtakbo at pakikipagkarera ko sa buhay.

Nakahihilo at nakapapagod ngunit kung nakikita ko ang paligid ay may dahilan ba upang ako ay sumuko at pati na ng aking pamilya? Napagtanto ko na kahit masalimuot ang buhay, maliko ang pagpunta sa kapalaran, alalahanin natin ang Diyos ay may kayang gawin.

Sabi nga sa isang kanta na “God will make a way whether seems to be no way”.

Ito ang nag-udyok sa amin na mas lalong magpakatatag at pagtibayin ang loob sa mga hamon sa buhay na kahit maliko at pasikot-sikot.

Alam niyo ba na tulad din ito sa ating pag-aaral, bilang isang estyudante? Mahirap, maraming pagsubok, maliko ang daanan patungo sa ting paroroonan. Ngunit tulad ito ng obramaestra ng ating Panginoon, hindi ba napakaganda? Ganiyan ang plano niya sa atin kung gagawin natin ang parte bilang isang mag-aaral.

Basta huwag tayong magpadala sa mga hinaing at hamon na ating haharapin.

Isang malaking pagpapala ang pagdaan namin sa Malico dahil hindi lamang kami makapapasyal bagkus nakapulot kami ng aral.

Biyaheng Malico, baon ng pamilya ang bagong pag-asa. Pagtatapos ng taon, destinasyon ang nagamit upang paalalahanan ang pamilya namin.

Eingelskween Navarro 11 LATHALAIN AGOSTO 2023 - MARSO 2024

makapagtapos sa tulong ng sapatos

Dagok sa buhay, hindi hadlang sa pagkamit ng tagumpay.

Alam mo ba na ang hirap sa buhay ay dapat hindi ito ang dahilan kung bakit tayo susuko? Ang pinagdadaanan ng bawat isa ang siyang magiging susi upang mabuksan ang mga nakasaradong opurtunidad. Sa panahon ngayon hindi lamang kahusayan at talento bagkus kailangan ng diskarte upang mabuhay at maitaguyod ang pangangailangan. Pati ang mga nag-aaral ngayon ay gumagawa ng paraan upang matulungan ang sarili upang may magamit sa pagpasok sa paaralan.

Bilang isangestyudante, napakapalad natin kung may nag-papaaral at tumutulong sa atin lalong-lalo na sa pinansyal. Ang pagkakataon na ibinigay sa atin ay huwag sayangin dahil maraming mga estyudante na talagang wala silang kaya at hindi kayang maibigay ng magulang ang kanilang gastusin sa eskwelahan kaya silan’y nagtratraaho na lamang. At ang trabaho nila ay napakabigat para sa kanilang edad, tulad na lamang ng pagsasaka, pagkokonstraksiyon, pangingisda at pagkakatulong. Kaya kung nabigyan ka ng panahon upang mag-aral, huwag mong hayaang ito’y mapunta sa wala.

Ngunit isang bagay lang ang aking mapupuna, kung gusto mong mag-aral at kung ayaw ay maraming. Hindi hadlang ang kakulangan kaibigan, isa lamang itong pagsubok upang mas lalo tayong magpursigi upang magaral at sa pagtatapos natin ay maiangat ang buhay. Mula sa pagkalugmok patungo sa tagumpay. Narito ang isang patunay

na hindi rason ang kahirapan sa pag-abot ng pangarap.

Isang mag-aaral sa Tagudin National High School, mula sa ika-sampung baitang matatagpuan ang isang dalagang nag-tatahi ng mga sapatos. Hindi siya nagpapadala sa takbo ng kanilang buhay. Ito ang kaniyang pinagkakakitaan upang kaniyang matulungan ang pamilya at sa kaniyang pag-aaral. Hindi siya nahihiya sa kaniyang ginagawa. Para sa kaniya, ang pagaaral ay napakahalaga dahil isang daan ito patungo sa kaunlaran. Ang iniisip niya ay kabutihan sa hinaharap, kaya sa tulong ng sapatos siya’y makakapagtapos. Maliit na puhunan kaniya itong pagkakasiyahin. Sapatos ang kaniyang hakbang patungo sa kayamanan na kaniyang hinahangad.

Kaya bilang isang mag-aaral na tulad niya, saludo ako. Dapat tularan ang madiskarte sa buhay at ginagawa ang lahat ng paraan upang makapagaral. Panapanahon lang yan kaibigan, lilipas din iyan tulad ng araw lumulubog at sumisikat, tayo rin magsasakripisyo at magtatapos tayo. “CLAIM IT”.

12 LATHALAIN AGOSTO 2023 - MARSO 2024
Eingelskween Navarro

Pagtingala sa mga

Ningning ng mga Tala

“ Dati’y ika’y bituing walang sinag ngunit iyong alalahanin kung bakit ngayo’y ika’y kumikinang na sa sobrang liwanag “. Maraming hamon at pagsubok ang nanalasa na sa ating buhay ngunit dahil sa mga ito’y mas lalo tayo niyong pinagtitibay. Tayo’y magbalik tanaw kung paano tayo nagsimula, kung paano tayo nagsakripisyo’t nagpakahirap para lamang ating matamasa’t makamit ang ating mga hinahangad sa buhay. Ibinuwis ang dugo’t pawis upang makuha lamang ang inaasam na tagumpay. Kaya naman, kapag alam natin kung saan at paano tayo nagsimula’y mapagtatanto rin natin sa ating mga sarili kung bakit nararapat na tayo’y umusad at magpatuloy. Ating alalahanin na dati’y tayo’y isa lamang na abo ngunit ngayo’y unti-unti nang nabubuo ang ating pagkatao. Kaya huwag tayong matatakot na tanawin ang ating likuran at huwag nating kalilimutan ang ating

pinagmulan sapagkat hindi natin mararating ang ating pupuntahan kung hindi natin mararaparating balikan ang ating nakaraan Lumipas na ang ilang taon at dekada, marami ng mga magaaral ang nakatungtong sa kolehiyo’t nakapagtapos. Sila’y nakapaghanap na rin ng mga propesyonal na trabaho at kitang kita sa kanilang mga mata ang saya sapagkat malayo na ang kanilang narating at nalakbay. Karamihan sa kanila’y may maganda’t maayos ng pamumuhay.

Nararapat lamang na ang mga natamasa nila’y ipaglandakan sa madla at ito’y kanilang ipagmalaki bagkus nakamtan na nila ang tagumpay na dati rati’y akala nila’y magiging imposible. Ngunit sa aking kalooban, ito’y aking nagiging inspirasyon upang mas lalong magsikap at magpursigi sa pagaaral. Ang kanilang mga istorya’y nag-uudyok sa karamihan lalo na sa mga estudyante na pagbutihin pang mag-aral at magpatuloy lamang sa paglalakbay. Na kahit iba-iba man tayo ng landas na tinatahak, alam kong matatamo rin natin ang

ating mga hinahangad at pinapangarap.

Nakangiti’t nakatingin sa malayo habang pinagmamasdan ang mga matagumpay na tao sa aming paaralan, mga taong naging mataas ang paglipad at ngayo’y sila na’y bumalik kung saan sila nagmula, ang paaralang kanilang naging tahanan.

Ang paaralan ng Tagudin National Highschool na matatagpuan sa Tagudin, Ilocos, Sur. Paaralang naging kanlungan ng karamihang mga estudyante. Ang naging susi’t daan upang maraming pangarap ang matupad at maging posible’t makatotohanan.

