ANG BAGIW 2025

Page 1


Bagiw Ang

TOMO 80 ISYU 1 | HUNYO - ENERO 2025

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG BAGUIO CITY HIGH

FIRST COME, FIRST SERVED

BCHS G11 enrollment, maagang dinumog dahil sa limitadong slots

Alas-singko pa lang ng hapon ng Hulyo 10, mahaba na ang pila ng mga magulang at mag-aaral na nagbabalak na mag-enroll sa Baguio City High School (BCHS) sa kabila ng limitadong slots para sa grade 11, kahit na alas-otso ng Hulyo 11 pa ang itinakdang iskedyul para sa enrolment na may polisiyang ‘first come, first served’.

Pasado alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi, mahigit 1,500 na mag-aaral at magulang na ang nakapila sa labas ng paaralan na nagbabalak na magpalipas ng gabi habang nakapila para lamang makapag-enroll.

Ayon kay Whitney Dawayen, punong guro ng BCHS, walang inilabas na anunsyo ang paaralan na pumila nang sobrang aga ang mga magulang at guro.

“Pero hindi po kami nagbigay actually ng announcement na magpipila sila dito, pupunta sila nang maaga ng July 10 eh July 11 pa naman ang enrolment natin,” saad ni Dawayen.

Agad naman itong inaksyonan ng pamunuan ng BCHS kung saan pinapasok sa BCHS-Gymnasium ang mga magaaral at magulang at nagbigay na ng mga number sa mga ito upang hindi na sila magpapalipas ng gabi sa paaralan at babalik na lang kinabukasan.

sa Pahina 2

Kampeon ng Kabutihan: Ang 16-anyos na Bayani ng Baguio

43.19% ng city highers, lumiban sa unang araw ng klase ngayong taong 2025

Alyssa Angel Gamboa Naitalang 3,030 na mag-aaral ng Baguio City High School (BCHS) mula baitang pito hanggang 12 o katumbas ng 43.19% ng magaaral ng BCHS (hindi kabilang ang mga mag-aaral n nakadistance learning) ang lumiban sa unang araw ng pagbabalik ng klase ngayong 2025, matapos ang 10 araw na Christmas break.

Matatandaang base sa Department of Education (DepEd) Order 009 series of 2024 o ang Academic Calendar for School Year 2024-2025, naitakda ang December 21, 2024 bilang umpisa ng Christmas break sa lahat ng pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa Pilipinas, habang January 2, 2025 naman ang muling pagbabalik ng klase.

Ayon naman kay Maria Rhoda

Elegado, presidente ng BCHSSenior High School (SHS) faculty, inaasahan na ng mga guro na maaaring marami ang liliban ngayong January 2.

“Yes expected na konti lang ang papasok doon kasi nga its already the fourth day of the week and katatapos pa ng new year. Kaya malamang ang iniisip na ng mga estudyante hindi na lang papasok. [Sa] monday na lang sila papasok, ani Elegado.

Sundan sa Pahina 3

EDITORYAL

City higher, nagningning sa Miss Teen Baguio

Steven Paris N angibabaw ang kagandahan at kahusayan sa pagrarampa at pagsasagot ni Kristine Daye Ramos mula Grade 10

Resourcefulness ng Baguio City High School (BCHS) na inirepresenta ang barangay Ambiong dahilan upang masungkit ang korona sa ginanap na Searching for Miss Teen Baguio 2024, na isinagawa sa BCHS - Auditorium, Setyembre 14. Bukod sa pagiging kampeon, nasungkit din ni Ramos ang special awards na Miss Congeniality, Miss Photogenic at Miss Personality matapos makipagtapatan sa 13 na kanditang galing sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

“I felt an overwhelming sense of joy and pride. It was a dream come true, truly representing all the hard work and dedication I invested in this journey. I’m excited to share the positive impact within my community,” ayon kay Ramos. Bagaman, nahaharap si Ramos sa mga hamon pagdating sa patimpalak dahil sa pagbabalanse ng pangakademiko at pag-eensayo, subalit ito ay hindi naging

Tignan sa Pahina 6
Tignan sa Pahina 10
Tignan sa Pahina 14
Sundan

BCHS-SSLG, ginawaran ng gantimpala sa Gawad Siklab 2024

Maria Saysay

Binigyang parangal ang Baguio City High School (BCHS)

– Supreme Secondary Learner Government (SSLG) bilang isa sa mga natatanging kabataang lider ng mga paaralan sa ginanap na Gawad Siklab 2024 nitong ika-28 ng Setyembre sa Baguio Orchard Hotel.

Layon ng karangalan na ito na bigyang gantimpala ang mga opisyal ng SSLG para sa kanilang serbisyo atdedikasyon sa pamumuno para sa ikauunlad ng paaralan. Napili naman ang Barkada Kontra Droga (BKD), Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), at Mathematics club bilang isa sa mga organisasyon sa paaralan na nagsulong upang kilalanin ang BCHS bilang Outstanding Implementer of Makatao at Outstanding Implementer of Makakalikasan.

Ayon kay Jannica Yassan, kasalukuyang Presidente ng BCHS SSLG, Nagsilbing plataporma ang Gawad Siklab upang maipakita at maipakilala ang mga inobatibo at inisyatibong mga proyekto ng organisasyon sa eskuwelahan.

Sa pamamagitan nito, nakakapagbigay ang mga magaaral ng mga kontribusyon na makakatulong sapaaralan at napapagtibay nila ang kanilang mga layunin at adbokasiya.

“Ako’y labis na natutuwa at nasisiyahan sa parangal na natanggap ng ating SSLG. Hindi lamang dahil nagbigay ito ng karangalan sa ating paaralan, kundi dahil naging malapit ako sa presidente ng SSLG noong nakaraang taon. Kasama ko siya sa simula pa lamang, kaya’t isa itong katuparan ng kaniyang liderato— isang malaking dahilan kung bakit tayo naparangalan,”giit ni Yassan.

Nais maipagpatuloy ng SSLG ang mga nasimulang proyekto sa BCHHS gaya ng ‘Council of Leaders’ na nagbibigay ng pagkakataon upang mapaunlad ang kakayahan ng mga magaaral sa pamumuno mula sa nakaraang taon at layunin nilang mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa mga programang inaalok ng eskwelahan at ng gobyerno. Nakatuon ang mga plano ng SSLG sa pagpapalakas ng core values ng mga mag-aaral, kung saan ang lahat ng kanilang proyekto ay nakahanay sa mga prinsipyong ito. “Masasabi kong ang parangal na ito ay katuparan ng pagiging isang estudyanteng lider. Ito ay hindi lamang karangalan kundi representasyon ng determinasyon ng aming organisasyon upang gawing reyalidad ang aming mga plano,” ani Yassan. Nagpahayag naman ng munting mensahe si Yassan para sa mga mag-aaral na nais lumahok sa mgaaktibidad at mga clubs ng paaralan tulad ng BKD, YES-O, at Mathematics Club, “Bagama’t maraming hamon sa pagbalanse ng akademiko at mga aktibidad, kung mahal niyo talaga ang paglilingkod, walang hadlang na hindi ninyo malalampasan. Ang tunay na kasiyahan ay hindi nakasalalay sa parangal, kundi sa fulfillment na makukuha mula sa pagtulong at pagseserbisyo sa iba.”

Inagurasyon ng Bagong Opisyal ng BCHS PTAI, Pinasinayaan ni Mayor Magalong

Maria Saysay at Sophia Forayang

Pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong ang seremonya ng panunumpa at paggagawad ng sertipiko sa mga bagong halal na opisyal ng Parent - Teacher Association Incorporated (PTAI) bilang pagkilala sa kanila na bagong mamumuno ng Baguio City High School (BCHS) - PTAI, na isinagawa sa BCHS- Auditorium, Setyembre 20.

Kinilala si Marica B. Carantes bilang bagong presidente, kasangga sina Ronald Maslian bilang bise presidente, Marilyn B. Bugatti bilang kalihim, Avegail Bautista bilang Ingat-yaman, Isaac Basali bilang

Auditor, Doms Lobredo bilang PIO, at Business managers naman na sina Claro Pascual at Ivy Labayne. Nagbahagi ng mensahe si Mayor Magalong para sa mga bagong opisyal ng BCHS-PTAI.

“Looking at the personalities, can see they have that dedication, they have that commitment and most of all ‘yung passion nila really provide leadership and at the same time institute change, institute new changes innovations, dynamism and everything,” ayon sa pahayag ng alkalde. Nanumpa ang mga bagong opisyal na kanilang gagampanan ang mga tungkulin bilang responsableng mamumuno upang makatulong sa pagpapaunlad ng mga programang nagpapaigting ng kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral at iba pang kawani ng BCHS na higit pang magpapabuti sa pamamalakad ng buong paaralan.

“My most important program ngayon is to urge all parents

to pay on time the agreed fees because I want all grade level to enjoy their participatory and share on that agreed fees for you to use on your current level rather than pay on the last minute,” ayon sa pahayag ni Carantes. Dagdag pa niya, maglulunsad sila ng mga bagong programa at proyekto na makakatulong, hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa institusyon. Sa mensahe ni PTAI Former President Teofilo Lostreno, aniya kinakailangang maging bukas ang bagong presidente sa mga panawagan ng mga magulang at mga mag-aaral dahil ito ang makatutulong upang masulosyonan ang mga problema sa paaralan. “Kailangan makinig siya kasi ‘yun lang ang maitutulong niya para masolba ang lahat ng mga nangyayaring di maganda dito sa school at mga parent na pwede niyang kausapin kung ano yung mga kailangan idagdag para maging maayos ang pamamalakad dito ng PTAI sa buong school,” ani Lostreno. Inaasahan ng alkalde na magiging isang produktibong taon ang pamumuno sa BCHS sa ilalim ng bagong pamunuan ng PTAI.

Kahusayan ng BCHS-SHS, Namayani sa Tour Guiding Competition

Hakot parangal ang mga mag-aaral ng Baguio City High School (BCHS) - Senior High School (SHS) matapos ipamalas ang talento at kahusayan sa pagsasalita at pagprisenta sa Tour Guiding Competition na isinagawa sa Baguio Convention and Cultural Center, Setyembre 16.

Nasungkit nina Eliana Ginelle Marzo ang unang puwesto, habang si Rhyanne Danielle Camingawan Idos naman ang nakakuha sa ikalawang puwesto, at si John Patrick Salut ang itinanghal para sa ikatlong puwesto, habang si Jon Isaiah G. Dalilis ang nakakuha ng pang-apat na puwesto at panganim naman na puwesto ang nakamit ni Lancel Khallel B. Tayag. Ayon kay Marzo, nakatulong ang puspusang pag-eensayo at pananaliksik sa pagsungkit sa kampeonato.

”Gayunpaman, sa pamamagitan ng maraming pag-eensayo at pananaliksik, nagawa ko namang magbigay ng magandang performance sa patimpalak. Kaya naman, labis akong naging masaya nang ideklara ako bilang champion ng tour guiding,” ani Marzo matapos itanghal ng kampeon sa

Tour Guiding Competition.

Samantala, ayon kay Annie Mones, tagapayo ng mga mag-aaral ng BCHS, nasisiyahan siya dahil natutuhan ng mga mag-aaral ang kanilang mga itinuro at ipinayo.

“Actually one to two days preparation lang ‘yung naibigay, so we immediately scouted for students for the audition and we are very happy that they learned what we taught them in a very short period of time.”

Nakipagtagisan naman ang mga

City Highersl sa 12 na mag-aaral na lumahok sa nasabing patimpalak.

Ayon naman kay Marzo, nakaramdam ito ng pressure mula sa mga kakompetensiya.

“Naramdaman ko yung pressure dahil parang propesyonal yung dating ng mga ibang kalahok sa akin,” dagdag pa niya.

Samantala, sinagawa ang naturang

kompetisyon bilang pagsalubong sa sa tourism week kasabay sa pagdiriwang 115th Charter Aniversary ng lungsod ng Baguio na nakaangkla sa temang “Baguio Fusion: Tradition, Innovation.Celebration,” na inorganisa ng City Tourism Office. Sa kabila, nakasentro naman ang Tourism Competition sa temang ‘Rediscovering Baguio” at may layuning maging hamon sa susunod na henerasyon na lumikha ng nakaka-enganyo at makabuluhang komentaryong magpapakilala at magpapakita ng mga yaman ng lungsod bilang isang destinasyon panturista.

“The competition is nice because it paid away especially for our senior high students because we don’t have tourism in City High, but they were given the chance to prove their knowledge about the city,” pagtatapos ni Mones.

KALIGTAS’AAN?

Bully Free School, isinusulong sa BCHS

Matt Sarne Yuno

Upang mapalawak at mapalakas kaalaman ng mga estudyante laban sa karahasan, pang-aapi at itaguyod at paigtingin ang seguridad sa paaralan, sumailalaim sa isang antibullying symposium ang mga mag-aaral ng Baguio City National High School (BCHS).

“The purpose of this symposium is to raise awareness about bullying for students and we are aiming to make our school a bully free school zone, we want everyone to be safe,” ani Whitney A. Dawayen, punongguro ng BCHS. Pinangunahan naman ni Police Officer Andrea Bacusa, mula sa Philippine National Police station 5 Baguio City ang pagbibigay ng mga impormasyon para sa mga estudyante.