Edukasyon ay kanilang binibigyang importansiya’t kahulugan, na hindi hadlang ang kahirapan upang makapagaral.

Na hindi balakid ang kamangmangan kung nais talaga nating mayroong matutuhan. Tahanang humuhubog sa talento’t kakayahan ng bawat mag-aaral.

Kaya naman dahil dito’y mas lubusan pa nilang nakilala ang kanilang mga sarili dahil ang kanilang natatagong galing at kakayahan at

kanila nang nadiskubre. Ang eskwelahang ito’y nagmistulang liwanag sa karamihan sapagkat maraming mag-aaral ang nabuhayan ng pag-asa kahit na ang tingin nila sa kanilang buhay ay wala nang patutunguhan. Sa paaralang ito, halos libolibong tao ang binigyan nila ng oportunidad upang mag-aral at matuto. Karamihan sa kanila’y naging enhinyero, arkitekto, doktor, abogado at iba pa, na kinabibilangan ng ilan sa mga naging mamahayag ng kampus na sina Gng. Lea Montilla, Glaiza Lagrana, Julie Ann Sumalde, Joedelyn Lazaga, at Elaine Grace Manzano.

Naantig ang aking puso na makita silang naninilbihan pa rin sa lugar na kanilang pinagmulan. Ngayo’y sila naman na ang nagbibigay liwanag sa daan-daang estudyante sa paaralang. Pati na rin ang mga kawani ng paaralang ito na nananatiling tagapagtaguyod ng kaligtasan at kapayapaan sa mga kabataang mag-aaral dito.Malaki ang kontribusyon ng TNHS na naging daan upang ang bawat bata’y

magkaroon ng dangal at respeto sa kapwa niya tao Na kahit tayo may magkalayo na ng hakbang, nararapat na tayo’y maging mapagpakumbaba pa rin dahil hindi iisa ang araw at ang ating buhay ay tila ba parang gulong lamang na may mga pagkakataong tayo’y nasa itaas at may mga panahong tayo’y mapupunta sa Ibaba. Sa totoo lang, ako’y saludo sa kanilang lahat dahil sa kanila ng mga problemang dumating lalo na sa kanilang pag-aaral ay patuloy pa rin silang nagpursigi at nagtapos nang mayroon pang digri.

Ginamit nila ang kanilang sipag, tiyaga at diskarte. Lubos akong nagpupugay sa kanilang lahat dahil sa kanilang patuloy na pagsisilbi sa ating bayan, sa libo-libong mamamayan at higit sa lahat,dito sa ating paaralan. Sila ang nagsisilbing inspirasyon sa karamihan, lalong lalo na sa akin. Na kahit nakalulunod ang pagaaral ay ito pa rin ang magbibigay sa atin ng kaginhawaan basta sasabayan natin ito ng tiwala’t pananampalataya.

13
AGOSTO 2023 - MARSO 2024
LATHALAIN
Daniella Lanuza

ARTIPISYAL LABAN SA NATURAL

Paano kung isang araw teknolohiya na ang kokontrol sa tao at hindi na tao ang kokontrol sa teknolohiya?

Paano kung ang modernisasyong nagaganap sa buong mundo ay siyang maglilikha ng bagay na sa huli aypagsisisihan ng mga tao?

Sa naimbentong artipisyal na talino ba ay pasasakop tayo. Nagsimula ang imbensyong intelihensyang artipisyal noong 1950 kung saan kayang pantayan o higitan ng bagay na ito ang talino ng tao.

Unti-unti itong pinagyaman ng mga tao kung kaya’t nalikha ang iba’t ibang uri at disenyo nito. Sadyang napakaganda at lubos na kaaya-aya ang bagay na ito dahil sa angkin nitong talino at kakayahang makapagproseso sa mabilis na paraan.

Subalit ang paglaganap nito sa mundo ay naging dahilan upang ang talento at pinag-aralan ng mga tao’y napunta lang sa wala. Halimbawa na dito ang kaunaunahang dalawang artipisyal na angkor ng GMA na sina

Danilo Third Ibay

Marco at Maia.

Umani ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens. Sino ba namang periyodista ang sasang-ayon sa bagay na ito?

Maliban sa pakiramdam na naisasawalang bahala na ang kakayahan ng tao ay para saan na lamang ang ilang taong pagaaral ng mga mamamahayag sa kasalukuyan kung ito ay palalawigin pa? Sa paglaganap ng mga aplikasyong chatgpt,

madaya ang mga estudyante makapasok lamang sa tinatawag na ‘honorlist’.

Paano na lamang ang mga estudyanteng nag-aaral nang patas at hindi kailanman naisipang mandaya tapos sila pa ang nasa mababa? Hindi ba’t napakawalang hustisya kung iisipin?

Hindi masamang sumabay sa alon ng modernisasyon ngunit sana ay huwag nating kalimutan ang kulturang nakagisnan at mga bagay na nakasanayan. Laging pakatandaan na ang sobra ay nakasasama. Kaya ating gamitin ang intelihensyang artipisyal sa mabuti at sa paraang hindi ito naaabuso ng karamihan. Patuloy tayong mamuhay sa patas at tapat na paraan.

Utak ang

pairalin at huwag basta iasa sa search search nalang.

Huwag tayong mandaya sa ating kapwa upang makapwesto sa mataas na posisyon.

Dahil kailanman ang paggamit ng hindi mo talino habang ang iba ay nagsusumikap na pigain ang ulo may maisagot lang, makuha mo man ang tagumpay mong inaasam, mananatili pa rin itong walang katuturan.

quillbot, gauthmath at iba pa ay natuto ng maging

DNA: SAGOT SA PAG-IiMBAK NG IMPORMASYON

Cloud, Drive, at CDs. Mga iba’t ibang klase ng storage solutions para sa mga data at impormasyon.

Ngayon, kinakaharap natin ang problema ng pagrami ng data storage sa buong mundo.

Nasa 33 Zettabytes o katumbas ng 33 trilyong Gigabytes ang kabouang dami ng data na nilikha, nakuha, kinopya at natupok sa mundo.

Ngunit, paano kung sasabihin kong, may mas malaki at mas pang matagalan pang storage device na mayroon diyan?

Paano kung sasabihin kong pwede mo gawing storage device ang sarili mong DNA?

Ang DNA o Deoxyribonueic Acid ay nagalalaman ng henetikong impormasyon sa ano mang nabubuhay na organismo.

Ang bawat bahagi ng istraktura ng DNA ay nagmimistulang hagdan na binubuo ng mga kemikal na naka paikot-ikot: Adenine, Thymine, Cytosine, at Guanine.

Ngunit, kung ang DNA ay naglalaman ng henetikong impormasyon, paano nga ba nagagawang mag imbak ng mga files dito?

Gumagamit ang grupong Seattle ng PCR, o polymerase chain reaction, upang mahanap ang mga

partikular na sequence ng DNA. Sa prosesong ito, ang DNA, mga panimulang aklat, at mga nucleotide ay pinagsama sa isang test tube at sumasailalim sa mga siklo ng pag-init at paglamig. Sa mga cycle na ito, ang mga primer ay nagbubuklod sa mga target na DNA strands, at pinahaba ng mga nucleotide ang mga ito na nagreresulta sa exponential amplification ng mga gustong sequence.

Ang pamamaraan na ito ay nagbibigaydaan sa mga mananaliksik namakagawa ng milyun-milyong kopya ng target na DNA, na nagbibigay-daan para sa pagtuklas at pagsusuri nito sa gitna ng malaking

dami ng genetic na materyal. Ang paggamit ng DNA data storage ay nakatutulong sa mga awtoridad sa pagreresolba ng mga krimen sa ating lipunan.

Sa kabilang banda, sa usaping pangkalikasan, ginagamit din ito upang mapanatili, maparami, at mapalawak pa ang mga uri ng mga hayop sa ating wildlife.

Sa huli, ang paggamit ng DNA data storage ay makatutulong sa ating buhay sa hinarap, sa pamamagitan ng pananaliksik na ito mas mapapadali ang mga kaso, mas maaalagan ang kalikasan, at makapag-iimbak tayo ng mga importanteng impormasyon na kailan ma’y hindi mawawala.

ALAMIN NATIN!

Alam mo ba na ang ang langgam ay may katangiang kakaiba? Kung ito’y iyong titignan napakaliit ngunit kung ikaw ay kinagat sobra namang sakit. Ang mga langgam ay may anim na paa, dalawang mata at dalawang antena sa ulo. Wala silang mga tenga. Ginagamit nila ang baba ng kanilang panga upang kumagat. At ang langgam ay matatagpuan sa lahat ng lupalop ng mundo. At ang isa sa nakakamangha sa mga langgam ay masipag na magipon at nagkakaisa sila. Kaya kakaiba ang langgam.

Alam niyo ba na hindi nalang tao ngayon ang naghahanda ng pagkain sa resturant o kainan? Sadyang ang mga tao ngayon ay mas gumagaling sa pag-diskubre at pag-imbento ng mga agay-bagay na may kakayahang gawin ang trabaho ng tao. Tulad na lamang ng robot na waiter sa kainan, sila na ang naghahanda at nagbibigay ng pagkain. May baterya at chip silang ilalagay upang gumana ang mga ito at hugis tao na rin ang mga tao.

AGOSTO 2023 - MARSO 2024 EDITORYAL
14 AGHAM AT TEKNOLOHIIYA
Guhit ni Jennifer Masi Guhit ni Jennifer Masi

AUTOCalesa

“Kasya pa, urong na lang po tayo!” iyan ang mga linyang naririnig sa tuwing sasakay ng dyip, na kahit puno na ay sasabihin pa rin ni manong drayber na mayroon ka pang uupuan.

Ang dyip ang hari ng kalsada. Sa mga nakalipas na taon ang dyip pa rin ay patuloy na naghahari sa kalsada ng Pilipinas. Sa tagal na ng panahon, naisipan na nila itong ipatanggal.

Pinag-uusap-usapan ngayon ang patungkol sa “jeepney phase-out” dahil marami sa ating mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagphase out ng dyip na ating nakasanayan.

Ngunit may iba rin na sang-ayon dito. Layunin ng jeepney phase out na palitan ang mga lumang dyip sa mga kalsada ng mas moderno at komportableng dyip.

Ang pag-phase out sa mga dyip ay magdudulot ng pagtaas ng presyo sa pamasahe. Dahil sa malaking gastos sa pagbili ng bagong

sasakyan na ipapalit sa mga lumang dyip, kailangan nilang bawiin ito sa pamamagitan ng pagtaas ng pamasahe nang sa ganon ay may pang puhunan sila at kanilang mabawi ang pera na kanilang ipinambili sa bagong dyip.

Ang pagtaas nito ay malaki ang magiging epekto para sa mga mananakay lalo na sa ibang mag-aaral dahil ang iba ay nagtitiis sa murang pampublikong transportasyon. Isa sa mga pangunahing dahilan sa pag-phase out sa mga dyip ay ang air pollution na kanilang nagagawa.

Ang mga dyip ay may kalumaan na at luma na rin ang makina na naglalabas ng mga nakapipinsalang pollutant sa hangin.

Plano ng gobyerno na palitan ang mga ito ng mga eco-friendly na sasakyan na makikinabang kapwa sa kapaligiran at kalusugan ng mga tao.

Ayon sa isang balita, libolibong mga drayber ng dyip ang mawawalan ng hanapbuhay kapag ito ay tuluyang mawawala, at sa kabilang banda naman ay libo-libong estudyante at trabahador din ang mawawalan ng masasakyan.

May negatibo at positibong dulot ng dyip, ngunit mas umaangat ang negatibong epekto nito. Isa na lamang dito ang masyadong pagpuno ng mga pasahero na nagsisiksikan at minsan naman ay may sumasabit pa. Ngunit kung ako ang tatanungin bilang isang magaaral, ako ay hindi sumasang-ayon sa pag-phase out ng dyip. Dahil bukod sa nakasanayan na natin itong sakyan, malaki rin ang magiging epekto nito sa ating lahat. Unahin na natin ang mga drayber.

Marami sa kanila ang mawawalan ng trabaho lalo na sa mga nakapagpundar na ng dyip. Dahil dito malaki ang posibilidad na maapektuhan ang kanilang pananalapi dahil kailangan pa nilang bumili ng bagong dyip na maipasada na pagkukunan nila ng panggastos sa pang arawaraw. Ito ay luma, mausok ngunit maraming natutulungang mga estudyante at mga trabahador.

Maraming napagtapos na mga anak sa pamamagitan ng pagmamaneho ng dyip. Kung kaya’t tingnan natin nang mabuti ang mga negatibo at positibong epekto nito sa lahat.

KAMANDAG

Pagsapit ng hapon sila’y nagsisilabasan, kagat dito, kagat doon, kamot dito, kamot doon. Ika’y napakaliit pero kung kumagat napakasakit at tila ba’y may kamandag na dala.

Mayroong iba’t ibang uri ng lamok ngunit narinig mo na ba ang isa sa mga pinakamapanganib na lamok?

Ito ay ang “Tiger Mosquito” na may dalang virus na “Chingunya”

Ang Tiger Mosquito ay kilala

bilang “Asian Mosquito”. Ito ang pinakakaraniwang lamok sa Timog Silangang Asya. Ito ay may puti at itim na marka. Layunin ng insektong ito na nakakagat sa araw ay maaaring magdala ng mga mapaminsalang sakit tulad ng Eastern Equine Encephalitis (EEE), Zika virus, West Nile virus, Chikungunya at dengue fever.

Ang mga Asian Tiger Mosquito ay natatangi dahil sa karaniwan silang kumakain sa oras

ng liwanag ng araw, hindi tulad ng maraming iba pang uri ng lamok na kumakain lamang sa dapit-hapon at madaling araw.

Sa mainit-init na mga rehiyon, ang mga Asian Tiger na lamok ay aktibo sa buong taon. Gayunpaman, sila ay kilala sa overwinter sa mapagtimping klima. Tulad ng ibang uri ng lamok, ang mga babae lamang ang nangangailangan ng pagkain ng dugo upang makagawa ng mga itlog.

Ang mga babae ay

nangingitlog sa loob ng mga bagay na maaaring maglaman ng hindi bababa sa kalahating pulgada ng tubig, tulad ng mga gulong, paso ng bulaklak, paliguan ng mga ibon at mga baradong kanal. Nangangahulugan iyon na ang isang bagay na kasing liit ng takip ng bote ay maaaring maglaman ng sapat na tubig para umunlad ang mga itlog nito.