Ayon kay Bacusa, marami na ang mga estudyanteng nabubully hindi lamang sa loob ng paaralan kundi pati sa labas, kaya sila nagkaroon ng information dissemination campaign sa paaralan upang mabawasan at maiwasan ang paglaganap ng bullying.

Tinalakay sa symposium ang kasaysayan, batas at iba’t ibang anyo ng pang-aapi, kabilang din dito ang mga epektibong paraan upang maiwasan at mapigilan ang bullying, upang mas maprotektahan ang mga mag-aaral.

“Para sa akin kasi malaking tulong ito [sa] mga estudyante dahil hindi porket minor sila wala na silang alam sa mga batas at consequences, so atleast alam na nila and malessen na ang pambubully nila sa mga klasmeyt nila,” ani Bacusa. Idinaos ang programa noong Oktubre 7 at tumakbo mula sa mga estudyante ng Baitang pito hanggang sa Senior High School, na matagumpay na nagtapos nitong Oktubre 11.

Upang makatulong sa mga proyektong pampaaralan ng Baguio City High School (BCHS) ngayong Oktubre hanggang Mayo 2025, nagbigay ng paunang tseke na nagkakahalagang P84,528.57 ang kompanyang 9 Sunshine Movers Corporation ng Mount Costa na ginanap sa Principal Office ng paaralan, Oktubre 2.

Pinangunahan ito ni BCHS Principal Whitney Dawayen, mga Head Teachers na sina Maylyn Samidan, Marissa Wayan, Dolores Comom,Marissa Laplana, Francis Lumiwes at Administrative Officer

Myline James kasama si Verona Jean Acosta, General Manager ng nasabing kompanya na nag-abot ng suporta para sa paaralan.

“From the heart kami magbigay, City High talaga ang gusto naming bigyan, that’s really our goal for partnership and giving back to this community, and students na gusto naming i-reach out,” saad ni Acosta. Tinalakay sa Community Partnership ang mga gastusin ng paaralan pagdating sa mga aktibidad na kulang sa pinansyal tulad ng Reading Activities, IPED, Online Subscription fee of class point, Personnel Development, Science Activities for STEM-Senior High School, at SPA Series of Training of Mentors and Learners in Media Arts. Samantala, nagpasalamat naman si Principal Whitney Dawayen sa patuloy na pagsuporta ng pamilya Acosta sa paaralan simula noong nakaraang taong panuruang 2023-

Kulturang Tsino, tampok sa “Chinese in a Day” Capability Building Activity

Upang mapaunlad ang kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral ng Special Program of Foreign Language (SPFL) sa mga gawain at pagsasalita gamit ang wikang Mandarin, nagsagawa ng kauna-unahang Capability Building Activity workshop na ‘Chinese in a Day’ sa Baguio City High School - Library na pinangunahan ni Whitney A. Dawayen, Principal ng paaralan kasama si Maylyn G. Samidan coordinator ng SPFL, Disyembre 17.

Nilahukan ng 85 na mag-aaral ng SPFL-Mandarin mula sa ikapito at ikasiyam na baitang, kabilang ang mga guro, assistant principal na si Editha Laop, na siyang nagbukas ng programa at mentor na sina Rhylyzette Ching, Julie Tanas at Jeffrey Honrado na nagsilbing tagapaggabay sa nasabing kaganapan.

Ayon kay Samidan, “yung pinaka layunin ng program na ito ay para ma-experience ng mga schoolmate niyo ang kultura ng Chinese kahit na isang araw lang, kaya nga Chinese in a day. Kumbaga, direct from the Chinese community”.

Dagdag pa niya, nagbigay ang programa ng pagkakataon na maranasan ng mga mag-aaral ang ilang kaalaman tungkol sa

kultura at tradisyon ng Tsina bilang pagtataguyod ng gendersensitivity curriculum ng SPFL, upang sa hinaharap ay mayroon silang kaalaman hindi lamang sa lengguwahe ng iisang bansa kundi sa marami pang bansa. Itinampok din ang iba’t ibang aktibidad tulad ng Mandarin speaking, paggawa ng dumplings, calligraphy, paper cutting, at pagkanta ng Mandarin, na naging susi sa paglinang ng mga mag-aaral sa kanilang kasanayan at talento sa pagsusulat, pagbabasa, pagsasalita, pagkanta, at pagluluto.

Ayon kay Vera Gallardo, magaaral sa SPFL, “nasisiyahan ako kasi may natutuhan kami sa kultura nila. [Tulad ng] kung paano gumawa ng dumplings sa tradisyonal na paraan,

paano gumawa ng homemade dough, at kung paano gumawa ng dumpling sauce sa tsinong pamamaraan.”

Dagdag pa niya, ayon sa mga guro ng SPFL, maaaring magkaroon muli ng Capability Building Activity sa mga susunod na taon.

“Nag-uusap din kami ng mga teachers kanina at sinabi nila na posibleng magkaroon pa ng ganitong kaganapan sa hinaharap,” aniya.

Samantala, nag-abot ng tulong pinansyal ang Program Support Fund (PSF), SPFL-PTA fund, at SPFL- Brigada fund na sinuportahan ni SPFL-PTA President Ivy Labaye na isa ring nagbantay sa programa.

GININTUANG PUSO
Steven Paris at Maria Saysay
CHINOY UNITY
Matt Yuno Ivan Sarne
SAYSAY
STEVEN PARIS
STEVEN PARIS
KULTURANG KOREA AT PANANAMPALATAYA

EDITORYAL

Pila sa Pangarap

Kapansin-pansin ang pagdagsa ng mga mag-aaral at magulang nitong nakaraang enrollment para sa Grade 11 Senior High sa Baguio City High Shool (BCHS). Halos hindi na nasunod ang nakatakdang araw at oras ng enrollment na siya namang inaksyunan agad ng administrasyon ng paaralan upang maasikaso ang mga kaawa-awang nakapilang mga magulang at mag-aaral sa labas ng paaralan.

Bago ang araw ng enrollment ay may mga pilit ng pumila, naguunahan at sabik na makakuha ng slot para lamang makapasok sa ninanais na paaralan na limitado lang ang mga pasilidad. Tila ba pinapasan ng mga pampublikong eskuwelahan ang suliranin sa kakulangan ng mga pasilidad para sa Senior High School (SHS) dahilan kung bakit nagsisiksikan ang mga mag-aaral sa iisang paaralang limitado lang naman ang kayang mapaunlakan at tanggapin na isa sa mga dapat binibigyang pansin at aksiyon hindi lamang sa gobyerno ngunit maging ng mga paaralan upang mabawasan ang mga ganitong insidente. Pasado alas otso hanggang alas diyes ng gabi noong ika-10 ng Hulyo, 2024, pumila ang mahigit 1500 na mga magulang at mag-aaral sa harapan ng paaralan ng BCHS upang masigurado ang kanilang mga slot. Nagsimula umano ang pila pagpatak pa lang ng alas singko ng hapon kung kaya patuloy itong humaba at umabot na sa puntong hindi na mapauwi ang mga ito kung kaya’t minabuti ng administrasyon ng paaralan na papasukin at asikasuhin na lamang. Sinuri ang bawat dokumento kasunod nito ay binigyan sila ng mga numero upang bumalik na lamang kinabukasan. Pinangunahan ito ng Secondary Principal IV na si Whitney Dawayen kasama ang ilan sa mga empleyado at guro ng paaralan, kahit pa lampas

na ito sa oras ng kanilang trabaho. Kakikitaan ng malaking konsiderasyon at sakripisyo ang paaralan sa kanilang ginawang pagpapapasok at pag-aasikaso sa mga nakapila para sa enrollment kahit pa hindi na ito oras ng kanilang trabaho. Responsibilidad nga naman kasi talaga nila na sundin ang kanilang patakarang “first come, first served” na nagampanan naman ng paaralan sa kanilang sakripisiyong ginawa para sa kaligtasan na rin ng mga magulang at mag-aaral. Sa ginawang pagpapatuloy ng paaralan, mapapansin sa paaralan ang mainam na pagganap sa kanilang mga tungkulin na kung maaari lamang ay mapaunlakan nila lahat ng pumila noong gabing iyon, ngunit sa kasamaang palad ay 800 na slots lang ang kayang tanggapin ng paaralan kung kaya maaapektuhan ang ibang hindi nakaabot sa cut-off na kung saan ang iba ay graduate pa ng mismong paaralan ngunit hindi pa rin nakapasok. Nadismaya at nawalan na ng pagasa ang ilan sa mga magulang na hindi na nakapasok ganoon din sa mga dating mag-aaral ng nasabing paaralan. Ayon sa isang magulang na pumila noong Hulyo 11, “Dito na siya nag-graduate eh [kaniyang anak], gusto niya sana tapusin hanggang grade 12.” Labis din ang bilang ng mga pumila noong mismong araw ng enrollment, nagbabakasakaling mayroon pang natitirang slot para

sa kanila. Dagdag pa niya, dati nang estudyante ng paaralan ang kaniyang anak ngunit bigo pa rin itong makakuha ng slot sa paaralan dahil nga nagkaubusan na isang araw bago ang nakatakdang araw ng enrollment dahil sa sinusunod na polisiyang “first come, first served” para mas patas na oportunidad sa lahat ng mag-aaral na gustong makapasok sa paaralan ng BCHS. Kung gayon, marapat lamang na sumunod ang mga magulang at estudyante sa “first come, first served” at sa nakatakdang oras dapat ng pag-eenroll sa paaralan. Sinisiguro talaga ng mga patakarang ito ang maayos na paglunsad ng enrollment process kung saan lahat ay pantay at dadaan sa tamang proseso, ngunit ito ay balewala sa mga mahihirap na umaasa lamang sa libreng edukasyon at nais masiguro na sila ay tagumpay na makakapasok sa paaralan sa kanilang prayoridad na strand. Patunay lamang ito sa realidad ng edukasyon sa Pilipinas kung saan ang karapatan ay madalas pribilehiyo para sa mga kabataang nasa laylayan ng lipunan. Upang maiwasan ang maagang pagdagsa ng mga magulang at mag-aaral sa paaralan, mainam na makipagtulungan at makipagugnayan ang mga namumuno sa paaralan sa ahensiya ng pinakamalapit na polisya sa paaralan. Nang sa gayon ay hindi na mauulit ang nangyaring pagsasagawa

ng enrollment o pagbibigay ng slots nang mas maaga kaysa sa naitakdang araw. Dagdag pa rito, makatutulong ang mga pulis sa pagkontrol kapag mayroon na agad nagdadagsaang tao sa labas ng paaralan kahit na hindi pa araw ng enrollment. Sa pamamagitan nito, masisiguro at mapapaigting ang mas patas na pagkuha ng slots ng mga mag-aaral sa mas organisado at sistematikong pamamaraan. Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, target ng administrasyong Marcos na mag-hire ng 10,000 hanggang 20,000 guro taontaon. Ngunit dahil sa mahigit isang bilyong budget cut, paniguradong maaapektuhan nito ang teacher-tostudent ratio sa mga classrooms. Sa kasalukuyan, umaabot daw sa 40-50 estudyante ang hawak ng isang guro kada classroom, malayo sa ideal na 35 na estudyante kada isang classroom. Ani Angara, kung hindi masosolusyunan ang problema, maaapektuhan din nito ang kalidad ng pagkatuto ng mga estudyante. Mainam sanang may karagdagang silid-aralan ang kanilang mga dating estudyante o ang mga tinatawag na completers ng paaralan ng oportunidad o kakayahan upang makapagpareserba kahit papaano ng slot sa paaralan ngunit dahil sa patakarang kanilang sinusunod, nararapat na ring ito na lamang ang sundin dahil kung tutuusin, kung hindi lamang limitado ang pasilidad ng paaralan, siguradong mapapaunlakan nila ang mga gustong pumasok sa kanilang paaralan at hindi lamang natitigil sa 800 na mag-aaral. Hindi masisisi

ang paaralan kung bakit limitado ang kanilang tinatanggap dahil nga naman mahirap ding mamamahala ng maraming numero ng mag-aaral nang mayroon lamang limitadong mga guro at silid-aralan. Malaki ang kagustuhan ng bawat paaralan na mapaunlakan ang bawat estudyante para sa kanilang paglalakbay sa Senior High ngunit tila mayroong harang na pumipigil sa kanilang makapasok sa kanilang ninanais na paaralan, marahil ito ang kakulangan sa pasilidad at mga guro para sa mas mataas na kalidad ng edukasyon. Wala namang may gusto na mag-aral sa mababang kalidad na paaralan kung kaya nararapat na maglaan ang gobyerno ng badyet para sa mga pasilidad ng Senior High School at upang maparami pa ang mga gurong mamamahala sa mga mag-aaral dahil hindi ito kayang gawin ng mga paaralan ng sila lamang. Umaasa kaming mabibigyan ng suporta o karampatang badyet ang mga paaralang kapos sa mga guro at silid-aralan hindi lamang sa Senior High School kundi maging sa kahit anong paaralan upang mapanindigan naman ng K-12 kurikulum ang kanilang mga layunin na maging pandaigdigang mapagkumpitensya. Sa kabila ng malaking pondong binibigay sa DepEd taon-taon, tila wala pa ring makitang resulta na nailaan ito sa suliraning kinakaharap sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Nawa ay gawing daan ng gobyerno ang mainam na pagbabadyet upang basagin ang pader na humaharang sa pagkamit ng kalidad na edukasyon ng senior high.