Ang mga lugar ng pagaanak ay malamang na malapit sa kung saan matatagpuan ang mga

matatandang lamok. Upang maiwasan ang mabilis na pagdami ng tiger mosquito ay kinakailangan puksain natin ang mga maaaring pangitlogan ng mga ito. Gayundin na mag apply ng lotion na maaring mabisa upang sa ganoon ay hindi makagat ng lamok.

Ang TNHS ay mahigpit na nagpatupad ng “no trash” para sa kalinisan at para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

‘Traditional Chinese Reflexology’

Oras-oras maraming tao ang nagkakasakit at nalalagutan ng hininga dahil sa mga nagsisilabasang sakit na nagpapahirap sa ating katawan. Gawi na din sa atin ang pag-inom at pagpahid ng iba’t ibang gamot upang guminhawa ang ating karamdaman.

Ngunit kung ito’y ating nasosobrahan, mas lalong lumalala ang ating mga sakit. Ang mga mamayang intsik ay nakadiskobre ng isang paraan upang mapagaling ang kanilang karamdaman na mas ligtas at mas magaan sa bulsa para sa karamihan.

Ito ay tinatawag na Chinese Reflexology , sinimulan ni Dr. Yu Fu noong ika-2 siglo BC nang ginamot niya ang pasyenteng hindi ginamitan ng kahit anong halamang gamot. Pinagaling niya ito sa pamamagitan ng pagmamasahe sa katawan ng pasyente. Paano nga ba ginagawa

ang chinese reflexology? Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghilot sa iba’t ibang parte ng katawan. Kadalasang isinasagawa ito sa ating mga kamay at paa.

Ito’y nakatutulong mapanatili ang ating kalusugan dahil ayon sa teorya, ang bawat bahagi

ng kamay at paa ay konektado sa ating mga organo sa katawan.

Ang Chinese Reflexology ay mas higit na ligtas at makakaya. Kaya’t kakailanganin mo pa bang gumamit ng gamot na pwedeng ikakasira ng ating katawan kung mayroon namang alternatibong mas ligtas, mura at epektibo.

15 AGOSTO 2023 - MARSO 2024
AGHAM AT TEKNOLOHIIYA
Guhit ni Jennifer Masi Danica Leah Bustillos Danica Leah Bustillos Danica Leah Bustillos

KUROT NG SUROT

Nakababahala

ang balitang paglabas ng mga surot sa Ninoy Aquino International Airport. Hindi na tiyak ang kaligtasang hangad ng bawat pasahero.

Naging trending ang pagpost online ng isang netizen patungkol sa mga surot ng NAIA.

Sa isang upuan nakita ang maliliit at mga surot na aktibong

gumagalaw. Ayon sa biktima habang nakaupo siya,nakaramdam na siya ng pangangati sa kanyang mga hita hanggang sa ito ay namula at nagkaroon ng mga pantal.

Agad naman siyang nagpakonsulta sa doktor,ang tanging alam ng biktima ay baka ito ay isang “allergic reaction” ngunit sabi

Aking Pahinga 16 AGHAM AT TEKNOLOHIIYA

naman ng doktor sa kanya ay ito ay isang kagat ng surot.

Nakagugulat

sapagkat hindi niya inaasahan na sa rami ng lugar na pwedeng pamahayan ng surot ay sa paliparan pa.

Kung saan napakaraming tao ang pwedeng maapektuhan. Ito ay lubos na nakaalarma dahil kalusugan at kaligtasan ng tao ang nakasalalay dito.

Paano kung ito ay hindi natuklasan agad? Hindi ba mas madaming pwedeng maapektuhan,mapabata man o matanda. Kung kaya ito ay agad na inaksyunan ng NAIA.

Nagsagawa ng ekspeksyun ang mga tauhan ng NAIA upang patayin at sugpuin ang mga pesteng surot na namemerwisyo sa mga pasahero.

Karagdagan pa riyan ang kagat ng insekto ay pwedeng maging sanhi ng iba’t-ibang uri ng sakit lalong lalo na sa balat. Lubhang ito ay napakadelikado at perwisyo. Minsan binabalewala na lang ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ito ay kinakailangang bigyan pa rin ng pansin.

Wala siyang kaalamalam na pwede niya pala itong ikamatay kung kaya huwag pakampante. Gayunpaman maging maingat sa paligid at magmasid-masid. Tulad ng kaganapan sa NAIA na

ang mga pasahero ay walang kamalay malay na ang inuupuan pala nila ay pamahayan ng pesteng surot.

Kinakailangan ngayon nang pagiging mapagmasid. Tiyaking kaligtasan ng bawat isa ang prayoridad,kung kaya huwag lang umasa sa mga awtoridad.

Umaksyon at makipagtulungan kung kinakailangan para sa ikagaganda at ikaliligtas ng bayan.

Sila ay iisang mamamayan na may hangarin,hangaring maging maayos ang bansang kinabibilangan. Kalusugan ang isang prayoridad kung kaya mag-ingat sa pesteng kagat!

sa na nagsasaad na ang mga studyante ay may internet para sa pagtatapos ng kanilang acvities.

Sa panahong ito, hindi na lamang ang mga tao ang mai- tuturing natin na kaibigan. Mga alaga din nating hayop pala? Sa paglipas ng taon, hindi na lamang pamilya ang magpapadama sa atin ng pagmamahal bagkus pati mga alagang hayop. Akalain mo sa mga hayop may pahinga. Tayong mga magaaral ay kabundukin ang mga asignatura na pinapagawa sa paaralan na kinakailangang tapusin. Katulad na lamang sa Student Union Building noong nakaraang Hunyo 15, ng Marley the Therapy Dog na ang mga studyante ay kinakailangan ng pahinga sa paggawa ng mga kanilang requirements.

May naganap na "Meet and Greet Session" na "face to face" so AAA (Animal Assto Assisted Activity) sa unang pagkakataon na ginawa ng Office of Counseling and Guidance (OCG) at Learning Resource Conter (LRC) na kaakibat ng The Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA) para sa mga ULB Students.

Naganap din ang programang "PAWS for a Break" na sa pamamaraan ng programang ito'y makapagpahinga ang mga studyante sa mga gawain sa

paaralan. Isang asong palakaibigan, mapagmahal at, malapit na aso. Si Marley. Siya ay isang 8-taong gulang. na labrador retriever - goldenretriever cross. Ang dalawang pinakasikat na katangian ng aso sa buong mundo. Kasama niya ang kaniyang PAWtner na si Doc Rina ng (CVM). Na siyong hatid nila ay ang magbigay saya Sa mga estudyante.

Ang aktibidad na ito'y parte ng Barkada al Catropa Animal Associated Intervention (AAI) noong Nobyembre na naganap o naipatupad noong 2021, tumutulong maalis ang Depression at Anxiety ng mgo B students. Batid nilang makahatid ng tulong na palakasin ang mga Kalooban ng Unibersidad.

Pagkatapos ng pananaliksik sa Online Trainings sa AAl para sa mga nagboluntaryo. Naipalabas na tators at 5 pala ni Marley meron ng 10 PAWtners, 14 PAWtners, 9 PAWcilli- nagsasagawa ng pagtherapy. sa mga aso't pusa. Kagaya na isang aso lamang, ay may malaking tulong ang pag- ensayo sakanya dahil ito'y nagbubunga ng mga positibo sa mga tao.