Bantay Oras

Alipin ng Lapis at Papel

Eskuwelahan ang isa sa mga mahahalagang pundasyon ng kaalaman ng kabataan na may mahalagang papel sa pagunlad sa anumang aspeto subalit kung hindi sapat ang inilaan na oras at kasangkapan para sa pagkatuto, uunlad pa rin ba tayo?

Nitong ika-14 ng Agosto, opisyal na ipinanukala ng dating kalihim ng Departament of Education (DepEd) at kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas na si Sara Duterte-Carpio ang pagpapatupad ng K-10 MATATAG Curriculum na naglalayong umanong higit na mapaigting ang kalidad ng edukasyon sa elementarya at sekondarya, simula ngayong taong panuruang 2024-2025. Nakapaloob sa nirebisang kurikulum na ito ang lalong pagtutuon ng pokus sa mga asignaturang may kinalaman sa wika, pagbasa, matematika, nasyonalismo, at kagandahang asal. Bukod dito, ipinatupad din ang pagpapaikli ng ‘time allotment’ sa kada klase sa pang-araw-araw na mayroon na lamang 45 minuto ang nakalaan para sa isang period—15 minutong mas maiksi kumpara sa lumang kurikulum, sumailalim na rin ang Baguio City High School (BCHS) sa panukalang ito. Bilang isang mag-aaral, presyur, stress, pagod at perwisyo lamang ang dala ng nirebisang kurikulum mas lalo na sa inilaan na time allotment. Lubos kong naramdaman ang pagkabalisa dahil lagi-laging may ibinibigay na takdang aralin ang aking mga guro na kinakailangan maisumite kinabukasan. Nababawasan nga ang oras ng bawat asignatura ngunit halos sandamakmak na gawain naman ang ibinibigay araw-araw; imbes na gugulin ko na lang ang aking oras sa pagpapahinga at paghahanda sa panibagong araw ay nailaan pa ito sa paggawa ng mga takdang aralin. Lubos din na nadidismaya ako sa mga leksyong hindi matapostapos dahil sa kakulangan ng oras na nakalaan dito na

nagreresulta ng pagkakaroon ng mababa at mailang isang magaaral na direktang nakararanas ng epekto ng K-10 MATATAG Curriculum, naniniwala ako na ang 45-minutong time allotment ay hindi sapat upang matugunan ang mababang komprehensiyon ng mga estudyanteng katulad ko. Ang edukasyon ay hindi lamang pagpupuno ng isip ng impormasyon. Ito ay paghubog ng kritikal na pagiisip, pagpapaunlad ng kasanayan, at paggising ng ating pagkamalikhain.

Paano natin ito makakamit kung ang ating oras ay kinukulang? Ang pagpapabilis ng mga aralin ay maaaring magresulta sa mababaw na pag-unawa at pagkabigo ng mga mag-aaral na lubos na maiproseso ang kanilang natutunan. Hindi rin natin dapat kalimutan ang kahalagahan ng pahinga at libangan sa pag-aaral. Ang mga mag-aaral ay hindi lamang “lapis at papel,” kundi mga indibidwal na may pangangailangan para sa balanseng pamumuhay. Kaya naman, ako ay nananawagan na inyong pakinggan ang boses naming mga estudyante. Magkaroon ng konsultasyon at pag-uusap upang matukoy ang pinakamabisang solusyon. Hindi lamang dapat isaalang-alang ang pagpapaikli ng oras, kundi ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa ating mga magaaral. Ang tunay na reporma ay hindi lamang sa kurikulum, kundi sa pagbibigay ng sapat na oras at suporta upang ang bawat magaaral ay umunlad at magtagumpay. Nawa’y maging bukas ang ating mga puso at isipan sa pagbabago na makabubuti sa ating kinabukasan. Ang edukasyon ang susi sa ating kinabukasan at nararapat lamang na pangalagaan natin ito.

Trapikong Pagsipat

Tugon sa Trapiko: Hiling o Pamimilit?

Nakagugulat para sa nakararami ang pakiusap ng gobyerno ng Lungsod ng Baguio ukol sa pananatili ng mga residente sa kanilang mga bahay upang mabawasan ang traffic at siksikan sa mga pampublikong lugar na kung tutuusin ay isang maliit na hakbang sa pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod na hindi naman dapat ikagulat at ikadismaya ng mga residente.

Liham sa Patnugot

Mahal na Patnugot, Ako po ay estudyante sa ating paaralan at nais kong ipahayag ang pagkabahala at pagkadismaya sa patakaran sa buhok para sa mga lalaki at babae. Nauunawaan ko po ang layunin ng mga patakarang ito, ngunit naniniwala ako na nakasasagabal

Ken S. Magandang Araw Ken S., Kami ay nagpapasalamat sa iyong tapat na saloobin at bukas na kaisipan ukol sa mga patakaran sa ating paaralan. Ang layunin ng patakarang

Nagpakita ng pagkadismaya ang mga residente ng Baguio sa ipinanawagan ng Baguio City Police Office (BCPO) advisory sa isang post noong Disyembre 29 ng nakaraang taon na patungkol sa pakikiusap at paghikayat ng gobyerno ng lungsod na kung maaari ay manatili na lamang ang mga residente sa kani- kanilang mga bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas. “We encourage everyone to plan their travels wisely. For non-essential trips, we recommend staying home to help ease traffic congestion”, ayon sa posting BCPO. Dinagsa ang post ng mga negatibong komento ukol sa kanilang pananaw na dapat ay hindi sila panatilihin sa bahay dahil nga raw sila mismo ang nakatira sa lungsod. Idiniin at naipahayag naman sa post BCPO ang salitang “nonessential” na kung iintindihin

ay hindi naman pinapayuhan ng gobyerno na huwag nang lumabas ng bahay ang mga residente, hinihikayat lamang sila na manatili sa bahay kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan o kung hindi naman kinakailangan lumabas. Kung iisipin ay nakadidismaya rin naman ang reaksiyon at komento ng mga residente sa nasabing post dahil marahil sa maling pagkakaintindi sa konteskto ng post ng BCPO. Ayon sa isang residente, Inamin niya na ang pagsisikip, trapiko, at polusyon ay mga tunay na isyu. “Ngunit bakit ang solusyon upang limitahan ang kagalakan ng mga nakatira dito sa halip na pamahalaan ang mga turista, i-regulate ang transportasyon, imprastraktura sa paradahan at pagpapatupad ng mga patakaran sa kapaligiran?” tanong niya. Idinagdag niya na karapat-dapat

ang mga residente ng Baguio na ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon nang hindi pinaparusahan para sa mga problemang dulot ng hindi magandang pagpaplano. Alam naman ng nakararami na isa ang Baguio sa patuloy na dinarayo ng mga turista tuwing mayroong okasyon o tuwing bakasyon, kung kaya mainam na mayroong hakbang ang gobyerno ukol dito dahil kung iispin ay nakaaapekto talaga ang pagdagsa ng mga turista sa matinding traffic sa lungsod. Nakaaabala ito hindi lamang sa mga nagttrabaho, kundi maging sa mga mag-aaral.

Hindi maibabaling ang kasalanan sa gobyerno na nananawagan sa mga residente nito na tumulong sa pagregula ng trapiko. Hindi lamang responsibilidad ng gobyerno ang paglutas sa sulitaning ito, maigi rin na magkaroon ng aksiyon

Steven Paris
Afril Collin I. Hernandez

Kritik Ulan

Baha ng Katamaran

Makatuwiran ang revised DepEd Order 022, s. 2024 patungkol sa pagsuspinde ng mga klase. Nararapat lamang ito upang matuldukan ang nakasanayan at umiiral na katamaran. Tunay na nakapagbibigay ito ng kaalaman at hindi kapahamakan kung kaya’t hindi dapat natin tutulan.

Nakasaad sa bagong alituntuning inilunsad ng Department of Education (DepEd), kindergarten na lamang ang suspendido ang klase na dati’y hanggang senior highschool pa sa oras na nakataas na sa tropical cyclone wind signal (TCWS) no. 1 ang lugar. Ngayon upang pamsamantalang makansela ang klase ay kinakailangang nasa TCWS no. 2 para masama ang junior highschool at TCWS signal no. 3 pataas naman para makansela lahat ng lebel. Bilang isang mag-aaral, hindi ako tumututol sa kaisipang hatid ng alituntuning ito. Bawat estudyante ay may sapat na kakayahang pumasok lalo na kung hindi naman maperwisyo ang ulan na dala ng bagyo. Mainam na kontrolin natin ang ating mga sarili at iwasan maging isang malaking pabigat at magmatigas na maging tamad. Bukod sa TWCS, mayroon ding kakayahan ang lokal na pamahalaan na magdesisyon kung hanggang anong lebel ng klase ang suspendido base sa rainfall signal na ibibigay ng Philippine Atmospheric Geophysical ang Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nangangahulugang kontrolado rin ng pamahalaan ang sitwasyon lalo na kung nakikita at sila rin mismo ang nakararanas kung kaya’t hindi dapat tayo mabahala sa ating kapakanan. “Hindi po kami isda”, karaniwang pahayag ng mga estudyante sa tuwing hindi nasasali sa suspensyon ng klase at sumasang-ayon ako, hindi tayo kailanman magiging isda bagkus mga estudyanteng dapat magsumikap para sa pagaaral. Tandaan, hindi maituturing na balakid ang bagyo na ang dulot lamang ay pagsasayang oras at katamaraan. Hindi dapat na kinukunsinti ang mga tamad at abusadong kabataang Pilipino. Sa panahon ngayon, simpleng ambon at kaunting ulan lamang ay hangad na ng karamihan ang suspensyon. Nakapagtataka na tila ba lumalabas ang pagkabatugan ng mga mag-aaral ngunit hindi ba’t responsibilidad naman talaga ng kabataan na mag-aaral para sa kanilang kinabukasan?

Sa isyung ito, hindi aksyon galing sa pamahalaan ang ating kinakailangan ngunit pagbabago sa kaisipan ng mga kabataan.

Automatic Suspension of Classes

Hindi dapat na kinukunsinti ang mga tamad at abusadong kabataang Pilipino."

Isang padalos-dalos na gawain at maituturing na hindi pinag-isipan nang malalim ang paggastos ng milyon-milyong pondo para lamang sa maliit na bagay. Kabigla-bigla ang librong ang halaga ay abot-langit. Sa isang munting libro, ibang bagay na naman ang pinaggagastusan ng gobyerno.

Inilunsad ni Bise Presidente at dating Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang kaniyang librong “Isang Kaibigan.” Isa itong kuwentong pambata na may 16 na pahina at naglalaman ng makukulay na ilustrasyon. Tungkol ito sa pagiging tunay na kaibigan na ang mga tauhan ay ang Kuwago (Owl) at Loro (Parrot). Ngunit ang hiling ni Duterte para sa pagpapalimbag ng 200,000 na kopya ng libro ay higit na nakalalaglag panga. Sa pagdinig ng badyet ng Office of the Vice President’s (OVP), P10-milyong pondo ang ilalaan sa publikasyon ng libro. Nakapagtataka ang dami ng pondo para lamang sa 200,000 na kopya ng librong idagdag lamang sa mga paaralan. Pagkadismaya ang aking unang naramdaman sapagkat hindi naman pala gagamitin ang pondo para sa ikauunlad ng mga paaralan at sa mga pangunahing suliranin na hindi gaanong natutugunan. Labis akong nasasayangan sa gagastusing pera

na sana ay ginastos na lang sa mas importanteng bagay na kung saan may magandang kahihinatnan sa mga guro’t mag-aaral. Ayon sa DepEd, nasa 159,000 ang kakulangan sa silid-aralan ngayong taong panuruan 2024-2025, kung saan mahigit 2,000 lamang ang mga bago na itinatayo taon-taon.

Sa halip na pagtuunan ng pansin at gamitin ang hinihinging badyet sa mga kakulangan ng materyales sa paaralan, mas maayos na kalidad ng mga silid-aralan at mga kagamitan, mapupunta lamang sa isang librong walang malakas na epekto sa mga kabataan.

Sa katunayan, matagal na naming hiling na mga estudyante, lalonglalo na ang mga guro ang mas maayos at mas kumportableng paaralan dahil lahat naman ay makikinabang. Ang ilan sa mga paaralan na kailangang pagtuonan ng pansin ay ang Basyo Elementary School sa probinsya ng Bulacan na malayo sa siyudad na kung saan

kinakailangang sumakay ng bangka at dumaan sa mga malalayong kalsada upang makapunta sa paaralan na kailanganag harapin ng mga mag-aaral. Sapat na sa amin na mapakinggan at mabigyang pansin ang aming mga kahilingan. Kami’y munting mag-aaral lamang at nangangailangan kami ng suporta. Hindi na nakagugulat kung hanggang sa hinaharap ay kaunti o wala pa ring pagbabago, at hindi lamang pagdating sa edukasyon kundi sa kalagayan ng buong bansa sapagkat idinadaan sa maling pamamaraan ang paggamit ng pondo. Sa patuloy na pagdaan ng mga araw, tila mananatili pa rin tayo sa panahong walang pag-unlad. Bilang isang mag-aaral, patuloy akong umaasang maibibigay ang karapat-dapat na kinakailangan namin sa aming pag-aaral. Hindi sapat na rason ang pagwaldas ng pondo ng bayan sa isang librong walang katuturan at huwag pairalin ang pagiging ugaling buwaya.

Banta Sa Malaya

Aryanne Ventura SA LIKOD NG LASON NA PULA

Nakagagambalang tunay para sa akin ang bawat ihip ng hangin na mayroong mga pangalang nababalot ng pula, lasong sa aking puso’t diwa ay nakababahala. Sa likod ng mga pang-aapi ng politikal na kapangyarihan ay maraming tumatanggi rito, maraming Pilipino ang nais baguhin ang kamaliang ito katulad na lamang ng “red-tagging” ngunit sa bawat pagbigkas ng mga nakatataas at paghusga ng mga matang nagbabantay, nauuwi lamang sa takot ang katotohanang nais nilang ipahatid.

Sa inilabas na ulat ng Human Rights Watch (HRW), nabanggit na tutugunan ng administrasyon ni Presidenteng Marcos Jr. ang namamalaging isyu ng “red-tagging” sa bansa. Ito ang paninira sa mga indibidwal o organisasyong hindi ganap na sumasang-ayon sa mga gawain ng administrasyon ng gobyernong iniluklok sa bansa. Nangako rin ang administrasyong ipaglalaban ang karapatang pantao sa Pilipinas upang wakasan na ang mapaminsalang gawain ng “redtagging” sa mga taliwas na gawa ng gobyerno katulad na lamang ng mga kabataang aktibista at taga suporta ng New People’s Army (NPA). Ayon naman kay Bryony Lau, deputy Asia director ng HRW, “Ang nakalulungkot at minsan ay nakamamatay na praktika ng redtagging sa pamahalaang Pilipino ay naging seryosong banta na sa karapatan ng mga manggagawa sa bansa katulad ng mga aktibista at mga mamamahayag.” Subalit ako’y nanlulumo pagka’t ang kasanayang ito ay patuloy pa ring kumakatawan sa kasalukuyan, tila ba’y nakukulong lamang sa malawak na bundok ng katahimikan ang mga tinig

Mica Ellaine Sison Perang pangkalusugan, napunta sa kawalan

Nararapat bang ipagpalit ang kalusugan ng mamamayan para sa mga programang walang pondo? Halo-halo ang reaksyon matapos ang kontrobersyal na panukalang ilipat ang mahigit 90 bilyong piso na hindi nagamit na pondo mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) patungo sa Department of Finance. Ang malaking halagang ito na dapat ay para sa taumbayan at sa pagpapabuti ng sitwasyon ng mga mamamayan, ay mapupunta lang sa mga proyektong walang nakalaan na pondo.

Iminungkahi ni Ralph Recto, Finance Secretary ng Pilipinas, ang paglipat ng 89.9 bilyong piso sa National Treasury sa hearing na ginanap noong Hulyo 30. Layunin ng paglipat na pondohan ang mga unprogrammed appropriations o mga proyektong walang nakalaan na pondo. Nilinaw ni Recto na ang pondong ito ay hindi manggagaling sa kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth, kundi mula sa subsidiya ng gobyerno. Ngunit kahit hindi direktang nanggagaling ang pondo mula sa kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth, ito ay nagmumula pa rin sa taumbayan. Mahalagang tandaan na kukunin ito mula sa subsidiyang ibinibigay ng gobyerno, na nagmumula naman sa buwis na binabayaran ng bawat Pilipino. Kaya’t kung ating titignan, sa mga mamamayan pa rin nanggagaling ang pondo sa mga unprogrammed appropriations na ito at nararapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ang kanilang pangangailangan. Ayon kay Recto, legal ang paglilipat ng pondo dahil nakasaad sa Republic Act (RA) 11975, pinapayagan ang gobyerno na gamitin ang mga reserved fund ng mga governmentowned o controlled corporations (GOCCs) upang muling ipamahagi bilang standby funds ng gobyerno para sa mga proyekto o kapag kinakailangan. Gayunpaman, ito ay laban sa Universal Health Care (UHC) Act, RA 11223, na nagsasaad na ang anumang sobrang pondo ng PhilHealth ay dapat gamitin para sa pagpapataas ng mga benepisyo at pagbabawas ng kontribusyon ng mga miyembro, pati na rin ang

pagbibigay-prayoridad sa pondo para sa pampublikong kalusugan upang matiyak na ang mga ito ay nakalaan para sa healthcare at hindi maililipat sa ibang gamit. Nitong Enero lang, tinaas ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro mula sa 4% sa 5%. Ibig sabihin nito ay 5% ng buwanang sahod ng manggagawa ay mapupunta sa PhilHealth. Ang mga nagbabayad ng buwanang kontribusyon ay nasa 500 pesos para sa mga kumikita ng 10,000 pesos pababa, 501 hanggang 4,999 pesos naman para sa kumikita ng 10,001 hanggang 99,999, at 5,000 pesos na para sa mga lampas doon. Sobra-sobra na pala ang pera nila, tinaas pa nila ang porsyento ng buwanang bayarin. Sa halip na itaas pa nila ang kontribusyon ng mamamayan, dapat sana ay nakatuon sila sa kung ano ang mas mapapakinabangan ng mga tao. Binibigyang-pansin dapat ang iba pang serbisyo tulad ng dental care, tulong para sa matatanda, at mga batang nangangailangan. Sa 90 bilyon, higit pa sa sapat ang pondo upang masaklaw ang lahat ng ito, ngunit sa kabila nito, nagmungkahi pa rin silang ilipat ang pera sa mga proyektong hindi nauugnay sa kalusugan ng mga tao. Kamakailan lang, inihayag ng Private Hospital Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) ang 4-6 bilyong piso utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital. Dagdag pa rito, mayroong 14.89 bilyong halaga ng mga bayarin ng 71 na ospital sa ilalim ng Department of Health na dapat bayaran ng PhilHealth. Sa kabila ng mga ito, bakit hindi nila pinagtuonan ng atensyon sa pagbabayad nito? Sobra pa ang sapat na hindi nagamit na pondo para masaklaw ito, at may matitira pa para sa iba pang proyekto na pangkalusugan. Nakababahala talaga na ang pera ng taumbayan ay hindi ginagamit nang tama. Marami ang makikinabang sa 90 bilyong sobrang pondo. Mas nararapat na ilaan ito sa mga nangangailangang mga mamamayan upang higit pang mapabuti ang estado ng kalusugan ng bansa, at hindi sa mga proyektong walang kasiguraduhan. Wala namang mawawala kung hindi maisakatuparan ang mga proyekto na kabilang sa unprogrammed appropriations;dagdag pa rito, maraming buhay ang masasalba kung gagamitin ang labis na pondo para sa kapakanan ng taumbayan at magiging mas makabuluhan at kapaki-pakinabang ang pondo para sa lahat. Malaki ang halaga ng sobra at hindi nagamit na pondo. Sa mahigit 90 bilyong piso, marami na ang buhay na maliligtas at matutulungan. Dapat magkaroon ng mas malinaw na mga patakaran ukol sa paggamit ng pondo ng PhilHealth at mas maayos na pag-uusap sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno upang masiguro na ang mga pondo ay nakalaan sa mga proyektong talagang makikinabang ang taumbayan. Magsagawa rin dapat ang gobyerno ng masusing pagsusuri at konsultasyon upang masiguro ang “transparency at accountability” sa paggamit ng pondo. Sa ganitong paraan, makikita ng

na

Van Erich Elefante

Namamayagpag Mamamahayag

pag-abot ng mga maningning na parangal, isang campus journalist sa Baguio City High School (BCHS), si Shanna Mae Suba Baltazar.

Uhaw na kailanma'y 'di mapapawi

ang lahat. Hindi rin sa paglimbag ng isang buong pahayagan natatapos ang paghibla, dahil lahat ng bagay ay may pinanggalingan at patutunguhan. Hindi nagtatapos ang responsibilidad ng isang mamamahayag sa paghawak ng panulat at paglalahad ng mga impormasyon, kaisipan o kwento. Higit pa rito ang pagiging isang mamamahayag dahil upang maging karapat-dapat para dito, kinakailangan na magkaroon ng pagmamahal sa tunay na halaga ng nasabing propesyon. Marami pang nararapat taglayin at pagdaanang mga pagsubok na siyang magpapatibay sa kakayahan ng isang mamamahayag. Sapagkat, sa mundong ibabaw, anuman ang oportunidad at estado sa buhay, lahat ng nais makamtan ay kinakailangang paghirapan.

"It is because being a campus journalist is not about mindlessly complying with what was expected of me — articles, interviews, etc; instead, it's about wholeheartedly pouring myself into a meaningful service. It's about seeing the purpose of why an event or story must be shared and why it must be valued, " ayon sa isang estudyanteng mamamahayag na pitong taon ang inilaan sa paggalugad ng kabuluhang lakip ng pamamahayag. Ang kahangahangang nagtayo ng bandera para sa mga batang mamamahayag sa kaniyang

Paggising sa natutulog na ningning Isang gintong dulot ng pag-asa at pagsisikap ang nagawang abutin ni Baltazar. Ilan sa kaniyang pangunahing parangal ay ang Most Outstanding Campus Journalists sa Cordillera Administrative Region (CAR), 2024 National School Press Conference (NSPC) Copyreading and Headline Writing (Secondary Filipino) Representative, 2023 NSPC Copyreading Champion at 2023 and 2024 Regional Press Conference (RSPC Copyreading) champion.

Pagtuklas sa kariktang dala ng paglalakbay Lahat ng ito ay may istorya at may pinagmulan. Bawat paghakbang sa paglalakbay niya bilang isang campus journalist ay hindi naging madali ngunit masasabi niya pa ring isa ito sa pinakamagandang desisyon na ginawa niya sa kaniyang buhay. Pinatunayan niyang ang pagsusumikap, pagpupursigi at pananatiling nakatuon sa layunin ay magbubunga sa isang magandang resulta. Tila bunga na kay hirap mang sungkitin, ang kadakilaan namang hatid ay tiyak na higit pa sa kahit anong masidhing hangarin. Ang kaniyang byahe patungong tagumpay ay patunay na ang lahat ay may dahilan at may kahihinatnan.

Mula elementarya na bago pa lamang sa mundo ng pamamahayag, pinili niya nang matuto at manatili sa mundong desididong patuloy na kilalanin. Dito pa lang masisilayan na ang kaniyang katatagan at tila di matibag na dedikasyon. Hindi niya hinayaang mangibabaw ang kaniyang mga pangamba bagkus hinayaan niya ang sarili niya na matuto sa kaniyang mga guro at kapwa mamamahayag na lubos niyang pinasasalamatan. Maging ang mga taong malapit sa kaniya na walang hanggan ang suporta. Sa paraang ito mas nadagdagan at napagtibay niya pa ang kakayahan at kaalamang kaniyang nagsisilbing sandata sa kaniyang paglalakbay. Sandatang kaagapay laban sa mga balakid sa buhay Tila isang madilim na kweba ang pinasok ni Baltazar. Sa pagkuha pa lamang ng entrance exam sa pagpasok sa sekondaryang paaralan ay nakatatakot, nakakakaba, at walang katiyakan. Maraming naging salik upang hindi siya magpatuloy at magpadala na lamang sa mga puwersang humahadlang sa kaniya ngunit nagawa niya pa ring hindi tumigil sa paghakbang tungong tagumpay. Isang mahusay na news writer at copyreader si Baltazar. Ito ang kaniyang mga naging alas upang ipaglaban ang pagnanais niyang makatungtong sa entabladong marami ang nag-aasam. Hindi lamang sa pamamahayag umikot at umunlad ang pananaw ni Baltazar matapos ang sari-saring pinagdaanan, ngunit maging sa buhay na nagpamulat sa kaniya nang importansyang ilan lamang ang may pagkakataong mapagnilayan.

Kampeon ng Kabutihan

ANG 16-ANYOS NA BAYANI NG BAGUIO

LARUANG BUBULAGA

Zoila Basubas

Pagsibol ng serbisyong walang katulad Tunay siyang hinahangaan ng kapwa niya mamamahayag dahil sa kahusayan na kaniyang pinatutunayan gamit ang kaniyang panulat kalakip ng tintang nagbibigay kasiguraduhan sa kinabukasang kaniyang pinipinta. Taong 2023-2024, siya ay nasa ika-12 baitang nang maging isa siyang punong patnugot ng Ang Bagiw. Sa papalapit niyang paglisan, pinagpatuloy niya ang kaniyang tungkulin bilang isang mahusay na estudyante, mamamahayag at bilang isang punong patnugot na isang malaking responsibilidad. Sa kabila ng 'di mabilang na responsibilidad, nanatili siyang mapagkumbaba. Ang kaniyang pagiging punong patnugot sa mga nakababata niyang mamamahayag ay nakapagbigay ng 'di malilimutang kasiyahan na kinapapalooban ng mga aral. Tiyak na ang kaniyang pamamahala ay mananatiling inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon. Pinili niyang ibahagi ang kaniyang kahusayan at karanasan bilang isang punong patnugot, mamamahayag, manunulat, estudyante, at bilang isang modelong "ate" para sa mga taong tumitingala sa kaniya. Pagbibigay inspirasyon sa ngalan ng pamamahayag Sa pamamagitan ng kaniyang tinig at pagsusulat, tiniyak niyang may patutunguhan ang mga aral na kaniyang nalikom; na sana ay ang kaalaman at halagang kaakibat ng pamamahayag ay hindi lamang manatili sa kaniya, ngunit maipalaganap din sa mga mamamahayag na kinabukasan ng bagong panahon. Bagaman hindi madali at napupuno ng pagsubok, lalo na't ang pagiging estudyante ang

isa rin sa kumukuha ng oras niya, nakita niya pa rin ang kahalagahan ng pagsisilbi sa pamamaraang natanggap niya nang siya'y nangangailangan pa. Siya'y naging isang gabay sa kapwa niya mamamahayag lalo na sa mga nakababatang tulad niya noon na minsan ding nangarap. Magiting niyang ipinamulat sa mga ito na darating din ang araw na sila naman ang magbubunyi; araw na mangyayari ang kanilang kahilingan at magagawa rin nilang makapagbahagi ng sariling kuwentong puno ng pag-asa.