Base sa isang pananaliksik, nagpakita ng

positibong resulta na ang human- animal interactions ay nagkakaroon ng kalma at pagkawala ng stress.Sa ganoon nagpakita din na ang pagkakasama ng tao at hayop ay naka-aalis ng mga negatibong emosyon ng mga tao. Nagpapadami rin ito ng mga positibong emosyonsa mga tao. Sa ibang programa ng BARKada at CAtropa na mga boluntaryo na tumulong sa mga aktibidad. Si Nikkie Culling University Research Associate ng Phillippine Agricultural Scientist (CAFS), at ang Department of Humanthes. Tumutulong bilang isang PAWtroller, habang si Mavic Jimenez, isang guidance services specialist. Siyang nagpakita bilang isang PAWcillator. Gayundin na ang OCG at LRC staff. Ang nakipagtulungan sa programa at isa sa mga nang- assist sa AAI Team.

Madaming paparating na aktibidad ang programmang ito na kasama ang mga grupo ng mga studyante at impleyado at mga online activities sa pagkamit para Human- Animal. Sa pagdaragdag ang AAA session ay ang mga nasa Opening of LRC Learning Hub for AB ULPB students for 24 hours mula Hunyo 16-17 Internet access

Ang Animal Therapy ay nakakatulong sa lahat mas lalo na sa may mga Depression at Anxiety. Sa paraang ito ay may pagpapahinga sa kanilang pagiisip. Aso't pusa, madami pang hayop ang makatutulong sa atin.

Ayon sa isang pangyayari sa totoong buhay. Siya'y pasuko na sa buhay dala ng masakit na tadhanang dala ngbuhay dito sa mundo. Isang aso ang tumulong sakanya upang makabangon sa lukmog na buhay na dinadanas niya. Siya'y nagpapasalamat sa aso na iyon sapagkat dahil sa kanya ay bumawi siya kanyang sarili na maging maayos at masaya.

Nagpapatunay na sa mga hayop may maituturing kang tahanan na may punongpuno ng pagmamahal. Hindi ka sasaktan at hindi ka papabayaan. Aso't pusa

lamang, hayop lang kung baga pero hindi ka pababayaan. Sabi nga nila. "A pet is a man bestfriend."
AGOSTO 2023 - MARSO 2024
Guhit ni Jennifer Masi Danica Leah Bustillos

MINA, UMAARANGKADA

SA LARANGAN NG BOLA

Ika nga ng propesyonal player na si Kobe Bryant “To be the best, you have to work the hardest” ito ang naging pundasyon sa likod ng mala nagliliyab na bola ng buhay ni

Raven Andre S. Mina.

Raven Andre S. Mina, labing-pitong taong gulang mula sa pintuan ng Quirino, Tagudin, Ilocos Sur, at nag-aaral na bilang isang may pusong atleta sa San Beda College Alabang.

Nagsimula sa pambansang laro na basketball noong grade 5, sumasalamin ang paglalaro sa kanyang lahi na likas na may bahid ng pagiging atleta.

Sa gitna ng araw at dilim, walang tigil siyang nagpapawis sa hardin ng kanyang pangarap, nagtataglay ng sipag at dedikasyon na nagdudulot ng inspirasyon sa lahat.

Sa paglaki ng kanyang mga pangarap, isinilang ang kanyang kaalaman sa larangan na ito sa ilalim ng gabay at mga aral ng kanyang ama at ng ama ng kanyang pinsan. Bagamat lumalaon, nagpatuloy ang pagtuturo, ang pagdadala ng karunungan na nagbigayhalaga sa kanyang pagiging manlalaro.

Sa harap ng mga hamon at pasanin, nanatili siyang matatag at nagpursigi nang buong husay. Sa paglipas ng mga panahon, hindi siya lamang isang karangalan ng kanyang bayan.

Sa kanyang pagtatangkang sumali sa iba’t ibang koponan, natagpuan siya ng mga mata ng isang coach mula sa PBA sa Junior MPBL.Ang

PUMAPANA PARA SA TAGUMPAY

Ang archery ay parte na ng buhay ni Roz Mariel Laranang sapagkat nasa ika-7 baitang pa lamang siya’y nagsimula nang maglaro.

Sa tulong ng isang kaibigan ng pamilya, siya’y namulat sa buhay archery. Sa pamamana niya rin sinubukang abutin ang tagumpay. Pana’t palaso ang kaniyang kaagapay tungo sa pagtatagumpay. Pageensayo nang mabuti at pagiging responsableng atleta ang nagtuntong sa kaniya upang siya’y mabigyan ng pag-asang makapaglaro sa Provincial Meet.

Sapagkat, pamilyang suportado ay kaniyang inspirasyon ay napana niya ang tagumpay upang tumungo sa R1AA (Region 1 Athletic Association) noong nakaraang taon. Kung kaya’t para sa kanya ang mga medalyang natanggap ay nagsisilbing kaniyang karangalan.

Subalit, sa kabila ng tagumpay at karangalang natanggap ay may mga pagsubok siyang kinaharap. Ayon sa kaniya, ang paglalaro ng archery ay hindi basta basta. Lalo na ang pag-eensayo ng maayos ay siyang nakakapagod at napakahirap, dulot rin ito

ang pananakit ng kaniyang katawan na mas lalong nagpahirap sa kaniya. Ngunit hindi natinag ng mga pagsubok na ito ang pananalig at pag asang maabot niya ang tagumpay. Sa-pagkat siya’y nanatiling nakatayo at matatag na handing asintahin at panahin ang tagumpay.

At kaniyang ipinagpatuloy ang pagiging responsableng atleta dahil ayon sa kaniya “Ang pagiging atleta ay dapat matuto kang maging responsible at magadjust sa buhay dahil hindi lahat magaadjust para sa’yo.

kasanayan, nagtiyaga siyang mag-ensayo nang dobleng hirap, nagiging daan para sa kanya na maging kampeon sa mga liga ng Ilocos Sur. nagdala rin siya ng dalwang karangalan sa dalawang koponan sa Ciudad ng Cavite.

Kamakailan lang, sa PRISAA, tila isang masalimuot na tugon sa kanyang mga panalangin, nagtagumpay rin siya bilang kampeon. Sa mga kabataang sumusubok sumiklab ang damdamin ng pangarap, payo ni Raven, magtanim ng pusong kayod sa bawat ensayo, huwag matakot sa pagod. Ialay ang lahat sa paghahanda, dahil sa oras ng laro, doon ipinakikita ang bunga ng sakripisyo. Huwag kalimutan ang dasal at pasasalamat bago at pagkatapos ng bawat

Anyong Babae, lakas lalaki

Di-maikakaila na kamang-hamangha ang lakas ng mga babaeng weightlifters sa punto na nahihigitan na nila ang lakas ng mga kalalakihan sa pagbubuhat ng mga mabibigat na barbell arawaraw. Ngunit sa likod ng kanilang lakas ano kaya ang kanilang sekreto upang makamtan ito? Ano-ano ang mga hirap na kanilang pinagdaanan upang mapatunayang kaya rin ng mga babae ang makipagpaligasahan sa weightlifting?

Weightlifting, larong kailangan ng lakas at determinasyon, larong inakalang mga lalaki lang ang may kayang makipagpaligsahan.