“So to my fellow campus journalists out there, especially to my adings in City High, the time will come when your skies will also be the clearest and brightest; when you can also proudly share your journeys as a journalist in the future. What matters is you are consistently holding onto the values of being a journalist, of being the advocator of our vision and mission, to strive for a society that's worthy of light and fairness," mula sa Facebook post ni Baltazar. Pahayag na nagbibigay pagasa sa mga mag-aaral na ngayon ay naglalakbay din at patuloy na kumakapit bilang isang mamamahayag. Isang pagbabago sa pananaw ng mga batang mamamahayag dala-dala ang mga katagang binitawan ni Baltazar. Ang kaniyang paglisan sa BCHS ay hindi ang pagtatapos ng lahat. Simula pa lang ito ng panibagong kabanata sa kaniyang pag-abot ng marami pang pangarap. Tuldok, para sa pagtatapos ng isang kabanata, at panibagong pahina, para sa panimula ng panibagong "balang araw."

Paano kung mabibigyan ka ng pagkakataon at kakayahang makapagligtas ng buhay, bibigyang kahulugan mo ba ito o ipagbabalewala na lamang?

Hindi inaasahan.

Isang normal na araw lang kung tutuusin para kay Juan Carlos “JC” Sumbad, 16 anyos na binata, ang araw na bigla na lamang siyang nagmistulang superhero. Matiwasay na binabaybay ang daan pauwi ng kanilang bahay, sakay ng isang dyip, nang bigla na lamang niyang namataan ang isang matanda na natumba sa daan.

Walang pagdadalawang-isip, dali-dali siyang bumaba ng sinasakyan upang magmalasakit.

Katapangan

Walang ano-ano ay nilapitan niya ang matandang inaatake na pala sa puso, wala na itong malay.

Kahit na may kaba sa kalooban dulot ng takot na baka magkamali, buong tapang siyang nagsagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation o CPR na natutuhan niya sa naganap na Life Skills and Leadership Training 2024 na inorganisa ng Youth-on-Point at Baguio Sangguniang Kabataan Federation.

Limitado lamang ang naging oras niya upang subukang mailigtas ang

64 taong gulang na matanda. Tatlong

ulit niyang isinagawa ang 100 na ulit ng CPR bago tuluyang makarating ang respondeng ambulansya. Nang makarating ang tulong mula sa mga awtoridad, isinugod agad ang matanda sa ospital. Napakalaking tulong ang idinulot ng kabutihang ginawa ni JC dahil ayon sa mga rumesponde, maaaring hindi na umabot pa ng ospital ang matanda kung hindi naging mabilis ang binatilyo. Kabusilakan. Lubos na pagpapasalamat ang ipinahatid ni Victor Chua, anak ng matandang tinulungan ni JC, sa binatilyo. Bilang pagtanaw ng utang na loob, nag-alok si Chua ng perang kabayaran para sa kabutihan ng binata na magalang na tinanggihan ni JC dahil ayon sa kaniya, ang kabutihan ay dapat normal lamang at hindi tingnan bilang isang pambihirang gawain. Kung siya’y makakapanayam, hindi alintana ang kaniyang edad sa galing niyang sumagot sa mga tanong. Sa lalim ng kahulugan ng kaniyang bawat sinasambit, tila ang binata ay marami nang napagdaanan na nakapaghubog sa kaniyang gawi at pag-iisip. Kung papakinggan ay tila may isang mamang nakatago sa loob ng 16 anyos na binata. Pinaghugutan

Sa pag-uusap kay JC, makikita ang lalim ng kaniyang pananaw. Tila isang matandang kaluluwa sa katawan ng isang batang binata. Ang bawat sagot na kaniyang binibigkas ay puno ng kabisaan at malalim na pagninilay. Kung siya’y tatanungin, hindi ito dahil sa pagiging superhero, kundi isang tawag mula sa kaniyang kalooban na magmalasakit at magbigay ng pag-asa sa iba. Tila may mga karanasan siyang pinaghugutan, mga aral na matagal nang natutunan sa buhay at hindi na pinapalampas. Pag-asa ng bayan.Walang hinihinging kapalit, purong kabutihan lamang ang hangad ni JC noong araw na iyon. Para sa kaniya, hindi lang nagkataon na doon siya naidaan ng tadhana, may nakatakdang layunin kung bakit siya naparoon ng araw na iyon. Hindi lamang mga kabataan ang napahanga ni JC sa kaniyang ginawa, maging ang mga nakatatanda ay nabigyan niya ng inspirasyon.

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Iyan ang wika ng ating yumaong bayaning si Jose Rizal at sa kadakilaang ipinakita ni JC, pinatunayan niyang ang mga

Kindness is free and it should be normalized - JC Sumbad
Rhose Emily A. Peria

PAHAYAGONE

Pahimakas:

Aizea Hidalgo

ng panulat ay nauubusan ng tinta, lahat ng istorya ay may huling pahina at lahat ng bagay ay may wakas at umpisa. Ngunit, paano kung ang bawat huni ng mga balita ay magpapaalam na?

na natanggap ng pahayagan. Iginawad noong 2017 ng panglimang beses bilang Best Edited Weekly Newspaper, Best Editorial Page sa ikapitong pagkakataon, Best in Science and Environment Reporting sa ikatlong beses ng Philippine Press Institute sa Manila, at higit sa lahat ay nailagay sa Hall of Fame dahil sa paghakot ng napakaraming karangalan.

Kada umaga hanggang dapit hapon, isang pamilyar na tinig ang ikinakaway ng mga nagbebenta ng diyaryo, na dati’y hinihintay tuwing Linggo, ngayon ay nananatili na lamang sa sulok ng ating isipan na nagmistulang isang bulong ng nawalang kaugalian.

sa paglipas ng panahon. “Nothing is constant except change,” ani Ferdinand M. Hamada Sr. sa isang post sa Midland Courier bilang pamamaalam.

sa loob ng mahigit pitong dekada. Tulad ng paggalaw ng pluma na may daloy ng tintang nagmamarka sa pagsusulat kasama ang determinasyon at sipag ay mahahalintulad sa isang kahangahangang pamilyang Hamada na nagbigay kulay sa isang malinis na papel, papel na may patak ng kanilang luha dala ng lungkot at saya sa dami ng nabitawan at nakamtan ng Midland Courier. Tila’y isang malawak na bulubundukin ang mga karangalan

Sa bawat hakbang patungong tagumpay, paggalaw ng mga pluma sa pagsusulat ng balita, pagtype ng mga salita sa kompyuter, paggamit ng mga papel kung saan magpiprint, lahat ito ay natatapos sa paglalakbay sa mga makabagong bagay.

Habang pumapatok ang digital media, ang print media naman ay parang estatwang naghihintay na muling magningning dahil sa pagbabagong epekto ng pandemya, at paglago ng teknolohiya sa mundo. Ang mga pahayagang tradisyonal ay tila mga dahon sa puno na unti-unting nahuhulog at nalalanta

Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, kumupas man ang tinta ng Baguio Midland Courier, mananatili pa rin naman ang mga balitang tumatak sa puso ng bawat mamamayan. Ang huling pahimakas ng pahayagang ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng kasaysayan at katotohanan sa pagtutok sa mga isyung lokal at pambansa. Kahit na nagbago ang panahon at ang mga teknolohiya, hindi matitinag ang mga alaala ng mga taong nagbasa, nagtiwala, at nakinabang sa mga kuwento at impormasyon na inihain ng pahayagan. Sa bawat pahina, naging saksi ito sa mga laban ng mga ordinaryong tao at sa mga kuwento ng pag-asa at pagbabago. Ang Baguio Midland Courier ay hindi lamang isang pahayagan, kundi isang tala na gumabay sa mga mambabasa sa kanilang pangaraw-araw na buhay, isang paalala ng ating pinagmulan at ang mga hakbang na patuloy na tinatahak tungo sa mas maliwanag na bukas. Ang mga aral at inspirasyon mula sa mga ulat nito ay magpapatuloy sa ating mga alaala at sa bawat henerasyong darating.

Anino

ng nakatagong ngiti

Jyrha Dawan

HAKBANG. Sa mundo kung saan tayo naglalakbay, bawat nilalang ay may sariling dahilan upang galugarin ang layunin ng kanilang buhay na bigay ng Poong Maykapal.

Sa bawat araw na lumilipas at sa panahong kumukupas, sa gitna ng napakaraming tao, lahat tayo’y pinagtagpi-tagpi na parang isang pirasong papel para lamang mahanap ang mga kasagutan sa katanungang nais nating bigyang kahulugan

LANGI’T LUPA. Sa pangatlong palapag ng Senior High Building, matatagpuan ang isang mag-aaral ng Baguio City High School na si Zyra Tampis, kabilang sa Stem 3, 17 taong gulang na tila nakikipaglaro ng langi’t lupa nang dahil sa kaniyang mga pinagdaanan sa buhay. Lumaki siya bilang isang panganay na namuwang nang maaga sa realidad ng buhay, nagsisilbing haligi’t sandigan ng kanilang pamilya. Ngunit paano na lamang kung dumating ang araw na ang unos ng tadhana’y magdudulot ng pagkayanig ng kaniyang mundo?

DESISYON. Taong 2019, kasagsagan ng pandemya, nalaman ng pamilya ni Zyra na ang nanay niya ay may sakit na Stage 5 Chronic Kidney Disease. Halohalong emosyon at pangangamba ang kaniyang nadarama nang ito’y marinig niya. Hindi makausad sa tanong na “Ano na lang mangyayari kapag lumala pa sitwasyon niya, paano na kami?” aniya. Pinanghinaan

ng loob at nawalan ng pag-asa upang harapin ang bagong umaga. Laging hinahalintulad ang sarili sa isang bato na hakot ang lahat ng hinagpis sa katotohanang nagmamatigas para lang makita ng kaniyang kapatid na siya’y puno ng galak pero sa loob, halos lamunin na siya ng pagkalugmok.

Dumating sa punto na ang nagpapakatatag ay napagod din, pinabayaan niya ang kaniyang pagaaral at mas binigyang pokus ang mga bagay na walang kabuluhan.

Sa murang edad naisipan niya ring i-alok ang kaniyang kidney upang hindi na mahirapan ang kaniyang nanay. Kadalasa’y inisip na siya ang may pakana ng lahat nang ito dahil minsan kahit ilan pang ebidensyang ilatag sa kaniyang harapan na hindi siya ang may gawa nito, mas madali pa rin para sa kaniya ang sisihin ang kaniyang sarili.

Sa panahong ito na kaniyang patuloy na hinahakbangan ang bingit ng isang kadiliman na nag-aasam ng liwanag, walang kasiguraduhan kung kakayanin niya pa ba sapagkat siya’y tumayo bilang isang ilaw ng tahanan habang nagpapagaling ang kaniyang nanay, nag-aalaga sa kaniyang kapatid at kasangga ng kaniyang ina sa ospital kasabay pa ng kaniyang

mga dapat tapusing takdang aralin o mga aktibidad sa paaralan. HINAGPIS NG KALAWAKAN. Ang pakiramdam niya’y pasan niya ang pagsubok ng buong sanlibutan. Subalit sa pagiging matapang at palaban ni Zyra sa lahat ng bagyong pilit siyang tinutumba sa laban ng buhay, kasabay ng pagikot ng mga taon, nanatili siyang matatag. Unti-unting nakabangon sa tulong ng mga taong naging inspirasyon niya gaya na lamang ng kaniyang nanay. “Siya mismo ang naging lakas ko, I’ve dedicated everything for her para harapin yung challenges” ani niya. “Since I know na lumalaban si mama shouldn’t give up as well, kung si mama nga patuloy pa rin sa buhay ako pa kaya”, dagdag pa niya. SUPERHERO. Napakaraming paraan upang iparamdam sa mga magulang kung gaano natin sila kamahal. Hindi sa lahat ng pagkakataon maaaring palitan ng pera ang tunay na halaga ng presensya at pagmamahal ng isang anak sa kaniyang magulang na maihahalintulad sa isang tunay na hero ng bawat pamilya.

May hangganan ang lahat, kaya’t huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ang bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang pasan kaya’t huwag magalala, hindi ka nag-iisa sa iyong paglalakbay.

Ani Zyra, “You should set a positive mindset, don’t let the situation hinder you from doing the things that you want and need to do.”