Ngunit dahil sa pagsisikap at determinasyon ay pinatunayan nila na kaya

rin ng mga kababaihan. Tulad ni Kary Marshall, isang American Olympic weightlifter na kauna-unahang Women’s World Champion sa weightlifting noong 1987 at ni Hidilyn Diaz, Filipino weightlifter na humahawak ng dalawang Olympic record sa weightlifting. Pinatuyanan nilang babae man sila lakas lalaki naman. Nakamtan nila itong lakas sa pamamagitan ng regular at tamang pag-eensayo sa kanilang kalakasan, muscle, buto, metabolic systems at psychological well being upang matulungan makamit ang puwersang hinahangad sabayan pa ng pagkakaroon ng malusog na pamumuhay.

Sa likod ng mga tinatamasang panalo ng mga babaeng atleta sa weightlifting ay mga

paghihirap at sakripisyo na kanilang ginawa. Tulad ng pag-eensayo araw-araw upang mapagbutihan ang ginagawa, pagsasakripisyo mapabuti lang ang talento. Bagaman maraming nagsasabi na ang pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay ay talagang nakaasama sa mga kababaihan, hindi pa rin sila nagpatinag at ipinagpatuloy ang kanilang pagiging atleta.

Mula dito makikita na walang pinipiling kasarian ang paglalaro ng weightlifting kung ikaw ay may lakas, hindi lamang lakas ng loob kundi pati na rin lakas ng pisikal na pangangatawan at pagkakaroon ng motibasyon at determinasyong ipahalata sa lahat ang nakakayang gawin ng kalalakihan ay matatapatan din at mapapantayan ng kababaihan.

kahit gaano kalaki ang narating.

INSPIRASYON SA BASTON

Sumisiklab na paluan, at nagbabagsak na isport. Pabilisan sa pagpalo ng bawat koponan. Pagpapamalas ng kakayahan sa pakikilaban at agawan ng puntos. Ang Arnis na nananatiling pinageensayuhan ng mga mababangis na atleta. Isa sa mga atleta nito ay si Lorie Jane Figuracion. Sa edad na kinse anyos ay naipapakita na niya ang kanyang gilas. Siya ay taga-Ranget, Tagudin, Ilocos Sur. Nagsimula siya noong siya ay nasa elementarya pa. Nakamit niya ang

umaatipukpok na ginto at pilak na medalya.

Dahil sa kanyang kategorya na Anyo at Combative at Form of Play na Single Baston, nagkaroon siya ng pag-asa na ipamalas ang kanyang nakatitindigbalahibong kagalingan.

“Maganda pero mahirap,” sambit ng naghahasik ng lagim na atleta na si Lorie Jane.Hindi niya ito makakamit kung wala ang suporta ng kanyang tagasanay at mga magulang. Mananatili parin siyang halimaw sa larangan ng Arnis.

17 AGOSTO 2023 - MARSO 2024
ISPORTS
Crisam Molina Januel Angel Garcia Januel Angel Garcia Prince Arjhay Bautista

Tagudin National High School, bumida sa Municipal Meet 2023

Nag-uwi ng sandamakmak na parangal ang mga atleta ng Tagudin National High School sa nakaraang Tagudin Municipal Meet Athletic Association 2023 na ginanap sa Tagudin Farmers Civic Center noong Disyembre 7-8, 2023.

Naguwi ng 94 gold, 52 silver, at 23 bronze na may kabuoang 169, Tagudin National High School din ang tinanghal na Overall Champion sa nasabing paligsahan.

Cedric David Delos Santos

Table Tennis team ng Tagudin National High School, naghahanda na

Puspusan na ang paghahanda ng Table Tennis team ng Tagudin National High School para sa paparating na Unit IV Meet Athletic Association na gananapin sa Quirino, Ilocos Sur sa Pebrero 4-6, 2024.

TNHS, nag-eensayo para sa Unit Meet 2024

Puspusang

naghahanda ang mga

atletang TNHS upang muling pumulbos sa darating na Unit Meet na gaganapin sa Quirino, Ilocos Sur sa buwan ng Pebrero.

Matatanaw ang

mga atleta sa TNHS Open Ground na pawis na pawis at hirap na hirap.

Ngunit ang bawat butil ng pawis ay kanilang gagawing inspirasyon at motibasyon upang magwagi.

Ang mga atleta sa Unit Meet ay magpapamalas ng kanilang halimaw na kagalingan upang hindi malaos. Kanilang irerepresenta ang bayan ng Tagudin, at malasap ang inaasam asam na kampyonato.

Kahit mainit ay tuloytuloy pa rin ang kanilang ensayo.

Mababakas sa mukha ng mga atleta

Green Team nagwagi sa Men’s Volleybal

Sa Championship game ng Tagudin

National High School Intramurals 2023 noong ika-7 ng Nobyembre, dominanteng pinatumba ng Green team ang Yellow team sa iskor na 2513 at 25-20.

Susi ng kampyeonato si Ariel Jairus Adonai Laygo ng 11-HUMSS 1 na may 13 na puntos, 8 attacks, 4 service ace at isang block, sa tulong din ni Jayvee Abundo ng 12-HUMSS 5 na may 8 na puntos, 6 attacks at 2 service ace upang mapatumba ang Blue Team.

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Ralph Feleciano ng 11-HUMSS 5 ang koponan na may 8 points, 5 attacks at 3 service ace, tumulong din si Jerom Lucero ng 11-HUMSS 5 na may 8 excellent set.

ang kanilang pagiging determinado sa pakikipaglaban.

Sasaluhin nila ang hirap ng rumaragasang mga isports at sila’y lalaban. Pagod naman ang natatamo ng mga tagasanay o coaches sa kanilang mga atleta. Kailangan nila itong ilaban upang maging inspirasyon sa mga kabataan.

Papasukin nila ang kahirapan at magpamalas ng kahusayan.

Ang umaatipukpok na Unit Meet ay nananatiling pinaghahandaan ng bawat atleta.

Makakamit ng mga atleta ang pagwawagi sa tulong ng suporta ng mga magulang, coaches, at mga iba pang kakilala.

Maaari rin nating itong pahalagahan upang ito ang kanilang maging susi ng tagumpay.

Prince Arjhay Bautista

“Syempre masarap sa pakiramdam na manalo, karangalan din naming irepresenta ang green team kaya kami ay natutuwa dahil hindi namin sila binigo.” ani ni Jairus Laygo.

Sa unang set, nagpa ulan ng maraming service ace sina Laygo at Medrano upang maagang maungusan ang Yellow Team, sabayan pa ng maraming error ng Yellow Team.Sa Ikalawang set dikitan ang laban ng parehong koponan, palitan ng palo at serve ang dalawang koponan, ngunit sa tulong ng mga service ni Lacasandile muling nakuha na Yellow Team ang lamang hanggang tuloytuloy na ang mga palo ni Abundo.

Paghugot ng Nabitawang Korona

Tatak malala ang pangalan ni Rafael Nadal matapos magbalik at mahugot ang nabitiwang korona laban kay Dominic Thiem ng Austria sa sunod-sunod na sets noong ika-2 ng Enero 2024 na ginanap sa Brisbane International sa Australia.

“Today is honestly an emotional and important day for me after probably one of the toughest years of my tennis career without a doubt.” saad ni Nadal sa kanyang on-court interview matapos ang kanyang first round win.

Ang haring 22 beses grand slam champion ay muling naglaro ng kanyang unang singles match ng halos isang taong paghihirap ng dahil sa kanyang injuries.“I have the chance to comeback after a year and play in front of an amazing crowd and play, I think at a very positive level.”

Muling sumabak si Nadal sa kanyang unang laban mula noong nakaraang Enero

kasama ang kanyang kasanggang si Marc Lopez sa Brisbane International. Bagaman natalo ang dalawang Spanish laban sa mga Austrilyanong sina Max Purcell at Jordan Thompson ay hindi pa rin nawala ang munting ilaw ng pag-asa sa kanyang mga mata. Bagaman nasabi ng 37 taong gulang na si Nadal noong May na ang taong 2024 ay ang huli niyang paglalakbay sa larangan ng kanyang sports ngunit hindi man ito nakita ang kanyang muling pagharian ang court ng hindi makapaniwalang matalo ang former world No. 3

Thiem noong nakaraang linggo.

Sa likod ng hirap na pinagdaanan ni Rafael Nadal sa larong tennis ay pinanatili pa rin niya ang positibong pag-iisip at hindi pagsuko sa paglalaro. Pinatunayang kaya pa rin nyang pagharian ang entabladong dati nang naagaw sa kanya ngunit ngayon ay nasungkit niya pabalik.

TNHS, namayagpag sa Unit IV Athletic Meet

Sa naganap na Unit IV Athletic Meet 2024, nag-uwi ng 55 golds, 46 silvers, at 9 bronzes ang mga atleta ng Tagudin National High School matapos sumabak sa iba’t-ibang mga palaro. Ang mga panalong ito ang naging daan upang ang ilan sa mga atleta ay lumahok sa gaganaping Provincial Meet.

Football (Boys)

Futsal (Girls)

Basketball 5v5 (Girls)

Volleyball (Boys)

Individual Sports

Dancesport (Single Dances – Standard)

Dancesport (Single Dances – Latin)

Groupdance (Standard)

Groupdance (Latin)

Chess (Boys – Standard – Individual)

Chess (Boys – Blitz – Individual)

Chess (Boys – Standard – Group)

Chess (Boys – Blitz – Group)

Arnis – Combative (Pinweight)

Arnis – Combative (Featherweight)

Lawn Tennis (Girls – Single A)

Lawn Tennis (Girls – Single B)

Gymnastics – Women’s Artistic Gymnastics

Gymnastics – Aero Gymnastics

Wrestling (Girls – 48 kgs)

Wrestling (Girls – 52 kgs)

Archery (Girls – 30 meter)

Archery (Girls – 50 meter)

Archery (Boys – 30meter)

Taekwondo (Girls – Sparring – Category 3)

Taekwondo (Girls – Sparring – Category 4)

Taekwondo (Girls – Poomsae - Individual A)

Taekwondo (Boys – Sparring – Category 7)

Taekwondo (Boys – Poomsae – Individual A)

Swimming (Girls – 50 meter backstroke)

Swimming (Girls – 50 meter freestyle)

Swimming (Girls – 400 meter freestyle)

Athletics (Boys – 2000 meter walkathon)

Athletics (Girls –Long Jump)

ISPORTS 18 AGOSTO 2023 - MARSO 2024
Cedric David Delos Santos Cedric David Delos Santos Januel Angel Garcia Cedric David Delos Santos

EDITORYAL

sa ISPORTS

Jennifer Masi

Simbolo kontra Moderno

Patintero, tumbang preso at luksong baka, ilan lamang Yan sa napakaraming laro ng mga kabataan noon ngunit nasaan na nga ba ang ang mga libangang ito kung tawagin ay laro ng lahi? Maibabalik pa kaya ang kahapong dati’y Masaya? O tuluyan ng lalamunin ng mga bagong laro ng TEKNOLOHIYA? Laro ng lahi ang tawag sa mga sinaunang laro ng mga kabataan noon na sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino. Ito ay maituturing ding salamin ng kamusmusan at kasimplehan ng pamumuhay.

Simple ngunit masayang buhay. Tagu-taguan, isa sa laro ng lahi na paborito nilang laruin, Lalo na kapag gabing maliwanag ang buwan.

Ngayon, iilan na lamang ang nakikitang naglalaro ng mga ito. Hindi na nga rin alam ng mga kabataan ngayon ang mga nasabing laro noon. Dahil pumasok na Ang TEKNOLOHIYA, moderno na rin ang panahon maging ang mga kagamitan ngayon. Imbes na nakikita mong naglalaro sa labas ang mga bata na nakikisaya sa iba, NASA loob Sila ng kani-

kanilang tahanang upang sa selpon ay tumunganga.

Base sa mga balita at sarbey, di hamak na mas Marami na sa Ngayon ang naglalaro ng online games kumpara sa mga laro ng lahi. Adik na Ang mga kabataan sa Ngayon sa paglalaro ng latong panteknolohiya.

Masasabing maaaring tumanggap ng pagbabago o modernisasyon ngunit alamin pa rin natin na mas marami itong maidudulot na masama sa kabataan kumpara sa paglalaro ng ating pagkakakilanlan na tiyak saya at kakaibang karanasan sa buhay ang dulot ng mga ito.

Kung Ako ang papipiliin, mas maganda pa rin na maglaro ng mga dating laro sapagkat kita ko naman sa mga bidyo ng mga naglalaro nito na Masaya Sila at tiyak na magugustuhan ko.

Hindi ko naman binabalewala ang online games dahil alam Kong kota na rin Ako. Anuman ang mangibabaw sa dalawang ito, sinisigurong malilibang ang mga kabataang maglalaro ng mga ito basta’t kung ano ang ikasasaiya nila yun ang piliin nila.

Shanara Velasco

Peklat ng Masayang Pagkabata

Mahilig ang mga tao na makipagsabayan sa iba’t ibang bagay kung kaya’t pati ang sarili nilang nakasanayan ay kinalimutan at tuluyan nang ibinaon. Hindi sila papahuli sa kung ano mang nauuso mapadamit man yan o isang TikTok video. Tila isang birus na bawat tao ay hindi pwedeng wala nito.

Unti-unti nang nakakalimutan ng mga Pilipino ang mga larong ating kinasanayan. At nakakalungkot ring isipin na hindi na ito mararanasan ng mga susunod pang henerasyon dahil sa nagaganap na modernesasyon. Modernesasyon na kung saan gadyets na ang ginagawang libangan at hindi na paglalaro sa labas kasama ang mga kaibigan.

Naalala ko tuloy yung mga masasayang araw ko noong elementarya pa lamang ako. Sa mga araw ng Sabado at Linggo ay pinapatulog kaming dalawa ng kapatid ko para kahit papaano ay tumangkad daw kami. Pero ang totoo nyan, magtutulogtulogan lang kami para sa oras na makaidlip na ang Inay ay siya namang pagtakas namin ng bahay.