#DISCOVERBAGUIOTuklasin ang Ganda at

Alindog ng Lungsod

bahagi ng La Union at ang napakagandang paglubog ng araw. Sa mga umaga, makikita ang tanawin ng Sea of Clouds na tila karagatan ng mga ulap, nagbibigay ng kapayapaan

mong maranasan ang tunay na aliw at katahimikan, bisitahin ang Wright Park sa Baguio. Kilala ito sa horseback riding, kung saan maraming kabayo ang maaaring rentahan. Nariyan din ang

Lahat
Steven Paris

Dalawang kaso ng Mpox, nakumpirma sa Baguio BANTA SA KALUSUGAN

Dalawang kaso ng Mpox ang kauna-unahang naitala sa Baguio City sa loob lamang ng unang buwan ng 2025 kung saan nagkaroon ang parehong pasyente ng Clade II Mpox variant infection o ‘less severe infection’ kumpara sa Clade I na mas malubha at nakamamatay.

Kinumpirma ng Baguio City Health Services Office ang unang kaso ng Mpox sa lungsod kung saan kinilala ang pasyente na 28 taong gulang na nakumpleto ang isinagawang isolation at naideklarang magaling na nitong Enero 17. Ilang araw matapos inanunsyo sa publiko ang unang kaso ng Mpox, naitala naman ang ikalawang kaso ng 22 taong gulang na lalaki na nakumpiramang walang travel history sa labas ng bansa ngunit may dalawang ‘close contact’ dalawang linggo bago magsimulang makaramdam ng sintomas. Kasalukuyan namang nagsasagawa ang 22 taong gulang na pasyente ng ‘home isolation’ matapos lumabas sa hospital nitong Enero 21, habang pinapayuhan ding magquarantine ang dalawang nakumpiramang ‘close contact’ sa pamatnubay ng mga doktor kahit na ‘asymptomatic’ ang mga ito. Panawagan naman nina Mayor Benjamin Magalong at City Health Officer (CHO) Doctor Celia Flor Brillantes na hindi kailangan magpanic ng mga residente ng Baguio at isagawa lamang ang mga health protocols gaya ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemasks, at physical distancing upang makaiwas sa Mpox.

“There is no need for panic. We just have to do frequent hand-washing, use long sleeves or jackets, avoid exposure to crowds as Mpox can be contracted through skin contact or through contaminated things such as bedding, towels, and the like,” paliwanag ni Dr. Brillantes.

The City Health Service Office (CHSO) clarified that the reported monkeypox death, a 32-year-old male infected with the Clade II variant of the Mpox virus, had not lived in the city for a long time even during the time he contracted and died of the disease.

Samantala, nilinaw naman ni Mayor Magalong at City Health Service Office (CHSO) na hindi sa Baguio nakuha ang Mpox ng 32 taong gulang lalaki na namatay matapos magkaroon ng Clade II Mpox Virus variant, at hindi rin ito nanatili sa lungsod kahit nung siya

ay nakumpirmang nagkasakit at namatay.

“Mayroong taga Baguio na namatay sa Mpox pero hindi niya nakuha ung Mpox niya dito sa Baguio it just so happen na resident siya ng Baguio. Doon niya nakuha [ang Mpox] sa ibang lugar, pero dito pa rin sa Pilipinas,” paglilinaw ni Magalong. Dagdag pa rito, ayon kay CHO Dr. Brillantes na base sa ‘surveillance protocol’ hindi mapapabilang sa tala ng kaso ng Mpox sa Baguio ang kaso 32 taong gulang na lalaki na namatay. Paglilinaw pa niya, ang 28-taong gulang na nagkaroon ng Clade II mpox variant at gumaling, ang unang kaso ng Mpox sa lungsod. Aksyon ng gobyerno Matapos makumpirma ang unang kaso ng Mpox sa lungsod, bumuo ang City Health Services Office (CHSO) ng grupo na tututok sa ‘prevention, detection at management’ ng Mpox. Kasalukuyang nagsasagawa naman ng communication campaign, contact tracing, at pagsasatuparan ng mga pamamaraan para sa case management at transmission prevention ng mpox. Habang nagpatawag naman ang Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ng isang PreDisaster Risk Assessment (PDRA) meeting kasunod ng unang kaso ng Mpox sa lungsod, kung saan ito rin ang kauna-unahang kaso ng Mpox sa buong Cordillera. Ibinahagi rin ni Department of Health (DOH) - Cordillera Administrative Region Nurse V Clark Dizon na binuo ang isang Mpox Task Force para pangasiwaan ang paghahanda at pagtugon sa kaso ng Mpox.

Samantala, nakumpira rin na nagkaroon ng history ng ‘close intimate contact’ ang dalawang pasyente ng Mpox sa lungsod, kaya binigyang diin ng CHSO na maaaring maipasa ang Mpox sa pamamagitan ng ‘close contact activities’ gaya ng pagyakap, paghalik, at pagtatalik, at maaari rin sa exposure sa contaminated na kagamitan gaya ng damit, utensils at iba pa.

Kaliwat Kanan din ang paalala ng

CHSO ukol sa pag-iwas sa Mpox, at mga sintomas nito tulad ng skin rashes o muscle lesions na maaaring tumagal ng dalawa hanggang apat na linggo. Maaari ring makaranas ng lagnat, pagsakit ng ulo, pagsakit ng kalamnan, pagsakit ng likod, mababang enerhiya, at ‘swollen lymph nodes,’ kasabay ng lesions, ang mga taong mayroong Mpox. Pinpayuhan din ang mga residente na pumunta kaagad sa pinakamalapit na health center kapag nakaramdam ng sintomas. Nananawagan din si CHO Dr. Brillantes sa mga hotels, inns, lodges, Air BnBs, at transient houses sa lungsod ng magsagawa ng mas mahigpit na sanitation procedures dahil maaaring maipasa ang Mpox sa pamamagitan ng infected items at frequently touched objects and surface.

Tinukoy din niya na kailangang malabhan at mapalitan kaagad ang mga beddings at towels pagkatapos magamit ng mga guests o clients, at kinakailngan ding magsuot ng facemasks, gloves, at long sleeves ng mga empleyado ng nasabing mga establishemento.

Pinapaalahanan din ang mga food establishments, kasama ang food delivery services na magsagawa ng mas mahigpit na sanitation, at magtalaga ng handwashing area para sa mga customers.

Binigyang-diin ni Dr. Brillantes na ang mga sakay na naghahatid ng pagkain ay dapat sundin ang wasto at madalas na paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos ng paghawak ng pagkain at pera. Muli niyang hinimok ang mga turista at residente na magsuot ng maskara, mahabang manggas, at mahabang pantalon kapag bumibisita sa mga mataong lugar at kaganapan.

Pinayuhan pa niya na laging magdala ng mga hand sanitizer sa lahat ng okasyon at ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay.

Pinayuhan din niya ang mga food delivery riders na laging maghugas ng kamay bago at pagkatapos ideliver ang pagkain at tanggapin ang pera.

Pinag-iingat din ang mga residente at turista na mag-ingat at ugaliin ang pagsusuot ng masks, long sleeves, at long pants kapag bumibisita sa mataong lugar.

UPANG MAHASA ANG TALENTO

BCHS-SPA Media Arts, sumabak sa Digital Illustration Workshop

Steven Paris at Matt Yuno Sarne

Upang malinang ang kaniya-kaniyang talento sa larangan ng sining sa teknolohiya, sumailalim ang 15 piling mag-aaral ng Baguio City High School (BCHS) Special Program in the Arts (SPA)-Media Arts sa Digital Illustration Workshop na pinangunahan ng Cordillera School of Digital Arts (CSDA) kasama ang IBAGIW at IBBY Philippines, Nobyembre 23.

Tampok sa workshop ang iba't ibang estratehiya sa digital illustration gamit ang digital tools mula sa sketching, pagdaragdag ng kulay, iba't ibang klase ng shading at ang paggamit ng reference images upang makabuo ng mga makabagong disenyo ng karakter. Ayon sa isang eksperto na si Redel

Bautista mula sa kumpanyang Adobe, ang mga digital artist ay gumagamit ng mga graphic tablet at software tulad ng Adobe Photoshop o Illustrator upang mag-eksperimento sa mga estilo, kulay, at mga detalye ng kanilang mga disenyo, sa pamamagitan ng digital art, mas madaling mag-edit at mageksperimento, kaya’t mas malawak ang mga posibilidad na tulong kumpara sa tradisyonal na pagguhit. Nakaangkla naman sa temang "Little Eeno, Basic Character Design" ang nasabing workshop, habang kinilala si Jofel Hester Pearl O. Valencia, isang eksperto sa digital illustration na nagsilbing tagapagsalita sa pagbibigay ng kaniyang kasanayan sa fundamental character design, ang paglikha ng

TAPEY-LICIOUS COOKIE BITES

Tapey bilang sangkap sa modernong cookies, tampok sa masustansyang panghimagas

Matt Joel Y. Agcaoili

Sa layuning makagawa ng isang alternatibong panghimagas o pagkaing mayaman sa sustansya na nakatutulong sa pagsulong sa pagpapahalaga sa kultura sa pamamagitan ng mas malusog at makabagong diskarte, sinaliksik

ni Erwin Daniel B. Coga-ay ang proseso upang makagawa ng isang pagkaing nakalilikha ng isang maayos na timpla ng kultural na kahalagahan at kasiyahan sa pagluluto na tinagurian bilang Tapey-licious Cookie bites.

Sa kasalukuyan ay maraming iba't ibang mga pagkain ang matatagpuan sa ating kapaligiran, isa na sa mga ito ay ang cookies. Isang pagkain na kilala sa maraming tao partikular sa mga kabataan.

Dulot ng masusing pananaliksik at paghahanda ni Coga-ay, sa pamamagitan ng paghahalo ng Tapey sa mga cookies, nabuo ang isang produkto na nagdudulot ng mga benepisyo sa ating katawan. Hindi katulad ng mga karaniwang cookies na kadalasang mataas sa asukal at hindi malusog.

Ayon sa Tam-Awan Village website, ang tapey ay isang mahalagang bahagi sa buhay ng Cordillerans. Ito ay isang mahalagang salik na naroroon sa iba't ibang mga ganap gaya ng mga ritwal, kasal, at marami pang ibang espesyal na okasyon. Kapag pinagsama ang tapey at cookies, nagkakaroon ng balanse sa lasa na ginagawang kakaiba at masarap na panghimagas ang pagkaing ito na siguradong makapupukaw ng atensyon at makabubusog ng iyong mga cravings. Itinatampok ng produktong ito ang soft-baked cookie base na nilagyan ng creamy, Tapeyflavored cream cheese; sa paraang pagdaragdag ng Tapey sa cream cheese na topping sa halip na ang cookie base ay nagbibigay dito ng mas malakas at mas masarap na lasa.

Ayon sa ulat ni Coga-ay, “Ang proseso ng paglikha ng cookie na may lasa ng tapey ay naharap sa ilang hamon, kabilang ang pormulasyon ng mga sangkap, balanse ng lasa, at pagkakaparepareho ng dough. Ang pangunahing layunin ay maisama ang tapey, isang katutubong

inuming de-alkohol ng Cordillera, sa isang resipe ng cookie habang pinapanatili ang natatanging lasa nito at nakakamit ang kaayaayang tekstura.”

“Sa unang pagsubok, tatlong iba't ibang dami ng tapey ang isinama sa dough: 1 kutsara, 2 kutsara, at 1/2 kutsara. Mapapansin na ang pagtaas ng dami ng tapey ay nagdulot ng sobrang pagkalikido ng dough na naging mahirap pamahalaan at nagresulta sa hindi magandang pagkakapare-pareho. Ang likidong katangian ng dough ay nagdulot ng hamon sa paghubog ng hugis at laki, at pag-bake ng cookies ayon sa inaasahan. Bukod dito, ang mas mataas na dami ng tapey ay hindi sapat upang magbigay ng makabuluhang lasa ng tapey, dahil ang tamis mula sa orihinal na resipe ang nangingibabaw sa kabuoang lasa. Dahil dito, kailangang bawasan ang nilalaman ng asukal upang mas lumitaw ang lasa ng tapey.” “Sa ikalawang pagsubok, karagdagang mga pagbabago ang ginawa sa pamamagitan ng pagbabawas ng nilalaman ng asukal at pagtaas ng dami ng parehong mantikilya at tapey. Ang pagbabagong ito ay isinasagawa upang mapabuti ang parehong intensidad ng lasa at tekstura ng dough. Gayunpaman, ang pagtaas muli ng dami ng tapey ay nagresulta sa pagiging masyadong likido ng dough na nagiging sanhi ng kahirapan sa paghubog ng cookies at pagkamit ng pareparehong itsura, laki, at hugis ng produktong cookies. Bagaman bahagyang bumuti ang tekstura ng dough nang mabawasan ang nilalaman ng asukal, ang lasa ng tapey ay hindi pa rin lubos na

lumilitaw. Malinaw na habang nakatutulong ang pagbabawas ng asukal sa pagbalanse ng lasa, kailangan pa rin ng karagdagang mga pagbabago upang mapino ang kabuuang resipe.”

“Para sa ikatlong pagsubok, isang makabuluhang pagbabago ang ipinakilala. Gumamit ng sariwang fermented tapey, na direktang kinuha mula sa bigas na sumailalim sa tatlong linggong proseso ng fermentasyon. Ang bersyong ito ng tapey, na mas concentrated at mapait, ay nagbigay ng mas matapang na profile ng lasa kumpara sa naunang likidong tapey. Sa pamamagitan ng pagsasama ng limang kutsara ng fermented tapey na ito, nanatili ang konsistensya at istruktura ng dough at naiiwasan ang pagiging masyadong likido. Ang pagbabagong ito ay nagreresulta sa cookies na may mas malinaw na lasa ng tapey, na nakakamit ang nais na balanse sa pagitan ng intensidad ng lasa at tekstura ng dough. Ang cookies ay may chewy na loob at bahagyang malutong na labas, at ang lasa ng tapey ay malinaw na nalalasahan nang hindi natatabunan ng tamis." Dagdag pa rito, ayon kay Coga-ay, ang Tapey Cookies ay naglalaman ng mga probiotic mula sa fermented rice wine na maaaring magdulot ng pag-unlad ng kalusugan ng ating katawan. Sa tulong ng pinababang nilalaman na asukal nito at paglalagay pa ng mga karagdagang benepisyo sa nutrisyon ay nagawa ang isang produktong nagdudulot ng mga mabuting epekto na tinatangkilik ng mga tao. Isa sa mga suliranin na kaharap

KALUSUGAN

ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang mas pagtangkilik ng mga mamamayan ng Pilipinas ng mga produktong mula sa ibang bansa. Ayon sa pananaliksik ng Kantar Worldpanel's Brand Footprint 2018,ang mga Pilipino ay madalas na mas gusto ang mga pandaigdigang tatak kaysa sa mga lokal, na nagsisilbing hamon sa lokal na ekonomiya. Sa tulong ng Tapey-licious Cookie Bites na mayroong ding layuning suportahan ang mga produkto sa ating bansa maging lokal man o nasyonal. Bukod dito, dahil sa mabilis na pagbabago ng modernong mundo, ang ilang aspeto ng pamana ng Pilipino ay nanganganib na maaaring makalimutan ng mga tao. Dagdag pa rito, binanggit rin ni Baclig (2020) ang pagbaba ng kamalayan ng mga nakababatang henerasyon sa mga lokal na delicacy, na binibigyang-diin ang pangangailangan para sa mga makabagong paraan upang muling ipakilala ang mga tradisyonal na pagkain sa mga nakaaakit na paraan.

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga produktong nagtatampok ng mga kasangkapang puno ng kultura gaya ng Tapey-flavored cookie sa paraang paggamit ng modernong dessert, umaayon ito sa ganitong layunin upang mabigyang tutok ang isang tradisyonal na inumin sa Cordillera na mas lalong nagpapatibay ng pagpapahalaga sa kultura.

Libreng water filtration, ipinagkaloob ng Rotary Club sa BCHS

biswal na anyo ng isang karakter gamit ang mga elemento tulad ng hugis, kulay, at proporsyon.

“I really enjoyed the digital workshop! plan to apply everything I learned to improve my future output. Something the speaker said really inspired me—it was about how creating and improving artwork takes time," saad ni Kian Francis Cedo, isang kalahok sa nasabing kaganapan.

Dagdag pa niya na huwag madaliin ang pagsasagawa nito upang maging

Upang maiwasan ang paglaganap ng kontaminadong tubig at

ang kaligtasan

nagbigay

Baguio (RCCB) sa Baguio City High School (BCHS) na pinangunahan ni Audrey Sungduan, presidente ng RCCB kasama si Committee of Education - Director Rotarian Marissa M. Bomogao. Steven Paris

ng isang solusyon na maaaring magamit hindi lamang sa paaralan kundi sa lungsod. "The main purpose of this is para makatipid din yung mga bata at para maiwasan natin ‘yung mga contaminated water," aniya. Sa kadahilanang ito, mabilisang nalilinisan ang mga non-saline o mga tubig na hindi nahahaluhan ng asin tulad ng tubig sa bukal at galing sa fresh water resources na mula sa ilog, lagoon at sapa. Ayon sa Camachem, naglalaman ng iba’t ibang chemicals ang water filtration gaya ng Carbon, Omicron, Polyphosphate, Oxygen, Sodium Hydroxide, at Calcium Oxide na nagpapanatili ng ligtas at kalidad na pagpapalabas ng tubig. Bukod pa rito, makatutulong ang water filtration hindi lamang sa mga

BYE TIGDAS! Aktibong nagbabakuna ang Department of Health kasama ang klinika ng paaralan upang maiwasan ang tigdas at tetanus.

Water

mag-aaral kundi sa buong school staff at magulang ng mga estudyante sa paaralan.

“This project also aims to provide water not only to the students but also to the parents who visit the school and the school staff,” sabi ni Bomogao Sumasailalim naman ito sa kada tatlong buwan upang malinisan ang loob ng water filtration para sa kapakanan ng bawat mag-aaral na gumagamit nito.

''The water Filtration will be monitored every 3 months for safe keeping and safe water drinking," saad ni Bomogao. Ayon naman kay John Jose Fabro, isang mag-aaral ng paaralan, nakatutulong ang water filtration hindi lamang sa kontaminadong tubig kundi para makatipid ng pera.

‘’Yung Water Filtration here sa school, malaking tulong siya para sa aming mga estudyante. Mas maganda na ito, na naglagay sila ng ganyan here sa school kasi hindi na kami bibili ng tubig pag naubusan kami. I rerefill na lang namin ito,” aniya.

School Based Immunizations, muling binuhay: MR at TD vaccines tinanggap ng BCHS

Matt Yuno P. Sarne at Jam Flores

Nabakunahan ang 615 mag-aaral ng ikapitong baitang ng Baguio City High School (BCHS) ng Measles-Rubella (MR) at Tetanus- Diphtheria (TD) sa

Immunization (SBI) program o ‘Bakuna Eskwela’ ng Department of

Education (DepEd).

Pinangunahan nina City Health Services Office (CHSO) Dr. Celia Flor Brillantes, Hon. Betty Lourdes Tabanda ng Committee on Health, Dr. Soraya Faculo, at School Principal Whitney Dawayen ang programa na may layuning protektahan ang mga mag-aaral mula sa mga vaccine-preventable diseases (VPDs), partikular ang Measles-Rubella, Tetanus, at Diphtheria.

“School-based immunization strengthens this agenda, particularly in ensuring the physical and mental well-being of learners to enjoy learning that is free from health burdens and putting a premium on ensuring a positive learning experience for our learners,” ani Education Secretary Sonny Angara.

“Lagi nating titingnan na bakunado tayo kasi prevention is better than getting these diseases,” ani Albert Jose Sumadchat ng senior health program officer under the Public Health Unit of the DOH-CAR. Matatandaang dulot ng isang nakahahawang virus na Morbillivirus ang tigdas o isang airborne disease na kumakalat kapag ang isang tao ay nalantad sa droplets ng laway mula sa pagbahing, pag-ubo, o pagsasalita ng isang nahawaang indibidwal, na nagdudulot sa pneumonia at encephalitis o pamamaga ng utak. Nagpaalala naman ang DOH ukol sa mga pangunahing sintomas ng tigdas na kinabibilangan ng mataas na lagnat, malakas na ubo, sipon, pamumula at pamamaga ng mga mata, at pagkakaroon ng pantal na karaniwang nagsisimula sa mukha bago kumalat sa buong katawan. "Measles can be a serious disease, so we are fortunate to have the MMR vaccine in our toolbox. Not only can it protect people from getting mumps, measles, and rubella, but it can prevent the complications caused by these diseases," ani Elizabeth MATT SARNE

Batay sa tala ng Epidemiology Bureau ng DOH, nakapagtala ang Pilipinas ng 1,817 kaso ng tigdas mula Enero 1 hanggang Abril 13, 2024 kung saan mas tumaas ito ng limang beses kumpara sa 374 na kaso na naitala sa parehong taon.

Alyssa Angel Gamboa
SERBISYO PUBLIKO
BILANG PRAYORIDAD

DEPENSA’T OPENSA

BCHS Men's Volleyball pinulbos ang Red Robbins

Aizea Hidalgo at Princess Cabanos

Pinulbos ng Baguio City High School (BCHS) Men’s Volleyball Team ang Universityof Baguio (UB) Red Robins sa Mens Volleyball Championships ng Palarong Panlungsod, sa puntos na 20-25, 25-21, 25-15, 25-26, at 15-10 na isinagawa sa PFVR gymnasium, Enero 12.

Unang set pa lamang, nagpakawala na ng kaliwa't kanang spike ang Red Robins, kaya't nakuha nila ang set na ito sa puntos na 20-25. Inagaw naman ng City Highers ang ikalawang set dahil sa sunodsunod na service error ng Red Robins kaya't natalo sila sa set na ito sa puntos na 25-21. Nakuha naman muli ng City Highers ang ikatlong set dahil sa ilang beses na paglabas ng hampas sa bola ng Red Robins kaya naman napanalo nila ito sa puntos na 25-15. Agad namang bumawi ang Red Robins at nagkaroon ng match

point sa 24 kaya naman nakuha nila ang panalo sa puntos na 25-26. Dahil sa pantay na puntos ng City Highers at Red Robins umabot hanggang ika-limang set ang laban para sa tie breaker at hindi naman nagpatalo dito ang mga City Highers at nanalo sa puntos na 15-10.

Ayon sa kanilang team captain, Rhylle Aenzlei Rimando, nakontra nila ang estratehiya ng kalaban at nanalo sa pamamagitan ng pagkapa sa laro ng kalaban at pag-aayos ng kanilang defense at blocking. "Wala kaming pake na natalo kami nung first set kasi alam din

naman namin na maibabawi namin kasi meron yung determinasyon namin na manalo sa isa't isa," aniya. Nasabi rin ng kanilang Head Coach na si Roxanne Mariñas na bilang isang coach kailangan na alam ng mga manlalaro na pinagkakatiwalaan mo sila kahit anong mangyari. Nabanggit din ni ma'am Mariñas na magaling naman ang lahat sa kanila, ngunit ang naging Most Valuable Player nila ay ang team captain na si Rimando dahil sa kaniyang pamumuno, kakayahan, at nag-uudyok sa kaniyang mga kamiyembro.

napasakamay ang kampeonato sa Wushu Sanda Johnwayne Fronda at Sophia Forayang

Naghari si Chaya B. Finmokod ng Baguio City High School (BCHS) sa 52kg Wushu Sanda Competition matapos mapabagsak si Wyllowee Ampoc ng Irisan National High School (IRNHS) sa ginanap na Palarong Panlungsod, Enero 11 Hindi binigyan ni Finmokod ng pagkakataon na makapuntos si Ampoc hanggang napatumba niya si ito at nanalo sa unang round. Matapos magwagi at mapatumba ni Finmokod ang katunggali ay muling nagpaulan ng malakabayong sipa at malalakas na suntok sa ikalawang round hanggang sa manghina at mawala sa kondisyon ang kalaban. Hindi naman nagbigay ng pagkakataon si Finmokod nang nakita niyang nanghihina na

ang katunggali nang siya’y hindi nagpatinag at agad niya itong sinugod hanggang sa tuluyang sumuko ang katawan ni Ampoc dahil sa mabibilis na suntok ng kaniyang kalaban dahilan ng kaniyang pagkatalo. Sa kabila ng pagkapanalo, naging sa hamon kay Finmokod ang kakulangan sa pagsasanay para sa kompetisyon.

“Hindi ko masyadong hinanda ang sarili ko, at yung iniisip ko kasi noong last hindi ako makukuha para sa CARAA pero pinush ako ng mga kaibigan ko

si ang isip ko lang talaga yung magpanalo sa akin sa laban,” ani Finmokod Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pagsasanay bago sumabak sa isang kompetisyon.

“Prepare before you fight kasi hindi mo alam ang mangyayari sa laban, which is pag hindi ka prepared, maraming possibilities na matatalo ka” ani Finmokod. Nagpasalamat naman siya sa patuloy na suporta ng kaniyang mga kaibigan, mentor at pamilya.

“Nagpapasalamat naman ako sa naging supporta ng mga kaibigan ko, pinush nila akong sumali, at yun [yung] nagpanalo sa akin sa laban dahil sa suporta nila” ani Finmokod.

WASIWAS NG TAGUMPAY

BCHS Arnisador, binigwasan ang mga kalaban sa NIAT ‘24; Tawali, bumira ng Gintong Medalya

Steven Paris

Agresibo, pulido at disiplinadong laro ang ipinamalas ng beteranong arnisador na si Shaila Jane Tawali ng Baguio City High School (BCHS), matapos mapatumba ang apat na sunod-sunod na kalaban na naging daan sa pagtuhog sa gintong medalya at mamayagpag sa National Invitational Arnis Tournament (NIAT) 2024, na isinagawa sa Auditorium ng paaralan, Oktubre 6.

Bayla, pumana ng ginto sa 8th Philippine National Para Games

Troy Laurence Chuga

Ayon kay Lubas, walang naging hadlang sa kaniya dahil kinukuha niya ang kaniyang pokus sa pamamagitan ng hindi pag-iisip ng kung ano-ano at kumakanta sa kaniyang isipan. Hindi rin daw naging hadlang ang kaniyang pagiging visually impaired kundi ginawa niya itong motibasyon upang subukang sumali at malaman kung kaya niya ba ito.

“Masasabi ko lang po doon is masaya naman po kasi ginawa po naming lahat ‘yung best namin at least nanalo po kami,” ani Lubas sa naganap na kompetisyon.