Tulad ng napagkasunduan, magkikitakita kami sa may bundok ng dayami kahit na tirik na tirik pa ang araw. Doon kami magpapakasasa sa paglalaro at hindi na namin iniisip ang pamalong hahagupit sa amin pagdating ng dapit-hapon. Para sa amin ay balewala ang sakit at hapdi ng bawat paghampas ng tsinelas o kahoy ng bayabas kung ang kapalit naman nito ay masasayang ala-ala na siyang magiging baon namin sa pagtanda. Simple lang naman ang aming nilalaro. Narito ang habulan, tumbang preso, tagu-taguan, patintero, batuhang bola, taya-tayaan, agawan ng base, at maraming pang iba. Kaya nga lumaki akong maraming peklat sa braso at binti dahil ito ang mga bakas ng mga masasayang karanasan ko sa aking pagkabata. At ang mga peklat na ito ay may

nakatagong kwento na nasisiguro kong tandang-tanda ko pa hanggang ngayon.

Subalit ngayo’y isa na’kong kabataan, hindi ko na muli pang mararanasan ang mga ganoong bagay. Dahil habang patanda ako ng patanda, pabigat ng pabigat at parami ng parami naman ang pasanin kong problema. Sigurado akong ganoon tayong lahat, ngunit nalulungkot lang ako para sa mga bata ngayon dahil mangilan-ngilan nalang sa kanila ang makararanas ng masayang pagkabata dahil tila lahat na sila ay lulong na sa selpon.

Unti-unti nang namamatay ang diwa ng laro ng lahi.

Napapalitan na ito ng mga larong online tulad ng Mobile Legends, Call of Duty at iba pa. Mas gusto na ng mga bata ang manatili sa loob ng bahay upang magselpon at hindi ang maglaro sa labas. Dahil sa ganitong sitwasyon, malimit lang na maarawan ang mga bata dahil maghapon silang nagkukulong sa kani-kanilang mga bahay.

Kung dati maingay ang paligid dahil sa kwentuhan at tawanan ng mga bata, ngayon ay napakatahimik na. Maingay naman minsan pero iba pa rin yung araw-araw na ingay noong kami pa ang nasa edad nila. “Sabali idi sikayo, sabali kami met atta” yan ang madalas na sumbat ng mga bata.

Hindi rin naman natin masisisi ang mga bata dahil wala naman sa kanila ang problema, kundi sa magulang na pagkapanganak pa lamang ay selpon na agad ang inihaharap sa mga anak nila. Ayaw ba nilang maranasan ng mga anak nila ang saya ng paglalaro sa labas? O baka dahil maski sila ay hindi nalubos ang pagkabata kung kaya’t pati ang anak ay idinadamay na rin nila?

Dapat naman ay huwag selpon o kahit na ano mang uri ng gadyets ang ipaharap nila sa kanilang mga anak. Dahil bukod sa hindi naeenjoy ng mga bata ang pagkabata nila ay baka selpon pa ang maging dahilan ng maagang pagkasira ng mata ng mga anak nila. At kung ayaw

ISPORTS AGOSTO 2023 - MARSO 2024 19
Reference from
Guhit ni Ryan Dauz Tarantadong Kalbo Guhit ni Brix Laberinto

TOMO XVI | BILANG 16

SUNTOK NG PAGKAPANALO. Isang suntok na nakapangingilabot ang pinakawalan ni Colence

LABERINTO (asul) ng Unit 4 laban kay Ramil De Guzman (pula) ng Unit 2 upang masungkit ang gintong medalya sa boksing sa ISDAAM 2024 na ginanap sa Caoayan Complex noong Marso 2, 2024

TUMBA

Taekwondo players, pinataob ang kanilang kalaban

Waging nag-uwi ng mga karangalan ang mga manlalaro ng taekwondo ng Tagudin National High School sa nakaraang Nationals na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium, Manila noong Nobyembre 11-12, 2023.

Naiuwi ng mga kalahok ang tanso at pilak na mga medalya ng manalo

kategorya ng taekwondo. Thea Jade W. Austria at Kaizza Chloe M. Pimienta waging nasungkit ang tansong medalya ng parehong manalo sa sparring. Tansong medalya naman ang naiuwi rin ni Zharaine Xiomara A. Balisong ng magwagi sa poomsae at Kurt Zenon Lacaden pilak na medalya ang waging nakuha

kaganapan” sambit ng mga manlalaro sa taekwondo. Sa kasalukuyan, puspusan na naman ang pageensayo ng mga manlalaro ng teakwondo bilang paghahanda sa muling pagsabak nila sa nalalabing paligsahan na sasalihan. Handa nilang ipakita ang kanilang gilas sa paglalaro at walang awang ipapamalas ang kanilang rumaragasang Mangingibabaw ang kanilang kagalingan. Hindi nila nakalimutang pahiyawin at pabilibin ang mga manonood. Sa kanilang lakas,

hindi nadismaya ang kanilang coach. Muling magpapaulan at magpapakitang gilas sa loob ng sahig sa taekwondo. Mananatili ang kanilang titulo, dahil ito ay isa sa mga malaking karangalan na kanilang nakuha. Hanggang sa huling upuan, sila ay lalaban. Hindi sila magsasayang ng pagkakataon at pagasa na makamit ang kanilang pangarap habang sila’y bata pa. Walang awa nilang papakainin ng alikabok ang kanilang mga kalaro. Sisipa at muling ibabandera ang bayan ng tagudin at

Atleta ng Tagudin naghakot ng medalya sa ISDAAM 2024

ang paaralan na Tagudin National High School. Tila bang nagising na dragon ang kanilang talento sa pagsisipa.

Ngunit hindi nila ito makakamit kung wala ang gabay ng kanilang coaches. Kailangan parin nila ang suporta ng kanilang mga magulang, kamagaral at ang mga coaches na masisipag sa paggabay ng kanilang atleta upang ma-engganyo sila sa kanilang mga laro at maging inspirasyon ito sa mga gustong maging taekwondo player.

Kauna-unahang medalya sa paralympic naiuwi ni Gaitera

Hernaez National High School. Bukod sa gintong medalya ay nag-uwi rin siya ng isang pilak para sa 200m dash at isang pilak sa 100m dash. Ito rin ang kaunaunahang pagkakataon niyang sumali sa nasabing palaro. Mababakas naman ang saya ng manlalaro dahil sa kaniyang mga

na sumali mula sa ating paaralan” saad ni Gng. Marlee Manzano. Sa ngayon ay naghahanda na si Gaitera para sa nalalapit niyang laban sa Region 1 Athletic Association Meet na gaganapin sa Ferdinand E. Marcos Stadium Laoag City, Ilocos Norte sa huling linggo ng Abril 2024.

Sa ginanap na Ilocos Sur Division Athletic Association Meet 2024, naka sungkit ng sandamakmak na medalya ang mga mananayaw ng Tagudin National High School sa patimpalak na Dance Sports noong Pebrero 29 hanggang Marso 2 2024 sa Bantay,

Nakakuha ng 12 na ginto at 10 na pilak na medalya sa kabuoan ang mga mananayaw na kinabibilangan nina Cedrick Doctor, Angela Manzano, Andrea Lebantino, Raphael Gonzales, Vince Balce, Danica Ballesteros, Aj Apiner, Zhandre Fabro, Jella De Leon, Danilo Ibay at Chrizell Culdong.

“Wala kaming expectations kasi nga unang beses pa lang namin ito, ngunit sa awa ng Poong Maykapal nakapag uwi kami dalawang ginto at tatlong pilak” Aj Apinetr, Standard Category.

Muli namang lalahok sa

NA PAMAHAYAGAN NG TAGUDIN NATIONAL HIGH SCHOOL
OPISYAL
Prince Arjhay Bautista Prince Arjhay Bautista Prince Arjhay Bautista

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.