Nasabi rin niyang muli siyang sasali sa ganoong kompetisyon upang irepresenta ang paaralan at ang buong lungsod, para rin makisalamuha at magkaroon ng maraming kaibigan. "More competition, more chance na ipakilala ang ating pinanggalingan and more friends na rin" aniya. Kasalukuyan ding nagsasanay sa athletics si Lubas para sa darating na CARAA. City Higher, umasinta ng pilak...

Pinay Chess Prodigy, sinelyuhan ang kampeonato sa 35th ICF Under 1800 Category

Inasinta ng pambato ng Baguio City na si Elizabeth Bayla, 56, ang gintong medalya sa Women’s Compound Open Division ng 8th Philippine National Para Games na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex, Malate, Manila, Nobyembre 13.

Bomogao, wagi sa ONE Friday Fights 86; Baguio pride, nagiwan ng marka sa Muay Thai

Troy Laurence Chuga

Agad na nagpakita si Tawali ng kaniyang diskarte sa pamamagitan ng pagpapakawala ng kaliwa't kanang palo at pag-ilag sa kaniyang kalabang University of Baguio (UB) na naging daan upang makuha ang unang round ng laro. Pagkatungtong naman sa ikalawang round, naglabas naman siya ng counter attack sa kaniyang nakaalitang Santo Thomas National High School (STNHS) dahil sa malalakas na atake nito sa kaniya, ngunit ito ay hindi naging hadlang upang siya ay sumuko at matalo, kaya gamit ang polido at agresibong galaw ni Tawali napatumba niya ang STNHS. Sa ikatlong round, hindi nagpatinag si Tawali sa malupit na oposisyon mula sa Baguio City Science High School (BCSHS), at sa tulong ng mabilis na reflexes, tamang timing, at mabilis na mga palo gamit ang kaniyang baston,

nagawa niyang ma-dodge ang mga atake ng kalaban at talunin ang BCSHS, na nagbigay daan sa kaniyang panalo sa round na ito.

"Mainit ang aming naging laban mas lalo na sa third round, nakakapressure man pero alam ko na kaya ko naman itong ipanalo para sa ating paaralan," aniya. Pagdating ng huling round, hinarap ni Tawali ang pinakamalupit niyang kalaban mula sa Irisan National High School at sa matinding tensyon at kagalakan ng mga manonood, ipinakita niya muli ang kaniyang buong galing sa pamamagitan ng tamang mga palo, mabilis na counter-strikes, at pagiging polido at disiplinado sa kaniyang galaw, na naging susi upang masungkit ang gintong medalya sa kompetisyon.

"Actually, kaya ko ito napanalo kasi nakakuha ako ng ideya sa mga opponents ko ng moves na

puwede kong gawin para makuha

‘yung gold," saad niya. Samantala, nagbigay siya ng mensahe na gustong ipagpursige at magpunyagi sa larangan ng arnis sa mga estudyante tulad niya.

“Kinakailangan lang talaga ng disiplina sa sarili para mas maganda ang resulta at laging tandaan na kung kaya kong gawin maaaring makakaya niyo rin," sabi niya. Dagdag pa niya, ang kaniyang mga tagapag-ensayo at tagapayo ang naging inspirasyon niya sa kaniyang mga laban.

"Sina coach Carther, ma'am Harrieth at especially sir Nico, ang aking mga inspirasyon sa aking mga pagkapanalo sa mga kompetisyon. Dahil sila ang nagpupursigi sa akin na kaya kong gawin ang isang bagay lalo na kung ito ay aking pinaghirapan," aniya.

Naghari ang 12 taong gulang na Pinay Chess prodigy na si Nika Juris Nicolas nang walisin niya ang kampeonato sa Open Under 1800 Category sa 35th International Chess Festival (ICF) sa Galaxy Hotel sa Krakow, Poland, Disyembre 29. Matapos ang torneong ito, nadagdagan ang kaniyang FIDE elo ng 86 points, mula sa 1635 sa 1721. Nakapagtala si Nicolas ng 6 wins at 1 draw o 6.5 points at 2017 na performance score na tumulak sa kaniya upang ankinin ang kampeonato. Naisahan niya sina Kacper Miąso ng Poland na may 1400 elo, Mateusz Waszkiewicz ng Poland na may 1402 elo at Artem Sokolvak of Ukraine na mayroon namang 1000 elo sa unang tatlong round ng torneo. Sinundan niya naman ito ng isang draw laban kay Filip Koroda na mayroong 1725 elo ngunit agad niya itong binawi nang durugin niya sina Arkadiusz Piwowarczyk ng Poland, Nikita Alexeev ng Ukraine and Ali Asgarzada of Azerbaijan na may mga elo na 1779, 1697 at 1653 ng magkakasunod. Si Nicolas ang nag-iisang babae

na ginawaran ng titulong National Master sa halip na ang mas mababang Women National Master. Karaniwang ibinibigay ang titulong ito sa mga lalaki pero dahil sahusay at madalas niyang pagsali sa iba’t ibang boys at open divisions tulad ng Boys' Under-11 division sa National Youth and Schools Chess Championships grand finals noong Hunyo 2023, napatunayan niya ang kanyang kakayahan at karapatan sa prestihiyosong titulo. "Nika is overjoyed because it has always been her dream to compete with the boys," ani Nika de Vega, ina ni Nika. "It was a dream come true for her to get the National Master title and prevail in international tournaments," dagdag pa niya. Samantala, kasalukuyang naghahanda si Nicolas para sa nalalapit na Prague Open sa Europe ngayong taon.

Dikit na agad ang laro sa 72-arrow elimination phase pa lang, dalawang puntos lamang ang pagitan ni Bayla at ni Paris Paralympian Agustina Maximo Bantiloc na may 639 points habang 637 lamang ang nalikom na puntos ni Bayla. Mas lalong humigpit ang laro sa 15-arrow Olympic Round, tila lumusot si Bayla sa butas ng karayom ngunit napagtagumpayan niya ito at nalamangan si Bantiloc ng isang puntos, 132-131. “Mahigpit ang laban namin. Kahit sino puwedeng manalo sa amin,” ani Bayla. Matatandaang nitong 2019 lang ay nanalo rin siya sa ginanap na Recurve Open 2019 edition ng Philippine National Para Games kung saan nakapagtala ng 25 perfect shots at nagtapos sa iskor na 637. Ayon pa kay Bayla, maaari na siyang lumahok sa mga international na kompetisyon. "With my score, qualified na ako sumali sa international competitions," saad niya. Inaasam din ni

Sumipa tungo sa pananaig sa kaniyang debut fight via unanimous decision si Islay Erika Bomogao na tubong Baguio laban kay Fuu ng Japan sa naganap na ONE Friday Fights sa Lumpinee Stadium, Bangkok, Thailand, Nobyembre 8.

Sa unang round pa lang, pinatikim na ni Bomogao kay Fuu ang kaniyang mabibilis na sipa na tumama sa kaniyang mukha at dibdib.

Sa pangalawang round, mas naging agresibo ang Hapon, ngunit ito ang nagbigay ng pagkakataon sa Pilipino para paulanan ang kalaban ng mga sipa.

Binuksan ng pambato ng Baguio ang pangatlong round sa pamamagitan ng isang malakas na sipa sa mukha ng Hapon at isang spinning back fist na gumulat sa lahat ng manonood.

Nagpakita ng suporta ang mga kapuwa Cordilleran ni Bomogao na sina MMA legends Eduard Folayang at Joshua Pacio.

“They’ve given me words of encouragement as my seniors, I’ve watched them since I was small, they were the ones that inspired me, and so their words

was such a big encouragement that really boosted my moral going into this fight,” ani Islay Erika Bomogao sa panayam ni Nick Atkin. Ayon kay Bomogao, siya raw ay “over the moon,” dahil napakita niya sa ONE Championship kung gaano kabagsik ang mga Pilipino. Dagdag pa niya, masaya siya dahil nagpakita siya ng magandang performance na ikinatuwa ng maraming manonood. Pinangalanang No.1 sa rankings ng International Federation of Muay Thai Associations (IFMA) sa 45-kilogram female elite athlete category si Bomogao nitong nakaraang Setyembre. Samantala, wagi rin sa kanikanilang laban sa ONE Friday Fights 86 ang kapwa Pinoy ni Bomogao na sina MMA fighters Fritz Biyagtan at Carlos Alvarez.

Nagpapaulan
malalakas
isinasagawang Torneong Arnis Pambansa, Oktubre 4-5
JAMAICA RAMIREZ
Nhiel Ivan Mapalo
STEVEN PARIS
MARIA SAYSAY
GALAW NG ISANG HENYO
Nhiel Ivan Mapalo
PARANGAL
Hannah Hidalgo at Trigger Aglosolos Mula sa Pahina
LAKAS MALA KAMPEON
TAAS BANDILA

isports

TOMO 80 ISYU 1 | HUNYO - ENERO 2025

WASIWAS NG TAGUMPAY

BCHS Arnisador, binigwasan ang mga kalaban sa NIAT ‘24; Tawali, bumira ng Gintong Medalya.

OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG BAGUIO CITY HIGH SCHOOL - CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

2024 BAGUIO CHARTER DAY WUSHU CHAMPIONSHIP

City High Wushu players, bumida sa lokal na kompetisyon; kumana ng ginto, pilak at tansong medalya

Trisha Mae B. Enkiwe

Sinelyuhan nag Baguio City High School (BCHS) Wushu players ang panalo sa iba’t ibang kategorya sa Wushu Sanda para sa 115th Baguio Charter Day na ginanap sa Lucban Elementary School covered court, Oktubre 4-6.

Kabi-kabilang mga suntok at iba’t ibang sipa ang ipinamalas ng mga City Highers mula baitang 7 hanggang Senior High School na naghatid sa kani-kanilang tagumpay.

Nakapag-uwi sina Jaedan Moris Picsiwen at Layland Alsiyao ng ginto, Anderson Fangki ng pilak, at Jace Khali Longcawe, Dare Jr. Malecdan, at Azriel Edrie Bantali ng tanso mula sa baitang 7 dulot sa kanya-kanyang pagpapamalas ng upper-body strikes habang nakasungkit naman ang mga manlalaro mula sa baitang 8 na sina Stephanie Kyle Lipiano, Jhasmine De Vera, at Canary Kane Bayangan ng ginto, Reylan Chinalpan para sa pilak, at tanso naman kay Orion Cray Apilas.

Sinikwat naman nina Cherheal Starr Lomedio, Leejhon Masedman, at Raya Dizuosa ang ginto habang pilak naman kina Azalia Katriel Milo, Xiviel Bantali, Joelle Penaflor, at Trazy Jazz Aspillaga mula sa ika-siyam na baitang nang maglabas ng iba’t ibang sipa partikular sa itaas at babang bahagi ng katawan ng kani-kanilang nakatunggali.

Nasungkit naman ni Trisha Mae De Vera ang ginto habang tanso naman kay John Rovin Rolluda, parehong mula sa baitang 10, habang parehong naka-ginto sina Chandler Dwayne Pagoli at Richel Ann Mendita ng Senior High dulot ng mga epektibong paggamit nila ng mga depensa at naglalagablab na mga suntok.

Ayon kay De Vera, gold medalist mula sa baitang 10, tagumpay niyang naipagsabay ang pag-aaral at pageensayo na siyang nagresulta sa kaniyang pagkapanalo, lalo na at katatapos lamang ng mga markahang pagsusulit at siya na ring sumabak sa National Kickboxing Championship nito lamang Setyembre 8-14 na nakasungkit ng pilak sa huli.

CityHigh Hurdler, nilundag ang tansong medalya sa Palarong Panlungsod

Troy Laurence Chuga

Tinalon ni Jared Pul-oc ng Baguio City High School (BCHS) ang tansong medalya sa ginanap na 400M Hurdles nang takbuhin niya ang oras na isang minuto at dalawang segundo sa Palarong Panlungsod na ginanap sa Athletic Bowl, January 11.

Sa una ay napunta pa sa pang-apat na puwesto si Pul-oc, ngunit agad din naman itong humabol at tuluyang kinuha ang pangatlong puwesto.

Siya ay nakapagtala ng new personal best time na isang minuto at dalawang segundo na sumobra lamang ng .33 segundo sa oras na naitala ni Levi Ballesteros ng District 9. “And looking back sa mga training na ginawa ko it became the key to push my self at that time and reach a new personal best time,” ani Jared Pul-oc sa isang panayam. Nagpasalamat naman si Puloc sa mga tulong at suporta na ipinakita ng kaniyang coach na si sir Erol Sansano at ng kaniyang mga kasamahan sa laro. Samantala, ayon kay Jared, ang susunod niyang goal ay

ang makasali sa paparating na Batang Pinoy at iba pang mga kompetisyon.

Nagbigay din ng mensahe si Pul-oc para sa mga gusto ring maging hurdler na katulad niya. “Until now kahit malakas sila they still continue to train harder and improve themselves, this reflects to all athletes that we must always be humble and help each other whether they are new or experienced players,” ani Jared Pul-oc.

Nasungkit din ni Pul-oc ang bronze medal sa 100M Hurdles finals na ginanap nitong January 10. Ang mga nanalo na manlalaro sa Palarong

Panlungsod ang kakatawan sa Baguio para sa Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) 2025.

City Higher, umasinta ng pilak sa Paralympics 2025

umana ang first timer na visually

Higher Kenelly Lubas ng dalawang pilak na medalya sa Visual Archery ng 8th

Tignan sa Pahina 19

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.